Kulang ako sa tulog kasi binangungot ako sa kakaisip kay Riz. Pero ayos lang naman! Hindi naman ako na-late sa aming NSTP. Nauna nga lang siyang nakarating sa Manila Bay, kung saan mag-cleaning drive kami as NSTP.
Malayo pa lang ay nginitian ko na si Riz. Ngumiti rin siya sa akin. Wala siyang idea na kagabi ay tumakbo siya sa isip ko ng ilang oras.
"Antagal mo naman! Di mo na naabutan ang sunrise." sabi niya.
"Di bale na... sasamahan mo naman akong abangan ang sunset... mam'ya." Ngumisi ako. Then, hinintay ko kung mag-rereact siya.
"E, ano ba talaga ang gagawin natin mamaya?" pasigaw niyang sagot. Nakapamaywang pa siya. Pero, ngumiti pagkatapos. "Sabi mo... sasamahan kitang maghanap ng pagtutugtugan."
"Pwedeng pareho?'' Nagpacute pa ako para di na siya magalit.
"Hmp! Kainis ka! Sana dinala mo ang gitara mo... Para habang hinhintay natin ang sunset, tumutugtog ka."
Napakamot ako sa ulo. Naisip ko na iyon kanina. Kaya lang naisip ko ring baka mapapagalitan lang ako ng instructor namin. Abala sa paglilinis namin.
Pagkatapos ng NSTP namin, naglakad-lakad kami ni Riz para maghanap ng mga vacancy para sa mga musician at performers. Mahaba-haba rin ang narating namin pero wala kaming nakita. Nakakapagod kung tutuusin pero hindi namin iyon nasambit at naramdaman. Masaya kasi kaming nagkukuwentuhan habang naglalakad. kulang na nga lang ay magholding hands kami para kompleto.
"Salamat... Riz!" sabi ko habang nakaupo kami sa seawall ng Manila Bay. Kararating lang namin mula sa paglalakad-lakad.
"No probs, Red! Basta ikaw."
Nakaka-inlove ang sunset. Totoo nga pala ang nababasa ko at mga napapanuod ko. Mas lalong tumindi ang pagmamahal ko kay Riz.
"Pwede ba tayong bumalik dito... bukas?" alumpihit kong tanong.
Nag-isip siya ng ilang segundo. "Sure. basta wag mong kalimutan, ha?"
"Oo!" Alam kong ang gitara ang tinutukoy niya. Mas pabor sa akin iyon.
No comments:
Post a Comment