Followers

Sunday, August 2, 2015

BlurRed: Gitara

Pagkatapos naming magsimba, nag-request ako kina Mommy at daddy na umuwi na agad kami. Dapat sana kasi ay kakain pa kami sa labas. Mas pinili kong umuwi lang. Idinahilan ko na sawa na ako sa mga pagkain sa fast food. Pumayag naman sila. 

Ang totoo, gusto ko lang maggitara. Kailangan ko kasing mag-aral ng iba pang kanta para kay Riz. Nais ko siyang kantahan nang kantahan kapag may free time kami bukas sa school. Ang gitara at ang boses ko lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Marahil, ang mga ito naman ay maaapreciate niya. Naalala ko nga kahapon nang kami ay nasa Manila Bay. Hindi man niya aminin, alam kong kilig na kilig siya habang ginigitarahan ko siya't kinakantahan.

"Maghapon ka nang naggigitara, nak, ah. Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Daddy, bandang alas-singko ng hapon.

Hindi ako huminto sa pag-strum. Tiningnan at nginitian ko lang siya. 

"Oo nga, Red! Pahinga ka na. Unless, may gig ka na.." singit ni Mommy.

Huminto ako. "Wala pa po. Inihahanda ko lang ang mga piece ko para kung makahanap man ako, ready na." Ipinasok ko na sa kuwarto ang gitara. "Gusto ko nang makabili ng bagong gitara." sabi ko, pagbalik ko sa sala.

"Bakit? Okay pa naman, ah." si Daddy.

"Maayos pa naman po, pero may nakita kasi akong gitara sa mall. Astig!"

"E, di... pag-ipunan mo.'' payo ni daddy tapos, tinalikuran na niya ako para magsimulang maghanda ng hapunan. 

Ang musika ang buhay ko kaya patuloy akong aawit at iibig. Hangad ko namang mas maganda ang aking instrumento para makabuo ako ng musikang magpapaibig kay Riz. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...