Followers

Saturday, June 10, 2017

Baldo at Patrice (collab with john kenneth)

“Kailanman ay hindi hadlang ang anumang estado upang masukat ang kakayahan ng isang tao.”

Nagising ako sa isang napakainit na sikat ng araw. Kaagad akong bumangon upang sumilip pansamantala sa bintana.

"Magandang umaga!" ang magiliw kong bati sa mga halamang nakapaligid sa aming hardin. "Kumusta kayo, mga halaman?" nakangiti kong tanong sa mga ito.

Nakita kong ngumiti rin ang mga bulaklak sa akin. Kumaway naman ang mga paruparo.

"Vlad, bumaba ka na diyan. Narito ang kaibigan mo." Narinig ko ang sigaw ng nanay ko mula sa ibaba.

"Opo, pababa na po ako." Agad akong nagtungo sa banyo upang makapaghilamos at makapag-ayos bago humarap sa aking bisita.

"Ikaw pala, Patrice. Magandang umaga!" bati ko nang humarap ako sa aking bisita. Pinasilip ko pa ang magandang ngiti ko sa aking matalik na kaibigan.

“Magandang umaga rin, Vlad! Gusto ko sanang magpasama sa 'yo, kung hindi ka busy." Kiniskis na naman niya ang kanyang palad sa kanyang binti, gaya kapag nahihiya siya.

Napangiti uli ako. "Bakit, nakakahiya ba ang sinabi mo? Saan ba tayo pupunta?"

"Alam mo bang may bagong gawang hardin sa park? Ang ganda!" Nabawasan ang pagkiskis niya ng kanyang palad sa binti. "Sigurado akong maa-appreciate mo 'yon."

Binigyan ko ng matamis na ngiti ang kaibigan, bago ako nagsalita. "Aakyat ako sa bundok. Gusto kong mapag-isa."

Walang ano-ano, tumayo si Patrice. "Mapag-isa? O iwasan ako? Vladimir naman... ilang linggo mo na akong iniiwasan. Bakit ba?" Naghintay siya sa isang kasagutan. Ngunit, malalim na buntong-hininga lang ang kanyang narinig. Umupo siyang muli. "Nagbago ka na nga. Hindi na ikaw ang Vladimir na nakakausap ko at nasasandalan ko sa oras na bagsak ako."

"Pat, hindi mo ako maintindihan..."

"Paano kita maiintindihan? E, inilalayo mo ang sarili mo sa akin?"

"Minsan, may mga bagay talaga na hindi natin maunawaan. Madalas pa nga, sarili mismo natin ang makakahanap ng mga kasagutan sa ating mga katanungan..."

"Kung ilalayo mo ang loob mo sa akin, sana namuhay ka na lang sa nakaraan. Patuloy mong iniluluklok ang sarili mo sa pag-iisip... I better leave. Paalam." Mangiyak-ngiyak na lumayo si Patrice.

"Pat! Pat, sorry..."

Huminto si Patrice sa may pintuan. "If you need me, nandito lang ako. Kaya kitang samahan sa past, present, and future mo."

Naiwan akong nakamaang. Mas gumulo ang isipan ko. Pero, napakalinaw sa akin ang panaginip na madalas gumulo sa aking pagtulog. Alam kong nababalewala ko na si Patrice. Hindi ko na nabibigyan ng atensiyon ang matalik kong kaibigan lalo na't may babae sa panaginip ko ang nais kong makilala.

"Bakit kaya gano'n si Pat?" paulit-ulit na tanong ko sa aking sarili, habang tinatahak ko ang lumang baryo, na hindi lingid sa aking kaalaman ang bumabalot na mahika sa lugar na iyon. Ayon ito sa madalas kong marinig sa mga usap-usapan sa aming barangay.

Sa may 'di kalayuan, pinulot ko ang isang bato at akmang ihahagis iyon, ngunit bago ko pa man iyon magawa,. kaagad akong nasilaw sa liwanag na hindi ko mawari kung saan nagmula. Wala akong kamuwang-muwang na ang lugar na nilalakbay ko ay ang lugar na tinatawag na 'pinagmulan.'

"Hijo, halika... Huwag kang matakot," anang isang hindi kilalang boses.

Alam niyang boses iyon ng isang matanda, ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi  nakikita ng kaniyang dalawang mata ang nagsalita. Bahagya siyang napaurong.

"Hijo, Vladimir, halika... Lumapit sa akin."

Kumunot ang noo ng binata dahil sa halo-halong emosyon. Napalinga-linga pa siya upang tiyakin kung nasaan ang nagsasalita. "S-sino ka? P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?" naguguluhang tanong niya sa boses na narinig kanina lamang.

Nasaksihan ng paligid ang pangyayari,  ngunit ang katanungan sa aking balintataw ay isang malaking palaisipan.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin.  Lumamig ang paligid, na waring may nais ipahiwatig. Mababanaag siguro sa hitsura ko ang labis na pagkamangha sa aking nasaksihan. Para akong tinatangay sa hindi maipaliwanag na paraan.

Walang ano-ano, sinimulan kong humakbang paunti-unti. Subalit, naramdaman kong parang may sariling ritmo ang bawat kilos ko. Tinatagan ang aking loob. Alam kong bahagi iyon ng misteryong bumabalot sa Pinagmulan.

Muli kong narinig ang pagtawag sa aking pangalan. "Bakit mo ako kilala?" Saglit akong nakinig at nakiramdam, ngunit wala akong sagot na narinig. "Nandito ka pa ba? Yohooo!" muling tanong ko, subalit wala pa ring tinig akong naulinig. Kaya, umupo na lang ako sa isang bato. Sa aking pagkakaupo, bigla akong nakaramdam ng panghihina. Marahil, nahapis pa ang aking mukha.

"Huwag kang mangamba, sapagkat narito lang ako."

Dagli akong lumingon. At, sa aking pagharap, nakita ko ang matanda--- isang matanda, ngunit hindi halata.

"Huwag mong hayaang dalhin ka ng tadhana pabalik sa iyong nakaraan," wika ng misteryong lalaki. Tila nanggagaling sa balon ang tinig niya.

Napamaang ako. Alam kong simpleng mga salita lang ang tinuran ng matanda, ngunit mayaman naman iyon sa mga pangaral --- pangaral na kahit kailan ay hindi mananakaw ng kahit na sinuman.

"Ano po ang ibig ninyong sabihin? Na hindi ko na kailangang hanapin ang tadhana?"

Dumilim ang paligid. Tanging nakakasilaw na mga mata ng matanda ang nababanaag ko.

"Ano po ang nangyari, Lolo?" Nag-apuhap ako ng bagay na makakapitan dahil pakiwari ko'y umiikot ang paligid. Nawala na rin ang liwanag mula sa mga mata ng matanda. "Bakit wala akong makita?"

Pagkuwa'y isang malakas na hiyaw ang aking pinakawalan dahil tila nahulog ako sa isang madilim at malalim na balon. Mahabang minuto akong sumisigaw. Nakatulog ako sa sobrang tagal ko sa madilim na kawalan. At, pagkatapos, namalayan ko na lamang na nakaupo pa rin ako sa bato. Ang liwanag sa lampara ang una kong nakita.

"Lo?"

Unti-unting lumiwanag ang mukha ng matanda sa aking paningin.

"Ang nakaraan ay isang madilim na kawalan. Kung nais mong matagpuan ang iyong hinahanap, ang lamparang ito ay siyang magiging gabay mo.

"Po? Hindi po ako maghahanap kapag gabi na. Siyempre magpapahinga na ako pagsapit ng dilim."

"Apo, hindi lahat ng nasa liwanag ay iyong nakikita. Hindi rin lahat ng madilim ay mahirap makita..." Iniabot niya sa akin ang lampara. "Limitado ang kakayahan nitong magbigay ng liwanag, pero ang kakayahan mong pagningasin ang iyong landasin ay hindi kailanman mauubos. Humayo ka sa iyong paglalakbay. Marami ang panganib sa iyong daraanan, ngunit sa kabila niyon ay ang kasagutan. Mag-iingat ka, apo."

Pagkasabi  niyon, biglang lumamlam ang sindi ng lampara. Kasabay niyon ang paglaho ng matanda.

At, natanaw ko nga ang lugar na tinatawag nilang Pinagmulan. Walang pag-aalinlangang tinahak ko ang landasing iyon, ngunit hindi ko naman kinalimutan ang mga pangaral ng nakilala ko kanina lamang.

Sa aking paglalakbay, nakasalubong ko ang isang dalaga. "Pat, wait! Hintayin mo ako." Hinawakan ko siya sa braso.

"I'm sorry... I'm not Pat. Excuse me," anang dalaga, na kaagad namang tumakbo.

"Pat, please, ayusin na natin ito, o," pagsusumamo ko, ngunit sadyang magulo ang isipan ko. Kaya, napahinto na lang ako, habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paglaho, gaya ng alikabok.

Muli akong humakbang. Ramdam ko na ang init ng silahis ng araw. Lumalamlam na rin ang aking paningin. At, tila mabakong kalsada na ang aking lalamunan. Ninais kong uminom ng tubig at magpahinga. Kaya, sa isang malilim na bahagi ng baryo, lumiko ako. Natanaw ko ang batang lalaki, na nasa sampung taong gulang. Nakadukwang ito sa balon at parang may inabot. "Bata, ano'ng ginagawa mo?" tanong ko. Nakita kong bahagyang nagulat ang bata at halos mahulog ito sa balon. "Maaari ba akong sumaklop ng tubig upang mapawi ang aking uhaw?"

Kumurba ang mga kilay ng bata. "Sandali..." Hinila niya lubid pataas hanggang maabot niya ang tabi.

Napalunok ako ng laway nang inabot niya sa akin ang tabo, na may lamang kahalating tubig. Nang iinom na ako, naitapon ko iyon dahil halos mahalikan ko na ang kulugohing palaka.

Tumawa nang tumawa ang bata, habang tinatanaw ko naman ang paglundag-lundag ng palaka. Lalong nanikip ang lalamunan ko.

"Baldo, Baldo!"

Napalingon ako sa parating na ale. May bitbit itong maliit na timba.

"Baldo, nasaan ka? Ang tamad-tamad mong bata ka. Puro ka laro. Ni hindi mo man lang kami matulungan ng ama mo." pinulot niya ang tabong may lubid at inihulog iyon sa balon. Nang angatin niya ang tabo, napamura ang nanay. "Baldo, Baldo, pinaglaruan mo na naman ba itong balon? Halika na rito. Punong-puno na talaga ako sa 'yo!"

May naalala ako nang matanaw ko si Baldo, na humahagikghik sa likod ng puno. Katulad ko rin siya noon. Pilyo. Tamad. Adbenturero. Mahilig sa mga magtago, tumakas, at mag-isa.

Nang hindi lumapit ang bata sa ina, wala itong nagawa kundi ang sumalok ng kulay-tsokolateng tubig mula sa balon. Bahagya akong napaurong nang makita kong naging mas malinaw pa sa kristal ang tubig na ibinuhos niya sa kanyang timba.

"Naku, bata ka... Mapapalo ka na naman ng tatay kapag isinumbong kita. Kaya kung ako sa 'yo, sumunod ka na sa akin," malakas na wika ng ina. Halata kong ipinaparinig niya talaga kay Baldo, na agad namang nakaakyat na sa puno.

Hindi ko na namalayan ang pagkawala ng ale. At, sa sobrang uhaw ko, sumalok ako ng tubig. Pikit-mata kong hinigop ang malabong tubig, mapawi lamang ang tigang kong lalamunan. Muli akong humigop mula sa tabo dahil matamis ang panlasa ko niyon. Ngunit, animo'y nag-iba ang boses ko. Kaya, tinawag ko ang bata. Nagboses ibon ako. Malaking ibon. Parang agila.

Muli kong sinubukang magsalita, ngunit ganoon pa rin ang boses ko. Natakot sa akin si Baldo, kaya umakyat pa siya. Naglaglagan ang mga dahon at nagliparan ang mga ibon sa puno. Maya-maya, narinig ko ang malakas na hiyaw ng bata at nabanaagan ko siyang kumakawag-kawag sa himpapawid, habang nakasabit ang kanyang damit sa tuka ng malaking ibon.

"Baldo?!" Bumalik ang boses-tao ko. Inakma ko pang habulin, ngunit nawala na sila sa aking paningin. Sinusog ko na lang ang bahay ng bata upang ipaalam sa kanyang ina ang nangyari.

Tinahak ng mga paa ko ang kinaroroonan ng barungbarong, kung saan agad kong natanaw ang ina ni Baldo. Wari ko'y naglalaba siya. Lumakad pa ako palapit.
"Tao po! Tao po!" hiyaw ko mula sa tarangkahan. Ngunit, parang wala itong naririnig. Kung kaya't minabuti ko na lamang pumasok sa mumunting bakuran nila.

Mayamaya, basang-basang kamay ang nagpapitlag sa akin, dahil naramdaman ko iyon sa aking balikat. Agad akong humarap. Bumungad sa aking harapan ang ina ni Baldo.


"Sino po sila? Ano ang kailangan ninyo, ginoo?" tanong naman nito sa akin.

"Magandang umaga po! Kayo po ba ang magulang ni Baldo?" nangingilabot na untag ko sa kaharap ko. Pawis na pawis na ang aking mga kamay. Hindi ako mapakali.

"Oo, ako nga. Bakit?" Kapansin-pansin ang biglaang pagtaas ng tono ng boses ng ale.

"Si B-Baldo po kasi," nauutal na wika ko. Hindi ko masabi ang nais kong sabihin. Tila may kung anong bagay ang pumipigil sa aking pagsasalita.

Nakaabang ang babae. Natanggal na nga niya ang bula sa kanyang mga kamay.

"Nawawala po."  Sa wakas, nasabi ko na. Nakahinga ako nang maluwag.

Bahagya namang kumunot ang noo nito't tumaas ang kilay. Pagkatapos, natataranta siyang umikot sa akin

Nang mga sandaling iyon, unti-unting bumabalik sa aking alaala ang aking ina. Naisip kong katulad ng aking ina ang ina ni Baldo--- mapagmahal na may pagkaistrikta nang kaunti. Nakita at naramdaman ko iyon sa paraan, kung paano nag-aalala ang isang ina sa kanyang nawawalang anak. Ganoon ko maihahalintulad ang aking ina.

Sadyang mapagmahal ang mga ina. Kung kaya't dapat matagal ko na palang ipinadama iyon sa kanya. Bakit ngayon ko lang na-realize? Bakit nga ba, kung kailan huli na, doon tayo nagsisisi?

Natauhan ako sa nang pumasok sa aking isipan ang aking ina. Ang dami ko na palang nagawang pagkakamali. Ang dami ko palang dapat itama. Bakit nga ba hindi ko iyon naisip kaagad? Maraming pagkakataon na ang nawala. Mahabang panahon na rin ang nasayang.

Doon ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko. Dagli kong pinunusan ang aking mata.

"Ma, I'm really sorry."

Nakayuko lamang ang kanyang ina, habang umaalsa ang mga balikat.

"I'm really sorry... Babalik po ako, pero kailangan ko munang ayusin ang mga gusot na nagawa ko. Sana po ay maintindihan niyo ako."

Tumingin lang sandali ang aking ina at agad ding nagbaba ng tingin.

"Pangako po, hahanapin ko kayo. Pero, sa ngayon, marami na akong natutuhan," sabi ko. Pinunasan kong naman ang aking pisnging nabasa ng luha.

Tinitigan na ako ni Mama. Puspos na siya ng luha.

"Sana... hindi pa ako huli. Sana hindi pa huli ang lahat, Mama..."

"Mama? Hindi ako ang Mama mo, ginoo. Ako si Cresencia. Ang anak ko lang ay si Baldomero."

Kumurap-kurap ako. Nang luminaw ang aking paningin, ang ina ni Baldo pala ang kausap ko.

"Paumanhin po. Naalala ko lang ang aking ina."

"Ganoon ba? Ang hinuha ko, napagod ka nang husto sa iyong paglalakbay? Nais mo ba ng tubig na maiinom?" Bigla akong nauhaw. Katulad nga siya ni Mama. Kahit hindi ako magsalita, alam na niya kaagad ang nasa loob at nasa isip ko. "Sige po. Pero, hindi niyo po yata ikinagulat ang balita ko."

"Sandali lang, ginoo..." Tumalikod na si Aling Cresencia.

"Vladimir po," pahabol ko.

"Sige, Vladimir... ikukuha muna kita ng tubig."

Bago ko pa nakitang nakapasok sa kanilang dampa si Aling Cresencia, isang malaking anino mula sa kalawakan ang dumaan sa aking harapan. Nang tumingala ako, natanaw ko ang kawangis ng malaking ibon na dumagit kay Baldo. Naitanong ko sa aking sarili kung iyon din kaya ang kumuha sa kanya.

Sinundan ko pa iyon hanggang sa labas ng bakuran ni Aling Cresencia.

"Vladimir, saan ka pupunta? Heto na ang iyong tubig," sigaw na tawag ng ina ni Baldo. Hawak niya ang basong yari sa kawayan.

Nang makalapit ako, agad kong inabot ang tubig at nagpasalamat. Hindi ko iyon ininom dahil napansin kong kulay putik ang laman ng baso. Naalala ko ang balon. "Aling Cresencia, kailangan na po nating iligtas si Baldo! Kinuha po siya ng malaking ibon. Doon! Doon ko po siya huling nakita," taranta kong sumbong.

Halos hindi matigil ang tawa ni Aling Cresencia sa tinuran ko. "Isa ka rin pala sa mga nauuto ng anak ko. Naku, pasensiya ka na, Vladimir. Ganoon talaga ang anak ko. Pilyo. Madalas tumakas sa lahat ng bagay at gawain. Mapaglaro. Mapanlinlang. Hay, naku, nakakasawa na ngang unatin. Minsan, hinahayaan ko na lang. Pero, Diyos ko, Vladimir, alam ng Poong Maykapal kung paano ko siya pinalaki. Dasal ko lagi sa Kanya ang kanyang pagbabago..."

Humihikbi na siya. Naisip kong muli si Mama. At, para ring narinig ko na ang litanyang iyon.

Isang araw, naglayas ako sa bahay dahil gusto ng mga magulang ko na mag-aral ako nang mag-aral para matupad ko pangarap nila sa akin na maging doktor ako. Ayaw ko niyon dahil gusto kong maglakbay. Gusto kong umakyat sa mga bundok. Gusto kong tumira sa gubat. Gusto kong pag-aralan ang mga halaman, puno, bulaklak, insekto, at  hayop doon. Gusto kong nasa malayong sibilisasyon ako.

Naglayas ako, pero agad namang akong bumalik. Hindi ko pala kaya. Sa pagbalik ko, naabutan kong umiiyak ang aking ina. Kausap niya ang mga magulang ng kalaro kong nilagyan ko ng palaka ang kanyang blusa, gayundin si Patrice

Nasa likod ako noon ng mga halaman. Dinig na dinig ko ang litanya ni Mama. Aniya, "Isa ka rin pala sa mga nauuto ng anak ko. Naku, pasensiya ka na, Patrice at mga mare at pare. Ganoon talaga ang anak ko. Pilyo. Madalas tumakas sa lahat ng bagay at gawain. Mapaglaro. Mapanlinlang. Hay, naku, nakakasawa na ngang unatin. Minsan, hinahayaan ko na lang. Pero, Diyos ko, Vladimir, alam ng Poong Maykapal kung paano ko siya pinalaki. Dasal ko lagi sa Kanya ang kanyang pagbabago..."


Thursday, June 1, 2017

Ang Aking Journal -- Hunyo 2017

Hunyo 1, 2017 Maaga akong pumunta sa school para sa PPT ko. Marami lang istorbo kaya halos hindi ako makapag-focus. Na-stress pa ako nang mabasa ko ang contract ng Vibal para sa speaking engagement ko. Dapat kong gawing original ang powerpoint ko dahil nakasaad doon. Gayunpaman, happy ako sa oportunidad na ito. Past 2, kinausap ako ng principal about SPA at journalism. Sa ikalawang pagkakataon, tinanggihan ko siya. Ayaw niya lang alamin mula sa akin kung ano ang pinagmulan niyon. Gusto niya lang na mag-move on na ako. Tulungan ko raw ang school at mga bata. Ako raw ang gusto niyang humawak ng posisyon. Dahil sa mariin kong pagtanggi, nasabi ko tuloy ang ilan sa mga activities ko before and present. Kulang, pero alam kong nagkintal sa isipan niya. Nasabi ko ring hindi ako after sa promotion, na kapag tinanggap ko ang isang posisyon ay ginagawa ko ang 100% best ko, at masaya ako sa mga activities ko sa labas ng school. Kung alam niya lang talaga ang katotohanan... Past 7 ako nakauwi. Pagod na pagod, pero hindi ako nagpahinga agad. Tinapos ko ang PPT. Nagpatulong din ako kay Emily sa paghanda ng mga materials ko for the activities. Past 10 ako nakapagpahinga. Hunyo 2, 2017 Masyado akong napaaga ng dating sa Blessed Mary Academy. Past six pa lang ay nakapag-almusal at nahanap ko na iyon. Kaya lang, nakausap ko ang guard. Sarado pa raw. Pauwi pa lang siya. Pinabalik ako ng quarter to 8. Okay lang naman. May advantage at disadvantage talaga ang pagiging punctual. Tumambay ako sa KFC malapit doon. Mabuti at may signal ang wifi ko. Nang nasa loob na ako at habang hinihintay na ang pagdating ni Sir Gerald-- ang representative ng Vibal Group, walang teachers o empleyado doon na lumapit sa akin. Ako na ang nag-approach sa isang may edad na babae. Ang hula ko principal siya. Tama ako. Akala raw niya ay magpapa-enroll lang ako. Agad naman akong in-entertain. Hiningian ako ng CV. Mabuti na lang nadala ko ang copy. Agad namang nagsimula ang talk ko after niyang magawa ng draft ng introduction sa akin. For the first time, na-introduce ako gaya ng ginawa ng principal. Nakakataba ng puso. Ang sarap pakinggan. Feeling ko achiever na nga ako. Gayunpaman, nanginginig akong humarap sa kanila. Kaya iminungkahi kong magkaroon kami ng energizer. Hindi naman ako makapagsayaw ng maayos dahil nahihiya ako. Active participanats naman sila. Groupings.at yell pa lang, nakita ko na ang participation nila. Kaya lang habang paiusad ang lesson ko, sinabi nilang iwasan ko ang pagkuwento ng about sa experiences ko sa school, which they think not needed para sa topic. Gusto nila ng direct to the point at gusto nilang malaman agad ang ways para ma-integrated ang technology sa isang technology, which is not going to happen kasi discovery learning ang gagawin ko. Besides, nasa later parts pa ang mga hinahanap nila. Masyado lang silang atat. Nasaktan ako sa ginawa nila. But, nag-apologize pa ako. Ipinaliwanag ko why I have to streatch my topic. Usually kasi one to two hour lang ang talk na alam ko at nagawa ko. Then, I proceed. Iniwasan ko ang magbanggit about me and my experiences, but mayamaya nagtanong sila tungkol sa school. Natawa ako. "Ano ba talaga?" kako. At, ang mga sumunod na pangyayari ay isang makabulihang discussion, lalo na nang magpalabas ako ng ng youtube videos. Na-enjoy na nila ang topic ko dahil unti-unti na nilang nauunawaan na wala naman talagang standard o template o perfect na integration. It is the teacher's responsibility to discover and develop their own. Natutuwa rin akong maramdamdaman na interesado sila sa books ko. Nais rin nilang magawa ang nagawa ko sa klase ko. Saktong-saktong twelve noon nang matapos ang talk ko. Nakapag-photo op pa ako with them. Pumunta agad ako sa school. Naabutan ko pa ang talk ni Papang at ang distribution of certificates. Nakatanggap din ako ng early bird prize dahil lagi akong maaga sa INSET. Past 4, nag-treat ako sa KFC, kasama ang 1000+ group. Iyon ay bilang pasasalamat kay Ms. Kris sa pag-recommend niya sa akin sa Vibal at sa support nila sa akin. Hindi pa man ako nabigyam ng certificate at PF ng Vibal, alam kong darating iyon. Kinuha na nila ang account ko. Okay lang din kahit namigay ako ng limang books sa BMA. I know, may mabuting maidudulot iyon in due time. Kahit paano may natira sa akin. Past 7 na ako nakauwi. Pagod na pagod at antok na antok na ako, pero I'm very happy sa mga pangyayari sa araw na ito. Napasaya ko rin si Emily nang binigyan ko siya ng P500 as balato, I mean, as pasasalamat sa support niya at pagtulong sa pag-prepare ng mga materials at isusuot ko. Hunyo 3, 2017 Hindi sana ako pupunta sa school dahil gusto kong magpahinga, kaya lang naisip ko ang ilan pang gagawin sa classroom, like pag-decorate sa bulletin board at ang paghugas ng mga kasangkapang sa recess. Kailangan ko pang mag-download at mag-print ng mga pictures para sa bulletin display ko. Mga past 10:30 am na ako nakarating sa school dahil nagpagupit pa ako. Sobrang init na, kaya halos napagod agad ako. Mahina pa ang net, so hindi ako nakapag-download nang marami. Past 5, natapos ko ang isa at kalahating bulletin board. Hindi na siguro ako masisita ng principal o supervisor. Sobrang traffic pa sa Tejero, kaya past 7 na ako nakauwi. Pagkakain at pagkapahinga, natulog na kami. Isang araw na lang ang pahinga. Hunyo 4, 2017 Sa wakas, naramdaman ko ang salitang 'pahinga'. Sa tingin ko, handa na ako para sa muling pagbubukas ng klase bukas. Nakapag-family bonding din kami. Nagsalo-salo at natulog sa tanghali. Ito ang tiyak na mami-miss ko sa mga susunod na araw. Si Zillion, magsisimula na ring pumasok sa ikatlong paaralan niya simula noong nag-aral siya. Si Emily, magiging stage mother uli. Alam kong kaya namin ang mga kani-kaniya naming responsibilidad. Hunyo 5, 2017 Alas-tres ng umaga nang bumangon ako. Naisip ko kasing baka ma-traffic. Kaya lang, masyado akong napaaga ng dating sa school. Mahigit isang oras lang ang biyahe. Quarter to five lang. Madilim pa nga. Okay lang naman dahil nakapag-print ako ng mga pandagdag sa bulletin board. Ang unang araw ng pasukan ay nakakapagod. Nagpalitan kami ng klase pagkatapos ng recess. Napasok ko ang dalawa pang sections. Nag-orient ako sa subject na AP 6. Medyo, naiingay ang napuntang mga estudyante. Naturingan pang section one last year. Pinagalitan ko sila bago nag-uwian. Gayunpaman, nais kong maturuan silang magsulat gaya last school year. Inengganyo ko silang magkaroon ng libro. Past three ako nakalabas sa school dahil naghanda pa ako ng DLL sa AP 6. Sa bahay, learning materials naman ang inihanda ko. Pinatulong ko rin si Emily sa paglagay ng border design sa Manila paper ko upang maaga akong makatulog. Hunyo 6, 2017 Ikalawang araw ng Back-to-School. Nagpalitan na kami ng klase. Todo lesson na rin ako sa AP 6, gayundin sa Fil 6 at ESP 6. Nasabi ko na rin sa VI-Topaz ang mga plano ko para sa kanila. Ramdam ko ang excitement nila. Nagpa-elect ako kanina ng class officers. Alam kong makakatulong iyon para sa disiplinang nais kong makita mula sa kanila. Unti-unti ko silang ide-develop para mas kapaki-pakinabang ang taon nila na kasama ako. Nasabi ko rin sa kanila na ayaw ko talagang maging adviser ng section one dahil sila ang mga snob kapag wala na sa school. Ipinamumulat ko rin sa kanila ang disiplina. Kaya naman, may tagalista na agad. Sisingilin sila sa bawat ingay nila. Maaga-aga akong nakauwi kumpara kahapon. Kaya naman, nakapag-encode pa ako ng mga sulatin ng pupils ko. Nakapili ako ng dalawang akda na maaari kong isama sa book na ipa-publish namin. Hunyo 7, 2017 Abalang-abala pa rin kami dahil sa mga late enrollees at transferees kahit nagpalitan kami ng klase. May magulang pa, na ipinagpipilitan ang gusto ng kanyang anak--- ang lumipat ng ibang section. Ang sarap sabihan ng "Magtayo na lang po kayo ng school niyo." Section one na nga, ayaw pa. Haist! Minsan, kasalanan din ng magulang kung bakit may napapariwarang anak. Sobra kasi sa pag-i-spoil. Wala na sa lugar. Hindi naman dapat kaibigan o barkada ang dahilan ng pagpasok kundi ang pagkatuto. Sa advisory class, nakapagpa-group work ako sa Filipino. Maingay nga lang at medyo nagkakahiyaan pa sa performance. Hindi pa nila napahalagahan masyado ang time. Gayunpaman, naturuan ko silang sumulat ng diary. Marami-rami na rin ang excited na sumulat. Patuloy naman ang tanong ng iba tungkol sa wattpad. Masasabi kong nakapagkintal ako ng isang mahalagang kasanayan at kawilihan sa kanila. Natuwa rin ang dalawang estudyante nang i-announce ko na napili ko ang kanilang sulatin. Sayang nga lang wala pa akong time para i-post iyon sa KAMAFIL. Nag-stay ako sa school hanggang past 2:30 dahil sa bulletin board sa may faculty corner namin. Nakauwi ako bago umulan nang malakas. Bukas, tiyak akong magiging interesante ang talakayan namin dahil sa inihanda kong instructional materials. Sana ma-maintain ko ang ganitong enthusiasm. Gusto kong i-practice ang tama, hindi dahil sa nais kung mapansin o ma-promote, kundi dahil iyon ang kailangan ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Mayo 8, 2017 Muntik na akong ma-late kanina dahil almost 4:30 na ako lumabas sa bahay. Hindi pala dapat ganoong oras ako bumiyahe. Naging enjoyable ang pagtuturo ko sa lahat ng section. Na-enjoy nila ang inihanda kong lesson. Kahit ang last section ay gustong-gusto nila ang mga patawa ko. Marami raw silang natutuhan. Ang Filipino 6 ko, sa advisory class ko, nag-yehey sila nang malaman nilang may groupwork uli. Nakita ko ang paunti-unti nilang pag-develop. Gumagaling na sila sa performance. Bago umuwi, at 4:00, tinapos ko ang pagtapal ng cartolina sa bulletin board sa likod ng classroom ko, bilang part ng faculty corner namin. Naihanda ko na rin ang mga pertinent papers ko para sa deadline bukas ng submission of papers ng mga applicants for T3. Confident akong makakapasok ako sa top 3. Dahil shortened ang classes namin bukas at dahil mayroon 1st Stakeholders' Assembly, hindi ako naghanda ng instructional materials. I'm sure, hindi kami magpapalitan ng klase. Magtuturo na lang akong magsulat ng tula o kaya ng sanaysay. Hunyo 9, 2017 Nagturo ako ng pagsulat ng tula at balita sa mga pupils ko. Hindi ko sinayang ang oras, na hindi kami nagpalitan. May mga estudyanteng hindi interesado, pero karamihan ay na-motivate kong maging mahilig da pagsusulat, lalo ba't maaari itong pagkakitaan. Ikinumpara ko pa iyon sa hindi nila na pagdadaldal. Sabi ko walang sinumang magbabayad sa pagdadaldal, maliban na lamang kung sila sina Boy Abunda o Kris Aquino. Nakita ko kaagad ang mga pupils kong may potential maging bahagi ng Tambuli. Past nine, nagpauwi na kami ng mga bata. Shortened ang klase. Naipagpatuloy ko naman ang paggawa ng bulletin board. At one o' clock, nagsimula na ang Stakeholders' Assembly. Past 2 na iyon natapos. Agad namang nagsimula ang Homeroom PTA Meeting. First time kong humarap sa mga magulang ng section one, kaya ipinakita ko sa kanila na hindi nila ako maaaring reklamuhan ng grades dahil patas ako. Hinikayat ko rin silang maging responsible sa pagbabantay ng mga school at classroom activities. Binigyan ko rin ng diin ang pangangailangan namin ng TV monitor para sa isakatuparan K to 12 curriculum. Willing naman silang mag-contribute. Ang problema nga lang, absent ang ibang magulang, kaya hindi pa sila makakapag-decide. Alam kong natutuwa sa akin ang mga magulang. Naramdaman kong ngayon lamang sila nakakilala ng guro na hindi mahilig sa mga ambagan o gastusan. Ayaw ko na gagastos sila sa proyekto at iba pang hindi naman kailangan. Ang television na bibilhin nila ay ibabalik ko sa kanila bago mag-graduation. Before 7 na ako nakauwi. Pagod na pagod, pero masaya ako. Hunyo 10, 2017 Past 8:30 am, nasa CUP na ako. Sarado ang Cashier's Office. Sabi ng guard, wala raw pasok. Nalungkot ako. Hindi pala ako makakapagpa-enroll. Agad kong chinat si Mam Edith para hindi na pumunta, kaya labg nasa dyip na siya. Pumunta ba lang kami sa school. Naglinis kami sa kani-kaniya naming classroom. Sa maghapon kong pag-stay doon, marami akong nalinis. Marami rin akong naibasura. Kaya, lalong naging organisado ang kuwarto namin. Past 6, nakauwi na ako. Hunyo 11, 2017 May sakit si Emily. Naawa ako. Marahil ay napagod siya sa limang araw na kahahatid-sundo kay Zillion. Naulanan pa siguro sila kahapon nang dumalo sila sa PTA meeting. Ako ang nagluto ng aming tanghalian. Habang nagluluto, dumating ang kausap naming karpintero. Ipibakilala jiya ang kanyang kapatid, na siyang gagawa ng kisame, tiles, division, at cabinet sa second floor namin. Nagbigay rin siya ng listahan ng mga bibilhing materyales. Pagkaalis nila, bigla akong na-stress. Kailangan pala namin ng malaking pera. Naisip ko ang hinihiram ni Heaven. Nakapangako na ako. Lalo pa akong na-stress nang mag-text si Hanna (yata). Aniya, " Pa c hanna to pa pwede po b bigyan mo ko 1000 buwAn buwan kc palagi ako marami project saka kulang baon ko palgi." Hindi ko siya na-reply-an dahil wala akong load. Pero, kung meron, sasabihin kong "Sige. Kung mayroon. Pero, sabihin mo sa mga teachers mo na K to12 na tayo ngayon. Iwasan kamo ang project. Group work dapat." Past one, umalis ako para mag-canvass ng mga presyo ng mga materyales. Kaya lang, sarado ang mga construction store. Nakaka-stress lalo. Mabuti na lang at nakapaghanda na ako ng instructional materials. Nang nakaidlip ako, kahit paano ay nabawasan ang pag-iisip ko. Nakatulong din ang pagluto ko ng ginataang halo-halo. Hunyo 12, 2017 Maaga akong naghanda ng almusal para maaga akong makarating sa tagpuan namin ni Ms. Kris. Nagluto na rin ako ng kanilang tanghalian dahil alam kong masama pa rin ang kanyang pakiramdam. Past 8:30, nasa tapat na ako ng bahay niya. At past 9, nasa Walter Mart-Roosevelt na kami upang hintayin si Mam Edith at Sir Erwin. Eleven, nasa condo na kami. Kainan to the max ang nangyari. Para kaming gutom na gutom. Halos maubos namin ang isang grilled chicken at dalawang order na pansit. May kanin at softdrinks pa. After that, maghapon na kami sa roof deck. Halos kami lang ang tao doon, kaya isang maingay na kuwentuhan ang nangyari. Bonding talaga! Anything under the sun ang pinag-usapan namin. Doon na rin kami nagmeryenda. Na-enjoy namin ang place. Maganda ang ambience. Bago kami umuwi, at five, inilibot pa kami ni Sir sa baba, kung saan naroon ang club house at pool. Sayang, hindi alam nila alam na puwede palang mag-swimming kapag holiday. Ang alam ni Papang, water treatment kapag Monday, kaya hindi kami nagdala ng swimming attire. Hindi bale, babalik pa yata kami sa June 25 or 26. Nakauwi ako sa bahay ng past 8. Traffic pa rin kasi sa Tejero. Hunyo 13, 2017 Masigla akong nagturo sa bawat klase. Palibhasa, Linggo pa lang ay naihanda at napag-aralan ko na nang gusto ang aralin ko. Nakita kong naging interesado ang mga bata sa presentasyon ko. Natuto sila sa pakikinig, alam ko. Dumating ang Filipino supervisor na si Mam Silva. Nang makita niya ako, kinausap niya ako tungkol sa plano naming gumawa ng libro, gamit ang mga DLP na gawa ng ibang teachers. Natuwa ako dahil naging interesado siya sa naikuwento ko noong writeshop. Sana maisakatuparan namin. After class, naghanda ako ng ilang printouts para sa aralin ko, saka ako pumunta sa bank. Past 2 na iyon. Naghintay lang ako ng almost two hours dahil offline. Hindi nila ako mapa-withdraw dahil hindi nila maba-validate ang balance ko. Umuwi ako agad dahil maghahanda ako ng mga instructional materials. Hindi ko alam na oobserbahan ako bukas kaya makulay na presentasyon ang nakaplano at naihanda ko. Blessings na rin dahil double purpose pala. Kaya pala gustong-gusto kong gumawa ng kakaibang IMs. Nakapag-canvass na nga pala si Emily ng mga materyales para sa aming kuwarto. Umabot ng P27,500+ ang computation. Wala pa roon ang hamba. Yay! Malaking pera talaga ang kailangan ko. Idagdag pa ang bayad sa labor. God bless us. Kaya ko 'to! Hunyo 14, 2017 Naging masigla ako sa pagtuturo dahil confident ako sa inihanda kong instructional materials. Alam kong natuto ang mga mag-aaral. Kaya lang, hindi pala sapat iyon Hindi ako naabutan nina Mam Silva at Mam Alejandro sa time ng Filipino, kaya sa Araling Panlipunan ako nagpa-observe. Hindi nila nagustuhan ayon sa kanilang mga suhestiyon. Parang walang portion ng lesson ko ang nagustuhan nila. Though constructive naman, hindi pa rin maganda bilang teacher, na siyang mas nakakaalam sa kapasidad ng mga bata at reyalidad sa classroom. Ang payo nila ay gawin kong learner-centered. Pang-college daw ang style ko, which is, sa tingin ko, natuto sila. Sanay sila sa maraming kaalaman. Hindi lang nakapokus sa layunin. Alam kung lumihis ako sa layunin ng K to12, pero iyon ang kakayahan ng mga bata. Mas nauunawaan nila ang ganoong estilo kaysa sa sila ang magdi-discover. Kahit tanungin nila ang mga estudyante, malalaman nilang natuto ang mga ito. At, kahit magtanong sila sa ibang guro, hindi rin nila isinasagawa ang practice ng K to 12 dahil time-consuming ito at masyadong slow-faced. Gayunpaman, willing akong isagawa ang mga payo nila upang malaman ko kung effective iyon. Hindi ako nakapaghanda ng materials sa school bago ako pumunta sa banko dahil past 2 na natapos ang post conference ng observation. Sa bahay ko ito ginawa. Naghanda ako ng dalawa sets ng group activities. Tingnan ko lang kong epektibo at hindi ako kapusin sa minuto Nagbigay na ako kay Emily ng pambili ng materyales. Nakatipid kami ng almost P9000 dahil nakahanap siya ng hardware na may mga murang presyo. Kailangan ko pa ng P15,000 para sa pambayad sa karpintero. Hunyo 15, 2017 Naging epektibo ang mga payo kahapon sa akin ng mga observers. Naisagawa ko ang child-centered processs. Na-meet ko rin ang time limit. Pero, sa section one lamang iyon. Pagdating sa last section, naging maingay sila nang nag-group work kami. Na-realize ko na hindi lahat ng teaching style ay epektibo sa lahat ng klase dahil ang bawat klase ay may kani-kaniyang learning style. Kaya, pagkatapos ng observation, gagamitin ko ang dating style ko. Natutuwa akong malaman na apat lang kaming nagpasa ng pertinent papers for Teacher 3. Nag-back out pa ang isa. Although, hindi nakaka-thrill ang laban, mas pabor iyon sa akin. At least, sigurado akong pasok. Gayunpaman, nais kong malaman kung pang-ilan ako. Bukas, ira-rank na kami at iinterbyuhin. After kong mai-print ang mga pictures na kailangan ko bukas sa pagtuturo, umuwi na agad ako. Para maaga akong matapos sa paghahanda ng mga IMs. Past 7:30 na ako natapos. Nakabili na si Emily ng mga materyales. Bukas na rin sisimulan ang pagpapagawa. Andaming ganap--- ranking, observation, at construction. Sana maging maayos lahat. Hunyo 16, 2017 Ready ako sa observation pero hindi natuloy. Hindi rin kami nagpalitan ng klase dahil absent ang dalawang Sir Joel. Isa pa, natuloy ang interview at appreciation of papers. Fair ang ranking process. Wala talagang magsasabi may niluto at may hocus-pocus. Kaya naman, kahit pasok na ako sa mapo-promote, kinabahan ako. Excited rin akong malaman ano ang rank ko. Na-credit kasi ang nomination ko as Inspiring Educator 2015 ng BenQ Philippines at ang aking publication. Highest pointer ako sa achievement phase. Bago ako umuwi, nalaman ko na ang rank ko. Rank 2 ako. Kung complete academic requirement nga lang ang masteral ko, matataob talaga ang top 1, na lumamang lang sa akin ng 2 points. Kailangan ko talagang matapos ng masteral. Mahalaga pala talaga ito. Masayang-masaya ako sa mga nangyari ngayong araw. God is good talaga all the time. Natuwa rin ako nang makita ko ang gawa ng mga karpintero. Ang bilis nila. Almost done na ang kisame. For the first time yata, nakapagkuwentuhan kami ni Emily. Palibhasa Friday at may magagandang bagay na pag-uusapan. Hunyo 17, 2017 Hindi na kami nagbabad sa higaan dahil in-anticipate namin ang dalawang karpintero, na siyang gumagawa ng kisame at flooring sa taas. Past 8, dumating na sila. Mabilis silang gumawa. Halos natapos nila maghapon ang paglagay ng tiles. Excited kaming pareho ni Emily sa resulta niyon, kahit malaki-laki na rin ang gastos. May mga dapat pa nga kaming bilhin. Nag-gardening ako pagkaalis ng mga trabahador. Nakaka-enjoy mag-landscape. Parang nawala ang problema ko sa pera. Hunyo 18, 2017 Palaki na nang palaki ang gastos ko sa pagpapagawa ng second floor. Idagdag pa ang mga pahabol na bibilhin, like bisagra. Okay lang naman dahil nakikita ko ang improvement. Pilit ngang iginigiit ni Emily na kung ang kinuha ko ng L300 noon ay ikinuha ko na ng housing loab, baka tapos na kaming magpagawa. Hindi ko lang siya pinapansin dahil ayaw kong balikan ang ganoong pangyayari. Past is past. Kapatid ko naman ang nakinabang. Dapat isipin na lang niya kung paano siya makakatulong sa akin. Tuwang-tuwa naman si Zillion sa kanyang magiging kuwarto niya. Gusto na rin niyang matulog doon mag-isa. Kaya na raw niya. Hunyo 19, 2017 Wala ako sa mood magturo, pero sinikap kong gawin ang aking tungkulin. Ang section 4 nga lang ang hindi ko na nakayanan. Palibhasa, pagod na ako. Panglimang klase na silang napasukan ko. Minsan, kailangan silang takutin para manghinayang sa oras at kaalaman na kanilang pinalampas. I hope effective iyon. Ala-una, pinatawag kaming mga nagpa-rank for promotion. Binati niya kami. Kinumpirma niya na tatlong T3 at tatlong T2 ang mapo-promote. Pasok na ako. Hindi na ako nagulat dahil Friday pa lang ay nalaman na naming lahat ang resulta. Past 1:30, nasa CUP ako para magpa-enroll. Nainis lang ako dahil oagkatapos kong pumila nang matagal para sa clearance, hindi naman pala ako makakapagpa-enroll sa dalawang subjects na dapat kong i-take. Closed na ang mga iyon. Hindi na puwedeng magdagdag kasi 25 each class na nga, na dati ay 20 each lang. Masama man ang loob, umuwi na lang ako. Hindi nga ako ngayon makakapagpatuloy sa aking masteral. Sabagay, marami pa naman akong trabaho at priorities. Isa pa, andaming gastos. Ayaw ko na munang isabay. Hindi na nga ako nakakadalaw kay Mama. Naaawa na ako. Naiinis ako sa madalas na pagkakasakit ni Emily. Nagkasagutan nga kami bago nag-dinner time. Parang ang bigat ng buhay kapag may sakit siya. Tuwing maglalaba, nagkakasakit. Bakit ako naman, hindi? Nagagalit pa kapag pinansin. Ayaw ko lang kasing inom siya ng inom ng Bioflu. Samantalang maaari naman niyang iwasan. Hunyo 20, 2017 Hindi natuloy ang shortened classes dahil may biglaang meeting sa DO si Mam. May bisita pa naman kaming ini-expect. Kaya naman, kahit walang palitan ng klase, dahil may dalawang absent, sinikap kong magturo nang normal sa klase ko. Naiinis ako kapag walang palitan. Parang pagod na pagod ako. Sinimulan ko kanina ng PHIL-IRI. Hindi ko natapos ang oral reading for girls. Hindi rin ako nakauwi nang maaga dahil nagpatulong sina Mam Dang at Sir Erwin sa mga gawain nila. Hindi tuloy ako nakagawa ng learning materials ko. Okay lang naman dahil matutuloy na ang shortened classes bukas. Past 6:30 na ako nakauwi. Malapit nang matapos ang pinapagawa namin sa second floor. Siguro, by Thursday, tapos na nila ang napagkasunduang trabaho. Hunyo 21, 2017 Kahit shortened classes kanina, nagpa-group activity ako sa advisory class ko. Hindi nila nahalatang wala ako sa mood magturo. Pinanuod ko na lang sa kanila ang video ng lesson ko. Double purpose iyon dahil nais kong magsabi sila sa kanilang mga magulang, na dapat na talagang bumili sila ng tv. Hindi naman kasi masyadong makita at marinig ang video, lalo na ng mga nasa likod. Naging abala ako pagkauwi ng mga bata. Ginawa ko ang report na ipinagawa ni Mam Laarni kay Sir Erwin. Pagkatapos, hinarap ko naman ang INSET report ni Mam Dang. Ang hirap din palang maging mabait at magaling sa computer at report-making. Halos, hindi ko na nagagawa ang sarili kong mga gawain. Sa LAC session ng GES Faculty, gumagawa pa rin ako, kahit nagsasalita si Mam para lang matapos na. Hindi ko nga naulinig na may sinsabi na siya tungkol sa akin. Basta ang narinig ko ay tungkol sa journalism. Ako rin daw ang gagawa ng annual report. Sinubukan kong tumanggi, pero wala akong nagawa. Naisip kong baka iyon na ang kapalit ng promotion ko. Hindi bale na. Kakayanin ko na lang. Past 6:30 na ako nakauwi dahil nag-bonding pa kaming 1000 group after the meeting. Natutuwa naman akong makita ang resulta ng pinagkagastusan ko --isang maaliwalas na kuwarto. Ang sarap umuwi! Hunyo 22, 2017 Muntik na akong ma-late kanina dahil 4 am ko na narinig ang alarm, na dapat at 3:30. Mabuti na lang, mabilis ang bus. Nakadaan pa nga ako sa Landbank para mag-balance inquiry. Sa flag ceremony, sinabihan ako ng principal na io-observe niya ako bukas. Later, naging abala ako sa pagtapos ng PHIL-IRI. Hindi ko matapos-tapos dahil andaming mga paperworks. Andiyan ang nutritional status ng mga bata. Nagsasaway pa ako sa advisory class ko kahit wala na akong klase sa kanila. After class, puspusan na ang paghahanda ko ng learning materials. Inabot ako ng 4:30 sa school. Nakakainis kasi ang internet --sobrang hina. Hunyo 23, 2017 Naging matagumpay ang pakitang-turo ko. Kahit paano ay nag-improve ako, kumpara sa una. Napansin ko lang kay Mam ang sobrang husay niya sa pagbigay ng puna. Gusto niya talagang perpekto ang lahat ng factors. Haist! Ang ganda sana kung magagawa ko religiously, pero parang hindi ko mami-maintain lalo na kapag nagsimula na ako sa Tambuli. Isa pa, hindi lahat ng section ay makaka-adapt ng ganoong estilo. Para lang iyon sa pilot section. Maaga akong nahiga dahil sa sobrang puyat at antok. Mahirap magpaka-ulirang guro, ngunit nakaka-proud sa sarili. Fulfilling! Mayo 24, 2017 Naglinis kami sa dalawang kuwarto. Andami naming ibinasura para maging maaliwalas at maluwag ang aming tulugan. Nag-usap rin kaming mag-asawa sa mga gamit na dapat pa naming tamuhin. Kulang na kulang pa kasi kami ng mga basic na kasangkapan. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko mabibili ang mga iyon. Ang mahalaga naman ay nababayaran ko ang monthly amortization at mga bills, at napo-provide ko ang mga pangangailangan namin sa araw-araw. Hunyo 25, 2017 Namahay yata ako kagabi. Hindi ako nakatulog agad. Sanay naman akong matulog mag-isa, pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit pagising-gising ako. Nakaapekto rin marahil ang kawalan ng kutson. Kaya naman, nang binigyan ko ng pamalengke at pambayad sa bills si Emily, binigyan ko na rin siya ng pambili ng foam. Kailangan ko kasing matulog nang mag-isa sa kuwarto dahil natutulog at nagigising ako nang maaga kapag may pasok. Nakapagpahinga naman kami after lunch. Tamang-tama ang temperatura, kaya nakaidlip kami ng at least two hours. Gabi, biglang namroblema si Emily dahil ipinapahanda na ang papeles niya para sa pag-abroad. Iniisip niya si Ion. Ako naman, natuwa dahil gusto kong makaipon siya para pampaayos ng bahay. Naisip ko si Epr, na siyang magbabantay kay Ion. Hindi man kami siguradong papayag, kahit paano ay may idea na kami. Later, naisip ko si Mama. Alam kong maooperahan na siya. Kapag nangyari iyon, maaari na siyang maging tagapag-alaga ni Zillion. Bahala na. Saka na lang maghahanap kapag malapit na. Basta ayaw ko lang siya sa GES. Mahirap bumiyahe kapag dalawa kami. Hunyo 26, 2017 Paalis na ako nang mabasa ko ang text ni Ms. Kris. Inaapoy raw ng lagnat si Kuya Allan, kaya hindi siya makakasama sa Xinnia Towers para mag-swimming. Umalis pa rin ako ng bahay dahil parang gusto pa ring pumunta ni Mam Edith. Hinintay ko siyang mag-reply. Mabigat kasi ang pakiramdam ko. Ayaw kong matuloy kung hindi naman kami kompleto. Nang mag-reply siya napagkasunduan naming huwag na lang tumuloy. Natuwa ako. At, sa halip, namalengke ako. Kaya lang, pag-uwi ko, naramdaman ko ang sakit ng lower back ko. Gaya ito dati. Iritado ako, lalo na't sobrang init. Balewala ang kisame. Maghapon akong namilipit sa sakit. Nagpahilot nga ako, pero walang epekto. Mas lalo pa yatang lumala. Hunyo 27, 2017 Wala ako sa mood dahil sa backache, pero nagpa-graded recitation ako, gamit ang mga questions-and-answers na ipinasulat ko sa Topaz. Na-enjoy naman ng karamihan ang ginawa ko. Kahit paano may retention at may learning sila mula sa mga itinuro ko. Masakit pa rin ang likod ko nang umuwi ako. At, sobrang antok ko dahil halos wala pang dalawang oras ang tulog ko kagabi. Siguro ang puyat din ang dahilan, kaya nagkaka-rashes ang mukha ko. Stressed ako. Kaya, after dinner, nahiga agad ako. Kailangan kong makabawi sa puyat. Apektado ang pagtuturo at iba ko pang gawin. Sana rin makapagsulat na uli ako. Andami ko nang stories na wala pang wakas. Nagpadala na nga pala ako sa WWG para sa sampung books (Malamig na Kape), kanina. I hope mai-deliver agad. Hunyo 28, 2017 Kahit paano, nakatulog ako kagabi. Malamok, pero dahil hindi na kinaya ng antok ko, nakatulog ako ng at least 4-5 hours. Nanaginip pa nga ako. Maaga rin akong nakarating sa school. Mabilis ang biyahe. Kaya lang, hindi ako nakaidlip. Mabilis rin ang oras. Agad ding nag-flag ceremony. Nagpanuod lang ako ng video sa Araling Panlipunan classes ko. Malaking tulong talaga ang panunuod. Hindi ko na kailangang mag-explain. Alas-dos, pumunta kami (ako, Mam Gie, Mam Janelyn, at Karen) sa DO para i-submit ang mga papers namin for promotion. Approved na. Hindi na namin kailangan pang bumalik o magdagdag ng requirements. Nakahinga kami nang maluwag. After kong magmeryenda, pumunta na ako sa Cuneta Astrodome para dumalo sa Istorya ng Pag-asa: Social Media Launch. Dapat alas-singko pa, pero dahil nagsimula na, nanuod na ako. Suwerte ko dahil dumating naman agad si VP Leni. Nagandahan ako sa advocacy niya. Kaya lang, hindi ko na tinapos. Umuwi na ako after her talk. Saka naman, dumating si Karen. Nasa Baclaran na ako ng mga sandaling iyon. Umuwi na lang din siya. Past 6 ako dumating sa bahay. Pagod, pero fulfilled. Hunyo 29, 2017 Walang palitan ng klase kanina dahil may dalawang teachers na absent. Umalis din saglit si Mam Dang. Gayunpaman, naging makabuluhan ang araw ng advisory class ko, pati ang mga estudyanteng inilipat sa akin. Nagturo ako at nagpa-group work. Enjoy na enjoy na sila sa pagdudula-dulaan. Unti-unti na nga silang nagiging performers. Nakapagpasulat rin ako ng salaysay tungkol sa tagumpay at balita about earthquake drill. Motivated ang lahat para makasama ang kanilang akda sa book namin at sa Tambuli. Bago ako umuwi, tulad ng dati, naghanda muna ako ng lesson ko para bukas. Hindi na ako magpapanuod dahil hindi magulo lang. Mahina kasi ang volume at hindi gaanong makita sa likod. Kung may monitor sana kami. Hunyo 30, 2017 Maganda sana ang mood ko habang nagtuturo, kaya lang narindi ako sa ingay ng advisory class ko nang malapit ng mag-uwian. Hindi agad nila sinimulan ang pagtatanghal ng kanilang group work. Hindi sila nakuha sa tingin. Gusto ko pa naman sanang may mai-encode akong akda nila habang nanunuod sa kanilang dula-dulaan at iba pa. Dahil sa inis ko, sinermunan ko sila. Nanahimik sila dahil sinabi kong tatanggalan ko sila ng opportunities na makasali sa mga contests at journalism dahil wala silang disiplina. Kako, mas maigi pang humawak ako ng lowest section. Idineklara ko rin na wala ng journalism class sa Lunes at wala ng libro. Sinimangutan ko sila hanggang sa sila'y nagsiuwian. Mayamaya, may nag-chat sa akin. Nag-sorry siya sa kanilang ginawa. Hindi ako nag-reply. Binisita ako ni Ms. Kris. Nagkuwentuhan kami at nagplano uli ng pagpunta kina sa Xinnia. Naki-join din si Sir Erwin.

Thursday, May 18, 2017

Ang Parusa kay Stefano



            “Okay, class, pumila nang tahimik sa labas,” ani Mrs. San Juan pagkatapos manalangin ang kanyang klase. “Masanting, maiwan ka. Mag-uusap tayo.”
            “Lagot ka, Stefano,” pambubuska ng kaklase. “Tsismoso ka kasi.”
            Pinandilatan ng guro ang nambuska. “Isa ka pa, Bartolome! Hindi mo naman alam ang dahilan ng aming pag-uusap.”
           “Sorry po, Ma’am.”
           Nang makaalis na ang mga estudyante ni Mrs. San Juan, hinarap na niya si Stefano. “Totoo bang kuwento sa aking ng mga kaklase mong babae?”
           Mula sa pagkayuko, tumitig si Stefano sa kanyang guro. “Opo. Sorry po, Ma’am. Hindi nap o mauulit.”
            “Paano ba akong makakasigurong hindi na mauulit ang ginawa mong pagkakalat ng maling istorya?”
           Muling yumuko si Stefano. “Papaluin po ako ni Papa kapag pinatawag niyo po siya.”
           “Kaya nga… Kaya lang… hindi talaga maganda ang iyong ginawa. Alam mo bang pinatawag ako ng principal dahil nakarating sa kanya ang sumbong mo sa Mama mo na hindi ako nagtuturo? Hindi ba’t madalas tulog ka lamang sa klase ko. Ngayon, paano mo mababawi ang maling kuwento mo?”
            “Hindi ko po alam. Sorry po. Hindi na po mauulit. Parusahan niyo na lang po ako. Huwag niyo na pong kausapin si Papa.”
            “Okay. Pero, may dalawa akong kondisyon.”
           Tumingin si Stefano sa kanyang guro. Kumikislap na ang mga mata niya. Nangangatal na rin ang mga labi. “A-ano po ang mga ‘yon?”
           Una, ipapaliwanag mo sa Mama mo na nagkamali ka ng kuwento. Bawiin mo. Tapos, bawiin niya ang reklamo niya sa principal…”
            “Opo. Gagawin ko po. Ano po ang pangalawa?” Medyo umaliwalas na ang mukha ni Stefano.
            “Ang pangalawa, susulat ka ng kuwento. Hindi hilig mo naman ang magbulid ng buhangin? Bagay sa ‘yo ang parusang iyan.”
            Hindi kaagad nakapagsalita si Stefano. “Po? Paano po ‘yon? Puwede po bang iba na lang?”
            “Ipapatawag ko ang Papa mo o gagawin mo ang dalawang kasunduan?”
             Matagal na nag-isip si Stefano. Nakapagligpit na nga si Mrs. San Juan ng kanyang mga gamit sa mesa. “Gagawin ko po ang dalawang kasunduan.”
            “Good. See you on Monday! Bye!”
            “Thank you po. Bye. Alumpihit na lumabas si Stefano. Mayamaya, bumalik siya. “Ma’am, ano-ano po ang sangkap sa pagsulat ng kuwento?”
            Napangiti si Mrs. San Juan. Pagkuwa’y iniisa-isa niya ang mga iyon.
            Inulit naman ni Stefano ang mga sinabi ng kanyang guro. “Salamat po!” Saka mabilis na tumakbo. 
            Napangiti si Mrs. San Juan. Hindi naman kasi siya kinausap ng principal. Nais niya lang na magbago si Stefano sa pagiging tsismoso nito. Pero, agad siyang nalungkot. Kilala niya kasi ito sa pagiging tamad.
            Kinalunesan, nag-tsek ng attendance si Ma’m San Juan. “Masanting, Stefano?”
            “Absent po, Ma’am,” sabi ni Bartolome.
            “Ha? Bakit daw? Natakot ba sa kasunduan namin?”
            “Hindi po.” Tumayo si Bartolome upang ibigay guro ang nakarolyong papel. “Dumugo raw po ang utak niya para maisulat niya ito.”
            Pinilit ni Mrs. San Juan na hindi matawa sa tinuran ni Bartolome. “Siya ba ang sumulat nito?”
            “Siya po.”
            “Paano mo nasabi?”
            “No read, no write po ang mga magalang niya,” seryosong sagot ni Bartolome, na pinaniwalaan naman ng guro dahil napatunayan niya niyon noong nakaraang HPTA meeting.

            Tahimik na binasa ni Mr. San Juan ang akda ni Stefano at bago pa tumulo ang luha niya, nagpaalam siyang pupunta sa principal’s office. Ngunit, hindi siya tumuloy doon. Umiyak siya sa restroom. Nabagbag siya sa sinulat na kuwento ni Stefano. Niyon din ay nagbago na ang tingin niya sa kanyang pinakatamad na mag-aaral. Sa halip, pumalit ang paghanga at pang-unawa. 

Monday, May 8, 2017

Ang Aking Journal -- Mayo, 2017

Mayo 1, 2017 Nang magising ako bandang ala-una y medya, hindi na ako nagising. Hindi naman ako excited sa MTOT, pero bakit kaya? Past two, bumangon na ako. Nag-exercise ako at nagkape. At, past 3, umalis na ako sa bahay. Hindi ako na-late. Nauna pa ako kay Sir Erwin sa Division Office. Kaya, nga nahuli kami ng dating sa Splash Mountain Resort and Hotel. Naging maayos naman ang unang araw ng seminar. Maaga kaming natapos sa training. Kaya lang , naghintay kami na mabuksan ang room. Hindi agad ako nakapagpahinga. Hindi ko masyado gusto ang venue. Layo-layo kasi ang training room, dining hall, at ang hotel room. Nakakatamad. Isa pa, mahina ang signal ng internet. May ise-send pa namang akong email sa isang writing workshop. Mayo 2, 2017 Pangalawang araw ng MTOT. Parang hindi yata ako nakatulog nang mahimbing dahil sobrang lamig sa kuwarto. Pabaling-baling ako at pabangon-bangon para mag-CR. Maaga pang nagising si Sir Erwin, kaya maaga rin akong nakamulat. Pero, ayos lang. Masarap naman ang pagkain. Nakahain na kaagad pagkaligo namin. Na-eenjoy ko naman ang seminar kahit paano. Napaka-informative naman ng topic. Isa pa, may mga activities namang nakaka-break ng boredom. After dinner, pumunta kami sa bayan. Akala ko ay mamamasyal kami. Mag-grogrocery lang pala sila. Bumili na lang ako ng multivitamins at sterilized milk. Mayo 3, 2017 Third day ng MTOT. Parang wala ako sa mood. Kami pa naman ang OTD. Mabuti na lang, kahit paano ay nagustuhan ko ang topics--- "Sining ng Pagtuturo" at "Sining ng Pagtatanong." Marami akong natutuhan. Enjoy rin ang bonding sa dining hall. Masasarap na ang pagkain, masasarap pa ang kuwentuhan --with my colleagues and new acquinatances. Kaya lang, nang nag-swimming sila, after dinner, hindi ako sumama. Ayaw ko kasing bumalik ang skin allergy ko. Nadala na ako sa swimming pool. Narurumihan ako. Minabuti ko na lang mag-stay sa roon at magsulat at mag-edit. Mayo 4, 2017 Parang nakatagal ko nang nag-stay sa resort, kung saan ginaganap ang MTOT. Nasanay na nga ako sa paroo't parito para pumila sa pagkain. Pero, kaninang 12 noon, natapos na ang session para sa Filipino subject. Andaming kong maiuuwing kaalaman. Nawa ay magamit ko ang mga iyon sa aking pagtuturo at paglago. Ala-una, lumipat kami ng ibang venue. Ikalawang subject ko ay Araling Panlipuan. Si Ninong Rolly ang resource speaker. Kaya, kahit alam kong strict siya sa time at discuss-to-the-max siya, doon pa rin ako pumunta. Nakatala kasi ang pangalan ko sa kanya. Hindi naman ako nagsisisi. Ayos lang naman. At least, unti-unti kong maa-appreciate ang pinaka-boring na subject. Nainis naman ako nang kaunti. Antagal ko kasing naghintay kay Sir Erwin. Nasa kanya ang keycard ng room. After dinner pa kami nakapasok. Mayo 5, 2017 Sa ikalawang araw ng AP 6, na-enjoy ko ito. Lalong umigting ang kagustuhan kong magturo ng asignaturang kinabo-boring-an ng lahat. Na-realize ko na hindi naman pala dapat. Marami palang strategies ang dapat na i-apply upang maging effective AP teacher. Naiinis lang talaga ako sa signal ng internet. Maghapon akong walang masagap. Kahit gabi na, wala pa rin. Hindi ko talaga gusto ang venue dahil walang Smart tower. Dalawang araw pa akong magtitiis. Pagdating din sa bahay, wala rin. Haist! Mayo 6, 2017 Nakaka-drain na ang ilang araw na seminar. Masasarap nga ang pagkain, pero ang maghapong pakikinig ay talaga namang makakatuyo ng utak. Pinasaway pa ang team ko. Kaya nga, halos ayaw kong mag-participate sa discussion. Ayaw kong magpaepal. Hindi ko naman talaga gusto ang Araling Panlipunan. Gugustuhin ko pa lang. Maaga kaming pinalabas. Siguro, napagod din ang speaker. Kahit paano ay nakapag-relax ako. Wala nga lang internet. Hindi man lang ako makapag-FB. Mayo 7, 2017 Huling araw ng seminar. Naging mabilis ang discussion. Ang lahat kasi ay gusto nang makauwi. Ako, nami-miss ko na ang mag-ina ko. Kinainipan ko nga ang bawat sandali, habang nakikinig sa mga talk ng speakers sa closing program. Bago natapos, isang nakakagimbal na balita ang natanggap ko. Nasa hospital daw si Mama dahil nabangga ng sasakyan ang bahay niya. Nanlumo ako. Iyon siguro ang kahulugan ng panaginip ko kagabi. Grabe! Hindi talaga namimili ang aksidente. Pagkatapos kong makipag-chat kay April, siya lang naman kasi ang online at nag-rereply, nakita ko ang pictures ng nangyari. Sinabi niya rin na okay lang si Mama, kaya huwag akong mag-alala. Hindi ko maiiwasan iyon, lalo na't hindi siya nag-send ng picture ni Mama. Past three o' clock, bumiyahe na kami pabalik sa Pasay. Nakauwi ako bago mag-alas-sais y medya. Pagod na pagod ako. Gustuhin ko maang pumunta sa Antipolo, hindi ko na kinaya. Dalangin ko na lang na okay na si Mama. Nalaman ko rin kay April na inaayos na ni Taiwan ang kaso. Nasa headquarters daw ito. Mayo 8, 2017 Past 7:30, pumunta ako sa Antipolo. Alas-onse na ako nakarating doon. Naabutan ko ang mga kapatid kong busy sa pagpapagawa ng nasirang pader ng kusina. May trabahador silang kinuha. Nagbigay kasi ng P50k ang driver ng sasakyang nakabangga. Nagluto naman agad kami ni Flor ng.m lunch namin. After dinner, saka ko lang pinuntahan si Mama sa bahay ng ate niya. Noon lang din kasi umalis. Yaw kong makita doon ang aunt ko. Naawa ako sa sinapit ni Mama. May tahi ang ulo niya at mga mangilan-ngilang sugat sa katawan. Makirot din daw ang mga katawan niya. Gayunpaman, masuwerte pa rin siya dahil nakaligtas siya sa posibleng mas matinding pinsala. Maaari siyang nadaganan ng cabinet, ng telebisyon o ng mga hollow blocks. Mabuti na lang at nasa CR siya. Thanks, God! Dahil sa pangalawang buhay ni Mama, naisipan ni Jano na maghanda. Nagluto siya ng pansit. Bumili rin ng cake. Nagkaroon ng salusalo bandang hapon. Uuwi na sana ako, nang pinigilan ako ni Mama. Hindi naman ako nakahindi. Wala kasi siyang kasama. Kailangan niyang uminom ng gamot every 6 hours. Mayo 9, 2017 Past 5:30 nang magising ako. Nadatnan ko si Mama sa baba. Nag-aalmusal na siya. Excited siyang mahipo ang kanyang mga gamit. Namasdan kong marami siyang hinahanap. Marami siyang pinanghihinayangan. Nag-alala ako baka makasama sa kanyang kalagayan. Gayunpaman, hindi ko siya mapipigilan. Kagustuhan niya iyon. Isa pa, kinailangan ko na ring umuwi. Past 7, bumiyahe na ako pabalik sa Cavite. Makauwi ako sa bahay ng mga pasado alas-onse. Nagpahinga ako after lunch. Si Emily na ang nag-grocery pagkataopos naming umidlip. Kasama niya si Ion. Mayo 10, 2017 Ngayong araw ko lang naramadaman ang pagkakaroon ng bakasyon. Pakiramdam ko, nasulit ko na ang pagpapahinga. Hindi na nga namin kailangang mag-outing pa para maibsan ang init at maramdaman ang summer. Ang pag-stay lang sa bahay nang magkakasama ay sapat na. Happiness does not always mean going to places. Sometimes, it is just staying with loved ones and spending quality time with them. Naging productive din ako ngayong araw dahil natapos ko nang ma-edit ang mga akda ni Cai, na may 13K words. Ang tatlong short stories na ito ay magiging bahagi ng anthology namin. Gabi ko naman naharap ang nobela kong 'Maybe This Time.' Kahit paano ay nadagdagan ito ng word counts. Mayo 11, 2017 Patuloy na nababawasan ang araw ng bakasyon. Kaunti na lang, magsisimula na ang Brigada Eskuwela. Okay nga iyon dahil nami-miss ko na ang internet. Paano ba naman kasi halos wala talagang signal ang pocket wifi ko?! Sayang lang ang ibinabayad ko. Gayunpaman, nai-enjoy ko pa rin ang nalalabing araw ng bakasyon dahil nagagawa ko pa ang mga gusto ko, like pagluluto, pagpapahinga, pagsusulat, at panunuod ng TV. At, siyempre, hindi mawawala ang bonding with my son and wife. Nakaka-bad trip lang talaga ang kawalan ng internet. Hindi ko tuloy mai-chat si Flor para maitanong ko ang kondisyon ni Mama. Mayo 12, 2017 Tamad na tamad ako ngayong araw. In fact, pasado alas-otso na ako bumangon. Naunang mag-almusal ang aking mag-ina. Gayunpaman, hindi ko kinatamaran ang pagluto ng aking lunch at dinner. Ipinagluto ko pa rin sila. At, siyempre, nag-update ako ng nobela ko. Ngayon araw rin, nalaman ko mula kay Ate Jing, our school clerk, na may writeshop ako sa DO sa May 15 hanggang 19. First time kong maging periodic test writer. Kahit paano ay na-excite ako. Hindi nga lang ako magiging bahagi ng Brigada Eskuwela. Mayo 13, 2017 Ilang araw na lang, balik sa trabaho na. Mami-miss ang pagsi-siesta, gayundin ang pagsusulat. Kaya nga, pinupursige ko nang matapos ang latest na nobela ko, bago pa mag-resume ang klase, dapat tapos ko na. Maghapong masakit ang likod ko. Ang alam kong dahilan nito ay ang pagtulog ko sa lapag, nang walang kutson. Ayaw kong magtagal ang sakit. Nakakawala sa konsentrasyon, lalo na't kasali ako sa writeshop. Mayo 14, 2017 Ito ang unang Mother's Day namin dito sa bahay. Nagsimba si Emily. Hindi ko na pinasama si Ion dahil mamimili siya pagkatapos. Hapon na kami nagkaroon ng simpleng salusalo. Kahit paano, naiparamdam ko sa aking maybahay ang aking pagpapahalaga sa kanya bilang ina ang aming anak at bilang ilaw ng tahanan. Mayo 15, 2017 Sa unang araw ng writeshop ko, late pa akong dumating sa venue. Mabuti na lang, hindi pa nagsimula. At, good thing is napansin ako ng curriculum supervisor at Filipino supervisor. Pinag-usapan nila ako. Magaling daw ako. Bakit daw hindi nila ako nakita sa journalism? Ang rason ko, "Nag-lie low po ako. Personal reason." This school year daw ay magpaka-active na ako. Tinanong pa nga ako kung ano na ang position ko. Malapit na raw. Haist! Sana hindi na mabalewala ang skills ko this new administration. Or else, hindi na naman ako magpe-perform. Nagulat ako nang malaman kung ang writeshop pala ay pagsusulat ng lesson plan, hindi test construction, gaya ng mgs nakaraan. Hindi ako prepared. Ni wala akong dalang reference book. Mabuti na lang, may mga akda ako. Naisama ko at na-integrate ko sa learning competencies na nakatoka sa akin. Maghapon, nakasulat ako ng tatlo. Enough iyon para matapos namin ang first grading competencies for five days. After ng writeshop, pumunta ako sa GES para maningil kay Mam Gigi ng utang niyang P8500. Binigo niya ako. Tumatawad pa nga. Sa May 28 na lang daw. Idinahilan ko ang operasyon ni Mama. Pero, nangako siyang bukas ng umaga niya ako babayaran dahil nakasanla ang ATM niya, na supposedly hawak ko dahil may loan pa siya sa akin na P36k. Nakakainis, pero inunawa ko siya. Alam kung darating kami sa ganyan, pero sana last time na. Hindi na ako papayag sa susunod. Ayaw kong mag-away kami dahil sa utang niya. Siya ang lumapit at nag-propose ng lending business ko. Kaya, business is business. At, gaya nang sinabi ko sa kanya before, gusto kong makaahon siya sa kautangan. Subalit, hindi iyon ang nangyayari. Naipit ako sa traffic. Past 7:30 na ako nakauwi. Bad trip! Ang hirap nang sumakay sa Baclaran. Wala na nang masakyan, traffic pa sa Cavitex. Anong nangyayari? Umaga't hapon, traffic. Expressway na nga. May 16, 2017 Napuyat ako kagabi dahil sobrang init. Siguro tatlong oras lang ang naging tulog ko. Mabuti na lang, hindi ako na-traffic. Past six, nasa school na ako. Akala ko maagang papasok ang mga ka-1000 ko. Past 7:30 umalis na ako. Si Mam Edith lang ang nakarating nang maaga, pero hindi na rin kami nakapagkuwentuhan nang matagal. Past 8, nasa DO venue hall na ako. Napaaga ako, kahit dumaan pa ako sa Cebuana para magbayad ng water bill at magpadala kay Epr. Nanghiram siya sa akin. Sa writeshop, hindi rin agad ako nakapagsulat ng DLP dahil kailangang hintayin ang kasamahan. Nag-edit na lang ako ng akda ni Cai. Sobrang antok ko habang nasa writeshop. Nakakainis pa dahil walang signal doon ang wifi ko. Nakaka-boring tuloy. Pero, nakatapos ako ng dalawa. Nasimulan ko na rin ang pangatlo. Five PM, nasa school. Kinuha ko ang bayad ni Mam Gie. Pero, hindi niya pa binalik ang ATM card. Mas maaga akong nakauwi sa bahay. Hindi tuloy uminit ang ulo ko, kahit medyo mabigat dahil sa puyat. Nakaapekto sa relasyon ko sa aking mag-ina ang traffic kahapon. Mayo 17, 2017 Maaga na naman akong nakarating sa GES. Maaga ring dumating doon si Ms. Kris. Kaya, habang naghihintay kina Papang at Emeritus, nagkuwentuhan kami. Past 7 na kami nakapag-almusal. Hindi nakarating si Papang dahil namalengke nang maaga. Past 8, na ako nakarating sa writeshop venue. Nag-almusal uli. Past twelve, bumalik ako sa GES. Binigyan kami ng chance na umuwi, pumunta sa school o mag-stay para ituloy ang pagsusulat dahil mainit sa hall. Inaayos ang mga aircon. Nang nasa school na ako, may pa-meeting pala ang new principal namin. Na-e-excite ako sa bagong administration. Umaasa rin akong mabibigyan ng pansin at hustisya ang mga kakayahan ko. Ayaw ko ring magkaroon uli ng rampant corruption. Bubuhayin ko uli si Makata O kaoag nangyari iyon. Hindi naman ako halos nakapagsulat dahil nakipaghuntahan ako sa 1000. Okay lang naman. Nag-enjoy ako. Nawala ang stress ko sa writeshop. In fact, five na kami umuwi. Nagtaka naman si Emily kung bakit maaga akong nakauwi. Halos ayaw niyang maniwala na walang traffic. Iyon naman ang totoo. Mayo 18, 2017 Nang magising ako kagabi bandang 11:30 ng gabi, dahil may mga motorsiklong tumapat sa bahay, hindi na ako nakatulog. Maiingay pa ang usapan ng mga driver. Kaya naman, nagsulat na lang ako ng DLP. Grabe, inabot ako ng alas-kuwatro. Kalahating oras ang tulog ko. Maaga akong nakarating sa GES. Nakumpleto uli ang 1000 group. Nagsalu-salo kami. Then, pumunta na ako sa DO. Agad kong tinapos ang assignments ko. Then, saka ako nakaramdam ng antok. Hindi naman ako makaidlip nang husto. Kinausap ako ni Mam Silva tungkol sa pagkawala ko sa journalism. Nakapagsumbong tuloy ako sa mga nangyari sa school. Gagawa siya ng paraan para mapakinabangan ang skills ko. Naiinis rin siya sa mga taong nang-down sa akin dahil biktima rin pala siya. Ang kaibahan lang namin, siya, lumaban. Ako, sumuko. Marami akong napulot na aral sa kanya. Sayang, malapit na siyang mag-retire. Nakauwi ako ng past 7. Gumawa ko agad ang assigmments ng ka-team ko. Hindi puwedeng hindi kami makabuo ng TG para sa first grading. Nakakahiya naman. Nakatapos ako nang isa at kalahati bago ako natulog. Mayo 19, 2017 Ako ang pinakamaagang dumating sa venue hall. Mga 15 minutes akong naghintay bago nabuksan ang pinto. Pagpasok ko, hinarap ko kaagad ang gawain. So far, nakatapos kami. Past 1, nagkaroon ng graduation o distribution of certificate. Nakaka-proud. It's another achievement. Nakabuo pa ako ng friendship with my fellow writers ng Filipino DLP. In fact, at past 3, nagpasama si Mam Lui sa Baclaran para bumili ng speaker. Kahit paano ay nag-bond kami on the way. Maaga akong nakauwi. Nakapanuod pa ako ng inaabangan kong mga teleserye sa hapon. Agad ko ring sinimulan ang pag-edit at pagsusunod-sunod ng sinulat namin. Mayo 20, 2017 Past 8, nasa school na ako. Hindi sana ako maglilinis, kaya lang sinabihan ako ng principal. Past 12 iyon. Nakapag-edit muna ako ng DLP sa writeshop namin. Nag-post ako ng pictures. Nilagyan ko ng caption na "HELP! Tinatawagan ang Bungkol Family at incoming Grade 6, especially the first section. Wala pang kalahating oras, dumating na ang tatlo. May dumating pang isa, after half hour. Nagpintura kami. Enjoy na enjoy naman sila. At kahit paano, gumanda na ang isang side. Gayunpaman, marami pa rin akong dapat ayusin, itapon, ilipat, ipagsama-sama, at linisin. Past 6, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko na, pero hindi ako nahiga. Gumawa pa rin ako ng editing task. Mayo 21, 2017 Past 8, nasa school na ako. Pagkatapos kong bumili ng isang galong pintura. Iyon ang unang beses kong gumastos para sa repainting. Hindi na kasi kaaya-aya ang murals na nakapaligid. Magulo sa mata. Agad kong sinimulan ang pagpipintura. Dumating naman sina Jefferson at Jomelbert, bandang alas-10. Tumulong din kaagad sila. Past 12:30 na nang pinauwi ko na sila. (Siyempre, nilibre ko sila ng lunch.) Almost done na kasi. Ayaw ko na silang patulungin sa mga papel-papel. Past 4 ako nakauwi sa bahay. Antok na antok at pagod na pagod ako. Pero, sinikap ko pa ring i-finalize ang week 1 to 5 DLP sa Filipino 6, na ipapasa bukas kay Sir Ivan. Natapos ko naman after dinner. Nai-save ko na sa disk. Mayo 22, 2017 Naipasa ko ang DLP kay Ma'm Silva. Hindi ko kasi naabutan si Sir Ivan. Nag-chat na lang ako sa kanya. Na-receive naman niya agad. Past ten, nasa school na ako. Nagbawas ako ng mga kalat. Ibinigay ko sa janitress ang mga papel na puti at ang mga waste. Maaari niyang maibenta ang mga iyon sa halagang P200 up. Sumakit abg likod ko kaya hindi ako masyadong nakapaglinis. Itinabi ko na lang muna ang mga ia-assort kong mga papel-papel. Nakapaggupit na rin ako para sa bulletin board ko. Forty-thirty, umuwi na ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko, nakuba ako. Ang hinala ko, dahil ito sa pagkakatayo ko nang baluktot sa bus. Disadvantage ng pagiging matangkad. Mayo 23, 2017 Hindi ako pumunta sa school para maipahinga ko ang aking likod. Kahit paano, nawala ang sakit. Kaya, nagkaroon na ako ng mood para magluto. Nakapag-edit na rin ako ng DLP. Almost ready na ito para sa next submission. Gagawin ko na lang ang isang pang layunin na nakatoka sa akin. Mayo 24, 2017 Past 10, nasa classroom na ako-- naglilinis. Inuna ko ang pagpasok ng mga armchairs. Sa Grade Six, ako na lang ang hindi pa nakapagpasok ng mga upuan, kaya nahuli ang pag-decorate ko ng bulletin board. Hindi ko natapos ang dalawa. Gayunpaman, masaya akong makita ang mga natapos ko. Kaunting linis, ayos, at decorate pa, handang-handa na ako sa Bakik Eskuwela. Past three, tumawag si Ms. Kris. Inalok niya ako ng speakership. In-invite kasi siya ng dati niyang kaklase na ngayon ay nagtratrabaho na sa Vibal. National daw iyon, kaya sinunggaban ko kahit medyo mahirap ang topic. Napag-aaralan at nai-reresearch naman iyon. Gabi, inihanda ko ang CV ko. Kailangan daw kasi. Hindi ko nga lang na-finalize dahil may details pa akong dapat tingnan sa mga certificates ko, na nasa school. But, bukas, maise-send ko na iyon sa email. Sana mag-apply din si Papang. Mayo 25, 2017 Sobrang malas ko ngayong araw. Una, bumalik ako sa bahay dahil may nakalimutan ako. Nasayang ang pamasahe ko sa traysikel. Pangalawa, nasiraan ang dyip na sinakyan ko sa Pasay. Pag-uwi ko, nasiraan ang traysikel. Hindi pa nga nakakapasok sa subdivision. Naglakad tuloy ako. Pangatlo, hindi ko nai-send sa email ang CV ko dahil may professional meeting pala. After lunch, pinatawag na kami. E, nag-lunch kami ni Sir Erwin at nagkuwentuhan nina Mam Dang after kumain. Alas-singko na nang natapos ang meeting. After meeting, gusto ko sanang tapusin ang CV ko at isend ito sa email, kaya lang kailangan kong sumama sa 1000 group para sorpresahin si Ms. Kris. Birthday niya, e. Nagkuwentuhan kami doon. Past seven na kami nakaalis doon. Before nine, nasa bahay na ako. Natutuwa lang ako sa meeting. Napag-usapan doon ang tungkol sa journalism. Ako raw ang school paper adviser. Nasabi ko sa bagong principal na matagal ko nang tinanggihan ang posisyon. Alam kung alam niya ang mga pangyayari dahil kaibigan niya ang dating principal. Nasabi niya nga ang word na hugot, e. At least, naipabatid ko na hindi ko pinagsisiksikan ang sarili ko, lalo na't nasabi kong hindi naman ako nag-grow doon. Sampal iyon sa mga taong humarang sa paglago ko. Mayo 26, 2017 Nai-send ko na ang CV ko sa Vibal. Grabe! Sa office pa ako nakigamit ng desktop kasi walang net sa classroom ko. Nakakainis! Pati ang printer ko ayaw ring mag-on. Natapos ko na rin sa wakas ang bulletin board. Superb ang resulta, kahit gawa lang sa mga patapong brown envelopes at colored (red and green) folder ito. At, tanging gawgaw ang pandikit. Tamang-tamang ang border design nito sa subjects ko na Filipino at Araling Panlipunan. Kahit inutusan ako ng principal na i-edit ang ID niya para sa PDS, natapos ko pa rin bago nagyayang umuwi si Papang. Past 4 na iyon. Gusto pa nga sana niyang puntahan namin si Emeritus. Nagbago lang ang isip niya, dahil siguro sa makulimlim na kaulapaan at sa iniinda niyang sakit sa paa. Okay lang din sa akin. At least, nakauwi ako nang maaga. Kaya lang, na-bad trip ako nang makita kong nabunot ang tanim kong sunflower. Kagabi, may pumitas na ng bulaklak sa isang puno. Nakakasulwak talaga ng dugo. Feeling ko, may traydor na kapitbahay. Pinitas na lang sana. Kaso, binunot talaga. Mayo 27, 2017 Dahil kulang ako sa tulog, hindi ako pumasok. Tutal, kaunti na lang naman ang lilinisin ko sa classroom, mas pinili kong magpahinga. Nakapagluto ako at nakakain nang maayos. Mabuti rin na hindi ako pumasok dahil dumating ang karpintero na ipinakilala sa amin ng kapitbahay. Nakausap ko tungkol sa pagpapa-install ng kisame at flooring. Hapon, nakapag-gardening pa ako. Tag-ulan na, kaya mainam magtanim. Mayo 28, 2017 Kahit hindi pa magagawa ang second floor namin ng karpinterong kinausap namin, bumili pa rin kami ng tiles at panel door. May sale kasi sa tiles depot, saka may pera pang tira mula sa bonus ko. Plywood at tabla na lang ang bibilhin ko kung sakaling may time na ang karpintero. Mayo 29, 2017 Pasado alas-siyete pa lang ay nasa school na ako. Unang araw ng INSET. Gusto ko kasing mabawasan ang kalat sa classroom ko, kaya nakapaglinis pa ako for almost one hour. Kahit paano ay natanggal ko ang mga unwanted na gamit. Mayo 30, 2017 Nag-chat si Ate Che-- owner ng WWG. Kailangan ko raw magbigay ng "dedication" at "about the author" para sa book ko. Mabuti raw at hindi pa na-finalize o naprint. Hapon ko na naisend dahil sobrang busy. Nakakainis nga. Puro seminar. Halos hindi ko na maharap ang ginagawa kong powerpoint presentation para sa talk ko. Hindi ko rin matapos ang paglinis. Ang class program naman namin, hindi pa rin magawa. Ayaw ko kasing tanggapin ang school paper advisorship. Nakakadala! Hindi naman ako nakinabang. Mayo 31, 2017 Inagahan ko talaga ang pagpasok sa school upang tapusin ang paglilinis sa classroom. Nagawa ko naman. Ang kulang na lang ay ang pagkabit ng ceiling fans. Past 12, nagpa-laboratory kami. Kailangan na kasi bukas ang results. Alam ko, positive na naman ako. Pakukuhain na naman ako nito ng sputum test. Another gastos. Pero, alam kong negative naman ako. Before two o' clock, saka lang kami nakarating sa JRES para dumalo sa INSET doon. Nakaka-boring naman ang talk dahil narinig ko na iyon sa MTOT sa Laguna. Gayunpaman, nakinig pa rin ako habang nagpi-Facebook. Past four, nagpansit kami sa Harlem Restaurant ng 1000+ group. Almost complete. Wala lang si Ms. Kris. Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Sobrang pagod na pagod ako, pero pinilit kong harapin ang PPT ko. Almost done na ako. Kaunting dagdag na lang. Kailangan ko pang aralin ang mga sasabihin ko.

Sunday, April 30, 2017

Charot

Tawa nang tawa si Marcus nang magtatakbo ang grupo ng mga babae, na dumaan sa may madilim na bahagi ng kakahuyan. Sinuot kasi niya ang wedding gown ng kanyang ina at naglagay ng makapal na pulbos sa mukha.

Nang umuwi siya, hindi pa rin maubos-ubos ang tawa niya. Kaya lang, biglang naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi nang maabutan niyang nakapamaywang si Mommy Estella at nakasalubong ang mga kilay ng kanyang Kuya Jhon.

"Bakla ka ba, anak? Bakit hawak-hawak mo 'yang wedding gown ko?"

"Nakapulbos pa Mommy, o," gatong ni Jhon.

"Hindi po. Nang-trip lang po ako sa may manggahan, Mommy." Tinalikuran niya ang kanyang ina at kapatid. Tumuloy siya sa kanyang kuwarto.

"A, hindi naman pala bakla ang kapatid mo, Jhon. Hayaan mo na..."

Narinig pa ni Marcus na pinagpipilitan ni Jhon na bakla siya.

Kinabukasan, umuwi si Marcus mula sa school na may kasamang kaklase. "Si Vangie po, Mommy, classmate at close friend ko po."

"Abot-tainga ang ngiti ni Momny Estella. Nataranta rin siya sa pag-istima sa bisita ng anak. Unang beses kasing nagpakilala ng babae si Marcus. Kadalasan, mga lalaki ang isinasama niya sa kanilang bahay.

Nakorner ni Jhon ang kapatid, nang inililibot ni Mommy Estela si Vangie sa kanilang manggahan. "Kailan ka pa nagkabayag, ha, Marcus?" pambubuska niya sa kapatid. "E, mas maarte ka pa kaysa sa babae. Charot!" Kinuha pa niya ang mukha ng kapatid at inilapit sa kanyang mukha. "The great pretender!"

Inis na inis si Marcus sa mga oras na iyon. Hindi na talaga niya kayang igalang ang kanyang kapatid. Hindi niya lubos maunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit ni Jhon sa kanya. Noong sinabi niyang tigilan niya ang madalas na pakikipag-chat sa oras ng pag-aaral at pagtulog, ginawa niya. Iniwasan niya ang pagpi-Facebook. Binawasan niya ang oras na iginugugol niya sa social media.

Hindi niya maarok ang ugaling mayroon ang kuya niya. Ngayon naman, hindi pa rin niya matanggap na nagbabago na siya.

"Marcus! Marcus!" tawag ng kuya niya. "Halika nga rito!" Alam niyang nasa taas siya ng mangga dahil nagsumbong ang mga batang pinagbabato niya ng bunga nito.

Inulit ni Jhon ang pagtawag. Sa pagkakataong iyon, banas na banas na siya kay Marcus, kaya nang makababa ito, isang malakas na sampal sa may tainga ang ibinigay niya sa kapatid. Halos mabali ang leeg nito sa lakas.

Patakbong tinalikuran ni Marcus si Jhon at pinagmumura niya ito. Ngumunguynoy na rin siya, hindi sa pisikal na sakit, kundi emosyonal. Gusto na niyang patayin ang kanyang kuya.

Sa bahay, palibhasa, wala ang kanilang ina, ipinagpatuloy ni Jhon ang pambubugbog kay Marcus. Halos, lumuwa ang mga mata nito sa labis na tama ng kanyang mga kamao. Nagkulay-ube na rin ang kanyang katawan.

"Sige pa, Kuya! Sige pa. Kung gusto mo, patayin mo na ako! Tutal wala naman akong halaga sa 'yo!" sigaw niya habang palabas na sa kuwarto niya si Jhon.

"Gagawin ko na 'yan sa susunod, lalo na kapag hindi mo itinigil ang kaharutan mo..."

Bumuhos ang masaganang luha ni Marcus. Nahalo iyon sa dugong bumulyak sa kanyang bibig.

"Hinding-hindi mo na ako masasaktang muli Kuya Jhon. Hinding-hindi na," bulong niya, habang pinipilit niyang tumayo sa pagkakalugmok.

Isang linggong hindi pumasok sa eskuwela si Marcus dahil sa nangyari. Hindi rin naman napagalitan si Jhon ng mommy nila. Lumabas pa na naging kasalanan pa ni Marcus ang lahat.

Ginugol niya ang kanyang oras sa pagpa-prank sa Facebook. Gamit ang kanyang dummy account, chinat niya si Jhon. Hinarot niya. Nag-send siya ng hubad-barong larawan. Ramdam niyang gustong-gusto iyon ng kapatid niya dahil pinipilit siyang mag-send ng larawan ng kanyang ari.

Agad na natigilan si Marcus. Nag-isip siya. Pagkuwa'y isang nakakalokong ngiti ang nabuo sa kanyang mukha. "Hinding-hindi mo na ako ngayon, masasaktan, Kuya Jhon. Ikaw pala ang charot." Humalakhak pa siya.

Friday, April 14, 2017

Daddy

"Papa... Papa!" tawag ng pitong taong gulang na anak, habang nanunuod ng pambatang teleserye.

"Po?" Sumagot ang ama, pero hindi tumingin sa anak dahil okupado siya sa kanyang ginagawa sa laptop.

"Bakit po Papa ang tawag ko sa 'yo. Bakit ang iba daddy, hindi Papa?"

Naghintay ang bata sa sagot ng ama. Napatingin naman ang kanyang asawa.

"Papa kasi mahirap lang tayo," sagot ng ina.

"Bakit po ang kaklase ko, mahirap lang po sila, pero ang tawag niya sa ama niya ay daddy?"

"Papa kasi... Papa rin ang tawag ko sa kaniya. Para pareho tayo," paliwanag ng ina.

"Bakit po, tatay ni'yo ba si Papa?"

Natawa ang ina. Natigilan naman ang ama.

"Hindi ko siya tatay, pero nasanay na kasi akong Papa ang tawag ko sa kaniya kasi noong baby ka pa, sinasanay kitang tawagin siyang Papa..."

"Bakit po hindi niyo na lang ako sinanay sa Daddy?" May halong pagmamaktol ang pagkabigkas niyon ng unico hijo nila.

"Hayaan mo na, Marcus. Daddy man o Papa ang tawag mo sa akin, pareho lang ang kahulugan niyon dahil pareho lang ang responsibilidad na aming ginagampanan sa inyo," anang ama.

Tila kumbinsido ang bata sa paliwanag ng ama, kaya tumigil na ito at nag-concentrate sa pinapanuod.

"Pa, napaka-inquisitive talaga ng anak mo, 'no?" bulong ng maybahay sa haligi ng tahanan. "Ikaw, bakit 'di mo akong tinatawag na Mama? Gusto mo rin ba akong tawaging Mommy?" Tumawa pa ito at sinundot ang tagiliran ng asawa.

Tiningnan niya nang masama ang ilaw ng tahanan. "Huwag mo kasi akong tawaging Papa," bulyaw niya rito. Pero, he made sure na hindi narinig ng kanilang anak.

"E, 'di... Daddy!" biro pa ng asawa.

Napamura ang ama. "Hindi kita anak. Hindi mo ako ama. Kaya, naguguluhan ang bata, e! Huwag mo rin akong aasahang tawagin kang Mama dahil nag-iisa lang ang Mama ko. Hindi mo siya maaaring pantayan. Bungkol!

"Hindi ko talaga kayang pantayan ang Mama mo, dahil katulong ni'yo lang ako dati. Mayaman kayo, e. Hanggang ngayon, alila lang ang turing mo sa akin." Hindi na napigilan ng maybahay ang kaniyang saloobin.

"`Ma... `Pa, nag-aaway po kayo?"

"Hindi, anak, mag-aartista yata ang Mommy mo para yumaman daw tayo at para Daddy na ang itatawag mo sa akin," pilit na biro ng ama.

"Talaga po? Yehey! Yayaman na tayo... May Mommy at Daddy na ako." Nagtatalon pa ang bata.

Sunday, April 2, 2017

Maligayang Bati, mga Bungkol!

(Abril 3, 2017 -- 10:20 NU)

Dalawang taon tayong nagkasama...
Apat na raang araw akong naging guro't ama.
Ganoon man karaming beses akong nagsaway,
ngunit bawat oras ako'y naging inyong gabay.
Maraming beses kayong sumuway,
kaya paulit-ulit rin akong nangaral.
Hinabaan ang aking pisi ng pagtitiyaga
at nilawakan pa ang aking pang-unawa.
Bawat isa'y pinakinggan ang kuwento,
hanggang lahat ay naunawaan ko.
Kuwento ng buhay, binuksan ko rin.
Kasama kayo sa aking mga sulatin.
Bawat isa'y natatangi sa aking puso--
walang hindi nagmarka sa buhay ko.
Araw-araw akong nagturo... nagmahal.
Ngunit, ang pagtatapos ay dumatal...
Sa araw na ito, diploma'y mapapasainyo.
Dalawang taon ay tila maikli't kulang,
subalit kailangan niyo nang magpaalam.
Ang paaralang ating naging tahanan,
sa ating talambuhay, ay saksi na lamang.
Ang ating silid-aralan, may maiiwan---
ang inyong mga tinig ng kabataan.
Nawa'y ang aking mga turo at payo,
inyong isabuhay at pakatandaan
dahil daig niyon ang kayamanan.
Sa inyong pagtahak sa kinabukasan,
maalala niyo sana ang pangalang Froilan,
na minsan sa inyo'y nagalit, nagtampo,
at minsang naging bahagi ng buhay niyo.
Mahal na mahal ko kayong lahat.
Congratulations, mga anak!
Salamat sa inyong pagmamahal!
Kayo ay aking ikinararangal.

Saturday, April 1, 2017

Ang Aking Journal -- Abril, 2017

Abril 1, 2017 Nakakatawa talaga ang mga pangyayari ngayong April Fool's Day. Andami kong napaniwala, lalo na ang mga parents at pupils ko. Naniwala silang hindi ako makakadalo sa graduation dahil magbabakasyon ako sa Davao. Nagpahuli nga ako ng dating sa rehearsal. Natuwa sila nang makita ako. Humihirit pa ang mga magulang. Hindi ko raw kayang tiisin ang mga anak nila. After magbigayan ng toga, trineat kami ng mga parents ng honor pupils sa Dampa. Busog na busog ako. Tapos, nagkantahan at nag-inuman pa kami. Sobrang saya. First time kong maranasan iyon with parents. Mga cool silang kasama. Lasing ako nang bumalik kami sa school para mag-print. Inabot kami ng 8:30. Nakauwi ako bandang 10:30. Hindi ko rin napalampas na biktimahin ang SP. Nagpaalam akong mag-resign. It is half joke, half truth. At least, nalaman nila ang dahilan ng inactivity ko. Abril 2, 2017 Pasado alas-7 ay nasa school na ako. Wala naman akong nagawa, kundi ang hintayin silang dumating. Pero, ang mga sumunod na pangyayari ay madugong stage decoration, after naming matapos ang printing ng invitations. Mabuti na lang may ilang mga eatudyanteng naroon upang tumulong. Nautos-utusan namin. Gayunpaman, isang masaya at produktibong trabaho ang nangyari. Worth it, kumbaga. Kahit inabot kami ng pasado alad-9 ng gabi, sulit naman. Alam naming magiging maganda ang reception bukas. Sobrang puyat at pagod ko nang dumating ako, bandang alas-10:30. Gusto ko pa sanang uminom ng milk, pero hindi ko na nagawa. Hindi na rin ako nakainom ng gamot. Mas kailangan ko ang pahinga at tulog, kaya pinagbigyan ko ang mga mata ko. Abril 3, 2017 Kahit paano ay mahaba-haba ang naitulog ko. Kung mahilig lang sana akong magbabad sa higaan, nabawi ko na ang puyat ko. Kaya lang, kailangan ko nang bumangon para maghanda at maglinis nang kaunti sa bahay. Naglaba rin ako ng mga punda, bago umalis. Nainis yata sa akin ang mga kasamahan ko nang dumating ako. Nasa action pa rin sila ng pag-aayos sa stage. Pero, tumulong naman ako hanggang matapos. Naging matagumpay ang unang graduation ko as Grade 6 teacher. Hindi ko man nagawang yakapin ang mga estudyante ko, masaya ako dahil nakita kong masaya at proud ng mga magulang nila. Naging thankful din ang karamihan. May nagpa-picture kasama ako. Abril 4, 2017 Tatlong oras lang ang tulog ko. Kailangan kong bumangon para makarating ako sa school ng alas-8, kahit may hang-over pa ako at halos gusto pang pumikit ng mga mata ko. Na-late naman ako, pero kinse minutos lang. Mas nauna pa ako sa mga kasamahan ko. Kaunti lang ang mga batang pumasok. Hinayaan ko na lang silang maglaro. Ang iba, nanuod ng videos sa laptop ko. Bago namin sila pinauwi, binigyan ko sila ng form ng clearance. Babalik sila bukas. May pasok kami hanggang Friday. Hindi ko pa nga naa-award ang mga medals. Nag-lunch kaming Grade 6 teachers sa Tramway. Busog na busog ako. Inabot kasi kami ng past 1:30 doon. Kung wala lang meeting, sinagad namin hanggang 2 PM. Kami na lang kasi ang wala doon. Hindi pa tapos ang meeting, umuwi na ako. Hindi na talaga kaya ng mga mata ko. Sa dyip at bus nga ay nakaidlip ako. Maaga akong nahiga. Hindi na ako nakakapanuod ng 'Ang Probinsiyano.' Abril 5, 2017 Wala akong kamalay-malay na may cooperative general assembly. Nagulat na lang ako nang may nakasalubong akong mga pupils. Pinauwi raw sila. Nakakainis! Hindi na maubos-ubos ang istorbo. Wala na akong time para sa mga pupils ko. Kailangan ko ring makasalamuha sila bago magbakasyon. Antagal natapos ang meeting. Nagkaroon kasi ako ng election for board of directors at faculty officers, kung saan napili ako as one of the board and PIO, respectively. Nagbigayan din kasi ng dividend. Kaya lang, nagutuman ako sa kanin. Pansit at spaghetti lang kasi ang ipinakain. Two o'clock, nagkayayaan kaming 1000 group na magkape sa JCo. Kasama rin namin si Mam Dang at Mam Bel. Sila ang plus. Matagal kaming nagkuwentuhan doon tungkol sa mga pangyayari sa school. Alas-sais na yata iyon nang lumabas kami. Alas-otso naman ako nakauwi. Sinikap kong makakain ng kanin at ulam, bago matulog. Haist! Ito ang mahirap sa solo living. Hindi ako ganadong kumain mag-isa. Abril 6, 2017 Marami-rami ang pumasok na estudyante ko, kaya nakapag-play ako ng inihanda kong video. Bukas, may video uli. Hinati ko kasi ang mga moments into two -- V-Mars moments at VI-Topaz moments. Kahit paano ay naipaalala ko sa kanila ang mga pinagsamahan namin, lalo na ang walang FB. Nag-award din ako sa mga achievers at kakaunti ang absent. Nalungkot ako dahil may mga naghahangad na makatabggap ng medals, pero hindi ko nabigyan. Hindi naman talaga dapat lahat ay makatanggap. Pagkatapos niyon, dumating ang dati nilang kaklase na si Wranz, from his graduation. Nagpakain/nag-blowout ang nanay niya. Naging masaya ang lahat. Parang closing party na rin iyon. Past 2:30, dumalaw naman ako sa burol ng nanay ng estudyante. Nag-abot ako ng limos. Iyon ang pinagsama-samang pera mula sa mga bata, magulang, at sa akin. Pag-uwi ko sa bahay, hindi na ako nanuod ng tv. Nahiga na agad ako. Sobrang pagod ko. Abril 7, 2017 Alas-nuwebe na ako dumating sa school. Nagsalang ako ng video. Pagkatapos, nagpirma na ako sa clearance. Marami pa rin ang hindi nakapag-comply. Nalungkot lang ako dahil nagdala ng food ang iba. Hindi sila nag-usap. Gusto pala nilang mga closing party. Hindi ko rin kasi sila na-require. Ayaw ako naman talaga ng mga gastusan. Ayaw na ayaw kong may masasabing negative sa akin ang mga magulang nila. Gusto kong magkusa sila. Pinauwi ko na lang sila nang maaga. Ang ilang mga babae ay nagpaiwan. Naglinis at naghugas. Parang may gusto pa silang sabihin sa akin. May yumakap at umiyak pa nga. Mami-miss niya raw ako. Nakaka-miss din sila kahit paano. Ang dalawang taon ay sapat para makilala ko sila nang lubusan. Napamahal na kami sa isa't isa. Pagkatapos kong fill up-an ang certificate of good moral, umuwi na ako. Abril 8, 2017 Sa dami ng gusto kong gawin, hindi ko naman natapos lahat. Pero, nasimulan ko at nagkaroon ng development, gaya ng thesis proposal at editing ng mga literary pieces. Kahit paano ay umusad ako. Gayunpaman, napi-pressure ako sa submissions. Sa April 18 ang deadline ng proposal. Sa April 30 naman ang sa CPMA. Idagdag pa ang manuscripts na hinihintay ng LSP. Haist, sana matapos ko lahat before or on time. Nakakainis lang ang signal ng internet. Halos, hindi ako makagawa dahil wala talagang connection. Gayunpaman, pinipilit kong may matapos kahit wala nito. Nakakaantok nga lang. Nakaidlip rin ako bago ko naramdaman ang malakas na lindol. Napatawag talaga ako sa Diyos. Kung may nakakita o nakarinig nga sa akin, baka matawa pa. But, thanks God dahil safe ako at ang paligid ko. Tumawag naman si Emily kinagabihan upang kumustahin ako. Nabalitaan niya raw sa tv. Abril 9, 2017 Pasado alas-7 ng umaga nang umalis ako. Sa Tejero na ako nag-almusal. Gusto ko kasing makarating agad sa Bautista at makabalik sa bahay. Nagawa ko naman. Nakapag-grocery pa ako. Past 12 nagpaalam na ako kay Mama. After iyon na ibigay ko sa kanya ang perang ipambabayad niya sa doktor na mag-oopera sa kanya. Kasama na rin doon ang pang-laboratories niya. Malaking pera ang pinakawalan ko ngayong araw, pero hindi ako nanghihinayang dahil para iyon sa aking ina. Gusto kong makakita na siya. Mas mahirap kapag manatili siyang bulag. Dapat pupunta ako kina Kuya Jape dahil dumating sina Aileen at Jaja. May malagkit at isda raw silang dala. Nawala ako sa mood nang nasa SM Manila na ako, lalo na't sobrang init sa labas. Nanuod na lang ako doon ng 'Search for Litte Stars.' Hindi ko tinapos dahil sobrang antok ko na. Past five, nasa bahay na ako. Abril 10, 2017 Eight-thirty, nasa school na ako para sa unang araw ng issuance of report card. Hindi naman lahat nakapunta. Hindi rin lahat ng estudyabte ko ang dumating para kunin ang card nila. May mga magulang at guardians lang ang naroon. Bigla ko silang na-miss. Kaya naman, kinausap ko ang bawat dumating. I see to it na magkakaroon kami ng conversation, kahit simpleng pagtanong lang kung saan sila o ang anak nila mag-aaral ng high school. Nag-stay ako sa school hanggang 3 o' clock, sa kabila ng matinding init. Ramdam ko na ang summer. Ang sarap magbabad sa tubig. Naalala kong bigla ang Palawan at ang Hundred Islands. Maghapon, nakapag-edit ako ng mga akda ko. Kampante na rin akong maipapasa ko on time ang thesis proposal ko. Almost ready na iyon. Kaunting editing at proofreading na lang. Abril 13, 2017 Huwebes Santo. Huwebes Santo rin ang signal ng internet ko. Nakakainis. Hindi tuloy ako makagawa ng mga dapat kung tapusin. Kailangang mag-research for thesis proposal. I can't do that without internet. Kaya, naglaba na lang ako. Nanunod. Nag-edit ng mga akda. Nagnilay na rin ako. Alam kong marami akong kasalanan. Sa kabila nito, patuloy pa rin akong namumuhay sa masama. Nakakulong na rin yata ako sa pasts ko. I can't move on. But, I enjoy reiterating the good memories. The pain has been bearable dahil mas matimbang ang mga magagandang alaala. Abril 14, 2017 It's Good Friday today. I know exactly the meaning of it. Sa halip na magnilay, mga gawaing bahay ang ginagawa ko--- naglaba ng mga punda at kumot, nagbilad ang mga unan, at naglinis. Alam kong naunawaan ako ng Diyos. Nakagawa na naman ako ng mabigat na kasalanan. Itinaon ko pa sa araw na ito. Grabe! I keep on making the same mistake. I just wanted to move on. But, sa ginawa ko, parang hindi pa rin. Lalo pa yata akong malulugmok sa pagdurusa. Abril 15, 2017 Sabado de Gloria. Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito. Grabe! Ang tindi ng emosiyon ko. Sa unang pagkakataon, nagamit ko nang husto ang tear gland ko. But, I like the essence and the effects of it. Very healthy na and it led to understanding. Nahanap ko na ang mga kasagutan at kakulangan sa buhay ko. Abril 16, 2017 Easter Sunday. Kahit napuyat ako kagabi, nakabawi naman ako ng tulog. Eight na kasi ako bumangon. Pagkatapos kong mag-almusal, umalis ako. Humingi (uli) kasi ng favor si Mam Gie. Ipadala ko raw ang COLA niya. Kailangan kasi nila para sa pamasahe pabalik sa Maynila. Since, kailangan ko ring bayaran ang internet at water bills, okay lang sa akin. Isang lakaran na lang. Nakadaan pa nga ako sa palengke para bumili ng isda. Sapsap ang gusto kong iulam. Itinuloy ko naman ngayong araw ang pagsulat ng bagong nobela na nasa isip at puso ko. Nakadalawang chapters na ako, since kagabi. Gusto ko sana itong matapos agad upang maipa-publish ko na uli sa WWG, bago pa ilabas sa Mayo ang 'Malamig na Kape.' I just hope kayanin ng time ko. Abril 17, 2017 Maaga akong gumising para sa unang araw ng reinstallation ng SBM room sa school. Alam ko kasing dagsa ang mga commuters ngayong araw. Kaya naman, wala pang alas-otso ay nasa school na ako. Pangatlo ako sa mga unang dumating. Halos, wala naman akong naitulong. Nagbuhat lang nang kaunti. Tumulong-tulong din ako sa paglabas ng mga abubot at kasangkapan. Then, buong araw na akong nag-update ng LIS. Natulungan ko pa si Sir Erwin. Natapos kong pareho ang sa amin, habang nakikipagkuwentuhan kay Emeritus, gayundin sa kanya. Before 5, umuwi na kami. Past 7:30 naman ako nakarating sa bahay. Pagod na pagod, pero masaya akong ngayong araw. Isa sa mga dahilan nito ay nang mabasa ko ang email ni Ms. Amor ng Le Sorelle Publishing. Nagandahan siya sa 'Ang Alamat ng Pahilis.' Nangangahulugan ito ng isa na namang published work. Kaya lang, pinapalitan niya iyon ng title. Nanghingi siya ng mga maaaring pagpilian. Napili niya ang 'Mga Kuwentong Kukote.' okay lang naman na hindi masunod ang pamagat ko, as long as na hindi apektado ang content. Malungkot lang ako ngayong araw dahil nabigo ko si Emily. Niyayaya niya kasi akong pumunta sa Aklan para makasama ako sa Iloilo, dahil magti-treat ng kaibigan niya. Libre. Idinahilan ko ang laganap na nakawan sa subdivision namin at ang work ko sa school within this week. Hindi ko na nga nasabi na tungkol sa mga maiiwanan kong mga halaman. Mangangamatay sila kapag hindi nadiligan. Ayaw na ayaw ko pa naman nang namamatayan ng halaman. Ngayong araw din, nabayaran ko na ang loan ko kay Mam Bel at ang mga pictures kay Mang Jun. Wala na akong iisipin pa. Abril 18, 2017 Ikalawang araw ng SBM reinstallation. Halos wala naman akong naitulong. Wala naman kasi akong gagawin. Mabuti na nga lang, naukupa ang oras ko nang magpatawag ng meeting ang representative ng CDA. Hinarap namin siya upang pakinggan ang mga dapat at hindi dapat gawin sa coop namin. Mga past 6 na ako nakauwi. Sobra ang pagod at antok ko, kaya maaga-aga akong natulog. Abril 19, 2017 Na-enjoy ko ang ikatlong araw namin sa SBM room. Kahit paano ay may effort ako. Gayunpaman, mas marami pa rin ang pahinga at kuwentuhan. Easy-easy lang dahil sobrang init. Balewala ang aircon. Kaya lang, hindi ko natapos ang mga articles na nire-request ni Sir Lester para sa website ng school. Nakaisang article lang ako. Kailangan ko pa ng siyam. Sabagay, sa April 30 pa naman ang deadline. Alas-singko, nagkayayaan kami nina Sir Erwin, Mam Edith, at ako para puntahan at bisitahin si Mam Joan. Na-miss lang namin siya. Nabuo na naman ang 1000. Nagmeryenda kami, since nagtitinda sila ng meryenda. Siyempre, nagkuwentuhan at nagtawanan kami. Past 6, umuwi na kami. Abril 20, 2017 Muntik ko na namang makalimutang i-send sa email ni Dr. Barbieto ang thesis proposal ko. Two days late na ako, pero sana'y tanggapin pa niya. Naging busy ako maghapon. Nagsulat ako ng news article. Nakaanim akong balita. Mabilis lang sana gumawa kung nakaready ang mga info. Ang problema, hindi rin alam ng mga concern, ang mga katanungan ko. Namimili na lang ako ng mga issues na medyo may alam akong data. Gayunpaman, masaya akong nakatulong ako sa school website. Isa pa, may certificate ako at may five days service credit. Hindi ko naman tatanggapin ang trabaho kung wala naman akong mahihita. Nasasakripisyo na nga ang pagsusulat ko ng mga akda. Nagpadala ako ng P2000 kay Ms. Sy para sa kabayaran ng book franchise ko sa LSP. Kahit paano ay nakatulong ako, at may extra income pa ako. Inabutan na naman ako ng ulan. Kagabi, sa village. Ngayon, sa Baclaran pa lang, umulan na. Mabuti na lang, wala nang ulan nang makababa na ako ng bus. Abril 21, 2017 Naging abala kaming lahat sa huling araw ng reinstallation ng SBM room. Nakatulong ako kahit paano, sa kabila ng paggawa ko ng news article. Isa na lang ang dapat kung i-submit kay Sir Jul. Naihanda ko na rin ang mga books, na idi-display sa booth sa Book Fiesta. Iuuwi ko muna sa bahay para mabalutan ng plastic. Hindi man ako excited masyado, alam ko namang magiging makasaysayan ang unang book fair na dadaluhan ko. Malaki ang pasasalamat ko sa SP dahil mararanasan ko ang ganito. Hindi ko naman ito pinangarap noon, pero ibinigay sa akin ng Panginoon. Isa itong daan para makakilala ako ng mga bagong kaibigan, at sana makilala rin ang aking mga akda. Sana matuloy sina Sir Erwin sa pagpunta sa event. Isang karangalan ang pagkakataong iyon kung sakali. Abril 22, 2017 Past nine-thirty, nasa school na ako para abangan ang delivery ng padalang books ni Ms. Heaven para sa Book Fiesta. Past two na ito dumating, kaya 2:30 pm na ako nakapunta sa QCMC. Okay lang naman kasi tinulungan ko nang kaunti si Mam GiGigi sa SBM room. Before 4, na-meet ko na sa Circle si Mam Joan. Nagkuwentuhan kami bago siya nagpaalam. Hindi na niya mahihintay ang ibang members. Nailibre niya pa ako ng samalamig at kwek-kwek. Pagkatapos, na-meet ko naman si Ms. Mayanne. Taga-Boracay siya. Cool. Siya na ang nakasama ko habang hinhintay ang mga SP admins na sina Annie, Luna, Au, Imma, at Mhorric. Past 8 na kami nabuo at nakapag-dinner. After dinner, nagsimula na ang action--ang booth decoration. Hanggang 10:30 lang ako. Anyways, malaki ang naiulong ko, gayundi si Mayanne. Sabay na kaming lumabas sa QCMC. Pagod na pagod at antok na antok ako. Ramdam ko ang mga iyon nang nasa biyahe na ako pauwi. Mabuti na lang, mabilis ito. Past one ng umaga ako nakauwi at nakatulog. Sinet ko muna ang alarm ng 4:00 am. Less than 3 yours sleep, pero okay lang. Book Fiesta ito. NBDB pa. Hindi maaaring palampasin ang chance. Abril 23, 2017 Halos wala pang tatlong oras ang tulog ko nang bumiyahe ako pabalik sa QCMC. Okay lang naman dahil worth it naman ang pinaghirapan. Naging successful ang event sa kabila ng matinding init. Although, hindi ko naman kakilala ang ibang members ng mga writing groups na inimbitahan ng SP, nakakilala ko naman ng iba. Isa itong pambihirang pagkakataon. Bukod pa rito, nalaman kong may puwang pala ang 'Walang Pamagat' sa publishing world. Bumenta ako ng apat na kopya. Dalawa nga doon ay kay Ms. Bebang Siy. Salamat kay Imma na nag-promote sa libro. Nakapunta rin sina Epr at Sir Erwin. Ramdam ko ang suporta nila sa akin bilang best friend nila. Unang beses din nilang nagkita. Nakakatuwa. Napagsama ko ang dalawa. Ang Book Fiesta ay nagbukas din sa akin ng mga oportunidad-- maraming oportunidad, na hindi ko muna inaasahan, pero alam kong mangyayari. Isa na roon ang paglapit at paghingi ng contact number ko, ng isang lalaki na may kaparehong advocacy. Maaari na naman kaming maging bahagi ng isang malaking event sa June. Abril 24, 2017 Kahit paano, nakabawi ako ng puyat at pagod. Alas-sais y medya na ako nagising. Parang walang nangyaring nakakapagod, kaya naman pumasok pa ako sa school. Pasado alas-diyes ay andoon na ako. Hinarap ko ang pag-update ng PDS ko. Matagal kong ginawa dahil kailangan ko pang mangalkal ng mga certificates. Ang masaklap pa, hindi na-save ang unang gawa ko. Nasayang ang effort at time ko. Mabuti na lang natapos ko, bago kami nag-bonding nina Sir Erwin at Mam Edith sa Chowking-HP. Nagkuwentuhan lang kami. Nagplano kami ng pagpunta sa sa condo ni Sir. Baka sa Wednesday, matuloy kami. Hindi kasi ako puwede sa Huwebes dahil darating na ang mag-ina ko. Pinadalhan ko na sila kanina ng pamasahe. April 25, 2017 Dahil sa ilang araw na ka-busy-han, natambak ang mga labahan ko. Abg dumi rin ng bahay. Kaya naman, feeling accomplished ako ngayong araw. Tamang-tama naman dahil bukas ay darating na ang mag-ina ko. Sa kabila nito, nakapagsulat din ako ng karugtong ng bago kong nobela. Unti-unti nang lumalabas ang ideya ko. Gayunpaman, mahaba pa ang bubuuin ko para matapos. Kailangan ko ng inspirasyon para ma-push ko ang sarili kong tapusin agad ito. Natutuwa nga ako dahil nakapag-FB na uli ang bes ko na siyang pursigidong maging kritiko ng akda ko. Natutuwa rin ako, hindi lang dahil sa oportunidad na iyon, kundi dahil soon ay makakauwi na siya sa Pinas, pagkatapos niyang tumakas sa amo. Malaki nga ang pasasalamat niya sa akin dahil pinayuhan ko siya. Hindi ko naman akalain na makikinig siya. Mabuti na rin ang nangyari dahil naging matatag siya. Abril 26, 2017 Na-late ako sa pagsundo sa aking mag-ina. Nang makita ko sila sa tapat ng food chain, namutla na raw sila sa kahihintay. Naawa naman ako. Kaya, agad ko silang trineat doon. Pinagmasdan ko si Ion, habang bumibili ng pagkain si Emily. Kailangan ko na naman siyang patabain. Kailangan naming tumaba, bago magsimula ang klase sa June. Masaya ako't magsama-sama na kami, for good na ito. Sariling bahay na. Hindi na kami magpaparoo't parito. Makakapagpundar na rin kami ng mga kasangkapan. Uunti-untiin ko na rin ang pagpapagawa ng CR, kisame, bakod, at flooring. Nakapag-update ako ng mga nobela ko ngayong araw. Sana, maituloy-tuloy ko na ito bago ako maging busy uli. May kailangan pa akong i-email. Excited na rin ako sa paglabas ng "Malamig na Kape." Abril 27, 2017 Tulad nang naipangako ko sa aking mag-ina, bumili kami ng ref. Bili talaga. Cash kasi masyadong mataas ang interes kapag installment. Sayang naman ang P6000+. Excited na sana kaming magkaroon ng ref, kaya lang kinabukasan pa ang delivery. Hindi tuloy kami nakapamalengke at nakapag-grocery nang marami. Okay lang. Makakapaghintay pa naman. At least, kapag nasa MTOT seminar ako sa May 1 to seven, kampante akong may pagkain ang mag-ina ko. Nakapag-update uli ako ng bagong nobela ko. Hindi ko nga lang masige-sige dahil kailangan ko ring ipahinga ang aking mga mata at ang aking isip. Bago ako natulog, halos umabot na ng 10 thousand words. Marami pa akong kailangang buuin, pero marami naman ideyang nakaabang sa isip ko. Abril 28, 2017 Past 9 na nai-deliver ang ref namin. Sulit naman ang paghihintay dahil tuwang-tuwa si Zillion. Hindi ko kayang mabili kung saan ang ngiting iyon. At, nang alas-3 nang hapon, umalis ako para mag-grocery ng ilalaman doon. Muli kong nasilayan ang ngiting iyon. Kay sarap pagmasdan! Kahit bungi pa siya dahil nagpalit siya ng ngipin, alam kung tunay na kasiyahan iyon ng munting bata. Wagas. Abril 29, 2017 Wala akong ginawa ngayong araw kundi enjoy-in ang bawat sandali na kasama ko ang aking mag-ina dahil ilang araw na lang ay maiiwanan ko sila for one week. Sa May 1 to 7 ay magsisimula na ang seminar sa K-12 sa Laguna. Ipinagluto ko sila ng masarap na ulam sa lunch at dinner. Siyempre, nagkaroon ako ng ganang kumain dahil may kasalo ako. Abril 30, 2017 Nagkaroon ako ng time para maghanda ng mga dadalhin ko sa seminar dahil umalis sina Emily at Zillion. Nagsimba sila at namalengke. Nag-empake ako sa isang maliit na maleta at nagplansta. Hindi ko lang alam kung magkakasya ang mga damit ko para sa pitong araw na seminar. Bahala na. Naihanda ko rin ang sarili ko. Kahit paano ay hindi na ako masyadong magiging aloof sa tao. I know, magiging participative ako sa mga activities.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...