Noong isang araw lang, nakipagkuwentuhan pa si Paloma sa kanyang mga kumare tungkol sa mga bagong usong lipstick at damit. Palibhasa, siya lang ang mahilig mag-ayos ng sarili, panay lang ang tango ng mga kausap. Pero, ayon sa kanila, hindi mo aakalaing may leukemia siya.
Kanina naman, nagsisigaw pa siya dahil hindi niya mahanap ang kanyang lipstick. Kailangan pa niyang makabili ng yosi sa tindahan. Hindi niya kayang mabuhay ng walang sigarilyo, gayundin ng lipstick, kaya tumaas ang kanyang alta-presyon.
Hawak lang pala ng kanyang apo ang hinahanap niyang lipstick. Mabuti na lang at hindi ito nabuksan.
Lumabas siyang nakapostura para magyosi sa tindahan at uminom ng malamig na cola. Pulang-pula ang mga labi. Seksing-seksi kanyang kasuotan. Hindi halatang malapit na siyang maging senior citizen.
Kilala siya sa kanilang barangay bilang palaayos, masiyahin, at maingay. Madalas nga niyang sabihin sa mga kabarangay na kapag mamatay siya, walang iiyak. Lahat ay dapat masaya at nakangiti.
Nguyngoy nang nguyngoy ang mga anak at kamag-anak ni Paloma nang silipin nila ang bangkay nito sa kabaong.
"Bakit kayo umiiyak?" tanong ng barangay captain. "Hindi ba ninyo naaalala ang madalas niyang biro?"
"Naaalala naman po, Kap." sagot ng panganay na anak ni Paloma. "Bawal umiyak..."
"O? Bakit nga kayo umiiyak?" tanong uli ng kapitan.
Lalong pumalahaw ng iyak ang mga naulila.
"Kap... tingnan mo naman kasi..."
Tiningnan ng kapitan ang bangkay.
"Hindi pulang lipstick ang ginamit sa labi ni Mama." Umiyak lalo ang anak na lalaki.
"Oo nga! Sige, umiyak na kayo..." Ikinubli ng kapitan ang pagtawa.
Followers
Thursday, January 21, 2016
Sunday, January 17, 2016
Alter Ego: Pangarap
Hindi alam ni Rayson na mas nauna pa si Paul na nakasakay sa bus bago siya dumating. Hindi rin niya napansin o nakilala ang kaibigan dahil nakasuot ito ng itim na hoodie at shades.
Sa loob ng dose oras na biyahe, nagawa ni Paul na ikubli ang sarili sa kaibigan.
Madilim na nang makarating sila sa bus terminal. Dahil first time ni Rayson sa Manila, nakita ni Paul kung paano ito magtanong-tanong. Ang hula niya'y hinahanap niya ang terminal ng bus na patungong Baguio City.
Nilalandas ni Rayson ang bawat direksiyong itinuturo sa kanya ng mga napagtatanungan habang nakasunod naman sa malayo si Rayson. Ingat na ingat siyang hindi makita o maramdaman man lang ng kaibigan.
Sa isang carinderia, huminto si Rayson. Matagal-tagal din siyang nag-isip ng uulamin. Panay ang tanong at turo niya sa mga ulam. Ang hula ni Paul ay naghahanap siya ng mura o kaya'y humihingi ng diskuwento sa tindera. Maya-maya, nag-order na siya at nagbayad.
Habang kumakain ang amigo, sinamantala ni Rayson ang pagkakataon. Naglakad-lakad siya. May tila hinahanap. Ilang sandali pa, kausap na niya ang isang hindi mapagkakatiwalaang lalaki. Isinama rin niya ito sa karinderya at palihim na inginuso si Rayson. Nagsenyasan sila.
Isang ngiting-aso ang nasilayan sa mukha ni Paul habang sinusundan si Rayson ng kinausap niyang lalaki. Naisip niyang maya-maya lang ay ibibigay na sa kanya ang bag, kapalit ng napagkasunduang halaga.
Doon sa karinderyang kinainan ni Rayson, umorder siya ng kape.
"Paalam sa pangarap mo, Rayson!" piping sambit ni Paul pagkatapos humigop ng kape.
Kalendaryo vs Cellphone
Anak: Kelan tayo uuwi sa Aklan?
Ama: Matagal pa.
Anak: Bakasyon?
Ama: Opo.
Anak: Anong number?
Ama: 10
Anak: 10? Pahiramin mo ako ng cellphone mo araw-araw, pag sinabi ko ha?
Ama: Bakit?
Anak: Titingnan ko.
Ama: Ayan ang kalendaryo, o. D'yan mo tingnan.
Anak: Cellphone ba 'yan?
Ama: Yan ang tunay na kalendaryo. Ginaya lang ng cellphone.
Anak: Siyempre, cellphone, e.

Friday, January 15, 2016
Si Maska
Ipinanganak si Maska na walang katawan. Para lang siyang maskara-- isang three dimensional na maskara. Paborito ko siyang pamangkin dahil palangiti siya. Makulit din siya. Limang taong gulang na siya kaya nakakapag-respond na siya sa mga pangungulit sa kanya. Kaya, noong nilabas niya ang kanyang dila, ginaya ko siya habang nakahiga ako at nakapatong siya sa aking tiyan.
Muli kong inilabas ang aking dila sa pag-aakalang gagayahin niya rin ako, pero laking gulat ko nang ilabas niya ang kanyang napakahabang dila, na umabot sa aking tainga.
Napabangon akong bigla at halos naihagis ko siya sa kanyang ina na nasa aking tabi. Nagalit si Maska. Inilabas niyang muli ang naglalaway niyang dila at akmang ipapasok sa aking tainga.
Dumilat ako. Madilim ang aming kuwarto.

Teachers' Unity during the Storm
"Principals come and go, but teachers stay", as
they said.
There is an absolute truth on this.
The principals come like a natural calamity. They pass by
and they don't stay. In contrast, teachers of one institution stay. They build
the Alma Mater up to their sixty-fifth year of existence in the world. They
make roots so that new batch of seedlings may sprout up, which will later
contribute to the strong foundation of the academe.
This scenario is prevalent to all educational institutions.
When the school administrator came in, he offers change for
the betterment of the institution. He tries to change the culture of the
school, which has positive and negative effects. The positive side would be the
success of all aspects in his entire administration, where all stakeholders
have gained from these. The negative side would be the sudden change of teachers'
outlook and activities, where they become disunited. Clashes of ideas may
occur. Like any catastrophe, storm destructs, whether lives or properties or
natural resources or all of these.
Undeniably, teachers nowadays dissociate because of the
effects of the storm. They don’t know how to handle the strong wind and heavy
rain during the calamity. Some will settle on where they really belong and cling
with one another because they believe that there’s a rainbow after the storm.
However, some will choose to go with the flow. They accept the fact that the gustiness
of wind and rage of rain will slay them if they don’t lose grip from holding
with the union. Self-interest or fear may be the reason of this wrong option.
They sacrifice the foundation they built for years over the promise of temporal
safety and pleasure.
Well, we can’t blame them. Storms are usually destructive,
sometimes fatal. People are precautionary that they evacuate before the storm
makes a landfall. Some gives up after deciding to hold on.
Thus, teachers, who are still sober after the calamity, are
indeed commendable for they give importance to the time-tested ties; and for
they are positive enough to rebuild their place and continue to live the normal
life. Teachers who surpass the natural occurrence are highly regarded because they
know the value of unity, for whatever happens, they would remain. Enduring the storm
with their folks is a great attitude an educator may possess. Likewise, moving
on after the storm is a noble attitude. They must understand that the
environment they live together is the venue where they prosper together. Wrath
of nature will sometimes interfere, but it is not permanent.
Coming of the storm cannot be hindered, but how to face it
is what matters most. Teachers are advised to hold each other’s hand. Learning
how to be strong is the best weapon for severity of its destruction.
Wednesday, January 13, 2016
Promosyon: Isang Pagsasaing
Ang promosyon ay parang pagsasaing ng bigas. Tatlo ang maaaring kahihihitnan--- maluto, mahilaw at masunog.
Angkop ang taong na-promote kung siya ay natubigan at napakuluan nang husto. Hindi siya minadali. Hindi siya nakulangan sa mga pangangailangan upang maging isang kanin. Ang lahat sa kanya ay gaganahang kumain. Ang lahat sa kanya ay mabubusog. Walang magrereklamo. Tamang-tama sa panlasa ng nakararami, 'ika nga. Kaya, deserve niya ang isang malakas na dighay mula sa mga kumain.
Hilaw na kanin ang taong na-promote kung minadali siyang tanggalin sa mahinang apoy. Kulang siya sa inin. Hindi siya umalsa kaya lupyak ang kalderong pinagsaingan sa kanya. Kaya naman, may mga taong hindi na siya gusto. Hindi naman talaga kagana-gana ang kaning halos bigas pa. Matigas ito't hindi mainam sa sikmura. Kaya ang promosyong hilaw ay hindi kaiga-igaya para sa lahat. Maaaring ang nagsaing ay gusto niya ng panghayop na kanin kaya niya ito hinilaw. Kahit siguro ang baboy ay hindi ito maaatim na kainin.
Naluto na ang bigas/kanin pero hindi pa rin siya hinain. Mapait ang lasa nito. Bitter. Hindi mainam na ihain sa mesa o ihanda sa piging. Kahit siguro ang mga bulate sa tiyan ay tiyak na sisimangot. Tutong kasi. Sunog o tutong ang isang promosyon kung naganap ito sa matagal na panahon. Maaaring nakalimutan o pinabayaan siyang nasa apoy o maaaring sinadya siyang matutong upang maligayahan ang iba. May mga tao kasing mas gusto ang sunog o tutong. Kagaya ng tao, hinayaan muna nilang tumanda nang husto ang tao, bago nila bigyan ng promosyon, na deserve naman talaga niya noon pa.
Kung paano man tayo magsaing, walang masama roon. Ang masama ay kung ang hilaw at tutong na kanin na ating sinaing ay ipapakain pa natin sa iba. Magsaing na lang siguro tayo nang tama upang ang lahat ay hindi mawalan ng gana.

Monday, January 11, 2016
Minsan, Ngayon, at sa Tamang Panahon
Minsan, ako'y naging kaibigang mabuti
sa mga taong binigay ang tiwala't sarili,
ngunit nang lumaon, sila'y nagkunwari
na may pagmamalasakit na masidhi.
Kaya ngayon, kandila'y wala nang sindi
at naghihintay na sa kanila ay maisauli,
nang maputol na ang samahang nakatali
at magwakas na ang masasamang ugali.
Sa tamang panahon, itong pagkakamali,
maunawaan man nila, kung bakit nangyari
ay hindi na maidudugtong itong mga pisi
sapagkat ang pang-unawa ko'y nakabigti.

Sunday, January 10, 2016
Ang Itik ni Boknoy
Pagkagaling sa eskuwela ni Boknoy, agad siyang nagbihis at pinakawalan ang alaga niyang itik mula sa kulungang kawayan. "Kwak-kwak!" tawag niya upang sundan siya nito hanggang sa ilog.
Masiglang lumangoy-langoy at tumuka-tuka si Kwak-kwak habang mataman niyang binabantayan upang hindi matangay ng alon.
Nang umahon na si Kwak-kwak, muli niya itong pinasunod sa kanya. Halos magkatulad ang kanilang nararamdaman. Ligaya ang nadarama ni Boknoy sa tuwing maglalakad-lakad silang magkasabay. Kapanatagan naman ang hatid ni Boknoy kay Kwak-kwak kapag sila ay magkasama.
Walang makakapaghiwalay sa kanya, aniya. Hindi niya nga ito ipinagbili sa kanyang ninong noong nakaraang araw, kahit pa dalawangdaan piso.
Araw-araw niya itong ginagawa, ngunit isang hapon, nagising si Boknoy sa iyak ni Kwak-kwak. Nang sumilip siya sa bintanang kawayan, nakita niyang hawak-hawak ng kanyang ama sa leeg at mga pakpak ang kanyang alaga. Nakita niyang tumatangis ito.
"Pare, ikaw na ang kumatay..." Malungkot na inabot ng ama ang naghihingalong itik.
Nabali ang kawayang bintana sa higpit ng pagkakakuyom niyon ni Boknoy. Umurong na rin ang dila niya. Gusto niyang humiyaw ngunit natatakot siya sa mga lasing.
"Tara, Pare... katayin na natin 'to sa bahay! Sigurado akong makakaubos na naman tayo nito ng isa pang kuwatro-kantos." anang ninong ni Boknoy.
Hindi niya maibulalas ang kanyang pag-iyak. Sumikip ang kanyang dibdib sanhi ng matinding sama ng loob. Ibinusal niya pa ang tagiliran ng kanyang palad sa kanyang bibig, habang hinihimas ang manipis na dibdib. Maraming luha ang umagos sa kanyang mga mata ngunit walang salita na lumabas mula sa kanyang bibig.
Bago magdilim ang kanyang paningin, nakapag-usal pa siya ng panalangin. Kapatawaran ang kanyang hiling.
Paggising niya'y madilim na, saka namang pagpasok ng kanyang amoy-tsikong ama. Hawak nito ang isang mangkok ng adobo.
"K-kumain ka na, 'Noy..." Inabot niya sa anak ang ulam at halos malugmok sa pag-upo. "Aalis uli ako maya-maya... Na-stroke ang ninong mo."
Inamoy niya ang ulam sa mangkok, kasabay ng pagtulo doon ng kanyang luha.

Saturday, January 9, 2016
Ang Epiko ng mga Tanyag
Sa bahay-kubo, ang papang ay tumira,
kasama'y isang makata at isang pokwita.
Hindi nagkubli, kundi sila ay nagsaya,
kahit ang ulam ay sardinas, tuyo o tinapa.
Doon ay laging may gloriang nakaabang
Kahit ang inggit ay hindi nakahadlang.
Kape, kuwentuhan at panay tawanan,
sapagkat ang buhay ay simple lamang.
Mula sa Planetang C, bumalik si Ate Gina,
kaya nagulo ang masayang engkatadya.
Ang ama nila'y pinalayas ng mayordoma
upang ang una'y magsabog ng lagim niya.
Ang isang kampo'y ginawang kaharian--
walang hari, pero reyna ay nananahan.
Mga tauhan niya ay nais hawakan
upang manatiling makapangyarihan.
Isang baleleng ang kawangis niya.
May ambisyong gumugupo sa kanya.
Kaya ang pabebe ay sinusulot pa
upang kumuha ng lakas at simpatya.
Nakipagsanduguan sa nagmamaganda--
dati niyang kalaban, ngayo'y kakampi na.
Sama-sama silang naghahabol ng Mah
upang maging prinsesa, reyna at donya.
Mga pekeng nilalang, kaluoy talaga!
Nagbabalat-kayong mayaman sila
at ikinukubli ang huwad na mukha,
ngunit ang totoo, sila ay mga bruha.
Dating prinsesa, nawalan ng etiquette
nang dahil sa kanilang mga pang-aakit.
Kaya ngayon, siya'y may iniindang sakit--
ang sakit na paninibugho ng isang kabit.
Subali't ang kubo ay naging mansiyon.
Plus 1 na ang palaban at wais na don;
maging ang matriyarkal na ina, naroon,
kapiling ang tatlong matatalinong kampon.
May nanatili at kahit may lumayo...
Ang emperyo ay nanatiling nakatayo
sa mga sibat ng mga kawal ng diablo.
Bayuhin man ng mga tsismisang bagyo.
Ilang boho man ang doo'y maganap
ang tirahan ay hinding-hindi maghihirap
'pagkat may mga sorbeterong tinanggap
upang magbigay-galak at paglingap.
Kung may intruder mang nanghimasok,
siya ngayo'y isang maaasahang manok,
na nabawasan ang pagkamatilaok
dahil ayaw niyang may sugong makapasok.
Tupang mababait, darating mula sa langit.
Tinataglay nila'y puwersang malupit
na sa mga taong-talangka ay hahagupit
hanggang ang tagumpay nila ay makamit.
Sa kasalukuyan, tahanan nila'y matatag.
Hindi mapipigilan ng kahit sinong ogag.
May mga miyembro pang dumadagdag,
nais lumigaya sa kaharian ng mga tanyag.

Ikaw
Ikaw, ang pinatutungkulan ko nito.
Oo, ikaw, na aming butihing pinuno,
na maraming ginawang pagbabago.
Ito iisa-isahin ko nang malaman mo.
Maling empleyedo ay inaaangat mo,
palibhasa may binibigay sila sa'yo.
Ano'ng tawag doon: suhol o regalo?
Ewan! Basta ang alam ko, mali ito.
Ang mahuhusay mong empleyado
ay minamaliit lang at ibinababa mo.
Tinatanggalan pa ng laya at pagkatao
upang ang manok mo ang manalo.
Ang mga mali ay kinukunsinti mo.
Tinatanggap ang sulsol ng mga bobo.
Nakikinig sa mga dikta ng abusado.
Ayaw sa tama, gusto ng palsipikado.
Ang mga kakulangan sa ating grupo
ay iniismiran lamang at tinalikuran mo,
dahil para sa'yo, ito'y bawas sa pondo
na iyo pang maisusuksok sa bulsa mo.
Ikaw ay masipag manggantso ng tao.
Marami kang salaping naisasako.
Nuknukan ka ng sipag sa serbisyo.
Abala ka sa iyong mga raket at negosyo.
Ikaw ay may bait sa sarili, hindi ba po?
Kaya nga, kami ay humahanga sa iyo.
Sukdulan ang tapang ng apog mo.
Karapat-dapat ka ngang, sa krus, ipako.
Lagi kang pabor sa mga mali at liko.
Kakampi ka ng mga huwad at gago.
Ang lakas-lakas nila sa iyo, uto-uto!
Wala kang pinag-iba sa mga trapo.
Oo, ikaw na aming tinitingalang pinuno
ay pararangalan sa paggunaw ng mundo
at magsasama-sama kayo sa impiyerno
ng mga kapwa mong ugaling demonyo.
Alam mo na ngayon ang mga ginawa mo.
Ang akin lamang, sana ikaw ay magbago
nang ang iba ay hindi ka gawing idolo
at sambahi't tingalain na parang rebulto.
Ang hiling ko sa'yo ay isang pagbabago--
pagbabago sa iyong sarili at sa grupo.
Ikaw ay edukado't hindi hayop, kundi tao.
Aasahan kong pumintig uli ang iyong puso.

Friday, January 8, 2016
Ang Matanda, ang Maldita at ang Mabait
"Bakit isa sa inyo ang dapat kong i-promote?" tanong ng manager. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tiningnan niyang isa-isa ang tatlong empleyado na nagkaroon ng bangayan, makuha lang ang mataas na posisyon. "Ikaw, Ms. Andah Mata..." Sinenyasan niya na tumayo ito at magpaliwanag.
"A... Sir, kasi, Sir... Matagal na po akong nagseserbisyo sa kompanyang ito. Saksi ka po, Sir, at ang iba kong kasamahan..." paliwanag ng empleyadong may katandaan na ngunit naitatago niya ito sa kanyang kolorete sa mukha at seksing kasuotan. "Dito na nga ako nagkaasawa't nagkapamilya. Wala ka pa nang nagsimula ako rito. At lalong wala pa ang dalawang ito..."
"Thank you! How about you?"
Tumayo agad si Ms. Dita Maal. Inirapan niya pa ang dalawang kasamahan bago nagsalita. "Hindi ito patandaan at pabaitan... Ako, Sir, ang dapat mong i-promote dahil ako ang nagpataas ng sales natin last year. Besides, I can do your favors, Sir. I always do, remember? Just name it..." Maharot ang pagkakabigkas niya niyon. "Compared to them? O, my gosh!?" Pagkatapos, muli niyang inirapan ang dalawa.
"Well..." Speechless ang boss nila. "A... Ikaw naman, Ms. Letty Humi."
Nahihiyang tumayo si Letty ngunit pinilit niyang tingnan sa mata ang kanilang pinuno, habang pinapakalma niya ang sarili. "Sir ... I really don't need this promotion just because I want to have higher salary. Kailangan ko pong makuha ang supervisory position dahil mayroon pa po akong ipapakita at ibibigay upang mas lumago pa ang kompanyang ito na pinag-alayan ko ng oras, lakas at isip sa loob ng anim na taon..." Payuko siyang umupo. Hindi niya tuloy nakitang napatango-tango ang kanyang manager.
"Andami mong sinabi! Ako pa rin naman ang pipiliin ni Sir!" singit ni Dita.
Tumayo si Mr. Sam Hann para lumapit kay Ms. Letty Humi. "Iwanan mo muna kami..." Kinamayan niya ang empleyado at ginawaran niya ito ng tatlong tapik sa balikat, bago niya ito nginitian at kinindatan.

Subscribe to:
Posts (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...