Sa bahay-kubo, ang papang ay tumira,
kasama'y isang makata at isang pokwita.
Hindi nagkubli, kundi sila ay nagsaya,
kahit ang ulam ay sardinas, tuyo o tinapa.
Doon ay laging may gloriang nakaabang
Kahit ang inggit ay hindi nakahadlang.
Kape, kuwentuhan at panay tawanan,
sapagkat ang buhay ay simple lamang.
Mula sa Planetang C, bumalik si Ate Gina,
kaya nagulo ang masayang engkatadya.
Ang ama nila'y pinalayas ng mayordoma
upang ang una'y magsabog ng lagim niya.
Ang isang kampo'y ginawang kaharian--
walang hari, pero reyna ay nananahan.
Mga tauhan niya ay nais hawakan
upang manatiling makapangyarihan.
Isang baleleng ang kawangis niya.
May ambisyong gumugupo sa kanya.
Kaya ang pabebe ay sinusulot pa
upang kumuha ng lakas at simpatya.
Nakipagsanduguan sa nagmamaganda--
dati niyang kalaban, ngayo'y kakampi na.
Sama-sama silang naghahabol ng Mah
upang maging prinsesa, reyna at donya.
Mga pekeng nilalang, kaluoy talaga!
Nagbabalat-kayong mayaman sila
at ikinukubli ang huwad na mukha,
ngunit ang totoo, sila ay mga bruha.
Dating prinsesa, nawalan ng etiquette
nang dahil sa kanilang mga pang-aakit.
Kaya ngayon, siya'y may iniindang sakit--
ang sakit na paninibugho ng isang kabit.
Subali't ang kubo ay naging mansiyon.
Plus 1 na ang palaban at wais na don;
maging ang matriyarkal na ina, naroon,
kapiling ang tatlong matatalinong kampon.
May nanatili at kahit may lumayo...
Ang emperyo ay nanatiling nakatayo
sa mga sibat ng mga kawal ng diablo.
Bayuhin man ng mga tsismisang bagyo.
Ilang boho man ang doo'y maganap
ang tirahan ay hinding-hindi maghihirap
'pagkat may mga sorbeterong tinanggap
upang magbigay-galak at paglingap.
Kung may intruder mang nanghimasok,
siya ngayo'y isang maaasahang manok,
na nabawasan ang pagkamatilaok
dahil ayaw niyang may sugong makapasok.
Tupang mababait, darating mula sa langit.
Tinataglay nila'y puwersang malupit
na sa mga taong-talangka ay hahagupit
hanggang ang tagumpay nila ay makamit.
Sa kasalukuyan, tahanan nila'y matatag.
Hindi mapipigilan ng kahit sinong ogag.
May mga miyembro pang dumadagdag,
nais lumigaya sa kaharian ng mga tanyag.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment