Followers

Friday, January 8, 2016

Ang Matanda, ang Maldita at ang Mabait

"Bakit isa sa inyo ang dapat kong i-promote?" tanong ng manager. Sumandal siya sa kanyang swivel chair at tiningnan niyang isa-isa ang tatlong empleyado na nagkaroon ng bangayan, makuha lang ang mataas na  posisyon. "Ikaw, Ms. Andah Mata..." Sinenyasan niya na tumayo ito at magpaliwanag.

"A... Sir, kasi, Sir... Matagal na po akong nagseserbisyo sa kompanyang ito. Saksi ka po, Sir, at ang iba kong kasamahan..." paliwanag ng empleyadong may katandaan na ngunit naitatago niya ito sa kanyang kolorete sa mukha at seksing kasuotan. "Dito na nga ako nagkaasawa't nagkapamilya. Wala ka pa nang nagsimula ako rito. At lalong wala pa ang dalawang ito..."

"Thank you! How about you?"

Tumayo agad si Ms. Dita Maal. Inirapan niya pa ang dalawang kasamahan bago nagsalita. "Hindi ito patandaan at pabaitan... Ako, Sir, ang dapat mong i-promote dahil ako ang nagpataas ng sales natin last year. Besides, I can do your favors, Sir. I always do, remember? Just name it..." Maharot ang pagkakabigkas niya niyon. "Compared to them? O, my gosh!?" Pagkatapos, muli niyang inirapan ang dalawa.

"Well..." Speechless ang boss nila. "A... Ikaw naman, Ms. Letty Humi."

Nahihiyang tumayo si Letty ngunit pinilit niyang tingnan sa mata ang kanilang pinuno, habang pinapakalma niya ang sarili. "Sir ... I really don't need this promotion just because I want to have higher salary. Kailangan ko pong makuha ang supervisory position dahil mayroon pa po akong ipapakita at ibibigay upang mas lumago pa ang kompanyang ito na pinag-alayan ko ng oras, lakas at isip sa loob ng anim na taon..." Payuko siyang umupo. Hindi niya tuloy nakitang napatango-tango ang kanyang manager.

"Andami mong sinabi! Ako pa rin naman ang pipiliin ni Sir!" singit ni Dita.

Tumayo si Mr. Sam Hann para lumapit kay Ms. Letty Humi. "Iwanan mo muna kami..." Kinamayan niya ang empleyado at ginawaran niya ito ng tatlong tapik sa balikat, bago niya ito nginitian at kinindatan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...