Followers

Wednesday, September 30, 2015

Untitled

When a lie becomes the truth
the coldhearted gives any ruth
Like the darkness in the daylight
that seems dull yet so bright.
When happiness turns into gloom
the flower withers from its bloom
and the sun sets in the morning
while sunny day is not in sterling.
When a victory falls into defeat
the victor will not cherish, but regret
like the moth that flew around the flame
and the man who always put a blame.

Sunday, September 27, 2015

AlDub Fanatic Nga Ba O Nambibiktima ng Fans?

Hindi lang fandom ang AlDub. Ginagamit na rin ito ng mga kawatan, para makapanloko ng kapwa.

AlDub fanatic nga ba o nambibiktima ng fans? Ikaw na ang humusga.

Noong Setyembre 27, 2015, pasado alas-nuwebe ng umaga sa isang sikat na fast food chain sa MOA ay nag-almusal kami ng anak ko para paghandaan ang pagpila sa Gabay Guro. Andaming tao doon kaya halos wala na kaming maupuan. Pero, may dalawang matandang babae na nag-alok sa amin ng table dahil hindi naman nila na-occupy ang dalawang upuan. Siyempre, tinanggap ko at nagpasalamat.

Magiliw ang isa sa aking anak. Tinatawag niya pang ‘baby’. Aniya, “Uy, kakain na ang baby.” Hindi ko sila inalok dahil alam ko’y tapos na silang kumain at parang may hinihintay lang sila.

“Kain ka na baby.” sabi pa uli ng magiliw na ale. Mukha siyang teacher kaya agad kong naisip na dadalo rin sila sa Teachers Fest.

“Dadalo rin po kayo sa Gabay Guro?” tanong ko sa kanialng dalawa.

Nabungol pa ang isa. Hindi agad niya na-gets. Ano raw iyon? Nang sinagot ko, sinabi niyang hindi sila guro. Agad namang sumagot ang magiliw na babae. Sabi niya, ang dalawa raw niyang anak ay guro. Sana raw ay pumunta.

"Anong division po ang anak niyo?" tanong ko. Pero, hindi niya naunawaan ang division. “Taga-saan po kayo?” tanong ko uli. Caloocan daw. Pagkatapos, ay may dumaang mga customer na kinawayan ng isang medyo bungol na babae.

“President ng AlDub.’ aniya sa kanyang kasama. Pagkatapos ay sinundan niya ang patungo sa may dulo.

“Gusto ko sanang makapasok doon. Pwede kaya ako kahit hindi ako guro?” tanong ng naiwang babae.

“Pwede naman po siguro. Hindi naman yata hahanapan ng ID basta po may ticket kayo.’’

“Ikaw may ticket na?”

“Wala pa rin po. Magbabaka-sakali pa lang po.”

“Sana makapasok ako. Government employee naman ako, e.” Narinig ko pang tinuran ng ale habang nagmamadali akong kumain kasi baka dumating na ang kasama ko. “Kaka-out ko lang.” patuloy niyang kuwento “Sa MalacaƱang ako nagtratrabaho.” Nilabas pa niya ang identification card niya. Mabilis lang niyang ipinakita sa akin. Nabasa kong attorney siya at Dumlao ang pangalan. Naalala ko ang text scam na nagsasabing nanalo ako sa electronic raffle draw ng isang foundation. Parang kapangalan niya.

Agad akong nagduda. Alam ko na ang intensiyon niya sa pakikipag-usap sa akin. Gusto niya akong linlangin, gamit ang pangalan ng AlDub. Hindi ko na siya tiningnan baka mahipnotismo niya ako. Patagilid ko na lang siyang tinatanaw. Hindi na rin ako naglabas ng cellphone dahil naglabas at nagparinig na lowbat siya. Ang kasunod niyon ay makikitext siya. Hinding-hindi ko naman ipapahiram sa kanya ang cellphone ko.

Hindi ko siya pinansin.

Panay pa rin ang salita niya. Taga-Bulacan daw si Maine. Taga-Bulacan din daw kasi siya. Tango lang ako nang tango, ngiti ang ngiti at subo nang subo.

"Ang yaman ni Maine.'' sabi na naman niya. Tumango lang ako.

Parang napansin niyang di ko na siya pinapansin kaya tumayo na siya't nag-ayos ng kanyang bag.

"Sana hindi sila magkatuluyan, 'no?"

Tango lang ang sagot ko sa kanya.

Nagmadali  na talaga akong kumain. Hindi ko na rin ipinaubos sa anak ko ang kinakain niya. Dinala ko na lang ang mga tira pati ang kape ko. Pero bago iyon, nagparinig din akong aalis na kami at pinabibilisan ko na ang pagkain ng anak ko.

“Mag-CR muna kaya ako.’’ sabi niya. “Hindi ka pa naman aalis, di ba?’’ tanong niya.

“Aalis na po.’’

“Sige. Diyan lang ‘yan. Di naman siguro ‘yan mawawala.” Iniwan niya sa table na kinainan nila kanina ang isang bag na parang bag ng laptop at tinungo niya ang mga kasamahan niya sa dulong bahagi ng establisyimento.

Hindi lumipas ang dalawang minuto, nilisan namin ang lugar na iyon. Wala akong pakialam sa bag niya. Alam kong may kasunod na eksena pa iyon kung magtatagal pa ako. Hindi ko man alam ang uri ng modus nila, pero alam kong magiging biktima ako ng isang panloloko kung magtatagal pa ako.

Mabuti na lang at nakalayo kami doon nang walang naging problema.

Sa lahat ng fans ng AlDub, mag-iingat sa kanila. Patawarin ako ng Diyos kung nagkakamali ako sa kutob ko. Pero ang mga inakto at sinabi nila ay hindi normal at talaga namang nakakaduda.

Sunday, September 20, 2015

Isang Pagmumulat

Hindi namin hangad na kami ay hangaan
Respeto lang naman ang aming kailangan
Makinig kayo sa aming mga pangangaral
Pahalagahan ang mga araling puno ng aral.

Hindi niyo kami dapat na binabalewala
Mga aral na hatid namin, bigyang-halaga
Dahil nangangailangan kayo ng grado
Upang makatapos at makapasa kayo.

Hindi kami nag-aral upang inyong yurakan
Gawing tau-tauhan, gawing katatawanan
Sa ating silid-aralan kayo'y panay tambay
Tila walang mga pangarap sa buhay.

Hindi kami nagpapabayad ng edukasyon
Kaya magkaroon ng tiyaga't determinasyon
Katuwang niyo kami, hindi kami katulong
Kaagapay niyo, upang magtamo ng dunong.

Hindi kami barkada niyo, kami ay mga guro
Naghuhulma sa inyong bukas at futuro
Gawin na lang ninyo kaming inspirasyon
Para magtagumpay, guminhawa itong nasyon.


Hindi namin hangad ang regalo sa WTD
Maligaya na kami, maalala lang aming silbi
Bonus na lang kung may pasasalamat 
At sa Araw ng mga Guro, kayo'y mamulat.

Mga Benepisyo ng Vitamin J

Dati, ang akala natin na ang masturbation ay ligaya lang ang naibibigay, nagkakamali tayo. Marami palang health benefits ang Vitamin J.

Ang pagma-masturbate ay inaakalang may masamang epekto sa kalusugan ngunit napatunayan ito ng mga pag-aaral na may mga positibong dulot sa katawan. Kaya nga, halos nubenta porsyento ng mga kalalakihan at sitenta y dos porsyentong kababaihan ang gumagawa nito.

Ang masturbation ay nag-rerelease ng dopamine, endorphins at prolactin mula sa utak ng tao. Ang dopamine ay nakakapagtanggal ng stress. Sa mga babae, nakakatulong ang paglabas ng endorphins upang maibsan ang sakit dulot ng menstrual cramping. Mas nakakawala naman ng pagod at nakakapagpaantok ang prolactin sa mga nagsasagawa ng ritwal na ito.

Hindi lang 'yan! Meron pa.

Kung may sipon ka, kailangan mo ng Vitamin J. Makakatulong ito upang mawala ito at hindi mamuo. Nakakapagpalakas pa ito sa immune system.

Ang pinakamaganda sa pag-masturbate para sa mga lalaki ay ang dulot nitong mababang posibilidad ng pagkakaroon ng prostrate cancer bukod sa pinapaganda nito ang kalidad ng similya.

Kaya huwag matakot. Ligtas at benepisyal ang masturbation.


Para sa mga Kababaihan

Taghirap na nga sa tela
Kaya, kaluluwa ay kita na
ng mga kabataang bebot
pati nga ng mga kulubot.

Masisi ba ang mga rapist
kung sa legs sila'y naaakit
Binubuyangyang ba naman
ng kababaiha't kadalagahan.

Saplutan sana ng pag-iingat
At wag iwagayway ang  balat
Hayok sa laman, mapupuksa
Pati malisyosong mga mata.

Kung ang bawat isa'y disente
Sa kamunduhan ay inosente
Kung ang lahat ay may hiya
Wala sanang magagahasa.

Wednesday, September 16, 2015

Tuldukan Mo

Maraming akong nababasang pangungusap na kapos sa tuldok. Ang hirap basahin.
Ang tuldok ay isa sa mga bantas na ginagamit sa mga pangungusap. Mahalagang malaman ang gamit nito. Hindi kasi masasabing pangungusap ang mga lipon ng mga salita kung walang tuldok o iba pang bantas.
Hindi naman lahat ng pangungusap ay tinutuldukan. Ang mga pangungusap lamang na pasalaysay at pautos ang maaaring tuldukan.
Gaya ng tao, ang mga babae lang ang may period.
Subukan mong basahin ito:
"Kung ayaw mong mamatay ang mga mambabasa mo gumamit ka ng tuldok ito ay mahalaga upang magkaroon sila ng maikling sandali para huminga isa pa malalaman nilang tapos na ang pangungusap kapag may tuldok tuldok din ang magsasabing dapat mong i-capitalize ang unang titik sa pangungusap"
Ano? Nahirapan ka, no?!
Try mo rin ito:
"Ang wastong paggamit ng tuldok ay tanda ng kahusayan sa balarila tuldok"
Pangit rin pakinggan kung nilagyan mo nga ng tuldok pero salita naman at hindi simbolo o bantas.
Ang tuldok (.) ay sa panulat lamang ginagamit. Hindi ito sinasabi o binibigkas sa dulo ng pangungusap ngunit katumbas ito ng paghinto ng ilang segundo bilang paghahanda sa susunod na pangungusap.

Ang tuldok ay mahalaga. Huwag itong kalilimutan. Bahagi ito ng mga sulatin. Hindi man natin ito nakikita o naririnig sa ating pagsasalita, dapat pa rin natin itong pag-aralang gamitin at pahalagahan.

Friday, September 11, 2015

BlurRed: Pangarap

Kinabukasan, kahit kulang ako sa tulog, pinilit kong makapasok para makita ang girlfriend ko. Oo, ang girlfriend ko-- si Riz. 

Kami na! 

Hindi na kailangan pang ipaliwanag. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Gusto ko ngang maiyak nang magkita na kami sa school. Walang salitang lumabas sa mga bibig namin. Nagyakap kami. Kung hindi nga lang nakakahiya na doon pa kami magpakita ng aming pagkasabik sa isa't isa, baka hindi ko na napigil ang sarili ko.

Hinawakan ko na lang ang kamay niya at sabay kaming naglakad sa pasilyo nang walang iniintinding tao sa paligid. Pakiramdam ko, kami lang ang nilalang sa paligid. Feeling ko nakalutang kami sa ulap.

"Salamat, Riz," pabulong kong sabi. Sinulyapan ko rin siya.

Nginitian niya ako nang kay tamis. Pinisil niya pa ang kamay ko. "Salamat din! Matagal ko nang pangarap ang pagkakataong ito."

Wow! Ang sarap sa tainga! Pareho pala kami ng pangarap. 

Maghapon kaming wala sa sarili. Hindi yata kami natuto sa mga lesson. Okay lang. Sabi namin ay magse-self study na lang kami. Hindi ko rin naman hahayaang masira ang concentration namin sa pag-aaral. Dapat pa nga ay maging inspired kaming pareho dahil kami na. Hindi ko lang alam kong paano tuluyang mawawala ang pagkagusto sa akin ni Fatima. Ang sama na naman kasi ng mga tingin niya sa amin. Nakakasugat, sabi ni Riz.

"Huwag mo na lang pansinin," payo ko sa kanya.

"E, para kasing mangangain ng tao."

"Di ka pa nasanay dun. Basta, relax lang. Hindi na niya tayo magagalaw dahil may record na siya. Hindi pa nga niya ako nabayaran, 'di ba?"

"Oo nga, e, tapos ayan na naman siya..."

"Magsasawa rin yan..."

"Paano kung hindi?" makahulugang tanong ni Riz. May nakita akong lungkot sa mata niya.

Idinampi ko ang palad ko sa pisngi niya at nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Sa'yo lang ako, Riz. Sa'yo lang..."

Hindi na kumibo si Riz.




Dila: Sining sa Pakikipagtalik

Marami ang nagagawa ng kamay upang mapaligaya ang babae ngunit mas masarap ito kung ang bibig ang gagamitin.

Ang katawan ng babae ay nakakalibog na bagay. At ang pinakamariing halik o pagdampi ng mga labi sa tamang bahagi ng kanyang katawan ay makakapagdulot na sa kanya ng pambihirang kiliti, sensasyon at libog, sapat upang tumayo ang kanyang mga balahibo at siya ay mapaiktad at mapaungol. 

Ang ibang babae ay nilalabasan sa pamamagitan lamang ng paghalik sa kanila ng kapareho kahit walang penetration o contact ng mga ari. Ito ay sa pamamagitan lamang ng paghalik sa kanilang katawan o bahagi ng katawan. 

Ang tamang hawak at paghalik ay dapat malaman ng mga lalaki upang mapabilis ang orgasm ng babae. Ang hindi tamang paghalik ay nakakawala ng libido. Ang paghalik sa leeg na sobrang madiin ay makakapag-iwan ng kiss mark. Pag sinipsip masyado ang kanilang utong, maaari silang masaktan. Kapag masyado namang magaan o manipis ang paghalik at pagsipsip, makikiliti lang silang. Kaya kung di sila mapapaungol sa sarap, madi-disappoint sila at mabibitin. 

Ang mga lalaki ay di dapat makasarili. Paunahin dapat ang mga babae na makapagpasabog ng katas. Foreplay ang sagot diyan. Sa paggawa nito, labi, bibig at dila lamang ang kailangan. Makipaghalikan muna. 

Saan nga ba sila dapat na halikan?

May labing-isang perfect spot para mapaligaya ang babae sa halik pa lamang. Hindi ito tumutukoy sa klasikong halikan kundi sa romantikong paglaro ng bibig sa parte ng katawan ng babae.

Sa labi. Oo, hindi ito dapat mawala at makalimutan. A good kisser is a good partner in sex. Panatilihin lamang na maging malinis o well-shaved upang maiwasan ma-irritate ang mukha ng babae. Walang babaeng nais makipaglaplapan sa liha. 

Sa leeg. Ito ay sensitibong parte ng katawan ng tao. Kaya, make it slow. Himurin ito ng dahan-dahan, sa paraang senswal. Kailangan din ng konting pagsipsip. Paungulin siya sa pamamagitan ng pagdila dito. Gawin itong nakakalibog at hindi nakakadiri. Gawing sexy ang laway. Ang mga halik mula sa likod ng tenga hanggang sa may collarbone ay may matinding epekto sa kanyang libido. Huwag na siyang halikan sa harap ng leeg.

Sa collarbone. Hindi man ito kasingsensitibo ng leeg, pero kapag hinalik-halikan mo ay tila nasa rurok siya ng kaligayahan. Dampi-dampian lamang ang bahaging taas nito at ibalik sa may leeg at balikat, ayos na! Para na siya nitong idinuduyan. Kailangan din dito ang bahagyang pagsipsip.

Sa tainga. Madalas, hindi ito nahihimod pero ito ay may sekretong ligaya kapag nahalikan. Marahan lang itong isubo at dilaan ang likod nito. Habang nasa action, masarap itong gawin. Maging maingat lang. Ang malakas na hininga o paghalik dito ay hindi na sexy. 

Sa dibdib. Ito na ang pinakamadalas halikan. Sunod sa ari, ito na ang pinakasensitibong parte ng babae. Kahit walang penetration, lalabasan ang babae kapag ito ang nahalikan nang maigi at nakakalibog, lalo na kung ang mga utong. Huwag lamang sobrang lamas at sipsip, nakakaapekto ito sa kanila. Huwag gumamit ng ngipin. 

Sa batok. Ang mainit na hininga mula sa iyong ilong ay makakapagbigay ay karagdagang init at libog sa babae habang hinahagod mo ang kanyang batok ng iyong ilong ng mga mamasa-masang labi. 

Sa likod. Mahalaga ang likod ng babae. Pag hinalikan mo mula batok pababa, magkaka-goose bumps siya. Light lang habang may konting basa sa labi mo, mababasa rin nang bahagya ang maiiksing balahibo sa kanyang likod na siyang magpapainit sa kanya. 

Sa pusod. Iigtad siya sa sarap kapag dahan-dahan mong pagagapangin pababa, mula sa taas hanggang sa pusod ang iyong dila. Mas matulis ang iyong dila, mas masarap para sa kanya. Paglaruin mo rin ang iyong dila sa bukana ng kanyang pusod.

Sa tadyang. Dilaan mo ito nang marahan. Pataas. Pababa. Pahila. Siguraduhin mo lang na wala siyang kiliti. 

Sa hita. Kahit nga hawakan o hipuin mo lang ang hita niya, magtutubig na siya. How much more kung gagamitan mo pa ng dila at mga labi. Malapit ka na sa kanyang lagusan. Doon mo paglawain ang kanyang bulkan. 

Sa hiyas. Makipaghalikan ka sa kanyang ari. Gumamit ka ng dila para magkaroon ng lawa doon. Ito ay paghahanda para sa masaganang pagsabog ng katas niya. 

Ang pakikipagtalik ay sining. Ang dila mo ay malaki ang nagagawa upang higit na mapaligaya ang kapareha.

Wednesday, September 9, 2015

Biro

Anak: Ano ang ibig sabihin ng biro na sinasaktan?
Ama: Hindi na biro 'yun. Pananakit na 'yun.
Anak: Kanina, sinuntok ako ni Eliza dito. (Tinuro niya pa kung saan) Biro lang daw 'yun.
Ama: Bakit di mo rin sinuntok. Biro lang pala, e. Siuntok mo rin sana at sinabi mong biro din. Nakikipagharutan ka kasi.
Anak: Hindi.
Ama: Wala kang ginawa?
Anak: Wala.
Ama: Wala pala, e. Bakit ka sinuntok?
Anak: Biro nga lang! (Naiinis na.)
Ama: (Naiinis na rin) Sa susunod, suntukin mo rin kasi biro lang din. 
Anak: Ayoko nga kasi baka makita ako ni Teacher. Kakausapin ako.
Ama: E, ikaw nga ang sinuntok. Dalawa kayong kakausapin.
Anak: (Andami pa niyang sinabi. Ayaw niya talagang gumanti sa kaklaseng babae.)

Gustong Maglaro

Alas-kuwatro y medya ng hapon.

Anak: Gusto ko na maglaro kasi nakatulog na ako kanina.
Ama: Maglaro ka na.
Anak: Ayoko kasi magagalit ka lang pag naglaro ako.
Ama: Mabuti alam mo.
Anak: Mas lalo kang magagalit pag di ko alam.

Towel

Napaliguan na ng ama ang anak para sa kanilang pagpasok sa paaralan. Sunod namang naligo ang ama. Pagkatapos, naabutan niyang nakabihis na ng shorts ang anak.

Ama: Nasaan ang ginamit mong towel?
Anak: 'Yun.

Kinuha at isinampay ng ama ang tuwalya.

Anak: Nilagay ko 'yan sa ulo ko na parang 'yung ginagawa ng babae, tapos hindi naman pala. Mukha akong magnanakaw dun sa Superbook.

Natawa na lang ang ama.

Mayaman Ka sa Oras, Kabataan

Kabataan, wala ka mang pera ngayon, marami ka namang panahon at oras. Mayaman ka! Idagdag pa diyan ang iyong kalakasan. 
Huwag mong sayangin ang bawat sandali sa mga walang kabuluhang gawain. Iwasan mo ring aksayahin ang iyong lakas at enerhiya. Mahalaga ang dalawang ito upang mapaghandaan mo ang mga darating pang araw sa iyong buhay.
Kapag lumipas na ang iyong kabataan, maaaring mapera ka na dahil may maganda kang trabaho. Oo, malakas ka pa rin at malusog ngunit ikaw ay kapos na sa oras at panahon. Malamang, may mapapabayaan kang parte ng iyong buhay. Maaaring ito ay pag-ibig, pamilya o kaibigan.
Lilipas ang marami pang taon, katandaan na ang iyong kahahantungan. Sabihin na nating may pera ka pa rin dahil all the time ay nagtrabaho ka noong malakas ka pa, ngunit wala ka nang lakas ngayon para ma-enjoy ang oras at pera mo. Gustuhin man ng isip mo, hindi mo na talaga kakayaning ibalik pa ang kabataan. Mahina ka na. Maghihintay ka na lang ng takdang panahon para sa iyong pagpanaw.
Kaya, kabataan, pahalagahan mo ang bawat sandali. Ang oras ay natatapos. Ang pera ay nauubos. Ang lakas ay nauupos.

Monday, September 7, 2015

Hijo de Puta: Ciento dise-otso

Libog na libog na rin ako pero nananaig pa rin ang pagtanggi ko sa kanyang kalibugan. Kaya, tumayo ako't kinuha ko ang mga saplot ko.

"Hector.." Kinabig ako ni Val. Inagaw niya ang mga kausotan ko. "Pagbigyan mo na ako. Ngayon lang.''

Tinulak ko siya sa kama. "Tang ina! Hindi ka ba marunong umintindi?" Sinapo ko na ang sugat ko. Bumulwak na naman yata. "Umuwi ka na!" Kinuha ko ang damit niya at inihagis sa mukha niya. 

Tumalima naman si Val. Tahimik niyang isinuot ang damit at ang brief niya. Nagbihis na rin ako at walang kibong naghintay sa paglabas ni Val. 

Nagpakiramdaman kami. Parang ayaw niya pang umalis. May kinakalkal pa siya sa clutch bag niya.

"Hubad!'' Nagulat ako nang nakatutok na sa akin ang .45. "Dali! Hubad!" 

"Huwag kang magbiro ng ganyan, Val!'' Hindi ko pinakitang natatakot ako. Pero, hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Pinagsisihan kong pinatuloy ko siya dati.

"Hindi ako nagbibiro, Hector! Hubad na!" sigaw uli niya. Mas nakalapit pa siya sa akin. Itinutok niya sa sintido ko ang dulo ng baril.

"Kung ayaw ko?"

"Matitikman pa rin kita kahit patay ka na." seryoso niyang sagot. 

Natakot ako. Lumipas lang ng ilang segundo, sinimulan ko nang hubaring muli ang mga saplot ko. Gaya ng tactic niya, dinelay ko. Binagalan ko ang paghubad. Naghanap ako ng tsansa na maagaw ko sa kanya ang baril. Pero, wais talaga siya. Lumayo siya ng bahagya sa akin. 

"Sayaw..." aniya nang mahubad ko nang lahat ang saplot ko. Wala nang buhay ang ari ko. "Sayaw!'' Mas nakakagimbal na ngayon ang boses niya. "Palibugin mo ako."

Sinimulan kong igiling ang katawan ko. Hindi ko nga magaya ang ginagawa ko sa entablado. Ibang klase ang tagpog iyon. Hindi ko gusto ang ginagawa ko. Nagmukha akong baliwa. Sumasayaw sa piping musika. Kalibre ang audience. Takot ang tema. Hayok sa laman ang parokyano. 

Ilang sandali lang, napatigas ko na ang manoy ko. Naliligayahan na rin si Val dahil umupo na siya sa sofa. Hindi naman niya ako pinalalapit sa kanya. 

Gusto kong sunggaban siya pero mababalewala. Mukhang hindi niya ako bubuhayin kapag ginawa ko iyon. Gusto ko nang umiyak. 

Sunday, September 6, 2015

Capital o Hindi

Bakit ang pronoun (panghalip) na 'I'ay isinusulat ng capital letter? Hindi ba pwedeng 'i'lang?

Ang 'I' o 'i' ay gaya ng tao, height ng tao o katayuan ng tao. Ang capital nito ay tila isang mataas na tao. Punggok naman pag hindi naka-capitalized.  

Madalas, isinusulat ito sa sa unahan ng pangungusap (sentence), kaya naka-capital ito. Pero kapag nasa gitna, sana small letter lang. 

Paano Sumulat ng Sanaysay?

Ang pagsulat ng sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-ari.
Hindi madaling makapasok sa isang bahay ng hindi mo kakilala. Maaari ka kasing pag-isipan na may masamang balak. Gaya ng pagsusulat, mahirap makuha ang interes ng mga mambabasa, lalo na’t may kanya-kanyang hilig ang bawat isa.
Ang sanaysay ito ay makakatulong upang maunawaan mo ang pagsulat ng sanaysay.
Tatlong talata lamang ay makakabuo na tayo ng sanaysay. Ang unang talata ay ang introduksyon. Ang pangalawa ay ang katawan ng sanaysay. Pangatlo naman ang konklusiyon. Huwag kakalimutan ang pamagat.
Ang pamagat ang pinakapangalan mo. Pagkatapos mo kasing kumatok sa pinto ng mambabasa, sasabihin mo ang pangalan (pamagat) mo. Kapag hindi ka kilala o hindi ito interesante, malamang ay pagsasarhan ka kaagad ng pinto. Hindi ka ito babasahin. Minsan, maiksing pamagat (pangalan) ay katanggap-tanggap na. Madalas, kapag weird ang titulo, iyon pa ang interesting basahin. Depende sa may-ari ng bahay (mambabasa). Kaya nga, alamin mo kung sino ang iyong mga readers (may-ari ng bahay).
Paano ba pumili ng pamagat?
Huwag kang obvious. Ang title, maiksi man o mahaba, ay dapat interesting. Parang ang taong may bitbit na bag ng mga gamot, shampoo o stop pain, ang may bitbit na Bibliya, ang may sunong na sofa, ang may hawak na sobre o ang may saklay na frame. Sila ang mga taong madalas napagsasarhan ng pinto o gate dahil nakikita agad ng reader ang kanilang pakay. Kailangan sa title pa lang ay may mystery na.
Huwag ding OA. Baka hindi mo naman kayang bigyan ng tamang paliwanag pagdating sa loob. Pumasok at nagpakilala ka kasi bilang misyonerong Mangyan pero nagbenta ka lang pala ng tuyong isda o ng encyclopedia.
Pumunta na tayo sa unang bahagi ng sanaysay —ang introduksiyon. Ito ay ang maiksing deskripsyon mo sa iyong sarili. Kailangang related ang titulo sa introduksyon. Kung nagpakilala ka as Doktor Aldub, kailangang magsabi ka ng mga medical terms.Huwag kang magkunwari dahil mapagkakamalang kang baliw o kaya kawatan.
Maraming paraan ng pagpapakilala sa sarili (introduksiyon).
Una, question (patanong). “Gusto niyo po bang gamutin ko kayo?” Doktor ka kasi, di ba?!
Pangalawa, declarative (pasalaysay). “Nakarating na ako sa iba’t ibang panig ng mundo dahil lamang sa aking panggagamot. Ang tanging hindi ko pa nagagalugad ay ang kontinenting Antarctica.” Ito ay paasalaysay dahil nagsaad ito ng isang pangyayari.
Pangatlo, shocking statement (nakakagulat na pahayag). “Twenty years old pa lang ako ay nakapag-opera na ako ng tumor sa utak ng isang matanda.” Nakakagulat talaga dahil ang doktor ay nag-aaral ng sampung taon.
Pang-apat, quotation (kasabihan). Para kang makata nito. Sabihin mo, “An apple a day keeps the doctor away.” May connect sa'yo as doctor. Tapos banatan mo pa, “Pero di mo na kailangan ng apple dahil nasa harapan mo na ang doktor.” Lolz. Lagi mo lang tatandaan na banggitin kung sino ang pinagmulan ng quote. Kung ikaw mismo, no problem. Ingat ka baka makasuhan ka ng plagiarism.
Panglima, anecdote (anekdota). Ito ay maikling salaysay na may aral sa buhay. Halimbawa: “Minsan, naglalakad ako sa isa sa mga kalsada sa Europa nang makita ko ang matandang babae sa may tabi ng basurahan. Naglahad siya ng kamay. Humihingi. Hindi ko siya pinansin dahil ako ay nagmamadali. Pero nang maalala ko ang aking ina sa Pilipinas, binalikan ko siya ngunit pagbalik ko'y wala na siya.” Ganun lang.
Pang-anim, survey. Madalas ito ay patanong like “Magagaling po ba ang mga Pilipinong doktor? O kaya, "Anong sakit ang hindi kayang gamutin ng doktor?”
Pangpito, definition (kahulugan). Magbibigay ka ng salita at ang depinisyon. Make sure it is related to your topic. Halimbawa, “Ang narcolepsy ay isang medikal na kalagayan ng tao na kung saan ang pasyente ay bigla na lang makakatulog kahit nagtratrabaho, naglalakad, nagsasalita o iba pa.”
Marami pang paraan para simulan ang sanaysay. Pwede kang mag-discover. Paglaruan mo ang mga salita. Ang mahalaga ay naengganyo mo ang maybahay na manatili ka sa kanyang tahanan. Makikita mo, may nakahain nang pagkain para sa'yo dahil nagustuhan niya ang introduksiyon mo. Ayaw ka na niyang paalisin.
Kampante na sa'yo ang reader (house owner). Ituloy mo na. Dumiretso ka na sa pakay mo. Ito na ang katawan ng sanayasay (body). Ito ang nilalaman ng iyong saloobin at kaalaman. Sabihin mo nang lahat dahil nag-eenjoy na ang reader. Huwag ka lamang liliko. Huwag mong pansinin ang ayos ng kanilang bahay baka bigla ka na lang palayasin at pagsarhan ng pinto. Kung doktor ka, mga usaping-doktor at medisina ang inyong pag-usapan. Yun lang! Dapat malinaw at direct to the point ang mga banat mo.
Pinakamainam na magkaroon ng tatlong talata sa body. Ang bawat isa ay konektado. Ganito:
1. “Bata pa lamang ako, gusto ko nang maging doktor. Kahit pagiging guro ang gusto ng mga magulang ko para sa akin, hindi ko sila sinunod. Suwail kasi ako. Pasaway.”
2. Kaya nagsumikap ako. Lumuwas ako sa Maynila. Nagtrabaho sa gabi. Nag-aral sa umaga. Sa awa ng Diyos at sa tiyaga at katatagan ko, nakapagtapos ako ng medisina dahil sa pagko-callboy ko. Joke lang.“
3. Ngayon nga ay isa na akong matagumpay na manggagamot. Laki ako sa hirap kaya tumutulong ako sa aking kapwa dahil naniniwala akong ang lumilingon sa pinanggalingan ay malayo pa ang nararatingan.”
Tapos na ang katawan ng sanaysay. Huwag kang matakot maglabas ng mga informative at entertaining words dahil iyon ang misyon ng sanaysay o ng pagpunta mo sa isang bahay. Huwag masyadong seryoso. Magpatawa ka minsan para di maboring ang reader.
At ang panghuli, ang konklusiyon. “Hindi ka makakapasok konklusiyon.” Lolz.
Ito ay ang kabuuan ng mga sinabi mo sa unahan. Isang talata na may isang pangungusap ay pwede na. Basta ba ma-move mo ang may-ari ng bahay. Manabik siya sa iyong pagbalik. Maiyak siya. Maging thankful. Pwede ring mainis mo. O kaya mainvite. O mayaya mong mag-aral ng pagkadoktor. Halimbawa, “Kung ako ikaw, magdoktor ka.”
Ang lahat ng ginawa mo sa introduksiyon ay maaaring mo ring gawin sa konklusiyon. Ang tanging kaibahan ay nagpapaalam ka na, this time. Ang pagsulat ng sanaysay ay katulad ng pagbisita sa isang tahanan. Ang manunulat ay kailangang gawin ang tatlong hakbang upang tanggapin o papasukin siya sa bahay ng may-ari.
“Sana magkita pa tayo. Sana madalaw mo ako sa clinic ko. Dalaw lang. Dapat wala kang sakit.”
Ganyan…
Sulat na ng magandang sanaysay at bumisita sa bahay ko.

Magic of Selfie

 Para lang daw sa magaganda at mga gwapo ang pagsi-selfie. Hindi totoo 'yan!
         Maraming tao ngayon ang nahihilig dito, regardless ng hitsura. Basta may cellphone o camera, walang makakapigil mag-selfie ang mahilig mag-selfie. Ang maganda/gwapo nga ay nagpapangit. At, ang pangit ay nagiging maganda o pogi. Effortless nga lang ang iba dahil di na nila kailangan pang magpapangit. Kita pa ang mga pores sa mukha. Ang iba naman, parang mayaman ang peg. Naging flawless. Tinalo pa ang Belo. Kuminis ang mukhang dating rough road. Nagkulay-kahel pa ang mga tuka, na parang nag-lipstick ng Yakee. That's the magic of selfie!  
        Kaya, selfie lang nang selfie. Hindi kailangang ikahiya ang sarili. Walang pumipigil sa bawat isa na mag-selfie. 

3 Dumb Ways to Die

Suicide ba kamo? I-apply na ang 3 Dumb Ways to Die.

Una. Lumaklak ka ng alak araw-araw. Sa loob lang ng 3 years, may lapida ka na.

Matagal pa 'yan! Aabutin ka pa ng siyam-siyam bago ka mamatay. Idagdag pa ang gastos sa kabibili ng alak. Kung makikitagay ka lang din, mas matagal 'yun. Hassle pa. Baka mahawa ka pa ng hepatitis sa mga kainuman mo.

Try mo ang pangalawa.

Magyosi ka araw-araw. Sampung taon lang ang itatagal mo sa mundo. Goodbye Earth ka na. Bibiyahe ka na papuntang Mercury. 

Kung kukunsumo ka ng isang kaha ng sigarilyo araw-araw, mas mapapabilis ang travel mo. Para kang nag-expressway. Walang traffic. 

Kung mabilis mamatay kapag humithit ng yosi, mas mabilis itong ikatlo.

Ready ka na?

Ready ka na mamatay in one day?

Hmm... Ibigin mo ang taong ayaw sa'yo. Tiyak ako, araw-araw, patay ka. 

Choose one way and die like a dumb. Rest in peace, 'dre! 


Bawal

Ama: Hindi ka pwedeng maglaro.
Anak: Bakit?
Ama: Hindi ka pa magaling. 
Anak: Bakit?
Ama: Bawal nga sa'yo ang mapagod.
Anak: Maglalaro lang e. Nakakapagod ba 'yun?
Ama: Opo! Kaya ka nga nagkasakit di ba?
Anak: Hindi kaya! Eee! Ee! 

Mag-aral nang Mabuti

Katatawag lang ng 12-anyos na ate ng anak niya, mula sa malayong probinsiya.

Anak: Pa, ano'ng  ibig sabihin ng mag-aral nang mabuti?
Ama: Mag-aral nang mabuti... Makinig sa teacher. Sumunod sa kanila. Huwag pasaway. Magsulat. Magbasa. 
Anak: Ah!

Clay

Pinatay na ng ama ang ilaw para makatulog na sila. Maya-maya, narinig niyang umiingit ang anak.

Ama: O, bakit ka umiiyak?
Anak: Malagkit kasi ang kamay ko.
Ama: Bakit di ka nagsabi? (Binuksan ang ilaw.) Naglaro kasi ng clay. Halika dito. Huhugasan ko ang kamay mo.

Thursday, September 3, 2015

Hijo de Puta: Ciento dise-siyete

Pinadapa ako ni Val sa kama. Sumakit ang tagiliran. Ramdam ko ang bahagyang pagbulwak ng dugo. "Val... sumasakit ang sugat ko. Tama na.'' reklamo ko. 

Hindi niya ako pinakinggan. Itinuloy niya ang paghagod sa katawan ko, hanggang tanggalan niya ako ng suot pambaba. Pinaglaruan naman niya ang butt ko. Kakaibang sensasyon ang nagawa niyon sa akin. Masarap. Natalo nito ang sakit na nararamdaman ko sa sugat ko lalo na nang himurin niya ang kanal ko gamit ang kanyang dila. Gusto ko ang ginagawa niya kaya halos humiyaw ako sa sobrang sarap. 

Ilang minuto niya rin akong napaimpit bago niya ako pinatihaya. Pagkatapos ay tumambad sa amin ang nagmamatigas kong bur*t. Wala na akong nagawa nang hayok na hayok niya itong isubo at paulit-ulit na ilabas-pasok sa kanyang mainit-init na bunganga. 

Bumigay na nga ang katawan ko. Hindi ko na kayang humindi pa. Hinayaan ko na siyang laruin niya nang pasalit-pasalit ang manoy ko at ang mga utong ko.

"Shit! Ang sarap mo, Hector... Iba ka." bulong ni Val, habang idinadampi niya ang kanyang mga labi sa aking leeg. "Paligayahan mo ako, please..."  Hinalik-halikan niya pa ang likod ng tenga ko.

"Huwag!" tanggi ko. Tinabig ko siya nang umakyat sa may bibig ko ang mga labi niya. Mabango ang bibig niya pero hindi ko siya pwedeng bigyan ng pagkakataong makahalikan ko siya. Hanggang sipsip, dila, haplos at ts*pa lang siya.

Hindi naman siya nagalit. Itinuloy na lang niya ang paghimod pababa sa aking dibdib. Tapos, nagpakasasa naman siya sa aking nangangalit na alaga. Ang galing niyang tsum*pa. Walang sabit! Parang puk* ang bunganga niya. Naiulos-ulos ko tuloy ang balakang ko.

Ilang sandali pa, naghubad na siya sa harapan ko. Ang linis ng katawan niya. Parang babae ang kutis. Walang kabali-balahibo sa katawan, maliban sa palibot ng kanyang anim na pulgada ring bu*at. Sinals*l niya ito at harapang ipinadama sa akin na libog na libog na siya.

"Come on, Hector. Let's have fun..." aniya habang hinimas-himas naman niya ang kanyang maumbok na puwit.

BlurRed: Capital Letters

''Tawag ka na." utos ko kay Gio. Pinagtulakan ko pa siya.

"Ikaw na. Ikaw ang dadalaw, e." Hinila naman niya ako. 

Muntanga lang kami doon sa harapan ng bahay nina Riz. Antagal naming nagtalo bago ko nagawang tumawag. Mabuti si Riz agad ang lumabas. Bakit kasi ngayon pa ako nahihiya?

"Uy, kayo pala! Pasok kayo!" Nakita ko kung gaano kasaya si Riz nang makita kami. Hinawakan niya pa ang kamay ko pagkatapos niyang makipag-gimme five kay Gio. "Di man lang kayo nagtext."

"Eto kasing si Red, bigla-bigla." Nauna pang pumasok si Gio. 

"Sorry naman... Andiyan sina Tito at Tita?" tanong ko naman kay Riz. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Wala pa. Nasa work si Papa. Si Mama, nag-grocery. Lika na."

Ang suwerte ko... Tiyempo, wala ang parents niya. Nahihiya na tuloy ako ngayong makaharap sila. Maganda naman ang intensiyon ko kay Riz pero nagkaroon lang ako ng hiya although willing  naman akong sabihin sa kanila na nagkakagustuhan na kami ng anak nila.

Kaaalis lang daw ng Mama niya kaya, mahaba-haba rin kaming masolo ni Riz. Hindi naman balakid sa amin si Gio. Nanuod lang siya ng TV habang nagkukuwentuhan kami ni Riz.

Parang miss na miss namin ang isa't isa samantalang halos araw-araw naman kaming magkasama.

"Kung magiging tayo ba... okay lang kina Tito at Tita?" Nilakasan ko ang loob ko na itanong iyon. Nasa balkonahe na kami. 

Namula at natigalgal si Riz. Ilang segundo rin kaming nagtitigan. "Alam mo ang sagot diyan, Red..."

Hindi ko siya maintindihan. Okay ba o hindi? Pero, di na ako nagtanong tungkol doon. "Mahirap itago ang feelings, Riz. Sana ramdam mo na... na mahal kita." Hinuli ko ang kamay niya. Pinisil nang bahagya. Pinakiramdaman. Hindi naman niya binawi.

"Ramdam ko. Salamat! Sana... karapat-dapat pa akong mahalin." Yumuko siya. Alam ko ang tintakbo ng isip niya. Iniisip na naman niya ang masamang karanasan niya kay Leandro.

"Karapat-dapat kang mahalin, Riz. Hindi mahalaga sa akin ang..." Hindi na nasabi. "Mahal na mahal kita."

Tumitig siya sa akin. Nangusap ang kanyang mga mata. Tila sinasabi niyang hindi pa siya handa. Maya-maya, binawi na niya ang kamay niya. 

"Sandali lang... Ibabalik ko lang ito." Binuhat na niay ang tray na may mga baso at platito.

Sayang! Hindi niya ako sinagot..

Hindi rin naman siya agad bumalik. Nakipagkuwentuhan na siya kay Gio sa loob. Naki-join na rin ako sa biruan at tawanan. 

Ilang minuto pa, dumating na ang Mama ni Riz. Natuwa siya nang makita kami. Kahit ramdam ko ang pagtanggap sa amin ng kanyang ina, nahihiya pa rin ako. Kaya, sampung minuto pa ang lumipas nagpaalam na kami ni Gio. 

Nalungkot ako nang kaunti dahil hindi pa handa si Riz na sagutin ako. Pero, nang nasa bahay na ako, natanggap ko ang kanyang text messages.

"MAHAL NA MAHAL RIN KITA, RED!" Capital letters talaga. Yes! Sinagot na niya ako. Gusto kong bumalik sa kanila para mayakap siya pero di ko ginawa. Nag-load na lang ako at tinawagan siya. 

Walang mapagsidlan ng ligaya ang puso ko. Ibang-iba ito sa pagsagot sa akin ni Dindee. Iba talaga kapag mahal mo talaga ang isang tao. 

Hindi ko na yata mahihintay na pumasok bukas. Ang bagal ng oras. 



Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...