Followers

Wednesday, September 16, 2015

Tuldukan Mo

Maraming akong nababasang pangungusap na kapos sa tuldok. Ang hirap basahin.
Ang tuldok ay isa sa mga bantas na ginagamit sa mga pangungusap. Mahalagang malaman ang gamit nito. Hindi kasi masasabing pangungusap ang mga lipon ng mga salita kung walang tuldok o iba pang bantas.
Hindi naman lahat ng pangungusap ay tinutuldukan. Ang mga pangungusap lamang na pasalaysay at pautos ang maaaring tuldukan.
Gaya ng tao, ang mga babae lang ang may period.
Subukan mong basahin ito:
"Kung ayaw mong mamatay ang mga mambabasa mo gumamit ka ng tuldok ito ay mahalaga upang magkaroon sila ng maikling sandali para huminga isa pa malalaman nilang tapos na ang pangungusap kapag may tuldok tuldok din ang magsasabing dapat mong i-capitalize ang unang titik sa pangungusap"
Ano? Nahirapan ka, no?!
Try mo rin ito:
"Ang wastong paggamit ng tuldok ay tanda ng kahusayan sa balarila tuldok"
Pangit rin pakinggan kung nilagyan mo nga ng tuldok pero salita naman at hindi simbolo o bantas.
Ang tuldok (.) ay sa panulat lamang ginagamit. Hindi ito sinasabi o binibigkas sa dulo ng pangungusap ngunit katumbas ito ng paghinto ng ilang segundo bilang paghahanda sa susunod na pangungusap.

Ang tuldok ay mahalaga. Huwag itong kalilimutan. Bahagi ito ng mga sulatin. Hindi man natin ito nakikita o naririnig sa ating pagsasalita, dapat pa rin natin itong pag-aralang gamitin at pahalagahan.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...