Dati, ang akala natin na ang
masturbation ay ligaya lang ang naibibigay, nagkakamali tayo. Marami palang
health benefits ang Vitamin J.
Ang pagma-masturbate ay inaakalang may masamang epekto sa
kalusugan ngunit napatunayan ito ng mga pag-aaral na may mga positibong dulot
sa katawan. Kaya nga, halos nubenta porsyento ng mga kalalakihan at sitenta y
dos porsyentong kababaihan ang gumagawa nito.
Ang masturbation ay nag-rerelease ng dopamine, endorphins at
prolactin mula sa utak ng tao. Ang dopamine ay nakakapagtanggal ng stress. Sa
mga babae, nakakatulong ang paglabas ng endorphins upang maibsan ang sakit
dulot ng menstrual cramping. Mas nakakawala naman ng pagod at nakakapagpaantok
ang prolactin sa mga nagsasagawa ng ritwal na ito.
Hindi lang 'yan! Meron pa.
Kung may sipon ka,
kailangan mo ng Vitamin J. Makakatulong ito upang mawala ito at hindi mamuo.
Nakakapagpalakas pa ito sa immune system.
Ang pinakamaganda sa
pag-masturbate para sa mga lalaki ay ang dulot nitong mababang posibilidad ng
pagkakaroon ng prostrate cancer bukod sa pinapaganda nito ang kalidad ng
similya.
Kaya huwag matakot. Ligtas
at benepisyal ang masturbation.
No comments:
Post a Comment