Followers

Thursday, April 21, 2016

BlurRed: Closure

Ilang araw ding namahay sa isip ko si Dindee. Hindi man niya ako direktang pinatawad, alam kong wala na siyang sama ng loob sa akin. Ang nais ko lang naman ay malaman ang dahilan ng pagtalikod sa akin. Hindi biro ang ginawa niya. Hindi ganun kababaw ang dahilan, alam ko. Bago ako natulog, nag-good night ako kay Riz. Hindi man siya nakasagot, alam kong nabasa niya. Bukas, sasabihin ko sa kanya ang plano kong magbakasyon sa Aklan sa Christmas break. Sana hindi siya mag-disagree, dahil tuloy pa rin naman ang bakasyon ko whether she likes or not. May mga kapamilya at kamag-anak ako doon. Huwag na lang niyang malalaman o iisipin na dahil iyon kay Dindee. Para sa kapakanan naman naming dalawa ang gagawin ko. Mas mainam pa rin ang may closure.

 "Gs2 knG mgBksyOn JAn. Kta taU." Text ko kay Dindee. Gusto ko lang namang mag-reply siya para mapag-usapan namin ang dapat pag-usapan. Hindi ako tuluyang magiging maligaya sa piling ni Riz kung may taong naghihinanakit sa akin, kung meron man. Naghintay ako ng ilang oras para sa kanyang reaksiyon. Wala.


Nag-send uli ako. "mSaya cgro ang Xmas jan." Hindi na ako nag-missed call. Ramdam kong gusto rin niyang mag-text kami. Hindi ako nagkamali.

Nag-reply siya bandang alas-nuwebe ng gabi. "Uu. Try it here," ang sagot niya.

 "TlGa? Cge. PaalaM aQ kna Mom at Dad."

 "Ky Riz p..." Naglagay pa siya ng smileys na nakadila. Hindi ko tuloy alam kung nang-aasar siya o naaasar siya.

 "XmprE!" Naglagay din ako ng smileys na devil.

 Pagkatapos nun, hindi na siya nag-reply. Okay lang naman. Ang mahalaga, medyo okay na kami. Pagkatapos ng mga nangyari, magkaibigan pa rin kami. Hindi ko naman maitatanggi na nagkintal siya sa puso ko. Siya ang unang girlfriend ko. Paano ko ba siya makakalimutan?

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...