Followers
Tuesday, April 19, 2016
Musika ng mga Kabataan
Ang mga kabataan ngayon, mas gusto pa ang mga makamundong kanta kaysa sa mga awiting naluluwalhati ang Diyos Ama.
Kilalang-kilala nila ang mga kanta nina Ariana Grande, Taylor Swift, Katty Perry, Miley Cyrus, Justin Beiber, ng One Direction, at kung sino-sino pa, na hindi naman napupurihan ang Panginoon. Pero, tanungin mo kung kilala nila ang Switchfoot, Jars of Clay, Kutless o Casting Crowns ay baka hindi nila masagot. May alam kaya silang gospel song ng Hillsong? Malamang wala!
Nakakalungkot. Ang kabataan ngayon ay nabubungol na sa musika ng mga demonyo. Unti-unti na ring nalalason ang mga puso nila ng mga tugtuging nakakapagpalayo ng agwat ng langit at lupa.
Kung bubuksan lang nila ang kanilang mga puso at tainga para sa awiting nagsasamba sa Panginoon, disin sana'y magiging mas maligaya sila. Iba kasi ang musika ng Diyos. Ibang-iba. Mararamdaman mo ang presensiya Niya tuwing ipipikit mo ang iyong mga mata habang inaawit mo ang mga awit ng papuri, pagsamba at pasasalamat. Tila, gumaganda ang iyong boses, kapag ang tinitipa mo ay ang musiko ng Diyos. Nakakaiyak. Napakaligaya ng kumakanta para sa kaluwalhatian Niya.
Kung ang mga kabataan ngayon ay mahihilig sa mga gospel songs, ang mundo natin ay maging mapayapa at magiging masaya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment