Followers
Friday, April 22, 2016
BlurRed: First Christmas
"Nag-shopping si Daddy," bati ko sa kanya. Andami niyang bitbit.
"Oo. Christmas tree at Christmas decorations," aniya, sabay patong ng mga malalaking plastic bag sa table. "First Christmas natin together..."
Nagkiss si Mommy sa kanya. Ako naman ay nagmano.
"Sana nagpasama ka kay Red..." sabi ni Mommy.
"Okay lang."
"First Christmas natin together... pero parang hindi ka masaya, Red." Si Mommy ang nakapansin.
Naisip ko kasi ang plano kong pumunta sa Aklan. Mukhang mapupurnada. "Masaya po. Hindi lang po tayo together, apat na tayo sa Pasko."
"Korek!" Hinimas-himas pa ni Mommy ang malaki niyang tiyan. "Lalabas na si Blue."
Natutuwa ako sa effort ni Daddy. Nalulungkot naman ako dahil baka hindi matuloy o baka maurong ang bakasyon ko sa Aklan. Okay lang, basta sa ikaliligaya ng pamilya ko. Makakapaghintay naman siguro ang problema ko kay Dindee. Isa pa, gusto ko ring i-celebrate ang first Christmas namin ni Riz.
Tinulungan kong bulatlatin ang mga pinamili ni Daddy. Mahusay siyang mamili ng mga pandekorasyon. Red Christmas balls talaga ang karamihan sa binili niya. May mga blue rin naman. Naging excited tuloy akong magdiwang ng Pasko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Buwaya sa Gobyerno
Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
Bakit kapag nagkakamali ng bigkas ang ating kapwa, pinagtatawanan natin? Bakit kapag mali-mali ang Ingles nila, kinukutya natin? Big deal ba...
No comments:
Post a Comment