Oo! Guro ako sa pampublikong paaralan, ngunit hindi ako tunay na guro.
Nakakalungkot isipin na hindi ko magampanan ang tungkulin ko bilang isang tunay na guro. Nakakahiya man itong sabihin, pero ito ang totoo. Hindi ko magampanan ang mga responsibilidad ng isang maestro.
Inihahanda ko ang aralin ko, bago ako pumasok ng paaralan. Sinisikap kong magkaroon ng nakakaganyak na mga gawain sa pamamagitan ng mga kaiga-igayang mga materyales. Pinag-aaralan ko ring maigi ang bawat salitang aking bibigkasin at gagamitin sa aming pagtatalakay. At, pumapasok ako nang maaga upang hindi ako ang hintayin ng mga mag-aaral na umaasa sa akin.
Kapag may suliranin ang aking mag-aaral, tinutulungan ko siyang matamo ang solusyon. Kapag may nag-aalitan, pinagbabati ko at ipinauuunawa ang kamalian ng bawat isa. Kapag may kakulangan sa mga bata ko, ibinibigay ko ang abot ng aking makakaya. Pinapakinggan ko ang bawat sumbong at daing nila. Inuunawa ko ang mga ugali, gawi at kilos nila. Itinatama ko ang mga kamalian nila. May simpatiya ako sa kanila.
Hindi pa rin pala ito sapat upang ako ay maging isang ganap na guro. Naibibigay ko nga sa mga mag-aaral ang nararapat nilang matanggap mula sa akin, ngunit ito’y kulang pa rin. Ang pagpupunyagi ko ay hindi nangangahulugang ako ay nararapat tawaging isang guro, dahil ang isang guro ay guro muna sa kanyang sariling anak. At ito ay ang tanging hindi ko magawa.
Oo! Hindi ko magawang magpakaguro sa sariling kong mga anak. Sa kung anumang dahilan, hindi ko alam kung paano ako magiging guro sa kanila. Marahil, hindi pa ako isang tunay na guro.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment