Sa inyong harapan, isang binibini
na ang pamilya ay laging nasa tabi,
Sa bawat okasyon, sa bawat sandali,
magkakasama't nagmamahalan kami.
Sa likod nitong matatamis na ngiti,
magagandang asal ang namumutawi.
Sa loob nitong pusong hindi sawi,
isang masayang pamilya'y nagkukubli.
Sa aking tabi, nariyan si Mommy--
aking gabay sa araw hanggang gabi.
Naroon ang masipag kong daddy,
pangangailangan namin, siya ang bumibili.
Nariyan ang aking kuya, na super pogi,
ang aking idolo hanggang sa paglaki.
At, sa aming tahanang mumunti,
pamilya ko't pagmamahala'y mananatili.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment