Followers

Thursday, August 24, 2017

Kabataan, Droga, at Kapulisan

Kabataan,
pag-asa ka pa rin ng bayan.
Sa pagtahak tungo sa kinabukasan,
pangarap ay pagsumikapang
makamtan.

Droga,
ikaw ang kanser ng lipunan.
Sa pangarap ng mga kabataan,
nariyan ka't humahadlang,
naninila.

Kapulisan,
tagapagtanggol kayo ng bayan,
Katiwasayan, hatid sa sambayanan,
Pinapanatili raw ang kapayapaan.
Kamatayan?

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Setyembre 2026

  Setyembre  1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...