Followers

Thursday, December 21, 2017

Ang Mahiwagang Refrigerator

Laging masarap ang inihahandang pagkain ng ina ni Sophia. Kaya, lagi siyang busog at masaya.

Pero, labis ang kanyang pagtataka kung bakit laging sariwa ang mga pagkaing inihahanda ng ina.

"Mommy, mahiwaga ba ang kabinet na ito?" tanong ni Sophia.

Natawa ang ina at tumigil muna sa paghihiwa ng ampalaya. "Anak, refrigerator ang tawag diyan."

"A, refrigerator!" bulalas ni Sophia. "Mahiwagang refrigerator, gusto ko ng pagkaing masustansiya!"

Lalong natawa ang ina, saka nilapitan si Sophia.

Binuksan nila ang refrigerator na mahiwaga.

"Ang makinang ito ay imbakan ng mga inumin at pagkain upang manatili silang sariwa."

"Sa taas inilalagay ang mga karne ng baboy, baka, at manok, pati isda."

"Sa baba naman ay mga prutas at mga gulay.

"Sa pinto, inilagay ang itlog, keso, o gatas. Dito rin naglalagay ng tubig upang ito ay lumamig.

"Sa gitna naman, inilalagay ang mga tinapay at iba pang mga pagkain."

"Wow! Lahat pala ng mga pagkaing masusustansiya ang nailalagay rito. Kaya pala lagi akong magana."

"Tama ka, Sophia. At, dahil diyan... ipagluluto kita ng ginisang ampalaya!"


Laging magana at masaya si Sophia dahil sa mga niluluto sa kanya ng ina, kahit amplaya pa ang ulam nila.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...