Followers

Thursday, December 21, 2017

Si Anihay, ang Taong-Bahay

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin, anak?" tanong ng ina.

"Hindi po. Maglilinis na lang po ako," sagot ni Anihay.

Nakita ni Anihay ang paglabas sa bahay ng kanyang ina, ama, at bunsong kapatid, ngunit natuwa pa siya.

Mas gusto ni Anihay sa maglinis sa bahay kaysa makipaglaro o mamasyal. 

Nagsuot siya ng apron. Kumuha ng basahan, dust pan, at walis. "Ano kaya ang uunahin kong linisan?" 

"Ang mga kuwarto sa taas, na aming tinutulugan?

"Ang sala, na ginagamit palagi, lalo na kapag kami ay nanunuod ng telebisyon o pelikula at kapag kami ay may bisita?"

"Ang kusina, kung saan kami naghahanda ng pagkain at kung saan kami nagsasalo-salo ng agahan, tanghalian, at hapunan?"

"Ang banyo, kung saan kami naliligo at iba pa?"

"O, sa bakuran na siyang harapan ng aming tahanan?"

May naalala si Anihay. Napangiti siya.

"Sabi ni Mama, unahin ko raw lagi ang taas kapag magwawalis ako." 

"At kapag may mga hugasan sa lababo, unahin ko raw ito dahil nakasalalay ang kalusugan namin dito."

Nasa gitna si Anihay ng kanilang bahay. Masaya siya dahil malinis na malinis na ang sala, ang lababo, ang banyo, gayundin ang mga kuwarto.

Pinuri si Anihay ng ina, ama, at kapatid nang makita nilang napakalinis ng kanilang bahay.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...