Followers

Monday, May 31, 2021

Ang Aking Journal --Mayo 2021

Mayo 1, 2021
Maaga akong bumangon upang maihanda ko ng almusal si Zillion. Hindi naman ako nagluto. Nagpa-deliver lang ako. 

Sabay kaming nag-almusal.

Pagkatapos mag-breakfast, nag-home work out ako. Matagal akong natapos dahil may isiningit akong mga trabaho. At nagdagdag ako ng reps sa ilang routine. 

Nagluto agad ako pagkatapos mag-ehersisyo. Nagdilig ako, pagkatapos magluto. Then, sinimulan ko ang module. 

From two to four, natulog ako. Kahit paano, nakaidlip ako. Wala kasing maingay. Kung nandito si Emily, siguradong dinig sa buong barangay ang boses niya kapag may tawag sa cellphone.

Pagkatapos ng meryenda, hinarap ko uli ang paggawa ng module. Kahit paano, marami-rami ang natapos ko.

Tumawag si Emily, hindi raw siya makakauwi. Nasa birthday party siya ni Upline Sir Aries. No problems, sa akin.

Late na ako nagpatay ng laptop. Nanood kasi ako sa Youtube. Nakakaadik.



Mayo 2, 2021
Tinamad akong mag-home work out, pero hindi ako tinamad magluto ng scrambled eggs at mag-gardening. Gumawa ako ng dish gardens. Naabutan nga ako ni Emily sa garden. Hanggang 11:30 am ako sa labas.

Ngayong araw, hindi ako natulog sa hapon para mapokusan ko ang paggawa ng module. Naisingit ko rin ang panonood sa Youtube. Gabi ko na natapos ang Q4 Week 4 ng ESP6. 

Bukas, gusto kong mag-biking at manguha ng cow's manure. Sana magawa ko. 



Mayo 3, 2021
Lunes na Lunes, nagloko ang signal ko nang subukan kong mag-online class gamit ang laptop. Ang tagal kong nakapagsimula. Gumamit na lang ako ng cellphone. Wala pa namang soft copy ng module. Gumawa na lang ako ng paraan para makapagturo. Haist!

Nagsimula akong mag-home workout, pero hindi ko natapos kasi mas pinili kong mag-biking. 

Past 8, umalis ako. Namulot ako ng tae ng baka sa palayan/sabsaban. Nakakuha rin ako ng mga suiseki stones. 

Before 11:00, nakauwi na ako. Saka lamang ako nakapagdilig ng mga halaman. 

After lunch at maligo, nagbukas ako ng laptop upang gawin ang module sa ESP6 Q4 W4, pero inantok ako, kaya pinagbigyan ko. 

Past 5 na ako nakapagsimula. Kahit paano, nakatapos ako ng dalawang pahina ngayong araw. Not bad.



Mayo 4, 2021
Hindi ako nakapagturo dahil ginamit ang oras ko para sa pag-record ng Wellness is Life dance cover namin. Grabe ang steps! Hindi namin masundan. Gayunpaman. game ako sa pagsayaw.

After ng klase, nagtalo kami ninEmily. Kinukulit akong magbigay sa kaniya ng FVP propects. Ayaw na ayaw ko pa naman ng pinangungunahan ako.

Paalis na nga lang sila ni Zillion, nagkipagtalo pa. Nakakasira ng mood. Basta talaga bumuka ang bibig niya, lagi akong naiinis. Sabihin ba naman na "Hindi lang pinansiyal ang suporta." Kulang pa pala ako ng suporta. Walang hiya!

Pag-alis nila, masaya na ako. Malungkot lang ako dahil sa maghapong webinar. Gayunpaman, natahimik ang mundo ko. Dumating sila bandang 4 pm. 

Gumawa naman ako ng module after meryenda. Sa garden ako gumawa. Kahit paano, umusad na ang Week 4. 



Mayo 5, 2021
Gumamit na ako ng soft copy ng modules na mula sa SDO. Nakaraos na naman ng 20 minutes na online class.

Past nine, nag-biking ako para makakuha ng cow's manure sa pinupuntahan kong sabsaban. Suiseki hunting na rin. Past 10:30, nakabalik na ako. Sobrang init, pero masaya ako kasi may naiuwi akong tae ng baka at dalawang suiseki stones. 

Past 1, nag-join ako sa webinar. Hindi ko alam na kasali ako. Hindi ako masyadong na-inform. Masyado talaga akong ginamit ng ESP supervisor. Leche flan!

Dahil MS Teams ang ginamit, accidental ko pang na-on ang camera ko. Nakita at na-screen shot pa tuloy ako habang may nakatapis na damit sa hubad na katawan. Mabuti may nag-chat sa akin. 

Past 4:30 na natapos ng webinar. Antok na antok ako. Napapikit na nga yata ako. 

After niyon, nag-research ako ng Aglaonema varieties. Nalula ako sa dami niyon at sa 
ganda. Na-inspire tuloy akong ituloy ang aking collection. Kahit paano mayroon na akong more than 15 varieties. Kabibili ko nga lang noong isang araw. I want more.



Mayo 6, 2021
Late na akong nag-almusal kasi kinailangan ko pang tapusin ang hinihinging report. Nakipagmiting pa ako sa mga kasamahan ko sa grade level.

Pagkatapos ng brunch, gumawa ako ng vlog.  Nasimulan ko ngayong araw, pero hindi ko natapos dahil sa second day na webinar.

Naunawaan ko na ang katuturan ng webinar, pero nagtatanong pa rin ako sa isip kung paano ang checking ng integrated summative assessments. Pasa-pasa na naman ang mga teacher ng answer sheets kasi magkakasama. 

Past 5:30, nag-gardening ako. Then, at 6:30, hinarap ko naman ang paggawa ng module. Malapit nang matapos. 


Mayo 7, 2021
Nag-extend ako ng oras sa VI-Charity kasi absent si sir Hermie. Nang malaman ko ang dahilan, iyon pala ay dahil nag-left siya sa mga GC namin. Naroon ang link ng Google Meet. Okay lang naman. Naging interesado naman ang klase ko sa lesson naming 'argumento.'

Umalis sina Emily at Kuya Emer after breakfast at pagkatapos mangutang sa akin ng P9,000 para sa pay-in ng First Vita Plus. Wala pa raw kasing suweldo ang bayaw ko. Ang asawa ko naman ay sa linggo pa mapapautang ng crossline niya. 

Nang makaalis sila, nag-gardening ako. Inaayos ko ang isang side upang mapagsama-sama ko ang pinaka-collection kong mga halaman-- ang Aglaonema varieties. Meron na akong 15 uri nito. Nakatutuwang pagmasdan.

Past 1 up to past 5:30 nasa webinar ako. Nakakaantok pero pinilit kong maging gising.  Nainis lang ako kasi hindi ako nakapasok sa isang link para sa break-away session. 

Gayunpaman, bandang 7, sinali ako sa GC. Nabigyan na ako ng template. Nailagay ko na rin ang ideya ko. 

Before niyon, nagawan ko na ng resignation letter si Ma'am Madz para makaalis na siya sa remedial teaching. Grabe na ang hirap na pinagdadaanan niya. Nakakaawa. Iyon ang isinumbong sa akin ni Ma'am Vi, nang tumawag ito. Ayaw lang daw nitong magsumbong sa akin kasi natatakot sa maaari kong maging reaksiyon. Kaya nagkusa na akong tulungan siya. 

Nagustuhan naman niya iyon. 

Nakapagdugtong pa ako sa ESP module kahit paano. Kaunti na lang, matatapos na. 

Maghapong tahimik ang mundo namin ni Zillion. Sa Linggo pa raw ang uwi ni Emily. 



Mayo 8, 2021
Late na kami nag-almusal ni Ion kasi late na rin bumangon. Okay lang naman kasi wala naman akong klase.

Napaka-productive ko ngayong araw. Marami akong na-accomplished. Bukod sa gardening, nakapag-edit ako ng kuwento ni Ion. Nai-post ko iyon sa wattad at KAMAGFIL. Natapos ko na ang module. Nakapanood ako ng suiseki vlogs sa youtube at na-inspire akong linisan ang mga suiseki stones ko. Hanggang gabi, hindi ako mapakali. Nanood ako hanggang past 10. Kung hindi nga lang ako inantok, hindi ako titigil. Nagkape pa ako, wala ring epekto. Gustong-gusto ko nang makapunta sa ilog o dagat o bundok para mag-stone hunting. Nakakaadik kasi ang suiseki. Ang gagandang pagmasdan lalo na siguro kapag may suiban, daiza, o duban na.

Wala pa rin si Emily. Okay naman kami maghapon ni Ion. Tahimik ang mundo namin.



Mayo 9, 2021
Napuyat ako kagabi kasi hindi ako kaagad nakatulog. Nagkape ako ng 3-n-1 para makapanood ng suiseki vlogs, pero nag-extend ako hanggang 12:30 am. Tapos, bandang alas-2, bumangon ako kasi nagrebulosyon ang sikmura. Naulit iyon bandang 4 am. Dalawang beses. Paggising ko bandang 7:30 am, nagbanyo uli ako. 

Halos maghapon kong pinakiramdaman ang tiyan ko. Hindi naman ako nanghina. Nagtanggal lang marahil ng toxins. 

Past 1:30, dumating na sina Emily at Kuya Emer. Ang ingay na naman ng bahay. Hindi nga ako nakaidlip. Nainis pa ako kasi ang inutang na P9k, hindi kompleto ang ibinalik. Kulang pa ng P3,500. Haist!

Past 5, nagbike ako para manguha ng tae ng baka. First time kong umalis nang ganoong oras. Ginabi ako ng uwi. First time kong magmadali kasi walang ilaw o blinking lights ang bike ko. Good thing, safe akong nakauwi.

Nag-gardening ako pagdating ko. Nakakaadik maghalaman.  



Mayo 10, 2021
Late na ako bumangon kasi nakipagpalit si Ma'am Madz ang schedule sa akin. Dahil dito, late na rin ang almusal ko. Okay lang naman.

Ngayong araw, nakapag-upload ako sa YT ng isang vlog. Tungkol iyon sa hika at First Vita Plus.

Alas-4, nag-biking ako. Naghanap ako ng suiseki stones. Nakakatawa nga ang paghahanap ko kasi wala namang ilog. Sa tabi-tabi lang. Pero kahit paano naman ay may nagugustuhan ako at may nauwi ako. 

Nag-uwi rin uli ako ng tae ng baka. Nakakuha rin ako ng cuttings ng isang halaman. gayundin ng driftwood. 

Happy ako pag-uwi ko kahit pagod. 

Gabi, nanood ako ng suiseki vlogs. Kahit antok na antok na ako, tutok na tutok pa rin. 




Mayo 11, 2021
Pumasok ako sa online class nang maaga, sa pag-aakalang balik na ako sa dati kongboras, pero nandoon pala si Ma'am Madz. Hanggang bukas pala kami palit ng time. 

Sinubukan kong matulog uli, pero hindi na ako nakatulog. Dumating pa si Ate Emer kaya maingay sa baba.

After ng klase, saka lang ako nakapag-almusal. Then, nakipagkuwentuhan sandali kay Ate Emer sa garden. 

Nag-record ako ng audio sa vlog ko, pero hindi natapos kasi inantok ako bandang alas-dos. Hindi rin naman ako nakatulog.

Past 3, may meeting kaming Grade 6 kay Ma'am L. Then, kami naman ang nag-brainstorm. Namili kami ng 2 learners na sasabak sa regional online mid-year assessment.

Hapon, nag-gardening ako. Mabuti umalis ang mag-ina ko kaya natahimik ang mundo ko. Ang iingay nila. Narindi ako, kaya bago sila umalis ay napagsalitaan ko pa sila. 

Tumawag si Ma'am Ana ng CES dahil sa kontrobersiyal na issue ni Ms. Krizzy na itinanong ko sa GC ng Faculty Federation. Actually, tumawag rin sa akin ang Faculty President kaninang umaga. Tatawagan daw ng ASDS ang principal namin na ayaw pumirma sa ERF ni Ms. Krizzy. 



Mayo 12, 2021
Disturbed ang tulog ko dahil sa init, ingay, at mga panaginip, pero okay lang dahil wala naman akong turo. Ginamit sa Cathecism ang time ko. 

Pagkatapos kong mag-almusal, nag-biking ako. Nakakuha ako ng wooden chopping board sa may kalsada. Muntik nang maubos ng mga anay, kaya inuwi ko na para maging patungan ng mga suiseki ko. Kumuha rin uli ako ng mga tae ng baka. Past 11, nasa bahay na ako.

Hapon, nag-gardening ako. Hindi nga lang ako nakaidlip dahil sa sobrang init at ingay. Nanood na lang ako ng mga vlogs. 



Mayo 13, 2021
Past 8 na ako nagising. Ang sarap talagang matulog kapag holiday! 

Aftet breakfast, umasa akong pupuntahan ako ni Sir Hermie para mamili kami ng halaman sa Silang, pero may sarili pala siyang lakad. Okay lang naman. Nanood na lang ako ng vlogs sa YT. Halos maghapon kong ginawa iyon. Pati sa gabi, nanonood pa ako. Pero, siyempre, nag-gardening ako nang kaunti. Hindi nga lang ako nakapag-biking at nakagawa ng vlog. Ang ingay kasi ni Emily. Halos maghapon ding nag-First Vita Plus. Kung hindi nga lang mainit sa kuwarto, nagkulong ako. 




Mayo 14, 2021
Nainis ako after ng online class ko kasi umalis pala si Emily para sa First Vita Plus, nang wala man lang inihandang almusal. Alas-9 na ako natapos, kaya mukhang gutom na gutom na si Ion. Napagalitan ko pa tuloy. 

Nag-toast na lang ako ng tira-tirang tinapay. Very late na kung magluluto pa ako. Naawa ako sa bata kasi pinagtiyagaan niya ang toasted bread, na nasunog pa. 

Kaya nang nag-text si Emily, na gabayan ko raw si Ion sa pagsagot sa module dahil pasahan na sa Monday, sinagot ko siya. "Mag-First Vita Plus ka lang " sabi ko. 

Nag-gardening ako para mawala ang inis ko. Then, nanood ako ng YT. Hapon, naisipan kong magsulat oara gawing vlog. Gabi, ginawan ko naman iyon ng powerpoint. Natapos ko iyon bago magsimula ang Coop Board Meeting bandang alas-8 ng gabi.

Past 10 na ito natapos. 



Mayo 15, 2021
Gumawa ako ng vlog sa umaga. Sa hapon naman, dumalo ako sa cooperative general assembly. Matagal iyon. Past 4 na natapos. Antok na antok nga ako. Pagkatapos, sa halip na matuwa ako, nainis pa ako sa resulta ng election for Board Members. Ako ang may pinakamataas na boto. Ayaw kong maging chairman, although, gusto kong maging board member. 

Gumawa uli ako ng isa pang vlog. Kaya lang. hindi ko natapos kasi nagsabi si Sir Hermie na pupunta siya.

Past 7:30, dumating siya. Agad kaming bumili ng beer at yelo. May naihanda na rin akong pulutan. 

Nagkantahan kami sa loob hanggang 12. Wala kaming naperwisyong kapitbahay dahil hindi naman masyadong maingay. 




Mayo 16, 2021
Hindi ko nagkaroon ng hangover kasi nakatatlong bote lang naman kami kagabi. Kaya, nakapaghanda ko ng almusal.

Maghapon akong gumawa ng vlog. Kaya lang hindi ko natapos ang paglalapat ng audio. Umidlip kasi ako hanggang 4pm. Idagdag pa ang ingay. Dinig na dinig. Itinigil ko na. Nag-gardening na lang ako at nanood ng YT.




Mayo 17, 2021
Dumating na si Emily, bandang 9:30. Naabutan niya akong nakikipagmiting. 

After lunch, umalis ako para mag-withdraw ang mid-year bonus. Nagmadali ako kasi may online validation kami ng intergrative assessment output bandang 3:30 pm. 

Nagawa ko namang makauwi nang maaga. Past 3, nasa bahay na ako. Nakapag-grocery na ako at nakabili ng cellphone para kay Zildjian. Oppo A15 ang nabili ko. Worth P6,300 lang, kasama ng tempered glass.



Mayo 18, 2021
Nagkaroon ng technical problem ang cellphone ko habang nasa online class ako. Hindi nila ako marinig. Walang audio. Kahit anong gawin ko, walang nangyayari. Ipinaalam ko na lang kay Ma'am Vi upang i-take over ang klase ko. Hindi ko na rin in-open ang laptop ko kasi nagloko rin iyon kagabi. Nawala ang koneksiyon sa wifi. 

Gumawa na lang ako ng vlog pagkatapos mag-almusal. At habang nasa webinar ng LAMP.

Natapos ko naman agad ang paggawa ng powerpoint. Kailangan na lang lapatan ng audio.

Past 2 na natapos ang webinar. Nakuha ko na ang aking assignment na objective. Pagkatapos nanpagkatapos, nag-biking ako. Kailangan kong makakuha ang cow's dung para sa mga halaman ko.

Masayang-masaya ako pag-uwi ko kasi hindi lang tae ng baka ang nakuha ko. Marami ring suiseki ang naiuwi ko. Meron pa akong nakuhang brown bottle. Botelya iyon ng pesticide. Kailangan ko iyon as decoration. 

Nag-gardening ako bandang past 6. Umidlip muna kasi ako pagkatapos kong mag-biking.




Mayo 19, 2021
Nagkaroon na naman ng technical.problem ang cellphone ko. Mabuti naopen ko kaagad ang laptop ko, kaya kahit paano ay nakapagturo ako.  

Before nine, nag-biking ako. Nakarating ako sa ilog. tuwang-tuwa ako kasi maganda ang view At maraming suiseki stones at drift woods akong nakuha. Doon na rin ako naghanap ng tae ng baka. Past 11, nakauwi na ako.

Maghanap akong umidlip. Hindi kasi ako makagawa ng vlog o makapag-recording dahil sa ingay sa paligid. Nagpupukpok pa sa kabilang bahay.

Hapon. nag-gardening ako. Nilinisan ko ang mga batong pinulot ko kanina.

Past 8:30, nag-biking ako. Umuwi ako before 10.




Mayo 20, 2021
After breakfast, naglaba ako ng mga damit ko. Hindi kasi sinabay ni Emily sa paglaba niya. Okay lang naman. Then, naghintay ako kay Sir Hermie na sunduin ko kasi mamimili yata kami ng halaman, kaya lang hindi siya dumating. Okay lang naman kasi napagod na ako.

After lunch, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Natapos ko iyon bandang 3 pm na. Iyon naman ang simula ng meeting namin with Ma'am Lorie tungkol sa SBM. Medyo naiinis lang ako kasi kasali na naman ako.

Past 8, nag-biking ako. Nakauwi rin ako agad at naturuan ko pa si Zillion sa pagsagot sa Math module niya. 




Mayo 21, 2021
Pagkatapos kong mgturo, naghanda na ako para sa pagbiyahe ko patungong school. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman.

Past nine, nasa biyahe na ako. Before 12, nasa school na ako. 

Isang masaganang salusalo ang naganap sa school dahil may pre-birthday blowout si Miss Krizzy. Matagal kaming nagkainan, tawanan, at kuwentuhan.

Past 3 na ako nakaalis sa school para naman pumunta sa Antipolo. Past 7:30 na ako nakarating kina Jano upang ihatid ang cellphone ni Zildjian. 

Hindi naman ako nagtagal doon. Pinatakan ko lang si Mama sa mata ng First Vita Plus Oil of Life. Nagkuwento rin nang sandali. Ipinakita rin sa akin ni Jano ang pinatatayo niyang bahay bago niya ako hinatid sa sakayan ng dyip.

Past 11 na ako nakauwi sa bahay. Mabuti, nakahabol ako sa last trip ng bus sa PITX. Kakaakyat lang daw ng mag-ina ko. Nagsagot sila ng mga modules.




Mayo 22, 2021
Umalis si Emily bandang 9 am ng umaga para pumunta sa office ng First Vita Plus. Hinabilin niya sa akin ang mga modules ni Zillion. 

Tahimik ang mundo namin maghapon. Hinayaan ko lang din si Ion na gawin angngusto niya. Ginabayan ko naman sa module niya, pero ayaw tapusin agad ang isang activity.

Panay lang ang cellphone ko maghapon. Hindi ako masyadong nakapag-gardening. Hindi na rin muna ako nagdilig kasi basa pa ang mga lupa sa paso. Tag-ulan na. Kailangan ko na namang i-secure ang mga nakapasong halaman upang hindi ma-washout ang mga lupa at hindi magka-root rot. 




Mayo 23, 2021
Ngayong araw, wala ako halos nagawamg produktibo. Makapagsulat lang ako nang kaunti para sa gagawing vlog. Halos maghapon akong nag-chat. 

Past 2, nakipag-meeting ako sa Coop board. Naganap ang election for chairman at ako na naman ang pinili nila. Nainis ko nang kaunti, pero later natanggap ko na since wala naman akong magagawa.

After meeting, bumili ako ng halaman. 



Mayo 24, 2021
After ng online class, nag-order na ako ng almusal namin ni Zillion. Late na siya bumaba kahit gising na. Ako naman, nagsulat ng para sa vlog.

One PM, nakipagmiting ako sa mga SBM focal persons at TWGs para sa nalalapit na validation.

Past 4:30, dumating si Sherwin, ang pinsan ko mula sa Mindoro na magtratrabaho sa EPZA. Makikituloy lang muna siya kasi bukas pa siya magsisimula sa uupahan niyang bahay. 




Mayo 25, 2021
Kulang na kulang ako sa tulog dahil sa pagkakaroon ko ng bisita. Hindi talaga ako sanay nang may katabi. Idagdag pa ang sukat ng kama ko. Single bed lang iyon. At para akong iritable kapag may katabi.

Gayunpaman, gumising ako nang maaga kasi nagising si Win nang 4:30. Nakaalis siya ng 5:30. Sinubukan kong matulog pero nabigo ako. 

Past 7, umalis na ako sa bahay para pumunta sa school. Niyaya ako mga mga kasamahan ko sa Grade Six na maki-join sa task nila sa SBM. Pumunta ako para maka-bonding sila, kahit sa Huwebes pa ako naka-assign.

Ang saya-saya nga namin kanina lalo na noong nagla-lunch kami. Andami naming tawanan.

Past 8 na ako nakauwi. Masakit ang ulo sa gutom at sa lamig ng aircon. Mabuti na lang may panlasa pa naman ako. 




Mayo 26, 2021
Pagkatapos ng online class at ng almusal, nag-bike ako patungo sa malapit na sabsaban ng mga baka. Nanguha ako roon ng mga tae nila.

Pauwi na ako nang tumawag si Ma'am Vi. Halos isang oras kaming nagkuwentuhan tungkol sa kabalbalan ng aming punungguro kahapon. Nakakainis lang malaman ang mali at hindi patas na pagtrato nila sa aming Grade Six kahapon. 

Isa na naman itong puntos na aking iipunin upang pagdating ng panahon ay maibulalas ko ang aking saloobin. 

After lunch, umidlip ako. Hindi naman ako nahimbing nang husto, kaya pumunta na lang ako sa Security Bank upang ipalit ang mga tseke ko mula sa First Vita Plus.

Then, nag-window shopping ako sa Robinson's Tejero. Isang oras din akong nagpalamig doon.

Pagkatapos, pumunta ako sa Salinas upang mamili. Gusto ko sanang mga paso ang mabili ko, pero hindi ko nagustuhan ang mga design, kaya wala akong nabili. 

Nag-ukay-ukay din ako makapili ng mga sweat shirt. Kaya lang, wala akong nagustuhan. 

Sa halip, nag-shopping na lang ako sa imart at Urban. Nakabili ako ng 2 jogging pants, isang baseball jacket, at 1 sweat shirt. Binilhan ko rin si Emily ng denim jacket at si Ion ng dalawang sando. 

Past 6:30 na ako nakauwi. 

Hindi pa nagtatagal, nagmiting kaming Grade Six. Na-high blood ako dahil sa maling desisyon ng principal. Nag-away pa tuloy kami ni Hermie.

Bukas, nandoon kami para sa printing mg modules ng Q3, which is very late na dahil nasa Quarter 4 na dapat kami.




Mayo 27, 2021
Maaga akong nagising kaya bandang pasado 6:00 ay nasa biyahe na ako. Nakarating ako sa school bandang past 8. Naroon na sina Ma'am Madz at Ma'am Vi. Nagkuwentuhan kami habang naghihintay sa aming kasamahan. 

Ang saya-saya namin, lalo na nang dumating na ang mag-asawa. Pinag-usapan namin ang nangyari kagabi. Andami naming tawa.

Hindi naman ako nakatulong sa SBM at sa Grade Six. Panay lang ang pakikipagkuwentuhan ko sa kanila. Gayunpaman, naroon ako para suportahan sila. 

Past 5 na nang umuwi ang mag-asawang Alberto kaya umuwi na rin ako. Past 8:30 ako nakauwi sa bahay. Pagod ako, pero masayang-masaya. 




Mayo 28, 2021
Nagising ako badang 6:50. Ilang minuto na lang ay time ko na sa unang period. Agad aking nagbihis, naghanap ng lesson, at naghanap ng link. Napag-alaman ko, wala palang online class dahil may gagawin pala sa school. Kaya, napilitan akong pumunta roon.

Past 8:30, nandoon ako. Nagsisimula na sila. Agad naman akong tumulong, kahit hindi pa nag-almusal.

Gabing-gabi na ako nakauwi sa bahay. Una, dahil ito sa matagal kong paghihintay ng masasakyan sa CCP. Pangalawa, may tinulungan akong mag-ama na makauwi sa Noveleta. Naawa ako kasi panay ang lakad nila. Mula pa sila sa Antipolo. Nahirapan silang sumakay dahil bawal nga ang bata sa biyahe. Nagtaksi kami. Hinatid siya ng taxi driver hanggang sa lugar na pupuntahan nila. Doon na rin ako sumakay pauwi. 

Masaya ako kahit gumastos ako ng mahigit P1,000 para sa pamasahe namin. Gusto ko lang makauwi nang maaga at ligtas ang mag-ama dahil nakikita ko sa kanila ang pagod, uhaw, at gutom. Humanga nga sa akin ang driver at dispatcher. Nakakawala ng pagod at gutom ang pagtulong kong iyon. 



Mayo 29, 2021
Maaga akong nagising kahit gusto ko pang matulog. Nakakainis! Hindi man lang ako makabawi ng puyat. 

Gayunpaman, masaya ako sa nangyari kagabi. Hindi ko na inisip ang halaga ng perang nawala sa akin. Natutuwa ako dahil ginamit ako ng Diyos para makatulong sa kapwa. Matagal ko nang inasam iyon.

Pagkatapos mag-almusal, nag-ayos ako garden. Gusto kong isalba ang mga halaman ko mula sa matinding sikat ng araw. Andami ko nang halaman na nasunog. 

Hindi ko iyon kaagad natapos dahil sa sobrang init. Gabi ko na iyon natapos. Although, may hindi pa ako nagawa, mas maayos nang tingnan kaysa sa dati.




Mayo 30, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, nanguha ako ng tae ng baka sa pinakamalapit na sabsaban. Pagdating ko, nag-gardening ako. Tuluyan ko nang naisayos ang garden ko. Organized na. Kaya lang, may parating na plant rack, kaya mag-aayos na naman ako sa susunod na araw. 

Sobrang init maghapon, hindi na naman ako nakatulog kahit pa bagong ligo.

Past 6, nagkaraoke ako habang wala ang mag-ina. Marami-rami rin akong nakanta bago sila dumating..

Past 8, umulan nang malakas. Tiyak akong natutuwa ang mga halaman ko.




Mayo 31, 2021
Paggising ko pa lang, hindi na ako pinansin ni Emily. At habang nag-gagardening ako, nag-text pa. May nagbago na raw sa pakikitungo ko. Mag-usap daw kami. WTF! Wrong timing palagi! Kagabi, gustong makipagniig. Ang init-init. Iniwan pa sj Zillion nang gising para lang makitabi sa akin. Hindi nag-iisip. Sa halip na ma-in love ako, na-out of love tuloy. 

Hayun! Maghapon kaming walang kibuan. Isa pa, wala akong panahon. Mas masaya at mas masarap mag-gardening kaysa manuyo.  Bahala na siya kung nagdududa siya. Patunayan niya muna bago niya ako husgahan.

Naisaayos ko na nang maigi ang garden ko. Lumawak tingnan dahil sa bagong deliver na plant rack. 
















Wednesday, May 19, 2021

Mga Uri ng Anxiety Disorder

Nang dumating ang pandemya, lalong umigting ang pagkilala natin sa Anxiety Disorder. Ano nga ba ito? Kilalanin natin ito nang husto at ang pinagmulan nito. Paalala lamang na hindi biro ang kondisyong ito. Hindi rin ito basta-basta dinideklara ng kung sino-sino sapagkat tanging mga doktor lamang ang may kakayahang matukoy ito. Ang Anxiety Disorder ay isang uri ng karamdamang pangkaisipan (mental disorder). Ang taong may ganitong karamdaman ay nakararanas ng pagkabalisa, kaba o nerbiyos sa mga bagay na maaaring nakikita o nararanasan sa totoong buhay, o mga bagay na paulit-ulit nilang naiisip. Ang Anxiety Disorder ay may limang uri: Generalized Anxiety Disorder, Panic Disorder, Social Anxiety Disorder, Separation Anxiety Disorder, at Specific Phobia. Ang Generalized Anxiety Disorder ay paulit-ulit at sobrang pangangamba sa isang gawain o pangyayari. Naaapektuhan nito ang kalusugan ng taong nakararanas nito dahil hindi na ito makontrol, na kadalasan ay sinasabayan pa ng ibang uri ng anxiety disorder. Ito ay tumatagal ng ilang buwan. May ilang mga kaso nito na ang isang tao ay palaging nag-aalala mula pa sa kaniyang pagkabata. May ibang mga kaso naman na sanhi ng pagkaka-trigger ng isang krisis o nakaka-stress na pangyayari sa kaniyang buhay, gaya tulad ng pagkawala ng trabaho, pagkakaroon ng sakit, pagkakasakit o pagkamatay ng isang mahal sa buhay, pagbagsak sa pagsusulit, pagkasira ng relasyon, at iba pa. Maaaring matapos ang krisis at stress na kaniyang nararanasan, ngunit ang hindi pa rin maipaliwanag na pakiramdam ng pagkabalisa ay maaaring tumagal ng taon. Ang panic disorder ay karamdaman kung saan hindi maipaliwanag ang pagkabahala. Ito ay paulit-ulit na pag-atake ng pangamba (panic attacks) sa magkakahiwalay na pagkakataon at may kasamang matinding pagkatakot at iba pang karamdamang pisikal tulad ng mabilis na pagpintig ng puso, kahirapan sa paghinga, pagpapawis, panginginig, pagkirot ng dibdib, pagkahilo, at iba pa. May mga taong nakararanas nito na nakikitaan ng hindi normal na pagkabahala, kaya sila ay madalas na inaakalang may malalang karamdaman tulad ng sakit sa puso o pagkawala ng kontrol sa sarili. Ang Social Anxiety Disorder ay paulit-ulit na malaking pangambang mahusgahan ng iba at/o maipahiya sa harapan ng maraming tao. Maaaring ito ay maging labis, kaya’t may mga taong nakararanas ng ganitong karamdaman, ang umiiwas sa mga lugar na maraming tao o sa mga pagtitipon kung saan ipinapalagay nilang may magdudulot sa kanila ng kahihiyan. Sakop din nito ang pananatiling tahimik sa mga sitwasyon sa lipunan upang makaiwas sa atensyon ng iba. Kapag napapalibutan ng mga tao, ang indibidwal na may social anxiety disorder ay namumula, nanginginig, namamawis, nakakaramdam ng pagkahilo, at parang kumakabog ang dibdib, nahihirapan sa paghinga, at ayaw makipag-usap sa iba. Kadalasan, nararanasan ito ng mga batang naulila, iniwanan ng magulang o napalayo sa pamilya. Isang malaking dagok sa developmental stage ng mga bata ang pagkakahiwalay sa mga magulang o mga taong tinuturing na magulang. Ang Specific Phobia ay ang paulit-ulit at labis na pagkatakot sa isang partikular na tao, bagay, hayop, lugar, sitwasyon o gawain dahil sa hindi magandang karanasang may kinalaman sa mga ito. Ito ay maaaring magbunsod ng panic o anxiety attack at magdulot ng problema sa taong meron nito. Halimbawa, mayroon siyang claustrophobia o takot sa masisikip o nakakulong na lugar. Paano siya sasakay sa elevator? May mga bagay tungkol sa Anxiety Disorder na dapat nating bigyang-linaw upang maiwasan ang maling paniniwala at haka-haka. Narito ang ilan sa mga ito: Ang psychiatrist ay propesyonal na doktor na nagsusuri at nanggagamot sa sakit sa pag-iisip ng isang tao. Maaaring kumonsulta sa kaniya kung ang mga sintomas ng anxiety disorder ay labis nang nakakaapekto sa mga gawain sa araw-araw. Nagagamot ang Anxiety Disorder. Sa katunayan, ito ay nagagamot sa maraming paraan, kabilang na rito ang kombinasyon ng oral medications, gaya ng mga tabletas, at psychotherapy lalo na ang CBT (Cognitive Behavioral Therapy. Ang CBT ay isang pamamaraang may magandang epekto upang matalo ng pasyente ang kaniyang anxiety disorder. Hindi dapat nating ituring na baliw ang sinomang may Anxiety Disorder. Ang mga sintomas ng pagiging baliw ay malayong-malayo sa mga sintomas nito. Malinaw pa ang pag-iisip ng mga taong may anxiety disorder. Maraming bagay pa silang nagagawa nang normal. Hindi rin nakakahawa ang Anxiety Disorder, kaya huwag nating layuan o iwasan ang mga taong nakararanas nito. Higit na kailangan nila ang pag-unawa, pag-alaga, at presensiya natin. Hindi namamana ang sakit na Anxiety Disorder, pero maaaring magkaroon din nito ang mga miyembro ng pamilya. Kapag may nerbiyoso sa isang pamilya, malaki ang tsansa na maging nerbiyoso rin ang iba. Tandaang hindi namamana ang sakit mismo kundi ang potensyal. Nakakabalisa naman talaga ang ganitong karamdaman, higit lalo sa nag-aalaga. Hayan! Sana ay naliwanagan na kayo tungkol sa anxiety disorder. Tandaan, ang anxiety ay hindi “Ang saya, ‘te!” Hindi ito masaya. Nakakabahala ito. Subalit, huwag natin itong ikabahala dahil kayang-kaya natin itong solusyunan. Ang Diyos ay gumagamit ng mga tao upang tulungan ang sinomang nakararanas nito. Kumapit lang tayo sa Kaniya. Ang sakit sa mentalidad ay nagagamot sa pamamagitan din ng ating wastong kaisipan. Maging positibo tayo at tingnan ang mabubuting bagay sa mundo.

Saturday, May 15, 2021

Uric Acid: Ano ba ito? Paano ito Pababain?

Anomang araw, madalas may nakahaing maaalat at matatabang pagkain sa ating hapag. Kung hind tuyong isda ay adobong manok o baboy. Kung walang alamang, meron namang bagoong isda (ginamos) na sawsawan. Kung walang litson, nariyan naman ang liempo. Masasarap nga ang mga ito, pero bawal naman sapagkat nagpapataas ang mga ito ng uric acid sa ating katawan. Idagdag pa ang iba pang unhealthy food na ating kinukonsumo araw-araw, may okasyon man o wala. Pag-usapan natin ang uric acid at ang papel na ginagampanan nito sa ating katawan. Ang uric acid ay produkto ng dumi (toxins) sa ating katawan. Ito ay nabubuo kapag dinudurog ng katawan ang mga purines, na natatagpuan kapag namatay ang mga cells. Natural ding nakukuha ang mga ito ng ating katawan mula sa ilang inumin at pagkain gaya ng mga lamang-loob, dried beans, peas, seafoods, at beer. Kadalasan, nalulusaw sa dugo ang uric acid at naglalakbay patungo sa mga kidney, na siyang responsable sa pagtatanggal ng mga ito sa katawan. Sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi, inilalabas ng ating katawan ang uric acid. Nagkakaroon ng mataas na uric acid ang ating katawan kapag ito ay sobra-sobra na at hindi na matanggal-tanggal dahil sa kalabisan nito. Dahil dito, tayo ay maaaring magkaroon ng hyperuricemia o mataas na lebel ng uric acid sa dugo. Minsan naman, ang labis na pagkonsumo ng mga pagkain at inuming likas na mataas sa uric acid ang sanhi ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon. Hindi sakit ang uric acid, subalit maaari itong magdulot ng mga komplikasyon kapag manatiling mataas ang lebel nito sa ating katawan. Narito ang mga sintomas ng high level uric acid: 1. Pagkakaroon ng kidney stones; 2. Paninigas o pamamaga ng mga joints o kasukasuan; 3. Pananakit ng lower back, tagiliran, tiyan, at singit; 4. Pagiging hirap sa pag-ihi; 5. Pagkakaroon ng bahid ng dugo at kakaibang amoy sa ihi; 6. Pagsusuka; 7. Pagkakaroon ng mataas na lagnat na may kasamang panginginig; 8. Pagkakaroon ng gout. Ang gout ay isang uri ng rayuma. Ang taong may gout ay namamaga ang kasukasuan dahil sa sobrang taas na uric acid sa dugo. Kilala rin ito sa tawag na “rayuma sa paa” dahil ang madalas na apektado nito ay ang hinlalaki sa paa. Minsan naman, nararanasan ito sa mga kasukasuan sa kamay at tuhod. Bukod sa gout, narito pa ang ibang kondisyon o karamdamang maaaring maranasan dahil sa pagkakaroon ng mataas na uric acid: 1. Hypothyroidism o hindi aktibong thyroid gland; 2. Obesity o pagkakaroon ng labis na timbang; 3. Psoriasis o impeksiyon sa balat 4. Renal insufficiency o ang kakulangan sa kapasidad ng kidneys na makapagsala ng dumi sa dugo. Narito ang mga dapat gawin: 1. Kumain ng mga pagkaing mababa sa purine, gaya ng yogurt, sariwang prutas at gulay, nuts, whole grains, patatas, at itlog. 2. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Bitamina C, gaya ng mga citrus fruits, mga berde at madadahong gulay gaya ng malunggay at kangkong. 3. Uminom ng red wine sa halip na beer subalit inumin ito nang may moderasyon. 4. Uminom ng maraming tubig upang mapabagal, mapababa, at mapalabas nito ang uric acid sa pamamagitan ng pag-ihi at pagdumi. 5. Kumain ng hindi matatabang karne at iwasan ang pagkain ng mga laman-loob, gaya ng atay. 6. Uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink dahil meron itong kakayahang tinatawag na diuretic o pagpapalabas ng acid sa pamamagitan ng pag-ihi. 7. Magpasuri sa doktor upang maresetahan ng tamang gamot, gaya ng Allopurinol, Celecoxib, at Colchicine. 8. Kung nagtitipid, maaaring gumamit ng halamang gamot na “pansit-pansitan.” Paalala lamang… Magpakonsulta muna tayo sa doktor bago gumawa ng mga pagbabago sa diet at bago uminom ng anomang gamot para sa pagpapababa ng uric acid. Bukod sa pagsangguni sa espesyalista, kaya nating mapanatiling malusog ang pamumuhay at pangangatawan natin. Ang tamang pahinga at sapat na ehersisyo ay makatutulong din upang mapanatiling malusog ang buong pangangatawan. Ang mga pagkain at inumin man ang nagbibigay sa atin ng mga karamdaman, subalit ang mga ito rin ang magbibigay sa atin ng kalakasan, kalusugan, at buhay. Kaya, piliin natin ang tamang pagkain at inumin. Tandaan: Ang kalusugan ay kayamanan.

Monday, May 10, 2021

Paano Lulunasan at Iiwasan ang Hika (Asthma)

Alam niyo ba na ang hika ay laganap na simula pa noong 1970s? Bandang 2011, naapektuhan ng asthma ang 235–300 milyong tao sa buong mundo. Kabilang na rito ang 250,000 na pagkamatay ng mga pasyente. Ano nga ba ang asthma o hika? Ang asthma o hika ay isang karamdamang matagal at pabalik-balik na pamamaga ng daanan ng hangin. Nakikilala ito sa pamamagitan ng naiiba at pabalik-balik na mga sintomas, gaya ng sumisipol na paghinga, pag-ubo, paninikip ng dibdib, at kapos na paghinga. Ang hika ay maaaring genetic (namamana) o dulot ng mga bagay sa kapaligiran. Gayunpaman, nagagamot ito. Ang mga inhaler gaya ng Salbutamol ay isa sa mga uri ng paggamot sa mga malubhang sintomas nito. Sa mga napakamalubhang kaso naman, maaaring gamitin ang iniineksyon na mga corticosteroid at magnesium sulfate. At siyempre, dapat nang magpaospital kapag malala na ang mga sintomas. Paano makikilala ang hika? Ang hika ay paulit-ulit na pagkakaroon ng sumisipol na paghinga, kakapusan ng paghinga, paninikip ng dibdib, at pag-ubo. Kadalasan, malala ang pag-atake ng mga sintomas na ito sa gabi at sa madaling araw, pagkatapos mag-ehersisyo, o kapag malamig ang panahon. Ang taong may hika ay maaaring makaranas ng gastro-esophageal reflux disease (GERD), rhinosinusitis, at obstructive sleep apnea. Ang gastro-esophageal reflux disease (GERD) ay isang sakit na nakaaapekto sa daluyan ng pagkain (digestive tract) kung saan ang asido mula sa tiyan, o kaya ang mismong pagkain na tinutunaw sa tiyan ay umaagos pabalik (reflux) sa esophagus at nagdudulot ng iritasyon, implamasyon o pamamaga sa mga gilid na patong (lining) nito. Ang sleep apnea ay isang kondisyon sa pagtulog na maaaring maging malubha dahil sa ang paghinga ay paulit-ulit na tumitigil, na tumatagal ng sampung segundo hanggang 2-3 minuto. Kadalasang pabiling-biling ang biktima at nagigising na nangangapos nang hininga. Ang rhinosinusitis, na karaniwang tinutukoy bilang sinusitis, ay nangyayari kapag ang mga bungad ng sinus ay naharang o napakaraming uhog na nabuo na naging sanhi ng pamamaga ng isa o higit pa sa mga lukab. Ang allergic rhinitis o hika ay maaaring maiugnay sa talamak na sinusitis. Iniuugnay din ang hika sa maagang paggamit ng antibiyotiko. Mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng hika ang isang tao kapag uminom siya ng antibiotic noong bata pa siya. Paano lulunasan ang hika? Dito papasok ang kahalagahan ng pag-iingat at pag-aalaga sa sarili (self-care). Prevention is better than cure, ‘ika nga. Subalit kung may hika (asthma) na, narito ang mga dapat gawin. Alamin at iwasan ang mga bagay na nakakapag-trigger ng hika (asthma). Ang asthma ay maaaring mapigilan sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga nakapagpapasimula nito. May mga taong allergic sa dust mite, ipis, balahibo ng pusa o aso, alikabok, usok, amag, at iba pa. Nakapagpapalala rin ang mababang kalidad ng hangin o polusyon sa hangin. May mga gaseous matters din na nakakapag-trigger ng hika, gaya ng pormalin. Umiwas din sa secondhand smoke at paninigarilyo. Magkaroon ng well-ventilated at malinis na kuwarto. Ang asthma ay maaaring mapigilan sa pagkakaroon ng malinis at hindi kulob na kuwarto. Tiyaking may pasukan at labasan ng hangin sa kuwarto. Maglinis ng mga higaan. Palitan nang regular ang mga kumot, unan, punda, o kurtina. Tiyaking walang nalalanghap na alikabok at iba pang allergens. Palusugin ang sarili. Mag-ehersisyo palagi, matulog nang sapat, at kumain nang wasto. Ang yoga ay isa sa mga epektibong ehersisyo para pababain ang pag-atake ng hika, patibayin ang baga, pagandahin ang daloy ng dugo, at paganahin nang mabuti ang epekto ng mga gamot na iniinom. Ang pagtulog nang sapat at tama sa oras ay magpapalakas ng resistensiya. Ang pagkain nang wasto naman ay magpapalakas sa immune system. Ang First Vita Plus Natural Health Drink ay makatutulong upang palakasin ang ating immune system. Meron itong 5 Power Herbs (malunggay, dahon ng sili, saluyot, kulitis, at talbos ng kamote) at nilahukan pa ng fruit extract (pineapple, mangosteen, dalandan, melon, at guyabano.) Ang FVP Natural Health Drink Mangosteen at Dalandan ay may malaking papel na ginagampanan sa asthma (hika). Makatutulong ang FVP Mangosteen na tuklapin ang plema sa baga. Ang FVP Dalandan naman ay siyang magpapalabas nito. Itimpla lamang ang mga ito sa maligamgam na tubig at inumin 30 minutes o 1 hour before meal. Sa mga magtitiwala sa aking rekomendasyon, binabati ko kayo! Matutuklasan ninyong ang First Vita Plus ay pagkaing-gamot o gamot na pagkain. Mahal ang magkasakit, kaya sarili ay mahalin. Agapan ang hika bago ito lumala.

Wednesday, May 5, 2021

Sakit sa Bato: Sanhi, Sintomas, at Lunas

Sakit sa Bato: Sanhi, Sintomas, at Lunas Ang sakit sa bato (kidney stones) ay tinatawag ding renal calculi, nephrolithiasis o urolithiasis. Ito ay matitigas na deposito na gawa sa mga mineral at asin na nabubuo sa loob ng mga bato (kidney). Ito ay nagdudulot ng hirap at sakit sa pag-ihi. Nangyayari ito dahil lumalaki na ang mga butil ng asin at mineral sa mga bato (kidney) mo. Ang mga ito ay naglalakbay patungo sa iba pang bahagi ng urinary tract. Kaya nitong sakupin ang buong kidney ng isang tao. Hindi madaling ma-detect o hindi kaagad mararamdaman ang mga sintomas ng sakit sa bato, kaya mahalagang malaman natin ang mga sanhi nito upang maagapan at malunasan ito. Narito ang mga sintomas sa sakit sa bato: 1. Madalas o palaging may lagnat, giniginaw, at nagsusuka. 2. Nakararamdam ng pananakit kapag umiihi o pakonti-konti lang ang iniihi. 3. Masakit ang tiyan at puson. 4. Masakit ang tagiliran. 5. May kulay ang ihi (namumula). 6. Nahihirapan sa paghinga. 7. Nakararamdam ng hilo o pananakit ng ulo. 8. Nakararamdam ng pangangati ng katawan. 9. Namamanas ang talukap ng mata, mukha, tiyan, binti, at paa. 10. Nangingitim ang balat. Pabago-bago ang sakit na dulot ng kidney stones. Maaari itong magpalipat-lipat sa ibang bahagi ng urinary tract. Agad na magpakonsulta sa doktor kung nakararanas na ng matinding sakit, na may pagduduwal, hirap sa pag-upo, pag-ihi ng dugo, panginginig, at lagnat. Ito ay naisasalin. Kung ang isa sa mga miyembro ng inyong pamilya ay nagkaroon ng sakit sa bato, malaki ang posibilidad na maipasa niya ito sa inyo. Maaari ring umulit ang sakit sa bato kahit ito ay gumaling na. Keep rehydrated. Upang maiwasan ang sakit sa bato, uminom ng 8-10 sampung baso ng tubig araw-araw. Sa mga pawisin o nakatira sa mainit na lugar, panatilihing rehydrated ang inyong katawan. Water is life! Watch your weight. Ang obesity ay nakitaan ng kaugnayan sa pagkakaroon ng kidney stones ng isang tao. Kaya, nararapat lamang na i-maintain ang angkop na body mass index (BMI). Mag-ehersisyo. Proper diet. Iwasan ang mga pagkaing matataas sa protein, salt, sodium, at sugar. Ang mga ito ang nakapagpapataas ng tsansang bumuo ng kidney stones. Kumain ng sapat na dami ng pagkain sa tamang oras, na may wasto at balanseng nutrisyon. Kumain ng sariwang gulay at prutas. First Vita Plus. Bilang authorized dealer ng FVP, inirerekomenda ko sa inyo ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink Guyabano. Makatutulong ito upang palakasin ang inyong immune system, na siyang lalaban sa pagbuo ng kidney stones. Sa mga hindi mahilig kumain ng gulay at prutas o sa mga nahihirapan sa paghahanda, very convenient na ang produktong ito. Mayroon itong limang gulay, gaya ng malunggay, talbos ng kamote, dahon ng sili, kulitis/uray, at saluyot. Sa mga umiinom naman ng mga antibiotic laban sa kidney stones, puwede itong isabay sa pag-inom dahil gulay at prutas nga ito. Wala rin itong overdose. Regular na inumin ang First Vita Plus Guyabano o at least 2-3x a day before meals. Ito ay makatutulong upang malinisan ang ating dugo at ma-detox ang ating katawan. Kaya, magigign healthy ang kidney natin. Maiaayos din nito ang blood pressure, blood sugar, at cholesterol level natin. Sa mga nais sumubok ng herbal, makatutulong ang sambong. Ayon sa mga pag-aaral, ang dahon ng sambong ay may kakayahang tunawin ang kidney stones. Isa pang benipisyo nito ay ang tinatawag na diuretiko o kakayahang magpalabas ng sobrang tubig at asin sa katawan at magpababa ng blood pressure, kaya makatutulong ito sa pagpapalabas ng labis na sodium sa katawan. Mahal ang bayad sa urologist kapag naoperahan tayo. Mahal ang gamot. Sabi nga, prevention is better than cure. Huwag na nating hintaying magkaroon tayo ng kidney stones. Masakit sa bulsa ang operasyon at gamot. Tandaan: Prevention is better than doctor’s fee and hospital bills.

Saturday, May 1, 2021

Pag-ibig sa Diyos

Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ay nagdudulot ng pagmamahal sa sarili, kapwa, at kalikasan. Pinatutunayan nito na nagpapaunlad ng pagkatao ang ispiritwalidad. Ang ispiritwalidad ay bunga ng paniniwala at pagmamahal sa Diyos. Dahil dito, nagiging mabuting tao ang isang nilalang. Sinisikap niyang gumawa ng mabubuting bagay at gawain para sa kapwa at para sa ikalulugod ng Diyos. Kahit nagkakasala at nagkakamali siya, hindi siya nakakalimot humingi ng tawad sa Panginoon, gayundin sa taong nagawan niya ng kasalanan at mali. Napakaraming paraan upang magkaroon o maipakita ang pagmamahal sa Diyos. Ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili ay kaugnay ng pag-ibig sa Diyos. Ang dalawang ito ang bumubuo sa Sampung Utos ng Diyos. Kapag nagawa ng tao ang dalawang ito, hindi na niya nanaisin pang labagin ang iba pang utos. Kung mahal niya ang kapwa, hindi niya ito ipapahamak, nanakawan, sasaktan, kaiinggitan, o pagnanasaan. Dahil mahal niya ang kaniyang kapwa, gaya ng kaniyang sarili, nilulukuban siya ng pagmamahal ng Diyos. Ang espiritu ng Diyos ay nananahan sa kaniyang puso at isipan. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagdudulot ng kabutihan sa mundo. Kung ang bawat tao ay nagmamahal sa Kaniya, disin sana’y ang ating mundo ay walang kalungkutan, walang sakit, at walang kaguluhan. At kung mas marami sana ang nagmamahal sa Diyos, isa sanang paraiso ang ating mundo.

Gutom

“Mama, nagugutom na po ako,” reklamo ni Mel habang hinihimas-himas ang tiyan. “Wala pa po ba sa Papa?” “Naku, Anak, wala pa… Ang mga kapatid mo nga rin, o… kanina pa kumakalam ang sikmura,” paliwanag ng ina. “Kaunting tiis pa, ha? Darating din ang papa niyo. Sigurado ako, may dalang pagkain iyon.” “Sardinas, tuyo, noodles! Sawang-sawa na po ako sa kinakain natin,” maktol ni Mel. “Ano po ba kasi ang trabaho ni Papa? Dati naman po tayong nag-uulam ng masasarap. Noon, hindi tayo nalilipasan ng gutom.” “Anak, unawain mo na lang ang sitwasyon… Pandemya ngayon. Ang hirap ng kalagayan ng mga tao. Hindi lang tayo ang ganito.” Inakbayan ng ina si Mel. “Halika, manalangin tayo sa Diyos.” “Manalangin po? Bingi na po siguro ang Diyos sa panalangin natin. Sa dami ng naghihirap at nananalangin ngayon, hindi na Niya alam kung sino pakikinggan,” sabi ni Mel. “Anak, huwag kang ganyan! Hindi mo dapat sinasabi iyan sa Diyos. Mahal Niya tayo.” “Mahal po? Hindi ko alam… Nagugutom na po ako. Hindi ko na kaya. Buwisit na buhay ito! Ang hirap maging mahirap.” Tumakbo palabas ng bahay si Mel. Mangiyak-ngiyak naman ang kaniyang ina. Noon lamang kasi nito naringgan ng ganoon ang anak “Mel, saan ka pupunta?” Hindi na nito narinig na sumagot ang anak. Nagbakasakali si Mel na makahanap ng pagkain sa basurahan upang maibsan ang gutom niya, ngunit nabigo siya. Lalo lamang siyang nagkaroon ng galit sa mundo at sa Diyos. Muli siyang naglakad-lakad hanggang sa mapagod siya. Napaupo siya sa tabi ng tabi ng matandang lalaki sa harapan ng saradong restawran. “Iho, tanggapin mo ito,” alok ng matanda habang nakalahad ang nakaplastik na mamon. “Po?” Nagtataka man, tinanggap agad iyon ni Mel. “Salamat po! Mabuti pa po kayo, kahit pulubi kayo, may pagkain.” Agad niyang kinain ang mamon. “Mahal ako ng Diyos. Mahal ko rin Siya, kaya hindi niya ako pinababayaan,” sagot ng matanda. “Nasaan po ang pamilya niyo? Bakit sa kalsada po kayo naninirahan? Hindi po ba kayo nahihirapan? Paano po kayo nakakakain nang wasto? Nakakatulog? Nakakaligo?” Natawa ang matandang pulubi. “Andami mo namang tanong, Iho!” “Sorry po, ‘Lo. Kasi po, kami nga pong may tirahan, nahihirapan pa, kayo pa po kaya.” “Nakikita mo ba ang mga ibon na ‘yon?” “Opo,” tugon ni Mel habang nilalantakan ang mamon. “Mahal sila ng Diyos. Walang tao na nagpapakain sa kanila. Ang Diyos lamang ang gumagawa niyon. Masikap ang mga ibon. Nasa paligid lamang nila ang pagkain. Hindi nila sinisisi ang Diyos kapag wala silang makain. Lumilipat-lipat sila ng lugar upang makahanap ng makakain. Ako, katulad ng mga ibon, mahal ako ng Diyos. Ikaw, mahal ka ng Diyos. Mahal mo rin ba Siya?” Napatingin muna si Mel sa matanda. “Maraming salamat po sa mamon at sa magagandang salita. Uuwi na po ako sa pamilya ko. Tama po kayo… Mahal ako ng Diyos.” “Sige, Iho! Mahalin mo Siya kahit hindi mo siya nakikita. Mahalin mo Siya kahit nagugutom ka.” “Opo… Mahala ko naman po Siya. Nagutuman lang po talaga ako.” Napangiti muna si Mel. “Pero, gagawa na po ako ng paraan para makakain… tulad ng mga ibon.”

Pagkakaroon ng Pagmamahal sa Diyos

Mahalaga ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos dahil ito ang pundasyon ng pagiging mapagmahal din sa ating sarili, kapwa, at kapaligiran. Nais ng Diyos na ingatan natin ang ating sarili. Binigyan Niya tayo ng buhay, kaya nais niyang alagaan natin ito upang maging kalugod-lugod sa paningin Niya, maglingkod sa Kaniya, at maging biyaya sa iba. Kapag mapagmahal tayo sa kapwa, nalulugod sa atin ang Diyos. Nais Niyang magmahalan lahat ng Kaniyang mga nilikha. Ang kapaligiran at lahat ng mga hayop na naninirahan dito ay mahal ng Diyos. Nilikha niya upang ating pamunuan, alagaan, at pakinabangan, hindi upang sirain. Naluluwalhatian Siya sa kalinisan. Nananahan Siya saan malinis, payapa, at tahimik. Ang pagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sinasalita, kundi ipinakikita ito sa gawa sa pamamagitan ng pagmamahal sa sarili, kapwa, at kapaligiran.

Sampung Utos ng Diyos

Ibinigay ng Diyos ang ‘Sampung Utos’ sa bansang Israel noon. Ito ay nakilala rin bilang ang ‘Sampung Salita, na ang literal na salin ng pananalitang Hebreo ay ʽaseʹreth had·deva·rim.ʹ Tatlong beses itong lumitaw sa Pentateuch (Torah), na siyang unang limang aklat ng Bibliya. Ang katumbas nito sa Griego na deʹka (sampu) at loʹgous (salita) ang pinagmulan ng terminong “Dekalogo.” Iniukit ng Diyos ang Sampung Utos sa dalawang tapyas na bato at ibinigay ito sa propeta niyang si Moises sa Bundok Sinai. Ibinigay ng Diyos ang Sampung Utos dahil nais Niyang maging gabay ang mga ito sa pamumuhay ng mga tao. Ito rin ang Kaniyang batayan kung ang mga tao ay minamahal Siya. Narito ang Sampung Utos ng Diyos: 1. Huwag kang magkaroon ng ibang diyos bukod sa Akin. 2. Huwag kang gagawa ng anumang inukit na diyos-diyusan. 3. Huwag mong sambitin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos sa walang kabuluhan. 4. Alalahanin mo ang araw ng pangilin, upang panatilihin itong banal. 5. Igalang mo ang iyong ama at ina. 6. Huwag kang papatay. 7. Huwag kang makikiapid. 8. Huwag kang magnanakaw. 9. Huwag kang magsasabi ng hindi totoo laban sa iyong kapwa. 10. Huwag kang magnanasa. Kung mapapansin ninyo ang mga alituntunin at tagubilin ng Panginoon. Madali lang namang sundin ang mga ito. Subalit, dahil natural na sa mga tao ang magkasala, nalalabag natin ang mga ito. Ang paghingi ng kapatawaran ang tanging paraan upang manatili sa atin ang Diyos. Ang pagmamahal Niya ay hindi man natin matutumbasan ng pagmamahal natin sa Kaniya, ngunit nalulugod siya kapag gumagawa tayo ng mabuti sa ating kapwa at iba pa Niyang nilikha. Ang pagiging ispiritwal natin, sa kabila ng ating mga pagkakasala at pagkukulang, ang siyang patuloy na nag-uugnay sa atin at sa Kaniya. Sa paglabag sa mga kautusan ng Diyos, nababawasan ang pagmamahal natin sa Kaniya. Hindi man nababawasan ang pagmamahal Niya sa atin, pero tumatangis Siya sa tuwing gumagawa tayo ng mga kasalanan. At kung susundin natin lahat ang Kaniyang mga kagustuhan, kasama tayo sa Kaniyang paghaharian. Ang Sampung Utos ng Diyos ay nakasentro sa dalawang utos. Ayon sa Mateo 22: 37-40, “At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pang-unang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta.” Napakalinaw ng sinasaad nito! Ang pagmamahal sa Diyos nang buo puso ang pinakamahalaga. Kasunod na ang pagmamahal sa kapwa, kagaya ng pagmamahal sa sarili. Kapag nasunod natin ang dalawang ito, malamang hindi natin malalabag ang iba pang kautusan sa Sampung Utos. Bukod sa pagsunod sa Sampung Utos ng Diyos, marami pa ang paraan upang ipakita ang pagmamahal sa Diyos. Nariyan ang pagdarasal. Kausapin natin Siya, may hinihiling man tayo o wala. Ipamalita natin sa iba ang mga kabutihan Niya. Huwag lang tayong sumunod sa mg autos Niya, kundi ipakalat natin ang Kaniyang magagandang balita. Magkakaiba tayo ng relihiyon at magkakaiba ang pangalan ng Diyos na ating sinasamba, subalit ang mga kautusang ito may pagkalahatang layunin-- ibigay ang mga kaatasang ng Diyos upang matulungan ang mga tao na magkaroon ng mabuting pamumuhay.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...