Followers
Saturday, July 31, 2021
Ang Aking Journal -- Hulyo 2021
Hulyo 1, 2021
Maaga akong gumising dahil pinapapunta ako ni Kuya Natz sa bahay nila upang tulungan siya sa paghahakot pabalik ng mga gamit nila. Tapos na ang construction-renovation ng bahay nila. Pinapunta niya rin si Bro. Joni.
Past 7, nandoon na ako. Nauna lang ako nang kaunting minuto kay Bro. Joni.
Maganda at malaki ang bahay ni Kuya Natz. High-ceiling pa. May ipapagawa pa siyang paupahan sa second floor.
Pagkatapos ng almusal, nagbuhat-buhat na kami. Past nine-thirty tapos na kami. Nagkuwentuhan lang sandali at hinatid na ako ni Bro. Joni sa bahay.
Napagod din ako kahit paano kaya nga bago at pagkatapos mag-lunch, umidlip ako. Napakatahimik ng bahay. Ang sarap matulog.
Hapon, pagkatapos magmeryenda, nagtanim ako. May inayos din akong kalat ng mga daga. Binungkal na naman nila ang dalawang nakapaso kong halaman.
Hulyo 2, 2021
Bago ako nakapag-almusal, sinagot ko muna ang tawag ni Ma'am Vi. Ibinalita niya sa akin ang update tungkol sa graduation programme, gayundin ang mga changes na ginawa niya.
Pagkatapos niyon, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Bago ako magluto, nai-upload ko na iyon sa YT at FB page ko.
Halos maghapon akong nanood ng pelikula sa Youtube. Umidlip lang ako mula 2 pm hanggang 4:30 pm
Gabi, nagsulat uli ako. Sinikap kong mawala ang writer's bloc ko. Kailangan ko nang i-update ang wattpad novel ko para sa mga readers at followers ko.
Hulyo 3, 2021
After ng almusal, binisita ko lang sandali ang garden ko, saka na ako humarap sa laptop. Nagsulat ako ng tungkol sa social anxiety disorder para sa gagawin kong vlog. Nang matapos ko, nanood na ako ng pelikula sa youtube.
Dahil maulan ang panahon, nakatulog ako sa room bandang 1:30 hanggang 4:30. Ang sarap sa pakiramdam nang nakakapagpahinga. Nanaginip pa ako.
Hapon, while having merienda, nanood uli ako ng pelikula. Nakakaadik kasi. Ang gaganda ng mga napipili ko.
Past 7:30, nakipagmiting ako kay Sir Erwin at sa Grade 5 and 6 na hawak niya. Nakaka-stress ang mga gagawin namin. IPCRF at RPMS, na mga walang kabuluhan. Mabuti na lang na-inspire ako sa mga spoken words na napanood ko bago magsimula ang meeting.
After meeting at bago ako umakyat, ipinagpatuloy ko ang panonood ng SWP. Gusto ko na ulit magsulat
Hulyo 4, 2021
Ang tawag ni Emily ang nagabangon sa akin. Nasa gate na pala siya. Kinailangan kong bumaba upang pagbuksan siya. Gusto ko pa sanang matulog dahil malamig ang panahon.
Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako ng aking kuwarto. Then, nag-print ako ng ilang artifacts n ilalagay ko sa aking RPMS. Pagkatapos, ginawan ko ng powerpoint presentation ang isinulat ko kahapon. Bukas, lalapatan ko iyon ng audio.
Marami akong na-accomplish ngayong araw. Nadugtungan ko ang isinusulat kong chapter ng isa kong nobela, nanood ako ng mga tips sa pagsulat at pag-perform ng SWP, nanood ako ng pelikula at spoken word poetry. Kahit bago matulog, nanood pa rin ako. Nakakaadik. Nakaka-inspire.
Hulyo 5, 2021
Marami akong na-accomplish ngayong araw mula paggising. Nakapagsulat ako ng article para sa gagawin kong vlog sa umaga. Sa gabi naman, nagawan ko ito ng powerpoint presentation. Bukas ko na ito lalapatan ng audio, kung may oras pa. Birthday kasi ni Ion bukas. Kailangan kong magluto ng carbonara.
Siyempre, hindi ko pinalampas ang panonood sa youtube. Nanood ako ng SWP at movie. Pinanood ko ang 'Lord of the Flies.' Luma na ito at malabo na ang video, pero nagustuhan ko.
Hulyo 6, 2021
Past nine na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog. Ang lamig.
After breakfast, nagpa-vulcanize ako ng bike ko. Bumili na rin ako ng buko.
Birthday ngayon ni Zillion. Nagluto ako ng carbonara. Nagpaorder din ako ng chicken, lumpia, at puto. Nagpagawa ako ng buko-fruit salad kay Emily. Kahapon, bumili na ng cake.
Past 4, ready na ang lahat. Nakapagluto na ako. Umakyat muna ako at nagpahinga. Hinayaan ko na si Emily sa pag-entertain ng mga bisita. Kaunti lang naman ang invited. Andami pa ngang tirang pagkain.
I know, maligaya si Zillion sa kaniyang 11th birthday. Masaya rin ako kasi masaya siya.
Hulyo 7, 2021
Past nine na ako bumangon. Alam ko kasing may almusal na. Iinit na lang kaya hindi na mahihirapan si Emily sa paghahanda.
Pagkatapos ng breakfast, gusto ko sanang mag-record ng audio para sa vlog ko, kaya lang maingay ang paligid. Nagwa-washing si Emily. Hindi ko naman nagawa sa hapon kasi nanood kami nh pelikula at umidlip ako. Gabi, tumambay naman ako sa garden.
Hulyo 8, 2021
Past 8, after mag-almusal, nag-gardening ako. Gusto ko pa nga sanang bumili ng mga paso, kaya lang naisip ko ang mga gastos at gagastusin ko pa since birth month namin ngayon. Nauna na ngang mag-celebrate si Ion.
Past 10, nang umalis ng mag-ina ko, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Nai-upload ko rin agad ito bago mag-lunch.
Natutuwa naman ako kasi unti-unti nang lumalaki ang income ko sa Youtube per month. Last month, kumita ako ng $35+. Noong May, $32+ lang. Kaya naman lalo kong sisipagan sa paggawa ng makabuluhang vlogs. Pasasaan ba't mapapansin din nila ang halaga ng mga videos ko.
After lunch, umalis ako para mag-withdraw at para bilhan si Emily ng regalo. Nakauwi ako bandang past 3:30. Nabilhan ko siya ng blouse at pantalon. Binilhan ko rin si Ion ng sweat pants. Siyempre, hindi ko kinuripot ang sarili ko. Bumili ako ng sling bag at sandalyas. May mga binili rin akong pagkain at kukutin.
Gabi nagluto ako ng tuna-mushroom carbonara at naghanda ako ng nacho-salsa. Iyon na ang aming hapunan. Binigyan namin sina Ma'am Jenny.
Maaga akong pumasok sa kuwarto kasi masakit ang ulo ko. Hindi ko nga natapos ang sinusulat kong tula. Gamit pa naman ni Ion ang laptop.
Hulyo 9, 2021
Napuyat ako kagabi dahil masakit ang ulo ko. Nahilo ako sa carbonara sauce na ginamit ko sa pagluto. Si Emily ang bumili niyon. Sanay talaga akong gumamit bg Nestle Cream. Napilitan lang ako gamitin upang hindi masayang.
Amoy na amoy ko ang chemical, pagbukas ko pa lang ng tetrapack at habang niluluto ko ang sauce, nahilo na ako. Hindi nga rin ako nakakain nang marami.
Madaling araw na nawala ang sakit ng ulo ko. Haist! Hindi na ako gagamit niyon. Hindi pa naman expired. Sadya lang talagang marami ang kemikal na ginamit.
Past 8, bumangon na ako. Sinimulan ko ang pagsulat ng article na gagawin kong vlog.
Hapon, pag-alis ng aking mag-ina, nag-record ako ng audio upang mabuo ko na ang spoken word poetry ko para sa mga graduates. Nai-post ko na rin iyon sa FB page at YT ko. Nakapaglaba pa ako bago dumilim.
Gabi, sinimulan ko naman ang paggawa ng powerpoint presentation ng vlog kong Separation Anxiety Disorder. Bago ako umakyat upang matulog, tapos ko na.
Natutuwa ako kay Zildjian dahil nag-chat siya sa akin (kung siya nga talaga iyon). Humihingi siya ng pera para sa pambayad sa pagpapatuli niya. Nag-alok akong samahan siya, pero, aniya, sasamahan na siya ng tito niya. Hindi na ako nagpumilit. Padadalhan ko na lang siya bukas.
Hulyo 10, 2021
Birthday ngayon ni Emily, pero umalis siya. May event silang mga FVP protegees sa Angat, Bulacan. Binati ko na lang siya sa chat at text paggising ko.
Nakipag-online meeting ako sa Grade Six at kay Papang tungkol sa virtual graduation bago ako nag-record ng audio para sa vlog ko. Past 11:30, uploaded na iyon sa YT at Sir Pogi page ko.
Nanood ako ng pelikula pagkatapos mag-lunch. Dalawa at kalahating pelikula lahat ang napanood ko ngayong araw. Hindi ko natapos ang pangatlo kasi 11:30 na. Alas-11 na dumating si Emily.
Nakagawa rin ako ng isang powerpoint presentation na gagawin kong vlog bago ko pinanood ang pangatlong movie. Hahanapan ko pa ito ng oras upang malapatan ko ng audio.
Hulyo 11, 2021
Dahil ala-una na ako natulog, nagpa-late naman ako ng gising. Mga 9 na nang bumangon ako.
Maghapon akong gumawa ng vlogs. Nakapag-upload akong isa, nakapagsimula ng dalawa, at may naisulat pa akong isa.
Naisingit ko rin siyempre ang panonood ng pelikula at pag-gagardening.
Hulyo 12, 2021
Past 6:30 nang ginising ako ni Emily. Aalis daw siya. Sabi ko, aalis din ako. Nagpaalam na ako sa kanya kagabi. Wala namang problema. Kaya naman ni Zillion ang sarili niya.
Past 8 na ako nakaalis. Nag-almusal muna ako.
Past 10:30, nasa school na ako. Wala roon sina Ma'am Vi at Sir Hermie. Masakit daw ang puson ng una. May lagnat naman ang pangalawa. Nalungkot ako kasi akala ko ay makakapag-bonding kami. Naisip ko rin naman na nagtatampo si Ma'am Vi dahil pabago-bago ang plano at isip ng aming principal. Very late na ang paggawa namin ng video presentation para sa virtual graduation. Ang proposal namin noon ay hindi nito in-approve pero para ganoon pa rin naman ang gusto nito.
Sa madaling sabi, tumulong ako para mabuo na ang video. Since naman naman si Ma'am Bel, na siyang emcee, sinamahan ko siya kay Ma'am Issa para masimulan na ang audio recording.
Inabutan kami ng past 4:30 sa recording. Okay lang naman. At least, hindi nasayang ang pagbiyahe ko.
Nakauwi ako bandang 8 ng gabi. Pagkatapos kong magkape, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog na sinimulan ko kahapon.
Past 10:30, umakyat na ako upang manood sa Youtube.
Hulyo 13, 2021
Nagdilig ako ng mga halaman at nag-gardening nang kaunti pagkatapos kong mag-almusal. Gusto ko sanang magbawas uli ng mga paleta, kaya lang marami pa akong dapat gawin.
Since umalis ng mag-ina ko, makapaglinis ako sa sala at kusina. Nagpunas ako ng sahig. Napunasan ko rin ang hagdan at kuwarto ko. Nagagawa ko lang ito kapag solo ako.
Then, hinarap ko na ang paghahanda ng lunch. Kaya lang, nagkaroon kami ng emergency online meeting dahil sa reklamo ng isang parent tungkol sa toga. Nawindang kaming Grade Six teachers. Kasalanan ito ng principal dahil hindi niya pinayagan ang proposal naming pagsuotin ng graduation gown ang lahat ng Grade Six pupils para mapiktyuran namin. Na-solve naman bandang 12:45. Pinag-decide namin siya. Ang desisyon: Ipapamudmod ang grad gown pero hindi naman gagamitin ang picture sa virtual graduation video. Haist!
Dumating ang mag-ina ko bandang 2, kung kailan antok na antok ako. Bad trip ako. Nasungitan ko tuloy si Emily. Paano kakauwi lang galing sa pagpi-First Vita Plus, pero iyon pa rin ang gagawin. Hindi pa nga sila kumain.
Inukopa pa nila ang laptop ko kaya pending din ang pagba-vlog ko. Hinayaan ko na lang. Naligo ako at nagsimulang mag-podcast. Nagustuhan ko naman iyon. Nakagawa ako ng 13 podcasts bago ako nag-dinner. Late na ang dinner ko kasi nakipagmiting panako kay Ma'am Vi tungkol sa deliberation daw ng honor students.
After niyon, pinayuhahan ko si Emily na tumigil na sa FVP kung hindi na siya masaya sa ginagawa niya at kasamahan niya. Kahit ako napapagod na sa katitingin sa kanila. Sunod-sunuran na silang mag-ina sa mga uplines nila. Tapos, wala naman silang nahihita. Panay ang speaker nila, halos araw-araw may webinar. Nauubos ang oras nila. Sabi ko, trabahoin nila ang Zillion of Champions, huwag ang grupo ng iba.
Naunawaan ako ni Emily, kaya hihiwalay na siya. Good! Sana makita niya ang magandang pagbabago sa negosyo. Ayaw kong nakakarinig ng kuwento niya na nagrereklamo siya sa mga kasamahan niya.
Hulyo 14, 2021
Parang tulad ng mga nangyari at mga activities kahapon ang mga nangyari at ginawa ko ngayong araw. Nagdilig ako ng mga halaman. Gumawa ng podcasts. Nagsulat. Etc. Ang kaibahan lang, nagkaroon kami ng late na deliberation ng mga honor students. Na-highblood ako nang tumawag si Papang. Naging judgmental tuloy ako. Very late na kasi. Ilang araw na lang graduation na, saka pa nag-deliberate. For documentation purposes lang naman.
Gayunpaman, masaya ako ngayong araw. Marami akong na-accomplish.
Nine-thirty, nanonood ako ng pelikula Youtube.
Hulyo 15, 2021
Alas-9 na ako bumangon, kaya mainit na nang naglinis ako sa garden. Okay lang naman dahil kahit paano ay may accomplishment ako.
Ngayong araw, nasa Chapter 50 ng nobelang 'Red Diary' na ang nagawan ko ng podcast. Nakaka-enjoy! Sana nga lang maganda ang speaking voice ko-- iyong hindi parang paos.
Hindi bale na... Ang mahalaga, nakagagawa ako ng ikaliligaya ng puso ko. Malay ko rin ba kung nakatutulong pala ang mga podcasts ko sa iba.
Pinayuhan ko ang mag-ina ko ngayong araw na itigil na ang pagtanggap ng speaking engagement at magpokus na lang sa pagpapalago ng 'Zillion of Champions.' Agree na naman sila, lalo si Emily. In fact, tinuruan ko silang gumawa na lang ng video na magagamit nila sa mga prospects. Multi-purpose pa dahil maaari nilang i-upload sa Youtube at i-post sa FB page. Kumpara naman sa panay ang Zoom meeting or webinar nila nang wala namang silang mapapala. Paulit-ulit lang na pagsasalita.
Hulyo 16, 2021
Nine-thirty, bumiyahe na ako palabas ng Cavite para tagpuin ang Tupa Group sa Dampa. Doon ko sila iti-treat.
Na-late ako ng dating kasi nag-almusal muna ako sa PITX. Okay lang naman kasi nakapag-order na sila.
Walo na kami sa Tupa Group. Bagong member si Ma'am Mel. Natutuwa ako dahil parami na kami nang parami.
Ang dami naming pagkain kaya sobrang solb. Ang saya pa ng aming kantahan. Worth it ang gastos ko. Sobrang saya ng 41st early birthday celebration ko. Halos ayaw na naming umuwi.
Past 5 na kami natapos. More than P10,200 ang bill. Nahiya ako sa kanila kasi kulang ang dala kong pera. Nag-share sila ng P700. Mabuti na lang may mga naibalot sila pagkain. Ayaw naman nilang bayaran ko na lang through GCash. Okay na raw iyon.
Past 8 na ako nakauwi sa bahay. Masayang-masaya ako, hindi lang dahil sa celebration ko, kundi dahil napanood ko ang virtual graduation ni Hanna. Nakatanggap siya ng karangalan. Naluha ako sa tuwa. Worth it! Nakaka-proud pala kapag honor student ang anak mo.
Binati ko si Hanna sa chat. Nabasa niya kaagad at nag-reply siya.
Bago ako natulog, pinanood ko muna ang karugtong ng pelikulang pinanood ko kagabi-- ang 'Stranded Swiss Family Robinson.' Ang ganda ng pelikulang ito!
Hulyo 17, 2021
Past six, nasa bahay na ako ni Kuya Natz para tumulong sa paglilinis at pagbubuhat.
Mas nauna akong dumating kaysa kay Bro. Joni kaya may isang oras kaming kuwentuhan habang nagkakape. Nang dumating siya, saka kami nag-almusal na tatlo.
Past 9:30, tapos na ang task namin. Nagmeryenda uli kami. Tapos, may pinagawa pa ang mag-asawa kay Bro. Joni-- drilling tasks. Nag-assist naman ako. Pagkatapos, umuwi na ako.
Alam kong may surprise na ginagawa si Emily para sa akin kaya umalis siya before lunch. Dumating naman si Kuya Emer.
Past 2, umidlip ako hanggang past 5. May mga bisita na-- mga uplines namin. Past 6 na dumating sina Sir Aris, Sir Elvis, at iba pa.
Nag-potluck sila para may handa kami at may pagsasalo-saluhan. Kinantahan kami nila ng birthday songs at pinag-blow ng cake.
Habang kumakain, ni-play ni Ma'am Jenny ang surprise video presentation nila para sa akin. Nasorpresa ako kasi napagsalita nila sina Jano at kids niya, si Mama, si Mama Roselyn, at ang mga kasamahan ko sa Grade Six. Hindi pa man buo ang video pero nagustuhan ko.
Before 10, umuwi na ang mga bisita. Medyo namublema na naman kami sa dami ng tira. Ang hirap magtago at mag-imbak ng mga tira-tira.
Hulyo 18, 2021
Hindi maganda ang araw ko ngayon. Sinira ni Emily dahil pagkagising ko, nagkasagutan kami tungkol sa mga nangyari kahapon. Hindi ko talaga gusto ang party sa bahay lalo na kapag hindi ko naman ka-close ang mga bista. Bukod doon, ayaw ko ng maraming tira at nasisirang pagkain.
Maghapon akong nag-stay sa kuwarto ko. Pagbaba ko, sinermunan ko na naman siya dahil panay na naman ang pakikipagmiting sa mga uplines niya. Kahit paano naunawaan niya ang gusto kong gawin niya-- ang magpokus sa grupo namin. Pinagsisilbihan niya ang mga upline, samantalang napapabayaan niya ang nga downlines.
Sana gawin na niya ang mga payo ko. Makabubuti naman lahat ng mga iyon sa Zillion of Champions.
Nagkagawa ako ng vlogs at podcasts ngayong hapon at gabi. Kahit paano, naging produktibo naman ako.
Hulyo 19, 2021
Birthday ko ngayon. Forty-one na ako. Masaya naman ako kahit hindi kami maghahanda ngayong araw. Okay na ako sa birthday celebration ko with my Tupa friends. Isa pa, pareho kaming may lakad ni Emily. Magpi-pay in siya sa First Vita Plus. Ako naman ay kukuha ng National ID.
Twelve noon, umalis ako patungong SDO Pasay. Naroon na ang ilan kong mga kaguro. Matagal akong natawag. Mga past 3:30 na yata iyon. Kaya past 4 na ako nakaalis doon.
At dahil nagutom ako, nagmeryenda muna ako sa PITX bago ako bumiyahe. Past 7 na ako nakauwi. Nauna pa ako kay Emily.
Thank you, Lord for giving me another year! Thank you rin po sa mga blessings!
Hulyo 20, 2021
Naglaba ako pagkatapos kong mag-almusal. Then, tinuruan ko sI Emily na mag-record ng audio para sa kaniyang gagawing vlog. Isa rin itong paraan para i-motivate siya na kumilos para sa Zillion of Champions. Desidido na ring umalis sa kamay ng kaniyang mga uplines.
Ngayong araw, nakagawa rin ako ng podcasts, nakasulat ng artikulo about Constipation, at nakagawa ng powerpoint tungkol dito. Bukas, kapag tapos na si Emily, lalapatan ko iyon ng audio.
Hulyo 21, 2021
Nagpa-late ako ng gising, hindi lang dahil masarap matulog at malamig ang panahon, kundi dahil alam kong may maghahanda ng almusal-- si Kuya Emer. Hindi ako nagkamali. Pagbangon ko, may nakahain na. Sabay-sabay na nga kaming nag-almusal.
Dahil maghapon ang pag-ulan, hindi ako nakapag-gardening. Sa halip, gumawa ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs ako ngayong araw. Nakagawa rin ako ng mga podcasts. At natulungan ko si Emily na matapos at mai-upload sa Youtube ang video ng First Vita Plus Product Presentation niya. Iyon na ang gagamitin niya sa paghahanap ng prospects, sa halip na maging speaker nang paulit-ulit sa Zoom. Sana mapatunayan naming effective ang gagawin namin at ginawa niyang pag-alis sa kamay ng mga uplines. Bukas nga, gagawan ko siya ng isa powerpoint presentation. Marketing presentation naman.
Hulyo 22, 2021
Dahil panay ang ulan, hindi ako makapag-gardening. Hindi rin ako makapag-biking. Okay lang naman dahil kailangan kong tulungan si Emily sa kanyang Youtube. Gusto kong ma-monetize na rin siya. Kaya, ginawan ko siya ng powerpoint na kanyang lalapatan ng boses. Kahit matigil na muna ang paggawa ko ng akin, basta masigurado ko lamang na maging interesado na siya sa pagba-vlog habang ginagawa ang negosyo ng First Vita Plus. Isa rin iyong paraan upang mapatunayan niyang tama anh desisyon niyang pag-alis sa pagiging speaker sa mga group ng aming uplines. Ako rin naman kasi ang labis na nakapaghikayat sa kanya na gawin iyon.
Hulyo 23, 2021
Alas-otso ako bumangon kahit napuyat ako sa lakas ng ulan kagabi. Hinarap ko agad ang paggawa ng powerpoint tungkol sa fatty liver. Inspired na inspired ako upang ma-motivate ko rin ang mag-ina ko na ituloy ang pagba-vlog habang nagpi-First Vita Plus.
Tinulungan ko si Emily sa paglalapat ng audio kaya bago gumabi ay nai-post at nai-upload ko na ang video.
Si Ion naman ang pinag-record ko. Umakyat ako para hindi siya ma-intimidate. Gumawa naman ako ng podcasts.
Gabi, sumalat naman ako ng tungkol sa gout. Pagbalik ko, galing sa Batangas, gagawan ko naman iyong ng PPT. Si Emily na lang ang maglalapat ng audio sa mga FVP vlogs. Ako naman, magpopokus na lang sa academic vlogs.
Nine, naghanda ako ng mga isusuot ko bukas sa pagpunta sa Batangas. Titingin ako roon ng loteng for sale. Kasama ko ang kaibigang kong call center agent na si Bernard. Sana tumigil na ang pag-ulan.
Past 12:30 nasa SM Lipa na ako. Kumain muna ako sa food court doon, saka naglibot-libot ako. May magagandang landmarks na naka-tarpaulin. Nag-selfie ako sa mga iyon habang hinihintay ang friend ko.
Before 2, nagkita na kami. Nag-insist siya na kumain kami, pero hanggang milk tea lang ang pinili ko.
Then, bumili kami ng alak at pulutan. mag-iinom daw kami bukas. Pagkatapos, bumiyahe na kami patungong Lemery. Pagbaba namin sa dyip, nagpaluto siya ng lomi. Masarap sanang kainin iyon habang mainit pa, pero malamig na iyon nang nakain namin kasi natagalan kami sa pagpapatila ng ulan. Sobrang lakas at sobrang tagal tumigil kaya napilitang akong bumili ng payong. Basang-basa kami pagdating sa apartment nila.
Matagal kaming nagkuwentuhan ni Bernard bago kami natulog. Sabi ko sa kanya, mamamahay ako. Sabi naman niya, malakas siyang humilik. Tama nga siya.
Hulyo 24, 2021
Pagkatapos magkape, bandang 8, naglakad-lakad kami ni Bernard para tingnan kung may for sale na lote. Nagustuhan ko ang lugar nila. Gusto ko talagang makabili ng lupa roon.
Then, pinuntahan namin ang sapa na may mini-falls. Nag-video ako for vlog. Na-enjoy ko ang trekking namin kahit umaambon, madilim, at maputik. Maganda rin ang place. Hindi nga lang ako nakaligo kasi malamig.
Na-enjoy ko naman. Nakakuha pa ako ng mga halaman. Sayang, wala akong nadalang suiseki stone.
After namin sa sapa, niyaya ko siyang kumain ng lomi. Since wala pa kaming inalmusal, magba-brunch na lang kami. Ang problema, walang kanin sa pinakamalapit na kainan, kaya sa palengke ng Lipa pa kami napadpad. Magastos sa pamasahe pero nag-enjoy kami. Wala kaming dalang payong kasi gusto naming maligo sa ulan. Nakabalot lang ng plastik ang cellphone at coin purse ko.
Good thing, nakarating ako sa simbahan ng Lipa. Kompleto na ang pagbisita ko. May souvenir picture na ako.
Sa isang maliit na karinderya kami dinala ng tricycle driver. Okay naman ang food. Marami kaming inorder, pero wala pang P200 ang binayaran ko. Mas mahal pa ang pamasahe namin back and forth. Nakakatuwa. Sobrang busog pa ako.
Bago kami umuwi sa bahay, naglakad-lakad pa kami. Lalo kong na-appreciate ang lugar na iyon. Parang ang taba ng lupa. Ang sarap magtanim.
Pagdating, nag-confide siya tungkol sa past niya. Naikuwento niyang nag-suicide siya before. Napaka-interesting ng life niya. Then, hinikayat ko na siyang uminom ng First Vita Plus. Positive naman siya, kaya sa August 13 ay bibili siya. Ititigil na rin niya ang paninigarilyo.
Bandang 4, niyaya ako ni Bernard na uminom sa bahay ng kapatid niyang si Anthony. Okay naman ang reception sa akin. Napakitunguhan ko naman. Napaka-cool nga, e. Kahit online gamer, naka-relate ako sa iba nitong mga hilig.
Past 5, tapos na naming inumin ang The Bar. naglakad-lakad uli kami bago umuwi. At bumili ng mauulam, kasi wala nang pagkain sa eatery. Malas kami sa karinderyang iyon, laging wala kaming naaabutan.
Habang nagluluto ng corned beef at naghahapunan, nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay ko. Na-moved siya sa mga confessions ko. Sabi ko sa kanya, mas nakaranas ako ng hirap kaysa sa kanya, pero never kong inisip na magpakamatay. I know, nagbago ang pananaw niya sa buhay.
Hulyo 25, 2021
Napuyat ako. Sa ikalawang gabi yata ako namahay.
Past 6, bumangon na ako at naghanda para umuwi. Past 7:15, nasa bus na ako. Wala pang 1 and a half hour, nasa PITX na ako. Nakakabiton ang biyahe. Na-miss kong bumiyahe papuntang Bicol.
Bago ako sumakay ng bus patungong Tanza, nag-almusal muna ako sa Chowking. Ang paborito kong mami at siopao ang order ko. Kaya pagdating ko, umidlip muna ako. Hapon na ako nakagamit ng laptop. Gabi ko na natapos, eedit ang vlog ni Emily.
Habang gumagawa ako ng bagong vlog, nakioag-chat ako sa mother ni Bernard. Although, intimidating noong una, naunawaan ko naman siya after niyang mag-explain. Naging maayos naman ang convo namin. Teacher din siya. Nagturo siya sa Brunei before, kaya intellectual din siya.
Hulyo 26, 2021
Naglaba ako ng mga doormat dahil nagpakita na ang haring araw. Pagkatapos iyon na maihanda ko ang powerpoint na lalagyan ni Emily ng audio.
Pagkatapos kong maglaba, tapos na rin si Emily. Pinost ko agad iyon at gumawa uli ako ng bago.
Before two pm, pumunta ako sa banko upang ipa-encash ang FVP checks ko, worth P4,080.
Pagbalik ko, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng powerpoint para gawing vlog ni Emily. Naisingit ko rin ang paggawa ng podcast, habang nagrerekord siya.
Bago ako natulog, nanood muna ako sa YT ng series at full movie. Nakaka-miss ang ganitong activity.
Hulyo 27, 2021
Maaga akong nagising dahil sa pagbuhos ng ulan. Grabe! Ang lakas na naman Walang kasawa-sawa. Mabuti, pinatikim kahapon ng sikat ng araw ang mga halaman ko. Kahit paano ay natuyo ang lupa sa mga paso.
Past 8:30, umattend ako sa online meeting ng GES Faculty. Nakaka-stress lang. Kababakasyon lang, trabaho agad ang nasa isip. Brigada Eskwela. Forms. Enrollment. Haist! Walang respeto ang mga heads.
Magjapon akong gumawa ng powerpoint about First Vita Plus. Natambakan na si Emily ng lalapatan niya ng audio.
Past 2, nag-chat ang asawa ni Taiwan na si Lizbeth. Humihingi ng tulong kasi nakulong ang kapatid ko. Kinasuhan at pinadalhan ng subpeona ng dating amo dahil sa alleged qualified theft. Dahil hindi nakadalo sa hearing, ipinahuli sa pulis.
Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagtanong ako sa Tupa friends ko. Kahit paano, responsive sila. Tinawagan pa nga ako nina Ma'am Mel at Ms. Krizzy.
Nakakawindang! Akala ko nga noong una, hindi legal ang pagdakip kasi walang hard copy ng warrant of arrest at hindi nakauniporme ang pulis na sumundo. Nakumpirma naming nakakulong nang pinuntahan ni Flor sa presinto.
Awang-awa ako sa kapatid ko. Kaya kahit malaking halaga ang P15k na hinihinging piyansa, okay lang. Mabuti nga, nagawan ng paraan ni Flor na pababain. From P44k, naging P15k.
Kaya, bukas, magpapadala ako ng P16k. May dagdag na para sa panggastos ni Flor.
Grabe! Hindi ko ma-imagine na nangyayari ito kay Taiwan.
Hulyo 28, 2021
Past 9:30, naghanap ako ng Smart Padala upang maipadala ko kay Flor Rhina ang P16k na pampiyansa at panggastos niya.
Paat 10:30 na nang maipadala ko. Saka lamang din siya nakapunta sa presinto upang ipa-process ang temporary liberty ni Taiwan. Kahit paano, nakahinga ako nang maluwag. Umasa akong makakalabas na siya ngayong araw. Kaya lang, nalaman ko kay Flor na may iba pang proseso bukas, kaya matutulog uli si Tai sa kulungan. Nalungkot ako.
Mas lalo akong nalungkot nang malaman kong nakatikim si Taiwan ng pananakit mula sa mga preso. Hindi na nga nakarating sa kanya ang pagkain, sinaktan pa. Sobrang awa ko.
Awang-awa pa ako nang sinend sa akin ni Jano ang mug shots niya. Kriminal na kriminal ang turing sa kanya. Hindi pa nga napatunayan. Gusto kong maiyak.
Nang ishinare ko iyon sa aking mga close friends at mag-ina ko, kahit paano nabawasan ang negative kong emosyon.
Sana bukas makalaya na siya. Gusto ko ring makapagplano na siya para sa pagharap sa kaso. Kailangan niyang lumaban. Ang balita ko, wala siyang ginawag pagnanakaw. Galit lang sa kanya ang Intsik na amo.
Gabi, nang nag-text si Epr naikuwento ko tuloy sa kanya ang tungkol kay Taiwan. Nagulat din siya. At ang payo niya, lumapit kay Tulfo.
Hulyo 29, 2021
Pgakagising ko, hinarap ko na ang paggawa ng powerpoint or vlog. Inspired na inspired akong tulungan si Emily.
Maghapon kong ginawa iyon. Naisingit ko ang paggawa ng podcasts habang magrerekord ng audio si Emily.
Maghapon din akong nagmakaawa sa Diyos na maayos na ni Flor ang paglaya ni Taiwan.
Past 3, nalungkot ako sa balita niya. May papalitan daw na clearance. Naabutan ng cut-off, kaya muli na naman akong naawa kay Taiwan. Subalit, kinalaunan, naisip ko na lang na kagustuhan iyon ng Diyos. Alam kong tinuturuan Niya si Taiwan.
Naaawa rin ako kay Flor. Sobra ang sakripisyo niya. Iniwan niya ang mga anak niya at ang tindahan niya para lang maasikaso niya ng paglaya ni Taiwan.
Bumilib ako sa kanya. Kaya niya ang mga ganoong proseso. Matiyaga siya. Matatag. Sana, marami na rin siyang natutuhan.
Hulyo 30, 2021
Dahil umaraw na, naglaba si Emily. Binanlawan ko rin ang basang carpet. At maghapon, gumawa ako ng vlogs. Marami akong natapos. Nasimulan ko ngang lagyan ng boses ang 'Alamat ng Parang' at isinali ko pa ang aking mag-ina. Game na game naman sila. Masyado lang maingay ang paligid kaya hindi kami makatapos ng marami.
Past 5, ibinalita na sa akin ni Flor ang paglabas ni Flior. Halos maiyak ako sa tuwa.
Gabi, pinasalamatan ko ang mga tumulong kay Flor para mapadali ang paglabas ni Taiwan. Ang isa sa kanila ay kaapelyido namin, na isang barangay kagawad. Naka-chat ko pa.
Gabi, bago matulog, nag-record kami ng audio. Medyo mali-mali na kami kaya ipinagpabukas na namin.
Hulyo 31, 2021
Dahil maganda na ang panahon, sinimulan ako ang pag-aayos sa garden. Tinanggal ko na ang mga paleta. Naniniwala akong luluwag ang garden kapag nawala ang mga iyon.
At dahil kailangan kong gumawa ng vlog, h
naka-hang ang garden renovation ko. Hindi ko rin naman talaga kayang tapusin sa isang araw.
Marami akong nagawang vlogs ngayon. Natulungan ko rin si Emily sa pagpaparami ng subscribers niya. Sana lang, pagbigyan ako ng mga estudyante.
Wednesday, July 28, 2021
20 Dahilan kung Bakit Masarap Magsimula ng Negosyo sa First Vita Plus
May 20 akong dahilan kung bakit masarap magsimula ng negosyo sa First Vita Plus. Ito rin ang mga dahilan kung bakit patuloy kong ginagawa ang negosyong ito at patuloy kong ibabahagi sa iba.
Kung wala kang puhunan, pero may panahon ka at marami kang kakilala, pasok ka sa negosyong ito. Kaya hindi ko na patatagalin pa. Iisa-isahin ko na ang mga dahilan ko. Makinig ka at ilagay mo sa isip at puso mo.
1. May oras ka sa pamilya. Home-based business ito. Puwede mong gawin ang negosyo kahit nasa bahay ka lang dahil puwedeng makipag-deal online. Pero, siyempre, pupunta ka pa rin sa office, once na may mahalagang transaction ka roon.
2. Ikaw mismo ang gagawa ng schedule mo. Hindi ito tulad ng schedule mo sa trabaho. Anytime, puwede mong gawin ang negosyo. Hawak mo ang oras mo. Walang timekeeper. Walang ibabawas sa kita mo kung natulog ka buong araw. Pero, siyempre, hindi gagalaw ang negosyo mo kung matutulog ka lang nang matutulog.
3. Hindi mo kailangan makipagsabayan sa rush hour. Dahil walang time pressure sa negosyong ito, puwede mong gawin ang negosyo sa mga oras na hindi ka magmamadali o makikipagsabayan sa rush hour ng mga empleyado. Bukas naman palagi ang opisina, gaya ng ibang company.
4. Hindi mo kailangan gumising nang sobrang aga para mag-prepare sa work. Kahit gabi, puwede kang mag-transact basta may mga prospects/dealers. Gaya ng social media, 24/7 ding gising. Gamitin mo ito. Malaya kang gawin ang negosyo sa oras na bakante mo nang hindi naabala ang mga basic needs mo at iba pang priorities.
5. Hindi mo kailangan ng uniform. Sa negosyong ito, kahit anong isuot mo, basta malinis at disenteng tingnan ay puwede. Kung magsusuot ka ng business attire dahil kumikita ka na, nasa iyo na ang desisyon. Sabi nga, ‘Ibagay ang pananamit sa kinikita.’
6. Wala kang boss. Hindi mo boss ang may-ari ng company. Hindi mo rin boss ang nag-invite sa iyo sa negosyo o ang upline mo. Ikaw ang boss. Isa kang negosyante. May mga tao ka sa ibaba mo, na tutulungan mong gawin ang parehong negosyo.
7. Anytime puwede kang magbakasyon at makakapag-travel. Yes! Kapag kumikita ka na, puwede kang magbakasyon at mamasyal. Puwede mo ring ipagsabay. Kung may mga prospect ka sa ibang bayan, puntahan mo. Travel na iyon. At pag-uwi mo, may bago kang dealers, na magpapatuloy ng negosyo at mapapayaman sa ‘yo.
8. Ang sipag mo ay may katumbas na kita. Kung masipag kang magtanim, marami kang aanihin. Sino ba ang natulog lang, pero nang magising may pera nang katabi? Wala! Sa panaginip lang iyon nangyayari. Ikaw ang gagawa ng kikitain mo. Huwag mong iasa sa suwerte. Ang negosyo ay pinaghihirapan. At ang kasipagan mo ang magdadala sa ‘yo sa financial freedom.
9. Hindi fixed ang sahod mo. Ikaw ang magdidikta kung magkano ang gusto mong kitain. Kung gusto mong kumita ng P15,000 per week, makakaya mo. Makakaya mong gawin iyo kung gugustuhin mo dahil may nakagawa na niyon sa negosyong iyon.
10. May chance na mabago ang buhay mo. Marami na ang patunay. Marami na ang nagbago ang buhay dahil sa negosyong ito. Kung mabagal ang pagbabago sa ilang taong mong pag-eempleyo, sa negosyong ito, malaki ang tsansa mo. Basta huwag ka lang susuko. Hindi nakukuha nang overnight ang success.
11. Kahit sinong gusto mong isama sa negosyo, puwede. Ang negosyong ito ay walang discrimination. Ano man ang edad, kasarian, relihiyon, antas ng edukasyon, at katayuan sa buhay. Open ang lahat basta willing gawin ang negosyo.
12. Kahit hindi ka nakapag-aral o nakapagtapos, puwede ka pa ring umasenso. Again, marami na ang patunay. Marami na ang nakagawa. Hindi imposibleng ang isang mambabalut ay umasenso o umangat sa buhay. Sabi nga, sa sipag at tiyaga, ito’y iyong magagawa, lalo na kung sasamahan mo pa ng diskarte.
13. Mabilis ang pag-asenso sa negosyong ito. Ang pagtratrabaho mo sa kompanya ay hindi mo ikakayaman. Sa negosyo ka yayaman. Tingnan mo… Sa tagal mong empleyado, IDs, uniforms, at payslips lang ang naipon mo… Paunawa lang, hindi ito scam. Oo, multi-level marketing ito. Binary. Mauunawaan mo iyan kung gugustuhing mong maunawaan. Kung magiging mapanghusga ka, magiging katulad ka rin ng iba, na hindi natikman ang ginhawa.
14. Walang pinipiling tao. Bata, matanda, may pera o wala. Magtatanong ka marahil kung bakit bata, matanda, at walang pera ay magnenegosyo. Opo! Tama ang narinig mo. Kung gusto talaga ng tao, na magnegosyo, gagawin niya ang lahat. Kung wala kang pera, ikaw nga ang dapat kumita. Kung bata ka pa, dapat magsimula ka na ngayon na. Kung matanda ka na, dapat hindi ka pumayag na walang nangyayari sa buhay mo.
15. Malaki ang kitaan dito. Sasabihin ko uli sa ‘yo… May nakagawa na. At magagawa mo rin. Ang kinikita ng ibang negosyante ay maaari mong kitain. Paano? Subukan mo muna. Ang lahat ng matatagumpay na negosyante ay naging matapang. Kung gusto mo ng pagbabago, gumawa ka ng bago sa buhay mo.
16. Mabibili mo ang mga bagay na dati mo lang pangarap. Dahil ang kompanyang ito ay tumutulong na mabago ang buhay ng bawat dealers (negosyante), malaya kang mabili ang mga gusto mo. Oo, kahit kotse, bahay, at lupa. Uulit-ulitin ko… Marami nang nagawa nito. Gawin mo rin para maniwala ka.
17. Marami kang matutulungang tao para umasenso rin sa buhay. Sa pagtulong, hindi materyal ang dapat na ibigay, dapat share your business. Isi-share mo ang negosyo sa iba upang gayahin ka. Copy business ang tawag dito. Kung sa school, bawal mangopya, sa kompanyang ito, aprub ang copying. Kung magaling kang kumopya, aasenso ka. Kaya, pakopyahin mo sila. Kaya nga pinakokopya kita ng negosyo ko.
18. Sa negosyong ito, ang lahat ay nagtutulungan at hindi naghihilaan pababa. Ang negosyong ito ay hilaan pataas. Lalong tataas ang negosyanteng hihila sa ‘yo pataas. Habang tumataas ka, tumataas din siya. Kaya, hayaan mo akong hilaan kita pataas nang magkaroon ka rin ng mga hihilain pataas. Tutulungan kita. Tutulungan ka namin.
19. Hindi mo kailangang magtrabaho habang buhay. Retire young and rich. Oo, sounds impossible, pero totoo. Kapag nakamit mo na ang stable income sa negosyong ito, ang mga business partners mo na lang ang kikilos para sa iyo. Maaari ka pa rin namang tumulong, pero kung gusto mo… magretiro ka na agad. May kikitain ka pa rin.
20. Darating ang oras na kahit wala kang ginagawa, kumikita ka pa rin. Ito ang tawag na passive income. Hindi imposible ito dahil kung marami ka nang na-invest, marami ka nang pagkukunan ng income. Hindi mo na kailangang magtodo effort gaya noong nagsisimula ka pa lang dahil napalago mo na ang negosyo. Kapag nagnegosyo ka sa kompanyang ito, lifetime na. Maipapamana mo pa.
Sana na-inspire kita sa 20 dahilan bakit masarap magsimula ng negosyo sa First Vita Plus. Kung hindi, huwag mo na ang kausapin pa. Joke lang. Mag-usap uli tayo. Give me another chance. At kung oo, na-inspire kita… Tara na! Simulan mo na ang negosyo. Ngayon na!
Sunday, July 25, 2021
GOUT: Paano Iwasan at Lunasan
GOUT: Paano Iwasan at Lunasan
Dumating ba sa point na bigla kang nagising dahil sa matinding sakit ng isang bahagi ng kasukasuan mo? At nahirapan kang igalaw ang mga ito?
Diyos ko po! Baka GOUT na ‘yan!
Ano ba ang gout?
Ang gout ay isang uri ng sakit na kung saan namamaga ang kasukasuan (joint). Ito ay sanhi ng mataas na uric acid sa dugo ng tao. Kapag mataas ang uric acid, nakabubio ng mga uric acid crystals at naiipon sa mga joints, na siyang nagdudulot ng matinding kirot at sakit sa hinlalaki ng paa at iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod.
Isa pang panganib sa pagkakaroon ng sobrang taas na uric acid ay ang pagkabuo nito sa dugo, na siyang dahilan kaya nagkakaroon ng kidney stones, kapag hindi naipalabas agad.
Hindi man lahat ng taong may mataas na antas na uric acid ay nagkakaroon ng gout attack, maaaring pa rin niyang maranasan ang mga sintomas nito.
May mga pagkaing nagtataglay ng mataas na uric acid, kaya maging maingat tayo sa pagpili ng ating kakainin. Ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa purine ay maaari ding magdulot ng gout, gaya ng isda, sardinas, at karne.
Paano mo malalamang may gout ka?
Simple lang.
Sumasakit ang kasukasuan (joints), na kadalasang sa mga hinlalaki ng paa at kamay, gayundin sa tuhod. Tumatagal ang matinding pagsakit sa loob ng 1 oras hanggang 12 oras.
Namumula at namamaga ang kasukasuan mo. Maaari ding makaranas ka ng pangangati sa ilang bahagi ng kasukasuan mo.
Makararanas ka ng lingering discomfort. Kapag nawala na ang pananakit, posibleng makaranas ka ng kakulangan sa ginhawa sa ibang kasukasuan sa loob ng ilang araw o ilang linggo. Ang mga susunod na atake ay maaaring mas matagal pa kaysa sa nauna at mas makaapekto pa sa ibang kasukasuan.
Hindi ka masyadong makakilos dahil sa matinding sakit sa apektadong bahagi ng katawan.
Magiging iritable ka at bugnutin.
Although, palatandaan ng pagkakaroon ng gout ang pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, hindi garantiya ang mga ito na sintomas nga ito ng gout.
Mas makakabuti ang pagpapakonsulta sa espesyalista upang makasigurado at mabigyan ng tamang kagamutan at lunas. Nagrereseta ang mga doktor ng mga pain relievers. Maaari mo ring ipa-check ang iyong ihi at dugo upang malaman mo kung potensyal ka sa gout attack.
Ang gout ay maaring matukoy sa pamamagitan ng blood testing, joint fluid test, at X-ray. Sa blood testing, sinusukat ang uric acid at creatinine levels sa dugo. Sa joint fluid test, kinukuha ang fluid sa apektadong parte ng kasukasuan at inoobserbahan ito gamit ang microscope. Sa X-ray naman masusuri ang kasukasuan sa pamamagitan ang imahe.
Ang gout ay namamana, pero maaaring maiwasan.
Iwasan mo ang pag-inom ng alak, lalo na ang beer at ang pagkain ng matatabang pagkain upang hindi tumaas ang iyong uric acid.
Umiwas o bawasan ang mga pagkaing mataas sa purine, tulad ng isda, sardinas, at karne.
Makabubuting magdagdag ka ng mga pagkaing mayaman sa protina sa iyong diet, tulad ng yogurt at skim milk.
Uminom ka ng maraming tubig upang mapababa ang panganib sa pagkakaroon ng kidney stones.
Panatilihin mong nasa wastong kondisyon ang katawan mo, kaya watch your weight.
Ugaliin mo ring kumain ng mga sariwang gulay at prutas.
Hassle ba? Walang time mamalengke o magluto?
Worry no more! Inirerekomenda ko sa iyo ang First Vita Plus Natural Health Drink dahil meron itong 5 Power Herbs o limang gulay (malunggay, saluyot, talbos ng kamote, uray, at dahon ng sili).
Ang dahon ng sili ay may kakayahan gaya ng pain relievers o anti-rheumatic at anti-arthritis.
Makatutulong pa ang pag-inom ng juice na ito sa pagpapalakas ng immune system mo, na siyang sariling doktor ng katawan.
Kung wala ka namang pambili ng gamot o pambayad sa konsulta sa doktor, may home remedies naman.
Maglagay ka ng yelo sa namamagang kasukasuhan. Makababawas ito sa pananakit at pamamaga. Ibalot lamang ang yelo sa tela at ipahid sa namamagang kasukasuan sa loob ng 20 hanggang 30 minutos.
Maaari mo ring itaas ang apektadong parte ng katawan sa unan, kung ito ay namamaga o sumasakit. Dapat ay mas mataas ito kaysa sa dibdib. Makababawas ito ng pamamaga.
Ipahinga mo rin ang sarili o kaya’y libangin ang sarili upang hindi ka ma-stress sapagkat nakadaragdag ito sa paglala ng gout. Manood ka ng mga palabas, magbasa ng libro, o kaya makipag-chat sa mga kaibigan.
Huwag mong ipagsawalangbahala ang mga sintomas ng gout dahil maaari itong mauwi sa malalang pananakit at joint damage. Kumonsulta ka na sa doktor kapag ikaw ay nakararanas ng lagnat habang sumasakit ang kasukasuan dahil maaaring ito ay isang impeksyon.
Kapag nasunod mo ang nabanggit na remedyo, siguradong ang GOUT mo ay maggo-GO OUT at makakatulog ka nang peaceful.
Thursday, July 22, 2021
Samahan Ninyo Kami
SAMAHAN NINYO KAMI
GES Grade Six Graduates (2020-2021)
I.
Ama, ina, pamilya, at mga kaibigan,
Heto kami ngayon sa inyong harapan
Nagpapasalamat at lubos nasisiyahan
Sa inyong suporta, tulong, at kabutihan
Dahil sa inyo, kami’y may patutunguhan
Kaya naman…
Koro:
Samahan ninyo kami sa aming paglalakbay
Ihatid hanggang sa dulo ng aming tagumpay
Hawakan aming mga kamay
At kayo’y maging tanglaw
Sa aming edukasyon, sa aming pagsisikhay.
Sa pag-abot ng pangarap na magandang buhay.
II.
Mga guro at mapagkanlong na paaralan
Heto kami ngayon sa inyong harapan
Ikaw aming labis na pinasasalamatan
Sa mabubuting aral at pag-uugaling natutuhan
Sa kalidad na edukasyong aming nalinang
Kaya naman…
Fatty Liver
Mabilis ka bang mapagod? Pakiramdam mo, palagi kang nanghihina? Madalas bang sumakit ang tiyan mo? Napapansin mo rin bang biglang nagbabago ang timbang mo? At para kang natutuliro?
Naku! Naku! Baka may fatty liver ka na.
Ang Fatty Liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas ang iyong blood cholesterol, blood sugar, at uric acid, kaya malamang ay sobra ka sa timbang at may malaking tiyan.
Ang fatty liver ay may dalawang uri – alcoholic fatty liver at non-alcoholic fatty liver. Ang alcoholic fatty liver ay dulot ng sobrang pag-inom ng alak. Ang non-alcoholic fatty liver ay dulot ng labis na katabaan, labis na dami ng taba sa dugo, diabetes, mana sa pamilya, biglang pagtaas ng timbang, at side effects ng pag-inom ng gamot gaya ng aspirin, steroid, at iba pang katulad na pormulasyon.
Sa umpisa ay walang sintomas ang fatty liver. Minsan, makararamdam ka ng pagsakit ng kanang bahagi ng tiyan. Ang fatty liver ay maaaring mauwi sa liver cirrhosis kapag hindi naagapan. Kapag naging liver cirrhosis na, malala na ito at magkakaroon ka na ng paninilaw ng mata, pamamayat, paglaki ng tiyan, at pagmamanas ng paa. Ito rin ang dahilan kung bakit namamaga ang atay.
Mahalaga ang atay (liver) sa mga tao, gayundin sa mga hayop. Isa ito sa mga pinakaimportanteng organ sa ating katawan dahil gumagawa ito ng mga kritikal na trabaho. Nagproproseso ito ng sustansiya na kailangan ng katawan, gaya ng protina. Gumagawa ito ng clotting proteins, na importante upang mapadali ang paghilom ng ating mga sugat. Naglilinis din ito ng dugo at nag-aalis ng mga nakakalasong bagay sa katawan. Gumagawa ito ng bile, isang alkaline fluid na tumutulong sa digestion. Kaya nitong mag-imbak ng iron sa ating katawan. Kino-convert nito ang mga nutrients bilang energy.
Malalaman mong may fatty liver ka sa pamamagitan ng Ultrasound ng atay o Ultrasound of the Whole Abdomen. At upang maagapan mo ito, may mga dapat kang gawin.
Itigil mo na ang pag-inom ng alak. Huwag mo nang subukan pang tumikim ng kahit isang patak ng anomang alcoholic drinks. Ihinto mo na rin ang paninigarilyo o paggamit ng droga.
Gumalaw-galaw ka at mag-ehersisyo. Magbawas ka ng timbang kung sobra ka na sa bigat dahil habang nagbabawas ka ng timbang, maaaring mabawasan din ang taba sa iyong atay.
Umiwas ka sa mga pagkaing matataba (oily) at matatamis. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks, milk tea, at iced tea.
Kumain ka ng mga masustansyang pagkain tulad ng sariwang prutas, gulay, at isda. Gawin mong balanse ang iyong diyeta. Tandaang lahat ng sobra ay nakasasama.
Uminom ka ng walo hanggang sampung baso ng tubig upang ma-wash out ang mga toxins sa iyong katawan.
Kung diabetic ka, gamutin ito sa tulong ng iyong doktor. Nakakatakot ang mga komplikasyon nito, kaya sundin mo ang payo o reseta ng iyong doktor.
Kung mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba mo ito sa pamamagitan ng diyeta, gamot, at isabay ang First Vita Plus Dalandan variant.
Ang FIRST VITA PLUS Dalandan ay makatutulong upang isaayos ang problema sa atay tulad ng Fatty Liver at Liver Cirrhosis dahil ito ay gawa sa 5 GULAY (5 Power Herbs, na tinatawag namin). Ang limang gulay na ito (malunggay, saluyot, talbos ng kamote, dahon ng sili, at uray) ay pinagsama-sama, gamit ang cold processing at ginawang juice para mas madaling mainom ng kahit sino.
Ang First Vita Plus ay kumpleto sa sustansya na kailangan ng ating katawan araw-araw tulad ng vitamins, minerals, micronutrients, phytochemicals, antioxidants, at fiber.
Ang pangunahing ginagawa ng First Vita Plus ay palakasin ang ating IMMUNE SYSTEM na nagsisilbing doktor sa loob ng ating katawan. Kapag malakas ang ating immune system, ang katawan na mismo ang lumalaban sa mga sakit kung kaya iba't ibang klase ng sakit ang natutulungan nito.
Huwag mo nang hintaying tumaba ang atay mo o kaya ay lumala ang fatty liver mo. Lunasan mo na agad ito. Liver is life, kaya live your life.
Tuesday, July 20, 2021
Pagtitibi (Constipation)
Nahihirapan ka bang dumumi? Constipated ka, Kapatid. Ilabas mo iyan dahil may masamang epekto iyan sa iyong katawan.
Ang constipation (pagtitibi) ay isang uri ng kondisyon sa digestive system na nagdudulot ng pagtigas ng dumi ng tao na lubhang napakahirap na ilabas. Bata o matanda man ay maaaring maapektuhan ng kondisyong ito.
Nangyayari ang pagtitibi dahil ang malaking bituka (colon) ay labis na sumisipsip ng mga tubig o likido na nasa mga pagkain sa loob nito. Resulta rin ito ng kakulangan sa pagkilos o ehersisyo ng isang tao, gayundin ng ilang uri ng mga gamot na kaniyang iniinom, pagkaing kinakain, at ng kaniyang edad. Habang nagkakaedad ang tao, mas nahihirapan ang panunaw. Malaki rin ang kinalaman ng pag-inom ng tubig sa pagtitibi. Ang kakulangan sa pag-inom ng sapat na dami ng tubig ay maaaring magresulta sa constipation. Ang kakulangan sa mga pagkaing mayaman sa fiber ay sanhi rin ng kondisyong ito. Itinuturo ding dahilan ng pagtitibi ang iba’t ibang pinsala sa katawan o karamdaman.
Ang pagtitibi ay may dalawang uri-- ang primary constipation at secondary constipation. Gayunpaman, magkapareho ang mga sintomas nito.
Ang Primary constipation ay ang pinakakaraniwang uri ng pagtitibi. Ito ay nahahati pa sa tatlong mga uri --ang slow-transit constipation, pelvic floor dysfunction, at normal-transit constipation.
Ang Slow-transit constipation ay ang uri na kung saan nababawasan ang paggalaw ng mga bituka, samantalang ang paggalaw ng pagkain mula sa umpisa hanggang sa dulo ng digestive tract ay bumibilis. Nagdudulot ito ng kabag, pagkabalisa, at dalang ng pagdudumi.
Ang Pelvic-floor dysfunction ay tinatawag ding outlet constipation. Ito ay ang hindi maayos na paggalaw ng mga kalamnan sa sahig ng mga balakang kaya ito ay nagdudulot ng hirap sa pagdudumi. Karaniwang nakararanas ng matinding pag-ire sa pagdudumi ang sinomang meron nito.
Ang Normal-transit constipation ay maaaring dulot ng pagtaas ng psychosocial distress. Dito ay normal ang paggalaw ng mga bituka at paglabas ng mga dumi ng taong meron nito, subalit inaakala niyang tinitibi siya, ang totoo may mga pagkakataon talaga na matigas ang kanilang mga dumi, na sinasabayan pa ng kabag.
Ang Secondary Constipation naman ay dulot ng problema sa metabolismo na gawa ng hypothyroidism. Maaari din itong resulta ng mga problemang neurolohikal, katulad ng multiple sclerosis, pinsala sa spinal cord, Parkinson’s disease, celiac disease, colon cancer, stroke, at autonomic neuropathy. Ang pagkakaroon ng mga problema sa mga kalamnan sa balakang na may kinalaman sa pagdudumi ay maaari ding magdulot ng pagtitibi, katulad ng kawalan ng kakayahan ng mga kalamnan sa balakang na mag-relax sa tuwing dumudumi, kawalan ng mga kalamnan sa balakang na ayusin ang pag-relax at pagpisil (dyssynergia), at paghina ng kalamnan sa balakang.
Ang diabetes at pagbubuntis ay maaari ding magdulot ng constipation.
Malalaman mong constipated ka kung labis kang nahihirapan sa pagdudumi, kung lumulobo ang iyong tiyan, may kabag ka, nawawalan ng ganang kumain, pinupulikat o sumasakit ang tiyan o naduduwal ka. Minsan naman, may pagkakataong may kasamang dugo ang dumi ng taong may pagtitibi.
Kung pabalik-balik na ang pagtitibi o constipation, malamang maraming ang mga sanhi nito, katulad ng pagbara sa malaking bituka.
Mapanganib ang pagkakaroon ng pabalik-balik na constipation, kaya nararapat na maging maingat. Kung ikaw ay matanda na, buntis, hindi mahilig uminom ng tubig, kulang sa fiber ang kinakain, kulang sa mga pisikal na aktibidad o ehersisyo, uminom ng mga gamot para sa hypertension at mga sedatives, opioid painkillers, at antidepressants, may problemang psychological, kagaya ng depresyon o anxiety, at may problema sa pagkain, prone ka sa pagtitibi.
Kapag hindi agad maagapan ang pagtitibi, ito ay maaaring magdulot ng almuranas (hemorrhoids), paghina ng immune system, fecal impaction, mood swings, pagsakit ng ulo (headache), pagkawala ng appetite, pagkahapo (fatigue), skin eruptions (acne, skin rashes, hives, boils and inflamed skin), bad breath (halitosis), pagsakit ng likod (back pain), pagtaas ng cholesterol, brain fog (pagkakamakalimutin, pagkawala sa pokus o pagbagal ng pagkatuto), at pagtaas ng timbang (obesity).
Huwag kang mag-alala! May mga paraan para lunasan ang pagtitibi (constipation).
Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw. Makatutulong ito upang madaling mailabas ang mga dumi mula sa tiyan. Iwasan ang labis na pag-inom ng mga inuming may caffeine, gaya ng kape, soda, energy drink, at iba pa. Nagdudulot ang mga ito ng pagkatuyot. Mag-ehersisyo nang regular sa loob ng 30 minuto bawat araw. Ugaliing magbawas kaagad kapag nakaramdam ng pangangailangan na dumumi. At kumain ng mga pagkaing balanse at mayaman sa fiber, gaya ng mga prutas, gulay, at whole-grain na tinapay.
Kung hassle sa ‘yo ang pag-inom at pagkain ng may fiber, good news, merong First Vita Plus Natural Health Drink Dalandan, na tutulong sa iyo upang mawala ang iyong pagtitibi. Binubuo ito ng limang gulay (malunggay, dahon ng sili, talbos ng kamote, uray, at saluyot) at nilahukan pa ng dalandan extract.
Kapag malalala ang kaso ng constipation, may iba’t ibang uri ng gamot o kaya ay mga laxatives, na maaaring ireseta sa iyo ng doktor. Papalambutin at padudulasin nito ang mga dumi sa tiyan upang maginhawa mo itong mailabas.
Kailangang ilabas ang dumi. Huwag mong ipagwalambahala ang pagtitibi. Constipation is not okay, kaya huwag ka nang mag-atabuli. Lunasan ito agad upang lalabas ka sa banyo nang nakangiti.
Specific Phobia
Takot ka bang maligo? Takot ka ba sa dugo? Takot ka ba sa injection. Sa linta? Sa ahas? Takot ka bang magmahal? Takot ka bang iwanan niya?
Well, natural lamang iyan!
Ang takot ay natural na emosyon ng isang tao. Kapag natatakot tayo, nanghihina ang ating loob para lumaban o para pumasok sa isang inaakalang mapanganib na gawain. Pakiramdam natin hindi kanais-nais isang tao, bagay, lugar, pangyayari, sitwasyon o gawain na maaaring magdulot sa atin ng panganib, kirot o banta sa isipan.
Natural ang takot na nararamdaman natin, subalit kapag ito ay labis na, paulit-ulit, at hindi na makatotohanan ito ay isa nang phobia. Opo, isang phobia—specific phobia. Ito ay isang uri ng anxiety disorder.
Ang isang taong may specific phobia ay umiiwas sa mga partikular na tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, sitwasyon, at gawaing nagpapabalisa sa kaniya.
Napakatiyak at limitado ang ilang mga phobias. Halimbawa, ang isang tao ay maaaring natatakot lamang sa mga spider (arachnophobia) o sa mga manika (pediophobia). May ilang phobias ding nagdudulot ng problema sa mas malawak na iba-ibang lugar o sitwasyon. Halimbawa, ang takot sa matataas na lugar ay maaaring ma-trigger sa pamamagitan ng pagtingin sa bintana ng isang gusali o sa pamamagitan ng pagsakay sa Ferris wheel. Ang mga taong may phobia ay kailangang baguhin ang kanilang buhay at mag-adjust upang hindi sila maapektuhan nito nang husto. Subalit, may matitinding kaso ng phobia. Dumarating sa punto na ang takot ay nagdidikta sa trabaho ng tao, lokasyon ng trabaho, ruta sa pagmamaneho, libangan, panlipunang aktibidad o kapaligiran sa bahay.
Anoman ang specific phobia ang nararanasan ng isang tao, maaari siyang magkaroon ng mga sumusunod na reaksiyon kapag nati-trigger.
1. Siya ay kaagad na makakaramdam ng matinding takot, pagkabalisa, at pagkataranta.
2. Alam niyang hindi angkop o kakatwa ang kaniyang nararamdamang takot pero wala siyang kakayahang kontrolin o iwasan iyon.
3. Lumalala ang kaniyang pagkabalisa habang lumalapit siya sa kinatatakutan o papalit ito sa kaniya.
4. Gumagawa siya ng mga kakatwang paraan upang makaiwas sa kinatatakutan.
5. Nahihirapan siyang kumilos nang normal dahil sa takot o kinatatakutan.
6. Nakararamdam siya ng mga pisikal na pagbabago sa kaniyang katawan gaya ng pagpapawis, pagbilis ng tibok ng puso, pagsikip ng dibdib, kahirapan sa paghinga, pagkahilo, pagduduwal or pagkahimatay.
7. Sa mga bata, maaari silang magkaroon ng tantrums, maging clingy, maging iyakin, at tumangging magpaiwan sa magulang.
Ang bawat specific phobia ay may pinagmumulan o dahilan. Ito ay maaaring dahil sa mga negatibong karanasan. Kapag ang isang tao ay nakaranas ng panic attack dahil sa isang tao, bagay, lugar, hayop o sitwasyon, malaki ang tsansa na magkaroon siya nito. Ang genes ng mga magulang ay maaari ding magdulot nito sa tao, gayundin ang kapaligiran, lalo na ang tahanan. Kapag meron nito sa isang pamilya, maaari itong maipasa sa sinomang miyembro. Ang brain function ay may epekto rin sa pag-develop ng phobia. Kapag mahina ang paglago o pagkilos ng utak, maaaring maapektuhan nito ang kaisipan ng tao na makipaglaban sa takot.
May mga dapat din tayong malaman tungkol sa specific phobia. Kadalasan, ang mga batang may edad na 10 ang tinatamaan nito, subalit maaari ding maganap sa mga taong nasa hustong gulang.
Namamana ang specific phobia. Sa madalas na pagkakaobserba sa kapamilyang nakararanas ng phobia, maaari itong mangyari sa kanya.
Ang pag-uugali ay maaari ding maging dahilan ng specific phobia. Kapag ang tao ay masyadong sensitibo, mahiyain, at negatibo, maaari itong ma-develop sa kanya.
Ang negatibong karanasan ng iba na narinig o nakita natin ay maaari ding maging dahilan ng pagsisimula ng pagkakaroon natin ng matinding takot sa kaparehong tao, bagay, lugar, hayop o sitwasyon
Maaaring kakatwa sa iba ang pagkakaroon ng specific phobia ng isang tao, pero ang totoo, isa itong nakakaalarmang kondisyon. Masyado itong nagpapahirap sa kanya.
Minsan, mas ginugusto na lamang niya ang social isolation upang maiwasan ang mga kinatatakutan, kaya nagkakaroon siya ng mga problemang pang-akademiko, propesyunal o relasyon sa kapwa. Mapabata man o mapamatanda, ito ay nagdudulot sa kanila ng labis na kalungkutan dahil sa pag-iwas at takot na mahusgahan ng kapwa.
Ang depresyon at pagkabalisa ay ilan lang sa mga nagiging resulta ng specific phobia sa tao. Nariyan din ang tinatawag na substance abuse. Minsan, nagiging alcoholic ang isang taong may kinatatakutan at nagiging drug dependent. At ang pinakamalalang epekto nito sa tao ay kapag nagiging suicidal na.
Gayunpaman, maiiwasan ang mga epekto o resultang nabanggit sa pamamagitan ng pagkonsulta sa mga sikolohista. Sa mga magulang na may mga anak na nakararanas ng specific phobia, dapat nilang turuan ang mga bata na magkaroon ng malawak na pang-unawa sa kanilang karamdaman. Turuan nila ang mga anak na maging matapang sa pagharap sa takot. Iwasan din nilang magpakita ng pagkatakot upang hindi sila gayahin ng mga ito.
May mga sitwasyong kailangan nang kumonsulta sa doktor. Una, kapag masyado nang nakaaapekto sa pang-araw-araw na pamumuhay ang kaniyang takot. Halimbawa: Sa halip na siya ay sasakay sa elevator patungo sa mataas na palapag ng gusali, gumagamit na lang siya ng hagdan. Ang resulta, mahabang oras ang nawala. Apektado ang kaniyang trabaho o transaksiyon. Sa pagkakataong ito, kailangan na niya ng terapi.
Sa mga bata naman, kapag masyado na silang takot sa dilim, sa multo, mag-isa o maiwan, na kung tutuusin ay normal naman sa mga bata, kailangan na rin ng doktor, lalo na kung apektado na ang pagkilos nila nang normal sa tahanan o sa paaralan.
Anomang edad o anomang uri ng specific phobia, may mahalagang papel na gagampanan ang wastong terapi upang malunasan ang karamdamang ito. Ang pag-unawa sa mga taong may ganitong uri ng anxiety disorder ay nakatutulong nang malaki para sa kanila. Mahalaga rin ang yakap ng mga mahal sa buhay para sa mga taong natatakot.
Normal ang matakot sa isang tao, bagay, hayop, lugar, at sitwasyon. Huwag tayong matakot na harapin ang takot na iyon dahil mas nakakatakot nga raw ang wala nang maramdamang takot.
Friday, July 9, 2021
Separation Anxiety Disorder
Takot ka bang iwanan ng iyong mahal? Nababalisa ka ba kapag nawala o nalayo sa iyo ang isang mahalagang tao o bagay?
Naku! Baka sintomas na iyan ng Separation Anxiety Disorder.
Ang Separation Anxiety Disorder ay naglalarawan ng mga damdamin ng isang indibidwal na paulit-ulit at labis na pagkabalisa na nauugnay sa kasalukuyan o paparating na paghihiwalay mula sa isang tao o isang bagay na nagbibigay sa indibidwal ng ginhawa. Ito ay madalas na nangyayari sa mga bata, ngunit maaari ding maranasan ng matatanda. Ito ay maaaring pangmatagalan at patuloy na pagkabalisa sa mga panahon hanggang anim na linggo. Ang mga indibidwal na pinahihirapan ng karamdamang ito ay nakararanas ng labis na pagkabalisa.
Ang Separation Anxiety Disorder ay isang normal na bahagi ng pag-unlad ng pagkabata. Karaniwan itong nangyayari sa mga sanggol sa pagitan ng 8 at 12 buwan ang edad, at kadalasan ay nawala pagdating ng edad 2. Ito ay maaaring bumalik, depende sa mga susunod na pangyayari at sitwasyon.
Ang mga sintomas ng separation anxiety disorder ay nangyayari kapag ang isang bata ay nahiwalay mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga pag-uugali na may kaugnayan sa pagkabalisa.
Kumakapit siya sa mga magulang kapag aalis ang mga ito.
Matindi ang kaniyang pag-iyak.
Nakararanas siya ng pisikal na karamdaman, tulad ng pananakit ng ulo o pagsusuka.
Siya ay marahas, may emosyonal na tantrums, at tumatangging pumasok sa paaralan.
Mahina ang performance niya sa paaralan.
Bigo siyang makisalamuha sa ibang mga bata.
Tumatanggi siyang mag-isa sa pagtulog o iba pang Gawain.
Binabangungot siya.
Ang separation anxiety disorder ay nagmumula sa iba’t ibang dahilan. Ang isang bata ay maaaring matukoy na may karamdamang ito kapag siya ay mula sa isang pamilya na may history of depression; may mahiyaing personalidad; mula sa mababang kalagayan ng socioeconomic; sobrang protektado ng mga magulang; may kakulangan sa pakikipag-ugnayan ng (mga) magulang; may mga problema sa pagharap sa mga batang kaedad niya; o dumaaan sa traumatic na kaganapan sa buhay tulad ng switching schools, diborsiyo ng mga magulang o pagkamatay ng isang malapit na miyembro ng pamilya.
Matutukoy ang batang may separation anxiety disorder kapag siya ay nakararanas ng tatlo o higit pang sintomas. Maaaring magdagdag ang doktor ng mga pagsusuri upang kumpirmahin ang diagnosis. Maaari din niyang obserbahan ang bata at mga magulang upang makita kung nakakaapekto ang kanilang ugnayan sa pagkabalisa ng bata.
Nagagamot ang separation anxiety disorder. Sa pamamagitan ng therapy, matutulungan ang pasyente na makitungo sa pagkabalisa sa positibong paraan.
Ang cognitive behavioral therapy (CBT) ay ang pinaka-epektibong therapy. Sa teraping ito, tuturuan ang batang pasyente ng mga coping mechanisms sa pagharap at pagtugon sa separation anxiety. Ilan sa mga paraang ginagamit dito ay ang malalim na paghinga at pagpapahinga.
Kasama ang mga magulang sa pagsasagawa ng CBT. Sila ay may papel na gagampanan sa terapi dahil titingnan ng doktor ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa anak.
Ang CBT ay may tatlong pangunahing yugto ng paggamot—ang child-directed interaction (CDI), bravery-directed interaction (BDI), at parent-directed interaction (PDI).
Ang Child-Directed Interaction (CDI) ay nakapokus sa pagpapabuti ng kalidad ng relasyon sa magulang at anak. Palalakasin nito ang damdamin ng bata tungo sa kaniyang kaligtasan at upang maramdaman niya ang init ng pagmamahal, atensiyon, at papuri ng mga magulang.
Ang Bravery-Directed Interaction (BDI) ay nakapokus sa pagtuturo sa mga magulang tungkol sa kung bakit ang kanilang anak ay nakararamdam ng pagkabalisa. Ang therapist ng bata ay magpapakita ng mga sitwasyon na nagdudulot ng balisa (anxiety). Magbibigay rin siya ng mga gantimpala para sa mga positibong reaksiyon.
Ang Parent-Directed Interaction (PDI) ay nakapokus sa pagtuturo sa mga magulang na makipag-usap nang malinaw sa kanilang anak upang makatulong ito sa pagtanggap at pagtugon sa mahinang pag-uugali ng bata.
Ang kapaligirang ginagalawan ng bata ay may malaking papel na ginagampaman sa paggaling niya. Kailangan niya ng ligtas at mapagtanggap na kapaligiran at kapwa. Mahalagang may matatakbuhan siya sa oras ng kaniyang pagkabalisa. Ang paaralan at tahanan ay dapat nagtataglay ng katangiang kailangan niya.
Walang gamot na akma para sa mga batang may separation anxiety disorder. Ang mga antidepressants ay ipinapainom lamang sa mas matatandang may ganitong kondisyon, lalo na kung ang ibang mga paraan ng paggamot ay hindi epektibo.
Malaki ang magiging epekto sa buhay ng batang may separation anxiety disorder. Ang kaniyang emotional and social development ay lubhang apektado. Hindi niya o maiiwasan niya ang mahahalaga at magagandang karanasan sa normal na pamumuhay at pag-unlad. Lalo rin siyang malulugmok sa
Ang Separation Anxiety Disorder ay maaari ding makaapekto sa buhay ng pamilya lalo na kung limitado ang kaalaman, oras, at pagtanggap ng mga magulang at mga kapatid. Subalit kung ang pamilya mismo ang tutulong sa bata upang malunasan ang kaniyang karamdaman, hindi malabong mapagtagumpayan niya ang separation anxiety.
Masakit talaga ang maiwanan ng minamahal, pero kung matatanggap ito agad, hindi na ito magdudulot ng malubhang karamdaman.
Magkaiba ang Pagiging Introvert at Social Anxiety Disorder
Isa ka rin ba sa nagtatanong kung introvert ka lang o may social anxiety disorder (SAD) ka na? O isa ka sa mga taong nagsasabing ang pagiging introvert at pagkakaroon ng SAD ay iisa?
Well, marami talaga ang nagkakamali sa bagay na ito. Kaya, dapat mong malaman ang katangian ng isang taong introvert, gayundin ng taong nakararanas ng social anxiety disorder. Simulan natin sa introvert.
Ang pagiging introvert ay isang ugali ng tao, kung saan ayaw niya lang makisalamuha sa kapwa. Bukod dito, narito pa ang ilan sa mga katangian niya.
Mas gusto niya ang kaunting kaibigan at one-on-one na pakikipag-usap. Ayaw niya ng tropa. Siya ang taong mahilig sa malalim at makabuluhang usapan sa limitado o maliit na grupo ng tao. Hangga’t maaari siya at isang kausap lamang ang nais niya, lalo na kapag kasundo, kaibigan, o may malalim siyang relasyon dito.
Hindi siya nababagot o nalulungkot kahit mag-isa lamang siya. Ang totoo, mas masaya siya kapag mag-isa sa bahay o sa mga gawain. Mas nararamdaman niya ang pag-iisa kapag siya ay nasa pagtitipon at salusalo. Mas epektibo siya kapag mag-isa, kaya marami siyang nagagawang kapaki-pakinabang na bagay at gawain.
Kailangan niyang magpahinga bago at pagkatapos makihalubilo sa (mga) kapwa. Iritado siya kapag matagal ang ginugol niyang oras sa pakikipag-usap. Pakiramdam niya napagod ang kaniyang isip, kaya ang tanging solusyon ay manatili siya sa bahay o magkulong sa kuwarto nang matagal upang manumbalik ang sigla niya.
Malalim siyang mag-isip. Masining ang kaniyang mga ideya at kaisipan. Mahilig siyang mag-isip ng magaganda at makabuluhang bagay, kaya tuwing may mga katanungang mahirap sagutin, siya ang nakasasagot.
Matagal siya bago magsalita o hindi siya basta-basta nagbabahagi ng ideya. Prinoproseso niya nang mabuti ang mga sasabihin, bago bigkasin kaya natatagalan siyang magbitiw ng mga salita. At mas gusto niya ang pakikipag-usap nang hindi personal o hindi face-to-face.
Ayaw niyang nagiging center of attention siya. Nakapagdudulot ito sa kaniya ng iritasyon. Mas gusto niyang kumilos o gumawa nang tahimik at hindi pinapansin. Mas epektibo niyang nagagawa ang mga gawain kapag walang nakatingin. Ayaw rin niyang pinupuri o makatanggap ng mga recognition. Siya ang taong masaya nang magtrabaho behind the scenes.
Mas gusto niya ang pasulat na komunikasyon kaysa sa pasalita. Mas naipapahayag niya ang kaniyang ideya, kaisipan, at saloobin kapag isinusulat niya ang mga ito. Mas gusto niya ang pagsusulat kaysa sa pagsasalita.
Mas gusto niyang magtrabahong mag-isa kaysa gumawa nang kasama ang grupo. Hindi naman sa hindi siya epektibo kapag nasa grupo. Mas nakapopokus kasi siya kapag walang kausap at mga naririnig. Sa palagay niya, mas kapaki-pakinabang siya kapag solo siya sa isang gawain.
Mahusay siyang magbasa ng isip ng tao. Dahil tahimik siya kapag kasama ang karamihan at mahilig siyang magmasid, nabibigyan niya ng kahulugan ang mga kilos at gawi ng mga taong nasa paligid niya. Mas gusto rin niyang making kaysa magsalita.
Nahihirapan siyang mag-adjust kapag may bagong gawain. Mas gusto niya ang mga nakasanayang bagay, kaya naman tumataas ang presyon ng kaniyang dugo kapag nahaharap siya sa isang di-pamilyar o bagong lugar, sitwasyon o gawain.
Ayaw niya sa networking. Naiirita siya kapag kailangang manghikayat ng tao. Siya ay hindi mahusay sa marketing o sales talk. Napapagod agad siya kapag hindi niya mapasunod o mahikayat ang isang tao. Para sa kaniya, hindi siya nababagay sa mga samahan o organisasyon.
Bago natin kilalanin ang mga katangian ng taong may social anxiety disorder (SAD), linawin ko lang na ang SAD ay isang mental na karamdaman at nagdudulot ito ng negatibong epekto sa iba’t ibang aspekto ng buhay ng tao.
Iniiwasan niya ang pakikihalubilo at pagtatanghal sa madla. Nababalisa siya kapag humaharap sa maraming tao. Ayaw na ayaw niya ang public speaking at ang pagtatanghal sa entablado dahil takot siyang mabiktima ng maling panghuhusga.
Masyado siyang kritikal sa kaniyang sarili. Iniisip niyang hindi sapat ang kaalaman at kakayahan niya para sa iba. Kulang siya sa tiwala sa sarili kaya nagiging pesimistiko at negatibo siya. Ito rin ang dahilan ng kaniyang pagkabalisa at hindi pagkakaroon ng pokus sa kaniyang gawain.
Nakararanas siya ng mga pisikal na sintomas ng SAD pagkatapos maharap sa kinatatakutang sitwasyon, gaya ng paninikip o pagkabog ng dibdib, pagbilis ng tibok ng puso, panginginig, pagpapawis, pagduduwal, at iba pa.
Nahihirapan siyang kumawala sa anxiety, kaya madalas natatagpuan niya ang sarili sa piling ng alak at iba pang bisyo. Dahil dito, umiiwas din siya sa pakikipag-usap sa iba. Ayaw niya rin ng eye contact.
Kampante siya kapag kaharap niya ang mga taong gusto niya o taong gusto at tanggap siya. Kabaligtaran naman ang nararamdaman niya kapag may ibang tao sa kanilang tahanan o may hindi pamilyar na tao siyang kasalamuha.
Nahihirapan siyang bumuo ng matatag na pagkakaibigan at relasyon sa kapwa. Siya ay madalas wala o kakaunti ang kaibigan. Gustuhin man niyang magkipagkaibigan o makipagrelasyon, hinahadlangan siya ng takot niyang ma-reject.
Nababalisa siya kapag may nakatingin sa kaniya habang siya ay may ginagawa. Ayaw niya nang may nakatingin sa kaniya habang kumakain o iba pang gawain. Napi-pressure din siya kapag binabantayan ang oras niya, gaya kapag kumukuha ng pagsusulit. Nababalisa at natatakot din siyang ipakilala ang sarili sa grupo ng tao.
Hindi siya kampante kapag nakaharap, katabi, o nakatingin ang kaniyang boss, teacher, o sinomang may awtoridad sa kaniya. Ayaw niyang nakikipag-usap sa mga persons-in-authority dahil nakararamdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba at takot.
Nangangamba siyang mapansin ng iba ang mga sintomas ng kaniyang karamdaman. Ikinahihiya at ikinatatakot niyang kapag inatake siya sa gitna ng maraming tao o habang siya ay nagtatanghal. Ang isiping iyon ay lalong nagpapalala sa kaniyang anxiety.
Natatakot siyang madiskubre ng kapwa niya ang katauhan niya. Naniniwala siyang hindi siya magaling. Nababalisa siyang isipin na baka hindi siya maunawaan kapag ipinagtapat niya ang kaniyang mga pinagdaraanan.
Kulang siya sa paninindigan, kaya nagiging sunod-sunuran na lamang siya. May tendency siyang suportahan ang maling ideya para lang hindi siya magkaroon ng problema sa pagpapahayag ng kaniyang ideya at saloobin.
Hayan! Sana naliwanagan ka na. Uulitin ko, magkaiba ang introversion (pagiging introvert) at social anxiety disorder. At upang mas maliwanag, idagdag ko lamang ang mahahalagang impormasyong ito.
Ang introvert na tao ay walang itinatago. Malaya siya. Hindi niya iniisip ang sasabihin ng iba.
Ang pagiging introvert ay inborn samantalang ang SAD ay nade-develop lang at napag-aaralan.
Ang SAD ay may kinalaman sa takot sa maraming tao. Ang pagiging introvert ay kagustuhan lang ng isang tao na mapag-isa.
Tanggap ng taong introvert ang kaniyang kondisyon, samantalang ang taong may SAD ay nagiging judgmental sa kaniyang sarili.
Kaya namang makisalamuha sa kapwa ang introvert, pero hindi ang taong may SAD.
Nililimitahan ng taong introvert ang socialization. Pinalulungkot naman nito ang taong may SAD.
Nagagamot ang social anxiety. Nababago naman ang pagiging introvert.
Nahihirapan lang kumalma ang taong introvert sa harap ng mga tao, subalit hinding-hindi naman nagiging komportable ang taong may SAD.
Kaya naman ng introvert ang public speaking, pero ang taong may SAD, iniiwasan niya ito kahit sa anong paraan.
Ang SAD ay may elemento ng hiya, samantalang ang introversion ay wala.
Ang tanong: Ang taong introvert ba ay maaaring magkaroon ng social anxiety disorder?
Ang sagot: Oo! Maaaring makaranas nito ang introvert. Kaya nga dapat may sapat siyang oras upang kumalma. Nakatutulong ang pag-iisa upang mapaghandaan niya ang pagharap sa mga tao.
Introvert ka man o may social anxiety disorder, mahalaga ang pagkakaroon ng lakas ng loob upang gawin ang isang bagay na higit mong kinatatakutan. Ang pakikitungo sa kapwa ay may higit na kabuluhan kaysa sa pag-iwas sa kanila. Hindi nakakatakot ang pagharap sa tao. Ang nakakatakot ay kapag wala ka nang makita o makasalamuhang tao.
Congrats, Batch 2020-2021!
Parang nabunutan kayo ng tinik sa dibdib
Mapapahinga na rin ang inyong mga isip
Dahil sa wakas, tapos na ang inyong pakikipaglaban
Sa modules, na parang walang katapusan
Dahil sa wakas, tapos na ang inyong pakikipagtagisan
Sa online class, na hindi kayang tumbasan ang silid-aralan.
Sa inyong pagtatapos, mga magulang ay nakahinga
Dahil sa wakas, hindi na sila magkakandaugaga
Hindi na sila magwawala, magagalit, at sisigaw
Kapag tinatamad kayo at ayaw gumalaw
Hindi na sila magpapakaguro at magtuturo
Dahil ang school year na ito ay tapos na.
Tapos na nga ba? O baka ito’y bagong simula?
Paano na? Kayo ba’y natututo nga ba talaga?
Sa bahay, nagaganap ba ang teaching-learning process?
O baka naman sa inyong bahay, palagi lang recess?
Sa inyong modular learning at online class, natuto ba?
Sa paggabay ng mga magulang at guro, edukasyon ay sapat na ba?
Sa inyo, mga graduates nitong school year 2020-2021,
Ang aking pagbati ay katulad ng pagbati ko noong nakaraan
Masaya-masayang ako sa inyong pagtatapos
Kahit may pandemya, nalampasan pa rin ninyo ang unos
Pero hindi ko alam kung ano ang inyong nararamdaman
Alam kong may kulang at may nais kayong balikan.
Huhulaan ko… at hayaan ninyo akong isa-isahin ko
At ipaalala ko sa inyo ang mga ito.
Una, ang pagbangon ninyo sa umaga—eksayted man o hindi
Basta ang alam ko, eksayted kayong pumasok palagi
Sa classroom ay may tawanan, kulitan, at asaran
Bukod doon mas marami kayong natututuhan
Hindi ko lang alam kung ang mabubuti ba o mga kalokohan
Basta ang sigurado ako, mas enjoy kayo kapag nasa paaralan.
Pangalawa, ang oras ng klase, kung saan seryoso si Sir o Ma’am
Alam ninyong dapat kayong magseryoso upang matuto, pero ewan
Ewan ko kung pumapasok ba sa kukote ang araling pinag-aaralan
Ewan ko kung bakit kay sarap pa ring pumasok sa paaralan
Dahil kahit kayo’y naguguluhan o nalilito sa pinag-uusapan
Masaya pa rin kayo dahil sama-sama kayong tinuturuan.
Masaya kayo kapag ang guro ay may pinapagalitan
Masaya kayo kapag ang kaklase ninyo’y pinapalakpakan
Dahil sa kahit mabagal ang pagkatuto o kahit kaunting natutuhan
Umuuwi pa rin kayong may bitbit na bagong kaalaman,
Pambihirang karanasan, at walang katumbas na kasiyahan.
Panghuli, ang oras ng uwian, kung kailan sobrang ingay ng lahat
Nagtuturuan kung sino ang mag-aayos ng mga upuan at magwawalis ng kalat
Minsan naman, ay magpapaiwan kahit hindi naman cleaner
Paano ba naman, si Crush ay isa sa mga nakatokang sweeper.
Kung gaano kayo nabagot sa oras habang nasa klase
Kabaligtaran talaga iyon dahil hindi pa naman talaga kayo uuwi
Dadaan pa sa mga tindahan o kaya’y sa bahay ng kaklase
Maglalaro sa kalye dahil hindi ninyo magawa kapag nasa klase.
Andami pa. Andami-dami pang alaala ang na-miss ninyong talaga
Walang kasingsaya ang pag-aaral kapag nasa eskuwela
Para sa inyo, ang paaralan ay inyongtahanan
Dahil ang mga kaklase at mga guro ay nananahan.
Kay sayang maging estudyante, hindi ba?
Pero, noon iyon… noong wala pang pandemya.
Isang taon din kayong namalagi at kinulong sa bahay
Isang taon pa… Isang taon pa. Sigurado ako, kayo’y masasanay.
Muli, ipinapaabot ko ang aking mainit na pagbati
Congrats, Batch 2020-2021!
Sunday, July 4, 2021
Social Anxiety Disorder
Ang Social Anxiety Disorder (SAD) ay paulit-ulit na malaking pangamba na mahusgahan ng iba o mapahiya sa harapan ng maraming tao. Ang taong nakararanas nito ay maaaring may labis na takot, kaya umiiwas siya sa mga lugar o pangyayari na kung saan iniisip niyang makakagawa sa kaniya ng kahihiyan. Mas pinipili rin niyang manatiling tahimik sa mga sitwasyon sa lipunan upang makaiwas na gumawa siya ng atensyon.
Ang taong may SAD, kapag napapalibutan ng mga tao ay namumula, nanginginig, namamawis, nakararamdam ng pagkahilo, parang kumakabog ang dibdib, hirap sa paghinga, hirap makipag-usap sa iba kahit gustuhin niya, at marami pang iba.
Walang isang dahilan ang nagiging sanhi ng social anxiety disorder, ngunit ayon sa mga mananaliksik, may tatlong dahilan kung bakit nagkakaroon ng SAD ang isang tao.
Una, Dahilang biyolohiko. Namamana ang SAD. Sabi nga, it runs in families. Ito ay parehong genetic at environmental influences na makukuha sa pamilya. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng SAD, bata pa lamang siya, it’s hereditary or genetics. Kapag siya naman ay nagkaroon nito nang may edad na siya, it’s environmental.
Pangalawa, Dahilang sikolohikal. Kadalasang tinatamaan ng SAD ang mga taong walang kibo, perpeksyunista (perfectionist), mababa ang pagtingin sa sarili, o mahiyain (introvert). Lilinawin ko lang… Magkaiba ang introvert at SAD. (Sa susunod kong vlog iisa-isahin natin ang kanilang pagkakaiba.)
At pangatlo, Dahilan sa kapaligiran. Nabubuo ang social anxiety ng isang tao dahil sa mga karanasang negatibo sa paligid na nagdulot sa kaniya ng kahihiyan o pagmamaliit, gayundin ang iba pang mabibigat na tagpo sa buhay kagaya ng pagkasira ng relasyon at problema sa trabaho.
Madali lang matukoy ang taong may Social Anxiety Disorder (SAD).
Siya ay paulit-ulit na nangangamba sa isang sitwasyong panlipunan na pinaniniwalaan niyang mahuhusgahan siya ng kaniyang kapwa, mapapahiya o makararamdam siya ng panliliit sa sarili. Ang mga halimbawa nito ay pagsasalita sa isang forum, paglabas kasama ang mga kaibigan, pakikipag-usap sa mga taong may kapangyarihan, o pagdalo sa mga party.
Siya ay umiiwas sa mga nakababalisang sitwasyon sa lipunan. Kung hindi man niya maiwasan, nanatili siyang tahimik upang hindi siya mapansin.
Siya ay palaging balisa sa mga partikular na sitwasyon. Ang mga kinikilos niya ay hindi na makatwiran at wala na sa ayos.
Siya ay apektado na sa sobra niyang pag-iwas o pagkabahala sa mga tao. Nakaaapekto na iyon sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay, trabaho, at buhay-panlipunan. At kadalasang nagdudulot pa ng malalang pagdurusa.
Nalulunasan naman ang Social Anxiety Disorder. May tatlong paraan upang magamot ito. At siyempre, tanging ang mga espesyalista ang may higit na kaalaman sa mga uri ng lunas na ito.
Una, ang medikasyon. Kapag malala na ang sintomas ng kaniyang SAD, kailangan na siyang resetahan ng doktor ng mga gamot na magpapakalma sa kaniya. At siyempre, pansamantala lamang ang epekto ng mga iyon.
Pangalawa, ang psychotherapy o terapi sa pag-iisip. Ang cognitive-behavioral therapy (CBT) ay isang mabisang lunas sa social anxiety disorder, na nakadisenyo upang tulungan ang pasyente na maisaayos ang kaniyang mali at irasyunal na pag-iisip na nagpapalala ng pagkabalisa. Tutulungan din siya nito na harapin ang nakababalisang mga bagay o sitwasyon nang hinay-hinay upang mabawasan ang pagkabalisa niya at mapalawak ang lugar na kanyang ginagalawan at mawala ang takot niya sa pagharap sa mga tao.
At pangatlo, ang pagtuturo ng mga kasanayang sosyal at mga ehersisyo sa pag-relax (social skills and relaxation exercises). Dapat niyang tanggapin ang lahat ng mga pagtuturo at pagpupuna ng kaniyang kapwa. Dapat niyang obserbahan ang mga kapwang may normal na kilos. Dapat makilala niya ang mga indibidwal na may social anxiety disorder na napabuti at napataas ang kanilang kumpiyansa sa sarili. At dapat din siyang matuto ng mga teknik sa pag-relax upang makatulong sa pagbawas ng kaniyang pagkabalisa.
Dapat din niyang tulungan ang sarili para sa mabilis na paggaling. Dapat aktibo siyang magpagamot at makilahok sa proseso ng gamutan. Dapat panatilihin niya ang isang malusog na pamumuhay, gaya ng pagkain ng masusustansya at balanseng pagkain, pag-eehersisyo nang regular at nang katamtaman lamang, at regular na paggawa ng mga makahulugan at nakalilibang na gawain. Dapat mataas ang pagnanais niyang magtagumpay laban sa social anxiety sa pamamagitan ng matapang na pagharap sa mga kahirapan ng proseso ng gamutan.
Ang suporta ng mga kaibigan, kamag-anak, at pamilya ay mabisa ring pantulong para sa paglulunas ng social anxiety disorder. Ang kanilang pag-unawa at gabay sa pasyente ay kailangang-kailangan.
Kaya, sa mga may SAD, don’t be sad. Ito ay nalulunasan at nagagamot. Magtiwala lang sa bisa ng mga gamot, sa kakayahan ng mga doktor, at sa kapangyarihan ng Diyos.
Friday, July 2, 2021
Panic Disorder
Ang panic disorder ay hindi maipaliwanag na pagkabahala na nararamdaman ng isang tao. Ito ay paulit-ulit na pag-atake ng pangamba o panic attacks sa magkakahiwalay na pagkakataon, na may kasamang matinding pagkatakot. Ito ay sinasabayan pa ng mga pisikal na karamdaman katulad ng mabilis na pagpintig ng puso, kahirapan sa paghinga, pagpapawis, panginginig, pagkirot ng dibdib, pagkahilo, at iba pa.
Minsan, inaakala ng mga taong may hindi normal na pagkabahala o may panic disorder na ang mga nabanggit na sintomas ay indikasyon ng iba pang malalang karamdaman tulad ng sakit sa puso o pagkawala ng kontrol. Subalit ang totoo, maaaring maiwasan ang mga nararamdamang ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga naturang pangyayari o lugar na nagbibigay sa kanila ng pagkabahala.
Maraming bagay ang nakapagdudulot ng panic disorder. Karaniwan sa mga ito ay ang hindi magagandang pangyayari sa buhay at biglaang pagbabago ng buhay tulad ng pangmatagalang kawalan ng hanapbuhay at pagkawala ng mahal sa buhay. Kapag ang tao ay nasa matinding problema, natural na gumagana ang utak ng tao laban sa kawastuhan. Kadalasan, mali ang naiisip niyang solusyon.
Ang panic disorder ay walang isang dahilan. Marami ang maaaring pagsimulan nito. Subalit, narito ang ilan sa nakadaragdag na dahilan.
Una, dahilang biyolohika. Namamana ang panic disorder. Ayon sa mga pag-aaral, kapag ang isang miyembro ng pamilya ay may ganitong kondisyon, malaki ang tsansang maipapamana niya ito sa kaniyang kapamilya.
Pangalawa, dahilang sikolohikal. Mas prone sa panic disorder ang mga taong malapit sa pagkabalisa, pesimista, at pakiramdam ng kulang sa seguridad.
At pangatlo, dahilan sa kapaligiran. Malaki ang nagagawa ng environment sa pagkakaroon ng panic disorder ng isang tao. Ang mga negatibong karanasan niya noong bata pa siya, gaya ng kapahamakan, aksidente), malubhang suliranin, pagpapalit ng trabaho, problemang pakikipagkaibigan, at iba pa) ay mga dahilan rin nito.
Hindi mahirap malaman kung ang isang tao ay nakararanas ng panic disorder. Biglaan at matindi siyang matakot na tumatagal ng ilang minuto kahit wala namang malinaw na panganib. Susundan pa ito ng apat (4) o higit pang sintomas. Maaari siyang makaranas ng panic attack.
Ang panic attack ay paulit-ulit na atake ng pag-aalala at pagkatakot. Ang taong nakararanas nito ay kumakabog ang dibdib, nagpapawis, nanginginig, nahihirapan sa paghinga, nakakaramdam ng parang nabibilaukan, sumasakit ang dibdib o nabibigatan sa dibdib, nasusuka, nahihilo o nahihimatay, namumula at nanlalamig, nangingilabot o naamamanhid ang paanan, nalilito sa katotohanan (parang nananaginip), nalilito sa pagkatao (parang nasa labas ng sarili at walang kontrol), natatakot sa kamatayan, at natatakot mawalan ng kontrol o mabaliw.
Pagkatapos makaranas ng unang panic attack, magsisimula nang mag-alala ang taong may panic disorder sa kahihinatnan ng mga atake. Maaari na siyang mag-aalala na mayroon na siyang seryosong sakit sa puso. Posible ring mag-aalala siya na baka mahimatay siya sa daan at walang tumulong. Malamang ay iniisip niya rin na siya ay magwala at mawalan ng kontrol.
Hindi maiiwasan ang panic attack, subalit kayang iwasan ang pagsumpong nito. Dapat niyang palakasin ang kaalaman sa mga sintomas nito. Kumain siya nang sapat at panatilihing malusog ang katawan. Iwasan niya ang paninigarilyo at pagkakape, gayundin ang paggamit ng bawal na gamot at inuming may alcokol. Pangalagaan niya ang katawan sa pamamagitan ng pag-eehersisyo at pagtulog nang sapat. At magkaroon ng tamang mindset at positibong pananaw sa mga bagay-bagay.
Hindi naman makatutulong ang pag-iwas sa mga bagay o gawaing nakakapag-trigger ng karamdaman. Lalo lamang nitong palalalain ang pagkabalisa. Halimbawa, takot siya sa matatao o saradong lugar. Kung patuloy niya itong iiwasan, maaari itong mauwi sa agoraphobia, kung saan matinding napipigilan nito ang aktibidad niya at maepektuhan ang trabaho, relasyon, at kalidad ng buhay. Kaya, marapat lamang na harapin niya ito nang paunti-unti hanggang sa masanay siya at makatakas sa takot na iyon.
Nagagamot ang panic disorder sa pamamagitan ng medikasyon at psychological therapy. Dapat kumonsulta muna sa espesyalista upang mabigyan ng tamang gamot at maibigay ang angkop na terapi.
Ang mga gamot na ipaiinom sa kaniya ay panandalian lamang ang epekto. Hindi nito tatanggalin ang karamdaman kundi pakakalmahin lamang nito ang pasyente.
Ang cognitive-behavioral therapy naman ay makatutulong sa kaniyang pag-iisip at pag-uugali upang epektibong magamot ang panic disorder. Nakadisenyo ito upang tumulong na pagbutihin at baguhin ang hindi makatwirang dahilan na nagpapalala ng kanyang iniisip, at harapin ang kinatatakutang bagay o sitwasyon nang hinay-hinay. Halimbawa, takot siyang sumakay sa eroplano. Sa paulit-ulit na pagsasanay na harapin ang kinatatakutan niyang bagay, gawain o sitwasyon ay unti-unti rin siyang magiging komportable sa kaniyang ginagalawan at unti-unting mababawasan ang kaniyang pagkabalisa
Hindi madaling harapin ang takot, subalit sa teraping ito ay matututo siya ng mga teknik para kumalma siya at mabawasan o mawala ang pagkabalisa.
At anomang paraan ng paggamot sa panic disorder, napakahalaga ang aktibong partisipasyon ng kaniyang pamilya dahil sila ang magbibigay ng gabay at suporta para sa mabilis niyang paggaling. Patuloy din dapat siyang manalig sa Diyos upang malampasan niya ito.
Thursday, July 1, 2021
Ang Aking Journal -- Hunyo 2021
Hunyo 1, 2021
Maaga akong gumising kasi hindi ako nag-set ang alarm para sa online class, pero wala palang link. Hindi kami na-inform ni Ma'am Vi na may mga pagkakaabalahan din sina Ma'am Wy at Ma'am Amy. Tatlo silang hindi makakapagklase.
Natulog uli ako pagkatapos kong malamang wala munang online class. Okay naman ang mga estudyante dahil may mga sasagutan silang modules. Pagkatapos mag-almusal, nanguha ako ng tae ng baka. Then, maghapon na akong tahimik.
Hindi kami nagpansinan ni Emily. Nag-stay ako sa garden. Nanood ako sa Youtube. Past two na ako pumasok dahil mainit na sa puwesto ko. Then, nanood uli ako sa loob.
Past 4, umidlip ako.Pagkatapos magmeryenda, sa garden naman uli ako tumambay. Nanood uli ako sa YT.
Nag-chat siya. Hindi ko binasa, pero nasilip ko. Aniya, mag-usap daw kami kasi nai-stress siya. Bawal daw siya ma-stress. Kasalanan niya, nag-iisip siya ng masama. Jinudge niya na agad ako. Wala na akong dapat ipaliwanag sa kanya. Bukas, pupunta ako sa school para tumulong sa pag-print ng summative tests.
Hunyo 2, 2021
Past 4, gising na ako. Hindi naman ako kaagad bumangon para maghanda sa pagbiyahe ko. Mga past 4:30 na ako bumaba.
Past 5:30 naman ay umalis na ako ng bahay. Nagpaalam ako kay Emily. Hindi ko nagawa kagabi kasi nauna aking umakyat. May kausap pa siya sa cellphone.
Past 7:30, nasa school na ako. Naabutan ko na roon sina Ma'am Vi at Ma'am Madz. Nag-aalmusal sila. Ako naman, nagtimpla ang First Vita Plus. Pagkatapos nilang kumain, nagsimula na kaming magtrabaho. Nagpaturo kami kay Mang Bernie na mag-Riso. Hanggang 10:30, natapos namin ang aming task-- ang printing, sorting, and bundling ng summative tests. Iba talaga kapag tulong-tulong. Solid ang Grade Six.
Past 11, nag-lunch kami nang sabay-sabay. Sobrang saya. Extended ang kuwentuhan after kumain. Nanlibre pa ng haluhalo sina Ma'am Madz at Sir Joel. Nang umuwi ang mga kasama ko, naki-join ako sa Tupa Group.
Umidlip din ako roon.
At past 4, nagkayayaang kumain sa SamgyupSalamat. Nakasama sa amin si Ma'am Borbe. Sobrang busog ako sa mga kinain ko. Naumay din ako sa mga karne. Hindi kinaya ng tiyan ko.
Past 9:30, nakauwi na ako. Mabuti, hindi ako nabasa masyado ng ulan.
Hunyo 3, 2021
Dahil may bagyo, malamig ang panahon. nasarapan ako sa pagtulog. Sinadya kong hindi pumasok sa online class kasi alam kong mahina ang connection. Pero nagulat ako nang malaman kong 10:20 na ako nagsing. Kung hindi pa tumawag si Emily, hindi pa ako magigising.
Nagluto ako ng ginataang alimasag. First time ko, kaya hindi perfect. Gayunpaman, ginanahan ako sa pagkain.
Ngayong araw, medyo pinapansin na ako ni Emily. Nag-uusap na kami.
Hapon, gumawa ako ng worksheets para sa Quarter 4. Hindi pa kasi dumating ang mga modules. Nakagawa ako ng apat bago ako huminto. Bukas naman ang iba. Kayang-kayang matapos bago kami pumunta sa school para mag-Riso.
Hunyo 4, 2021
Pagkatapos ng online class, nagluto ako ng almusal. Nag-almusal na rin agad ako upang matapos ko na ang worksheets. Nagawa ko naman bandang 10:30, kaya naisipan ko namang maglaba. Naglalaba na ako nang ininis ako ni Emily sa chat. Ayaw niya talagang makipag-usap sa personal. Nainis ako. Wrong timing palagi siya. Hindi marunong tumingin ng sitwasyon. Nang matapos ako, tinawagan pa ako. Gusto na talagang makipag-usap. Pinagbigyan ko siya. Selos na selos siya sa mga co-teachers ko, lalo na sa isa, na sa hinagap ay hindi ko naisip na ma-fall. Nakakagalit! Magiging kahiya-hiya kami kapag nalaman pa nito ang pinag-aawayan namin.
Naglahad siya ng sama ng loob. Pinakinggan ko lang. Pero nang hindi ko na natiis, sinigawan ko siya dahil maingay na siya. Panay pa ang chat niya. Kung ano-ano pa ang paratang niya. Sabi ko, hindi na ako magpapaliwanag dahil hinusgahan na niya ako. Sinabi ko ring tumigil na siya kundi iba-block ko siya. Nabanggit pa niya ang support ko bilang asawa. Binilangan ko siya. Tinanong ko pa siya kung kulang pa ba. Ang hawak na cellphone niya na lang ay suporta ko na sa kanya, tapos hinahanapan pa ako. Shit!
Tumigil naman siya kasi kung hindi may mangyayaring hindi niya magugustuhan. Palalayasin ko talaga siya. Wala na talaga akong amor sa kanya. Hindi ma manunumbalik ang init ng pagsasama namin. Malamig na. Tama siya, may pader na sa pagitan namin. Sa dami ng masasamang experience ko sa kanya, hindi niya ako masisisi. Hindi ako perpektong asawa pero ibinigay ko lahat sa kanya ang mga pangangailangan niya mula ulo hanggang paa. Ang pinakaayaw ko sa kanya ay hindi niya ako pinaniniwalaang mga close friends ko ang mga pinagseselosan niya. Sobra siya. hindi na healthy ang woman's instinct niya. Mali na.
Hunyo 5, 2021
Before 7, bumangon na ako. Nakaalis na si Emily, pero nakapagluto pa siya ng almusal. Kaya nag-almusal na agad ako. Inasikaso ko ang mga sinampay dahil maganda ang sikat ng araw. Nag-gardening din ako. Then, naglinis ako kuwarto, sala, at kusina.
Dumating si Emily bandang past 12. Hindi ko alam na uuwi agad. Kaya naman, medyo sumikip ang bahay. Nag-stay ako sa kuwarto hanggang 5. Umidlip ako kahit mainit. Kahit paano, nakapagpahinga ako.
Hunyo 6, 2021
Late na akong bumangon upang mapag-aralan ko kung magbabago na si Emily. Dapat siya ang madalas na gigising nang maaga upang maghanda ang almusal. Nagawa naman niya, kaya pagbaba ko, kumain na lang ako.
Maghapon akong tahimik. Hindi pa rin kami nag-uusap. Okay lang naman. Hindi na bago ito. Maraming beses na siyang nagselos. Maraming beses na niya akong hinusgahan. Hindi ko nga alam kung bakit magkasama pa rin kami. Ayaw naman niyang magtiwala sa akin, gayong nakikita naman niya ang effort ko na manatili kaming buo. Nasa tahanan ko naman siya. Wala siyang hihilingan pa. Provided lahat. Pero kulang pa rin pala sa kanya. At ang masaklap, hindi ko malayang makipagkaibigan o makipag-chat. Para sa kanya, nakikipaglandian ako. Haist! Mapapa-haist ka na lang talaga.
Hunyo 7, 2021
Nahirapan kong makabuo ng tuloy-tuloy na tulog, kaya sa halip na 4:30 ako babangon, naging 6:30. Past 7 na tuloy ako nakaalis sa bahay. At 9:00 na ako nakarating sa school.
Marami nang nagawa sina Ma'am Vi, Ma'am Madz, at Sir Hermie nang dumating ako. Tapos, nag-almusal pa ako. Gayunpaman, marami pa ring gagawin. Gumagawa mga ako kahit nakikipag-meeting sa mga SBM Key persons.
Natapos naman namin iyon bandang 2 pm. Nakipag-bonding ako kina Papang, Rapunzel, Mamah, at iba pa, bago kami umuwi. Past 7, na nang makauwi ako.
Masakit ang likod ko dahil sa sobrang bigat ng bag. Andaming lamang pagkain at modules.
Hindi ko pinansin si Emily. May ginawa na naman siyang kasalanan sa akin. Chinat niya si Sir Hermie at nanghingi ng cellphone number. Chinat niya rin malamang si Ma'am Joann kasi nagkita kami ng huli sa school. Chat niya raw ako kasi may pag-uusapan kaming mahalagang bagay. Nakakahiya ang asawa ko! Problemang mag-asawa, kung sino-sino pa ang dinadamay! Pati kay Papang, nag-chat! Baliw na talaga! Wala na sa katinuan. Lalo ako mapo-fall out of love sa ginagawa niya.
Hunyo 8, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, nag-biking ako. Pag-uwi ko, may bitbit na akong halaman. Bumili ako ng Pink Chandang Aglaonema.
At dahil malamig ang panahon, halos maghapon akong nakahiga. Umidlip ako at manood sa Youtube. Na-enjoy ko na uli ang aking kuwarto. Hindi pa rin kami nag-uusap ni Emily. Okay lang naman sa akin.
Hunyo 9, 2021
Late na ako nag-almusal. Mga 9 am na siguro iyon. Ang sarap kasing mahiga dahil malamig.
After mag-almusal nag-bike ako. Hinanap ko ang ATM machine sa villa namin. May nag-post kasi sa FB group. Nahanap ko naman kaya lang nag-eerror. Pumunta na lang ako sa EPZA. Kailangan ko kasing malaman kung pumasok na ang sahod ko sa Google Adsense.
Nabigo ako nang pumindot ako sa ATM sa EPZA. Hindi pa pumasok. Mabuti na lang, may dala akong pera. Bumili ako ng mga sweatshirts sa ukay-ukay. Naka-worth P450 ako. Anim na piraso. Ang gaganda naman kasi. Sulit.
Naglalaba sana ako ng mga nabili kong damit nang mag-chat si Ma'am Nhanie. May pinare-revise sa akin ang St. Bernadette. Nainis at na-stress ako. Maghapon kong ginawa iyon. Halos minadali ko ang pagkain at pagligo para lang maipasa ko kaagad dahil deadline na. Good thing, naipasa ko bago gumabi. Naisingit ko pa nga ang pagbabanlaw ng binabad kong mga damit.
Para mawala ang stress ko, nag-karaoke ako pagkatapos kong magpasa ng revisions. Gusto pang magpatulong sa akin sa pag-revise ng Grade 5. Tumanggi lang ako. Wala naman akong mahihita. Bukas pupunta ako sa Pasay para i-claim ang PRC ID ko sa PICC.
Hunyo 10, 2021
Past 5, naghahanda na ako sa pag-alis. Past 6, nasa biyahe na ako. Past 8, hinahanap ko na ang PRC sa PICC.
Past nine, na-claim ko na ang license ko. Ang bilis lang ng proseso. Mas matagal pa ang paglalakad at pagpapahinga ko.
Past 10, nasa GES na ako para makipag-bonding sa mga kaibigan at para hintayin ang pagsisimula ng SBM validation. Lahat kaming involved at kasama sa iinterbyuhin ay kabado at tensed na. Lalo pa nga kaming na-tense nang magsimula na ang pagtatanong ng mga validators.
Apat na beses akong natanong. Lahat halos ng validators ay natanong ako. Nasagot ko naman nang maayos ang lahat. Pabor iyon sa aming principal.
Naging kapana-panabik ang mga eksena sa validation. Lahat ay nag-aasam na huwag matawag upang hindi matanong. Gayunpaman, nairaos namin iyon nang maayos. Sa tingin namin, satisfied ang mga validators. Nakita at naramdaman ko ang tuwa ng lahat, lalong-lalo na ang principal at SBM coordinator.
Past 8 na ako nakauwi. Pagod ako, pero masaya dahil naipakita ko sa mga kasamahan ko ang suporta.
Hunyo 12, 2021
Maaga akong nagising, kaya natanggap ko ang tawag ni Ma'am Vi. Kinausap niya kami ni Ma'am Wylene tungkol sa nalalapit na graduation. Kailangan na naming pag-usapan ito.
After niyon, nagluto ako ng almusal. Then, nadiskubre ko na pinagngangatngat ng daga ang dahon ng mga Aglaonema ko. Isang pricey variety ang kinalbo niyon para lang makagawa iyon ng pugad. Dahil sa malakas na ulan kagabi, wala na itong masilungan, kaya pati mga halaman ko ay sinira niyon. Nainis ako, kaya binuhusan ko iyon ng mainit na tubig. Sana mamatay iyon at mabuhay pa ang Pink Conchin ko.
After breakfast, sinumulan kong gumawa ng summative test. Past night, nalinis ako ng banyo bago naligo.
Past 10 na ako nakaalis sa bahay dahil umulan muna bagp ako nakalabas.
Past 1 na ako nakarating sa school. Kumpleto ang grupo namin, kaya ang saya-saya. Tinupad ko rin ang pangako kong ice cream, since nakapag-loan ako ng P35k sa coop. After kumain ng ice cream, nag-assort kami ng summative tests ng Grade 1. Inabot kami ng 6 pm doon.
Past 8, na ako nakauwi. Sobrang traffic kasi. Gayunpaman, masaya ako dahil naka-bonding ko ang aking mga kaibigan. Nawala kahit paano ang kalungkutan ko. Sa pagtawa, nawawala ang lumbay ko.
Hunyo 12, 2021
Araw ng Kalayaan ngayon, pero pakiramdam ko, hindi ako malaya. Nasasakal ako sa asawa kong paranoid. Haist!
Anyways, maaga akong nagising dahil sa ingay ng mga aso. Hindi naman agad ako bumangon. Pagkatapos ng mag-almusal, hinarap ko na ang paggawa ng summative tests. Naipasa ko naman bago magtanghali.
Nag-gardening ako sandali, bago nagbanlaw ng ilang damit kong nakababad lang sa tubig. Haist! I love my wife na talaga! Pagkatapos niyon, naglinis ako ng window glass na may acid rain marks. Ginamit ko na ang binili kong solution sa Lazada. Effective naman siya. Nahirapan nga lang akong isingit ako kamay ko sa grills. At kailangang banlawan agad. Matagal magpatuyo. Bukas naman ang ibang bahagi ng bintana.
Then, after lunch umidlip ako. Kahit paano yata ay nakatulog ako. Saka ako naligo. Pagkaligo ko, nanood ako sa Youtube. Then at past 5 hanggang past 7, nag-karaoke ako. Ang sarap kumanta. Feel na feel ko ang isang kanta tungkol sa ama. Naaala ko sina Mama at Papa. Naiyak ako nang sobra. Dahil doon, naisip kong sumulat nang tula sa Father's Day.
After dinner, bandang past 8 pm, nag-biking ako. Pag-uwi ko bandang past 10, saka ko nabasa ang chat ni Emily. Umiral na naman ang pagiging paranoid. Bakit daw ako nagba-bike? May tinatago daw ba ako? May katawagan daw ba ako? Matagal na akong nagba-bike sa gabi. At saka, anong katawagan? Wala ngang internet sa labas. Haist! Sarap sungalngalin ang bibig Andaming alam ng asawa ko. Ang sarap ding palitan. Nakakasawa na. Hindi na healthy ang pagseselos niya. Pagdududa na ang ginagawa niya. Nakakasira na ng respeto. Kaunti na lang...
Hunyo 13, 2021
Nakabenta ako ng First Vita Plus coffee kaya natuwa si Emily. Pinapansin na niya ako. Gusto pa niyang ipabenta sa akin ang iba niyang products. Actually, iyon naman talaga ang ginagawa ko. Ngayong araw na ito, nakahinga-hinga ako sa sama ng loob. Ang sarap sa pakiramdam. Sana tumigil na siya sa kakaduda.
Past 5:00, nag-karaoke ako. Seven-thirty na ako natapos. Ang sarap din sa pakiramdam. Nakakawala ng stress at kalungkutan.
Hunyo 14, 2021
Paggising ko, nakaalis na si Emily. Pupuntahan nila si Ate Jennylyn. Dapat papunta rin ako ngayon sa Pasay para magpabakuna, pero dahil kailangan ni Zillion ng kasama, hindi na ako umalis.
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Sumikat ang araw kaya inasikaso ko ang paglabas ng ibang halaman na matagal nang hindi naarawan. Dumating si Emily, bandang past 3, saka namang nagkaroon kami ng faculty meeting. Puro lang namang mga kalokohang trabaho ang pinagsasabi. Imagine, may journalism contest pa kasi patapos na ang school year.
Tapos, may LDM2 na naman. Hindi naman ipinaliwanag sa amin kung ano ang gagawin. Template lang ang binigay. Bahala na kami mag-interpret. Haist! DepEd nga naman.
Past 6, nag-karaoke ako hanggang 7:30. Then at past nine, nag-biking ako. Before 10, nakauwi na ako.
Hunyo 15, 2021
Umalis na naman si Emily para sa First Vita Plus business. Okay lang naman. Nag-order na siya ng almusal kaya no problem.
Nag-gardening ako after class. Hindi nga lang ako nakapagtanim dahil wala pa ako sa mood. Sinimulan ko naman ang paggawa ng LDM2. Hindi ko nga lang masyadong maintindihan ng gagawin. Wala naman kasing paliwanag mula sa mga heads. Pambihira talaga. Mabuti na lang, dumating na ang PBB, kaya medyo nabawasan ang inis ko.
After lunch, pumunta ako sa banko para i-withdraw ang performance-based bonus ko. Pagdating ko, nanood ko ng movie sa YT. Hindi ko nga lang natapos dahil inantok ako. Mabuti, nakaidlip ako kasi tahimik si Ion.
Past 6:30 na dumating si Emily. Past 9, nag-biking ako. Before 10, umuwi na ako. Nawala ang lumbay ko kahit paano.
Hunyo 16, 2021
Gumawa ako ng LDM2 pagkatapos ng online class. Nang mapagod ako sa kakaisip, naglinis naman ako ng banyo at nagdilig ng mga halaman. At habang nagpapahinga, gumawa naman ako ng powerpoint para sa aking vlog. Hindi ko nga lang natapos dahil inantok na ako pagkatapos maligo.
From 1:30 to past 4, umidlip ako. Hindi ko nga lang magawang matulog nang mahimbing dahil sa init, kati ng hinigaan kong carpet, at ingay. Gayunpaman, naipagpahinga ko ang utak ko. Nakaka-stress ang mga trabaho sa DepEd. Walang kapararakang evalution tool.
After meryenda, nag-try akong maglaro ng online games na may iniipong dollar. Susubukan ko kung maki-claim ko talaga ang $100 na sinasabi nila. Nakakainis lang dahil panay ads. Ang bagal makaipon ng pera. Nag-sign up na rin ako sa Paypal dahil doon nila ipapasok ng pera. Sana lang totoo.
Past 8, nakipagmiting ako with MT and Grade Six and Five tungkol sa LDM2. Kahit paano, naunawaan ko na ang gagawin namin.
Nine, nag-biking ako saglit. Mga thirty minutes lang.
Hunyo 17, 2021
Pagkatapos ng online class, hinarap ko na ang laptop ko para maunti-unti ko na ang LDM2 Practicum Portfolio. Nanghingi ako ng bagong template kay Papang kaya panibagong gawa na naman ako. Although, halos pareho lang, kinailangan kong mag-adjust. Gumawa rin ako ng DLP para maisama ko roon as MOV. Halos LDM2 lang ang nagawa ko maghapon, bukod sa pagdidilig ng halaman at paglilinis ng window glass. Nakapaglaro rin ako ng games sa cellphone. Fake ang napili kong laro. Huminto na sa $89.69, kaya maaaring hindi ko rin iyon mapakinabangan. Scammer amputa!
Past nine hanggang quarter to nine, nag-biking ako.
Hunyo 18, 2021
Sa umaga, hinarap ko ang paggawa ng LDM2, then sumulat din ako ng tula, na gagawing lyrics ng graduation song. Iniutos iyon sa akin ni Ma'am Vi.
Then, naglaba ako sa hapon. Hindi ako gumamit ng washing machine kaya matagal akong nakapagsampay.
Pakiramdam ko, fulfilled ako ngayong araw.
Nakipag-meeting pa ako sa mga kaguro ko sa Grade Six bandang 6:30 hanggamg 7:30. Pinag-usapan namin ang gradiuation. Sayang hindi matutuloy ang pictorial na plinano namin. Pinahinto ng principal. Approved na niya sana iyon. Haist!
Nag-biking din ako bago matulog. Sobrang pagod ko, kaya sa tingin ko, nakatulog agad ako.
Hunyo 19, 2021
Dapat ay online class pa rin ngayon. Naka-memo, pero dahil nagkasundo kami kagabi, hindi kami nagklase. Past 7:30 na ako nagising. Napakawalang puso ng pinuno ng DepEd. Pati Sabado, may klase. Anong problema niya? Akala namam niya naging effective siya. Palpak nga ang implementation niya. I doubt kung natuto ang 75% na mga leraners dahil sa mga walang katuturan nilang pinagagawa sa mga guro. Reports dito. Reports doon. Webinars dito. Webinars doon. Leche flan! Ang modules nga, hindi nila maisaayos, curriculum pa kaya. Tapos, kung makapag-impose ng Saturday classes, akala mo, sasapat iyon upang ma-cover up ang kakulangan nila. Haist! Nakakapang-init ng ulo.
Halos matapos ko na ang LDM 2 Practicum Portfolio. Hinarap ko kasi pagkatapos mag-almusal. Lalo na't umalis ang mag-ina ko. Natahimik at nasolo ako sa bahay. Nang dumating sila, inantok naman ako. Kaya lang, hindi naman ako nakatulog. Pinagalitan ko nga si Ion kasi bukas ang pinto ng banyo habang naliligo siya. Dinig na dinig ang tilamsik ng tubig. Bukod pa roon, antagal niyang maligo.
Nawala ang antok ko. Nang umalis sila, tinapos ko ang paggawa ng vlog. After ilang linggo, natapos ko rin ang nasimulan ko.
Then, sumulat ako ng spoken word poetry para sa Father's Day bukas. Irerekord ko iyon bukas.
Hunyo 20, 2021
Dahil Father's Day ngayon at umalis si Emily, nakagawa ako ng vlog. Nilapatan ko ng audio recordings ang spoken word poetry piece na sinulat ko kagabi. Sobra ang iyak ko habang ginagawa ko iyon. Superb! Kaya, proud kong pinost iyon sa FB page ko at pinost ko rin ng YT link sa FB ko.
Maghapon, nag-abang lang ako ng mga comments sa post ko at panay rin ang tingin ko kung nadaragdagan ang views ng new vlog ko. Kahit paano, may mga nanood. Ang iba, nag-like lang at nag-comment sa post ko. Mas mahalaga sana ang views.
Hunyo 21, 2021
Pagkatapos ng meeting sa amin ng principal, sinimulan ko ang paglilinis sa sala. Ginagawa ko iyon habang nakikipagmiting sa mga kasamahan ko sa grade level. Mabilis lang maman pareho ang meeting kaya maharap ko ang paglilinis.
Dumating si Kuya Emer bandang 11:30 kaya hindi ko muna tinuloy ang paglilinis. Dumating din si Ma'am Jenny after 20 minutes. Umidlip muna ako. Paggising ko, ako na lang ang tao. Kaya naman, sinamantala ko ang paglilinis. Natapos ko ang paglilinis sa sala at kusina. Pero, kailangan ko namang maglinis sa garden bukas. Naroon ang iba kong kalat.
Hunyo 22, 2021
Past 8:30 na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog. Tutal, asynchronous na ang mga gawain ng mga estudyante. After mag-gardening nang sandali, umalis ako para mag-withdraw. Nag-grocery na rin ako nang kaunti.
Hapon, pagkatapos kong manood sa Youtube, tinapos ko naman ang paglilinis sa garden. Bago dumilim, napaganda ko na uli. Hindi ko nga lang alam kung ano at saan ko ipupuwesto ang mga suiseki stones ko.
Hunyo 23, 2021
Pagkatapos naming magsagutan ni Emily ng mga sarcastic words, nag-gardening ako. Toxic na naman siya sa buhay ko.
Nahalata kong may grudges na naman siya sa akin. Pero, this time, I don't care na. Hindi na normal ang ugali niya. Akala mo talaga ay laging pinagkakaitan. Gusto pa parang sahuran ko siya. Sabi raw ni Zillion, bakit hindi ko raw siya binibigyan ng pera. Aysus! Ni sentimos nga, walang ambag ang nanay niya sa bahay. Lahat ng bills, ako ang umaako. Ang kinikita niya, para sa mga magulang at anak niya sa Aklan. Paano naman ang ina at mga anak ko sa Antipolo?
Minsan, gusto ko nang totohanin ang paratang niyang may kabit ako. Nakakasawa. Naghahangad maging sweet ako sa kanya pero sa hapag-kainan, hindi niya nga ako masalahuhan. Palaging wala sa dining table. Nasa sala. Paano naman 'yon?
Ayaw ko na lang magsalita. Tiyak ako, may rason na naman siya. Basta ako, masaya. Bahala siya ma-stress sa akin.
Maghapon at hanggang gabi akong nanood ng indie films. Nakadalawa yata ako. Parehong maganda. Past nine, umakyat na ako para makapagsolo na ako sa kuwarto.
Hunyo 24, 2021
Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Kahit paano, nawala ang stress ko. Then, maghapon na akong nananood ng indie films. Grabe! Ang gaganda ng mga mapanood ko. Nakaka-inspire.
Dahil sa pagkahumaling ko sa panonood ng mga indie films, hindi ako nakaidlip ngayong araw. Okay lang naman dahil sumaya ako, lalo na't okay na naman sa akin ang asawa ko.
Hunyo 25, 2021
Past 9:30, nang umalis ako sa bahay upang pumunta sa GES. Pagkatapos, iyon na manghiram si Emily ng P5,000 sa akin para kay Kuya Emer. Kailangan daw nito ng pambayad sa bahay.
Before 12, nasa school na ako. Agad akong nag-lunch ng binili kong pagkain. Hindi ko na naabutan ang kainan ng mga kasamahan ko.
Past 3, natuloy na ang group pictorial naming Grade 6. Nakakalungkot lang kasi hindi pa rin nakisama si Sir Alberto. Hindi siya ng dala ng uniform at blazer. Kaya naman, siya lang ang wala sa pictures. Mabuti pa si Papang, nakasama namin.
Then, naghintay kami sa magsusukat para sa school uniform namin. Instead na 3 pm ang schedule namin sa kanila, dumating sila ng 5:45. Nagalit tuloy si Ms. Krizzy.
Nag-down na ako ng P2,500 para sa apat na pares ng uniporme. Murang-mura na iyon.
Past 7 na kami nakaalis sa school. Past 8:30, nakauwi na ako. Mabuti, hindi masyado traffic.
Hunyo 26, 2021
Hindi ko na naabutan si Emily paggising ko. Pumunta siya sa First Vita Plus office. No problem naman kasi may almusal naman kaming kanin at pritong daing na bangus.
Past nine AM, pumunta ako sa bahay ni Mareng Janelyn upang ihatid ang pinadala ni Ate Jing sa kanya. Nagkuwentuhan kami roon nang ilang minuto.
Maghapon, wala akong halos nagawa kundi ang manood ng indie film, mag-chat, at mag-edit ng group picture naming Grade 6. Hindi naman ako nakaidlip dahil noong nakapikit na ako, tumawag si Emily. Ito talaga ang babaeng wrong timing. Hindi siya marunong tumiyempo.
Gabi na siya dumating. Mga pasado alas-7.
Past 8:45, nag-biking ako. Past 10 na ako umuwi. Nakaka-miss magbisikleta sa malayo, doon sa lampas ng Brgy. Bunga. Nami-miss ko na ang paghahanap ng suiseki stones, drift woods, halaman, at kung ano-ano pa. Sana magawa ko bukas.
Hunyo 27, 2021
It's Sunday! Ang mga nangyari ngayon ay parang kahapon. Magkakaiba lang ang pinanood ko sa youtube. Nakapag-gardening din ako. Iyon nga lang, wala akong in-edit.
Bukas, back to work na naman. Nagka-countdown na ako ng mga nalalabing araw ng school year. Gusto ko nang matapos itong nakaka-stress na distance learning modalities. At sana naman, bigyan kami ng mahabang pahinga. Huwag naman sana nilang gawing two weeks vacation at kainin pa ng InSET ang isang linggo.
Hunyo 28, 2021
Gumising ako ng 6:30am para sa online class, pero walang sinend na link si Ma'am Vi, kaya inisip kong wala. Natulog uli ako after na matiyak kong wala talaga. Past 8:30 na uli ako bumangon.
Pagkatapos mag-almusal, nag-gardening ako. Then, nagbabad ako ng mga damit ko. Second time ko nang naglalaba ng sarili kong damit upang makabawas sa pasanin ni Emily. Hindi na rin uli ako gumamit ng machine upang makatipid sa kuryente.
Hapon na ako nakapagbanlaw. Dalawang batches kasi ng babad ang ginawa ako-- mga puti at mga de color.
Hapon, umidlip ako, pero hindi rin nagtagal kasi mainit. Hindi tumuloy ang ulam. Sa halip, nanood na lang ako sa Youtube. Then, nagsimula akong magsulat ng tungkol sa Panic Disorder, na gagawin kong vlog.
Hunyo 29, 2021
Halos wala na naman akong nagawa maghapon kundi ang manood sa.Youtube. Gayunpaman, natapos ko na ang LDM 2 Practicum Portfolio ko. Ipapasa ko na lang before the due date.
Hapon, sinubukan kong umidlip pero hindi na naman ako nakatulog. Ganoon siguro kapag masaya. Ayon nga sa psychology, ang tao raw na tulog nang tulog ay malungkot.
Hunyo 30, 2021
Pagkatapos mag-almusal, nag-stay ako sa garden. Nakatutuwang pagmasdan ang mga halaman ko. Naiinis lang ako sa mga daga kasi hinuhukay nila ang mga lupa. Nagkakandatapon-tapon tuloy. Minsan, pa nga, namamatay ang halaman lalo na kapag hindi ko kaagad nakikitang wala na pala sa paso o hindi na nakabaon sa lupa.
Nagpabili ako kay Emily ng sariwang isda. Nag-crave kasi ako ng sinabawang isda.
Ako na rin ang nagluto. Tamang-tama parating si Kuya Emer. Matitikman niya ang luto ko.
Past 5, umalis silang magkapatid. May First Vita Plus event na pupuntahan si Emily, kaya mawawala siya ng ilang araw. Boot camp yata iyon. Magiging tahimik ang bahay at ang buhay namin ni Zillion.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Tibok ng Puso (Dula)
Tibok ng Puso Mga Tauhan: *Lydia *Brad Tagpuan: * Sa isang pamantasan Eksena 1: Labas. Sa mapunong...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...