Followers

Thursday, July 22, 2021

Samahan Ninyo Kami

SAMAHAN NINYO KAMI GES Grade Six Graduates (2020-2021) I. Ama, ina, pamilya, at mga kaibigan, Heto kami ngayon sa inyong harapan Nagpapasalamat at lubos nasisiyahan Sa inyong suporta, tulong, at kabutihan Dahil sa inyo, kami’y may patutunguhan Kaya naman… Koro: Samahan ninyo kami sa aming paglalakbay Ihatid hanggang sa dulo ng aming tagumpay Hawakan aming mga kamay At kayo’y maging tanglaw Sa aming edukasyon, sa aming pagsisikhay. Sa pag-abot ng pangarap na magandang buhay. II. Mga guro at mapagkanlong na paaralan Heto kami ngayon sa inyong harapan Ikaw aming labis na pinasasalamatan Sa mabubuting aral at pag-uugaling natutuhan Sa kalidad na edukasyong aming nalinang Kaya naman…

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...