Followers

Sunday, July 25, 2021

GOUT: Paano Iwasan at Lunasan

GOUT: Paano Iwasan at Lunasan

 Dumating ba sa point na bigla kang nagising dahil sa matinding sakit ng isang bahagi ng kasukasuan mo? At nahirapan kang igalaw ang mga ito?

Diyos ko po! Baka GOUT na ‘yan! 

Ano ba ang gout?

Ang gout ay isang uri ng sakit na kung saan namamaga ang kasukasuan (joint). Ito ay sanhi ng mataas na uric acid sa dugo ng tao. Kapag mataas ang uric acid, nakabubio ng mga uric acid crystals at naiipon sa mga joints, na siyang nagdudulot ng matinding kirot at sakit sa hinlalaki ng paa at iba pang mga kasukasuan sa kamay at tuhod.

Isa pang panganib sa pagkakaroon ng sobrang taas na uric acid ay ang pagkabuo nito sa dugo, na siyang dahilan kaya nagkakaroon ng kidney stones, kapag hindi naipalabas agad. Hindi man lahat ng taong may mataas na antas na uric acid ay nagkakaroon ng gout attack, maaaring pa rin niyang maranasan ang mga sintomas nito. 
May mga pagkaing nagtataglay ng mataas na uric acid, kaya maging maingat tayo sa pagpili ng ating kakainin. Ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa purine ay maaari ding magdulot ng gout, gaya ng isda, sardinas, at karne. 

Paano mo malalamang may gout ka?

Simple lang.

Sumasakit ang kasukasuan (joints), na kadalasang sa mga hinlalaki ng paa at kamay, gayundin sa tuhod. Tumatagal ang matinding pagsakit sa loob ng 1 oras hanggang 12 oras.

Namumula at namamaga ang kasukasuan mo. Maaari ding makaranas ka ng pangangati sa ilang bahagi ng kasukasuan mo.

Makararanas ka ng lingering discomfort. Kapag nawala na ang pananakit, posibleng makaranas ka ng kakulangan sa ginhawa sa ibang kasukasuan sa loob ng ilang araw o ilang linggo. Ang mga susunod na atake ay maaaring mas matagal pa kaysa sa nauna at mas makaapekto pa sa ibang kasukasuan.

Hindi ka masyadong makakilos dahil sa matinding sakit sa apektadong bahagi ng katawan.

Magiging iritable ka at bugnutin. Although, palatandaan ng pagkakaroon ng gout ang pamumula, pananakit, at pamamaga ng kasukasuan, hindi garantiya ang mga ito na sintomas nga ito ng gout.

Mas makakabuti ang pagpapakonsulta sa espesyalista upang makasigurado at mabigyan ng tamang kagamutan at lunas. Nagrereseta ang mga doktor ng mga pain relievers. Maaari mo ring ipa-check ang iyong ihi at dugo upang malaman mo kung potensyal ka sa gout attack.


Ang gout ay maaring matukoy sa pamamagitan ng blood testing, joint fluid test, at X-ray. Sa blood testing, sinusukat ang uric acid at creatinine levels sa dugo. Sa joint fluid test, kinukuha ang fluid sa apektadong parte ng kasukasuan at inoobserbahan ito gamit ang microscope. Sa X-ray naman masusuri ang kasukasuan sa pamamagitan ang imahe.

Ang gout ay namamana, pero maaaring maiwasan.

Iwasan mo ang pag-inom ng alak, lalo na ang beer at ang pagkain ng matatabang pagkain upang hindi tumaas ang iyong uric acid.

Umiwas o bawasan ang mga pagkaing mataas sa purine, tulad ng isda, sardinas, at karne.

Makabubuting magdagdag ka ng mga pagkaing mayaman sa protina sa iyong diet, tulad ng yogurt at skim milk.

Uminom ka ng maraming tubig upang mapababa ang panganib sa pagkakaroon ng kidney stones.

Panatilihin mong nasa wastong kondisyon ang katawan mo, kaya watch your weight.

Ugaliin mo ring kumain ng mga sariwang gulay at prutas.

Hassle ba? Walang time mamalengke o magluto?

Worry no more! Inirerekomenda ko sa iyo ang First Vita Plus Natural Health Drink dahil meron itong 5 Power Herbs o limang gulay (malunggay, saluyot, talbos ng kamote, uray, at dahon ng sili).

Ang dahon ng sili ay may kakayahan gaya ng pain relievers o anti-rheumatic at anti-arthritis.

Makatutulong pa ang pag-inom ng juice na ito sa pagpapalakas ng immune system mo, na siyang sariling doktor ng katawan.

Kung wala ka namang pambili ng gamot o pambayad sa konsulta sa doktor, may home remedies naman.

Maglagay ka ng yelo sa namamagang kasukasuhan. Makababawas ito sa pananakit at pamamaga. Ibalot lamang ang yelo sa tela at ipahid sa namamagang kasukasuan sa loob ng 20 hanggang 30 minutos.

Maaari mo ring itaas ang apektadong parte ng katawan sa unan, kung ito ay namamaga o sumasakit. Dapat ay mas mataas ito kaysa sa dibdib. Makababawas ito ng pamamaga.

Ipahinga mo rin ang sarili o kaya’y libangin ang sarili upang hindi ka ma-stress sapagkat nakadaragdag ito sa paglala ng gout. Manood ka ng mga palabas, magbasa ng libro, o kaya makipag-chat sa mga kaibigan.

Huwag mong ipagsawalangbahala ang mga sintomas ng gout dahil maaari itong mauwi sa malalang pananakit at joint damage. Kumonsulta ka na sa doktor kapag ikaw ay nakararanas ng lagnat habang sumasakit ang kasukasuan dahil maaaring ito ay isang impeksyon.

Kapag nasunod mo ang nabanggit na remedyo, siguradong ang GOUT mo ay maggo-GO OUT at makakatulog ka nang peaceful.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...