Followers

Saturday, July 31, 2021

Ang Aking Journal -- Hulyo 2021

Hulyo 1, 2021 Maaga akong gumising dahil pinapapunta ako ni Kuya Natz sa bahay nila upang tulungan siya sa paghahakot pabalik ng mga gamit nila. Tapos na ang construction-renovation ng bahay nila. Pinapunta niya rin si Bro. Joni. Past 7, nandoon na ako. Nauna lang ako nang kaunting minuto kay Bro. Joni. Maganda at malaki ang bahay ni Kuya Natz. High-ceiling pa. May ipapagawa pa siyang paupahan sa second floor. Pagkatapos ng almusal, nagbuhat-buhat na kami. Past nine-thirty tapos na kami. Nagkuwentuhan lang sandali at hinatid na ako ni Bro. Joni sa bahay. Napagod din ako kahit paano kaya nga bago at pagkatapos mag-lunch, umidlip ako. Napakatahimik ng bahay. Ang sarap matulog. Hapon, pagkatapos magmeryenda, nagtanim ako. May inayos din akong kalat ng mga daga. Binungkal na naman nila ang dalawang nakapaso kong halaman. Hulyo 2, 2021 Bago ako nakapag-almusal, sinagot ko muna ang tawag ni Ma'am Vi. Ibinalita niya sa akin ang update tungkol sa graduation programme, gayundin ang mga changes na ginawa niya. Pagkatapos niyon, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Bago ako magluto, nai-upload ko na iyon sa YT at FB page ko. Halos maghapon akong nanood ng pelikula sa Youtube. Umidlip lang ako mula 2 pm hanggang 4:30 pm Gabi, nagsulat uli ako. Sinikap kong mawala ang writer's bloc ko. Kailangan ko nang i-update ang wattpad novel ko para sa mga readers at followers ko. Hulyo 3, 2021 After ng almusal, binisita ko lang sandali ang garden ko, saka na ako humarap sa laptop. Nagsulat ako ng tungkol sa social anxiety disorder para sa gagawin kong vlog. Nang matapos ko, nanood na ako ng pelikula sa youtube. Dahil maulan ang panahon, nakatulog ako sa room bandang 1:30 hanggang 4:30. Ang sarap sa pakiramdam nang nakakapagpahinga. Nanaginip pa ako. Hapon, while having merienda, nanood uli ako ng pelikula. Nakakaadik kasi. Ang gaganda ng mga napipili ko. Past 7:30, nakipagmiting ako kay Sir Erwin at sa Grade 5 and 6 na hawak niya. Nakaka-stress ang mga gagawin namin. IPCRF at RPMS, na mga walang kabuluhan. Mabuti na lang na-inspire ako sa mga spoken words na napanood ko bago magsimula ang meeting. After meeting at bago ako umakyat, ipinagpatuloy ko ang panonood ng SWP. Gusto ko na ulit magsulat Hulyo 4, 2021 Ang tawag ni Emily ang nagabangon sa akin. Nasa gate na pala siya. Kinailangan kong bumaba upang pagbuksan siya. Gusto ko pa sanang matulog dahil malamig ang panahon. Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako ng aking kuwarto. Then, nag-print ako ng ilang artifacts n ilalagay ko sa aking RPMS. Pagkatapos, ginawan ko ng powerpoint presentation ang isinulat ko kahapon. Bukas, lalapatan ko iyon ng audio. Marami akong na-accomplish ngayong araw. Nadugtungan ko ang isinusulat kong chapter ng isa kong nobela, nanood ako ng mga tips sa pagsulat at pag-perform ng SWP, nanood ako ng pelikula at spoken word poetry. Kahit bago matulog, nanood pa rin ako. Nakakaadik. Nakaka-inspire. Hulyo 5, 2021 Marami akong na-accomplish ngayong araw mula paggising. Nakapagsulat ako ng article para sa gagawin kong vlog sa umaga. Sa gabi naman, nagawan ko ito ng powerpoint presentation. Bukas ko na ito lalapatan ng audio, kung may oras pa. Birthday kasi ni Ion bukas. Kailangan kong magluto ng carbonara. Siyempre, hindi ko pinalampas ang panonood sa youtube. Nanood ako ng SWP at movie. Pinanood ko ang 'Lord of the Flies.' Luma na ito at malabo na ang video, pero nagustuhan ko. Hulyo 6, 2021 Past nine na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog. Ang lamig. After breakfast, nagpa-vulcanize ako ng bike ko. Bumili na rin ako ng buko. Birthday ngayon ni Zillion. Nagluto ako ng carbonara. Nagpaorder din ako ng chicken, lumpia, at puto. Nagpagawa ako ng buko-fruit salad kay Emily. Kahapon, bumili na ng cake. Past 4, ready na ang lahat. Nakapagluto na ako. Umakyat muna ako at nagpahinga. Hinayaan ko na si Emily sa pag-entertain ng mga bisita. Kaunti lang naman ang invited. Andami pa ngang tirang pagkain. I know, maligaya si Zillion sa kaniyang 11th birthday. Masaya rin ako kasi masaya siya. Hulyo 7, 2021 Past nine na ako bumangon. Alam ko kasing may almusal na. Iinit na lang kaya hindi na mahihirapan si Emily sa paghahanda. Pagkatapos ng breakfast, gusto ko sanang mag-record ng audio para sa vlog ko, kaya lang maingay ang paligid. Nagwa-washing si Emily. Hindi ko naman nagawa sa hapon kasi nanood kami nh pelikula at umidlip ako. Gabi, tumambay naman ako sa garden. Hulyo 8, 2021 Past 8, after mag-almusal, nag-gardening ako. Gusto ko pa nga sanang bumili ng mga paso, kaya lang naisip ko ang mga gastos at gagastusin ko pa since birth month namin ngayon. Nauna na ngang mag-celebrate si Ion. Past 10, nang umalis ng mag-ina ko, nag-record ako ng audio para sa vlog ko. Nai-upload ko rin agad ito bago mag-lunch. Natutuwa naman ako kasi unti-unti nang lumalaki ang income ko sa Youtube per month. Last month, kumita ako ng $35+. Noong May, $32+ lang. Kaya naman lalo kong sisipagan sa paggawa ng makabuluhang vlogs. Pasasaan ba't mapapansin din nila ang halaga ng mga videos ko. After lunch, umalis ako para mag-withdraw at para bilhan si Emily ng regalo. Nakauwi ako bandang past 3:30. Nabilhan ko siya ng blouse at pantalon. Binilhan ko rin si Ion ng sweat pants. Siyempre, hindi ko kinuripot ang sarili ko. Bumili ako ng sling bag at sandalyas. May mga binili rin akong pagkain at kukutin. Gabi nagluto ako ng tuna-mushroom carbonara at naghanda ako ng nacho-salsa. Iyon na ang aming hapunan. Binigyan namin sina Ma'am Jenny. Maaga akong pumasok sa kuwarto kasi masakit ang ulo ko. Hindi ko nga natapos ang sinusulat kong tula. Gamit pa naman ni Ion ang laptop. Hulyo 9, 2021 Napuyat ako kagabi dahil masakit ang ulo ko. Nahilo ako sa carbonara sauce na ginamit ko sa pagluto. Si Emily ang bumili niyon. Sanay talaga akong gumamit bg Nestle Cream. Napilitan lang ako gamitin upang hindi masayang. Amoy na amoy ko ang chemical, pagbukas ko pa lang ng tetrapack at habang niluluto ko ang sauce, nahilo na ako. Hindi nga rin ako nakakain nang marami. Madaling araw na nawala ang sakit ng ulo ko. Haist! Hindi na ako gagamit niyon. Hindi pa naman expired. Sadya lang talagang marami ang kemikal na ginamit. Past 8, bumangon na ako. Sinimulan ko ang pagsulat ng article na gagawin kong vlog. Hapon, pag-alis ng aking mag-ina, nag-record ako ng audio upang mabuo ko na ang spoken word poetry ko para sa mga graduates. Nai-post ko na rin iyon sa FB page at YT ko. Nakapaglaba pa ako bago dumilim. Gabi, sinimulan ko naman ang paggawa ng powerpoint presentation ng vlog kong Separation Anxiety Disorder. Bago ako umakyat upang matulog, tapos ko na. Natutuwa ako kay Zildjian dahil nag-chat siya sa akin (kung siya nga talaga iyon). Humihingi siya ng pera para sa pambayad sa pagpapatuli niya. Nag-alok akong samahan siya, pero, aniya, sasamahan na siya ng tito niya. Hindi na ako nagpumilit. Padadalhan ko na lang siya bukas. Hulyo 10, 2021 Birthday ngayon ni Emily, pero umalis siya. May event silang mga FVP protegees sa Angat, Bulacan. Binati ko na lang siya sa chat at text paggising ko. Nakipag-online meeting ako sa Grade Six at kay Papang tungkol sa virtual graduation bago ako nag-record ng audio para sa vlog ko. Past 11:30, uploaded na iyon sa YT at Sir Pogi page ko. Nanood ako ng pelikula pagkatapos mag-lunch. Dalawa at kalahating pelikula lahat ang napanood ko ngayong araw. Hindi ko natapos ang pangatlo kasi 11:30 na. Alas-11 na dumating si Emily. Nakagawa rin ako ng isang powerpoint presentation na gagawin kong vlog bago ko pinanood ang pangatlong movie. Hahanapan ko pa ito ng oras upang malapatan ko ng audio. Hulyo 11, 2021 Dahil ala-una na ako natulog, nagpa-late naman ako ng gising. Mga 9 na nang bumangon ako. Maghapon akong gumawa ng vlogs. Nakapag-upload akong isa, nakapagsimula ng dalawa, at may naisulat pa akong isa. Naisingit ko rin siyempre ang panonood ng pelikula at pag-gagardening. Hulyo 12, 2021 Past 6:30 nang ginising ako ni Emily. Aalis daw siya. Sabi ko, aalis din ako. Nagpaalam na ako sa kanya kagabi. Wala namang problema. Kaya naman ni Zillion ang sarili niya. Past 8 na ako nakaalis. Nag-almusal muna ako. Past 10:30, nasa school na ako. Wala roon sina Ma'am Vi at Sir Hermie. Masakit daw ang puson ng una. May lagnat naman ang pangalawa. Nalungkot ako kasi akala ko ay makakapag-bonding kami. Naisip ko rin naman na nagtatampo si Ma'am Vi dahil pabago-bago ang plano at isip ng aming principal. Very late na ang paggawa namin ng video presentation para sa virtual graduation. Ang proposal namin noon ay hindi nito in-approve pero para ganoon pa rin naman ang gusto nito. Sa madaling sabi, tumulong ako para mabuo na ang video. Since naman naman si Ma'am Bel, na siyang emcee, sinamahan ko siya kay Ma'am Issa para masimulan na ang audio recording. Inabutan kami ng past 4:30 sa recording. Okay lang naman. At least, hindi nasayang ang pagbiyahe ko. Nakauwi ako bandang 8 ng gabi. Pagkatapos kong magkape, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog na sinimulan ko kahapon. Past 10:30, umakyat na ako upang manood sa Youtube. Hulyo 13, 2021 Nagdilig ako ng mga halaman at nag-gardening nang kaunti pagkatapos kong mag-almusal. Gusto ko sanang magbawas uli ng mga paleta, kaya lang marami pa akong dapat gawin. Since umalis ng mag-ina ko, makapaglinis ako sa sala at kusina. Nagpunas ako ng sahig. Napunasan ko rin ang hagdan at kuwarto ko. Nagagawa ko lang ito kapag solo ako. Then, hinarap ko na ang paghahanda ng lunch. Kaya lang, nagkaroon kami ng emergency online meeting dahil sa reklamo ng isang parent tungkol sa toga. Nawindang kaming Grade Six teachers. Kasalanan ito ng principal dahil hindi niya pinayagan ang proposal naming pagsuotin ng graduation gown ang lahat ng Grade Six pupils para mapiktyuran namin. Na-solve naman bandang 12:45. Pinag-decide namin siya. Ang desisyon: Ipapamudmod ang grad gown pero hindi naman gagamitin ang picture sa virtual graduation video. Haist! Dumating ang mag-ina ko bandang 2, kung kailan antok na antok ako. Bad trip ako. Nasungitan ko tuloy si Emily. Paano kakauwi lang galing sa pagpi-First Vita Plus, pero iyon pa rin ang gagawin. Hindi pa nga sila kumain. Inukopa pa nila ang laptop ko kaya pending din ang pagba-vlog ko. Hinayaan ko na lang. Naligo ako at nagsimulang mag-podcast. Nagustuhan ko naman iyon. Nakagawa ako ng 13 podcasts bago ako nag-dinner. Late na ang dinner ko kasi nakipagmiting panako kay Ma'am Vi tungkol sa deliberation daw ng honor students. After niyon, pinayuhahan ko si Emily na tumigil na sa FVP kung hindi na siya masaya sa ginagawa niya at kasamahan niya. Kahit ako napapagod na sa katitingin sa kanila. Sunod-sunuran na silang mag-ina sa mga uplines nila. Tapos, wala naman silang nahihita. Panay ang speaker nila, halos araw-araw may webinar. Nauubos ang oras nila. Sabi ko, trabahoin nila ang Zillion of Champions, huwag ang grupo ng iba. Naunawaan ako ni Emily, kaya hihiwalay na siya. Good! Sana makita niya ang magandang pagbabago sa negosyo. Ayaw kong nakakarinig ng kuwento niya na nagrereklamo siya sa mga kasamahan niya. Hulyo 14, 2021 Parang tulad ng mga nangyari at mga activities kahapon ang mga nangyari at ginawa ko ngayong araw. Nagdilig ako ng mga halaman. Gumawa ng podcasts. Nagsulat. Etc. Ang kaibahan lang, nagkaroon kami ng late na deliberation ng mga honor students. Na-highblood ako nang tumawag si Papang. Naging judgmental tuloy ako. Very late na kasi. Ilang araw na lang graduation na, saka pa nag-deliberate. For documentation purposes lang naman. Gayunpaman, masaya ako ngayong araw. Marami akong na-accomplish. Nine-thirty, nanonood ako ng pelikula Youtube. Hulyo 15, 2021 Alas-9 na ako bumangon, kaya mainit na nang naglinis ako sa garden. Okay lang naman dahil kahit paano ay may accomplishment ako. Ngayong araw, nasa Chapter 50 ng nobelang 'Red Diary' na ang nagawan ko ng podcast. Nakaka-enjoy! Sana nga lang maganda ang speaking voice ko-- iyong hindi parang paos. Hindi bale na... Ang mahalaga, nakagagawa ako ng ikaliligaya ng puso ko. Malay ko rin ba kung nakatutulong pala ang mga podcasts ko sa iba. Pinayuhan ko ang mag-ina ko ngayong araw na itigil na ang pagtanggap ng speaking engagement at magpokus na lang sa pagpapalago ng 'Zillion of Champions.' Agree na naman sila, lalo si Emily. In fact, tinuruan ko silang gumawa na lang ng video na magagamit nila sa mga prospects. Multi-purpose pa dahil maaari nilang i-upload sa Youtube at i-post sa FB page. Kumpara naman sa panay ang Zoom meeting or webinar nila nang wala namang silang mapapala. Paulit-ulit lang na pagsasalita. Hulyo 16, 2021 Nine-thirty, bumiyahe na ako palabas ng Cavite para tagpuin ang Tupa Group sa Dampa. Doon ko sila iti-treat. Na-late ako ng dating kasi nag-almusal muna ako sa PITX. Okay lang naman kasi nakapag-order na sila. Walo na kami sa Tupa Group. Bagong member si Ma'am Mel. Natutuwa ako dahil parami na kami nang parami. Ang dami naming pagkain kaya sobrang solb. Ang saya pa ng aming kantahan. Worth it ang gastos ko. Sobrang saya ng 41st early birthday celebration ko. Halos ayaw na naming umuwi. Past 5 na kami natapos. More than P10,200 ang bill. Nahiya ako sa kanila kasi kulang ang dala kong pera. Nag-share sila ng P700. Mabuti na lang may mga naibalot sila pagkain. Ayaw naman nilang bayaran ko na lang through GCash. Okay na raw iyon. Past 8 na ako nakauwi sa bahay. Masayang-masaya ako, hindi lang dahil sa celebration ko, kundi dahil napanood ko ang virtual graduation ni Hanna. Nakatanggap siya ng karangalan. Naluha ako sa tuwa. Worth it! Nakaka-proud pala kapag honor student ang anak mo. Binati ko si Hanna sa chat. Nabasa niya kaagad at nag-reply siya. Bago ako natulog, pinanood ko muna ang karugtong ng pelikulang pinanood ko kagabi-- ang 'Stranded Swiss Family Robinson.' Ang ganda ng pelikulang ito! Hulyo 17, 2021 Past six, nasa bahay na ako ni Kuya Natz para tumulong sa paglilinis at pagbubuhat. Mas nauna akong dumating kaysa kay Bro. Joni kaya may isang oras kaming kuwentuhan habang nagkakape. Nang dumating siya, saka kami nag-almusal na tatlo. Past 9:30, tapos na ang task namin. Nagmeryenda uli kami. Tapos, may pinagawa pa ang mag-asawa kay Bro. Joni-- drilling tasks. Nag-assist naman ako. Pagkatapos, umuwi na ako. Alam kong may surprise na ginagawa si Emily para sa akin kaya umalis siya before lunch. Dumating naman si Kuya Emer. Past 2, umidlip ako hanggang past 5. May mga bisita na-- mga uplines namin. Past 6 na dumating sina Sir Aris, Sir Elvis, at iba pa. Nag-potluck sila para may handa kami at may pagsasalo-saluhan. Kinantahan kami nila ng birthday songs at pinag-blow ng cake. Habang kumakain, ni-play ni Ma'am Jenny ang surprise video presentation nila para sa akin. Nasorpresa ako kasi napagsalita nila sina Jano at kids niya, si Mama, si Mama Roselyn, at ang mga kasamahan ko sa Grade Six. Hindi pa man buo ang video pero nagustuhan ko. Before 10, umuwi na ang mga bisita. Medyo namublema na naman kami sa dami ng tira. Ang hirap magtago at mag-imbak ng mga tira-tira. Hulyo 18, 2021 Hindi maganda ang araw ko ngayon. Sinira ni Emily dahil pagkagising ko, nagkasagutan kami tungkol sa mga nangyari kahapon. Hindi ko talaga gusto ang party sa bahay lalo na kapag hindi ko naman ka-close ang mga bista. Bukod doon, ayaw ko ng maraming tira at nasisirang pagkain. Maghapon akong nag-stay sa kuwarto ko. Pagbaba ko, sinermunan ko na naman siya dahil panay na naman ang pakikipagmiting sa mga uplines niya. Kahit paano naunawaan niya ang gusto kong gawin niya-- ang magpokus sa grupo namin. Pinagsisilbihan niya ang mga upline, samantalang napapabayaan niya ang nga downlines. Sana gawin na niya ang mga payo ko. Makabubuti naman lahat ng mga iyon sa Zillion of Champions. Nagkagawa ako ng vlogs at podcasts ngayong hapon at gabi. Kahit paano, naging produktibo naman ako. Hulyo 19, 2021 Birthday ko ngayon. Forty-one na ako. Masaya naman ako kahit hindi kami maghahanda ngayong araw. Okay na ako sa birthday celebration ko with my Tupa friends. Isa pa, pareho kaming may lakad ni Emily. Magpi-pay in siya sa First Vita Plus. Ako naman ay kukuha ng National ID. Twelve noon, umalis ako patungong SDO Pasay. Naroon na ang ilan kong mga kaguro. Matagal akong natawag. Mga past 3:30 na yata iyon. Kaya past 4 na ako nakaalis doon. At dahil nagutom ako, nagmeryenda muna ako sa PITX bago ako bumiyahe. Past 7 na ako nakauwi. Nauna pa ako kay Emily. Thank you, Lord for giving me another year! Thank you rin po sa mga blessings! Hulyo 20, 2021 Naglaba ako pagkatapos kong mag-almusal. Then, tinuruan ko sI Emily na mag-record ng audio para sa kaniyang gagawing vlog. Isa rin itong paraan para i-motivate siya na kumilos para sa Zillion of Champions. Desidido na ring umalis sa kamay ng kaniyang mga uplines. Ngayong araw, nakagawa rin ako ng podcasts, nakasulat ng artikulo about Constipation, at nakagawa ng powerpoint tungkol dito. Bukas, kapag tapos na si Emily, lalapatan ko iyon ng audio. Hulyo 21, 2021 Nagpa-late ako ng gising, hindi lang dahil masarap matulog at malamig ang panahon, kundi dahil alam kong may maghahanda ng almusal-- si Kuya Emer. Hindi ako nagkamali. Pagbangon ko, may nakahain na. Sabay-sabay na nga kaming nag-almusal. Dahil maghapon ang pag-ulan, hindi ako nakapag-gardening. Sa halip, gumawa ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs ako ngayong araw. Nakagawa rin ako ng mga podcasts. At natulungan ko si Emily na matapos at mai-upload sa Youtube ang video ng First Vita Plus Product Presentation niya. Iyon na ang gagamitin niya sa paghahanap ng prospects, sa halip na maging speaker nang paulit-ulit sa Zoom. Sana mapatunayan naming effective ang gagawin namin at ginawa niyang pag-alis sa kamay ng mga uplines. Bukas nga, gagawan ko siya ng isa powerpoint presentation. Marketing presentation naman. Hulyo 22, 2021 Dahil panay ang ulan, hindi ako makapag-gardening. Hindi rin ako makapag-biking. Okay lang naman dahil kailangan kong tulungan si Emily sa kanyang Youtube. Gusto kong ma-monetize na rin siya. Kaya, ginawan ko siya ng powerpoint na kanyang lalapatan ng boses. Kahit matigil na muna ang paggawa ko ng akin, basta masigurado ko lamang na maging interesado na siya sa pagba-vlog habang ginagawa ang negosyo ng First Vita Plus. Isa rin iyong paraan upang mapatunayan niyang tama anh desisyon niyang pag-alis sa pagiging speaker sa mga group ng aming uplines. Ako rin naman kasi ang labis na nakapaghikayat sa kanya na gawin iyon. Hulyo 23, 2021 Alas-otso ako bumangon kahit napuyat ako sa lakas ng ulan kagabi. Hinarap ko agad ang paggawa ng powerpoint tungkol sa fatty liver. Inspired na inspired ako upang ma-motivate ko rin ang mag-ina ko na ituloy ang pagba-vlog habang nagpi-First Vita Plus. Tinulungan ko si Emily sa paglalapat ng audio kaya bago gumabi ay nai-post at nai-upload ko na ang video. Si Ion naman ang pinag-record ko. Umakyat ako para hindi siya ma-intimidate. Gumawa naman ako ng podcasts. Gabi, sumalat naman ako ng tungkol sa gout. Pagbalik ko, galing sa Batangas, gagawan ko naman iyong ng PPT. Si Emily na lang ang maglalapat ng audio sa mga FVP vlogs. Ako naman, magpopokus na lang sa academic vlogs. Nine, naghanda ako ng mga isusuot ko bukas sa pagpunta sa Batangas. Titingin ako roon ng loteng for sale. Kasama ko ang kaibigang kong call center agent na si Bernard. Sana tumigil na ang pag-ulan. Past 12:30 nasa SM Lipa na ako. Kumain muna ako sa food court doon, saka naglibot-libot ako. May magagandang landmarks na naka-tarpaulin. Nag-selfie ako sa mga iyon habang hinihintay ang friend ko. Before 2, nagkita na kami. Nag-insist siya na kumain kami, pero hanggang milk tea lang ang pinili ko. Then, bumili kami ng alak at pulutan. mag-iinom daw kami bukas. Pagkatapos, bumiyahe na kami patungong Lemery. Pagbaba namin sa dyip, nagpaluto siya ng lomi. Masarap sanang kainin iyon habang mainit pa, pero malamig na iyon nang nakain namin kasi natagalan kami sa pagpapatila ng ulan. Sobrang lakas at sobrang tagal tumigil kaya napilitang akong bumili ng payong. Basang-basa kami pagdating sa apartment nila. Matagal kaming nagkuwentuhan ni Bernard bago kami natulog. Sabi ko sa kanya, mamamahay ako. Sabi naman niya, malakas siyang humilik. Tama nga siya. Hulyo 24, 2021 Pagkatapos magkape, bandang 8, naglakad-lakad kami ni Bernard para tingnan kung may for sale na lote. Nagustuhan ko ang lugar nila. Gusto ko talagang makabili ng lupa roon. Then, pinuntahan namin ang sapa na may mini-falls. Nag-video ako for vlog. Na-enjoy ko ang trekking namin kahit umaambon, madilim, at maputik. Maganda rin ang place. Hindi nga lang ako nakaligo kasi malamig. Na-enjoy ko naman. Nakakuha pa ako ng mga halaman. Sayang, wala akong nadalang suiseki stone. After namin sa sapa, niyaya ko siyang kumain ng lomi. Since wala pa kaming inalmusal, magba-brunch na lang kami. Ang problema, walang kanin sa pinakamalapit na kainan, kaya sa palengke ng Lipa pa kami napadpad. Magastos sa pamasahe pero nag-enjoy kami. Wala kaming dalang payong kasi gusto naming maligo sa ulan. Nakabalot lang ng plastik ang cellphone at coin purse ko. Good thing, nakarating ako sa simbahan ng Lipa. Kompleto na ang pagbisita ko. May souvenir picture na ako. Sa isang maliit na karinderya kami dinala ng tricycle driver. Okay naman ang food. Marami kaming inorder, pero wala pang P200 ang binayaran ko. Mas mahal pa ang pamasahe namin back and forth. Nakakatuwa. Sobrang busog pa ako. Bago kami umuwi sa bahay, naglakad-lakad pa kami. Lalo kong na-appreciate ang lugar na iyon. Parang ang taba ng lupa. Ang sarap magtanim. Pagdating, nag-confide siya tungkol sa past niya. Naikuwento niyang nag-suicide siya before. Napaka-interesting ng life niya. Then, hinikayat ko na siyang uminom ng First Vita Plus. Positive naman siya, kaya sa August 13 ay bibili siya. Ititigil na rin niya ang paninigarilyo. Bandang 4, niyaya ako ni Bernard na uminom sa bahay ng kapatid niyang si Anthony. Okay naman ang reception sa akin. Napakitunguhan ko naman. Napaka-cool nga, e. Kahit online gamer, naka-relate ako sa iba nitong mga hilig. Past 5, tapos na naming inumin ang The Bar. naglakad-lakad uli kami bago umuwi. At bumili ng mauulam, kasi wala nang pagkain sa eatery. Malas kami sa karinderyang iyon, laging wala kaming naaabutan. Habang nagluluto ng corned beef at naghahapunan, nagkuwentuhan kami tungkol sa buhay ko. Na-moved siya sa mga confessions ko. Sabi ko sa kanya, mas nakaranas ako ng hirap kaysa sa kanya, pero never kong inisip na magpakamatay. I know, nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hulyo 25, 2021 Napuyat ako. Sa ikalawang gabi yata ako namahay. Past 6, bumangon na ako at naghanda para umuwi. Past 7:15, nasa bus na ako. Wala pang 1 and a half hour, nasa PITX na ako. Nakakabiton ang biyahe. Na-miss kong bumiyahe papuntang Bicol. Bago ako sumakay ng bus patungong Tanza, nag-almusal muna ako sa Chowking. Ang paborito kong mami at siopao ang order ko. Kaya pagdating ko, umidlip muna ako. Hapon na ako nakagamit ng laptop. Gabi ko na natapos, eedit ang vlog ni Emily. Habang gumagawa ako ng bagong vlog, nakioag-chat ako sa mother ni Bernard. Although, intimidating noong una, naunawaan ko naman siya after niyang mag-explain. Naging maayos naman ang convo namin. Teacher din siya. Nagturo siya sa Brunei before, kaya intellectual din siya. Hulyo 26, 2021 Naglaba ako ng mga doormat dahil nagpakita na ang haring araw. Pagkatapos iyon na maihanda ko ang powerpoint na lalagyan ni Emily ng audio. Pagkatapos kong maglaba, tapos na rin si Emily. Pinost ko agad iyon at gumawa uli ako ng bago. Before two pm, pumunta ako sa banko upang ipa-encash ang FVP checks ko, worth P4,080. Pagbalik ko, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng powerpoint para gawing vlog ni Emily. Naisingit ko rin ang paggawa ng podcast, habang nagrerekord siya. Bago ako natulog, nanood muna ako sa YT ng series at full movie. Nakaka-miss ang ganitong activity. Hulyo 27, 2021 Maaga akong nagising dahil sa pagbuhos ng ulan. Grabe! Ang lakas na naman Walang kasawa-sawa. Mabuti, pinatikim kahapon ng sikat ng araw ang mga halaman ko. Kahit paano ay natuyo ang lupa sa mga paso. Past 8:30, umattend ako sa online meeting ng GES Faculty. Nakaka-stress lang. Kababakasyon lang, trabaho agad ang nasa isip. Brigada Eskwela. Forms. Enrollment. Haist! Walang respeto ang mga heads. Magjapon akong gumawa ng powerpoint about First Vita Plus. Natambakan na si Emily ng lalapatan niya ng audio. Past 2, nag-chat ang asawa ni Taiwan na si Lizbeth. Humihingi ng tulong kasi nakulong ang kapatid ko. Kinasuhan at pinadalhan ng subpeona ng dating amo dahil sa alleged qualified theft. Dahil hindi nakadalo sa hearing, ipinahuli sa pulis. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nagtanong ako sa Tupa friends ko. Kahit paano, responsive sila. Tinawagan pa nga ako nina Ma'am Mel at Ms. Krizzy. Nakakawindang! Akala ko nga noong una, hindi legal ang pagdakip kasi walang hard copy ng warrant of arrest at hindi nakauniporme ang pulis na sumundo. Nakumpirma naming nakakulong nang pinuntahan ni Flor sa presinto. Awang-awa ako sa kapatid ko. Kaya kahit malaking halaga ang P15k na hinihinging piyansa, okay lang. Mabuti nga, nagawan ng paraan ni Flor na pababain. From P44k, naging P15k. Kaya, bukas, magpapadala ako ng P16k. May dagdag na para sa panggastos ni Flor. Grabe! Hindi ko ma-imagine na nangyayari ito kay Taiwan. Hulyo 28, 2021 Past 9:30, naghanap ako ng Smart Padala upang maipadala ko kay Flor Rhina ang P16k na pampiyansa at panggastos niya. Paat 10:30 na nang maipadala ko. Saka lamang din siya nakapunta sa presinto upang ipa-process ang temporary liberty ni Taiwan. Kahit paano, nakahinga ako nang maluwag. Umasa akong makakalabas na siya ngayong araw. Kaya lang, nalaman ko kay Flor na may iba pang proseso bukas, kaya matutulog uli si Tai sa kulungan. Nalungkot ako. Mas lalo akong nalungkot nang malaman kong nakatikim si Taiwan ng pananakit mula sa mga preso. Hindi na nga nakarating sa kanya ang pagkain, sinaktan pa. Sobrang awa ko. Awang-awa pa ako nang sinend sa akin ni Jano ang mug shots niya. Kriminal na kriminal ang turing sa kanya. Hindi pa nga napatunayan. Gusto kong maiyak. Nang ishinare ko iyon sa aking mga close friends at mag-ina ko, kahit paano nabawasan ang negative kong emosyon. Sana bukas makalaya na siya. Gusto ko ring makapagplano na siya para sa pagharap sa kaso. Kailangan niyang lumaban. Ang balita ko, wala siyang ginawag pagnanakaw. Galit lang sa kanya ang Intsik na amo. Gabi, nang nag-text si Epr naikuwento ko tuloy sa kanya ang tungkol kay Taiwan. Nagulat din siya. At ang payo niya, lumapit kay Tulfo. Hulyo 29, 2021 Pgakagising ko, hinarap ko na ang paggawa ng powerpoint or vlog. Inspired na inspired akong tulungan si Emily. Maghapon kong ginawa iyon. Naisingit ko ang paggawa ng podcasts habang magrerekord ng audio si Emily. Maghapon din akong nagmakaawa sa Diyos na maayos na ni Flor ang paglaya ni Taiwan. Past 3, nalungkot ako sa balita niya. May papalitan daw na clearance. Naabutan ng cut-off, kaya muli na naman akong naawa kay Taiwan. Subalit, kinalaunan, naisip ko na lang na kagustuhan iyon ng Diyos. Alam kong tinuturuan Niya si Taiwan. Naaawa rin ako kay Flor. Sobra ang sakripisyo niya. Iniwan niya ang mga anak niya at ang tindahan niya para lang maasikaso niya ng paglaya ni Taiwan. Bumilib ako sa kanya. Kaya niya ang mga ganoong proseso. Matiyaga siya. Matatag. Sana, marami na rin siyang natutuhan. Hulyo 30, 2021 Dahil umaraw na, naglaba si Emily. Binanlawan ko rin ang basang carpet. At maghapon, gumawa ako ng vlogs. Marami akong natapos. Nasimulan ko ngang lagyan ng boses ang 'Alamat ng Parang' at isinali ko pa ang aking mag-ina. Game na game naman sila. Masyado lang maingay ang paligid kaya hindi kami makatapos ng marami. Past 5, ibinalita na sa akin ni Flor ang paglabas ni Flior. Halos maiyak ako sa tuwa. Gabi, pinasalamatan ko ang mga tumulong kay Flor para mapadali ang paglabas ni Taiwan. Ang isa sa kanila ay kaapelyido namin, na isang barangay kagawad. Naka-chat ko pa. Gabi, bago matulog, nag-record kami ng audio. Medyo mali-mali na kami kaya ipinagpabukas na namin. Hulyo 31, 2021 Dahil maganda na ang panahon, sinimulan ako ang pag-aayos sa garden. Tinanggal ko na ang mga paleta. Naniniwala akong luluwag ang garden kapag nawala ang mga iyon. At dahil kailangan kong gumawa ng vlog, h naka-hang ang garden renovation ko. Hindi ko rin naman talaga kayang tapusin sa isang araw. Marami akong nagawang vlogs ngayon. Natulungan ko rin si Emily sa pagpaparami ng subscribers niya. Sana lang, pagbigyan ako ng mga estudyante.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...