Followers

Friday, July 9, 2021

Separation Anxiety Disorder

Takot ka bang iwanan ng iyong mahal? Nababalisa ka ba kapag nawala o nalayo sa iyo ang isang mahalagang tao o bagay? Naku! Baka sintomas na iyan ng Separation Anxiety Disorder. Ang Separation Anxiety Disorder ay naglalarawan ng mga damdamin ng isang indibidwal na paulit-ulit at labis na pagkabalisa na nauugnay sa kasalukuyan o paparating na paghihiwalay mula sa isang tao o isang bagay na nagbibigay sa indibidwal ng ginhawa. Ito ay madalas na nangyayari sa mga bata, ngunit maaari ding maranasan ng matatanda. Ito ay maaaring pangmatagalan at patuloy na pagkabalisa sa mga panahon hanggang anim na linggo. Ang mga indibidwal na pinahihirapan ng karamdamang ito ay nakararanas ng labis na pagkabalisa. Ang Separation Anxiety Disorder ay isang normal na bahagi ng pag-unlad ng pagkabata. Karaniwan itong nangyayari sa mga sanggol sa pagitan ng 8 at 12 buwan ang edad, at kadalasan ay nawala pagdating ng edad 2. Ito ay maaaring bumalik, depende sa mga susunod na pangyayari at sitwasyon. Ang mga sintomas ng separation anxiety disorder ay nangyayari kapag ang isang bata ay nahiwalay mula sa mga magulang o tagapag-alaga. Ito ay maaaring maging sanhi ng mga pag-uugali na may kaugnayan sa pagkabalisa. Kumakapit siya sa mga magulang kapag aalis ang mga ito. Matindi ang kaniyang pag-iyak. Nakararanas siya ng pisikal na karamdaman, tulad ng pananakit ng ulo o pagsusuka. Siya ay marahas, may emosyonal na tantrums, at tumatangging pumasok sa paaralan. Mahina ang performance niya sa paaralan. Bigo siyang makisalamuha sa ibang mga bata. Tumatanggi siyang mag-isa sa pagtulog o iba pang Gawain. Binabangungot siya. Ang separation anxiety disorder ay nagmumula sa iba’t ibang dahilan. Ang isang bata ay maaaring matukoy na may karamdamang ito kapag siya ay mula sa isang pamilya na may history of depression; may mahiyaing personalidad; mula sa mababang kalagayan ng socioeconomic; sobrang protektado ng mga magulang; may kakulangan sa pakikipag-ugnayan ng (mga) magulang; may mga problema sa pagharap sa mga batang kaedad niya; o dumaaan sa traumatic na kaganapan sa buhay tulad ng switching schools, diborsiyo ng mga magulang o pagkamatay ng isang malapit na miyembro ng pamilya. Matutukoy ang batang may separation anxiety disorder kapag siya ay nakararanas ng tatlo o higit pang sintomas. Maaaring magdagdag ang doktor ng mga pagsusuri upang kumpirmahin ang diagnosis. Maaari din niyang obserbahan ang bata at mga magulang upang makita kung nakakaapekto ang kanilang ugnayan sa pagkabalisa ng bata. Nagagamot ang separation anxiety disorder. Sa pamamagitan ng therapy, matutulungan ang pasyente na makitungo sa pagkabalisa sa positibong paraan. Ang cognitive behavioral therapy (CBT) ay ang pinaka-epektibong therapy. Sa teraping ito, tuturuan ang batang pasyente ng mga coping mechanisms sa pagharap at pagtugon sa separation anxiety. Ilan sa mga paraang ginagamit dito ay ang malalim na paghinga at pagpapahinga. Kasama ang mga magulang sa pagsasagawa ng CBT. Sila ay may papel na gagampanan sa terapi dahil titingnan ng doktor ang pakikipag-ugnayan ng mga magulang sa anak. Ang CBT ay may tatlong pangunahing yugto ng paggamot—ang child-directed interaction (CDI), bravery-directed interaction (BDI), at parent-directed interaction (PDI). Ang Child-Directed Interaction (CDI) ay nakapokus sa pagpapabuti ng kalidad ng relasyon sa magulang at anak. Palalakasin nito ang damdamin ng bata tungo sa kaniyang kaligtasan at upang maramdaman niya ang init ng pagmamahal, atensiyon, at papuri ng mga magulang. Ang Bravery-Directed Interaction (BDI) ay nakapokus sa pagtuturo sa mga magulang tungkol sa kung bakit ang kanilang anak ay nakararamdam ng pagkabalisa. Ang therapist ng bata ay magpapakita ng mga sitwasyon na nagdudulot ng balisa (anxiety). Magbibigay rin siya ng mga gantimpala para sa mga positibong reaksiyon. Ang Parent-Directed Interaction (PDI) ay nakapokus sa pagtuturo sa mga magulang na makipag-usap nang malinaw sa kanilang anak upang makatulong ito sa pagtanggap at pagtugon sa mahinang pag-uugali ng bata. Ang kapaligirang ginagalawan ng bata ay may malaking papel na ginagampaman sa paggaling niya. Kailangan niya ng ligtas at mapagtanggap na kapaligiran at kapwa. Mahalagang may matatakbuhan siya sa oras ng kaniyang pagkabalisa. Ang paaralan at tahanan ay dapat nagtataglay ng katangiang kailangan niya. Walang gamot na akma para sa mga batang may separation anxiety disorder. Ang mga antidepressants ay ipinapainom lamang sa mas matatandang may ganitong kondisyon, lalo na kung ang ibang mga paraan ng paggamot ay hindi epektibo. Malaki ang magiging epekto sa buhay ng batang may separation anxiety disorder. Ang kaniyang emotional and social development ay lubhang apektado. Hindi niya o maiiwasan niya ang mahahalaga at magagandang karanasan sa normal na pamumuhay at pag-unlad. Lalo rin siyang malulugmok sa Ang Separation Anxiety Disorder ay maaari ding makaapekto sa buhay ng pamilya lalo na kung limitado ang kaalaman, oras, at pagtanggap ng mga magulang at mga kapatid. Subalit kung ang pamilya mismo ang tutulong sa bata upang malunasan ang kaniyang karamdaman, hindi malabong mapagtagumpayan niya ang separation anxiety. Masakit talaga ang maiwanan ng minamahal, pero kung matatanggap ito agad, hindi na ito magdudulot ng malubhang karamdaman.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...