Followers

Wednesday, July 28, 2021

20 Dahilan kung Bakit Masarap Magsimula ng Negosyo sa First Vita Plus

May 20 akong dahilan kung bakit masarap magsimula ng negosyo sa First Vita Plus. Ito rin ang mga dahilan kung bakit patuloy kong ginagawa ang negosyong ito at patuloy kong ibabahagi sa iba. Kung wala kang puhunan, pero may panahon ka at marami kang kakilala, pasok ka sa negosyong ito. Kaya hindi ko na patatagalin pa. Iisa-isahin ko na ang mga dahilan ko. Makinig ka at ilagay mo sa isip at puso mo. 1. May oras ka sa pamilya. Home-based business ito. Puwede mong gawin ang negosyo kahit nasa bahay ka lang dahil puwedeng makipag-deal online. Pero, siyempre, pupunta ka pa rin sa office, once na may mahalagang transaction ka roon. 2. Ikaw mismo ang gagawa ng schedule mo. Hindi ito tulad ng schedule mo sa trabaho. Anytime, puwede mong gawin ang negosyo. Hawak mo ang oras mo. Walang timekeeper. Walang ibabawas sa kita mo kung natulog ka buong araw. Pero, siyempre, hindi gagalaw ang negosyo mo kung matutulog ka lang nang matutulog. 3. Hindi mo kailangan makipagsabayan sa rush hour. Dahil walang time pressure sa negosyong ito, puwede mong gawin ang negosyo sa mga oras na hindi ka magmamadali o makikipagsabayan sa rush hour ng mga empleyado. Bukas naman palagi ang opisina, gaya ng ibang company. 4. Hindi mo kailangan gumising nang sobrang aga para mag-prepare sa work. Kahit gabi, puwede kang mag-transact basta may mga prospects/dealers. Gaya ng social media, 24/7 ding gising. Gamitin mo ito. Malaya kang gawin ang negosyo sa oras na bakante mo nang hindi naabala ang mga basic needs mo at iba pang priorities. 5. Hindi mo kailangan ng uniform. Sa negosyong ito, kahit anong isuot mo, basta malinis at disenteng tingnan ay puwede. Kung magsusuot ka ng business attire dahil kumikita ka na, nasa iyo na ang desisyon. Sabi nga, ‘Ibagay ang pananamit sa kinikita.’ 6. Wala kang boss. Hindi mo boss ang may-ari ng company. Hindi mo rin boss ang nag-invite sa iyo sa negosyo o ang upline mo. Ikaw ang boss. Isa kang negosyante. May mga tao ka sa ibaba mo, na tutulungan mong gawin ang parehong negosyo. 7. Anytime puwede kang magbakasyon at makakapag-travel. Yes! Kapag kumikita ka na, puwede kang magbakasyon at mamasyal. Puwede mo ring ipagsabay. Kung may mga prospect ka sa ibang bayan, puntahan mo. Travel na iyon. At pag-uwi mo, may bago kang dealers, na magpapatuloy ng negosyo at mapapayaman sa ‘yo. 8. Ang sipag mo ay may katumbas na kita. Kung masipag kang magtanim, marami kang aanihin. Sino ba ang natulog lang, pero nang magising may pera nang katabi? Wala! Sa panaginip lang iyon nangyayari. Ikaw ang gagawa ng kikitain mo. Huwag mong iasa sa suwerte. Ang negosyo ay pinaghihirapan. At ang kasipagan mo ang magdadala sa ‘yo sa financial freedom. 9. Hindi fixed ang sahod mo. Ikaw ang magdidikta kung magkano ang gusto mong kitain. Kung gusto mong kumita ng P15,000 per week, makakaya mo. Makakaya mong gawin iyo kung gugustuhin mo dahil may nakagawa na niyon sa negosyong iyon. 10. May chance na mabago ang buhay mo. Marami na ang patunay. Marami na ang nagbago ang buhay dahil sa negosyong ito. Kung mabagal ang pagbabago sa ilang taong mong pag-eempleyo, sa negosyong ito, malaki ang tsansa mo. Basta huwag ka lang susuko. Hindi nakukuha nang overnight ang success. 11. Kahit sinong gusto mong isama sa negosyo, puwede. Ang negosyong ito ay walang discrimination. Ano man ang edad, kasarian, relihiyon, antas ng edukasyon, at katayuan sa buhay. Open ang lahat basta willing gawin ang negosyo. 12. Kahit hindi ka nakapag-aral o nakapagtapos, puwede ka pa ring umasenso. Again, marami na ang patunay. Marami na ang nakagawa. Hindi imposibleng ang isang mambabalut ay umasenso o umangat sa buhay. Sabi nga, sa sipag at tiyaga, ito’y iyong magagawa, lalo na kung sasamahan mo pa ng diskarte. 13. Mabilis ang pag-asenso sa negosyong ito. Ang pagtratrabaho mo sa kompanya ay hindi mo ikakayaman. Sa negosyo ka yayaman. Tingnan mo… Sa tagal mong empleyado, IDs, uniforms, at payslips lang ang naipon mo… Paunawa lang, hindi ito scam. Oo, multi-level marketing ito. Binary. Mauunawaan mo iyan kung gugustuhing mong maunawaan. Kung magiging mapanghusga ka, magiging katulad ka rin ng iba, na hindi natikman ang ginhawa. 14. Walang pinipiling tao. Bata, matanda, may pera o wala. Magtatanong ka marahil kung bakit bata, matanda, at walang pera ay magnenegosyo. Opo! Tama ang narinig mo. Kung gusto talaga ng tao, na magnegosyo, gagawin niya ang lahat. Kung wala kang pera, ikaw nga ang dapat kumita. Kung bata ka pa, dapat magsimula ka na ngayon na. Kung matanda ka na, dapat hindi ka pumayag na walang nangyayari sa buhay mo. 15. Malaki ang kitaan dito. Sasabihin ko uli sa ‘yo… May nakagawa na. At magagawa mo rin. Ang kinikita ng ibang negosyante ay maaari mong kitain. Paano? Subukan mo muna. Ang lahat ng matatagumpay na negosyante ay naging matapang. Kung gusto mo ng pagbabago, gumawa ka ng bago sa buhay mo. 16. Mabibili mo ang mga bagay na dati mo lang pangarap. Dahil ang kompanyang ito ay tumutulong na mabago ang buhay ng bawat dealers (negosyante), malaya kang mabili ang mga gusto mo. Oo, kahit kotse, bahay, at lupa. Uulit-ulitin ko… Marami nang nagawa nito. Gawin mo rin para maniwala ka. 17. Marami kang matutulungang tao para umasenso rin sa buhay. Sa pagtulong, hindi materyal ang dapat na ibigay, dapat share your business. Isi-share mo ang negosyo sa iba upang gayahin ka. Copy business ang tawag dito. Kung sa school, bawal mangopya, sa kompanyang ito, aprub ang copying. Kung magaling kang kumopya, aasenso ka. Kaya, pakopyahin mo sila. Kaya nga pinakokopya kita ng negosyo ko. 18. Sa negosyong ito, ang lahat ay nagtutulungan at hindi naghihilaan pababa. Ang negosyong ito ay hilaan pataas. Lalong tataas ang negosyanteng hihila sa ‘yo pataas. Habang tumataas ka, tumataas din siya. Kaya, hayaan mo akong hilaan kita pataas nang magkaroon ka rin ng mga hihilain pataas. Tutulungan kita. Tutulungan ka namin. 19. Hindi mo kailangang magtrabaho habang buhay. Retire young and rich. Oo, sounds impossible, pero totoo. Kapag nakamit mo na ang stable income sa negosyong ito, ang mga business partners mo na lang ang kikilos para sa iyo. Maaari ka pa rin namang tumulong, pero kung gusto mo… magretiro ka na agad. May kikitain ka pa rin. 20. Darating ang oras na kahit wala kang ginagawa, kumikita ka pa rin. Ito ang tawag na passive income. Hindi imposible ito dahil kung marami ka nang na-invest, marami ka nang pagkukunan ng income. Hindi mo na kailangang magtodo effort gaya noong nagsisimula ka pa lang dahil napalago mo na ang negosyo. Kapag nagnegosyo ka sa kompanyang ito, lifetime na. Maipapamana mo pa. Sana na-inspire kita sa 20 dahilan bakit masarap magsimula ng negosyo sa First Vita Plus. Kung hindi, huwag mo na ang kausapin pa. Joke lang. Mag-usap uli tayo. Give me another chance. At kung oo, na-inspire kita… Tara na! Simulan mo na ang negosyo. Ngayon na!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...