Followers

Friday, August 13, 2021

High Blood Ka Ba?

High Blood Ka Ba? Bago ka ma-high blood diyan, Kapatid, kalma lang dahil may ipaliliwanag lang ako. Hindi man tayo magkadugo, pero mahalagang malaman mong delikado ang may high blood pressure. Ang hypertension (altapresyon) ay ang kondisyon kung saan labis ang taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag malakas ang puwersa ng dugo, maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Maaaring magdulot ito ng malulubhang komplikasyon, gaya ng atake sa puso, stroke, at sakit sa bato. Kaya, nararapat ang pagpapanatili ng normal na blood pressure. May tatlong yugto ang hypertension—ang Prehypertension, Stage 1 Hypertension, at Stage 2 Hypertension. Kapag may Prehypertension, ang presyon ng dugo ay bahagyang lampas sa normal blood pressure. Hindi pa nito kailangan ng gamot, ngunit ipinapayo ng mga doktor ang magbago ng lifestyle. Iwasan ang mga nakapagti-trigger nito. Kapag nasa Stage 1 Hypertension na, mataas na ang blood pressure at kailangan na nito ng gamutan upang mapababa ito. Kapag nasa Stage 2 Hypertension na, sobrang taas na ng blood pressure. Maaaring magdulot ito ng komplikasyon. At nangangailangan na ito ng kombinasyon ng mga gamot at lifestyle change. Ayon sa mga mananaliksik, hindi pa nila natutuklasan ang mismong sanhi ng altapresyon, pero nagbigay sila ng pinag-uugatan ng karamdamang ito. Ang high blood pressure ay kadalasang namamana at nangyayari sa mga taong nasa edad 55 pataas. Ito ay sumusumpong dahil sa labis na pagkonsumo ng maaalat na pagkain at madalas na paninigarilyo at pag-inom ng alak. Nakikita ring dahilan ang kakulangan sa calcium, magnesium, at potassium sa pagtaas ng blood pressure. Ang pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo ay dalawa ring sanhi ng altapresyon. Ang taong palaging stressed at pagod ay prone sa hypertension. Ang hypertension ay tinatawag ding silent killer sapagkat hindi masyadong halata ang mga sintomas nito. Kadalasang nararamdaman ang mga sintomas kapag malubha na ito. Kung minsan pa nga, hindi pinapansin ang mga ito dahil siguro sa pagiging karaniwan ng mga ito. Isa pa, nakaaapekto ang pagiging laging abala o pagod ng tao kaya hindi na ito napapansin. Subalit, ayon sa mga doktor, dapat ugaliin ang regular na pagpapa-checkup upang maiwasan ang mga epekto ng high blood pressure. High blood ka kung ikaw ay madaling mapagod, sumasakit ang ulo, sumasakit ang dibdib, lumalabo ang paningin, nahihirapan sa paghinga, at may irregular heartbeat. Upang matiyak ang blood pressure, inirerekomenda ang paggamit ng sphygmomanometer. Regular ding magpasuri sa doktor kung ang mga palatandaan ay nararanasan mo upang mabigyan ka ng tamang medisina. Ang mga gamot na sadyang magpapababa ng presyon ng dugo at maaaring irekomenda sa iyo ay Calcium channel blocker, Angiotensin II receptor blockers, Angiotensin-converting enzyme inhibitors, Alpha blockers, Beta blockers, Diuretics (Water Pills), Renin inhibitors, o combination medication. Nakaka-high blood sa dami, ‘no?! Kung ayaw mong uminom ng mga synthetic na mga gamot na iyan, sundin mo ang mga sumusunod na rekomendasyon. Walang mawawala sa ‘yo kung magkakaroon ka lang ng healthy lifestyle. Panatilihin ang balanced diet. Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain. Magbawas ka ng timbang. Galaw-galaw! Mag-ehersisyo ka. Itigil mo ang masasamang bisyo, gaya ng droga, alak, at sigarilyo. Kahit ipinapayong gumalaw-galaw at mag-ehersisyo, bawal naman ang labis na pagpapagod. Lahat ng sobra ay masama. Iwasan ang labis na pag-isip, pag-aalala, o pagkabalisa. Mai-stress ka lang at ikatataas ng dugo mo. Sa halip, lumahok ka sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation, tai chi, yoga, at iba pa. Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan ka ng tamang lunas para sa inyong karamdaman at halip, ugaliing bantayan ang blood pressure. At para makatulong sa iyo nang husto, uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink. May 5 Power Herbs ito na kailangan ng bawat tao upang palakasin ang immune system—ang sariling doktor ng ating katawan. Bago ka ma-high blood sa First Vita Plus, subukan mo muna. Sinubukan mo ngang uminom at kumain ng mga bawal sa ‘yo, ito pa kayang tested and proven. Ano ang gusto mo—ang ma-high blood ka sa mahal ng mga gamot na synthetic o ma-normalize mo ang dugo sa pamamagitan ng natural juice drink? Ikaw na ang bahala… Dugo mo naman iyan. Basta ako, mahal kita, kahit hindi kita kadugo.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...