Followers
Thursday, August 12, 2021
Ovarian Cyst: Mga Uri, Sintomas, Epekto, at Home Remedies
Girl, panahon na para malaman mo ang mga ito. Open-minded ka bang pag-usapan ang ovary mo? It’s good!
Alam mo bang maraming babae ang may ovarian cysts? Oo, ikaw… Baka meron ka rin. At kadalasan, walang ipinakikitang sintomas. Huwag kang matakot dahil kadalasan ay kusa ring nawawala sa loob ng ilang buwan kahit hindi ginamot. Ang mga ganitong kaso ng ovarian cysts ay nagpapakita lamang ng kaunting pagbabago at hindi nakapipinsala sa katawan.
Subalit, take note… may exception… Kapag ang ovarian cysts ay pumutok, magdudulot ito ng malaking pinsala. Kaya nga, mahalagang malaman mo ang tungkol dito. Handa ka na ba? Ikaw! Oo… Ikaw rin, pare. Makinig ka dahil bahagi ka ng kababaihan.
Ang mga ovarian cysts ay mga parang bulsa (sac) na puno ng likido. Lumalaki ang mga ito sa loob o sa itaas ng isang o parehong ovary.
Mahalaga ang mga ovary ng babae. Ito ay matatagpuan sa pelvis. Ang isang ovary ay nasa bawat panig ng matris. Gumagawa ito ng mga itlog at mga babaeng hormone-- estrogen at progesterone. Ito rin ang pangunahing mapagkukunan ng mga babaeng hormone, na kumokontrol sa seksuwal na pag-unlad ng dibdib, hugis ng katawan, at buhok ng katawan. Kinokontrol din ng mga ovary ang menstrual cycle at pagbubuntis.
Ang ovulation ay may kinalaman sa pagkakaroon ng ovarian cysts. Ang ovulation ay ang pag-rerelease ng eggs patungo sa fallopian tube. Nagagganap ito 13 hanggang 15 araw bago ang pagreregla (menstruation). Katulad ng pagreregla, ang ovulation ay isang siklo (cycle), kaya kapag hindi ito naganap o pumaltos ito, malamang may problema sa reproductive system.
Upang mas maunawaan mo kung paano nagiging ovarian cysts ang pagkakaroon ng paltos sa ovulation, kilalanin natin ang ilang bahagi ng ovary.
Ang eggs ay nakatira ay nakatira sa ovaries. Ang bawat egg ay nababalutan ng sac, na tinatawag na follicle. Kailangan ng mga follicles na ma-develop nang husto upang makapag-release ng mga eggs. Malaking papel ang gagampanan ng bawat babae sa parteng ito—unang-una na ang pagpapanatili ng kalusugan.
May iba’t ibang kaso ng pagkakabuo ng cysts sa ovary. Una, kapag ang isang follicle ay hindi naglalabas ng isang itlog sa panahon ng obulasyon, at sa halip ito ay patuloy na nagpupuno ng likido sa loob ng obaryo. Ito ang tinatawag na follicular cyst. Pangalawa, kapag ang corpus luteum ay napupuno ng tubig at dugo dahil hindi nailalabas. Ito ang tinatawag na corpus luteum cyst. Ang corpus luteum ay nababalot din ng follicle. Ito ang nagkakanlong sa matured egg, na ready for conception.
Ang corpus luteum cyst ay maaaring maging masakit at maging sanhi ng pagdurugo at matatawag na ito bilang isang hemorrhagic cyst.
Ang dalawang nabanggit na kaso ng ovarian cysts ay mga tinatawag na functional ovarian cysts. Mayroon pang tinatawag na complicated ovarian cyst. Ito ay maaaring nauugnay sa endometriosis, polycystic ovarian syndrome (POS) at iba pang mga kondisyon.
Ang hate na hate ng mga babae—ang dysmenorrhea o pananakit sa may bahagi ng sikmura at pelvis tuwing nireregla ay maaaring sanhi ng kondisyong tinatawag na endometriosis. Ang Endometriosis ay isang pangkaraniwang karamdaman kung saan ang lining ng matris (endometrium) ay lumalaki sa labas ng matris at papunta sa mga ovary, fallopian tubes, at iba pang mga lugar ng reproductive tract. Ito ay nagdudulot ng matinding sakit at kung minsan ay sanhi ng infertility.
Merong subgroup ang endometriosis—ang Chocolate ovarian cysts. Ito ay mga noncancerous cysts. Likido ito na karaniwang nabubuo sa kailaliman ng ovary. Tinawag ito sa ganitong pangalan sapagkat ito dahil sa kulay at pagkakahawig nito sa natunaw na tsokolate. Kilala rin ito bilang ovarian endometriomas. Ito ay maaaring nagdudulot sa ilang babae ng menstrual cramps, pelvic pain, irregular periods, pain during sex, at infertility. Kapag sumabog ito, makararamdam ng biglaang sakit sa sikmura, kung saan malapit ang nabuong cyst. At nangangahulugan ito ng medical emergency.
Ang Polycsytic ovary syndrome (PCOS) ay isang hormonal disorder kung saan nagkakaroon ang babae ng mga maliliit na cyst sa obaryo. Naglalaman ito ng mga immature egg cells, na hindi kayang magproseso ng obulasyon. Bumababa ang lebel ng female hormones (estrogen at progesterone) at tumataas ang lebel ng male hormones (androgen.) Dahil hindi balanse ang hormones kaya nagdadala ito ng iba’t ibang sintomas at epekto sa katawan.
Ang Mucinous Cystadenomas naman ay isa ring uri ng noncancerous ovarian cysts, na nabubuo mula sa cells, na bumabalot sa panlabas na bahagi ng ovary. Ang iba ay puno ng makapal at mala-laway na substance at ang iba ay mala-tubig na likido.
Ang ovarian cysts ay makikitaan ng mga sintomas. Mahalagang malaman ito ng bawat isa. Maaaring may ovarian cyst ang babae kapag may kasaysayan siya ng nakaraang mga ovarian cysts, kapag hindi regular ang pagreregla, kapag namamayat siya o labis ang katabaan niya, kapag may polycystic ovarian syndrome o endometriosis siya, kapag maaga siyang niregla (11 taon o mas bata pa), kapag may hyperthyroidism siya, at kapag nasa Tamoxifen therapy siya para sa kanser sa suso.
Maraming kaso ng ovarian cysts ang hindi nagpapakita ng mga sintomas, subalit kung maganap ang mga sumusunod na palatandaan, kailangan nang kumonsulta sa doktor. Nakararamdam siya sakit sa panahon ng pakikipagtalik o regla. Nagsusuka at nakararanas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Patuloy na nadaragdagan ang timbang. Palaging may laman ang pantog. Sumasakit ang dibdib, pelvic region, lower back, o mga hita. Ang mga ito ay nangangailangan ng agarang atensiyong medikal.
Anomang uri ng ovarian cysts, mahalaga ang pagkonsulta sa espesyalista. Gayunpaman, may mga home remedies na maaaring makatulong upang mabawasan o mawala ang sakit at malunasan ang mga sintomas nito.
Maaaring uminom ng mga gamot na mabibili over-the-counter, gaya ng ibuprofen bilang pain reliever. Kapag hindi matanggal ang sakit, oras na upang sumangguni sa doktor. Maaari niyang irekomenda ang co-codamol, na naglalaman ng codeine. Ang codeine ay gamot na analgesic at nakakapagpaantok.
Makatutulong din ang pagmamasahe sa ibabang bahagi ng likod, hita, tiyan o sikmura, at puwitan. Sa mga bahaging kasi ito nagmumula ang sakit na dulot ng ovarian cysts.
Ang pag-iinat-inat at pag-eehersisyo ay mabibisa ring lunas upang mabawasan o matanggal ang sakit na dulot ng ovarian cysts. Ang ibang mga babae ay nakararamdam ng ginhawa kapag tumatakbo. Ang iba naman ay kapag nagyo-yoga.
Ang pag-aapply ng heating pad sa katawan ay ginagawa rin ng ibang babae. Ang init ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng dugo, kaya maaari nitong matanggal ang sakit. Kung walang heating pad, maaaring gumamit ng bote na nilagyan ng mainit na tubig (ayon sa kakayahan) at binalot sa tela. Ipagulong-gulong ito sa tiyan o sikmura o sa ibabang bahagi ng likod. Ulit-ulitin ito.
Mag-relax. Ang stress at anxiety ay nagpapalala ng sakit, kaya mainam ang pag-rerelax, meditation, yoga, o deep breathing. Malulunasan na nito ang sakit, maaari pang matanggal ang nararamdamang stress at anxiety. At hindi lang iyon, mayroon din itong pangmatagalang epekto sa kalusugan.
Ang pagbabawas ng timbang ay maaari ding maging sagot. Kapag ang isang babae ay overweight, nahihirapan ang sistema ng katawan na i-regulate ang mga hormones, kaya nauuwi sa pagkabuo ng cysts.
Panatilihin ang balanseng nutrisyon. Kumain ng sapat at masusustansiyang pagkain at uminom ng sapat na dami ng tubig.
Isama na rin sa diet ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink Melon o kahit anong variant nito dahil pananatilihin nitong malakas ang immune system. Ang 5 Power Herbs nito ay siyang tutulong sa pagtunaw ng cysts at pag-ayos ng reproductive system.
Mga Bro and Sis, ang ovarian cyst ay sisiw na kondisyon sa katawan. Aagapan lamang ito upang hindi maging cancerous o kaya ay pumutok at hindi magdulot ng seryosong sintomas at komplikasyon. Regular na kumuha ng pelvic exams, mga sissy, upang sa huli ay hindi magsisi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment