Followers

Thursday, August 12, 2021

Mga Sintomas ng Myoma

Ate, halika. Sandali lang ‘to. Usap tayo. Huwag mamaya na. Alam mo ba ang Myoma? Naku! Tamang-tama. Marami kang dapat malaman tungkol sa Myoma. Ang Myoma (Uterine fibroid) ay mga bukol-bukol na lumilitaw sa matris ng babae, partikular na habang nasa panahon ng mga taon na maaari silang magdalangtao. Hindi man ito malignant o cancerous, delikado pa rin ito sapagkat isa itong solid tumor na binubuo ng fibrous tissue kaya madalas din itong tinatawag na fibroid tumor. Kadalasang mabagal ang paglaki ng myoma dahil iba-iba ang laki at bilang nito,kaya hindi agad nagkakaroon ng sintomas ang babaeng meron nito. At sinumang babae na may myoma, ngunit walang sintomas na nararamdaman ay hindi kailangan ng gamutan. Pero, ano-ano nga ba ang sintomas ng myoma? May myoma ang isang babae kung marami at matagal ang kaniyang pagreregla, nananakit ang balakang niya, tumataas ang timbang at abnormal ang paglaki ng kaniyang tiyan, may pressure siyang nararamdaman kapag umiihi at dumudumi, nananakit ang likod ng mga binti niya, nakakaranas siya ng sakit kapag nakikipagtalik, at kapag paulit-ulit na pagkalaglag ng kaniyang dinadala. Alinman sa mga nabanggit na sintomas ay dapat nang isangguni sa doktor. Ano naman ang sanhi ng Myoma? Ayon sa mga eksperto, hindi pa natutukoy ang eksaktong sanhi ng myoma, pero madalas nagkakaroon ng myoma ang mga babaeng nasa reproductive age o puwede pang mabuntis. Ang babae ay nagkakaroon lamang ng myoma kapag nagsimula nang maglabas ng estrogen ang katawan nito. Ang estrogen ay ang sex hormones ng mga babae. Dahil naglalabas ng extra estrogen ang mga buntis sa katawan nila, mabilis na lumalaki ang myoma nila. Sa panahon naman ng menopause ng isang babae, tumitigil na sa paglaki ang myoma dahil sa kawalan ng estrogen. Hindi tumitigil ang mga eksperto sa pagsasaliksik ukol sa sanhi ng myoma. Kahit kakaunti pa lamang ang sayantipikong ebidensiya kung paano maiiwasan ang mayoma, subalit malaki ang magagawa ng bawat babae sa kaniyang reproductive health. Girl, mahalaga sa kalusugan ng matris ang magandang sirkulasyon ng dugo, maayos na paggana ng mga nerves, at tamang balanse ng mga nutrients at minerals. Kaya, ugaliing sumailalim sa mga karaniwang pagsusuri para sa kalusugan ng kababaihan tulad ng Pap Smear. Magpabakuna laban sa mga karaniwang sakit ng mga kababaihan. Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng isda, mani, gulay, at prutas na mataas sa Omega-3, mabuting kolesterol, bitamina, at mineral. Inirerekomenda ko ang First Vita Plus Natural Health Drink, may sangkap itong tumutulong sa pagpapanatili ng reproductive health. Makatutulong din ang Herbal Blessings Virginity Soap. Pananatilihin nitong malinis at bacteria-free ang feminine area. Kaya, Ate… huwag mamaya na. Lunasan agad ang Myoma.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...