Followers
Thursday, August 12, 2021
Stroke: Silent Killer
Alam mo bang ang pinakatraydor na kalaban ng tao, ay hindi ang kapitbahay na tsismosa, kundi ang stroke?
Tara! Pag-usapan natin ang buhay ng kapitbahay mo, este ang stroke.
Ang stroke o brain attack ay nangyayari kapag natigil ang daloy ng dugo sa utak ng isang tao. Kaagad na namamatay ang mga cells ng utak na nawalan ng daloy ng dugo kapag na-stroke ang tao.
Ang ating dugo ang nagbibigay ng oxygen at nutrients na kailangan ng utak upang ito ay mabuhay at magampanan ang kanilang tungkulin sa ating katawan, subalit kung matigil ang maayos na daloy nito, nanganganib din ang buhay natin.
May tatlong uri ang stroke -- Ischemic stroke, Hemorrhagic stroke, at Transient Ischemic Attack (TIA).
Ang Ischemic stroke ay bunga ng pamumuo ng dugo, na bumabara sa mga ugat papunta sa utak ng isang tao. Ang baradong ugat na dulot ng namuong dugo ay ang dahilan ng pagkawala ng daloy ng dugo sa utak. Halos 80% ng mga kaso ng stroke ay sanhi ng ischemic stroke.
Ang Hemorrhagic stroke ay dulot ng pumutok o nasirang ugat sa utak. Nagdudulot ng sobrang pressure sa mga brain cells ang pagputok, kaya nasisira at namamatay ng mga ugat. Karaniwang sanhi nito ay high blood at aneurysm o ang paglobo ng parte ng mga ugat.
Ang Transient Ischemic Attack (TIA) ay tinatawag ding mini-stroke. Ito ay pandaliang pagkawala ng daloy ng dugo sa utak. Kadalasan, tumatagal lang ito ng limang minuto o mas mabilis pa, kaya hindi ganoon kalala ang pagkasira at pagkamatay ng mga brain cells. Gayunpaman, itinuturing pa rin itong isang senyales ng major stroke sa hinaharap.
Madali lang malaman ang mga sintomas ng stroke. Kung namamanhid ang mukha, nanghihina ng mga balikat at kamay, nahihirapang magsalita, nahihirapang maglakad o ibalanse ang katawan, nanlalabo ang mga mata, at nakaramdam ng biglaan at matinding sakit ng ulo, inaatake na siya ng stroke.
Kailangan na niya ng medikal na atensiyon dahil maaari niyang maranasan ang mga sumusunod na epekto nito.
Ang pasyenteng nakaranas ng stroke ay maaaring maparalisa ang kaniyang katawan, mahirapan sa pag-iisip, magkaproblema sa pagsasalita o mautal, magkaroon ng problema sa emosyon, at makaranas ng sakit at pamamanhid sa katawan.
Mahirap ma-stroke, kaya dapat itong iwasan. Sabi nga, prevention is better than cure. Habang maaga pa, kontrolin na ang blood pressure. Iwasan ang paninigarilyo. Kung may maintenance na, inumin nang tama ang mga gamot para sa sakit sa puso at diabetes. Iwasan ang matatabang pagkain lalo na ang mataas sa saturated fats. Kumain ng mga masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas. Uminom ng First Vita Plus Fruits and Veggies with Mangosteen, lalo na kung hindi sapat ang nakakaing gulay at prutas. Makatutulong ito sa mabilis na pag-recover ng stroke patient.
Bago mo pa itanong, sasagutin ko na kung paano nakatutulong ang First Vita Plus sa mayroong stroke.
Ang dahon ng sili, na isa sa sa mga sangkap ng First Vita Plus ay siyang bumabasag sa mga namumuong dugo, nag-aalis ng mga baradong ugat ng katawan, nagpapaganda ng daloy ng dugo sa ating katawan, at tumutulong upang bumaba ang blood pressure ng taong may high blood, na kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng stroke.
Hindi ito tsismis, ha! It’s a fact! Pak na pak ang kalusugan mo kung babaguhin mo ang lifestyle mo. Isama mo na rin sa pagbabago ang First Vita Plus. Tandaan, ang stroke ay tinatawag na silent killer. Bago mo pa ito maranasan, depensahan mo ang iyong katawan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment