Followers

Monday, August 16, 2021

Urinary Tract Infection (UTI): Sintomas at Lunas

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T… U.T.I! Ay! Mamaya na. Naiihi na ako. Atin-atin lang ‘to, ha…. Ayaw ko na ulit magka-UTI? Sa mga hindi pa aware sa UTI… Ang UTI o urinary tract infection ay kadalasang nagmumula sa bakteryang Escherichia coli (E. coli), na nakakapasok sa pantog (bladder) at sa urethra. Ang mga babae ang kadalasang nagkakaroon ng UTI dahil mas malapit ang urethra ng mga babae sa kanilang anus kung saan nanggagaling ang E. coli, na normal na natatagpuan sa dumi ng tao. Hindi natin maiiwasan ang pagpasok ng bakterya sa ating katawan, kahit normal namang walang bacteria ang ihi (urine) natin. Ang impeksyong ito ay nakapagdudulot ng iba’t ibang komplikasyon sa urinary system, gaya ng kidney, bladder, ureter, at urethra. Kaya, mahalagang may kaalaman tayo tungkol sa paglulunas ng UTI. Bago ko isa-isahin ang mga sintomas ng UTI, dapat malaman mo muna ang kahalagahan ng urinary tract sa ating katawan. Ang kidney ay ang nagsasala ng dugo at nagpoproseso ng mga dumi, na nasa anyong ihi (urine). Ang mga uterer ay ang tubong dinadaanan ng ihing mula sa kidneys patungo sa bladder (pantog). Ang bladder naman ang kumokolekta at nag-iipon ng ihi. Ang urethra naman ay ang tubong dinadaluyan ng ihi mula sa bladder palabas ng katawan. Ang mga koneksiyong ito ay mahahalaga sa urinary system, kaya mas mappadali ang pag-unawa natin sa UTI at mga sintomas nito. Madali lang malaman ang mga palatandaan ng UTI, kahit marami ang mga ito. Depende rin ang mga sintomas nito sa edad, kasarian, at tindi ng impeksiyon. Karaniwang sintomas ng UTI ay ang mahapding pag-ihi, madalas na pag-ihi, balisawsaw, o palagiang pangangailangan ng agarang pag-ihi, lagnat na may panlalata, at mabahong amoy at malabong ihi. Kapag ang UTI ay dulot ng impeksiyon ng pantog (Cystitis), makararamdam ng pananakit ng puson, sakit sa pag-ihi, sakit o pressure sa likod o ibaba ng tiyan, at dugo sa ihi. Kapag ang UTI ay dulot ng taas na bahagi ng daluyan ng ihi (Pyelonephritis), makararamdam ng pananakit ng balakang, mataas na lagnat at panginginig, pagkahilo, pagsusuka, panlalambot, pagkapagod, at panlalata. Kung ipagwawalambahala ang paglulunas at pagbibigay ng karampatang gamot, kakalat ang impeksiyon sa buong katawan kaya magiging mapanganib ito sa kalusugan. May kaso din ng UTI na hindi na tinatablan ng mga gamot o umuulit-ulit. Ang tawag dito ay Chronic urinary tract infections (UTIs). Ang taong may Chronic UTI ay nakararanas ng madalas na pag-ihi. Maitim o may dugo ang kaniyang ihi. May nararamdaman siyang sakit sa kidneys, kaya sumasakit ang babang bahagi ng likod o ibabang bahagi ng ribs. Sumasakit din ang bahagi ng kaniyang bladder (pantog). Kapag kumalat na ang impeksiyon sa mga kidney, maaring magdulot ito ng pagsusuka, panginginig, mataas na lagnat, panlalata, at mental disorientation. Ang mga babae ay mas prone sa Chronic UTI o secondary urinary tract infection, lalo na kung sila ay may diabetes, nagdadalantao, may multiple sclerosis, at may mga sakit na umaapekto sa pag-ihi, gaya ng kidney stones, stroke at spinal cord injury. Ang ganitong kaso ng UTI ay nangangailangan na ng special treatment, lalo na kung tatlong beses o mahigit pang nagkakaroon nito sa loob ng isang taon. Kung ang impeksiyon ay nagaganap lamang sa pantog o daluyan ng ihi palabas ng katawan, ang UTI ay hindi nakaaapekto sa kidney. Ang matatandang may UTI ay maaaring maapektuhan ang kidney kung hindi agarang magagamot ang iba pa niyang sakit, gaya ng bato sa kidney, bara o pagkipot ng daluyan ng ihi, at tuberkulosis ng daluyan ng ihi. Anoman ang edad ng pasyente, bata man o matanda, mahalaga ang tama at agarang paggamot sa UTI upang hindi masira ang kidney at hindi magdulot ng altapresyon. May mga home remedies, na maaaring gamiting panlunas para sa UTI. Ang tubig ay isa sa numero unong panlunas sa UTI. Uninom nang hindi bababa sa walong baso ng tubig kada araw. Ang pagiging hydrated ay may malaking papel na ginagampanan sa katawan ng tao, lalo na sa pag-iwas sa UTI. Tinutulak palabas ng tubig ang ihi na may mga bakterya, na nagdudulot ng impeksiyon. Subalit, may tamang pagitan ang pag-inom ng tubig. Ipinapayo ng mga doktor na uminom ng tubig sa iba’t ibang oras at nakararamdam ng pagkauhaw. Sa madaling salita, mali ang pag-inom ng maraming tubig sa ilang oras lamang. Mahalaga rin ang mga probiotics. Ito ay mga mikroorganismong nakukuha sa mga pagkain, gaya ng traditional buttermilk, miso, kefir, kimchi, kombucha, sauerkraut, natto, pickles, yogurt, at ibang uri ng keso. Binabalanse ng mga ito ang bacteria sa katawan. Ang pagpapanatili ng healthy habits ay makatutulong sa pag-iwas sa UTI. Panatilihin ang kalinisan sa banyo at sarili. Hindi dapat pinipigilan nang matagal ang pag-ihi dahil naiipon ang bacteria at nagiging sanhi ng impeksiyon. Ugaliin ang tamang pagpunas o paghugas matapos umihi o dumumi. Ang Vitamin C ay may mahalagang papel sa paglulunas ng UTI, kaya uminom ng Vitamin C at magkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C. Iniiwas nito ang tao sa posibilidad ng pagkakaroon ng impeksiyon sa urinary tract dahil pinatataas nito ang acidity ng ihi ng tao, na siyang kumikitil sa mga bakterya. Iwasan ang kape, softdrinks, alak, matatabang karne, maaalat at maaanghang na pagkain. Ang lahat ng ito ay makapagpapalala o makakapagdulot ng urinary tract infection. Kung hindi maiwasan, just consume in moderation. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Kaya naman, ipinakikilala ko sa inyo ang First Vita Plus Natural Health Drink. Makatutulong ito sa paglaban sa impeksiyon dahil sa 5 Power Herbs, na nagtataglay ng mga vitamins, minerals, fibers, antioxidants, phytochemicals, and micronutrients, na kailangan ng katawan upang mapanatiling malusog ang immune system. Lalabanan nito ang mga sakit, gaya ng UTI. Mahirap magkaroon ng UTI, pero kayang-kayang iwasan at lunasan. Tandaan lang palagi na ‘Prevention is better than cure.’ A, B, C, D, E, F, G, H… I thank you!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...