Followers
Thursday, August 12, 2021
Hives Ka!
Madalas ka bang mangati at mamantal? Naku, may hives ka. Sounds like mayaman, pero allergy lang iyan. Kung mayaman ka, allergy. Kung mahirap ka, galis. Biro lang.
Seriously, maraming uri ang allergy. Ang isang uri nito ay ang Urticaria. Marami rin ang dahilan ng pamamantal sa katawan. Iba-iba ang kahulugan ng mga ito, kaya upang makasiguro ka kung anong gamot o paano ito lulunasan, mahalagang malaman mo ang tungkol dito.
Ang Hives ay kilala rin bilang Urticaria sa Ingles at Tagulabay sa Tagalog. Ito ay makakati at mapupulang pantal sa balat na kung minsan, ay pinapalitaw ng allergen. Hindi pare-pareho ang laki at hugis ng pantal sa balat. Kung tutuusin, ang pantal ay pangkaraniwang sakit lamang.
Ang hives ay pangkaraniwang sakit lamang dahil itinuturing lang ng iba na rashes lang ang mga ito. Ang iba nga, hinahayaan lamang nila kapag may nakitang pantal. Subalit, ang totoo, ito ay isang sintomas ng isang sakit sa balat, na dulot ng bacteria, virus, o fungi.
Para sa mga taong may alipunga, eksema, o iba pang sakit sa balat, normal lamang na may lumitaw na mga pantal. Subalit, kung ang pagpapantal ay tumagal nang ilang araw at hindi malaman ang sanhi niyon, kailangan na ang tulong ng espesyalista.
Uulitin ko… Marami ang sanhi ng pagpapantal. Iba-iba rin ang mga sintomas na maaaring maranasan, kaya mahalagang malaman muna ang mga dahilan ng pagkakaroon ng pantal, saka malalaman ang mga sintomas at maaaring gamot.
Ang pantal ay maaaring dulot ng pagsusuot ng damit na gawa sa seda. May mga tao ring nagpapantal kapag nakadikit ang balat sa grasa o sa langis. Ang pagpapantal ay maaari ding reaksiyon ng ilang mga gamot na iniinom. Mayroon din namang nakararanas ng pagpapantal kapag gumamit ng matapang na sabon at iba pang pampahid sa balat. O baka naman nasobrahan lang sa pagkamot. Minsan naman, ang pantal sa balat ay sanhi ng stress. At ang karaniwang nangyayari sa mga bata o sanggol, ay pantal dahil sa diaper.
Ang hives o urticaria ay nauuri sa tatlo—acute urticaria, chronic urticaria, at physical urticaria.
Ang Acute Urticaria ay ang mga pantal na tumatagal nang halos anim na linggo. Ang karaniwang sanhi nito ay mga pagkain, gamot, kagat ng insekto, at impeksiyon.
Ang Chronic Urticaria ay ang mga pantal na tumatagal nang mahigit anim na linggo. Ang sintomas nito ay mas mahirap malaman kaysa sa Acute Urticaria. May mga kaso naman nito na ang sanhi ay thyroid disease, hepatitis, infection, at cancer. Kaya naman, maaari nitong maapektuhan ang mga baga, kalamnan, at gastrointestinal tract. Malalaman ang ganitong uri ng urticaria kapag kinakapos na ng hininga, sumasakit ang mga kalamnan, nagsusuka, at nagtatae.
Ang Physical Urticaria ay ang mga pantal na dahilan ng exposure sa sikat ng araw, lamig, init, at vibration, pressure, pawis, at labis na pagpapawis o pag-eehersisyo. Ang mga pantal ay lumalabas sa balat kung saan ito na-expose sa mga irritants pagkatapos ng isang oras.
Ang Dermatographism ay karaniwang uri ng physical urticaria, kung saan ang mga pantal ay lumalabas dahil sa pagkamot sa balat. Nangyayari din ito kasabay ng iba pang uri ng urticaria.
Nagagamot naman ang mga pantal. Kung regular na ang pag-inom ng antihistamine o kung dati nang may reseta nito, gawin ito palagi o kapag umaatake. Ang ointment na nabibili over-the-counter ay kadalasang ginagamit na panggamot. May mga mabisang natural na panggamot din, lalo na sa pangkaraniwang sakit sa balat lamang, gaya ng langis ng niyog (coconut oil), baking soda, sabila (aloe vera), pinulbong luya (turmeric), o green tea.
Sa paggamit ng langis ng niyog, dahan-dahan itong ipahid sa mga apektadong bahagi ng balat. Iwanan ito sa loob ng ilang oras. At ulitin ang proseso nang dalawang (2) beses bawat araw hanggang tuluyang mawala ang mga pantal.
Ang baking soda ay may alkaline, kaya nakapagpapaginhawa ito sa balat at nakapagbabawas ng iritasyon at pangangati kapag ipinahid sa mga pantal. Nakararamdam din ng paglambot ng balat pagkatapos maglagay nito sa balat.
Ang taglay na gel ng sabila ang siyang nagpapabilis ng healing process ng pantal. Ito ay may moisturizing element. Kinokontra rin nito ang pamumula ng balat. Mabisa itong pangtanggal ng pantal.
Ang turmeric ay may curbumin. Ito ay mahalagang bioactive component nito na siyang pumipigil sa pamumula. Ito ay nagtataglay ng antioxidant at anthihistamine properties, na siyang mabibisa at natural na remedyo para sa pantal.
Ang mga polyphenols sa green tea ay nakakapagpabawas ng pamamaga, na siyang sanhi ng pamamantal. Ito ay nagtataglay rin ng antihistamine at antioxidant properties, na nagpapagaling ng pantal at pangangati.
I highly recommend din ang First Vita Plus Natural Health Drink Melon o kahit na anong variant. May mga bitamina at mineral kasi ito na nagpapalakas ng immune system. Kapag malakas ang resistansiya, mahihirapan ang hives na kumapit sa katawan.
May mga gumagamit din ng lotion bilang panglunas sa hives. Pero, tandaang hindi lahat ng lotion ay nakapagpapagaling ng pantal. Piliin ang calamine lotion dahil meron itong protectant at astringent, na siyang mga sangkap na nakapagpapabawas ng pangangati.
Habang hinihintay na maglaho ang mga pantal pagkatapos isagawa ang mga natural na remedyo, maaari ding gawin ang mga sumusunod: (1) mag-apply ng cold compress sa apektadong balat, (2) subukang gumawa o matulog sa malamig na lugar o kuwarto, (3) at magsuot ng maluwag at magaang damit.
Ilan lamang ang mga ito sa maaaring puwedeng gamitin para maibsan hanggang sa tuluyan ang mawala ang mga pantal sa balat. Bagama’t normal na lamang ang pagsulpot ng pantal sa balat, hindi naman ito dapat ipagwalang-bahala. Kapag nagkaroon na ng ganito sa balat, kumalat na at iba na ang pakiramdam, mainam na kumonsulta na sa doktor. Huwag munang gagamit o iinom basta-basta ng gamot sa pantal hangga’t hindi nasusuri ng doktor kung anong klase ng pantal mayroon ka.
Kapag nahihilo, hinihingal, nahihirapang huminga, sumisikip ang dibdib, at namamaga ang dila, labi, o mukha, tumakbo na agad sa pinakamalapit na doktor.
Kung may hives ka, don’t hide. Lunasan mo agad ito. Isipin mo na lang na mayaman ka dahil nakararanas ka ng allergy.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment