Agosto 1, 2021
Napuyat ako kagabi. Nang naalimpungatan ako dahil sa kahol ng mga aso bandang 1:30, nahirapan na akong matulog muli. Pabaling-baling ako. Andami kong gustong gawin. Excited ako sa garden. Excited ako sa Youtube. Excited akong kumita online. Kaya, nanood ako ng vlog tungkol sa affiliate marketing.
Lalong nagising ang diwa ko. Excited na akong gumawa ng online marketing FB page. Siguro, mga 4 am na ako nakatulog.
Past 8, gising na ako. Kahit paano, may tulog naman ako.
Maghapon, gumawa ako sa garden at mag-vlog kami. Nakapag-record kaming mag-anak para sa 'Alamat ng Parang.'
Almost half-done na ang garden renovation ko. Dalawang paleta na lang ang ililigpit ko. Maglilipat pa ako ng garden set at metal plant rack. Then, magtatago ng mga kahoy mula sa paleta.
Bukas, sigurado ako, matatapos ko na. Isusunod ko naman ang paglalaba. Need ko ring mag-preside ng Faculty Club election of officers.
Agosto 2, 2021
Pag-alis ni Emily, sinimulan ko na ang pag-aayos sa garden. Mas mahirap ang mga ginawa ko ngayong araw sa garden. Inilipat ko kasi ang garden set at ang isang metal plant rack. Nakakapagod.
Habang nagpapahinga, humarap naman ako sa laptop ko. Gumawa ako ng vlog.
Maaga dumating si Emily, kaya pagkatapos niyang magpahinga, nag-record kami ng audio para sa kuwentong pambata kong vlog. Nakakaadik ang gumawa niyon. Siguro kapag natapos ko na ang chapter 7, maitutuloy ko na ang pagsusulat ng nobelang iyon.
Gabi, bandang 9 pm, miniting kami ni Sir Erwin. Mahigit isang oras din kaming nagmiting. Then, bago matapos, gumawa ako ng slides para sa election ng faculty officers bukas. Ako ang magpi-preside.
Agosto 3, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, inabala ko na ang sarili ko sa affiliate marketing, habang hinihintay ko ang 10 am para sa election of faculty officers.
Past 10, nagaganap na ang meeting-election.
First time kong mag-preside ng online meeting. Mabuti, nagawa ko naman nang husto. Malaki ang naitulong ni Ma'am Venus. Siya ang gumawa ng Google Form at link. Muntikan na ngang magkaaberya nang matagal dahil sa dalawang naunang link. Nahirapan kaming makapasok lahat.
Before 11, tapos na ang election. Si Mareng Lorie ang nanalo. Nagwagi ang aming plano. Niluklok talaga namin siya. Naniniwala kasi kaming magagawa niya ang kaniyang tungkulin.
Na-stress lang ako kasi may dumating na Notice of Hearing para sa Cooperative namin. Kauupo ko lang as chairman noong June, tapos iyan ang bumungad sa akin. Nakakatakot! Na-trauma na ako sa 'hearing.' Last time, kay Taiwan. Hindi nakadalo sa hearing, kaya ipinahuli at ipinakulong. Sumatotal, ako ang nagastusan. Haist!
Anyways, nawala naman ang stress ko dahil naglinis ako sa garden. Dumating lang si Ate Emer, kaya medyo naabala ako nang kaunti, although kausap naman si Emily.
Hindi ko pa rin natapos dahil panay ang ambon. Isa pa, marami pang aayusin. Hindi talaga kaya. Gayunpaman, natapos ko na ang isang nook. Nakapag-pictorial na nga ako, bandang gabi. Doon na rin ako ng shoot ng birthday greetings ko para kay Ma'am Vi.
Ngayong araw, wala akong vlog na na-upload sa YT at FB page, pero may narekord akong audio at nasimulan ko ng isa pang vlog.
Bukas, may event na naman sa online. Stakeholders Appreciation Day.
Agosto 4, 2021
Naging matagumpay namang Stakeholders Appreciation Day. Nagawa ko naman nang maayos ang part ko. Siguro, nakatulong ang healthy breakfast na inihanda at kinain ko.
Then, pinagawa ako ni Sir Erwin ng apology letter, explaining kung bakit hindi kami nakadalo sa virtual hearing. Dadalhin niya iyon sa CDA. Nakahinga ako nang maluwag. Alam kong nakapag-comply na kami ng annual report.
Maghapon akong naglinis sa garden kasi okupado ni Emily ang laptop ko. Okay lang naman dahil gusto ko na talagang matapos ang garden renovation. Kahit paano, gumaganda na ang garden ko. Instagramable na.
Agosto 5, 2021
Pag-alis ni Emily, nagtrabaho na ko sa garden. Pinang-decorate ko ang mga kahoy mula sa mga paleta. Nakaragdag iyon ng ganda sa garden. Ginawa kong pathway akong, kaya native na native talaga ang dating.
Gumawa ako ng vlog, bago ako umalis bandang 3 para mag-withdraw at mag-grocery.
Bumili rin ako ng ink para magawa ko ang IPCRF MOVs ko.
Past 6 na dumating si Emily. Halos kararating ko lang din mula sa Rosario.
Before nine, nag-biking ako. Na-miss kong magbisikleta.
Agosto 6, 2021
Late na ako bumangon. Sinadya ko. Lagi na lang kasi akong napupuyat dahil sa back pain ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig-lamig ko sa katawan o dahil sa sleeping position ko.
Dahil naglaba si Emily, hindi na naman ako nakapaglaba. Tambak na ang labahin ko. Gayunpaman, may isusuot pa naman ako. Okay lang naman dahil may oras ako para sa laptop-work ko.
Ngayong araw, marami akong natapos na vlogs to be. Audio na lang ang kulang.
Nakaag-gardening din ako ngayong araw. Isinisingit-singit ko sa pagko-computer para hindi masira ang mga mata ko. Nararamdaman ko na ngang unti-unti nang lumalabo. Mabilis nang mapagod. Lumuluha na ako kapag natatagalan sa screen. Kaya, past 10 pm, nag-off na ako ng laptop. Umakyat na rin ako, before 10:30.
Agosto 7, 2021
Dahil sa pagbuhos ng ulan, hindi na naman ako nakabalik sa pagkakahimbing ko. Past 4, gising pa ako. Andaming ideas na pumsasok sa isip ko. Naniniwala na ako na kapag madaling araw, active ang brain cells. Kaya naman, nakapagsulat ako ng update para sa wattpad novel ko. Nai-post ko na rin iyon bago dinalaw ng antok.
Paat 8, gising na ako. Past 9 naman ako bumangon.
Birthdat ngayon ni Mama. Dahil hindi ako makakapunta dahil nag-start na kahapon ang ECQ sa NCR, nagluto na lang ako ng pansit canton. Pagkaluto, nag-groufie kaming tatlo.
Niyaya ako ni Sir Hermie sa bahay nila para mag-inom bandang past 1. Nakabihis na ako nang nagbago ang isip ko. Hindi rin naman kasi siya kukuha ng FVP Dalandan. Gusto Melon o Mangosteen. Isa pa, baka masayang lang ang lakad ko dahil hindi naman ako APOR. Ayaw kong magkaproblema sa checkpoint o sa daraanan kong may pulis o sundalo.
Umidlip na lang ako. Paggising ko, itinuloy ko ang paggawa ng vlog.
Nang-istorbo naman itong (bagong) visor (yata) ng ESP. Pina-edit sa akin ang Key to Corrections. May bagong template. Nainis ako. Kahapon lang nag-leave na ako sa GC pagkatapos kong gawin, using another template. Tapos, may bago na naman. Buwisit talaga! Andaming nasayang na oras. Gabi na ako natapos.
Agosto 8, 2021
Tahimik akong naglaba ng mga damit ko pagkatapos kong mag-almusal. Tinuloy-tuloy ko ang paglaba. Walang distraction kaya natapos ko kaagad bago magtanghali. Then, gumawa na ako ng vlogs. Oras na lang talaga ang kulang sa akin. Ni ayaw ko nang magpahinga. Sumusuko na nga ang mga mata ko.
Past 3:30, nag-record ng audio si Emily, kaya naipahinga ko ang mga mata ko. Nakapag-upload naman ako ng 2 vlogs sa YT account niya.
Gabi, itinuloy ko ang paggawa ng vlog. Masakit na sa mata, kaya huminto ako. Nag-gardening naman ako. Nagtanim ako ng Golden pothos at kinalbo ko ang isang bougainvillea para mamulaklak.
Past 9:30, nag-chat ng dati kong estudyante. Binalita niya sa akin na nasa kanya ang draft ko ng 'Pahilis.' Pinahiram daw sa kanya ng kaklase (Karelle) niya na binigyan ko niyon. Natuwa ako kasi pinahalagahan nila iyon. Kaya naisip kong ibigay na lang ang link ng wattpad ko para mabasa niya nang maayos. Natuwa rin ako kasi sinusunod niya raw ang mga turo ko sa kanila. Nagsusulat na rin daw siya.
Natutuwa ako kasi may mga na-inspire pala ako. Sana mas dumami pa sila.
Agosto 9, 2021
Bago ako nakipagkita kay Ma'am Wylene sa Robinson's Tejero para kunin ang DepEs simcard, marami na akong na-accomplish. Siyempre, tungkol sa vlog.
Past 1, nakuha ko na iyon. Nag-withdraw naman ako kung saan nag-inquire si Emily para ideposit ang FVP checks ni Zillion. Nagsabay na kami pauwi.
Hindi pa naideposit ang mga tseke kasi kailangan si Zillion. May requirement pang dapat ipasa. Magre-request pa sa adviser.
Pag-uwi namin, bakit sa paggawa ng vlogs. Tinapos namin ang audio recording ng Kabanata 4 ng Alamat ng Parang.
Gardening ang pinakapahinga ko para sa aking mga mata. Umidlip din ako.
Then, hapon, habang nagdidilig ako ng mga halaman, inutusan ko si Ion na magrekord ng audio para sa mga Makata O quotes ko. Maayos naman niyang nagawa.
Gabi, na-inspire ko si Jano na magsimulang mag-vlog. Nakita niya kasi sa My Day ko ang screenshot ng Adsense ko. May earnings na naman akonG $101.75 as of July 31. Nakakatuwa! Nakaka-inspire. Sana mabilis ding ma-monetize ang vlog ni Emily para pareho na kaming kumikita, gayundin si Ion. Sana ma-inspire ko. Ituloy niya na sana ang sinimulan namin.
Agosto 10, 2010
Pagkatapos mag-almusal, binaba ko ang rack na nilagyan ko ng mga books sa kuwarto ko. Dahil masikip na ang kuwarto ko at maluwag naman sa ilalim ng hagdan, bagay roon ang mini-library namin.
Hindi ko pa natatapos ng gawain ko, tumawag si Papang. Tinanong niya ako kung okay lang na adviser na ako sa Grade 4. Noong una, nagtatanong ako kung bakit ako, pero agad ko rin namang natanggap. Wala naman akong magagawa kung gusto akong ilipat ng principal. Alam ko ang laro niya, kaya makikipaglaro ako. May kinalaman iyon sa hindi ko pagtanggap ng journalism.
Nag-message ako sa GC naming Grade 6. Sabi ko, "Goodbye!" Agad namang nag-videocall si Ma'am Vi nang malamang ililipat na ako. Nalungkot sila at nag-react. May mali raw sa paglipat.
Gayunpaman, tanggap ko na. Isa pa, kahit saan ako. At kahit pagturuin pa ako ng anong subject, huwag lang music.
Natapos ko naman ang paggawa ko ng mini-library, kaya nakagawa pa ako ng vlogs. Hindi naman namin natapos ang audio recording dahil sa ingay ng mga aso ng mga kapitbahay.
Gabi, nakapagsulat ako ng kuwentong ilalaban ko sa division. Na-inspire ako sa mga kuwentong pina-edit sa akin nina Ma'am Joann at Ma'am Lea.
Agosto 11, 2021
Past 9 na ako bumaba. Very late na rin ang almusal namin. Gayunpaman, marami akong accomplishment ngayong araw. Bukod sa paggawa ng vlogs, nasimulan ko na ring ayusin ang kuwarto ko. Kung hindi lang nasabay sa paglilinis ng mag-ina ko sa kanilang kuwarto, tapos ko na sana. Hindi bale, marami pa namang bukas.
Nakapag-upload ako ngayon ng dalawang vlogs sa YT ko. Tapos, nakagawa ako ng vlog na lalapatan ng boses ni Emily. At siyempre, nakapagluto ako ng masarap at paborito naming carbonara. Patuloy rin ako sa paggawa ng Tiktok videos, featuring insects, animals, at plants na nakikita ko sa aming garden. Natutuwa ako kasi may mga nanonood naman at may nagpa-follow sa akin.
Agosto 12, 2021
Sinadya kong hindi dumalo sa pamiting ng Filipino coordinator. Alam ko naman halos ng pag-uusapan. Tungkol iyon sa patimpalak para sa Buwan ng Wika. Nabasa ko na ang memo. Nakakainis lang dahil kung kailan, kinabukasan na ang deadline, saka lang magpapamiting.
Sa halip na dumalo, ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa aking kuwarto. Past 2 pm na ako nag-on ng wifi ko. Almost done na rin ang paglilinis ko. Nabigyan ko pa ng chance si Emily na mag-audio recording ng vlog niya.
Past 3, gumawa ako ng mga MOVs para sa IPCRF ko. Pagpunta ko nang school, confident na akong magpapasa. Akala siguro nila, hindi ko magagawa.
Tumigil akong mag-laptop bandang 7 pm kasi nakakaramdam ako ng pananakit ng mata. Nanood na lang kami ng movie sa YT. Okay naman iyon dahil malayo naman ako sa screen.
Nag-chat ngayong gabi si Hanna. Cellphone na lang daw ang ibili ko sa kanya. Kailangan na niya sa pasukan. Sira na raw kasi ang Iphone niya. Pinangakuan ko naman siya.
Agosto 13, 2021
Hinarap ko ang pagpo-format ng entries ko para sa 2nd Division Storybook Writing Contest para naipasa ko na sa LRMDS Supervisor. Nagawa ako naman iyon bago mag-lunch, pero hindi naman agad naipasa kasi hinintay ko pa ang kina Ma'am Joann at Ma'am Lea. Hapon ko na iyon nai-email.
Ngayong araw, nakagawa ako ng mga vlogs. Ang isa ay para kay Emily. Nai-upload ko na sa Youtube niya.
Sinimulan ko rin ang paggawa ng powerpoint para sa Filipino 4 modules. Double purpose iyon. May lesson na ako, may vlog pa.
Agosto 14, 2021
Past 8, nagba-bike na ako patungo sa bahay ni Kuya Natz. Kaya lang, nag-chat siya na pupunta muna siya sa tile center, kaya nag-picture and video taking muna ako ng mga insekto at bulaklak sa bakanteng lote sa SPV.
Before 9, umuwi muna ako para gumawa ng vlog.
Past nine, nag-text na si Bro. Joni at nag-missed call si Kuya Natz, kaya dali-dali akong pumunta roon. Naabutan ko silang nag-aalmusal. Kumain ako kahit kakaalmusal ko lang.
Nagsimula na kaming gumawa pagkatapos kumain. Nagpakabit si Kuya Natz ng curtain rods sa sala at mga kuwarto. Assistant lang ako ni Bro. Joni. Marami akong natutuhan sa kanya.
Naghanda ng lunch si Kuya Natz. Masagana ang kaninan namin. Busog na busog ako.
Then, nanood kami nh NetFlix bago nagsimula uli ng panibagong task.
Habang nagmemeryenda, nanood uli kami ng Good Doctor. Inabutan kami ng 5 pm doon. Okay lang naman. Masaya naman ako. Naka-bonding ko uli sila. Kahit paano nakikilala ko na sila nang paunti-unti.
Kahit hindi ako nakadalo sa webinar na dapat ay dadaluhan ko, okay lang. Marami pa namang next time.
Pagdating ko, hinarap ko naman ang paggawa ng vlog. Ipinagpatuloy ko ang sinimulan ko kagabi. Nag-record ako ng audio. Nai-upload ko iyon bandang 8:30. Nag-start uli ako ng bagong vlog. Kailangan kong mapaghandaan ang bago kong grade level na tuturuan.
Nine-thirty, umakyat na ako at nanood ng pelikula sa YT. Bukas, may writing workshop-webinar akong dadaluhan.
Agosto 15, 2021
Kahit puyat ako kagabi dahil sa malakas na ulan, bumangon ako nang maaga para mag-log in sa Zoom webinar. Nang mabasa ko nang mabuti ang email ng Embahada ng Pilipinas sa Brasilia, na siyang sponsor ng writing seminar, nine pm pala, hindi 9 am. Okay lang naman dahil nag-abang ako ng mabibiling almusal. Sumang malagkit ang nabili ko.
Sinimulan ko kaagad ang paggawa ng vlog. Sobrang haba ng lesson kaya hindi ko natapos ngayong araw. Idagdag pa ang editing na ginawa ko. Mali kasi ng mga samples. Hindi ko na-research ang 'pormal na depinisyon.' Hindi lang pala iyon kasingkahulugan.
Past 9 pm, nasa Zoom webinar na ako. Bagong-bago ang mga kaalamang napulot ko. Iba ang atake ng speaker. Nagsulat talaga siya ng kuwento habang nagsasalita.
Past 10:45 na natapos ang webinar. Sana may sertipiko akong matanggap.
Agosto 16, 2021
Past nine na ako bumaba. Ang sarap matulog. Kung hindi nga lang nasinagan ng araw ang katawan ko, mula sa sliding window, hindi pa ako babangon. Nakabawi ako ng puyat.
Muli, gumawa ako ng vlog at nag-Tiktok. featuring ang mga insekto at halaman sa garden.
Nakapag-upload ako ng isang vlog sa YT account ko. Si Emily naman ay nakapag-record ng audio bago natulog.
Agosto 17, 2021
Very late na ang almusal namin kanina kasi late na kaming bumangon. Ako pa ang nauna. Hindi naman ako nagluto. Nagsimula agad akong maghanda para sa paglalaba ko. Okay lang naman dahil late na rin ako nakatulog. One-thirty, gising pa ako. Andami ko kasing gustong gawin. Inisip ko lang ang mga ideas at plans ko, kaya hindi agad ako inantok.
Pagkatapos kong maglaba, pinag-aralan ko ang Streamyard. ayos naman. Kailangan lang i-upgrade kapag napagkikitaan na.
Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang vlogs. Ang isa ay uploaded sa YT ko. Ang isa naman ay kay Ion. Siya ang nag-audio recording. Gusto kong masimulan na rin niya ang YT niya habang bata pa.
Gamit ang kuwentong pambata ko, pinabasa ko iyon sa kanya. Ginawan ko ng parang libro. Dati kong zine iyon. In-edit ko na lang.
Bukas, si Emily naman ang gagawan ko.
Agosto 18, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, hinarap ko na ang paggawa ng vlog, na babasahin o lalapatan ng audio ni Ion. Ginamit ko ang bagong sulat kong kuwento.
Nahirapan ako sa paggagawa ng batang lalaki, bilang lead character. Ang hirap mag-edit. Pero, nakaka-enjoy.
Kung hindi nga lang nag-faculty meeting, tapos ko na sana. Ang tagal pa naman ng meeting. From 1:30 to past 5.
In-announce na ang grade assignment namin. Grade 4 na nga ako. Ako lang ang nilipat. Kapansin-pansing ako lang ang nilipat. Okay lang naman. At kahit adviser na ako, alam kong magagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong gawin last school year. At alam kong magiging maayos ang school year ko ngayon, lalo na't welcoming naman ang mga parents. Nag-chat na ngang parents sa akin. May GC na rin. Excited lang.
Agosto 19, 2021
Sobrang init kagabi, kaya nahirapan akong matulog nang mahimbing. Hindi lang pala ako, pati rin ang mag-ina ko. Ang sumatotal, nine na kami bumangon. Past, nine na kami nakapag-almusal.
Ngayong araw, natapos ko na ang isa ang reading aloud vlog ni Ion. Nalagyan niya agad ng audio, kaya nai-upload ko rin agad sa YT niya.
Napansin iyon ni Ma'am Joann. Proud na naman siya kay Ion. Then, idinonate niya ang isa niyang kuwento. Nais niya ring mabasa iyon ni Zillion. Kaya, ginawan ko agad ng mga pictures para maging book-like.
Bago ako natulog, almost 35% na ang nagawan ko. Nakaka-enjoy. Kung hindi lang sumasakit ang mata ko sa sobrang exposure sa radiation, mabilis ko sanang matatapos. Kailangan ko ring kasing gawan ng vlog si Emily. At need ko ring gawin ang video lesson ko sa Filipino 4.
Agosto 20, 2021
Sinikap kong matapos ang vlog para kay Ion, gamit ang kuwento ni Ma'am Joann, ang Kinder teacher niya.
Masakit lang talaga sa mata ang sobrang tagal na pagkababad ng mga mata sa screen ng laptop. Bago dumilim, tapos ko na ang powerpoint niyon. Gabi na nang sinimulan ni Ion ang audio recording. Hindi niya natapos kasi nag-ingay na ang aso ng kapitbahay. Sa halip, gumawa na lang ako ng ibang vlog.
Past 9, nag-register kami ni Emily sa Resbakuna. Desidido na kami. May takot, pero kailangang labanan. Hindi kami makakalabas-labas o makakagala kung walang vaccine.
Agosto 21, 2021
Past nine na ako bumangon. Agad ko namang sinimulan ang pag-edit ng vlog ni Ion. Nang makapag-almusal na kami, pinatuloy ko na sa kanya ang audio recording.
Habang ginagawa niya iyon, nagbasa ako sa digital format ng Liwayway. Na-inspire akong magpasa ng akda. In-inspire ko rin si Ma'am Joann.
After lunch, nai-post ko na ang ikatlong reading aloud ni Zillion. Next kong gagawin sa kanya ay ang sarili niyang kuwento.
Past 2, umalis ako para mag-withdraw. Akala ko hindi ako makakalabas. Andami kasing police sa gate. Seventy-one positive cases ang meron sa barangay namin kaya balita ko, sobra ang higpit nila. Highest pa kami. Awts.
Gabi, nakapag-upload rin ako ng lesson-vlog ko. Iyon ang ikatlong lesson ko sa Filipino 4.
Then, sinimulan ko ang paggawa ng vlog para kay Emily. Ginamit ko ang write-ups ko dati. Ang original vlog kong iyong ang isa sa mga trending videos ko kaya naabot ko ang required watch time.
Agosto 22, 2021
Tulad kahapon. past 9 na ako bumangon. Nasa baba na si Emily. Nakapagluto na siya ng almusal. Nag-almusal agad ako oara masimulan ko na ang paggawa ng vlog. Inuna kong gawin ang kay Zillion. Ang sariling kuwento niya ang ire-read aloud niya. Mabuti, nagawan ko ng mga pictures bawat pahina.
Gabi na nang malagyan nila ng audio ang kani-kanilang vlogs. Saka ko naman sinimulan ang ikaapat kong vlog-module. Nakagawa rin ako ng isa pang ire-read aloud ni Zillion mula sa module.
Nakakaadik ang paggawa ng vlog. Masakit lang talaga sa mata.
Parang balewala ang binili kong anti-radiation eyeglasses sa Lazada. Siguro dahil mumurahin lang o dahil sadya lang talagang babad akong masyado sa laptop.
Agosto 23, 2021
Maghapon akong gumawa ng vlog. Ang vlog kong module ay nakabuo pa ng iba pang vlogs na Reading Aloud ni Zillion. Nagawan ko ng mga pictures. Nakaka-enjoy rin gumawa kahit nakakangawit sa kamay at masakit sa mata.
Hindi ko nga lang napalagyan ng audio kay Zillion kasi gabi na. Hindi ko pa rin nabubuo ang pang-apat kong module-vlog.
Agosto 25, 2021
Gusto ko sanang umalis para ma-withdraw ko ang YT salary ko, kaya lang masama ang panahon. Panay ang ulan. Although, hindi naman gaanong malakas, pero nakakatamad. Kaya, nag-stay na lang ako. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog. Ginawan ko rin si Emily.
Past 2, tapos ko na ang limang vlogs ni Ion at isa kay Emily. Pinag-record ko sila ng audio, habang pinapahinga ko ang mga mata ko. Binisita ko ang garden ko at nag-Anchor din ako-- podcast.
Pagkatapos nila, pinagpatuloy ko ang editing. Nakapag-upload ako ng bale anim na vlogs ngayon sa kanilang YT accounts.
Late ko namang natapos ang module-vlog ko. Bukas, editing naman bago i-upload.
Agosto 24, 2021
Ilang araw na akong nakapokus sa paggawa ng vlog. Ngayong araw, inuna ko ang module-vlog ko. Kailangan ko na kasing matapos ang Quarter 1 bago magsimula ang klase. So far, ikalimang modyul pa lang ako. Kaya ko naman sanang gumawa ng isa module-vlog kada araw kundi ko lang isinisingit ang paggawa ng vlog para sa aking mag-ina. Kailangan din kasi nila. Isa pa, kailangan kong ipahinga ang mga mata ko.
Iniisip ko rin ang pagbili ng cellphone na inaawit ni Hanna sa akin para magamit niya sa online class. Ang pangako ko, ibibigay ko bago magsimula ang klase. Kaya sana, makonsumo ko ang mga nalalabing araw, bago mag-September 13, sa pagba-vlog. Kailangan ko pa kasing maglaan ng isang araw para sa pagpunta sa Antipolo.
Agosto 25, 2021
Habang ginagawa ko ang module-vlog ko, nabasa ko sa FB ang post ni Sir Genero. Nagbigay siya ng PDF files ng 4 na stories niya. Puwedeng iprint. Natuwa naman ako kasi mababasa ko nang libre dahil may printer naman ako.
Nag-print nga ako. Kaya lang, blurred at hindi sakto ang bond paper. Naisip ko na lang na gawing vlog ni Ion. Hayun! Agad kong ini-screenshot at ginawan ng powerpoint.
Before lunch, nagrerekord na si Ion.
Nagpaalam ako kay Sir Gene kung puwede ko iyon i-upload sa Youtube. Pumayag naman siya kaya agad kong in-upload. Akala ko nga, hihingi siya ng link. Hindi pala.
Pagkatapos kong mai-upload, nagpatulong naman si Ma'am Joan na magpasulat ng kuwentong pambata na ilalagay niya sa kanilang task ni Ma'am Venus. Ginawa ko naman agad, kaya bago mag-8 pm, nai-send ko na sa kanila.
Hinarap ko naman ang module-vlog ko. Medyo masakit lang ang mata ko, kaya tumambay ako sa garden nang ilang minuto.
Agosto 27, 2021
Past nine, nagluluto ako ng ulam na pang-almusal. Nilahok ko ang taingang-daga mushroom na nakuha ko sa garden. Ang sarap pala talaga. Crunchy.
Gumawa lang ako ng vlog maghapon, habang wala si Emily. Pumunta siya sa Pasig para magpalit ng FVP vouchers.
Past 2, natulog ako hanggang 5. After meryenda, nag-gardening ako. Nakumpirma kong may mga tumutubong edible mushroom sa mga paletang nilagay ko bilang patungan ng mga nakapasong halaman. Soon, makakapag-ani ako ng pang-ulam.
Agosto 28, 2021
Gusto ko sanang umalis para i-withdraw ang Youtube salary ko, kaya lang nagdadalawang-isip ko. Hindi ko na itinuloy kasi baka may masamang mangyari sa akin. Sa halip, gumawa ako ng vlog.
Nakapag-upload ako ngayon ng isang vlog at nakapagsimula ng isa pa. At siyempre, nakaidlip ako kahit kaunting sandali. Malamig kasi ang panahon. Hindi ko nga lang natapos ang inaayos ko sa garden dahil sa ambon.
Agosto 29, 2021
Hindi pa ako nag-aalmusal, nag-ayos na ako sa garden ko. Inilipat ko ang garden set sa sulok. Sa tingin ko kasi mas maganda at mas safe doon tumambay. At mas luluwag ang daanan.
Satisfied naman ako sa output. Napagod lang ako, kaya inilapat ko ang aking katawan sa kuwarto ko. Bumaba lang ako para mag-lunch.
After lunch, naghanda ako para mag-withdraw at bumili ng cellphone para kay Hanna.
Nakabili ako ng Samsung A12. Mas mahal iyon kaysa sa cellphone ni Zildjian. Sana magustuhan niya.
Nag-vlog ako pagdating ko. Hindi ko na pinaalam sa mag-ina ko, na bumili ako ng cellphone. Ayaw kong magselos pa sila.
Agosto 30, 2021
Maaga akong gumising para sa Virtual INSET. Although, hindi naman ito mandatory, hindi lang dahil National Heroes Day ngayon, kundi puwede itong Bichronous o panoorin kahit kailan dahil nasa Youtube naman. Pero, mas pinili kong dumalo para hindi ako tamarin o hindi ako natambakan ng mga gawain. Hindi ko nga matapos-tapos ang mga module-vlogs ko. So far, nasa ikasiyam pa lang ako.
Interesting naman ang mga topic sa webinar, maliban sa DRMMC.
Stressed lang ako kasi hindi ako kaagad nakapasok sa LMS, kung saan naroon ang attendance at activity sheets para makakakuha ng certificates.
Gayunpaman, nagawa kong makapag-print bg certificates nang paunti-unti. Ang mga kasamahan ko nga sa Grade 6 dati, wala pang nasasagutan dahil sa bagal ng internet o system.
Past 9, printed ko nang lahat. Naisabay ko iyon sa paggawa ng vlog at pag-edit nito kaya hindi ko naramdaman ang inis.
Nainis lang ako sa katotohanang may integrative churva pa akong task sa ESP. Chinat ako ng kasamahan ko. Lutang ako. Wala akong ideya sa mga gagawin ko.
Agosto 31, 2021
Alas-8:30 na ako nagising. Agad ko nang sinet up ang laptop ko at nag-try mag-log in sa LMS.
Nag-breakfast in bed na rin ako dahil hindi na ako nakatayo. Maagang nagsimula ang ikalawang araw ng VINSET 2.0.
Maghapon akong nakatutok sa laptop ko. Very interesting ang mga topic sa seminar. Andami kong natutuhan.
At siyempre, hindi ako nahirapan masyadong mag-print ng mga certificates ko.
Pagkatapos ng webinar, ginawa ko naman ang module-vlog ko. Gabi, past 9, nakapag-upload ako.
No comments:
Post a Comment