Followers
Thursday, August 12, 2021
Writing Prompts: 100-Days Writing Challenge: Sulat na!
Nahihirapan ka bang sumulat ng akda? Nauubusan ka na rin ba ng ideya?
Maaari ka nang makasulat ng maikling kuwento, tula, sanaysay, salaysay, talumpati, liham, pabula, talata, at iba pa mula sa mga sumusunod na writing prompts:
1. Sumulat ng liham na nagpapasalamat sa taong tumulong sa iyo sa isang bagay o Gawain.
2. Ano ang paborito mong panahon at bakit?
3. Nagtatrabaho ka sa zoo at nakawala ang mga elepante. Ano ang gagawin mo?
4. "Nagkakamali ka… Hindi ako iyon!" Ipagpatuloy ang kuwentong ito…
5. Sumulat tungkol sa isang pagkakataon kung kailan mo naramdaman ang isang matinding damdamin (Halimbawa: masaya, malungkot, galit, takot).
6. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tauhan ay nakatuklas ng isang nakagugulat na bagay.
7. Kung mababago ko ang isang bagay sa mundo… ano ito? Paano?
8. Ilarawan ang pinakamatandang taong kilala mo.
9. Isipin mong namumuhay ka sa isang bukid. Ano ang makikita rito at ano ang gagawin mo?
10. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa isang paglalakbay sa dagat.
11. Ano ang paborito mong bahagi sa inyong bahay at bakit?
12. Mayroon kang P100,000. Paano mo ito gagastusin? Ano ang iyong mga bibilhin?
13. Nagkaroon ka ng pakpak at maaari kang lumipad. Saan ka pupunta?
14. Ano ang isang pagkaing natikman mo na nakakasuklam? Ipaliwanag kung bakit napakasama nito.
15. Sumulat tungkol sa isang paglalakbay sa tuktok ng isang mataas na bundok.
16. Ikaw ang mayor ng isang bagong bayan. Nais mong lumipat doon ang mga tao. Paano mo makukumbinsi ang mga ito na sumali sa iyo?
17. Mas gugustuhin mo bang manirahan sa isang malamig o mainit at maaraw na lugar? Bakit?
18. May kakaiba sa paborito mong palaruan (playground). Ano ito?
19. Nagsisimula kang bumuo ng music band. Anong mga instrumento ang kakailanganin mo at anong uri ng musika ang tutugtugin mo?
20. May kakaiba sa paborito mong laruan. Itatapon mo na bai to?
21. Sumulat ng pinakamasayang biyahe o pamamasyal mo.
22. Ang isang bagay na talagang mahusay ako ay ...
23. Ano ang karanasang hindi mo makalilimutan noong bata ka pa? Ilarawan ito nang mas detalyado tulad ng naaalala mo.
24. Sumulat tungkol sa pinakamasayang party na nadaluhan mo.
25. Isa kang wildlife photographer na sumusubok na makakuha ng larawan ng isang pambihirang hayop. Anong hayop ito at paano mo ito mahahanap?
26. Sumulat ng isang kuwento kung saan dapat ilihim ng isang tauhan ang isang mahalagang lihim. Matutuklasan ba ito?
27. "Huwag kang tumingin sa ibaba," sabi ko sa aking sarili. Ngunit, pagkatapos ay… Dugtungan.
28. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang dalawang tao ay nagkakilala sa isang hindi pangkaraniwang paraan at naging matalik na magkaibigan.
29. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa quarantine na naganap sa isang solong bahay.
30. Sumulat ng isang rekomendasyon ng isang libro o pelikula para sa isang kaibigan. Bakit sa palagay mo masisiyahan siya rito?
31. Isang misteryosong kaban ang natagpuan mo sa baybayin pagkatapos ng bagyo. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa kung ano ang natuklasan mo.
32. Gawin mong kuwento ang isa sa iyong kakatwang panaginip.
33. Sumulat ng gabay na "paano maglaro" para sa iyong paboritong isport.
34. Sumulat tungkol sa pinakamasarap o pinakanakakasukang pagkain na naiisip mo. Tiyaking naiisip ng iyong mambabasa kung ano ang lasa nito.
35. Taon-taon, ang isang bagong tao ay ipinapadala sa buwan, at ngayon, ikaw naman ang ipapadala. Ano ang mangyayari kapag lumabas ka sa rocket?
36. Kung mayroon kang isang superpower, ano ito at bakit?
37. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang piyesta opisyal (holiday) ay nagkakamali.
38. Kinilabutan ako. Puno ng paruparo ang aking tiyan. Ngunit huminga ako nang malalim at sa wakas ay lumabas ito… (Ituloy mo ang kuwento.)
39. Inaabot sa iyo ang isang sulat na nakalagay ang iyong pangalan. Nang binuksan mo ito, hindi ka makapaniwala sa iyong mga nabasa…
40. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tao ay natuklasan ang isang bagay na nakagugulat tungkol sa kaniyang kapitbahay.
41. Nakalilikha ka ng isang bagong piyesta opisyal (holiday) na ipinagdiriwang bawat taon. Ano ang tawag dito at ano ang gagawin ng mga tao upang ipagdiwang sa araw na ito?
42. Sumulat ng isang kuwentong nagaganap sa isang kagubatan.
43. May isang matandang bahay sa dulo ng kalye na nakatago sa likuran ng mga matataas at maiitim na mga puno. Walang sinumang naging matapang upang makapasok doon, hanggang ngayon…
44. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa isang araw na tag-ulan.
45. Ikaw ang host ng isang bagong game show. Sumulat tungkol sa kung ano ang nangyayari sa unang yugto.
46. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tauhan ay nakatuklas ng isang bagay na hindi pamilyar sa kanya.
47. Sumulat tungkol sa isang espesyal na pagkakaibigan ng tao at hayop.
48. Ilarawan ang iyong pangarap na silid-tulugan. Ano ang meron dito at bakit?
49. Na-trap ka sa isang disyertong isla. Tanging schoolbag na may mga bagay lamang ang iyong dala. Anong gagawin mo?
50. Ang iyong alagang hayop ay amo mo sa isang araw. Ano ang gagawin niya sa iyo?
51. Sumulat tungkol sa isang lugar na mahalaga sa iyo.
52. Nang matuklasan kong may kayamanang inilibing sa likuran…
53. Makikipagpalitan ng paaralan ang isang kaibigan mong mula sa ibang bansa. Sumulat ng isang liham na nagsasabi kung ano ang aasahan nito.
54. Nang nagising ako, alam kong may hindi tama…
55. Sumulat ng isang liham sa iyong guro na nagsasabi kung bakit dapat pag-aralan sa klase ang iyong paboritong libro.
56. Nagkapalit kayo ng paboritong alagang hayop mo sa loob ng isang araw. Anong gagawin mo?
57. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang lahat ng iyong mga paboritong karakter mula sa mga libro at pelikula ay magkikita-kita. Ano ang pag-uusapan nila?
58. Sumulat ng isang sariling wakas (ending) para sa iyong paboritong libro o pelikula.
59. Ilarawan ang isang araw sa iyong buhay kung kailan ikaw ay sikat na sikat.
60. Sumulat ng isang kuwento kung saan nahaharap ang bida sa nakakatakot na sitwasyon.
61. Dumungaw ako sa bintana at hindi makapaniwala sa nakita ko.
62. Mayroon kang isang magic pen. Ano ang magagawa nito at paano mo ito magagamit?
63. Sumulat ng isang kuwento na may kasamang pangungusap, "Dapat makita ko ito pagdating ko."
64. Natuklasan mo ang isang trap door sa inyong bahay. Ano ang nasa ilalim?
65. Ibahagi ang isang pagkakamaling nagawa at kung ano ang natutuhan mo mula rito.
66. May dumating na alien sa inyong bahay. Ano ang mga susunod na mangyayari?
67. Dapat ipagbawal ang takdang-aralin. Ipaliwanag kung bakit ka sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa pahayag na ito.
68. Ang pinakainteresanteng bagay na natutuhan ko sa taong ito ay…
69. Nakapasok ka sa huling video game na iyong nilaro. Nasaan ka?
70. Isa kang detective na nagtatrabaho sa isang malaki at mahalagang kaso. Ano ito at paano mo ito malulutas?
71. Bumalik ang mga dinosaurs at nasa kalye mo sila. Ano ang mga susunod na mangyayari?
72. Sumulat tungkol sa isang tanyag na tao at kung bakit mo siya hinahangaan.
73. Sumulat ng isang talumpating nagsasabi sa buong paaralan kung bakit dapat kang maging isang lider ng mga mag-aaral.
74. Kung makakabisita ako sa ibang planeta pupunta ako sa…
75. Ikaw ang guro sa araw na ito. Ano ang gagawin mo sa iyong aralin?
76. Kung maaari kang mag-time travel, pupunta ka ba sa nakaraan o sa hinaharap? Ipaliwanag kung bakit.
77. Kung mayroon akong isang trabaho sa mundo, ito ay…
78. Sumulat ng isang liham sa isang nakababatang kapatid, na nagsasabi ng tungkol sa lahat ng kailangan niyang malaman sa pagiging Grade 4.
79. Hinuhukay mo ang pinakamalalim na butas sa mundo. Ano ang meron sa ilalim?
80. Nakahihinga ka sa ilalim ng tubig at nakalalangoy tulad ng isang isda. Ano ang gagawin mo sa iyong bagong kakayahan?
81. Umakyat ka sa tuktok ng pinakamataas na puno sa iyong kapitbahayan. Ano ang nakikita mong hindi mo nakikita mula sa ibaba?
82. Sumulat tungkol sa pinakamagandang regalong natanggap mo. Ipaliwanag kung bakit.
83. Sumulat tungkol sa nawawalang siyudad (lugar).
84. Ilarawan kung anong mga katangian ang hinahanap mo sa isang kaibigan.
85. Makapasok ka sa mga pahina ng iyong paboritong libro. Ano ang mga mangyayari kapag sumali ka sa kuwento?
86. Inaayos mo ang engrandeng kaarawan para sa isang kaibigan. Ano ang plano mo para sa kaniya?
87. Sino-sino ang nakatira sa mga ulap at ano ang ginagawa nila roon?
88. Sumulat tungkol sa isang miyembro ng pamilya na may isang nakawiwiling kuwento.
89. Kaya mong palitan ang uniporme sa paaralan. Ano ang isusuot mo, na gagayahin ng lahat at bakit?
90. Maaari kang pumili ng isang bagong paksa o isport na ituturo sa paaralan. Ano ang pipiliin mo at bakit?
91. May itinatagong lihim at mahiwagang kasaysayan ang inyong bahay. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa kung ano ang nangyari bago ka manirahan doon.
92. Kung makakakain lang ako ng isang pagkain mula ngayon, ito ay _______ dahil…
93. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang nakakainip na araw ay naging isang masaya at nakatutuwang paglalakbay o pakikipagsapalaran.
94. Nagsimula ito bilang isang ordinaryong araw lamang, ngunit pagkatapos…
95. Ano ang itinuro sa iyo ng isang taong hindi mo makalilimutan?
96. Kung may kakayahan akong mapanatili ang buhay ng anumang hayop bilang alaga, pipiliin ko ang ________ dahil…
97. Nakasalubong mo ang kapitbahay mong matagal nang patay. Masaya ka niyang binati.
98. Kung may naimbento ka, ano ito?
99. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatago ng isang malaking lihim.
100.Ano ang pinakapaborito mong araw? Bakit?
Ang mga nabanggit ay mula sa mga ideya ni Jackson Best.
Take the 100-days Writing Challenge now! Happy writing!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment