Followers

Saturday, November 30, 2024

Ang Aking Journal -- Nobyembre 2024

Nobyembre 1, 2024

Quarter to 6 nang bigla akong nagising mula sa isang panaginip. Hindi naman iyon bangungot.  Kahit gusto ko pang matulog, hindi ko na pinagbigyan ang sarili ko. Kailangan kong bisitahin si Mama. Hindi na nga ako nakakauwi sa Polot para bisitihan ang puntod ni Papa, hindi pa ako dadalaw sa buhay na buhay ko pang ina, na siyang dapat kong dinadalaw. Tamang-tama naman kasi nag-chat daw si Lizbeth kay Emily. Kailangan na ni Mama ng First Vita Plus.

 

Past 6, nakaalis na ako sa bahay. Sa Umboy na ako nag-almusal.

 

Past 11, nasa bahay na ako nina Taiwan. Alam kong wala siya roon kasi nag-post si Flor. May pinapagawa siya kay Taiwan.

 

Wala pa sa mood makipagkuwentuhan si Mama sa akin. Nabigla yata siya kaya natulog uli, pero hindi naman matagal.

 

Nagkuwentuhan lang kami, maya-maya, may hinatid nang lunch si Lizbeth. Ngakuwentuhan uli kami pagkatapos kumain hanggang sa antukin ako. Ang daldal niya pa. Gusto ko nang pumikit, panay pa rin ang kuwento at tanong niya. Hindi tuloy ako nakatulog. Nagpaalam na ako bandang 2:30. Naikuwento ko naman sa kaniya ang pagkapanalo ko sa writing contest. Gaya ko, excited rin siya.

 

Sobrang traffic, kaya pasado alas-otso na ako nakarating sa PITX. Kumain muna ako para sigurado. Before 9:30, nasa bahay na ako. Pagod ako, pero masaya ang puso ko kasi nadalaw ko si Mama. Magastos, pero ayos lang.

 

 

 

Nobyembre 2, 2024

Ang aga ko pa ring nagising kahit wala namang pasok. Nasanay na talaga ako sa maagang gising. Tsk-tsk! Gayunpaman, nagbasa na lang ako ng libro. Hindi muna ako nag-on ng wifi para bumangon na ang mag-ina ko. Gumamit na lang ako ng mobile data, na tira ko kahapon. Kaya lang hindi pa rin effective. Pasado alas-8 pa rin bumangon ang mag-ina ko. Tinapay lang ang inalmusal namin. Tamihik na lang akong kumain at nagkape.

 

Pagkatapos magdilig ng mga halamang hindi nauulanan, umakyat na ako para magsimulang gumawa ng schoolworks. Inuna kong gawin ang tatlong DLLs. Isinunod ko na ang paggawa ng PPTs.

 

Inutusan pa nga ako ni Emily na magluto ng ulam. Sabi ko, gumagawa ako ng learning materials, at walang ibang gagawa niyon. Tumahimik siya. Hindi niya pala alam kung gaano kahirap ang maging guro. Kaya nga hindi ako nag-stay kina Taiwan kahapon kasi marami akong gagawin sa bahay. Wala ring maglalaba ng mga damit ko. Ako pa rin. Ako lang.

 

Bago ako nag-dinner, nakatapos na ako ng PPT sa TLE at ESP. Gagamitin ko na lang ang dating PPT ko sa Pang-abay. Ginamit ko iyon sa Grade 4 last year.

 

Sinubukan kong umidlip, pero hindi ako nagwagi. Nagsulat na lang ako ng superhero novel. Nakapag-post ako ng isang chapter bago mag-4:30, bago ako nagkape. Nakapagsulat din ako, bago nito, ng akrostik na tula tungkol sa pagkakawanggawa, na lesson naming sa ESP.

 

Bago ako nag-workout, sinimulan ko ang paggawa ng PPT, na palaro sa tatlong uri ng Pang-abay. Nakagawa ako ng 20+ slides.

 

Seven-fifty, tapos na akong mag-workout. Itinuloy ko na ang paggawa ng PPT habang nanonood ng balita.

 

Nanood naman ako ng survival movie bago natulog. Hindi pa ako inaantok kahit 11 pm, pero nag-off na ako ng laptop.

 

 

Nobyembre 3, 2024

Putol-putol man ang tulog ko, sa tingin ko, sapat naman kasi 8:30 am na ako nagising. Sulit!

 

Naunang bumangon ang mag-ina ko para maghanda ng almusal. Ako naman, nagsimula nang maglaba. Habang nakasalang at habang nagkakape, nag-gardening din ako. Wala akong sinasayang na oras.

 

Past 10, tapos na akong maglaba. Naglinis naman ako nang kaunti sa kuwarto ko bago ako nagsimulang humarap sa laptop.

 

Eleven-thirty, Nakagawa na ako ng isang PPT. isinunod ko naman ang paggawa ng Financial Assitance payroll ng Grade 6-Love. Haist! Ito ang pinakaayaw kong gawin bilang guro. Nakaka-stress.

 

Natapos ko naman ang payroll, kaya lang ay hindi pa ako makapag-decide kung bibigyan ko pa ang allowance ang tatlong absenera kong estudyante o hindi. Hindi ko muna ipinasa. Kailangan ko pang sumangguni sa mga kasamahan ko.

 

Bago ako umidlip, gumawa muna ako ng PPT ng palaro tungkol sa pagkakaiba ng Pang-uri at Pang-abay. Isiningit ko rin ang pag-print ng stars, na ipinamimigay ko tuwing recitation and performance tasks. Napagtiyagaan ko ang printer ko, kaya lang biglang nawalan ng ink. Tuluyan nang sumuko.

 

Quarter to 6, nagsulat ako ng nobela para sa Inkitt.

 

Past 6 hanggang 7:30, nagwo-workout ako. At 8:30, posted na sa Inkitt ang Chapter 106 ng nobela ko.

 

 

 

 

Nobyembre 4, 2024

Lagi na lang akong puyat kapag Lunes dahil tuwing Linggo ng gabi, nahihirapan akong matulog. Siguro dahil ito sa radiation ng laptop, na maghapon kong nasagap. Haist!

 

Past 12 mn na nga yata ako nakatulog, tapos wala pang 3 am, namulat na ako. Hindi na ako natulog. Hinintay ko na lang mag-3 bago bumangon. Nag-cell phone na lang ako.

 

Sa kabila nito, pumasok pa rin ako nang masigla. Maaga pa nga akong nakarating sa school—wala pang 5:30. Hindi naman ako nakaidlip kahit tahimik naman sa labas ng classroom. Ang bilis kasing lumiwanag.

 

Nagturo at nagpalitan kami ng klase kahit wala si Ma’am Lingling. Ang hirap nga lang kasi ang mga estudyante niyang hinati-hati ay hindi naman halos nakikinig.

 

Ala-una, nag-train ako ng journalism sa classroom ni Ms. Krizzy. Nainis ako sa caretaker ng ICT room. Nagbitaw siya ng mga salita, na as if sinalaula namin ang room niya. Makalat daw.

 

Noon pa mang nagmiting kami, na-gets ko nang ayaw niyang ipagamit ang room niya. At ngayon, matagumpay niyang nagawan kami ng issue para may dahilan siya. Noon pa man, ayaw kong nakikigamit ako ng room ng iba. Kung may bakanteng room lang, bakit pa ako makikisuyo. Isa pa, ang SPA adviser ang may gustong doon kami mag-train. 

 

Sa kabila ng inis, nagawa kong mapasulat ang mga trainees ko, kahit wala ang dalawa. Naharap ko sila nang maayos. Nakapagbigay rin ako ng inspirasyon dahil sa pagiging finalist ko sa GTA2024.

 

Alas-3, pagkatapos ng journalism training, isinunod ko naman ang training sa interpretatibong pagbabasa. Kabilang ito sa Read-a-Thon contests. Sinabihan ako kanina ng school Filipino coordinator na mag-train. Kaya ginawa ko agad. Mabuti, napapayag ko ang isa kong estudyante sa VI-Love. Game na game naman siya. Willing siyang matuto at eager Manalo.

 

Past 4 na kami natapos. Umuwi agad ako. Past 6, nasa bahay na ako. Wala na akong inaksayang oras. Habang nagkakape, nag-send ako ng mga anik-anik sa Journalism GC namin, saka ng sanaysay sa interpretative reading contestant ko. Kailangan ko silang i-train nang masigasig para manalo. Nais kong maranasan nilang Manalo. Kakaibang experience iyon para sa kanila.

 

Past 6:30, nag-workout na ako. Wala pang 7:30, tapos na ako. Kaunting routine lang ang ginawa ko.

 

Natulog ako nang maaga para makabawi ng puyat.

 

 

 

Nobyembre 5, 2024

Ginising ako ng isang life-changing dream. Naniniwala akong mensahe ng Diyos ang mga panaginip ng tao. Kaya naman kumilos agad ako upang sundin ang utos niya. Wala namang masama kung pipiliin ko iyon. Ang totoo, mas mapapabuti pa ako.

 

Maaga ulit akong nakarating sa school. Ang ang pinakaunang umakyat sa 5th floor. Tumayo nga ang balahibo ko pagpasok ko sa classroom. Naalala ko kasi ang kuwento ni Sir Rey. Pinaglaruan daw ang remote control at programang pinanonood niya sa TV.

 

Sa halip na matulog, binuksan ko ang ilaw, at nag-open ako ng laptop para makapag-edit ng PPT.

 

Masigla akong nagturo ngayong araw. Effective nga talagang maging masaya habang nagtuturo. Nag-rereflect iyon at nakakahawa. Nag-eenjoy ang mga bata, lalo na may reward system ako—paper stars.

 

Pagkatapos ng klase, nag-lunch kami ni Ms. Krizzy. Hindi nakasabay sa amin si Ate Bel kasi antagal bumaba.

 

Past 1, na dumating ang mga trainees ko. Tatlo lang sila kanina. Medyo nainis ako kasi ramdam kong gusto nang sumuko nang iba. Sana sabihin nila agad para mapalitan sila, o kaya ay maihinto ko na ang pag-train ng collab pub.

 

Gayunpaman, pinasulat ko sila. Nakagawa naman sila. At nakapag-train pa ako ng interpretative reading.

 

Past 4 na ako nakalabas sa school. Past 6 uli ako nakauwi sa bahay. Nagkape agad ako, saka nanood ng teleserye sa YT, na hindi ko napanood kagabi.

 

Past 6:30, nag-workout ako. Kaunti lang ulit ang natapos kong routines kasi may kailangan akong basahin at tsekang mga papel.

 

Past 9, nakapag-encode ako ng dalawang akdang napili ko, at nai-post ko ang mga iyon sa Babasahin. At dahil kailangan ko nang matulog, ipagpapabukas ko na lang ang dalawa pang akda.

 

 

 

Nobyembre 6, 2024

Medyo maliwanag na nang makarating ako sa school. Pagkapasok ko nga sa classroom, pinapasok ko na rin ang mga estudyante ko. Agad rin akong nagsimulang mag-set up ng laptop at PPT. Ang bilis ng oras!

 

Ang bilis ng oras kapag nag-eenjoy. Gustong-gusto ng mga estudyante ang bago style ko ng lesson-palaro. Sa halip kasi na may pipilian, kailangan na nilang magpaliwanag. Nakita ko ang kahinaan nila, pero may mga nakasagot naman, kaya kahit paano ay natuwa rin ako.

 

Naging maayos naman ang mga klase naming kahit kulang kami ng isang guro. Wala nga lang akong vacant. Ginamit ko ang oras ni Sir Jess para magpasulat ng kuwento sa VI-Love, tungkol sa pagkakawanggawa. Game na game naman sila, lalo’t may reward, bukod sa recorded grade.

 

After class, nakisalo ako ng pagkain kina Ms. Krizzy. Then, past 1, nagkaroon kami ng Faculty meeting. Antagal ng meeting! Inabot kami ng past 3. Mabuti may papansit naman. Nagkagulo nga lang ang colloba publishing trainees ko. Iniwan ko sa classroom ni Ms. Krizzy. Naabutan pa nga naming magulo sila. Haist! Baka makarinig na naman ako ng masakit na salita dahil sa kanila.

 

Past 3 ko na naharap ang trainee ko sa interpretative reading. At dahil pagod na rin ako, umuwi kami nang maaga. Wala pang 4, umalis na ako sa school. At maliwanag pa, nasa bahay na ako. Agad akong nagkape at humarap sa laptop upang makipag-transact sa mga GC. Nag-send ako ng P1,000 para sa fire victim kong estudyante. Sumagot ako sa mga tanong ng mga journalist-trainees. At nag-send ako ng announcement tungkol sa Saturday classes.

 

Bago at pagkatapos kumain, nag-bicep workout lang ako. Then, nag-check at record ako ng scores sa sinulat nilang kuwento sa ESP. Napili ako ng dalawang potential stories.

 

Inabot ako ng past 10 dahil sa chat conversation namin ni Ma’am Mina tungkol sa GTA2024.

 

 

 

Nobyembre 7, 2024

Kahit kulang sa tulog, masigla pa rin akong pumasok. Handang-handa akong magturo, magpasaya, at mag-inspire.

 

Hindi ako na-disppoint nang hinarap ko ang bawat klase. Gamit ang sariling kuwento at ilustrasyon, naituro ko ang mga idyoma. Nagkaroon kami ng masaya, masigla, at makabuluhang palaro. Gustong-gusto talaga nila iyon.

 

Disppointed lang ako sa ingay ng Love nang malapit nang mag-uwian, kaya sinabihan ko sila na bukas, magsisimula na akong mag-countdown. Kako, bigyan nila ako ng sampung rason para hindi kami mag-Christmas party. Bigla silang umayos at tumahimik.

 

Pagkatapos ng klase, nakipagkuwentuhan muna ako sa ilang mga kaguro ko tungkol sa mga maling Sistema ta practices sa school. Naghihintay kami (ako at mga young journalists) sa pag-abot ng relief goods namin sa mga fire victims.

 

Mga 2 pm, tumulong na ako sa pag-assort ng mga damit na ipapamahagi. Pinauwi ko na ang mga trainees naming, bago iyon. Ang tantiya ko kasi ay hindi pa maipapamagi ang mga iyon dahil kailangan pang mailagay sa malaking plastic bag.

 

Before 4, nakaalis na ako sa school. Sobrang pagod at antok ko na. Mabuti, nakasakay agada ko. Kaya lang, lumampas pa ako sa Umboy. Nakarating pa ako sa SM Tanza. Sayang ang P13 na pamasahe pabalik, saka ang oras. Tsk-tsk.

 

Past 6 na ako nakarating sa bahay. Mas maaga sana kung hindi ako nakaidlip at lumampas. Agad akong nagkape habang nakaharap sa laptop. Nabalitaan ko kay Ma’am Mel na natuloy ang pag-abot ng relief goods. Mabuti na lang, may nadala silang scouts at writer para maglista ng mga detalye para sa news article.

 

Naka-chat ko rin si Ma’am Joann. Overwhelmed daw sila ni Ma’am Fatima sa pagkapanalo ko sa GTA2024, kaya sagot na nila ang Barong Tagalog ko. Sabi ko nga, willing to pay ako any amount, pero gusto talaga nilang ilibre ako. Natutuwa ako.

 

Ikinuwento ko rin sa kaniya ang naging convo namin ni Ma’am Mina. Looking forward rin siya sa mga susunod na mangyayari.

 

Nag-check at nag-record ako ng ilang papel bago ako nag-workout at nanood ng balita at teleserye. Ang bilis ng oras! Past na agad. Hindi pa nga ako tapos sa leg workout.

 

 

 

 

Nobyembre 8, 2024

Ang bigat ng katawan ko nang tumunog ang alarm. Gusto kong um-absent, pero hindi ko ginawa. Kailangang manatili akong inspired.

 

At hayun nga! Nakarating ako sa school nang maaga. Natuwa ako sa isang estudyante na palaging late. Mas nauna pa siya sa akin. Kaya naman, pinatikim ko siya ng papuri. Tinapik ko rin ang kaniyang balikat, sabay sabing “Ang aga mo. Very good!” Ibinida ko pa siya sa mga kaklase niya.

 

Katulad kahapo, enjoy na enjoy ang mga estudyante ko sa palaro ko. Mabilis umikot ang oras.

 

Medyo iritable lang ako sa lola. Pumunta sa klase ko bago ako nagsimula. Binu-bully at pinagbabantaan daw ng estudyante ko ang apo niya. Nang tinanong ko kung saan nangyari, ang sagot niya—sa barangay raw nila. Uminit ang ulo ko. Kako, “Sa barangay niyo po ireklamo. Andami ko na pong problema.” Andami pang ususerong bata, kaya iniwan ko sila. Kako, “Kayo ang makipag-usap kay Lola.”

 

Sinabi ko sa Love, na iwasan nilang gumawa ng kalokohan dahil nakakaladkad ang pangalan ko. Hindi sa lahat ng oras, guro nila ako. May sarili rin akong mundo.

 

Sa kabila nito, naging masaya naman ako sa bawat klaseng pinasukan ko. Nabitin nga lang uli ang Charity kasi may catechism na naman sila, gamit ang period ko.

 

Nakalibre ako ng lunch dahil may estudyanteng nag-birthday at nagpakain.

 

Past 1, wala halos kapormalan ang Journalism training naming. Mabuti na lang, nandoon si Carlyn. Naturuan ko kahit paano sa layouting.

 

Naharap ko rin ang mga estudyanteng interesadong mag-trainee o participant sa GTA2025. Nagpaturo sila sa akin. Ang isa, napangakuan ko nang isasali pagkatapos ng brainstorming naming. Nabuo na naming ang concept ng kaniyang kuwento. Isusulat na lang niya. May mga nagpasa na rin ng kuwento kanina sa klase ko.

 

Past 3, pinauwi ko na ang mga journalist. Hinarap ko naman ang isa para sa interpretative reading. Wala pang 4 nang umuwi ako.

 

Sobrang antok ko sa bus, pero hindi ko pinagbigyan nang husto kasi ayaw ko nang makalampas uli, lalo na’t umuulan pa.

 

Past 6, nasa bahay na ako. Agad akong nagkape at humarap sa laptop.

 

Past 9, nagpasa ako sa GC ng Numero ng schedule ko para sa MWF classes. Pinakiusapan ako ni Mareng Janelyn na ako na muna ang humawak since weekdays naman ang Numero hanggang December. Pumayag ako kasi sayang naman ang dalawang Sabado na asynchronous lang naman. Pero sa January, iba na ang hahawak kasi ibabalik na sa Sabado ang klase.

 

Hindi ako nakapag-workout ngayon.

 

 

 

Nobyembre 9, 2024

Sa wakas, nakabawi ako ng puyat! From 11 pm kagabi, nagising ako bandang 7 am ngayong araw. Ang sarap sa pakiramdam.

 

Past 8 na ako nakapag-almusal. Hinintay ko na kumilos ang mag-ina ko. Si Ion ang naghanda ng almusal. Nice! Humarap na kasi ako agad sa laptop para gumawa ng activity sheet para sa asynchronous learning ngayong araw.

 

Bago mag-10:30, marami na akong na-accomplish. Nakapagdilig na ako ng mga halamang hindi nauulanan. Nakapagpa-deliver na ako ng bigas. Nakapaghanda ng tatlong DLL. At nakagawa ng dalawang PPT sa Filipino. More to go!

 

Nag-chest workout muna ako bago ko sinimulan ang ikatlong PPT sa Filipino 6.

 

Pagkatapos kong mag-dinner, inabutan ako ng matinding antok, kaya pinagbigyan ko. Past 3 na ako nagising. Siyempre, ipinasa ko muna sa GC ang MOV ko. Past 4 na ako bumangon para ipagpatuloy ang ginagawa ko.

 

Nine o’ clock na nang matapos ko ang ikatlong PPT sa Filipino 6. Napagod ako. Sobrang hirap gawin ang game-based presentation. Pero dahil masaya at natututo ang mga estudyante sa ganitong paraan, pinagtitiyagaan ko.

 

Nagbasa naman ako ng mga akda ng ilang estudyante sa VI-Love na interesadong sumali sa GTA2025. Natapos ko naman agad after 20 minutes. Kaunti lang kasi ang nagpasa. Ang iba naman kasi ay nagpasa sa Messenger. Ang malungkot lang, walang nakapasa sa panlasa ko. Kailangan sigurong personal ko silang pagkuwentuhin para makuha ko ang story idea nila, kagaya ng ginawa ko sa isa kahapon.

 

Twelve na ako nag-off ng internet. Puyat na naman, pero okey lang kasi Linggo naman bukas.

 

 

 

Nobyembre 10, 2024

Past 6 ako nagising. Bumangon kasi si Emily nang maaga.

 

Hindi naman ako agad na bumaba. Nagbasa ako ng pambatang nobela. Natapos ko na ang “Supremo.”

 

 

Pagbaba ko, nakaalis na si Emily. Akala ko, maghahanda siya ng almusal, hindi pala. May lakad siya. Ako na lang ang nagluto ng almusal namin ni Ion, bago ako nagsimulang maglaba. Nagpokus ako sa paglalaba, kaya wala pang 9:30 am, nakapagsampay na ako.

 

Agad akong humarap sa laptop. Marami pa akong gagawing learning materials, kabilang na sa TLE 6. Past 11, nakatapos ako ng tatlong PPTs o tatlong topics. Almost ready na ang one week discussion ko.

 

Ala-una, nakatapos na ako ng isa pang PPT sa Filipino. Isa na lang ang gagawin ko. Naligo muna ako.

 

Isiningit ko ang pag-idlip. Kailangan ko ito dahil mapapasabak na naman ako bukas sa trabaho at puyatan. Past 3 na ako bumangon. Tinapos ko ang PPT sa Numero bago ako nagmeryenda.

 

Signal No. 1 na sa Metro Manila. Automatic suspension of classes daw. Hindi ako natutuwa. Andami na naming backlogs. May mga dapat pang unahin, tapusin, at gawin. Gayunpaman, wala akong magagawa kung walang F2F classes bukas. May mga gagawin pa rin naman ako rito sa bahay.

 

Maaga akong nag-workout at nagluto. Bago mag-6:30, tapos na akong magsaing at magluto ng ulam. 

 

At dahil wala ngang pasok bukas, sinimulan kong gawin ang periodic test sa Filipino 6 para sa quarter 2. Kailangan kong magawa ito nang maaga dahil sa dadaluhan kong awarding sa Palawan. Siguradong hindi ako ang magpapa-test sa advisory class ko since December 3 to 4 ang schedule ng pagsusulit, samantalang December 2 to 5 naman ang schedule ng Gawad Teodora Alonso 2024.

 

 

 

Nobyembre 11, 2024

Nang magising ako ay 7:30. Ayos na ‘yon! Mga 11 pm naman yata ako nakatulog kagabi. Kahit andami kong realistic na panaginip, hindi naman ako napuyat. Salamat sa class suspension!

 

Past 8 na ako bumangon para mag-almusal. Sa garden ako nagkape at kumain ng egg sandwich. Wala namang ulan, e. Ang ganda ng panahon kahit Signal No. 1.

 

Pagkatapos mag-almusal, naglinis ako sa kuwarto. Inilipat ko ang study table sa may bintana. Hindi na kasi functional dahil sa dami ng nakapatong. Ang hilig ko sa mga pang-display, bottles, vase, books, halaman, bato, figurines, at anik-anik. Kaya sana dumating na ang bookshelf na pina-deliver ko.

 

Before 11 am, nagpapahinga na ako. Maaliwalas na ang kuwarto ko. Naarawan na ang mga halaman ko sa study table. Gusto ko na rin ulit mag-alaga ng isda sa bakanteng aquarium.

 

Worth it ang araw na ito. Nakasulat ako ng isang chapter ng nobela. Nakaidlip ako sa hapon. Nakapag-workout. At natapos ko ang periodic test sa Filipino 6. Ready na akong bumiyahe patungong Palawan nang hindi nag-aalala sa maiiwanan ko sa klase ko.

 

Ready na ako bukas.

 

 

 

Nobyembre 12, 2024

Maaga akong nakarating sa school. Ako ang pinakaunang dumating o umakyat sa 5th floor. Tumaas na naman ang balahibo ko. Pero ang bilis ng oras, may mga dumating agad na mga estudyante. Nakapag-edit lang ako nang kaunti ng PPT ko.

 

Nag-summative test lang ako sa lahat ng sections. Sa Hope, nakapagpalaro pa ako. Mabilis kasing natapos ang test nila. Nakapag-record na rin ako ng scores nila.

 

Wala akong journalism training ngayon. Wala rin sanang training sa interpretative reading, pero dahil sa Friday na ang laban sa Cluster, nagkaroon kami ng emergency training hanggang past 2. Mabuti, wala rin kaming Numero.

 

Nakauwi ako bandang past 3. Sinubukan kong umidlip, pero hindi ko na nagawa.

 

Bago ako nag-workout, ipinagpatuloy ko ang paggawa ng game-based PPT sa Filipino. Kahit paano, nakarami ako.

 

Asynchronous na naman ang mga klase bukas dahil may fogging sa school. Kailangan kong gumawa ng activity sheets.

 

Humihikab na ako bandang 9:30. Mabuti na lang, natapos ko na ang ginagawa kong PPT. Nakapaghanda na rin ako ng activity sheet sa Numero. Ready na rin ang ipagagawa ko sa Filipino 6.

 

 

 

Nobyembre alas-siyete ako bumangon para mag-send sa mga GC ng activity sheets. Pagkatapos niyon, nagkape at nag-almusal ako sa garden. Tamang-tama kasi nagwalis na si Emily. Maaliwalas na roon.

 

Eight-thirty, humarap an ako sa laptop. Kailangang maging productive ako ngayong araw.

 

Past 12, pagkatapos kong mai-set up ang bagong bili kong bookshelf, nai-post ko na ang isang chapter ng superhero novel ko. Nakasagot ko na rin ang mensahe sa akin ng division librarian tungkol sa GTA2024. Inalam niya ang napanalunan kong category. Kailangan daw mag-feedback para sa confirmation ng aking attendance sa awarding ceremony. Yahoo! May linaw at may direksiyon na ang lahat. Malapit na!

 

Past 4, pagkatapos kong mahiga at umidlip, nakasulat ako ng isang teksto tungkol sa dandelion o ngiting leon, na bahagi ng aking Babasahin Project.

 

Gumawa naman ako ng PPT sa TLE 6. Nakagawa ako ng dalawa. Nasimulan ko rin ang summative test #3, bago ako nag-workout. Seven-thirty na ako nagpahinga at nagpokus sa panonood ng balita at teleserye. Bukas, may pasok na.

 

 

 

Nobyembre 14, 2024

Parang hindi na naman ako nakatulog nang maayos. Hindi ako sigurado kung mga panaginip ba iyon o mga pag-ooverthink ko lang. ~Tapos, 2:42 pa lang, nagising na ako. Nauna pa ako sa alarm. Haist!

 

Gayunpaman, pumasok ako nang masigla. Ready naman akong magturo. Medyo mahirap lang para sa mga estudyante ang lesson ko. Dadaanin ko lang sa palaro para mas matuto sila. Nagsermon muna ako sa Charity bago nagturo. Ang iingay kasi pagpasok ko.

 

Ang daming ganap ngayon sa school. May school-based contests dahil sa Reading Month. May earthquake drill pa. Then, ako naman ay nagbalik-turo sa Numero. Muntik na naman akong mainis dahil ala-una na, hindi pa nakompleto ang 15 attendees. Mabuti na lang, na-attain ko. Lumampas pa. May mga bagong pumasok. Naging masaya ang lahat dahil sa game at activity naming kahit one hour lang.

 

Bago ako umuwi, bandang 3:00, nag-train muna ako ng interpretative reading. Laban na niya bukas. Pinahiram ko siya ng tatlong story book.

 

Past 5 nasa bahay na ako. Hindi na ako nagmeryenda o nagkape kasi kumain muna ako sa McDo. Walang kaayusan ang kain ko kaninang tanghali. Binigay lang sa akin ang kanin at ulam.

 

Nadiskubre ko ngayong gabi na sinali ako sa GTA 2024 Online Alab group chat. Mga winners ang mga kasali roon. Nakita ko roon ang matrix of activities at guidelines. Grabe! Apat na araw ang event. Apat na outfit din ang kailangan kong ihanda. Nakakatuwa rin naman kasi sa unang gabi ay parang may bonfire na magaganap. Tinawag nilang Alab rites. Kailangan ko na talagang makapaghanda ng mga kasuotan!

 

 

 

Nobyembre 15, 2024

Nagising na naman ako sa kaskas ng kamay ni Herming sa sliding window. Alas-dos iyon ng umaga. Gusto niyang lumabas, pero hindi niya mabuksan. Kinailangan ko pang bumangon at bumaba para pagbuksan siya. Haist! Mabuti, nakatulog uli ako.

 

Maaga akong nakarating sa school, pero dahil mabilis ang oras, hindi na ako nakaidlip. Isa pa, may dalawang estudyante nang naroon, na nauna pa ngang nakarating sa school.

 

Dalawang guro ang wala sa amin. Pinaghati-hati namin ang isang seksiyon. Ang isa, hinayaan naming sa isang kuwarto, pero pinasok iyon ng floating teacher namin.

 

Bago nag-recess, lumipat ako ng VI-Hope. Nagpa-game ako tungkol sa di-pamilyar o pamilyar na mga salita.

 

Sa Love, kasama ang ilang lalaking VI-Charity, nagpalaro din ako nang magpalaro. Na-enjoy nila, kaya maingay kami at masaya, lalo na ang charade. Ipinahinto ko rin kasi hindi nila kayang mapahulaan at hulaan.

 

After class, nagsalo-salo kami nina Ms. Krizzy at Ate Bel. May dalang ulam si Ms. Krizzy—dinuguan. Busog na busog ako sa pagkain at kuwentuhan. Binigyan nila ako ng tips at ideas sa mga susuotin ko sa GTA2024 awarding.

 

Wala pang 1 pm, umakyat na ako sa 5th floor, kung saan namin isasagawa ng collab publishing training at Numero class. Masaya ako kasi 16 ang participants sa Numero. Nakakalungkot naman kasi 3 lang ang dumalo sa journalism training.

 

Naging matagumpay ulit ang ikalawang weekday-Numero class namin. Sakto lang ang one hour. Hindi boring ang mga participants.

 

Past 2, nag-judge ako, kasama si Sir Jess sa Festival of Talents ng Kindergarten. Wala pang one hour. Pauwi na rin ang mga trainees namin.

 

Hindi ako nakapag-time in sa Numero. Mabuti, puwede naman palang isulat.

 

Bago ako umuwi, nagpaalam ako kay Marekoy na hindi ako makakapagturo sa Numero bukas dahil magpapagawa ako ng Barong. Naunawaan naman nila. May magtuturo naman—si Ma’am Melizza. Ibibigay ko na lang sa kaniya ang bayad for one week.

 

Past 5, nasa bahay na ako. After magkape habang nanonood ng teleserye na aired kagabi, nag-workout ako.

 

Hindi ko na natapos ang pinanonood kong finale ng isang teleserye dahil sa antok. Wala namang pasok bukas, kaya gusto ko sanang magpuyat, pero hindi na kinaya. Mabuti na rin iyon para makabawi ako sa ilang araw na puyat.

 

 

 

 

Nobyembre 16, 2024

Pasado ala-una, pagkatapos kong makagawa ng summative test sa TLE 6, umalis ako patungong Waltermart Dasma, kung saan kami magkikita ni Ma'am Joann. Sabay na kaming pupunta sa bahay ni Mareng Fatima.

 

Nais nilang pagsuotin ako ng customized modern Barong Tagalog para sa Gawad Teodora Alonso 2024. Anila, proud sila sa achievement ko. Nakakahiya man, pumayag na ako kasi naging bahagi naman sila ng journey ko sa pagsusulat, lalo na sa GTA. Noong September, sama-sama nga kaming nag-brainstorm para sa entries namin.

 

Kahit natagalan akong maghintay sa kaniya sa Waltermart, hindi ako na-boring. May pinanood akong model search doon. Saka na-enjoy ko naman ang place at sight-seeing.

 

Six-thirty na siya dumating. Seven na kami nakarating kina Mare. Hiyang-hiya ako, pero pina-feel nilang welcome ako at hindi dapat ako makaramdam niyon. Naawa lang ako sa inaanak kong si Em-Em. May sakit siya. Nagsusuka.

 

Before 8, na-meet ko na ang couturier na Melchor San Juan. Nagsi-serve siya chapel nila. Tumulong muna sila roon saglit sa pag-aayos ng mga umuga. Then, pumunta na kami sa bahay nila.

 

Namangha ako sa gara ng bahay niya. May couture business siya roon. At mas namangha ako sa dami ng collection niya, na for rent.

 

Pinapili na nga ako. Agad kong napili ang monochromatic blue. Tinanong niya ako kung para saan ang Barong na iyon, gayundin ang mga detalyeng gusto kong i-adjust.

 

Lalagyan niya ng ocean-themed accents at gagawin niyang Chinese collar ang napili kong Barong. Tuwang-tuwa na ako agad sa kalalabasan niyon. First time ko iyon. I mean, first time kong pumili at mag-suggest ng style.

 

Unang beses kong suot ng Barong ay noong nag-ring bearer ako sa kasal ng kapitbahay namin noon sa Obrero at ang kaniyang hubby na Australyano.

 

Ang pangalawa ay noong nag-abay ako sa kasal nina Ate Donna at Kuya Bullet.

 

Parang lahat first time!

 

After namin sa Moda Couture, bumalik kami sa bahay ni Ma'am Fatima para mag-dinner. Natuwa ako sa Golden Retriever nila. Napakabait pala ng breed na ito. Gustong-gusto ang belly rub.

 

Awang-awa naman ako kay Em-Em. Nakaapat na suka siya bago kami nakaalis. Dadalhin na siya sa ospital. Sana gumaling na siya agad.

 

Nine-thirty na kami naghiwa-hiwalay. At quarter to 11 na ako nakauwi sa bahay. Nag-chat ako ng pasasalamat sa kanila ilang minuto ang lumipas pagdating ko.

 

 

 

Nobyembre 18, 2024

Past 8, umalis ako sa bahay para mamili sa Divisoria ng mga susuotin ko. Hindi lang kasi Barong ang kailangan ko. Apat na araw ang event, kaya apat na attire din ang kailangan ko. Siyempre, gusto kong bago ang mga dadalhin ko sa Puerto Princesa.

 

Dapat kasama ko si Ma’am Mel para makapag-canvas kami ng vest na gagamitin ng collaborative publishing team namin bilang Press uniform. Kaya lang may dahilan siya. Hindi na ako nagpumilit. Tutal, may sarili naman akong agenda.

 

Ang hirap mamili sa Divisoria. Bukod sa napakarami nang tao, maputik pa. Kaya naman, sa mga malls ako nag-ikot-ikot. At sa 168 Mall ako nakabili ng mga kailangan ko. Nakakagulat ang mga presyo. Pang-mall talaga. Umabot din ng P5k ang nagastos ko sa 1 blazer, 3 pants, 1 long sleeves polo, 1 sweatpants, at 5 Christmas decors. Not to mention ang pamasahe at pagkain ko. It’s okey! Masaya naman ako sa mga napamili ko.

 

Past 2:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod ako, pero sobrang saya. Excited na ako sa event na aking dadaluhan. Sana magkaroon na ako ng balita tungkol sa airfare. Sagot ba ng division office o hindi?

 

Past 6, pagkatapos kong umidlip, nag-workout ako habang nanonood ng balita. Nag-abang din ako sa class suspension. Past 8:30 na nag-declare si Mayora.

 

Ten-thirty, nag-off na ako ng wifi para makatulog na kaming lahat. Wala ring pasok si Ion, kaya kung magdamag itong bukas, siguradong magdamag din siyang mulat.

 

 

 

 

Nobyembre 18, 2024

Bago mag-7, gising na ako. Nag-check lang ako sa inbox at notifications ko, saka ako bumaba para magsimulang maglaba. Kaunti lang ang labahan ko, kaya mabilis lang akong natapos. Mga 8 iyon nang makapagsampay na ako. Tulog pa rin ang mag-ina ko.

 

Past 8:30, nakapag-almusal na ako. Ready na akong humarap sa laptop upang gumawa ng learning materials. Past 11:30, nakagawa na ako ng dalawang PPTs sa Numero. Umidlip muna ako, hindi lang dahil sa pagod at sakit ng mata, kundi sa inis at disappointment sa maybahay ko. Masasabi ko na lang, “Hangga’t ganyan ang uri ng pamumuhay niya, hindi siya magtatagumpay.”

 

Nanood ako ng mga videos tungkol sa comfort women at gerilya sa Pilipinas. Nakakaiyak ang mga kuwento nila. Sana makabuo ako ng story ideas para sa GTA2025.

 

Wala pang 6 pm, nag-workout na ako. May klase na bukas, kaya kailangang makatapos ako ng mga gawin at makatulog nang maaga.

 

Habang nanonood ng balita at teleserye, naghanda na ako ng mga learning competencies na isasali ko sa GTA2025. Nakapag-conceptualize ako ng tatlong story ideas mula sa mga napili kong LCs. Natutuwa at nae-excite ako sa mga nabuo ko. Sana maisulat ko agad ang mga iyon. 

 

 

 

Nobyembre 19, 2024

Three-thirty am na ako gumising kasi 6:30 na ang pasukan. Wala namang nagbago sa preparation ko. Medyo binilisan ko lang ang kilos kasi alam kong mas mahirap nang sumakay kapag inabutan ako ng 5 am sa highway. At hayun nga, hindi naman ako na-late. Past 6, nasa school na ako.

 

Ang bilis ng oras! Thirty minutes na lang ang teaching hour namin per subject. Wala nang motivation. Wala nang review at kung ano-ano pa. Dirrect to the point na, kumbaga.

 

After class, nakisalo ako ng lunch kina Ms. Krizzy, saka naghintay ako kay Ma’am Mel. Naka-schedule ang pagdala namin sa sportswriter at photojournalist sa ABES para sa basketball match ng GES kontra sa EDSES.

 

Sa tagal naming naghintay, hindi naman pala siya makakasama. Hindi siya pinayagan ng MTII. Wala kasi ang principal. Naiinis akong pumunta sa venue, kasama ang dalawang bata. Mabuti na lang, na-enjoy ko ang laban. Kahanga-hanga ang team namin. Ang gagaling nila! Tinambakan nila ang kalaban. Worth it ang paglaan ko ng oras. Sigurado akong na-enjoy rin ng dalawa ang event na iyon. Sana makasulat ng magandang balita ang sportswriter namin.

 

Pagkatapos ng laban, bumalik ako sa school para mag-time out. Nanlibre naman sa Jollibee ang photojournalist ko sa sportswriter at mga kaklase niyang tatlo—mga journalists din.

 

Sa school, naabutan ko pa si Ate Bel. Sabay na kaming lumabas sa school at naglakad patungo sa Buendia.

 

Past 5 na ako nakauwi sa bahay. Bago ako nagkape at nag-workout, nagdilig muna ako ng mga halaman. Halos wala na akong nagawang schoolwork. Mabuti na lang, ready na ang mga PPTs ko.

 

 

 

Nobyembre 20, 2024

Maaga ulit akong nakarating sa school. Nakain ko pa sa classroom ang dalawang suman sa ibos, na binili ko sa PITX. Hindi sapat ang kape at biscuits na inalmusal ko sa bahay, e.

 

Okey na sana ang palitan ng klase namin. Mabilis natapos ang bawat 30 minutes of teaching, pero naputol iyon nang may dumating na Hungarian missionary. Nag-talk siya sa mga estudyante. Mabilis lang naman, pero nakaabala pa.

 

Ngayong araw, nainis ako nang husto. Unang inis ko ay sa Peace. Habang nagdi-discuss ako, may nagpasaway. Kaya naman, sinermonan ko na. Idinugtong ko ang kasalanan nila sa ABES kahapon, nang nagpasaway rin sila.

 

Pangalawang inis ko ay nang dalawa lang ang dumating na journalist sa collab training. Alam kong nasa laban sila ng basketball. Ni hindi sila nagpaalam. Nag-chat na ako sa GC kagabi, nag-remind pa nang personal sa school, pero ni wala man lang nagpaalam.

 

Nag-chat ako sa GC. Kako, wala na sila sa ayos, kaya itigil na lang namin ang collab. Nag-leave na ako sa group. Toxic na! Ilang beses na nila akong binigo at hindi nirespeto. Ayaw ko na talaga!

 

Tinapos ko ang Numero nang maayos. Hindi nila ramdam na masama ang loob ko. Kahit ang dalawang naroon sa training, wala pa silang ideya hanggang sa pinauwi ko sila bandang 3 pm. Umuwi na rin ako agad.

 

Pangatlong inis ko ay ang hindi pa nagbabalita ang region o ang division tungkol sa awarding ng GTA2024. Kailangan ko na ng code para makapag-register ako sa sinasabi sa GC ng winners. At nais kong malaman kung sasagutin nila ang airfare ko o hindi. Kung hindi kasi nila sasagutin, gusto ko nang magpa-book. Haist! Ang bagal naman nila! Samantalang ang ibang division, nakatanggap na ng memo.

 

Bahala na! Patience is a virtue. Hindi naman siguro hahayaan ni Ma’am Mina na hindi kami makadalo sa awarding.

 

Pagdating sa bahay, nagkape lang ako. Isinunod ko na ang pagtsetesk ng mga papel at pagrerekord ng mga scores. Pagkatapos ng mga ito, nag-workout na ako. Past 7 na ako natapos.

 

 

 

Nobyembre 21, 2024

Gusto kong lumiban sa klase, pero nanghihinayang ako. Patapos na ang 2024. Kaunting tiyaga na lang. Dapat kong kayanin ang mga ugali ng mga estudyante. Kailangan kong makapag-isip ng teknik kung paano sila mapapaayos at mapatuto habang may disiplina.

 

Tahimik akong nagpa-summative test. Sa Love, wala akong binigkas na salita. Ramdam naman nila ang aking pananahimik.

 

Sa Hope, wala talaga akong sinalita. Pero sa Faith, nagsalita ako bago at pagkatapos ng test. Nandaya ang iba, kaya sinabi kong “Wala nang magtitiwala sa inyo,” bago ako lumabas.

 

Sa Charity, wala rin akong sinabi. Kahapon pa ako naiinis sa kanila, gayundin sa Peace.

 

Successful ang pananahimik ko. May nagsulat pa nga sa papel. Aniya, “Sorry na Sir.” Yumuko siya, napaluha yata, nang hindi ko pinansin. Naawa naman ako kasi may disiplina naman siya.

 

Hanggang sa pag-uwi at sa pagpila pababa, hindi ko pinansin ang Love. May mga lumalapit, pero inikutan ko lang ng mata. Sana ramdam nila ang pagtatampo ko. Kahapon pa sila namuro. Inanunsiyo ko na ngang wala kaming Christmas party.

 

Pagkatapos kong mananghalian, nag-record ako ng summative test scores sa classroom ni Ms. Krizzy. Tapos na ako nang dumating si Ma’am Vi, at nakipagkuwentuhan sa amin nang ilang saglit.

 

Before 1, umalis na kami sa school. Wala pang 2:30, nasa bahay na ako.

 

Sa sobrang antok, nakatulog ako hanggang 5 pm. Grabe! Ang sarap matulog. Parang nabawi ko na ang ilang araw na puyat.

 

Kahit wala pang memo from the Region, may post naman ang GTA. Nilabas nila ang listahan ng winners. Naroon ang name ko. Nakakatuwa!

 

Natuwa rin ako kasi nag-post din at naka-tag kay Ma’am Mina ang isang may mataas na posisyon sa Region. Tinag din ako ni Ma’am Mina.

 

Hayun! Baka iyon ang dahilan kaya tumawag ang principal sa akin. Inalam niya kung kailan kami bibiyahe, kung nakapag-book na. Alam ko naman ang purpose niya. Pero sabi niya, gusto niya raw gumawa ng memo para hindi ako absent sa pagdalo ko sa awarding since December 2 to 5 iyon. Proud kaya siya sa achievement ko at mga kaguro at mga estudyante namin?

 

Humingi siya ng listahan ng mga entries namin. Gusto niyang ma-award-an uli sa Division ang mga sumali, kaya ipapasa niya raw iyon sa SDS.

 

Pagkatapos nito, gumawa ako ng summative test sa Filipino 6, at nag-workout na ako habang gumagawa ng PPT para sa Numero bukas. Past 8 na ako natapos.

 

 

 

Nobyembre 22, 2024

Sa may school na ako nag-almusal bago pumasok. Pinipilit ko lang pumasok kahit mabigat ang loob ko. Kailangan kong magtiyaga.

 

Kagaya kahapon, tahimik akong nagpa-summative test. Mas tahimik at behave sila. Puwera na lang sa Love, na sadyang wala nang hiya at pitagan. Sa kabila ng pananahimik ko, hindi nila magawang makiramdam. Hindi talaga nila deserve ang Christmas party.

 

Mabuti na lang, mabilis umikot ang oras. Namalayan ko na lang, Numero class na. Eighteen ang attendees ko kaya natuwa ako. Akala ko, hindi ako makakabuo ng 15.

 

Nagsalita na ako habang nasa Numero. Kailangan, e. At sa loob ng isang oras, nakaraos din kami.

 

Nag-stay muna ako sa school para makipag-communicate kay Ma’am Mina tungkol sa GTA. Nagtanong ako tungkol sa code. Hayun, chinat niya si Sir Dennis. Sinend niya sa akin ang regional memo. Agad akong nagpa-register. Then, nag-chat uli ako sa kaniya, based on the memo. Shoulder ng local funds ang airfare ko, kaya tinanong ko kung anong sistema. Dahil parang hindi rin niya alam ang gagawin, tumambay muna ako sa Kinder room. Narooon sina Ma’am Leah at Ma’am Joann. Nahalata niyang problemado ako. Hayun, sinabi ko. Nag-offer uli siya ng tulong sa pagpapa-book. Gagamitin daw ang credit card ni Ma’am Venus bukas. Pero kailangan ko munang magsabi kay Ma’am Mina para alam nito. Mabuti na lang, bago ako umalis sa school, nag-chat na si Ma’am Mina. Aniya, i-shoulder ko muna ang plane ticket. I-send ko na lang daw ang resibo para maisama sa memo at ma-reimburse. Umuwi akong masaya.

 

At dahil sureball na ang pagdalo ko sa GTA2024 awarding ceremony, na muntikan ko nang sukuan at ayawan, bumili ako ng white sneakers sa Tejero. Dalawang pares. Kailangan ko ang mga ito bilang pampares sa blazer ko.

 

Ready na rin ang maleta ko. Nahiram ko ang blue na maleta ni Kuya Emer. Mabuti, hindi pa niya kinukuha rito. At tamang-tama dahil lahat blue ang mga isusuot ko. Nasa temang karagatan din ang maleta.

 

Dahil wala naman akong schoolwork, nag-workout ako nang maaga. Naihanda ko na rin ang susuotin ko para sa Saturday class bukas.

 

 

 

 

Nobyembre 23, 2024

Nag-almusal muna ako sa bahay bago umalis kasi maaga raw magsisimula ang seminar ng mga Grade 6 pupils tungkol sa Child Protection Policy.

 

Pas 6:30, nagsimula na nga iyon. Pero bago iyon, nagsaway ako sa mga estudyanteng maiingay. Matagal-tagal din kasing na-set up ang projector. Nag-behave naman sila. Pinapangalanan ko kasi para makuha ang atensiyon.

 

Naging matagumpay naman iyon. Kumain ng mahigit isa at kalahating oras. Recess na nang umakyat kami. Hindi na kami nakapagpalitan nang maayos. Sa VI-Peace na lang ako nakalipat. Nag-summative test lang sila. Tahimik pa rin ako, pero may ilan talagang walang hiya.

 

Kahit sa Love, hindi ko nagawang totally manahimik. Sobrang daldal nila. Walang pakiramdam at hiya.

 

Sobrang inis ko pa nang bumalik ako sa classroom pagkahatid ko sa mga hindi cleaners nang makita kong hindi maayos ang pagkakalinis. Hindi nag-mop ang cleaners. Kaya nagsabi pa ako sa GC kasi dugyot ang linis ng cleaners. Kako, turuan nilang maglinis nang maayos ang mga anak nila. Mabuti, may dalawang lalaki ang nagpaiwan. Inayos nila ang paglilinis. Satisfied naman ako.

 

Past 12, nakisalo ako sa Tupa group. Naroon sina Ma’am Edith at Putz. Bale lima na kaming nagsalo-salo. Matagal-tagal din kaming hindi nakapagsalo-salo.

 

Past 1, tumambay ako sa Kinder para abangan si Ma’am Venus. Tutulungan daw kasi akong magpa-book ng plane ticket. Matagal-tagal din akong naghintay bago siya nag-chat at saka ko nalaman kay Ma’am Joann na absent pala siya.

 

Hiningi niya ang date ng departure at arrival ko, pero hindi siya nakapag-book. Nag-sorry pa siya, saka nangakong aayusin niya. Mga past 3:30, umuwi na ako. Nag-load pa ako para makipag-communicate sa kaniya kahit nasa biyahe ako, pero hindi naman siya nag-chat. Siguro, busy pa siya. Abangan ko na lang bukas. Sana magkapag-book na ako. Kailangan na ni Ma’am Mina ang resibo sa memo. Makukuha ko na raw ang reimbursement bago ako umalis.

 

Before 6, nasa bahay na ako. Nag-workout naman ako pagkatapos magkape.

 

Maaga pa rin akong natulog kahit Linggo pa lang naman bukas. Kailangang makabawi ako sa puyat.

 

 

 

Nobyembre 24, 2024

Past 7:30, nagsimula na akong maglaba. Naisingit ko rin ang gardening—kahit paano. Past nine, tapos ko na. Agad akong humarap sa laptop para gumawa ng PPT sa Filipino 6. Ang ‘Pagsulat ng Anekdota’ ang inihanda ko. Natapos ko naman ito bago ako nag-lunch. Past 5:30, nalagyan ko ito ng voiceover upang maiparinig ko na lamang sa mga estudyante sakaling magpasaway sila sa klase. Isa pa, magiging video ito para sa aking YT account.

 

Wala pa rin akong plane ticket. Hindi pa uli nag-chat si Ma’am Venus. Hindi rin siya naka-online. Kailangan kong maghintay, gaya ng mga ginawa kong paghihintay noon sa iba ko pang gawain at oportunidad. Ganito talaga ang buhay. Gustuhin ko mang gawin ito nang sarilinan, hindi ko alam kung magiging epektibo. Takot akong mag-book mag-isa kasi baka magkamali o maloko ako.

 

Hapon, nag-chat si Hanna. Hinihingi niya nang advance ang allowance niya para sa susunod na buwan. Andami raw kasi niyang pagkakagastusan sa mga Ims para sa demo niya. Kako, bukas ko na lang ipapadala.

 

Basta nakikita kong nagsusumikap siya at si Zj, walang hindi ko kakayanin. Kaya nga ako nagtratrabaho nang mabuti para mapag-aral at mapatapos ko silang magkakapatid. Bonus na lang sa akin ang honors o awards na matatanggap nila.

 

 

 

Nobyembre 25, 2024

Naipadala ko na kay Hanna ang P5,000 na allowance niya. Umaasa akong tama ang numerong napadalhan ko, since sa 7Eleven lang ako nagpa-cash in.

 

Sa school, sa bawat klase, tahimik pa rin ako habang naka-play ang video ng PPT ko. Tahimik din silang gumawa ng activity pagkatapos makinig at manood. Nakaraos ulit ako sa pagiging tahimik at mukhang istrikto.

 

Bago mag-uwian, pinuntahan ko sa library si Ma’am Venus, kasi sabi niya, upang magpa-book kami. Siguro, kaya hindi siya nag-book sa bahay kasi natatakot siyang magkamali ng details. Okey naman iyon.

 

Naging tagumpay ang booking. Binayaran ko siya agad. Nagbigay rin ako ng P300 para sa pang-aabala. Ibinabalik niya nga. Kako, processing fee iyon. Itatabi na lang daw niya para pang-inom naming sa Christmas party.

 

Nag-Numero class ako kahit kaunti lang sila. Maaga rin kaming natapos dahil wala akong pa-games masyado. Pinauwi ko kaagad ang mga natapos sa written activity. Tuwang-tuwa sila kasi kung ilan ang score nila, iyon din ang bilang ng star na makukuha nila.

 

Past 2:30, umuwi na ako. Past 4 ako nakarating sa bahay. Nanood agad ako ng mga storytelling sa GTA2024.

 

Nag-workout muna ako bago ako naghanda ng PPT para sa Filipino 6 at TLE 6. Ready na ako sa huling araw ng turo ngayong November.

 

 

 

 

Nobyembre 26, 2024

Nag-play lang ako ng PPT na may voiceover sa mga klase ko ngayong araw. Effective naman iyon dahil tahimik sila. Halos lahat ay nagsulat o gumawa ng activity. Malinaw naman kasi talaga ang explanation ko sa PPT, kaya walang dahilan upang hindi nila magawa ang pagsulat ng tulang pasalaysay. May dalawang samples pa akong binasa.

 

Parang gusto ko na lang ang ganoong teknik. Nakukuha sila sa tingin ko. Sa Love naman, ginamitan ko pa ng kapirasong kahoy (0.25 x 2 x 6), bilang pamukaw-atensiyon kapag may maingay. Bigla silang napapahinto kapag tumunog na.

 

Bago mag-recess, pumasok sa classroom namin ang ilang estudyante ng VI-Hope. Wala kasi si Sir Joel. Hayun, medyo iritable ako. Hindi ako komportable kapag nahahaluan ng ibang section ang klase ko. Okey naman sila. Tahimik. Nagpa-summative-slash-review nga ako sa TLE 6. Pero lalong uminit ang ulo ko nang dumaan ang isang janitor. Aniya, “Bumaba ang lahat sa Feeding (room).” So, bumaba agad kami kahit nagti-test kami.

 

Pagdating doon, uminit ang ulo ko kasi hindi naman pala kami dapat nandoon. Piling bata lang ang pupunta para sa eye checkup. Hindi ako nag-declare para doon. Mali ang nakarating sa amin.

 

Mas lalong uminit ang ulo ko nang sinimangutan ako ng school nurse. Pilit niyang ipinangangalandakan na nag-chat siya. Galit ang mukha niya. Kaya raw siya umakyat kasi walang nagri-reply sa chat niya sa GC. Kako, hindi ko nabasa. Ni hindi ko pa nga na-seen. Kako, kahit tingnan mo pa kasi walang signal sa room.” Hindi okey sa akin ang asta niya na parang kasalanan ko. Sumulwak ang dugo ko sa ulo kaya nasigawan ko pa ang mga estudyante ko. Naguluhan din sila kaya hindi agad naunawaan na pinababalik na sila sa 5th floor.

 

Sa inis ko, umakyat ako. Inunahan ko sila. Sa ibang hagdanan ako dumaan. Nagulat nga sila nang nakita nila ako sa classroom. May nagsabi pa, doppelganger daw ako.

 

Nag-chat na ako noon sa GC. Kako, next time, huwag nang iutos sa janitor ang gayon. Lalo akong nainis kasi nagpumilit pang magrason ang nurse. Pinipilit niya ang effort niyang mag-chat para pababain lang ang mga napiling benefeciaries ng Lion’s. Nag-permission to leave ako, pagkatapos kong sabihing hindi ako tumatambay sa mga GC.

 

Nang nakaupo na ang mga estudyante ko, nagtanong ako ng kumpirmasyon kung tama ba ang pagkarinig ko sa anunsiyo ng janitor. Hayun, tama ako.

 

Nagti-test na uli kami nang dumating ang nurse at janitor. Nag-sorry sila. Nagpaliwanag ang nurse. Pilit pang iniba ng janitor ang sinabi niya. Sabi niya sa “clinic.” Oo, pero may sinabi siyang “lahat.” Prinangka ko na ang nurse na hindi ko nangustuhan ang pagsimangot niya. Hindi raw soya sumimangot. E, normal pala iyon?

 

Nang humahaba na ang usapan, hininto ko na. Kako, “Okey na ‘yan!” Tinalikuran ko na sila. Masama na ako sa paningin nila, basta ako, wala akong ginawang masama sa kanila. Ayaw ko lang ng pinakikitaan ng ganoon. Puwede namang maging good vibes lang ang lahat. Napapagod ang lahat, pero kung hindi dadaanin sa init ng ulo, hindi magkakaroon ng problema at gulo.

 

Nakita ng mga estudyante kung paano ko ipinaglaban ang punto ko. Okey lang. Gusto ko talagang malaman at makita nila kung paano harapin ang ganoong sitwasyon. Nagtuloy-tuloy naman iyon. Kinonekta ko iyon sa mga alangangin at wala sa hulog na chat at tawag ng mga magulang nila sa akin at sa GC. Kaya ayaw kong may mga GC kasi naiinis lang ako sa mga arte nila. Gaya sa journalism, kung kailan ayaw ko na, saka nila ako hinahanap. Noong eager akong mag-train, ayaw nila o hindi sila dumadalo. At ang masaklap ay hindi nagsasabi kung bakit hindi nakarating. Kagabi, in-add uli ako sa GC.

 

Matapos ang klase, dumaan lang ako kay Ms. Krizzy. Naroon siya kanina sa may clinic, kaya alam niya ang nangyari. Akala niya nga, sa kaniya ako nainis, o siya ang sumimangot sa akin.

 

Umuwi rin ako agad pagkatapos kong mag-lunch sa karinderya sa tapat ng school. Dumaan ako sa Robinson’s Tejero para tumingin ng belt. Haru, Diyos ko! Ang mamahal. Ang pinakamura ay P399. Sabagay, wala nang mura ngayon, lalo na’t nasa mall. Gayunpaman, hindi ako bumili. Wala akong nabili. Saglit lang akong nag-window shopping.

 

Alas-3, nasa bahay na ako. Umidlip ako hanggang quarter to five. Habang nagpapainit ng tubig na pangkape, nagdilig muna ako ng mga halaman. Ang bilis dumilim! Pagkatapos kong magdilig, madilim na.

 

Nag-workout ako habang nanonood ng balita. Nag-chat naman si Ma’am Mina tungkol sa pinadala kong soft copies ng plane ticket at receipt nito. Aayusin niya raw agad iyon. May papipirmahan daw siya sa akin.

 

Tinanong ko rin siya kung bakit wala siya sa regional memo, at kung makakasama ba siya. Aniya, mga LRMDS Supervisors lang daw ng Category 1 and 2 ang kasama. Sinabi kong nalulungkot ako. Akala ko, makakasama ko siya sa entablado kapag tatanggapin na ang award. Aniya, kasama ko raw ang regional supervisor ng LR at iba pa. Ikinuwento ko pa nga ang pagkailang ko sa GC ng winners. Komento pa niya, sign daw iyon na magiging yearly winner na ako. Kako, sana nga po, Ma’am.

 

Masaya ako ngayon araw kahit may nakatampuhan. At least, nagawa ni Ma’am Venus ang tulong na iniaatang sa kaniya ni Ma’am Joann. Nakampante na ang puso ko. Akala ko, magkakaproblema ako sa ticket o sa pagbiyahe. Ang mga susuotin na lang ang kailangan kong maayos at ma-finalize.

 

 

 

Nobyembre 27, 2024

Wala pang 6 am, nasa school na ako. Nanibago ako kasi wala pang mga estudyante. Palibhasa, wala naman talagang pasok dahil sa Investiture. Umasa lang akong papasok nang maaga ang mga girl scouts. Gusto ko sanang magturo sa Numero. Pero nakumpirma ko kay Ma'am Mel na tapos na ang Numero class, kaya hindi na ako nagtangka pa. Sayang nga at nagturo pa ako noong Monday.

 

Nagkuwentuhan kami ni Ma'am Mel sa classroom niya habang naghihintay sa pagsisimula ng Investiture. Nai-print na rin niya ang plane ticket at receipt nito.

 

Seven-thirty, nagsimula na ang programa. Nanood ako. Nagamit din ako sa paglagay ng pins sa mga batang iskwats.

 

Before 10, tapos na ang program. Tumambay na ako sa room ni Ms. Krizzy hanggang sa mag-lunch.

 

Past 1, nagsimula naman ang Investiture ng mga boy scouts. Hindi na ako umalis sa classroom ni Ms. Krizzy. Ang gulo at ang init sa bulwagan. Isa pa, wala naman akong estudyante roon.

 

Pagkatapos magmeryenda, nakisabay na ako kina Ms. Krizzy at Ate Bel hanggang Baclaran. Namili ako roon ng Barong Tagalog, black slack pants, white socks, blue hankie, black belt, at white shirt. Meron pang native-like pouch. Aysus! Naubos na naman ang P2000 ko. Okey lang naman. May matatanggap naman akong cash prize mula sa BLR.

 

Past 6 na ako nakarating sa bahay. Excited akong isukat ang barong kaya hindi ako kaagad nakapag-workout. At dalawang routine lang ang nakompleto ko.

 

Nagtataka ako sa maybahay ko kasi nagtanong siya kung saan ako pupunta nang nakita niyang sinukat ko ang barong. Saka niya lang nalaman nang sinabi ko. Mabuti pa si Ion, alam niya. Aysus! Naka-post naman sa FB ko. Bakit kaya?

 

Natulungan ko rin si Hanna na mag-edit ng lesson plan niya na pang-demo ngayong gabi. Natutuwa ako kasi lumapit siya sa akin. Sana maging successful ang demo niya, gaya ng mga demo ko dati.

 

  

 

 

Nobyembre 28, 2024

Kulang ako sa tulog kasi nagising ako ng 3 am para magbanyo. Humilab ang sikmura ko. Hindi kaagad ako nakatulog. At nang tumunog ang alarm bandang 4:45 am, agad akong bumangon. Past 6 na ako nakaalis sa bahay. Siyempre, nakapag-almusal na ako. Ayaw ko nang umasa sa pagkain sa INSET. Nagutuman ako last time, e.

 

Before 8, nasa JRES na ako kung saan gaganapin ang Cluster-based INSET ng Cluster 4. Nagsimula din agad pagtuntong ng 8 am.

 

Tungkol sa action research ang mga topics ngayon. Hindi ako interesado, gaya ng karamihan, pero kailangang makinig. Kahit paano ay may take-aways naman.

 

Na-special mention din ako ng aming CID Chief. Binati niya ako bilang awardee ng Gawad Teodora Alonso bago siya nagsimula sa kaniyang talk.

 

Hapon, nang tungkol na sa statistics ang topic, inantok na ako. Hindi ko na nakayanan kaya umidlip ako sa mesa.

 

Past 3, pinauwi na kami pagkatapos ng meryenda. Hindi na itinuloy ang workshop.

 

Past 6 na ako nakarating sa bahay kasi lumampas na naman ako sa Umboy. Hindi naman ako nakaidlip. Kaka-cell phone ko! Bumaba ako sa Puregold. Good thing is may sahod na kaya nag-withdraw na lang ako. Naglakad na lang ako pabalik para makatipid. Nakatipid din ako kanina kasi nagyaya si Sir Jess, kasama si Ate Bel, na maglakad kami mula sa JRES hanggang sa Rotonda.
 

Nagpagupit muna ako bago ako sumakay ng tricycle. At pagdating sa bahay, nag-workout agad ako.

 

 

 

Nobyembre 29, 2024

Mas maaga akong nakarating sa JRES. Matagal-tagal pa ang hinintay ko sa pagsisimula ng seminar.

 

Tungkol sa VAWC at Mental Health ang mga topic ngayong araw. Helpful naman ang mga ito sa amin bilang nga guro.

 

Tumulong ako kay Sir Archie at Ma'am Mel sa pagti-train sa mga batang players ng taekwondo. Asssitant trainer ako ng school, kaya kailangang magkaroon ng ambag.

 

Ang bilis ng oras ngayon. Andaming ganap. One o' clock, nag-awarding na. Then, nagkaroon ng breakaway session. Mga past 3 pm na natapos.

 

Hinintay ko ang chat ni Ma'am Joann sa Baclaran. Sabay na raw kaming pupunta sa Dasma para kunin ang Barong nà pina-customize namin sa Mel Couture. Mga quarter to five na nang nag-chat siya. Pinauna na niya ako kasi sasabay siya sa motor ni Sir Joel.

 

Mabuti, nakita ko si Earl, na pinsan ni Ma'am Fatima, at doon nakatira. Sabay na kaming bumiayahe.

 

Sobrang traffic. Almost 2 hours kaming nasa dyip. Mga past 7 na kami nakarating doon.

 

Wala si Ma'am Fatima. At hindi pa rin dumating si Ma'am Joann. Past 8 na siya dumating, kasama si Sir Joel. Pagkalapag niya ng mga dala-dala, dumiretso na kami sa Mel Couture.

 

Natuwa ako sa customized Barong. Ang ganda ng pagkakayari. Nabuhay ang kulay dahil sa mga nilagay na palamuti. Worth it.

 

Sumabay na ako kay Sir Joel hanggang Brgy. Santiago, Gen. Trias. Naging mabilis ang aming biyahe dahil nagkuwentuhan kami. Wala pang 10, nasa bahay na ako.

 

Nanood muna ako ng BQ bago natulog. Hindi na ako nakapag-workout.

 

 

 

Nobyembre 30, 2024

Nang bumaba ako, nakaalis na ang mag-ina ko. Magsisimba sila ngayon dahil fiesta ng Parokya sa subdivision namin.

 

Habang nagkakape at nag-aalmusal ako, nakasalang na sa washing machine ang mga labahan ko. At natapos ko naman agad iyon bago sila dumating. Isinunod ko na ang paghahanda ng mga isusuot ko. Naabutan nila akong nagdi-dress rehearsal. Nang maayos ko na ang lahat—paplantsahin na lang at eempake, inayos ko naman ang online check-in. Nagpatulong uli ako kay Ma’am Venus. Mabuti, ready siyang tumulong sa akin.

 

Umidlip ako pagkatapos kumain, ang sarap matulog. Pakiramdam ko, nabawi ko ang ilang araw na puyat ko. Nagising lang ako bandang alas-tres nang dumating si Kuya Emer.

 

Pasado alas-tres, tumawag sa akin si Ma’am Evelyn Ramos. Tinanong niya ako kung gusto kong sumulat ng libro sa Filipino 6. Siyempre, hindi ako tumanggi. Opportunity knocks, but once, ‘ika nga. Pina-add niya sa akin si Ma’am Cristina Chioco—ang editor at project coordinator.

 

Chinat ko siya pagkatapos i-stalk kung siya nga ang tinutukoy ni Ma’am Ramos. Nang nag-reply siya, sinabi niya na kaagad ang working money at royalty fee. Aniya, “P7,500/per quarter (P30.00/per book) at 2.50/quarter (P10.00 na royalty pay? Local pub lang kasi ang Triumphant Pub. Corp.?” Pinagsi-send rin niya ako ng biodata at picture ng ID kung payag ako.

 

Hindi na ako nagdalawang-isip. Pagkakataon ko na ito.

 

Agad kong in-edit ang CV ko, na ginamit ko sa Vibal—na hindi ako tinanggap. Then, in-add ako sa GC ng writers na kasama sa project ng Triumphant Publishing Corp. Nakita ko roon ang ilang teachers sa Pasay. Then, bandang gabi, habang nagwo-workout ako, nag-chat si Ma’am Teresa Padolina, ang dati kong guro sa Filipino sa Antipolo National High School-Annex, at kumuha sa akin noong 2018 bilang resource speaker sa storybook writing workshop. Aniya, taga-Antipolo raw ba ako. Nagulat ako hindi lang nandoon siya sa GC, kundi bakit hindi siya updated sa akin. Naisip ko na lang na baka nagbago siya ng FB account, at hindi na kami friends doon. Gayunpaman, natutuwa ako kasi legit ang project na sinalihan ko. Hindi ako mai-scam. Siguradong mababayaran ako.

 

Dahil dito, sinimulan ko na agad ang pagsusulat kahit wala pang abiso. Sabagay, binigyan na rin naman ako ng sample o template, saka kopya ng final Filipino 6 Matatag Curriculum CG. Hindi ko nga lang alam kung alin sa mga objectives ang dapat kong gawan ng lesson. Walong objectives lang naman ang dapat kong gawin. Kayang-kaya!

 

 

 

 

 

 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...