Mapaminsala ang bagyo, kaya dapat palaging handa at alerto.
Narito ang mga dapat gawin kapag may banta ng bagyo.
Magsubaybay. Subaybayan ang mga balita tungkol sa kalagayan ng panahon. Magbasa, manoood, o makinig ng balita tungkol sa parating na bagyo.
Maghanda. Ihanda ang emergency kit, Go bag, first aid kit, survival kit, o ano pa mang tawag sa mga ito. Dapat naglalaman ito ng mahahalagang bagay at kagamitan upang makatulong sa oras ng pangangailangan.
Mag-charge. I-charge ang mga gadgets, flashlight, emergency lights o iba pang kasangkapang rechargeable na maaaring kailangan sakaling putulin o mawalan ng suplay ng kuryente.
Magtabi. Magkaroon ng nakahandang pagkain at inumin, na sasapat sa ilang araw na pananalasa ng bagyo. Makabubuti kung ang mga pagkaing ihahanda ay ready-to-eat food.
Tiyakin. Suriin ang kabuuan ng bahay kung ito ay handa sa malakas na ulan at hangin. Tingnan din ang paligid ng bahay kung ligtas sa mga punong maaaring mapabagsak ng bagyo.
Mag-ingat. Bago mag-landfall, habang nanalasa, at pagkatapos ng bagyo, mahalaga ang pag-iingat. Magdasal sa Diyos para sa kaligtasan ng pamilya at komunidad.
Mapaminsala nga ang bagyo, pero kung magiging alerto at maghahanda, walang itong magagawa. Isa pa, may Diyos na handang tumulong at handang protektahan tayo.
No comments:
Post a Comment