Followers

Friday, November 1, 2024

PAGKAKAWANGGAWA (Akrostik)

Pagtulong sa kapuwa nang walang hinihinging kapalit

Ay isang kaugaliang dapat matutuhan kahit ng paslit

Galing sa pusong tulong o bigay, gaanoman ito kaliit

Katumbas nito ay malaking halaga, na abot-langit

Ang biyayang hatid ay ligaya, sandaling papawi ng pait
Kamay na bukas sa kapuwang aba ay kamay na marikit

Ang mapagkawanggawa ay pinagpapala nang higit

Walang hindi tutulungan, lalong-lalo na ang mga gipit

Ang mga nangangailanga’y `di nabibigo kapag lumapit

Nararamdaman ang kapuwang dumaranas ng pasakit

Gumagawa ng paraan upang makatulong kahit saglit

Galak sa puso mula sa salamat ay sapat nang makamit

Ang kaginhawaan ng tinulungan ay kaniyang iniisip

Walang katumbas na salita ang ngiti nitong ipasisilip

At ang pagtulong sa kapuwa’y maipasa at magpaulit-ulit.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...