Ako si Froilan. Adik ako sa bato. Rockhounding ang hobby ko. Bawat batong kinokolekta ko ay may kuwento.
Bihira lang
naman ang suiseki show. At malimit sa Pilipinas na magkaroon nito, kaya
kapag may nababalitaan akong exhibit, na malapit sa amin, hindi ako
nagdadalawang-isip.
Isang beses
nga, bago kami tumungo sa venue ng birthday celebration ng nanay ko, pumunta
muna kaming mag-anak sa National Stonefest 2024 sa Robinson’s Antipolo.
Ang gaganda
ng mga batong naka-display! Hindi ko pinalampas na makuhaan ko ng pictures at
video ang bawat isa.
Naligayahan
ang puso kong bato, este, ang puso kong mahilig sa bato. Pero nalungkot ako
kasi kakaunti lang ang mallgoers na mahilig sa bato. Mas marami pa ang
batong naka0display kaysa sa mga taong pumapasok sa exhibit area para
tumingin ng mga bato. Libre naman iyon, pero bakit bihira ang mga tao?
Sa palagay
ko, kakaunti lang ang nakaka-appreciate sa rockhounding at suiseki.
Kung alam
lang nila ang ligayang naidudulot ng mga bato, baka magsimula na rin silang
mamulot at mangolekta.
No comments:
Post a Comment