Oktubre 1, 2024
Naging masarap ang tulog ko kagabi, pero bitin pa rin ang
tulog ko. Five hours lang. Kaya naman parang ginusto kong um-absent.
Gayunpaman, nanalo ang kagustuhan kong pumasok.
Naging masaya ko at ang mga estudyante ko nang magkaroon ng
game-based learning activities tungkol sa Kayarian ng Pang-uri, maliban sa Hope
kasi hindi magamit ang TV nila. Sira ang HDMI nila. Kaya iba ang activity nila.
Wala akong naging problema at stress sa mga klase ko ngayong
araw. Mababait ang mga bata. Umuwi akong hindi pagod at masaya.
Past 2:30, nasa bahay na ako. Natulog ako hanggang quarter
to five. Nakapagdulot iyon sa akin ng lakas at ginhawa. Pakiramdam ko, nakabawi
ako ng ilang araw na puyat.
Paggising ko, nag-post ako ng tula ng Love tungkol sa
Resposibilidad. Akrostik iyon, na ipinagawa ko kanina sa ESP 6. Natutuwa ako sa
batang iyon dahil hindi ko akalaing makasusulat siya ng ganoon. May tugma pa
iyon. Hindi siya madalas magpasa ng gawa, pero kanina worth it naman ang output
niya. Magbabago na ang pagtingin ko sa kaniya.
After nito, ni-double check ko ang PPT ko para bukas. Saka
ako nag-workout. Patapos na sana ako sa leg routine nang mag-chat si Ma’am
Joann. Sinabi niya ang tungkol sa entry form ng GTA24. Nagpasa ako kahapon,
pero maling forms ang naipasa ko. Manuscripts. Mabuti na lang, nag-chat siya
kundi hindi masasayang lang ang pinaghirapan ko, gayundin sina Ma’am Mel, Ma’am
Wy, Ma’am Madz, at Sir Ren. Kaya naman, agad kong ginawa iyon. Sinabihan ko na
rin sila. Bukas, sana makapag-print na kami at makapapapirma sa principal para
mai-submit na namin sa GTA. October 11 na ang deadline niyon.
Oktubre 2, 2024
Masigla akong pumasok. Handang-handa akong humarap sa klase
ko. kaya naman, na-enjoy ng VI-Love ang lesson namin. Kaya lang, pagdating sa
Hope, nainis ako. Lutang sila. Isa sa mga itinuturo kong dahilan ang kawalan ng
maayos na HDMI. Hindi gumagana iyon sa laptop ko, kaya bored na bored sila.
Panay pa ang daldal ng iba. Hirap na hirap silang unawain ang lesson.
Sinermunan ko lang sila. At hinikayat ko na mag-ambagan sira para makabili ng
bago at functional na HDMI.
Gayundin ang nangyari sa Charity. Naulinigan ko na nag-enjoy
sila sa game-based lesson kahapon, pero ayaw nila kapag discussion na. Ni-real
talk ko rin sila. Nag-share din ako ng student life ko dati.
Sumatotal, hindi ako masyadong pagod ngayong araw kahit
nagsermon ako sa dalawang section. Kalma pa rin ako. Nakukuha ko na ang tamang
timpla ng Grade 6.
Nakauwi ako bago mag-2:30. At kahit maalinsangan, natulog
ako hanggang 4:30. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa ng mga sinulat nilang kuwento
sa ESP. Wala akong napili, kaya naghanda naman ako ng PPT para bukas. Nag-edit
lang ako ng mga dati kong materials.
Then, nag-workout ako hanggang 7:30 pm.
Oktubre 3, 2024
Nasira ang palitan ng klase ngayong araw kasi nagkaroon ng
Escoda Day ang mga girl scouts. May maikling programa sila sa baba. Gayunpaman,
napasukan ko ang apat na sections, kasama doon ang pinaghati-hating Faith.
Hindi ako masyadong masaya sa ibang sections kasi may nagpabebe. Ayaw sumali.
Pipili lang ng sagot, hindi pa magawa. Ni-real talk ko nga!
After ng klase, nag-lunch at umuwi agad ako, kaya past 2:30,
nasa bahay na ako. Nagmeryenda muna ako bago ako umidlip. Past 4 na yata ako
bumangon para magbasa ng mga sinulat ng mga Love para sa mga pinakapaborito
nilang guro mula Kinder hanggang Grade 5.
Bago ako nag-workout, sinimulan kong gawin ang hinihinging
profile ng Numero Grade 6. Andaming hinihingi! Nakakainis na. Pati address at
contact number, kinukuha. Ano kaya ang kinalaman niyon sa learning ng mga bata?
Oktubre 4, 2024
Maaga akong nakarating sa school, pero katulad ng dati,
hindi pa rin ako nakaidlip dahil sa ingay ng VI-Love. Pasok pa sila nang pasok
sa classroom. Gayunpaman, masigla akong nagturo sa kanila.
Katulad ng sinabi ko sa kanila kahapon, walang magbibigay ng
regalo sa akin. Wala ngang nagbigay. May mga nagbigay ng artificial flowers,
chocoltaes, at greeting cards mula sa ibang section. Mayroon ding nagbigay ng
cards with chocolate at plastic na bulaklak mula sa Love. Nakalusot pa rin.
Nagturo ako sa lahat ng section, maliban sa Charity kasi may dumating na
katekista.
Naging maayos naman ang Love hanggang mag-uwian. Hindi ako
masyadong na-stress. Umuwi rin ako agad. Wala pang 2 pm, nasa bahay na ako.
Natulog ako hanggang past 4. Ang sarap sa pakiramdam nang
nakakatulog sa hapon. Parang nakabawi ako ng lakas. May panaginip pa akong
parang totoo.
Paggising ko, nagsimula akong gumawa ng PPT na game based.
Gustong-gusto kasi ng mga estudyante ang naglalaro habang natututo.
Past 6, nag-workout ako.
Natuwa naman ako nang mag-declare ng asynchronous ang
Project Numero bukas. Agad akong naghanda ng worksheet.
Bago ako natulog, nagsimula akong magsulat ng isang chapter
ng nobela ko. Alam kong hindi ko iyon matatapos dahil sa puyat at pagod.
Past 11 na ako nag-off ng laptop at wifi.
Oktubre 5, 2024
Grabe! Pasado alas-sais ako nagising. Akala ko, 8 na. Hindi
talaga ako mahimbing matulog. Kung kailan walang pasok, maaga pa ring nagising.
Buwisit din ang alarm ko ng 3 am, tumunog din kanina. Hindi ko pala na-off
kagabi.
Dahil hindi na ako makatulog, nagbasa na lang ako ng mga
aklat-pambata na nabili ko sa MIBF noong Setyembre. Halos nabasa ko nang lahat
bago ako nag-send ng worksheet sa mga estudyante ng Numero.
Past 8 am, bumangon na ako para sana mag-almusal, pero hindi
agad ako nakapag-almusal. Naghahanda pa lamang si Emily. Kaya nag-stay muna ako
sa garden. Nagwalis-walis, nagdilig, at nagtanim ng ilang halaman.
Pagkatapos mag-almusal, sinimulan kong i-draft ang IDLAR ng
Numero. Mabuti, may mga nag-send na ng picture at output.
Bago ako naligo, na-inspire akong magsulat ng kuwento
tungkol sa batang lalaking nagturong magbasa, magbilang, at magsulat sa mga
kalaro at kaibigan. Nai-post ko iyon sa aking social media group and pages bago
mag-11:30. Grabe ang luhang tumulo sa akin habang winawakasan ko ang kuwento.
Sana maka-inspire ako ng maraming readers.
Past 2, nakapagpasa na ako ng MOV at IDLAR sa Numero.
Nagmamadali kasi ang focal person naming. Baka may lakad siya. Lilima pa lang
ang nagpasa sa akin kaya ginawan ko na lang ng paraan para maging presentable
ang mga reports ko.
Marami akong accomplishment ngayong araw kahit maghapon
akong nasa kuwarto, bukod sa mga nabanggit ko na. Nakapag-post ako ng isang
chapter ng nobela. Natapos ko ang game-based learning material. Nakaidlip ako
sa hapon. At nakapag-workout.
Bago ako natulog, tinapos ko ang kuwentong pambatang
nasimulan ko weeks ago. Hango iyon sa conversation ng co-teacher ko at anak
niya.
Oktubre 6, 2024
Mahaba-haba ngayon ang tulog ko. Quarter to 8 na ako
nagising. Since, aalis si Ion para sa stageplay na kaniyang panonoorin,
bumangon si Emily nang maaga para ipaghanda ito ng almusal. Naki-join ako sa
pag-aalmusal, pero nagsisi ako kasi nainis lang ako sa asawa ko. Palagi siyang
ganoon. Gusto niyang bibigyan ko pa siya ng pera kasi asawa ko siya.
Samantalang wala naman siyang ambag sa bahay kahit pambayad sa tubig. Sabi ko
nga, mangupahan nga siya sa labas kung may libre pang pagkain at utility bills.
Napakasuwerte na niya dahil libre lahat—mula internet, kuryente, tubig, at
pagkain. Sabi ko pa, kung bibigyan ko siya ng pera, aanhin niya? Ipamimigay
rin? Hindi siya nakasagot. Binilangan ko siya ng gastusin. Hulog sa Pagibi ay
P5,700. Sa internet P1,500. Sa tubig, almost P2,000. Sa tubig ay P500 to P600.
Pamasahe at pagkain ko pa sa school araw-araw. Monthly allowance ni Hanna ay
P5,000. Kulang na ang sahod ko. Mina-magic ko na lang. Gumagawa ako ng paraan
para makatipid at makaragdag ng income. Nagba-vlog. Nagtitinda ng items sa
school. Nagtitimpi sa pagbili ng kung ano-ano.
Akala siguro niya, nagtatae ako ng pera. Sana magsumikap
siya para mabili niya ang mga kailangan at gusto niya. Huwag na siyang
magpabuhat at magpabigat. Akon a nga ang naglalaba at namamalantsa ng damit ko
para suportahan ang First Vita Plus niya, para hindi na ako maging abala sa
oras niya. Oras lang niya sa pagluluto at paglilinis ang kailangan ko. Tapos
ngayon, parang ako pa ang may kulang. Nakakalungkot talaga. May sinabi pa
siyang nakakainis. Parang gusto niyang bawiin ng Diyos ang mga biyaya sa akin.
Aguy! Walanghiya naman talaga, o! Akon ang lahat ang gumagastos sa bahay, tapos
may kulang pa ako. Nasaan po ang hustisya? Siniraan pa ako sa ka-FVP niya. Sa
halip na sabihing suwerte siya sa asawa niya, parang sinasabi niyang malas siya
kasi hindi nakakatanggap ng pera. Hindi raw siya plastic kaya siya nagsasabi
nang totoo. Balewala pala ang lahat ng pag-provide ko sa pamilya.
Nakakawalang-gana. Gusto niya palagi siyang bibilhan ng gusto niya. Sapatos
daw, wala na siya. Kailangan daw niyang magpasalamin. Ako pa ba ang gagawa ng
paraan? E, kumikita naman siya sa First Vita Plus. Ni hindi nga ako makatikim.
Bumibili ako ng products sa kaniya.
Haist! Disappointing. Hindi na talaga babalik ang amor ko sa
kaniya.
Pagkatapos nito, bumalik ako sa kuwarto. Hindi muna ako
naglaba, hindi dahil umaambon, kundi dahil sinira niya ang araw ko.
Hindi naman nagtagal, nabawasan ang inis ko kaya naglaba na
ako. Pero hindi ako kumikibo. Mabilis kong natapos ang paglalaba. Past 11, nasa
kuwarto na uli ako—gumagawa ng DLL at PPTs para sa Tuesday.
One-thirty, nagsulat ako ng nobela. Six pm na ako
nagkapag-post kasi umidlip pa ako bandang 2 pm. Isinunod ko ang workout. Sa mga
sandaling ito, wala pa si Ion. Wala pa rin ang butihin kong asawa. Siguro,
bibili na naman iyon ng ulam sa karinderya.
Nagkamali ako ng akala. Nag-chat siya. Kumain na raw ako
kasi may dasal sila sa patay. Hayun, nagluto ako ng ulam ko. Mabuti, may
skinless longganisa sa freezer. Late na rin umuwi si Ion.
Oktubre 7, 2024
Past 6 na ako umalis sa bahay. Iniiwasan ko ang misa sa
school. Kaya lang naipit ako sa traffic. Three hours akong nasa biyahe. Malapit
nang mag-start ang program pagdating ko.
Akala ko, tapos na ang misa, hindi pa pala. Ten am pa raw
darating ang pari. Nainis lang ako.
Okey naman ang celebration na inihanda ng office at SPTA.
Nabusog ako. May palitson pa.
Past 12, pumunta na kami sa Cuneta Astrodome. Natagalan kami
sa pila papasok. Ang haba!
Okey naman ang division-wide celebration ng WTD. Maraming
performances at prizes. Dumating uli ang Calixto Team para mangampanya.
Nagbigay sila ng cash para sa raffle. Almost half-million ang nalikom mula sa
mga konsehal hanggang sa congressman. Kaya lang, hindi man lang nabunot ang
pangalan ko. Gayunpaman, masaya ako para sa mga kaguro ko. Marami silang
nabunot sa raffle. Okey na ang freebies kong fruit juice at tomato sauce.
Nakauwi ako sa bahay bandang 7:15 pm. Wala na naman si
Emily. Pero ayos lang. Nagsaing naman si Ion. May ulam na rin.
Nakatulog na ako nang dumating siya. Mga quarter to 11 pm na
yata iyon. Nasira ang tulog ko. Haist!
Oktubre 8, 2024
Hindi ako tinatamad na bumangon. Masigla akong pumasok. At
masaya akong humarap sa klase ko--- sa mga klase ko. Hindi ako nagsermon,
nag-real talk. Ayaw naman kasi nila iyon.
Mabilis natapos ang araw. Paghatid ko sa klase ko, tinawag
na ako ni Ms. Krizzy. Kumakain na siya. May free lunch kami mula kay Ate Bel.
Kaya lang hindi naming siya nakasalo dahil may dinala siyang bata sa Guidance’s
Office. Nakasakit daw ng kaklase.
Before 1, umalis na ako ng school. Sabay na kami ni Ma’am Vi
sa paglakad patungo sa Buendia.
Past 2:30 ako nakarating sa bahay. Kahit sobrang init,
nag-stay ako sa kuwarto para makapagpahinga. Binasa ko muna ang mga greeting cards
mula sa Grade 4-Buko. Hindi nila ako nakalimutan kahit sandal lang kaming
nagkasama-sama.
Past 3:30, umidlip ako. Kahit paano nakatulog naman ako.
Saka lamang ako nagmeryenda. Pagsusulat naman ng nobela ang isinunod ko. At
dahil 6 pm na, nag-workout na ako. Nag-chest workout lang ako, at isang leg
routine. Sabi nga, kahit mabagal ang development, may development pa rin.
Oktubre 9, 2024
Hindi ko pinansin ang aking maybahay nang magising siya nang
paalis na ako. Naiinis pa rin ako sa kaniya, pero nag-iwan pa rin ako ng P500.
Sana ramdam niya ang hirap ko sa mga gastusin, bills, at budgeting ng
kakarampot na suweldo.
Sa klase, natuklasan ko na pinakikialaman ng Grade 5, na
ka-share namin sa classroom, ang mga gamit ko sa drawers. Nagkawalaan ang gamit
ko—ballpen, star stamps, at pati dalawang pares ng gamit ko nang foot rags.
Grabe! Nabasag na nila ang salamin ng table ko, ngayon naman, ninanakawan pa
ako ng mga gamit.
Kinausap ko pala si Sir Rey bago ko hinatid sa baba ang
Love. Sana hindi na maulit ang nangyari. May nagsumbong pa nga sa akin na si
Kian daw ang salarin.
Masaya na naman akong humarap sa mga klase ko. Application
ng Pang-uri ang gawain nila ngayon. Pinasulat ko sila ng akda na parang
riddle—“Ano Ako?” Enjoy na enjoy silang nagsulat kasi nagustuhan nila ang mga
samples ko.
Marami nga akong napiling akda. Kaya pagkatapos kong
magmeryenda at mag-record ng mga quizzes, nag-encode na ako ng mga akdang
napili ko. Nai-post ko na rin sa Babasahin ang anim na akda bago ako
nag-workout.
Seven-twenty, tapos na akong mag-workout. Nag-encode naman
ako habang nagpapahinga.
Oktubre 10, 2024
Katulad kahapon, kalmado akong humarap sa klase ko. Inspired
ako. Hindi ako na-stress. Nagsesermon ako pero agad rin silang magbi-behave.
Natuto sila, sigurado ako.
Nagkaroon ng maikling mental health seminar ang mga piling
estudyante ng Grade 6, kabilang ang Love. Kaya nasa baba rin ako bandang 10:20
hanggang 11 am.
After class, umuwi na rin ako kaagad. Wala pang 2:30, nasa
bahay na ako. Uminom agad ako ng First Vita Plus Melon para antukin. Nang
inantok, umidlip ako hanggang past 4. Kahit paano ay nakatulog ako.
Pagkatapos magkape, nag-check at nag-record ako ng quizzes.
Then, nag-encode ng napiling akda—gaya kahapon. Naihanda ko rin ang entry form
ni Benjo. At na-edit ko ang test result na inihanda ni Ma’am Vi.
Bago mag-6:30, nagsimula na akong mag-workout. Pagkatapos
nito, naihanda ko na rin ang PPT ko para bukas.
Oktubre 11, 2024
Maaga akong nakarating sa school, pero mas maaga pa ang ilan
sa mga estudyante ko. Hindi na ako nakaidlip. Nag-sound trip na lang ako.
Naging maayos naman ang palitan ng klase namin kahit kulang
kami ng isang guro. Hindi ko naman natapos ang turo ko sa Charity kasi may
catechism sila. Gayunpaman, nagkaroon ng ilang minutong tsansa para ilahad ang
Aspekto ng Pandiwa at mga halimbawa nito.
Sa Love, naging mahaba ang contact hour ko sa kanila bago
mag-uwian. Mabuti, hindi agad natapos ang summative test sa TLE, at nagbigayan
kami ng school ID.
After ng klase, hindi ako agad nakauwi. Nag-lunch muna ako.
Kumuha ang card sa Guidance Office. At naghintay kay Ma’am Joann na mai-print
ng entry forms at mapapirmahan ng principal namin. Nag-LAC pa sila kaya
natagalan ako.
Madilim nan ang makauwi ako. Agad akong humarap sa laptop
upang mag-send ng entry forms. Nang magawa ko, saka ako nagmeryenda at
nag-workkout.
Oktubre 12, 2024
Nabigla ako nang tumunog ang alarm. Ang sarap sanang
matulog, pero hindi puwedeng pagbigyan ang antok. Kinailangan kong pumasok para
sa Numero. Wala pang 7:30, nasa school na ako. Umaasa akong makakaabot ng 15 na
estudyante ang papasok, pero nabigo ako. Nine lang sila. Nainis ako, pero
nagturo pa rin ako.
Mabilis natapos ang Math intervention. Nag-enjoy ulit sila
sa mga games.At siyempre, natuto.
Past 1:30 ako umalis sa school kasi naghanda muna ako ng
lesson plan at PPT para sa next Saturday. Mas okey na ang laging handa.
Sa PITX, umidlip muna ako, saka nagmeryenda ng burger at
fries. Kalahating ulam at isang kanin lang kasi ang lunch ko. Nabitin ako.
Pagdating sa bahay, antok na antok ako, kaya pinagbigyan ko.
Past 6:30 na ako pumindot-pindot sa cell phone ko. Seven-thirty naman ako
nagbukas ng laptop—pagkatapos mag-dinner. Nagsulat ako ng journal, saka nobela.
Hindi nga lang ako nakapag-post dahil naubusan ako ng ideya.
Oktubre 13, 2024
Past 7 ako nagising. Kahit paano ay nakabawi ako sa ilang
araw na puyat. Hindi rin ako agad bumaba dahil nagbasa ako ng libro.
Habang nagkakape at habang naghihintay sa inihahandang
almusal ni Emily, sinimulan ko na ang pagsusulat ng detalye sa cards.
Saktong-sakto lang ang bilang niyon para sa 44 kong estudyante. Pero nagkamali
agad ako sa unang card. Haist! Mabuti na lang may tatlo akong estudyante na at
risk. Kaya hindi ko muna sila gagawan ng card.
Pagkatapos nito, ginawa ko naman ang e-class records.
Naihanda ko na rin ang grading sheet para kapag nagpalitan kami ng grades ay
may susulatan kami.
Nakapag-record din ako ng scores ng Love, at nakapag-post sa
Babasahin ng dalawang napili kong akrostik.
Bago ako inantok at natulog, nakapagsimula akong gumawa ng
PPT para sa Miyerkoles. After an hour, ipinagpatuloy ko.
Six o’ clock, nag-workout ako. Bago mag-9, tapos na akong
mag-workout, mag-dinner, at gumawa ng PPT. Time management lang ‘yan! Isinunod
ko naman ang pagsusulat ng nobela. Tinapos ko lang ang nasimulan ko kahapon at
noong isang araw pa. Kaya wala pang 30 minutes ang nakaraan, nakapag-post na
ako sa Inkitt ng isang chapter.
Oktubre 14, 2024
Nahirapan akong matulog kagabi. Siguro mga past 12 na ako
nakatulog. Okey lang naman dahil walang pasok hanggang Oktubre 15 dahil may
bisita ang Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa. Apektado rin ang Manila dahil
sa CCP gagawin ang summit tungkol sa disaster management.
Past 7, nagising na ako. Ang totoo, nabulahaw pa ang tulog
ko nang bumangon ang mag-ina para maghanda ng pagpasok si Ion. Kaya siguradong
hindi pa ako nakabuo ng 8 hours of sleep.
Before 8, bumaba na ako para mag-almusal. Isinunod ko na
agad ang paglalaba. Naisingit ko ang pagga-gardening. Nakapagtanggal ako ng mga
sukal. Nakapag-transplant pa ako ng anahaw sa malaking paso. Nakapagtanim din
ng iba pang mga halaman para dumami.
Past 9, tapos na akong magsampay ng mga nilabhan ko. Agad
akong umakyat sa kuwarto para ihanda ang activity sheet sa Filipino 6. Nai-send
ko naman agad bago mag-9:45.
Maghapon akong gumawa ng PPT sa TLE. Nakatatlo ako. Hindi na
nga ako nakaidlip. Okey lang naman dahil worth it naman. Isa pa, nagpagupit
ako. Natagalan ako sa barber shop. May naunang customer. Past 4 na ako
nakabalik sa bahay.
Six-forty-five, nagsimula na akong mag-workout. After an
hour, tapos na ako. Hindi ako agad nakapaghapunan kasi nahilo ako. Para akong
nasusuka. Nawala rin iyon pagkatapos kong uminom ng malamig na tubig. Siguro,
na-dehydrate lang ako.
Oktubre 15, 2024
Past 7:30 ako nagising. Gumawa agad ako ng activity sheet sa
Filipino 6, at pinost iyon sa GC para magawa ng mga estudyante ko. Saka ako
bumaba para mag-almusal. Nag-gardening muna ako bago ako nakapagkape at
nakakain.
Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop para gumawa
ng PPT sa ESP 6. Alas-dos na ako nakatapos ng one-week PPT. Sinubukan kong
umidlip, pero hindi ako inantok. Past 3, bumangon na ako para gumawa naman ng
PPT para sa journalism writeshop. Pagsulat ng Balita muna ang ginawa ko. Gabi
na ako natapos. Past 7:30 na ako nakapag-workout. Tatlong chest workout routine
lang ang natapos ko.
Grabe! Kulang ang long weekend para magawa kong lahat ang
gusto ko. Hindi nga ako Nakagawa ng vlog. Hindi ako nakasulat ng nobela o
kuwento. Hindi ko rin nalinisan ang electric fan ko sa kuwarto. Gabi ko na nga
rin nasamsam ang mga sinampay ko. Napakahalaga na talaga ng bawat minuto.
Oktubre 16, 2024
Hindi ako tinamad pumasok kasi handang-handa akong humarap
sa mga estudyante ko. Marami akong LMs. Isa pa, may journalism workshop ako.
Naging maayos naman ang lahat kong klase. Naisagawa ko ang
game-based learning. Na-invite ko ang bawat section na dumalo sa workshop.
Kaya naman, bandang 1 pm, 18 na estudyante ang dumalo.
Unexpected ang iba. Ang mga expected ko, hindi dumating. Haist! Sayang ang
oppportunity.
Gayunpaman, itinuloy ko ang workshop. Okey lang naman kasi
nakapili ako ng mga pambato sa pagsulat ng balita. Past 3:30 na ako nakalabas
sa school. Pagod man, pero masaya ako. Sana lang maging satisfied ang mga
trainers nila.
Past 6 na ako nakarating sa bahay. Agad akong naghanda ng
kailangan ko para sa workshop bukas. Editorial cartooning naman ang topic.
Past 7 na ako nakapag-workout.
Oktubre 17, 2024
Maliwanag na nang makarating ako sa school. Hindi na ako
nakaidlip dahil marami na ang Love na nakaabang sa akin. Agad ko silang
hinarap.
Nag-summative test ako ngayon sa lahat ng sections, kaya
hindi masyadong gasgas ang boses ko—maliban sa Faith dahil binasa ko ang mga
tanong. Saka nagturo ako ng ESP at TLE sa Love. Naging aktibo sila dahil
namigay ako ng stars.
Mabilis natapos ang klase. Mabilis ding lumipas ang oras.
Kakatapos ko lang kumain, nag-start na agad ako sa journalism workshop.
Editorial cartooning ngayon ang focus ko. Sa room ako ni Ms. Krizzy. Napuno
iyon ng Grade 6 at Grade 5 na workshoppers. Kahit ganoon, kakaunti lang doon
ang marunong at Magandang mag-drawing. Gayunpaman, natuto sila sa discussion
ko. kahit paaano ay may na-impart ako sa kanila. At ang pinakamahalaga ay
nakapili ako ng tatlo para ipanlaban sa contests.
Past 3:30 na ako nakaalis sa aschool. Past 5 naman ako
nakarating sa bahay. Wala na akong inaksayang oras. Agad akong naghanda ng
worksheet para sa editorial writing workshop bukas. Naghanda din ako ng PPT, at
nagsulat ng sample na editorial. Before 8, tapos na ako. Kumain muna ako.
Pagkatapos, hinarap ko naman ang paggawa ng affidavit na
ipinagagawa sa akin ni Ma’am Vi. Bandang 9:25, pagkatapos kong manood ng mga
paboritong teleserye, natapos ko na ang affidavit, at naipasa ko na iyon kay
Ma’am Vi.
Oktubre 18, 2024
Humarap ako sa mga estudyante ko nang masaya ngayong araw,
kaya masaya rin sila at siguradong natuto. Nagsermon din ako sa ilang mga
sections, pero hindi ako masyadong nagagalit. Naiinis lang kasi ako. Pati ba
naman kasi ang pagkopya ng tanong, itatanong pa. E, samantalang nasabi ko nan
ang paulit-ulit na sagot na lang. Nagmamadali nan ga kami. Kako, next time,
gawin nila ang gusto nilang diskarte. Ang mahalaga ay masagutan nila. Kung
kokopyahin pa ang mga given, mauubusan sila ng oras, since 40 minutes lang ang
allotted time. Haist.
Nagsalo kami ni Ma’am Bel sa lunch kasi binigyan kami ni Ms.
Krizzy ng ginataang gulay. Pero dahil may workshop ako, hindi na kami gaanong
nakapagkuwentuhan.
Sa workshop, marami na naman ang dumalo. Sa mga dumalong
iyon kakaunti lang ang interesado, at may kakayahan. Gayunpaman, nakapili ako
ng lima. Ang dalawa ay para sa editorial (individual). Ang isa ang para sa
editorial (collaborative publishing). At ang dalawa pa ay para sa column
writing.
Past 4:30 na ako nakalabas sa school. Na-traffic pa ako,
kaya past 6:30 na ako nakarating sa bahay. Nagkape lang ako, saka nag-workout.
Oktubre 19, 2024
Mabigat ang katawan ko nang ginising ako ng alarm. Gusto
kong i-set uli iyon hanggang 5 am, pero hindi ko ginawa. Inisip ko ang mga
estudyante sa Numero. Naisip kong baka magsidalo ang mga nagsabi na dadalo
sila.
Past 7, nasa school na ako—nag-aalmusal. May dalawang
pumasok nang napakaaga. Meron din namang late. At ang masaklap, hindi nakabuo
ng 15, kaya sobra kong lungkot. Almost 8:30 na ako nakapagsimula dahil sa
kahihintay. Sabi ko, tuturuan ko pa rin sila kahit malungkot ako. At sa
kalagitnaan niyon, nag-resign ako. Nag-send ako ng mensahe sa aming GC. Kaya
bago magtapos ang 3-hour intervention class, pinuntahan ako nina Mareng Janelyn
at Sir Jess. Nakita nila ang sitwasyon namin. Ayaw kong isipin nilang nagkulang
ako sa panghihikayat. Mas minabuti kong mag-resign upang makahanap sila ng
kapalit ko, na maaaring magparami ng bilang ang attendees. Pakiramdam ko, hindi
ako effective na facilitator.
Nag-stay ako sa school hanggang 1 pm nang hindi ako gumagawa
ng PPT. Dati-rati, gumagawa muna ako bago umuwi.
Nang nagpaalam ako kay Ma’am Mel, pinaupo niya muna ako.
Pinigilan niya akong umuwi para kausapin at hikayatin ako. Nauwi iyon sa usapan
at plano tungkol sa journalism at Sinag publication. Hanggang datnan kami ng
principal at PSDS. Nang nangumusta sila, agad kong sinabing mag-reresign na
ako. Agad rin nila akong hinarap at kinausap. Pinakinggan naman nila ang side
ko. Then, nag-alok ang principal na kakausapin niya ang mga parents ng Grade 6
Numero sa Tuesday. Natuwa ako roon, at least, may intervention din sila, hindi
lang puro ako. Pero I doubt na pupunta ang lahat ng parents sa itinakdang araw.
Doon nila malalaman na kung ano ang mga anak, gayundin ang mga magulang.
Past 2:30 na ako umuwi.
Pagdating sa bahay, hindi na ako nag-aksaya ng oras.
Nag-record ako ng mga quizzes kahapon. Naglaan din ako ng panahon para basahin
ang mga sinulat ng mga estudyante ko, saka ako nag-workout.
Isang magandang balita ang natanggap ko ngayong hapon nang
buksan ko ang email mula sa Gawad Teodora Alonso 2024. Binati nila ako dahil
nakapasa sa screen test ang entry ko sa Grade 2. Nasa judging phase na raw
iyon. At antabayan ko raw ang result. Sobrang tuwa ko! Agad akong nagpasalamat
sa Panginoon. Ipinaramdam Niya sa akin ang pag-asa. Matagal ko nang inasam ang
ganitong balita at emosyon. Kung mananalo pa ako, mas lalo akong matutuwa.
Oktubre 20, 2024
Alas-otso na ako bumaba para magsimulang maglaba. Nag-stay
muna ako sa kuwarto ng 15 minutes pagkagising ko. At hindi rin agada ko
nakapaglaba at nakapag-almusal. Ayaw ko na lang magalit sa asawa ko. Binigyan
ko na ng isanlibong piso kagabi para pambili ng pagkain at iba pang
pangangailangan, pero ngayong umaga lang bumili. Wala pang detergent powder
kaya hindi pa ako nakapagsimulang mag-washing. Sa halip, nagdilig na lang ako
ng mga halaman at nagsimulang maglagay ng grades sa card.
Before 10, tapos na akong maglaba. Hinarap ko na ang mga
cards. Natapos ko naman agad ang mga iyon bago mag-lunch. Nakagawa naman ako ng
mga PPT para sa buong lingo. Maghapon hanggang gabi ako gumawa. Tatlong subject
kasi ang hawak ko, tapos limang araw. So, dapat 15 presentations ang ginagawa
ko weekly. Haist! Mabuti nakaidlip ako.
Past 6, pagkatapos kong gumawa ng PPT, nag-workout na ako. Nag-leg
workout lang muna ako ngayon.
Hindi pa rin ako maka-get over sa email sa akin ng Gawad
Teodora Alonso. Nang tiningnan ko kanina ang email, naka-carbon copy iyon sa
tatlo pang teachers. Naisip ko na apat kaming nakapasok sa judging phase. Kung
apat kaming pinadalhan, ibig sabihin ay secured na sa akin ang 4th
spot. Whoaah! Not bad iyon. Malaking achievement na iyon sa aking writing
career.
Past 8 pm, nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa
Inkitt. Kapag inspired ako, kaya ko talagang sumulat ng 1000+ words na akda
nang mabilisan. Sana palagi akong inspired. At sana palagi ring may extra time.
Nahirapan akong makatulog agad kahit past 9 ay nag-off na
ako ng wifi, at nahiga. Siguro mga past 12 na ako nakatulog.
Oktubre 21, 2024
Umuulan nang magising ako. Inasam kong mag-suspend ng klase,
pero naisip ko ang journalism training namin. Naka-mind set na iyon, kaya mas
ginusto kong may pasok.
Sa school na ako nag-almusal. Isiningit ko iyon habang may
activity ang VI-Love. Ang hirap ng buhay ng guro. Palaging nagmamadali. Bawa
subo ko pa, maaabala dahil magsasaway.
Nagturo ako ng pagsulat ng sanaysay. Haist! Mas marami ang
hindi interesado at lutang kaysa sa mga nakikinig at willing to learn. Hindi
talaga nila alam kung gaano kahalaga ang pagsusulat ng mga akdang pampanitikan.
Gayunpaman, isinige ko ang pagtuturo. Nagpasulat ako kahit kulang na sa oras.
Ginawa kong assignment na lang, kaya natuwa ang karamihan.
Ala-una, natuloy ang training ng collaborative publishing.
Nakompleto na rin ang lineup. Marami ang may gustong makasali sa team, pero
talagang pito lang ang kailangan. So far, may output na sila. Palibhasa,
datihan na ang layout artist naming, gayundin ang cartoonist at editorial
writer. Kailangan ko lang pokusan ang mga bago, lalo na ang sportswriter kasi
willingness lang ang puhunan niyon. Nanghihinayang din ako sa news writer ko na
mas piniling mag-individual category. Pero kanina, gusto na niyang bumalik,
kaya lang ay ayaw na ng ipinalit ko sa kaniya.
Past 3, umalis na ako sa school. Wala pang 5, nasa bahay na
ako. Agad akong nagmeryenda upang makagawa ng schoolwork. Nakapag-check na ako
sa bus ng mga papers, kaya nag-record na lang ako. Nag-encode rin ako ng napili
kong sanaysay.
Past 6:15, nag-home workout na ako. Past 10 na ako natulog.
Siguradong less than 5 hours na naman ang tulog ko.
Oktubre 22, 2024
Maaga akong nakarating sa school. Nakapag-almusal naman ako.
Pero hindi na ako nakaidlip sa classroom dahil may maiingay na estudyante sa
labas ng silid. Isa pa, ang bilis ng oras.
Mabilis na lumipas ang mga oras! Nagpasulat lang ako ng
sanaysay sa bawat section habang nagpapatahimik sa kanila. Enjoy na enjoy naman
sila sa pagsusulat ng sanaysay, gamit ang mga paksang isinulat ko sa pisara.
Sigurado akong marami akong maaaning akda mula sa kanila.
Sa ESP6, nagpasulat din ako ng sanaysay tungkol sa
pagkamapanagutan sa kalikasan. Gustong-gusto rin iyon ng Grade 6-Love, since
nagbigay ako ng sample, na sarili kong akda.
Sa TLE6, nagturo ako ng running stitch, na isa sa mga basic
stitches. Halos lahat ay abala sa pananahi. Gustong-gusto nila iyon. Medyo
maingay nga lang sila.
Pagkatapos ng klase, agad akong nag-lunch. Pero nang dumaan
ako sa classroom ni Ms. Krizzy, nalaman kong tinatawag pala nila ako bago ako
kumain sa labas ng school. Sayang! May spaghetti at fried chicken silang
pinagsaluhan. Gayunpaman, niyaya pa rin nila ako. Hindi ko naman iyon kinain
agad. Kinausap ko muna ang collobative publishing team ko na umuwi na sila kasi
suspended na ang klase dahil Signal #1. Excited pa naman silang mag-training.
Kung wala lang bagyong Kristine, excited rin akong i-train sila.
Past 1:30, umuwi na ako. Hindi ko na matandaan kung anong
oras ako dumating sa bahay. Basta, pagdating ko, nagpaantok lang ako.
Pinagbigyan ko ang antok ko kahit marami akong papel na tsetsekan. Ramdam kong
suspended ulit ang klase bukas, kaya natulog ako hanggang quarter to 5. Grabe!
Ang sarap sa pakiramdam ng nakatulog. Parang nabawi kong lahat ang puyat ko.
Pagkatapos magmeryenda, nag-check at nag-record ako ng
outputs ng Love sa running stitch. Then, nag-workout ako. Habang nagpapahinga,
isinunod ko na ang pagtsetsek ng mga sanaysay ng Grade 6. Natuwa ako kasi
marami akong nagustuhang akda. Thank God dahil may mai-popost na naman ako sa
Babasahin. Salamat din dahil maagang sinuspende ang mga klase bukas. Puwede pa
akong magpuyat ngayong gabi.
Oktubre 23, 2024
Ang sarap matulog kahit paulit-ulit akong nagising dahil sa
ulan at sa madalas na pag-ihi. Walang pasok kaya akong dapat alalahanin. At
nang magising nga ako bandang 8, nagbukas ako kaagad ng Facebook. Nalaman kong
wala munang alternative distance modalities (ADM) ngayon. Kaya hindi na ako
gumawa ng activity sheet. Pero nalungkot ako kasi magbabayad din pala o
magsa-Saturday classes kami.
Bumangon na ako para maghanda ng almusal. May sakit ang
aking butihing asawa, kaya hindi pa siya bumabangon.
Pagkatapos mag-almusal, naisingit ko sa pagtsetsek ng mga
papel ng mga estudyante, ang paglilinis sa banyo. Nandiri ako sa mantsa ng
toilet bowl, kaya naisipan kong linisin iyon. Gumamit ako ng kalamansi para
matanggal iyon. Effective! Kahit paano ay nabawasan ang mantsa, at pumuti iyon.
Mas masarap nang umupo roon.
Pagkatapos niyon, lumabas ako para bumili ng pagkain. Nais
kong humigop ng mainit na sabaw ng sariwang isda, kaya iyon ang binili ko.
Magluluto ako ng cocido. Bumili rin ako ng pangmeryenda, pagkain ni Herming, at
outlet dahil sira na ang saksakan sa kusina.
Dahil maaga pa naman, bumalik muna ako sa kuwarto.
Nag-record ako ng mga scores ng learners ko.
Sa hapon, pagkatapos kong maligo, pinagbigyan ko ang antok
ko. Ang sarap sa pakiramdam! Sulit ang walang pasok. Past 3:30 na ako nagising.
Ipinagpatuloy ko ang pag-encode ng mga akdang napili, at pag-post nito sa
Babasahin.
Five o’ clock, nagsimula akong magsulat ng nobela. Hindi ko
naman natapos kasi nakakaubos ng ideya.
Nine o’ clock na ako natapos mag-workout. After dinner na
kasi ako nagsimula. Ako rin kasi ang naghanda ng hapunan. Okey lang naman kasi
wala ulit pasok bukas.
Oktubre 24, 2024
Mas maaga akong naging ngayong araw kaysa kahapon. Hindi na
rin ako nagtagal sa higaan pagkatapos kong magbukas ng wifi at cell phone.
Bumangon na agada ko upang maghanda ng almusal at makakain.
Bago ako bumalik sa kuwarto, nakapagwalis pa ako sa garden.
Sa kuwarto, nag-encode at nag-post ako sa Babasahin ng mga pinili kong akda ng
Grade 6.
Past 10, lumabas ako para mamalengke. Hindi agad ako
nagluto, pero ibinaba ko ang laptop ko upang doon ako gumawa para kapag
nagluluto na ako ay hindi ako akyat-panaog. Sayang kasi ang oras ko kung wala
akong gagawin habang nagpapalambot ng karne. Nag-encode ako ng lathalain ko
tungkol sa chubby frogs, na dati kong zine. Mabuti, may hard copy akong
naitago.
After lunch, nanood ako ng ‘Magpasikat.’ Then natulog ako.
Ang lakas ng ulan kaya hindi ako nahimbing nang matagal. Past 2, gising na ako.
Tinapos ko na ang pag-eencode. Isinunod ko ang pagsusulat ng nobela.
Alas-4 nang makapag-post ako ng isang chapter ng nobela sa
Inkitt. Nagmeryenda muna ako pagkatapos niyon. Plano kong magsulat uli ng isang
chapter. Gagamitin ko ang isang chapter na na-recover ko sa banned or deleted
Wattpad account ko. Gagawin ko iyon as flashback ng isang character upang hindi
masayang.
Nakapag-post uli ako ng isang chapter bago ako nag-workout.
Wala ulit pasok bukas. Ang lakas pa rin kasi ng ulan. Red
alert na nga sa buong Cavite. Kaya naman, maaga akong nagluto baka kasi
mag-blackout. Wala pa naman kaming ibang lutuan, maliban sa infrared cooker.
De-kuryente lahat ang lutuan namin. Mabuti nga, hindi ako madalas putulin ang
kuryente rito sa Tanza.
Oktubre 25, 2024
Past 8 na ako gumising. Alas-9 naman ako nakapag-almusal.
Nagluto pa ako ng longganisa at itlog.
Maghapon akong gumawa ng vlogs. Nakadalawa ako. Ang una kong
vlog ay mula sa kuwentong pambata ko na ‘Ang mga Pagalit ni Mama.’ Ginamit ko
rin ang mga illustrations niyon, na nakasali sa isang anthology book. Ang
pangalawang vlog ay mula sa mga gabay sa pagsulat ng balitang isports.
Bukod sa paggawa ng vlogs, nakapag-encode at nakapag-post
din ako sa Babasahin ng mga akda ng Grade 6. At bago ako nag-almusal kanina,
nag-send ako ng mga gawain ng collaborative publishing team ko.
Pagkatapos kong magluto, saka ako nag-workout. Nakaapat na
chest routine lang ako. Pero okey lang kasi ramdam ko ang muscle tension.
Nag-resign na ako sa Numero. May klase raw kasi bukas, kaya
nag-leave na ako sa mga GC nila. Hindi na ako masaya, kaya kailangang iwanan ko
na sila. Alam kong hahanap-hanapin nila ako. Ganyan naman ang mga tao—kung
kailan nawala, saka makikita ang halaga.
Oktubre 26, 2024
Masarap ang tulog ko. Sa halos dalawang taon, ngayon lang
ako nagising nang Sabado na hindi napakaaga. Sa wakas, nakatakas na ako sa
Numero. Hindi ko naman pinagsisisihan iyon, pero ayaw ko nang balikan. Toxic
na. Bukod sa napaaarte ng mga bosses ko, ang tatamad pa ng Grade 6 na kasali.
Ayaw kong masabihan na mag-resign na, kaya inunahan ko na sila.
Past 9, pagkatapos magluto at mag-almusal, nag-gardening
ako. Nagtabas ako ng mga sukal. Pruning, kumbaga. Kahit paano ay lumiwanag ang
hardin namin.
Past 10, nagsimula na akong gumawa ng vlog. Before 12,
nakatapos na ako ng isa. Gumamit ako ng kuwento mula sa free website. Ginamitan
ko uli ang audio ng text-to-speech application.
Bago mag-12:30, nakapaghanda na ako ng DLLs para sa Lunes
hanggang Biyernes. Isusunod ko na ang paghahanda ng PPTs.
Maghapon hanggang gabi, gumagawa ako ng PPTs. Nakagawa ako
ng PPT sa tatlo ang nagawa ko. Isa sa ESP. Isa sa Filipino—palaro lang ito. At
isa sa TLE—summative tet.
Gabi na rin ako nakapag-workout.
Late na ako nakatulog kagabi. Nag-pray ako na sana kasama
ako sa awardees ng Gawad Teodora Alonso 2024, gayundin ang mga kaguro at
estudyante namin. Labis kong ikatutuwa kapag nangyari iyon. Lalo ko pang
paghuhusayan ang aking craft para sa edukasyon ng mga kabataan.
Past 8 na ako nagising. After half an hour, saka ako bumaba
para maghanda ng almusal. Sa nth times, umusok na naman ang mantika. Maubo-ubo
at masuka-suka ako sa amoy at usok. Kinailangan ko pang buksan ang mga bintana
para lumabas. Haist! Sadyang makakalimutin lang ako o adik sa cell phone? Gayon
palagi ang dahilan, e.
Pagkatapos kong mag-almusal, naglaba na ako. Isiningit ko
ang gardening. Past 10, nakapagsampay na ako. Isang salang lang naman kasi ang
labahan ko, gawa ng 2 days lang ang pasok sa eskuwela.
Agad akong humarap sa laptop para gumawa ng mga makabuluhang
bagay. Nais kong sulitin ang nalalabing araw ng long weekend. Hinarap ko ang
nobelang pinaplano ko, na ang mga tauhan ay superheroes.
Pagkatapos kong mag-edit ng mga dating chapter na naisulat
ko na, pinost ko ang mga iyon sa Wattpad at Blogger. Pinamagatan ko iyon ng ‘Si
Jess at ang mga Batang Alpha.’ Hango ang pamagat sa Generation Alpha dahil ang mga bida ay
ipinanganak sa pagitan ng 2010 at 2025. Fast forward. Nasa year 2028 ang
setting nito.
Bandang alas-dos, nakapag-post pa ako ng isang chapter nito.
Kasusulat ko lang. At dahil inantok ako, kahit gusto ko pang magsulat ng isang
pang kabanata, umidlip muna ako.
Past 5, nakapagsulat ako ng isa pang chapter ng superhero
novel ko. na-hook na ako sa istoryang ito. Sana maituloy-tuloy ko na ito.
Matagal na panahon ko nang nasimulan ang naunang siyam na kabanata nito. Kaya
sisikapin kong umusad ito hanggang sa mabuo ko. Isa rin itong paghahanda sa
contest na sasalihan ko.
Pagkatapos magsulat, nag-workout ako. Wala pang seven nang
matapos ako. Nag-abs at biceps exercise lang kasi ako.
Nine-thirty ng gabi, nakapag-post ako sa Inkitt ng isang
chapter ng nobela. Iyon ang ika-105 chapter. Book 2 na.
May pasok na bukas, kaya kailangan kong matulog nan ang
maaga.
Oktubre 28, 2024
Hindi rin naman ako nakatulog nang maaga. Inabot pa yata ako
ng past 12 mn bago nakatulog. Nag-ooverthink na ako sa Gawad Teodora Alonso
2024 at sa results. Nagpasilip sila ng rank at codes. Nakakita ko ang Rank 4 ay
may 7 sa dulo. Kasunod ay kalahati ng zero. It means, code ko iyon kasi ang
code ko sa Grade 2-Category 3 ay 207. Rank 4 ako? Puwede kasi batay sa email at
sa nakalagay na BCC, apat kaming pinadalhan nila ng email na iyon. Haist! Hindi
na ako mapakali. Sana i-announce na nila nang maaga. December 2-5 ang awarding
sa Puerto Princesa. Mabilis na lang iyon. NSa makapaghanda pa ako ng susuotin
ko na ang tema ay karagatan.
Past 3, bumangon na ako. Mabigat man ang katawan ko, hindi
ako puwedeng tamarin. Kaya naman, bago mag-5:30, nasa school na ako. Ang bilis
nga lang ng oras kasi hindi na ako nakaidlip.
Okey lang na mabilis ang oras maghapon, lalo na sa mga
Filipino classes ko. Ang hirap daw ng lesson ko—Kayarian ng Pangungusap. Lutang
ang karamihan. Grabe! Ang hihina nila sa Filipino. Ang hirap nilang umunawa.
Tsk-tsk! Kaya naman, halos maubusan ako ng hininga sa kakapaliwanag.
Pagkatapos ng klase, nag-lunch muna. May papansit si Ma’am
Venus, kaya nakalibre ako ng lunch. Wala nga lang kanin.
Nag-train kami ng colloborative publishing. Hooked na hooked
na sila. Ang lahat ay interesadong matuto at makatapos ng tasks. Natutuwa ako
sa eagerness nila. Unti-unti silang nag-iimprove, lalo na ang mga dating
members.
Two hours lang kaming nagti-train. Hindi sapat, pero okey na
iyon para hindi sila masobrahan o mapagod nang husto. Isa pa, kailangan ko pang
bumiyahe pauwi. In fact, 5 pm na ako nakauwi. Wala na rin ako halos pahinga.
Agad akong nag-check at nag-records ng papel ng mga estudyante. Then, nag-post
ako ng napiling akda. Isinunod ko ang workout. Almost 8 na ako natapos at
nakakain ng dinner.
Oktubre 29, 2024
Nakatulog ako nang mahimbing, pero parang nabigla ako nang
tumunog ang alarm bandang 3 am. Gayunman, wala akong nagawa kundi bumangon
upang maghanda sa pagpasok.
Humarap ako sa mga klase ko nang masigla para ma-enjoy nila
ang palaro ko tungkol sa Kayarian ng Pangungusap. At hindi ako nabigo.
After recess, hindi na nagpalitan ng klase. Nagturo at
nagpagawa muna ako sa ESP6 saka nagpalinis. Maaga akong nagpalinis para
pagdating ng mga parents ay malinis ang silid.
Naging matagumpay rin ang parents-teacher conference naming.
Wala pang kalahati ang dumating on time, (O kahit on-time, hindi rin
nangangalahati.) nang nagsimula ako. Mabilisang discussion lang. Naipahayag ko
naman ang mga naihanda ko sa isipan ko. Nai-deliver ko nang maayos ang mensahe
ng paghingi ng suporta at tulong sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak.
Wala pang 12, tapos na kami. Nakadalo pa ako sa journalism
training o collab publishing training namin. Mabuti, maagang pumasok si Ma’am
Mel, kaya nabantayan niya habang nasa meeting ako.
Past 12:15, tapos ang ang training namin. Nakikain naman ako
sa Grade 1 teachers. May birthday blowout si Ma’am Venus. Mas maraming pagkain
ngayon kaysa kahapon. Pansit lang kasi kahapon.
Past 3:30, nasa bahay na ako. Sobrang antok ko, kaya
pinagbigyan ko. Siguro mga past 5 na ako bumangon. Saka naman ako gumawa ng mga
schoolwork. Akala ko pa, hindi ako makakapag-workout kasi mabigat pa ang
katawan ko, pero nagawa ko naman. Apat na chest routine lang ang tinapos ko.
Hindi na ako mapakali at makapaghintay sa email ng GTA.
Umaasa talaga akong maiimbitahan ako sa awarding sa December 4 sa Puerto
Princesa. Sana…
Oktubre 30, 2024
Wala pang 5:30, nasa school na ako. Wala pang mga
estudyante, kaya umidlip muna ako. Ang bilis lang ng oras. Hindi naman yata ako
nakatulog.
Kulang kami ng isang guro, kaya may nakahalong estudyante sa
klase ko, na mula sa ibang section. Okey lang naman dahil maraming absent sa
advisory class ko. Isa pa, na-enjoy nila ang palaro ko tungkol sa
‘magkasalungat na salita.’ Nabitin nga sila kasi kailangan kong lumipat ng
ibang section.
Ang bilis ng oras! Uwian na agad. Pero grabe ang antok ko
bago nag-uwian o habang nagpapalinis ako ng classroom. Nakaidlip nga ako sa
table ko.
Pagkatapos kong mag-lunch, nakihuntahan muna ako nang saglit
kina Ate Bel at Ms. Krizzy, saka ako pumunta sa ICT room para sa journalism
training.
Absent ang isa naming writer, pero tuloy pa rin ang paggawa
nila. After 2 hours, nakapag-print kami ng unang diyaryo ng team. Maraming
kapalpakan at kamalian, pero para sa mga katulad nilang baguhan, puwede na.
Marami pang dapat ituro sila. At naniniwala akong mabilis silang matututo at
lalago.
Naabutan ako ng malakas na ulan pagkababa ko sa traysikel.
Basang-basa ang sapatos ko. May pasok pa naman bukas. Wala akong gagamitin.
Magsi-civilian clothes na lang ako bukas, since shortened naman ang mga klase.
Pagkatapos magmeryenda, agad akong nag-workout. Wala muna
akong ginawang schoolwork.
Oktubre 31, 2024
Nag-abang man ako ng suspension ng klase, pero dahil hindi
naman umuulan, hindi ko pinatuunan ng pansin masyado. Naghanda pa rin ako nang
masigla.
Kalahati lang ng VI-Love ang pumasok. Expected ko na iyon
kasi 5:50 to 8:45 lang naman ang klase naming. Ready rin ako sa mga palaro ko.
Enjoy na enjoy sila.
Habang nagpapalaro ako, saka ko nakita ang notification ng
Gmail mula sa GTA2024. Kinilig uli ako nang mabasa ko iyon. Pinadalhan ako ng
invitation para sa awarding ceremony sa Puerto Princesa. Pinakinggan ako ng
Diyos!
Halos mapasigaw rin sa tuwa ang mga estudyante ko nang
malaman nila at mabasa nila ang email. Nakakatuwa.
Grabe pala talaga ang kilig na naidudulot ng panalo sa
prestigious writing contest. Akala ko dati, scam o luto ang mga ganyan, hindi
pala. Ngayon, mas magiging masigasig ako sa pagsali sa mga writing contest.
Past 11, nasa bahay na ako. Antok na antok ako. Mabuti na
lang nakapag-brunch na ako sa PITX, kaya pagkatapos kong i-chat si Ma’am Mina
tungkol sa pagkapanalo ko sa GTA2024, umidlip na ako. Bago mag-one, tumawag
siya para batiin ako. Tuwang-tuwa siya sa pagkapasok ko. Aniya, nakasungkit din
namin ang mailap na panalo. At gaya ng inaasahan ko, sinabi niyang bibigyan ng
award sa division ang mga nag-entry sa GTA, at sagot ng BLR ang expenses sa
trip to Puerto Princesa namin. Yahoo!
Natulog uli ako hanggang past 3. Paggising, nag-edit ako ng
mga articles ng collab team at column writers ko. Past 6 na ako natapos.
Nagsulat muna ako ng sanaysay tungkol sa pagsulat ng
lathalain, bago ako nag-workout. Eight pm na ako natapos.
No comments:
Post a Comment