Lumipas ang mahigit isang dekada
Nang tayo ay huling nagkita
Hindi alam kung saan nagpunta
Pero ako, hinanap-hanap kita.
Isang araw, ako’y biglang sumaya
Sa Facebook lang pala kita makikita
Sabi ko’y na-miss kita
“Weeh, `di nga,” sabi mo pa
Hindi ka ba naniniwala?
Hinanap kita, hinintay pa.
Sa iyong pangako ako’y umasa
Mayakap lang kita, ayos na
Iyon naman ang pangako mo, `di ba?
Malaman ko ring masaya ka na
Matatanggap ko nang talaga.
Ako’y magmo-move on na
Pag-iibigan natin, tapos na nga.
Salamat na lang, aking sinta
Dahil tayo ay nagkakilala
Nagmahalan, nagkasama
Kung ito’y may karugtong pa...
`Di ko alam, bahala na.
No comments:
Post a Comment