Hunyo 1, 2026
Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at
pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. Parang nasa
outreach program pa rin ako.
Haist! Simula na naman ako ng ganito. Kawawa na naman ang
kalusugan ko nito.
Past 6, umalis na ako sa bahay. Ni hindi ako nagkape. Plano
kong mag-almusal na lang doon, kaya lang sobrang dami ng pasahero, kaya punuan
ang bus at traffic pa. Nakatayo nga ako mula Umboy hanggang PITX.
Alas-8:18 na ako nakapag-time in. Ilang minuto ang lumipas,
nagsimula na rin ang opening program ng Brigada Eskwela 2026. Past 9 na iyon
natapos. Saka lamang kami nakaakyat para maglinis sa kani-kaniya naming
classroom.
Medyo nalungkot nga pala ako nang sabihin sa akin ni Sir
Jess na lilipat ako ng classroom. Medyo nagsisi rin ako kung bakit mas pinili
ko pa ang dating classroom ni Ma'am Mel, at inayawan ko ang shared classroom
namin noon ni Sir Rey, kung babalik naman pala ako. Nasa huli talaga ang
pagsisisi.
Gayunpaman, nagsimula agad akong magil-imis at maglinis.
Inilabas ko na ang mga upuan. Mabuti, may mga janitors na naglipat ng mga desk
at chairs sa lilipatan ko. Nakatipid ako ng oras at enerhiya.
Nagsalo-salo kami nina Ma'am Gigi, Ma'am Mel, at Sir Erwin sa mainit na kanin at paksiw na
GG. Courtesy iyon ni Ma'am Gigi.
Past 1, isinagawa
naman ang despidida party para sa aming principal. After 4 years, ililipat na
siya sa PBES. Sana mas okey naman ang kapalit niya.
Past 3 nang natapos ang program at kainan. Ipinagpatuloy ko
ang paglilipat ng mga gamit. Dahil kaunti na lang naman, natapos ko iyon bago mag-5.
Past 5, habang umaambon, umuwi na ako. Seven na ako
nakarating sa bahay. Agad akong nag-shake ng saging ,ubas, at mansanas, saka
nagprito ng itlog para ipalaman sa monay. Iyon na ang hapunan ko.
Habang nanonood ng tv, nag-exercise ako. Nakatatlong
routines ako bago ako naligo.
Past 9, nasa kuwarto na ako para matulog. Sana makatulog ako
kaagad.
Hunyo 2, 2026
Five o' clock ako bumangon para makarating ako sa school ng
mas maaga. Unti-unti ko na ring
sasanayin ang sarili ko sa pagbangon nang maaga.
Almost 6 na ako nakalabas sa bahay kahit hindi naman ako
naghanda ng almusal. At 7:23 nakapag-time in sa school.
Nag-bonding kami ni Ms. Krizzy sa almusal. Matagal na rin
nang huli kaming nagkasabay sa pag-aalmusal. Marami-rami rin kaming
napagkuwentuhan.
Past 8, umakyat na ako para magsimulang maglinis. Tumagaktak
agad ang pawis ko pagkatapos kong buhatin ang mga librong naiwan ni Ma'am
Joelli. Inilapit ko lang naman sa may pintuan.
Andami ko pang nagawa bago ko nabasa ang message sa GC ng
aming faculty club president, na parating na raw ang bagong principal namin. At
dahil late ko nang nabasa, late na rin akong nakababa. Pero naabutan ko pa ang
photo op sa office.
At ang mahalaga, nakita ako ng dating PSDS. Kinumusta niya
ako. Tinanong niya ako kung nagpa-ECP ako. Kako, opo. Aniya, hindi ka
nagparamdam sa akin. Ibig niyang sabihin, hindi ako humingi ng tulong sa
kaniya. Nasabi niya kasi iyon sa akin dati nang kapapasok lang ni Ma'am Lea sa
GES.
Narinig iyon ng mga kasamahan ko sa Grade 6, kasi katabi ko
sila. Siguro pati ibang guro.
At ipinakilala pa niya ako sa aming bagong principal. Aniya,
magaling daw ako. Kumbaga, inendorso niya ako. Nakilala naman ako ni Ma'am Ivy.
Magkasama raw kami dati sa Filipino. Alam niya ring nakatanggap ako ng
awardvdahil sa pagsusulat. May sasabihin pa sana siya, pero kailangan na nilang
umalis. Hindi bale, kasama na namin siya simula bukas.
Sumama ako sa PBES sa paghatid kay Ma'am Lea. Tawa kami nang
tawa papunta at pauwi. Natutuwa kaming bago na ang principal namin. At umaasa
kaming magiging maayos ang pamamahala ng new principal.
Past 11, umalis ba kami PBES. Nag-commute na lang kami
pabalik. Pagpunta kasi namin ay nakasakay kami sa service vehicle ng ABES.
Bumalik agad ako sa classroom ko kasi naiwan ko ang tablet
ko. Wala o sira ang lock ng isang pintuan doon. Mabuti, hindi nawala.
Paat 11:30, nakisalo ako sa pagla-lunch nina Tiyay at Ms.
Krizzy. Dumating din si Putz para makipag-bonding.
Mga 1:30, bumalik na kami sa mga classroom namin.
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Medyo nagkakabuhay na iyon.
Past 2:30, naistorbo naman ang paglilinis ko dahil
ipinatawag kami para pakinggan ang sales talk ng mga ahente ng St. Peter.
Maganda naman ang offer nila, pero wala pa akong panghulog, lalo na't college
na rin si Zildjian. In fact, bago nga ako bumaba, ka-chat ko siya. Nanghihingi
na siya ng pang-enrol. Medyo nabagabag ako dahil naisip kong baka hindi ko na
kayanin. Dalawa na sila ni Hanna na kolehiyo, plus si Zillion, na Grade 11.
Nasa Aklan siya, kasama ang ina, kaya
hiwa-hiwalay ang budget.
Past 5, umuwi na ako. Medyo nawala ang bagabag ko tungkol sa
financial capacity kong magpaaral ng tatlong anak.
Past 7, nasa bahay na ako. Agad kong kinain ang lugaw,
tokwa, at siomai na binili ko pagkatapos kong ibabad ang mga kurtinang inuwi ko
mula sa school.
Past 9, umakyat na ako. Nabanlawan at naisampay ko na ang
mga kurtina. Bukas, meron pa akong iuuwi.
Hunyo 3, 2026
Eight: twenty-six na ako nakarating sa school. Sobrang
traffic. Isa pa, pumunta pa ako sa Palawan Pawnshop para mag-cash in sa ECPay
booth doon. Nahirapan lang akong mag-input ng numbers, iyon pala'y offline.
Naipangako ko pa naman kay Zildjian na ngayon ko siya padadalhan ng P6k para
pang-full pay sa tuition niya.
Putong bigas at kape lang ang almusal ko. Hindi na ako
dumaan kay Ms. Krizzy, dahil bukod sa late na ako, alam kong nagsisimula na
siya sa Aral summer class.
Agad akong naglinis pagkatapos kong mag-almusal. Nag-assort
ako ng mga kapapelan ko. Andami kong naitapon at naipong puting papel, na
ibinigay ko kay Ma'am Gigi.
Past 11:30, niyaya ko si Ma'am Mel na mag-lunch. Tiyempo, nagsaing
uli si Ma'am Gigi para sa kanilang Grade 5. Nakisalo na ako. Nagpabili na lang
din ako ng ulam.
Pagkatapos kong kumain, tumakbo na ako pababa sa Guidance.
May meeting kaming Grade 6. Isa sa mga agenda ay ang parents orientation namin
bukas.
Mabilis lang natapos kaya nakabalik agad ako sa classroom at
naipagpatuloy ko ang paglilinis. Nalabhan ko ang apat na kurtina. At nalinis ko
ang ceiling fan.
Nag-ikot ang bago naming principal. Ayaw niya ang mah
kurtina sa harapan. Pinatanggal. Tinanggal ko naman agad.
Tsk-tsk! Iba-iba talaga ang trip ng mga sipal.
Dapat 5 pa ako uuwi, pero dahil bigla akong nagutom, at
nag-chat na si Zildjian tungkol sa hinihingi niya, umuwi na ako. Niyaya ko na
si Ma'am Mel na umuwi.
Past 7 na ako nakarating sa bahay kasi nagmeryemda at
nagkape muna ako sa Lola Nena's sa PITX, saka bumili ng alcohol, metal hooks,
at glue sa Mr. DIY.
Pagdating sa bahay, inihanda ko naman ang dinner ko. No rice
meal. Bumili lang ako ng 2 pcs. fried chicken wings, saka naglaga ng itlog, at
nag-shake nflg ubas at saging. Solb ang panigab'ihan!
Past nine, pagkatapos kong manood ng inaabangang teleserye
sa GMA, umakyat na ako para matulog.
Hunyo 4, 2026
Past 4, bumiyahe na ako. Kailangan kong makarating sa school
nang maaga para makapag-almusal ako, at para mabayaran ko ang undertime ko
kahapon. Nagawa ko namang makarating bago ang 6 am.
Nakisabay sa akin si Ma'am Vi sa pag-aalmusal habang
nagkukuwentuhan kami. Parang sinadya niya iyon para ma-orient niya ako sa
kaniyang mga dati niyang estudyante, na hahawakan ko naman. Napaka-concerned
talaga niya sa mga bata, gayundin sa mga kaguro niya.
Matapos ang aming almusal at kuwentuhan, nagsimula na akong
magtrabaho. Inuna kong gawin ang pagtapal sa mga boxes ng bond paper na
paglalagay ko ng letter cuttings para makabuo ng mga salitang READ, BASA, at
LOVE. Nagkabit din ako ng kurtina.
Past 9 naman nagsimula ang parents orientation ng Grade
6. As usual, kakaunti ang dumalo. Sa
section ko, apat lang ang dumating.
Past 10, bumalik ako sa classroom para ipagpatuloy ang
paghahanda niyon. Gumawa ako ng placard para sa pagsundo sa mga estudyante sa
Lunes, gayundin ng label ng grade and section sa pinto.
Past 11, bababa na sana ako para makisalo kina Ms. Krizzy at
Tiyay, nang nagsabi si Ma'am Wy na nagpa-order ng pagkain si Sir Jess.
Habang naghihintay, inayos ko muna ang mga helmet. Naglagay
ako ng hooks sa ilalim ng chalkboard, saka ko isinabit ang mga iyon doon.
Past 12 na nang magsalo-salo kami. Naroon din si Sir Erwin
pero nakihingi siya ng pagkain sa closing party ng Tara, Basa!
Past 1, bumalik na ako sa class room ko. Gumawa ulit ako.
Nilagyan ko ng hanging plastic plants ang reading corner ko.
Past 2, isinagawa ang closing ng Brigada Eskuwela kahit may
bukas pa.
Nang nag-welcome remarks ang principal, biniro niya ako.
Aniya, 'Bakit nakasimangot ka na naman, Sir Froilan?"
Kako, 'Inborn po,' sabay ngiti.
Aniya, "Matagal ko na rin kasi kilala si Sir, sa mga
trainings."
Natuwa ako, pero hindi ko talaga siya natatandaan.
Nang pumunta kami sa conference hall para pag-usapan anf
class program namin, tinanong ako ng mga kasamahan ko kung writer din ba ang
principal namin kasi kilala niya ako. Sinabi kong hindi ko siya maalala.
Dapat 5 pm pa ako uuwi, pero dahil may misting sa school,
pinauwi na kami ng coordinator ng Brigada, saka ni Nurse Loida.
Wala pang 4 nang lumabas ako sa school. At wala pang 6 nang
dumating ako sa bahay.
Nagdilig at nagwalis ako pagkatapos magbihis. At dahil mas
maaga akong nakauwi ngayon, nakapag-exercise ako bago kumain.
Hunyo 5, 2026
Quarter to eight na ako nakarating sa school. Hindi ako
gumising nang maaga. Sinadya ko kasi kakaunti na lang naman ang gagawin ko sa
classroom.
Naabutan ko sina Papang, Mayora, at Ms. Krizzy sa may
covered court. Kausap nila si Ma’am Anne. May dala akong mainit na pares, kaya
minadali ko silang mag-almusal. Medyo lumamig na nang kaunti ang sabaw bago
kami nakapasok sa room ni Ms. Krizzy. Hinanap pa ang susi. Pero pagdating ng
salusalo, ang saya namin.
Almost 9 am na ako nakaakyat sa room ko. Sinige ko ang punas
ng sahig. Dahil wala pang mop, kinamay ko lang ang paglilinis, gamit ang face
towel. May dahilan na naman ako para magsermon at magalit sa mga estudyante
kong dugyot. May pang-gaslight din ako sa mga magulang nila, kung sakaling mga
reklamador sila.
Nag-sound trip ako doon habang naglilinis, pagkatapos kong
i-set up ang laptop at monitor. Good thing, Smart tv iyon kahit 32 inches lang.
At ang mahalaga, malakas ang sagap ng internet, hindi katulad sa dati kong
classroom.
Eleven-thirty, bumaba na ako sa classroom ni Ms. Krizzy.
Naibenta ko kay Papang ang dalwang curtain rod sa halagang P200. Idinagdag ko
iyon sa pangkain namin. Worth P500 lahat ang nagastos ko, kasama ang 1.5
softdrink at ice tubes, anim na kanin, at apat na klase ng ulam. Wew!
Nag-ambagan kami nina Ms. Krizzy at Mayora ng P100 each. Okey na rin dahil
masaya ang naging kainan namin.
Past 1:30, bumalik na kami sa kani-kaniya naming room.
Ipinagpatuloy ko ang pagpupunas ng sahig. Pasado alas-tres, chill-chill na lang
ako. Sinubukan kong umidlip hanggang 5 pm sana, pero hindi naman ako makatulog.
Hanggang napagdesisyunan kong umuwi na. Pasado alas-4 pa lang.
Palabas na ako ng gate nang tinawag ako nina Sir Joel G,
Putz, at Kaps. Nagsa-shot sila sa may Building 3, malapit sa sports room.
Pinagbigyan ko sila since hindi na ako babalik bukas sa school. Gusto ko ring
mag-relax. Naging maingat lang kami para hindi kami makita ng bagong principal.
Naging maayos naman ang inuman namin. Pinag-usapan namin ang
mga bagay-bagay tungkol sa Aral Program, bagong principal, opening classes, at
iba pang tungkol sa DepEd.
Past 6 na kami natapos. Singlot ako, pero nagawa ko pang
mag-withdraw ng 2-months living allowance. At pagdating sa PITX,
nagmeryenda-slash-dinner ako sa Lola Nena’s.
Parang nawala naman ang lasing ko habang nakapila ako. Ang
haba ba naman! Past 9 na ako nakauwi. Dumiretso ako sa kuwarto pagkabihis ko
habang kumakain ng grapes. Ten pm na ako bumaba para magsipilyo at magpatay ng
mga ilaw sa baba.
Maaga akong natulog.
Hunyo 6, 2026
Past 7 nang magising ako. Kahit paano ay mahaba-haba ang
tulog ko. Nakatulong ang lamig ng panahon para sa mahimbing kong tulog.
Past 8, nakapag-almusal na ako. Andami kong gagawin ngayong
araw—hindi lamang mga gawaing-bahay, kundi gawaing-pampaaralan. Agad ko ngang
inilista ang mga ito. Inuna kong gawin ang pagda-download ng mga videos na
gagamitin sa preliminary activities sa klase. Isinunod ko ang paggawa ng
pre-test sa Filipino 6. Eleven: Thirty na ako natapos at nakalabas para bumili
ng ulam at ilang grocery items.
Twelve-Thirty, pagkatapos kong kumain, nag-sign in na ako sa
link ng Google Meet. Ito ang kauna-unahang pa-online meeting ng bago naming
principal.
Sobrang antok ko habang may online meeting. Mabuti na lang
ay minadali na rin ni Ma’am Ivy ang kaniyang pagbabasa, este pag-eexplain. Past
2:30, tapos na ang meeting. Umakyat agad ako para matulog. Malamig-lamig ang
panahon kaya masarap nang mag-stay sa kuwarto. Five o’ clock na ako nagising.
Ang sarap sa pakiramdam ng nakatulog.
Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa desktop para
gumawa ng PPT ng orientation sa Opening Block. Nahirapan akong gumawa pero
nakalimutan ko ang oras. Nakalimutan kong magpapagupit pala ako. Past 7 na ako
nakalabas. At dahil alanganin na, hindi ako nakahanap ng barbershop, na
kakaunti ang pila. Pumunta naman ako sa isang parlor, pero wala na ang
tagagupit doon. Umuwi na lang ako pagkatapos kong bumili ng ulam.
Past 11:30 na ako natulog.
Hunyo 7, 2026
Past 6 ako nakamulat. Gusto ko pa sanang matulog hanggang 8,
pero hindi na kinaya. Bumaba na ako bandang 7 pagkatapos kong magselpon.
Nagsalang muna ako sa washing machine ng mga labahan bago
ako nag-almusal. Alas-nuwebe na ako natapos maglaba at magsampay.
Itinuloy-tuloy ko na ang trabaho. Nagpunas ako ng mga sahig—sa sala, sa kusina,
at kuwarto. Nilinis ko rin ang banyo.
Mga 10, nagpapahinga na ako para makaligo. At 10:30, lumabas
ako para magpagupit. Sa haba ng pila at sa dami ng mga magpapagupit, inabutan
ako ng past 11:30 bago ako nakauwi. Pero ayos lang kasi worth it naman.
Magiging presentable naman ako bukas sa school.
Habang hindi pa ako inaantok—pagkatapos mag-lunch, gumawa
muna ako ng lesson plan sa Filipino 6. Although, sa June 15 to19 pa naman ito
gagamitin, gusto ko nang ihanda upang hindi ako mag-cram. Maihahanda ko pa ang
mga learning materials nito.
Past 2, nag-siesta ako. Hindi naman ako masyadong nakaidlip
kasi parang may insektong nangangagat. Hindi naman lamok.
Past 5, nag-gardening ako. Hindi naman ako nagtagal sa
garden para maituloy ko ang lesson planning. Maaga rin akong nagluto para maaga
akong antukin.
Past 7, pagkatapos magluto, lumabas pa ako para bumili ng
eggs at cat food. Pagdating ko, saka ako ng no rice dinner. Ginisang patola na
may kaunting bihon at tuna ang ulam ko.
Past 9;30, nagsimula na akong matulog. Umasa akong dadalawin
agad ako ng antok.
Hunyo 8, 2026
Bigo na nga akong makatulog nang maaga. Bigo pa rin akong
makatulog nang malalim. Ang babaw ng tulog ko. Nananaginip naman ako, pero para
lang akong gising. Mas mahaba ang oras na gising na ako kaysa sa oras na tulog.
Ang sumatotal, puyat na puyat ako.
Nangamba pa akong mahuli sa pagpasok dahil alas-4 na, hindi
pa ako nakakasakay sa traysikel. Puro special trip ang mga biyahe. Ang yayaman
ng mga pasaherong naunang sumakay. At ang dadamot. Hindi man lang ako isinabay.
At nang makasakay ako sa bus, punuan na. Nakatayo ako mula
Tanza hanggang PITX. May maganda namang nangyari kahit ganito ang nangyari sa
akin. Nakarating ako sa school bago mag-5:30. Nakapag-almusal pa ako sa
classroom ko habang hindi pa nagsisimula ang flag ceremony.
Pagbaba ko, nakapila na ang mga estudyante ko. Kilala na
nila ako.
Naging maayos naman ang flag ceremony. Dumalo ang principal,
ang PSDS, at si Doc Mina.
Pag-akyat namin, agad kong sinimulan ang class orientation.
Nakahanda naman ang PPT ko kaya halos na nasabi ko nang lahat sa kanila.
Nagsawa rin sila sa pakikinig. At ayaw rin ng karamihan na mag-recite o
mag-introduce ng sarili. Kaya pinasulat mo na lang sila ng kanilang pangalan.
Pagandahan. At mabuti, nagbigay si Sir Joel ng babasahin at sasagutan—ang GST.
Na-busy sila. Nabawasan din ang kanilang ingay. Medyo nagagalit na nga ako sa
iba sa kanila. Pero sa kabuuan, okey pa sila. Kayang-kaya ko silang pasunurin,
turuan, at palaguin.
Pagkatapos ng klase, 12:35, nagpalinis muna ako ng classroom
sa mga cleaners. At dahil may faculty meeting, dali-dali akong kumain sa
karinderya. Past 2 na natapos ang
meeting. Umuwi agad ako. Past 3:30, nasa bahay na ako. Agad akong nahiga para
matulog, pero hindi naman ako nakatulog.
Past 4, bago ako nagmeryenda dahil medyo makirot ang ulo ko,
nagdilig muna ako ng mga halaman. Naalala ko, hindi ako nakapagkape kaninang
umaga. Kaya pala, medyo masakit ang ulo ko. Pumipintig.
Five: Thirty, naglakad ako patungo sa munisipyo para
i-withdraw ang cash allowance na P10k. isang oras ang lumipas, nasa bahay na
ako. Nagluto agad ako ng pambaon bukas.
Sinubukan ko ulit na matulog nang maaga. Sana makatulong ang
pag-inom ko ng First Vita Plus.
Hunyo 9, 2026
Kahit paano, nakatulog ako. Okey na siguro ang apat na oras
o lima.
Gaya kahapon, wala pang 5:30, nasa classroom na ako. Ang
kaibahan lang, nakaupo ako kanina sa bus, at walang flag ceremony ngayon. Pagkatapos
kong mag-almusal, gusto ko sanang umidlip dahil maaga pa, pero hindi naman ako
nakatulog.
Pagbaba ko, nakasalisihan ko ang mga estudyante ko. Isinama
na ala ng mga kaguro ko. Sayang ang
energy ko. Aagahan ko na lang bukas ang pag-aabang sa covered court.
Sa ikalawang araw ng Opening Block, naragdagan ng apat ang
estudyante. May isa pang balik-aral, na hindi marunong magbasa, at absenero
last school year. Haist!
Mas tumindi ang mga ugali ng Love. Nailabas ko na tuloy ang
masamang ugali ko. Unti-unti ko na silang pinagsasabihan, gamit ang matatalas
kong pananalita. Wala namang silang kaibahan sa mga nakaraan kong estudyante.
Mas marami nga lang ngayon ang mahihina. Nang pinabasa ko nga sila isa-isa,
nakita ko ang kanilang mga kakayahan at kahinaan. May iilan namang grade level
ready. Sa palagay ko, sila ang magdadala ng lesson namin.
Gusto ko nang magpalitan kami ng klase. Ang tagal ng oras
kapag walang palitan. Nakaksawang magsaway sa advisory class ko. Mabuti na
lang, may ilang classhome officers akong maaasahan. Sumusunod naman sa kanila,
at natatakot.
Medyo nainis lang ako sa mga kasamahan ko ngayong araw.
Hindi nila isinabay sa pagpa-Riso ang diagnostic test ko sa Filipino. Kagabi pa
ako nag-send ng file. Kanya-kanya na pala. Sila may test na. Tapos, hinahanapan
nila ako ng test.
Pagkatapos kong magpalinis at mag-lunch sa classroom, umuwi
agad ako. Wala pang 3, nasa bahay na ako. Agad akong natulog. Five na ako
nagising.
Bago ako nagmeryenda ng fruit shake, nagdilig muna ako ng
mga halaman. Isinunod ko naman ang paggawa ng GST report.
Habang nanood ng teleserye sa GMA, nag-exrecise ako sandali.
Pagkatapos niyon, umakyat na ako para magpahinga at matulog.
Hunyo 10, 2026
Alas-tres y medya, umalis na ako sa bahay. Mahigit 30
minutes akong naghintay ng kasabay na pasahero para hindi ako mag-special trip.
Pero nakailang special trips ang umalis, pero nandoon pa rin ako sa terminal.
Naiiyak na ako sa inis at awa sa sarili. Hindi puwedeng mahuli ako sa klase.
Kaya naman, nilakad-takbo ko na lang ang highway. Nagawa ko namang makarating
sa highway sa loob ng 15 minutos. Nanghinayang nga ako. Sana naglakad na agad
ako kaysa naghintay.
May tricycle driver na nagpumilit akong isakay. Siguro
nakita niya akong naglakad, kaya nang may pasahero na siya ay hinintuan niya
ako. Libre na lang daw. Ayaw ko nang kinakaawaan ako, at isa pa, malapit na ako
sa highway, kaya tinanggihan ko iyon. Kako, nagwo-walking ako. Sana kanina pa
nila ginawa. Alam nilang naghihintay ako ng kasabay, ni hindi nila ako inalok
na isabay ako sa special trip. Magbabayad naman ako. Walang concern ang mga naunang
drivers, kaya masama ang loob ko sa kanilang lahat.
Mabuti na lang, nakasakay agad ako sa bus, at nakaupo pa.
Kaya lang, panay naman ang hinto para magpuno. Ang bagal pa.
Hindi naman ako na-late, kaya lang ay hindi na ako
nakapag-almusal bago magsimula ang klase. Dahil nakapila na ang Love at ibang
estudyante, hindi na muna ako umakyat. Pero thankful pa rin ako kahit ganoon
ang nangyari ay nakarating ako ng 5:45 am. Six: fifteen pa naman ang official
time namin.
Pagkatapos ng classroom flag ceremony, nagpa-diagnostic test
na ako. Saka lamang ako nakapag-almusal. Bumalik na ang sigla ko. Natuto ako sa
karanasang iyon, kaya bukas, iba na ang gagawin ko.
Nag-diagnostic lang kami hanggang uwian. Unti-unti ko na rin
silang nakikilala. Siyempre, nakikilala na rin nila ako. Hindi ako
nagpapakaplastik sa kanila. Sinasabi kong normal ang trato ko sa kanila, kaya
ako nagagalit kapag may mali silang ginawa. Ayaw ko ring maging pabebe sila
kasi mga-Grade 6 na sila. Dahan-dahan ko ring naipatutupad ang mga rules na
alam kong effective para sa kanilang disiplina.
May iilan pa ring nagpapapansin, kaya pinagbibigyan ko sila.
Nang tumayo-tayo sila, tinanggal ko ang kanilang upuan. Hayun, nahirapan silang
mag-test. Ibinalik ko at sinabihang huwag nang uulitin. Nais ko lamang malaman
nilang may masamang epekto ang masasamang gawain.
Sa classroom ko inilagak ni Ma’am Madz ang printer na
donated ng parents ng with honors last school year. Hindi na ako humindi kasi
plano ko ng asana talagang bumili ng printer kasi nahihirapan ako. Hayun,
blessings-in-disguise.
After class, nagpa-meeting ang SDRMM coordinator.
Nakapag-lunch na ako, kaya antok na antok ako. After 1 hour saka lamang
natapos. Umuwi na ako agad. Alas-4 na tuloy ako nakauwi.
Past 5 na ako bumangon para magkape at mag-gardening. Na-enjoy
at na-miss ko ang garden ko. Alas-sais na ako pumasok para humarap sa desktop,
magsaing, at mag-ehersisyo.
Hunyo 11, 2026
Dahil sa nangyari kahapon, nag-iba ako ng diskarte. Gumising
pa rin ako ng 3 am, pero sa bahay na ako nag-almusal. Four o' clock na ako
umalis sa bahay. Sinuwerte naman ako kasi may dalawang pasaherong nakapila sa
tricycle terminal, kaya nakipila na rin ako. Ilang minuto lang ang lumipas,
bumiyahe na ang traysikel, lulan kaming apat. Nakasakay rin ako agad sa bus
pagdating sa highway. Kinabahan lang ako nang makarating ako sa Baclaran
bandang 5:30. Akala ko mali-late pa ako, hindi naman pala. Naunahan ko sa pila
ang mga estudyante. Sakto lang ang dating ko. Ito na ang susundin kong routine.
Bago kami nagsiakyatan, napag-usapan naming mga guro sa
Grade 6 na magpalitan ng klase upang i-meet at i-orient ang lahat ng section
upang sa Lunes ay tuloy-tuloy na ang pagtuturo namin.
Ganoon nga ang nangyari. Tinapos ko lang sa Love ang
checking of test papers, saka ako lumipat sa Hope.
Ang babait ng Hope. Attentive sila. Naramdaman ko naman ang
Charity na na-inspire sila sa mga intro ko. Kaya nang tinuruan at pinasulat ko
sila ng diary o journal, ang gaganda ng feedback nila sa akin.
Ang Faith naman, na maiingay raw, ay napatahimik ko. Gaya ng
sa Charity, in-inspire ko rin sila.
Iba naman ang atake ko sa Peace, na siyang cream section. Sa
halip na inspiration, challenge ang ibinigay ko sa kanila. Kung marunong silang
umunawa, malalaman nilang malalim ang pinanggalingan ng aking mga sinabi. Hindi
man literal o direlta, sinabi kong mga reklamador ang mga magulang ng mga
estudyanteng nasa cream section.
Past 1:30, umuwi na ako. Dumaan mjna ako kina Ms. Krizzy at
Ma'am Joann para mangumusta. Wala pa ring entries sa Palanca ang huli.
Past 4:00 na ako
nakauwi sa bahay. Sinikap kong makatulog.
Past 5, nagkape at nagmeryenda uli ako sa garden. Nagwalis
at nagpausok din ako namg saglit bago pumasok.
Humarap na ako sa desktop. Bago ko ipinagpatuloy ang lesson
plan, nagpasa muna ako ng listahan ng magsi-Sikap.
Bago mag-11, umakyat na ako para magpahinga.
Hunyo 12, 2026
Walang pasok ngayon kaya nakabawi ako sa ilang araw na
puyat. Past 7 na ako nagising, at mag-e-6 o’ clock na ako bumaba para maghanda
ng almusal.
Pagkatapos mag-almusal, ibinabad ko sa detergent powder at
tubig ang mga school uniform ko. Hindi ko iwina-washing ang mga ito upang
tumagal ang buhay.
Humarap na ako sa desktop bandang 8:30 upang tapusin ang
paggawa ng ILAW lesson plan. Unti-unti ko na itong nagagamay.
Past 10, umalis ako para magpadala ng allowance ni Ion, at
P10k sa GCash ni Epr. Nangutang silang mag-asawa sa akin para pandagdag sa
ipinapagawa nila sa kanilang bahay. Naglakad lang ako patungong Puregold, kahit
sobrang init. Siyempre, nakapayong ako. Eleven: thirty na ako nakabalik.
Nakapamili na rin ako ng mga pagkain.
Bago at pagkatapos kumain, tinapos ko na ang lesson plan.
Editing na lang nang kaunti, saka maaari na akong gumawa ng mga Powerpoint
presentations ang mga ito.
Bandang 2 pm, pinagbigyan ko ang sarili ko. Nag-siesta ako.
Kahit paano ay nakatulog ako bago ako bumangon bandang 4:30 para magmeryenda.
Fruit shake at crackers ang meryenda ko.
Nagwalis at nagdilig lang ako saglit sa garden, saka pumasok
agad ako upang ipagpatuloy ang paggawa ng PPT sa Filipino 6. Naisaingit ko ang
mga gawaing-bahay, gaya ng paghuhugas ng mga pinagkaina at pagbabanlaw ng mga
binabad kong uniporme.
Past 10:30, nakatapos na ako ng tatlong PPT. Not bad. Bukas,
siguradong matatapos ko pa ang 2. Kailangan ko na ring simulan ang pagsusulat
ng LP para sa Week 2 para hindi ako mag-cram. Kailangan ko na ring ihanda ang
mga entries ko sa Palanca, Canvas, at iba pa.
Hunyo 13, 2026
Nagising ako at nagselpon bandang 8 am. Nakabawi na ulit ako
sa ilang araw na puyat.
Nag-exercise muna ako sa higaan bago bumaba. Napilitan akong
bumaba nang dumaan an trak ng basura, pero hindi ko na naiabot ang isang
plastic ko ng basura dahil lumampas na sa bahay. Hindi bale.
Hindi agad ako nakapag-almusal kasi nagsaing pa ako at
nagprito ng itlog. Sinimulan ko naman agad ang pang-apat na PPT.
Past 11 , natapos ko nang gawin ang PPTs para sa limang
araw. Lumabas naman ako para bumili ng ulam.
Pagkatapos namang mananghalian, nag-siesta ako. Gustuhin ko
manflg magsulat o ipagpatuloy ang sinusulat kong nobela, hindi ko kinaya ang
antok.
Past 5 na yata ako bumangon para magmeryenda. Pagkatapos
naman nito, humarap ako sa desktop para gumawa ng report at ihanda ang class
records. Hindi pa nagbigay ng masterlist ang ibang advisers ng Grade 6, kaya
hindi ko natapos.
Past 6:30, namalengke ako. Nagluto ako ng bihon guisado
pagdating ko. Ang sarap ng pagkaluto ko, kaya walang natira.
Nainis ako sa keyboard ng desktop ko. Bigla na lang hindi
gumana ang letter A. Nahinto tuloy ang pagsusulat ko ng lesson plan para sa
Week 2.
Hunyo 14, 2026
Nagising na ako nang maaga, pero natulog ulit ako.
Successful naman. Mga past 8 na ako bumaba para maghanda ng pagkain. Dahil
nagsaing pa ako, mga past 9 na ako nakapag-almusal. Okey lang naman. Bihira
lang mangyari ito. Sinamantala ko na, lalo na’t kakaunti lang ang labahan ko.
Ibinabad ko na nga lang kasi mga medyas, panyo, briefs, at shorts lang naman
iyon, saka isang t-shirt.
Bago ako nagsulat ng lesson plan para sa Week 2, nag-Youtube
muna ako kung paano i-troubleshoot ang problema ko sa keyboard. Nang subukan
ko, hindi naman gumana. Naghanap naman ako ng ibang paraan. Natuklasan ko ang
setting para magkaroon ng keyboard on screen. Hayun, nakapagsimula na ako.
Maghapon akong nag-lesson planning, maliban sa mga oras na
nag-siesta ako. Nakatapos naman ako ng halos dalawang sesyon. Ang hirap din
kasing gamitin ang keyboard sa screen, lalo na’t hindi lang letter A ang
nawawala. Nawawala rin ang letter Z at Q, saka ang number 1.
Naisingit ko ang paggawa ng mga reports, kaya ng Nutritional
Status, saka ng class records ng ibang section.
Past 9, nasa kuwarto na ako. Sana makatulog ako nang maaga.
Hunyo 15, 2026
Hindi ako na-late kanina. Kuhang-kuha ko na ang diskarte.
Dapat na magising ako ng 3 am. Makapaghanda, makapag-almusal, at makaalis bago
o bandang 4 am. Medyo nangangamba lang
akong matagalan sa paghihintay sa terminal ng makakasabay sa isang biyahe, pero
kaya pa naman kahit 4:15 ako makasakay.
In fact, kanina, nakaakyat pa ako sa classroom para sana
mag-print. Kaya lang, sobrang liit ng prints.
Nakababa pa ako bago mag-flag ceremony.
Ngayong araw, nagsimula na akong magturo. Sa Love, medyo
high blood ako kasi mga lutang sila. Mas mahuhusay ang mga nakaraang Love. Pero
nagtimpi ako para maituro ko sa kanila. Gayunpaman, napagalitan ko sila. Sana
maging active sila sa pagsagot bukas.
Sa Hope, natuwa ako. Mahuhusay sila. Hindi ako masyadong
nagalit. Gayundin sa Charity.
Sa Faith naman, kakaunti na lang ang oras dahil nakain na ng
recess. At may special kid doon. Mayroon ding papansin sa likuran, dalawang
lalaki. Pero tinakot ko na sila. Sana bukas, magbago na sila.
Sa Charity, nagpakita ako ng firmness at strictness.
Hjnanapan ko sila ng halimaw sa participation at recitation, since sila ang
cream section. Sabi ko pa, baka matalo pa kayo ng ibang section. Sa palagay ko,
intimidated ang iba. Hindi sila makabuwelo.
Sa kabuuan, na-enjoy ko ang lesson plan at PPT, na inihanda
ko.
Nayaya ako ni Ms Krizzy sa classroom.niya para kumain.
Sayang nakabili na ako ng kanin at tinola. Inuwi ko na lang tuloy.
Past 2 na ako nakauwi kasi sinubukan kong mag-print uli.
Bigo na naman ako. Nagpatulong pa nga ako kay Ms. Krizzy.
Almost 4 na ako nakauwi sa bahay. Antok na antok ako kaya
pinagbigyan ko. Bandang 5, saka lang ako nakapagmeryenda.
Wala ako halos nagawa ngayong gabi, at di ako
nakapag-ehersisyo dahil nag-edit ako ng LP ko, saka nag-post ng video lessons
sa YT. Kailangang lumaki ang kita ko,
and at the same time ay maibahagi ko ang PPT kong ginawa.
Bago mag-9 pm, nasa kuwarto na ako. Sana at 10 ay tulog na ako.
Hunyo 16, 2026
Same time pa rin ang alis ko, maliban sa 4:20 na ako nakasakay sa bus dahil natagalan ako
sa tricycle terminal, pero late pa rin ako. Nakaakyat na ang mga estudyante
nang dumating kami ni Ma'am Wylenne sa school.
Oo, nakasakay ko siya sa bus. Pareho kaming late dahil ang
tagal pumarada at naghintay ng pasahero ang nasakyan naming bus. Halos tumakbo
na nga kami sa pagsakay at pagbaba. Natawa na lang kami.
Hindi pa naman kami late kasi 6:15 pa ang official time.
Kaya lang, late na kami sa pagsundo sa mga bata.
Uminit uli ang ulo ko sa Love. Sinermunan ko sila nang
sinermunan, pero nagturo ako. Monologue nga lang. Sana natuto sila. Ipinakita
ko lang sa kanila na napakahalaga ng participation nila kasi kung hindi sila
magsasalita o sasagot sa mga tanong ko, bakit pa ako magtuturo?
Lahat halos ng section, nasermunan ko. Lahat ng section ay
may mga estudyanteng pasaway. Pero kung ikukumpara sila sa mga estudyante last
school year, mas okey sila.
Nawalan ako ng pera sa isinuli kong benta. Sigurado akong
tama ang ni-remit ko, pero ibinalik sa akin kasi kulang daw ng P100.
Nakakapagtaka kasi 5 estudyanteng tig-P100 ang pera, ang bumili sa akin.
After class, sinubukan ko ang printer. Okey naman siya.
Na-print ko na ang LP ko, kaya lang wala palang pirmahan ang MT at principal.
Haist! Bukas ko pa mapi-print ang last page.
Bago ako bumiiyahe pa-PITX, pinadalhan ko muna si Hanna ng
P2k sa GCash. Magpapatahi siya ng uniform ng practice teacher. Sobra-sobra na
iyon sa isanf pares.
Past 3 or almost 3:30, nasa bahay na ako. Hindi ako inantok
kaya nagselpon lang ako hanggang 5.
Pagkatapos magmeryenda, humarap na ako sa desktop. Nag-edit
ako ng LP, gumawa ng PPT, nagaimulang
mag-encode sa IPCRF template, at nagbalita sa 21st Century Teachers PH Inc
tungkol sa pagiging finalist ko sa Sulong Peace photostorytelling contest.
Sinabi kong nakatanggap ako ngayon ng Certificate of Participation at P500
GCash.
Kung nawalan ako ng P100, may bumalik naman. Five-folds.
Bago mag-10, nasa kuwarto na ako. Sisikapin kong nakatulog
nang maaga.
Hunyo 17, 2026
Past 5, nasa school na ako. Ang bilis ng bus na nasakyan ko.
Okey lang kung hindi ako nakaupo. Ang mahalaga, nakapag-print pa ako ng lesson
plans bago nagsimula ang klase. Kinuha pa naman ang mga LP namin--- maaga pa
lamang.
Very energetic akong magturo ngayon sa bawat section, kaya
lang may mga pasaway talagang mga bata, kaya napuputol ako para magsermon.
Sayang ang bawat minuto. Ang Faith ngayon ang pinakamahirap disiplinahin. Kaya
naman, pinagsalitaan ko sila nang matatalas na salita.
Natuto naman ngayon ang Love at Peace. Nag-participate na
ang Love , palibhasa ay may stars akong ibinibigay sa mga nakasasagot .
Naging halimaw naman ang karamihan sa Peace dahil kahapon ay
sinabihan ko silang ilabas nila ang halimaw sa kanilang katawan kapag
nagtatalakayan. Hayun, sinunod nila. Andami tuloy nakatanggap ng stars.
Mas mahaba na ngayon ang oras namin sa recess dahil idinikit
namin ang GMRC sa recess. Hindi na kami ginahol sa pagbebenta at pagbibilang.
Tumaas din ang sales ko.
Mga past 1:30 may faculty meeting kami tungkol sa omnibus ng
HPTA, GrPTA, at SPTA election. Sobrang antok na antok ako. Nakaidlip nga yata
ako nang ilang minuto.
Three pm na natapos ang meeting, kaya almost 5 na ako
nakauwi.
Ang bilis ng oras! Pagkatapos kong magmeryenda , saka
agwalis at magdilig ng mga halaman, humarap naman ako sa desktop para gawin ang
mga reports, IPCRF, sa PPtlT para sa Week 2.
Nanood lang ako ng 'Master Cutter,' saka ako umakyat para
magpahinga.
Hunyo 18, 2026
Sakto lang ang dating ko sa school-- mga 5:35. Hindi na ako
umakyat. Naghintay na ako sa mga bata sa covered court, saka nagsabay-sabay na
kaming umakyat.
Panay na naman ang sermon ko sa Love, gayundin aa ibang
section sa pagitan ng pagtatalakay at pagtuturo ko. Ang hihina na nga nila,
ayaw pang makinig at magpokus. Nakakagalit talaga. Hindi ko kayang palampasin.
Ang Hope lang ang maayos turuan.
Ang Faith, ganoon pa rin. Hingal na hingal palagi ako. Pero
natuwa ako sa kanila kasi marami ang nag-advanced study, gamit ang YT videos
ko.
Ang Peace, kakaunti lang ang nanood o nag-advanced study,
kaya nakatikim na naman sila sa akin ang matatalas na salita. Isa sa mga sinabi
ko ay "Mataas ang expectations namin sa inyo."
Hindi naman ako nakapasok at nakapagturo sa Charity dahil sa
earthquake drill. Ayaw ko pa naman ng may backlog. Nakakainis! Sabi ng DepEd,
puro teaching-learning activities lang ang gagawin sa instructional block lang
ang gagawin, nasingitan pa rin ng interruption. Haist!
After class, may birthday blowout si Sir Jess. Buong school
ang pinakain niya.
Past 1:30, nagkaroon kami ng journalism training. Past 2 na
ako nakaalis sa school.
Hunyo 19, 2026
Kung kailan Friday na, saka naman ako nakaramdam ng bigat ng
katawan nang magising ako. Siguro, dahil iyon sa masarap at mahimbing kong
tulog. Gayunpaman, sinikap kong bumangon para pumasok. Naghanda ako ng almusal,
bago naligo.
Sakto lang ang dating ko sa school. Wala pang 8:40 , naroon
na ako. Hindi na ako umakyat. Naghintay na lang ako sa mga estudyante ko.
High blood na naman ako sa Love dahil hindi sila handa para
sa pagtatanghal ng nabuo nilang tulang pambata. In fact, wala talagang
naghanda, kaya pinapunta ko sila sa kani-kanilang grupo upang maghanda. Hayun!
Wala rin silang natapos.
Mabuti pa sa Hope, kahit hindi tulang nagsasalaysay ang
sinulat nila, nai-perform naman nila iyon.
Sa Charity naman, nagpasulat na lang ako ng tulang pambata
kasi backlog ko skla kahapon, gawa ng earthquake drill.
Sa Peace naman, tama ang kanilang naisulat na tulang
pambata-- nagsasalaysay. Pero hindi sila nagpraktis nang grupo o sama-sama
dahil ang akala nila ang Performance Tasks ay individual.
Binigyan ko sila ng limang minuto para mag-rehearse.
Nag-overtime pa nga ako sa klase nila, sa halip na shortened dahil sa
naka-schedule na SOSA ng pangulo at HPTA meeting naming mga advisers.
Kakaunti lang ang dumalo sa HRPTA meeting. Hindi na ako
nagtataka. Palagi namang ganyan. Kung sino pa ang mahihina, siya pang hindi
inaasikaso ng mga magulang.
Hindi pa rin ako nakauwi nang maaga kasi isinagawa pa namin
ang GrPTA or Grade Level PTA election. Mabilis lang naman kaya mga past 5, nasa
bahay na ako.
Ini-spoil ko nga pala ang sarili ko ng iced coffee at budget
meal sa Lola Nena's. Sa bus ko ininom at kinain.
Gabi pagkatapos kong magpahinga, gumawa na ako ng PPT. Nang
magutom ako, lumabas ako para kumain sa lugawan ng lugaw at siomai. Solb na ako
niyon.
Tinapos ko lang ang PPT, saka ako umakyat para matulog.
Sobrang antok ko na kaya pakiramdam ko, nakatulog agad ako.
Hunyo 20, 2026
Mukhang nakatulog naman ako nang sapat kahit maraming beses
akong gumising dahil sa mga panaginip. Ang huli ko nang panaginip ay nasa
enchanted na ilog, kasama ng pamilyar na mga babae sa buhay ko.
Past 6:30, gising na ako. Hindi na ako nakatulog, kaya
nagselpon na lang ako. At bandang alas-7, bumaba na ako para mag-almusal.
Pagkatapos kong maibabad ang mga uniform ko, naglinis muna
ako sa sala at kusina. Ilang araw ding hindi ako nakapagwalis at nakapagpunas
ng sahig.
Past 8, nasa harap na ako ng laptop upang gumawa ng PPT at
LP.
Naisingit ko ang pamamalengke at pagluto. Adobong paa ng
manok at laing ang ulam ko sa tanghali. Binili ko lang ang lutong ulam na
laing, pero busog na busog ako. Nakaramdam nga agad ako ng antok pagkatapos
kumain, kaya pinagbigyan ko.
Mga alas-dos, bago ako naligo, binanlawan ko muna ang mga
uniporme ko.
Hanggang 5 pm akong nasa higaan. Ang sarap lang talagang
humilata. Okey lang kahit hindi nakaidlip. Ang mahalaga ay nakapagpahinga.
Ipinagpatuloy ko ang oaggawa ng PPT at pagsusulat ng LP
hangganf 11:30. Naisulat ko na ang ika-4 na LP. Bukas ko na gagawin ang PPT
nito. Antok na akong talaga.
Hunyo 21, 2026
Maaga na naman akong nagising--mga past 6 pa lang iyon.
Nagselpon na lang ako, saka bumangon para mag-almusal. Okey lang naman kasi
marami akong gagawin.
Pagkatapos kong mag-almusal, nagsulat ako ng tula para sa
Father's Day. Bago ko natapos, naluha ako. Gaya ng mensahe ng tula, late ko
nang na-realize kung gaano kahalaga ang presensiya ng ama sa pamilya, kahit sa
anak.
Maghapon akong humarap sa desktop upang tapusin ang LP at
PPT. Naisingit ko lang ang paglalaba, pamamalengke, pagluluto, at pag-idlip.
Mga 8, all set na. Ready na ako para bulas hanggang Friday.
Sana maasikaso ko naman ang mga entries ko sa mga wriring contests, lalo na sa
Palanca.
Bandang 9:30, pagkatapos kong mag-check ng written works at
mag-record, habang nanonood ng KMJS, umakyat na ako para magpahinga.
Hunyo 22, 2026
Maaga akong nakarating sa school. Nakapag-almusal pa nga
ako. Thank God dahil nakasakay ako agad sa traysikel. At hindi masyadong
namik-ap ng mga pasahero ang bus na nasakyan ko.
Bago ako bumaba para mag-flag ceremony, nakapag-print ako ng
lesson plan at minutes of the meeting.
Bad trip na naman ako sa Love dahil ayaw nilang sumagot sa
mga motivation questions ko. Palagi talaga akong high blood sa kahinaan at
katamaran nila. Nag-iiba palagi ang mood ko kapag ganoon sila. Sa ibang
section, maayos ko namang maituro ang aralin ko. Nakapagbigay pa nga ako ng
stars sa apat na section.
Sa kagustuhan kong maituro ang aralin namin sa Filipino,
ginamit ko ang nalalabing oras para sa GMRC, pagkatapos ng recess. Kahit paano
ay natutuhan nila ang tungkol sa dulang pambata.
Bukas, sana ay maging mahaba ang pisi ko sa kanila. At sana
makipagtalakayan sila sa akin.
Pasaway talaga ang Love. Kahit sa pagpila pababa, ang gugulo
at ang iingay nila. Pinabalik ko nga sila hanggang 3rd floor. Pabkababa nila sa
may gate, pinagsabihan ko pa sila kahit nakikita at naririnig ako ng mga
parents na naghihintay sa mga Kinder. Nagiging kontrabida ako sa paningin ng
iba, pero sigurado akong may natutuwa rin. Gusto ko lang namang disiplinahin
ang advisory class ko.
Pinalis ko naman nang maayos ang Monday cleaners. Tinuruan
ko sila kung paano. Hayun, past 1:30 na sila nakauwi. Ako rin, mga 2 na ako
nakaalis sa school kasi nag-print pa ako ng worksheets para bukas.
Three: thirty, nasa bahay na ako. Agad akong gumawa ng fruit
shake na may crackers, saka sumubok na umidlip. Kahit paano ay nakatulog ako
bago ako humarap sa desktop para gumawa ng LP para next week.
Naisingit ko naman ang gardening, pag-upload sa YT, pagbili
ng cat food, pagluto ng pansit bato na bigay ni Sir Erwin, at iba pa.
Pagkatapos kong manood ng 'Master Cutter, at mag-check at
mag-record ng written works ng Charity at Peace, naligo na ako para makaakyat
na.
Hunyo 23, 2026
Sakto lang ang dating ko sa school. Hindi na ako umakyat,
bagkus hinintay ko ang mga estudyante ko para papilahin sila.
Nakapagturo ako nang maayos ngayon. May ilang nagpapasaway
pero hindi sila umubra sa akin. Kahit sa ibang section, naging masungit at
istrikto ako, na kahit kaunting kibot nila ay pinapansin ko. Kapag may tulog o
hindi maayos ang pagkakaupo ay pinagsasabihan ko. Nakatulong naman iyon upang
maisakatuparan ko ang aking trabaho at layunin, lalo't mahirap na ang aming
aralin. At ang pinakamahalaga, napa-group work ko sila nang maayos at tahimik.
Mga 1:30, nakisabay akp kay Ma'am Wylenne sa paglalakad.
Papunta raw siya sa ABES. E, kailangan kong kumain bago bumiyahe, kaya nagkayayaan
kaming maglugaw roon.
Past 3, nasa bahay na ako. Sinikap kong makatulog bago ako
nagmeryenda at humarap sa desktop.
Nabuwisit lang ako sa template ng IPCRF. Ilang beses akong
nag-downloasld at nag-fill out, pero pagdating sa unang Finalize, ayaw gumana.
May mga blanks na ayaw mag-function.
After nth times, nakuha ko rin. Hindi ko man natapos, pero
bukas siguradong matatapos ko na at sa Huwebes ay maipi-print ko na. Kailangan
ko lang makuha ang dati kong IPCRF. Nasa school iyon.
Umusad din kahit paano ang lesson plan ko para sa Week 3. At
nakapaghanap ako ng entry ko sa Palanca. Kailangan ko pang i-edit iyon, batay
sa suggestion ni ChatGPT. May punto naman siya.
Bago mag-9, nasa kuwarto na ako. Ready to sleep.
Hunyo 24, 2026
Nagmadali akong makarating sa school para makapag-print ako
ng lesson plan sa GMRC. Nagawa ko naman, pero hindi ko pala na-save sa hard
drive ko. Mabuti na lang, nai-send ko sa Messenger. Uminit na sana ang ulo ko.
Sakto rin ang pagbaba ko para sunduin ang klase ko. God is
good all the time, kahit may aberya.
Isa pang aberya ang naganap ngayong araw. Kinokolekta na ang
IPCRF. Mali ang nasimulan ko. Balak ko sanang pag-uwi ko pa gagawin, pero dahil
kami na lang ni Sir Archie ang hindi nakagawa, nagpatulong na ako kay Ma'am
Madz. Pinagamit noya sa akin ang laptop niya. Before recess, printed na iyon at
naipasa ko na after recess.
Ngayong araw, nanermon na naman ako sa Faith, nang malala.
Hindi kasi sila nakapokus. May mga section din na talagang may ilang
nagpapasaway, kaya nakakatikim din sila ng matalas kong dila.
Ang Love, nagpasaway pa habang pumipila. Pauwi na nga lang,
ayaw pang umayos at tumahimik. Halos araw-araw silang walang disiplina sa
pagpila. Kung hindi sa baba, sa labas pa ng classroom namin sila nagpapasaway.
Hindi naman sila umubra sa kasungitan ko.
Pagkatapos kong magpalinis sa mga cleaners, kumain ako sa
karinderya. Nilibre ako ng isang parent. Nahiya tuloy ako. Tapos, nakilala ako
ng dati kong estudyante na nagpakilalang si Buscato. May anak na siyang Kinder.
Nakarating ako sa bahay bandang alas-3, bago bumuhos ang
ulan. Nakatulog naman ako hanggang 5. Ang sarap sa pakiramdam.
Habang nagmemeryenda ng ube at yema puto, kapartner ng kape,
nasa harap na ako ng desktop.
Almost done ko na ang lesson plan para sa 3rd week. May
nagawa o nasimulan pa akong iba bago ako umakyat para magpahinga, gaya ng
school ID form. Nakapag-ehersisyo rin ako kahit paano.
Hunyo 25, 2026
Nagkaroon na ng bag inspection sa school bilang pagpapatupad
ng mahigpit na security upang maiwasan ang mga pangyayaring katulad ng sa
Tacloban at sa Cavite. Nakakatakot na ang mga kabataan ngayon.
Kaya naman, mas lalo akong vigilant at palasermon sa mga
estudyanteng nagpapakita ng hindi kanais-nais na gawi at ugali. Pinagasabihan
ko kaagad. Bukod pa roon, ipinapasok ko sa isip at puso nila ang kahalagahan ng
edukasyon.
Maayos ang turo ko ngayong araw sa halos lahat ng section,
maliban sa pagsesermon ko sa Peace kasi hindi nila alam ang 'buod,' pati ang
English nito.
Bago ako umuwi, pinuntahan ko muna si Ma'am sa classroom
niya para dalhin sa kaniya ang listahan ng nakuha kong young journalists mjla
sa Peace. Kulang pa kami ng tatlo para sa colloborative publishing. Samantala,
okey na ang dalawang column writers ko.
Past 3, nasa bahay na ako. Hindi pa ako agad nakatulog, kaya
5 pm na ako nagising.
Habang nagmemeryenda, nasa harap na ako ng computer. Katulad
kahapon, may mga nagawa akong school reports. Nasimulan ko na rin ang paggawa
ng PPT para sa week 3.
Past 9 pm, nasa kuwarto na ako para ipahinga ang katawan at
isipan. Thank God, Friday na bukas.
Hunyo 26, 2026
Mas maaga akong nakarating kanina sa school, kaya
nakapag-print pa ako ng ilang kailangan report at dokumento.
Sinikap kong magturo nang masaya, maayos, at masigla, pero
palagi na lang nauuwi sa pagalit at sermon. Ang Hope lang talaga ang hindi
mahirap turuan at pasunurin. Kahit sa pagpasa ng portfolio, sila ang
pinakamarami bilang ng nagpasa.
Afer class, nag-check ako ng mga diary at portfolio.
Kakaunti lang ang nagpasa, pero inabutan ako ng 3 pm sa classroom bago ako
natapos. Mabuti na lang, kakaunti ang nagpasa, kundi baka hindi lang 5 pm ako
nakauwi sa bahay.
Pagkatapos kong magmeryenda, humarap na ako sa desktop.
Gumawa at nagpasa ako ng PHILIRI report. Nadiskubre ko rin na na-corrupt ang
ginawa kong school ID form. Nagpajibagong encode pa tuloy ako. Bago ako
nakapagsimulang gumawa ng PPT sa Filipino, nailaan ko la ang oras ko sa
pag-encode ng mga details sa ID. Sayang!
Hunyo 27, 2026
Maaga pa rin akong nagising kasi nagpuyat ako kagabi.
Gustuhin ko mang matulog hanggang 8, hindi na ako pinagbigyan ng mga mata ko.
Kaya nag-ehersisyo muna ako saglit, saka nagselpon bago ako bumaba para
magbabad ng mga labahan.
Nang maibabad ko, saka ako nag-almusal. Kape at tatlong
maliliit na siopai lang ang inalmusalan ko. Mabuti, nakabili ako niyon kagabi.
May itlog pa naman, pero nilaga ko lang, at hindi kinain.
Humarap na ako sa desktop para gawin ang mga schoolwork,
gaya ng school ID information, LP, at
PPT. Nakapag-upload na rin ako ng isang video sa YT. Siyempre, nakapaglinis ako
sa sala.
Past 10:30, lumabas ako para bumili ng ulam at iba pang
pagkain. Pagkasaing ko, kumain agad ako. Siguro, mga 11:30 pa lang iyon, kaya maaga
rin akong inantok.
Mga 2 pm, nang bumangon ako para magbanlaw ng mga binabad,
saka maligo na rin.
Nang natuyo ang buhok ko, nahiga ulit ako para matulog at
magpahinga. Kahit paano naman ay nakatulog naman ako. Mga 5 na yata ako nagmeryenda.
Quarter to sis, naglakad ako patungong Puregold Tanza para
maghanap sa Mr. DIY doon ng HDMi adapter na gagamitin ko sa aking tablet.
Naku, wala naman palang tinda roon. Nalungkot lang ako. Pero
okey lang naman kung napagod ako sa paglakad. Exercise ko naman iyon.
Past 7:30 na yata ako
dumating sa bahay. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa desktop. Sinimulan ko na
ang paggawa ng summative test.
Eleven, umakyat na ako para magpahinga.
Hunyo 28, 2026
Sa wakas, nagawa ko ring gumising nang late. Pasado alas-8
na ako nakamulat. Sulit!
Mga 9, nasa harap na ako ng desktop. Ipinagpatuloy ko ang
paggawa ng summative test. Nang matapos, ginawa ko naman ang entry form para sa
Palanca. In-edit ko na rin ang isasali kong kuwentong pambata-- Ang Koleksiyon
ni Rocky.
Hapon, pagkatapos kong magsiesta at magmeryenda, gumawa
naman ako ng PPT para sa SIKAP sa July 1. Nang matapos, nag-gardening naman
ako.
Gabi, nagpalit ako ng entry. Sumobra sa required number of
pages ang una kong napili. Kaya naman, ang "Hari ng Sinungaling" ang
napili ko.
Mga 8:30, nasa kuwarto na ako. Nagpaantok ako sa panonood ng
series sa YT. Sana antukin agad.
Hunyo 29, 2026
Naasar na naman ako sa Love kasi napakairesponsable nila.
Wala silang output sa activity noong Friday. Hindi talaga niya kayang makasunod
sa mga lesssons. Sabagay, 80% nila ay may problema sa pagbabasa.
Hindi ko itinuro ang inihanda ko. Sa halip, pinasulat ko na
lang sila ng mga pangalan nila. Aguy! Kahit sa pagsulat, may problema sila.
Habang busy sila, at habang nanenermon, nag-chat ako sa GC.
Hind man ako nakapag-rant, at least, naisumbong ko ang kahinaan at
pangangailangan ng kanilang mga anak. Sinabi kong makipagtulungan sila sa akin.
Tameme sila.
Sa ibang section, maayos naman akong nakapagturo.
Nakakasunod naman ang karamihan sa kanila. May mga mangilan-ngilan lang ding
hindi makasunod dahil may reading deficiency rin. May iba namang antukin. Haist!
Ang sarap sanang magturo kung pursigido ang mga estudyante.
Past 1:30, nagsimula na ang orientation sa mga magulang at
tagapag-alaga ng mga batang kasali sa SIKAP.
Kakaunti lang ang dumalong parents ng Love. Haist! Wala talagang
pagbabago-- noon at ngayon. Pero kapag kuhaan ng allowance, ang bibilis nila.
Past 2:30, tapos na ang orientation. Umakyat pa ako para
kunin ang mga gamit ko, saka magsara ng mga bintana at mga bentilador. Pagbaba
ko, tinawag ako ni Ma'am Joann. Pinag-usapan namin ang submission sa Palanca.
Nagkasundo kaming bukas na kami magpanotaryo. Gaya ng dati, last two minutes na
kami magpapasa ng entry.
Past 5 na ako nakauwi sa bahay. Agad akong humarap sa
desktop para gawan siya ng entry form. Pagkatapos, nagsulat na ako ng LP para
sa week 4. Ipinagpatuloy ko lang ang nasimulan ko.
Bago mag-9, umakyat na ako para magpahinga. Nakakapagod
ngayong araw. Ang daming ganap.
Hunyo 30, 2026
Maaga akong nakarating sa school, kaya nang nagpasamang
mag-almusal si Ma’am Mel ay nasamahan ko pa. Ang bilis ng oras! Nasa pilahan na
ang mga estudyante nang matapos siyang kumain.
Bago kami umakyat, nagalit ako sa dalawa kong estudyanteng
nagsinungaling sa akin nang paulit-ulit. Pinaasa nila ako. Pabukas sila nang
pabukas na ibibigay na sa akin ang school ID form na ipinamahagi ko noon pang
opening block. Nataasan ko sila ng boses kahit marami ang nakakarinig.
Sa inis ko, hindi ko muna sila pinaakyat. Kako, gawan nila
ng paraan para makuha ang details sa parent or guardian nila. Apektado tuloy
ang pagtuturo ko, kaya nang malaman kong walang assignment ang karamihan, hindi
ko sila tinuruan. Hindi nila kaya ang pang-Grade 6. Pang-Kinder ang binigay
kong activity.
Nangamba akong baka umuwi ang dalawang estudyanteng
napagalitan ko, kaya hinanap ko sila. Mabuti na lang, nandoon na sila sa may
hagdanan. Kinausap ko sila sa classroom. Sinabihan ko ang isa na kontakin
ngayon din ang nanay niya dahil hindi mai-add sa GC. Sinubukan ko pang
i-message ang account, pero hindi rin ma-send-an ng mensahe.
Ang isa naman, dala niya ang school ID noong Grade 5, kaya
abswelto na siya. Iyon na lang din ang ilalagay ko, since tita niya lang naman
iyon, at parents iyon ng mga dati kong estudyante. Dalawang magkapatid iyon, na
ako ang adviser.
Sa Hope, maayos akong nakapagturo, gayundin sa Charity. Pero
sa Faith, pang-Kinder ang pinagawa ko sa kanila dahil isa lang ang nakagawa ng
assignment na pang-Grade 6. Nakiusap silang pang-Grade 6 na ang activity nila
at magturo na ako ng pang-Grade 6, pero hindi ko sila pinagbigyan. Sana
pahalagahan nila ang effort ko, ang oras, ang presensiya nila sa school, ang
effort ng kanilang mga magulang, at ang edukasyon. Naging maayos din ang klase
ko sa Peace. Medyo lumalabas na ang halimaw sa kanilang katawan. Umiingay na
ang discussion.
Pagkatapos ng klase, inihatid ko ang Love sa gate, saka
lumabas na rin ako para mananghalian. Pagbalik ko sa classroom, nag-print ako
ng entry form namin ni Ma’am Joann para Palanca. Hindi pa ako tapos mag-print
ng lesson plan, dumating naman ang nanay ng isa sa mga estudyanteng napagalitan
ko kanina. Ismarte at edukada siya.
Naging maayos naman ang aming pag-uusap. Naiparating ko ang
mga nais kong sabihin. Nalaman ko rin ang ilang mga detalye sa kaniyang anak at
sa kanilang pamilya. Very supportive siya sa kaniyang mga anak.
Pagkatapos niyon, dumalo ako sa journalism meeting with the
parents and young journalist. Inabutan kami roon ng past 2:30.
Hinintay ko naman si Ma’am Joann na matapos sa pagsusulat ng
kaniyang manuscript. Ipapa-edit niya kasi sa akin iyon bago niya ipasumite.
Past 4 na kami nakaalis sa school para magpanotaryo.
Dapat didiretso na ako pauwi, kaya lang ay naiwan sa
classroom niya ang cellphone ko. Kinailangan kong sumama pabalik sa school
pagkatapos magpanotaryo. Balak ko sanang sa Bucal na lang maghanap ng
nag-i-scan, pero dahil baka gabihin ako, pinakiusapan na lang niya si Sir Arjay
na i-camscan niya ang notarized entry form namin, since may app ang cellphone
niya.
Nakaalis ako sa school bandang 5:05. Sobrang traffic na,
kaya past 7:30, saka lang ako nakauwi.
Dahil bumili ako ng pagkain at inumin sa Lola Nena’s, at
kinain at ininom ko na iyon sa bus, humarap na ako sa desktop upang i-send ang
entry ko. Nahirapan akong i-send iyon, kaya sinubukan ko sa tablet ko. Hayun,
nagawa ko.
Marami namang hindi ako nagawa ngayong gabi, gaya ng maayos
na panonood ng TV, pag-eehersisyo, paggawa ng lesson plan, at maghugas ng mga
pinagkainan ko kaninang umaga. Pero nagawa kong mag-encode doon sa school ID
template, mag-upload ng video sa YT, mag-screenshot ng mga files, at maglaba ng
school uniform para sa Huwebes.
Past 9, nasa kuwarto na ako para matulog. Hindi ako nakainom
ng First vita Plus. Goodluck to me.
No comments:
Post a Comment