Followers

Tuesday, September 8, 2026

Si Matt Singh at si Kune Ho

 Si Matt Singh at si Kune Ho

Kahit magkaiba ang pinagmulang lahi nina Matt Singh at Kune Ho, magkasundo pa rin sila sa maraming bagay. Kadalasan, magkasundo sila sa kulitan at tawanan. Iisang bagay lang ang hindi nila pinagsasang-ayunan. Iyon ay kung sino ang mas magaling. "Mas magaling ako sa Matematika kaysa sa 'yo, Kune," sabi ni Matt. "Kaya kong mag-compute, gamit ang mental math." "Kaya ko ring mag-solve ng math problems kahit walang abacus, kaya mas magaling ako kaysa sa 'yo, Matt," sabi naman ni Kune. "Kapag computation ang usapan, hindi ako nagbibilang nang isa-isa, pinapangkat ko muna ang mga numero. Kaya mas mabilis kong nasasagutan," sabi ni Matt. "Binibigyang-pansin ko naman ang pattern at relasyon ng mga numero bago ako mag-compute o mag-solve," sabi naman ni Kune. "Kung mas magaling ka, sige nga, mag-unahan nga tayong magbilang mula isa hanggang siyam," hamon ni Matt. "Sige, payag ako. Kung sino ang mauna, siya na ang hari sa Matematika," dagdag pa ni Kune. "Sige. Siguradong ako ang mauuna." "Malalaman natin mamaya." "Talaga! Kaya simulan na natin." "Teka lang." Kumuha si Kune ng dalawang tuyong sanga ng ipil-ipil. Sinukat niya ang mga iyon. "O, magkasinghaba. Pumili ka. Ito ang gagamitin natin sa pagbibilang." Nang nakapili na si Matt, agad nilang sinimulan ang pagbibilang. Pinutol-putol muna ni Matt ang sanga hanggang sa makagawa ng siyam na maiikling piraso. Nagsusulat naman si Kune sa lupa, gamit ang sanga ng ipil-ipil, habang sinasabi ang kaniyang sinusulat. "Siyam!" "Isa..." Magkasabay nilang sabi. "Ako ang mas mahusay!" sabi ni Kune.

Dahil hindi matanggap ni Matt Singh na mas mahusay magbilang si Kune Ho, hindi na sila nagpapansinan ngayon. Si Matt Singh at si Kune Ho


No comments:

Post a Comment

Si Matt Singh at si Kune Ho

  Si Matt Singh at si Kune Ho Kahit magkaiba ang pinagmulang lahi nina Matt Singh at Kune Ho, magkasundo pa rin sila sa maraming bagay. Kad...