Followers

Monday, January 20, 2014

USAPANG LAPIS

USAPANG LAPIS


          Lahat tayo ay gumamit ng lapis. Sino ba ang hindi?

          Marahil ang hindi nakaranas mag-aral. Ngunit, halos lahat sa atin ay nagkalapis, nagtasa ng lapis, nagpalit ng lapis, kinagat ang lapis, nanakawan ng lapis, nakabali ng lapis, nagsulat at gumuhit gamit ang lapis at nag-aksaya ng lapis. At, lahat halos ng ating lapis ay may pambura. Lahat tayo ay nagkaroon ng pambura, nagbura, naubusan ng pambura, nanghiram sa katabi ng pambura. Lahat ay nagbura gamit ang daliri at laway. May nagnakaw pa nga ng pambura.

          Anumang brand ng lapis ang ginamit natin ay hindi mahalaga. Ang mahalaga, gumamit tayo ng lapis. Huwag din nating kalimutang ayaw natin ang lapis na walang pambura.

------

          Malaki ang utang na loob natin sa lapis.

          Kung iisipin, dahil sa lapis, natuto tayong magbasa. Mas nauna tayong tinuruang humawak ng lapis kesa humawak at magbasa ng libro. Tama ba ako? Sino ba ang unang natutong magbasa kaysa magsulat? At sino ang hindi gumamit ng lapis?

          Kung isa ka sa mga iyon..hindi normal ang kabataan mo. Hindi mo kasi naranasan at natikman ang buhay-lapis, sapagkat ang lapis ay inihahalintulad sa buhay. Samantalang ang pambura ay mayroon ding papel na ginagampanan bilang kaibigan ng lapis.

          Samakatuwid, ang lapis ay isang napakahalagang instrumento sa pagkatuto hindi lang sa akademiko kundi sa tunay na buhay... kung bibigyan mo lang ng malalim na interpretasyon ang halaga ng lapis.

--------

          Marami akong alaala sa lapis. Dahilan ito upang maging kolektor ako nito.

          Nakakatawa, pero totoo. Nangungulekta ako ng mga lapis. Hindi ako tulad ng kolektor ng mga mamahaling bagay. Sa katunayan, wala akong ginagastos sa aking koleksiyon. Simple lang! Sa pagpulot ng bawat lapis na naiwan, o nahulog o tinapon ng bawat mag-aaral ay nakakaipon ako ng samu't saring uri ng lapis. May mahaba pa. May maiksi na. May pangalan ng may-ari. May magandang tasa. May pudpod at walang tasa. May pudpod na ngunit may pambura pa. May kinagat-kagat. May tinalupan. May putol o bakli. May pambabae. May pambata. May pang-arkitekto at pang-inhinyero. May mumurahin. May pang-mayaman. May itim. May pula. May mataba.

          Iba't ibang uri na nga ang aking koleksyon..

          Nakakatuwa! Para silang tao. Iba't iba ang katangian at ugali. Para silang mag-aaral, na may kanya-kanyang kuwento at pinagdaanan sa buhay. Ang sarap nilang pagmasdan, kilalanin, pag-aralan...at mahalin!

          Totoo ngang ang bawat isa sa atin ay lapis na may kanya-kanyang halaga.

 --------

          Ang tao ay parang lapis. Ang buhay ng tao ay parang lapis.

          Kung paano hinahawakan ng tao ang kanyang lapis ay gayundin niya pinahahalagahan ang buhay. Kung ang gumagamit ng lapis ay burara, siya ay walang pagpapahalaga sa magandang buhay o kinabukasan. Kabaligtaran naman ito ng taong maingat. Kung ang isang tao ay madalas magkamali sa buhay, tingnan mo ang kanyang lapis. Ito ay maiksi at may pudpod o halos wala ng pambura.

          Gayunpaman, hindi mahalaga kung paano ginagamit ng tao ang kanyang lapis. Ang mahalaga ay kung anong aral ang natamo niya sa paggamit ng lapis. Tulad sa buhay, hindi naman tinitingnan ang yaman ng isang tao upang maging matagumpay sa edukasyon at pamumuhay. Ang mahalaga ay kung paano niya pinahalagahan ang buhay at kung gaano siya nagsikap upang makamit ang pangarap.

          Ang lapis, gaano man kahaba, ay mapupudpod, minsan pa nga ay mababali. Kawangis ito ng buhay, na may katapusan. Kaya bago pa mapudpod ang ating lapis, sumulat o gumuhit na tayo ng magandang letra o pigura upang bago man lamang nito mapudpod ay nagawa natin ang ating nais, gaano man tayo kadalas nagkamali at nagbura.

--------

           Mura lang ang lapis. Matagal mapudpod kaya hindi tayo bili nang bili. Kung maubos man agad, kagyat din naman tayong makakabili. Ngunit, sa pamilyang hikahos, mabigat ito sa bulsa. Para sa kanila, ito ay kasinghalaga ng kasuotan.

          Oo! Kasinghalaga ng damit o sapatos. Hindi kinakailangang araw-araw ay bago. Tulad ko, bilang mag-aaral noon. Bihira lang ako magpabili ng lapis. Hindi ko naman tinitipid ang pagsulat, kundi iniingatan ko ang aking lapis. Hindi ko winawala. Hindi ko tinatasahan nang tinatasahan. Pinupulot ko rin ang mga itinapong maliit na lapis upang magamit ko sa oras ng pangangailangan. Ganyan ako magpahalaga ng lapis. Kaya nga marahil, ganito ko na lang din pinahalagahan ang maliliit na bagay, pati na rin ang mga taong akala ng iba na kawangis ng lapis na ibinabasura.

          Palibhasa, namulat ako sa kahirapan ay nasanay akong magtipid at magtiyaga sa konting bagay na mayroon kami. Hindi ako naghangad ng mamahaling lapis, magnetic pencil case, mababangong eraser at iba't ibang hugis ng pantasa. Tama na sa akin ang iisang lapis na may tasa at nakakasulat.

          Ang mahalaga sa akin ay may naisulat ako sa papel ng buhay. Aanhin ko naman ang maraming lapis kung hindi ko naman ipinapansulat? Aanhin ko ang mamahaling lapis kung ang kalidad naman ng aking sinulat ay kapresyo ng basahan?

          Mura lang ang lapis, ngunit kapag nagamit ng tama at mabuti, ang marka nito sa ating buhay ay nagbibigay ng mahal at mahalagang bunga.

---------

          Sabi sa quotation: "Pencils are made with erasers to give you a second chance. But eraser on pencils are made small to tell people that chances are limited."

          Totoo naman, e. Hindi tayo maaaring magkamali na lang nang magkamali. Kailangan nating gumawa ng tama, hindi man perpekto, upang hindi tayo magsisisi sa bandang huli. Naiiwasan naman ang pagkakaroon ng mali sa pamamagitan ng pag-iingat at pag-iisip bago sumulat o kumilos. Sa ganitong paraan, mapapatagal natin ang buhay ng parehong lapis at pambura.

         Gayunpaman, hindi sinasabi ng kasabihang ito na mapanatili nating mahaba ang ating pambura. Wala naman kasing perpektong tao. Gaano man kaingat ang isang tao ay magkakamali pa rin at gagamit ng pambura. Hindi naman mahalaga na nagkakamali tayo. Ang mahalaga ay alam nating magbura, dahil ang pagbura ay simbolo ng pagsisisi at pagbabago.

         Kung ang bawat lapis at may pambura, limitado man o hindi, ang tao naman ay binigyan ng kakayahang mag-isip at baguhin ang dikta ng puso tungo sa ikakabuti ng mas nakakarami. Ang bawat isa ay may kakayahang kamtin ang magandang buhay.

         Kaya nga huwag tayong matakot na magkamali. Mas matakot tayo kapag hindi tayo marunong magsulat ng magandang buhay o magbura ng mga kamalian.



---------


Namamana rin pala ang pagkahilig sa lapis.

Ang limang taong gulang kong anak, na nag-aaral sa Kinder, ay tila namana sa akin ang pagkahilig sa lapis. Isang gabi kasi, nakita ko ang laman ng bag niya. Andami niyang lapis na iba't iba ang tatak, haba at kulay. Hindi iyon ang mga lapis na binili ko sa kanya. Dalawa lamang kasi ang ipinadadala ko sa school.

Alam kong napupulot niya ang mga iyon, gaya ng ginagawa ko noong bata pa ako. Hindi na ako nagalit. Natuwa nga ako. Hindi naman siya nagkukulang sa lapis. Marami pa nga siyang reserba. Labis lang talaga ang pagpapahalaga niya sa bagay na ito. Sa murang isip niya, batid na niya ang halaga nito sa pag-aaral, samantalang ang ibang bata ay hindi man lang ito naiisip.

Hindi lang lapis ang nasa bag niya. Pati pala mga putol-putol na krayola ay iniipon niya. Kaya pala, pati mga karton ng sabon o ano pang pwedeng paglagyan ng lapis at pangkulay, ay hinihingi niya sa akin. Huwag ko daw itatapon. Doon niya pala iniipon. 

Naawa lang ako, dahil sa sobrang dami nito ay baka makuba siya sa kadadala ng bag na puno ng mga lapis at crayons. Kaya, ang sabi ko'y iwanan na lamang niya ang iba. Natawa pa ako sa sagot niya. "Huwag na. Paano kung wala na akong maipansulat? O?" Hindi ako nakasagot. Alam ko na. Hindi matatawaran ang hilig niya sa lapis. 

No wonder. Namamana nga ang pangungulekta ng lapis.




may karugtong..

Sunday, January 19, 2014

PAHILIS 22

KABANATA 22

          Isang taon akong nawalay kay Alma Mater. Antagal ko ring tumambay. Antagal ding kinalawang ang kukote ko. Halos santaon ding pahilis ang lakad ko dahil sa madalas na pakikipag-inuman sa mga kabarkada. Matagal-tagal ding hindi ako nakagamit ng library. Nalimutan ko na yata ang tamang paggamit ng library card. Na-miss ko rin ang paggamit ng pluma, ballpen pala.

          Pero mabuti na lang, natulungan ako ng pakikipagbarkada ko. Kahit paano nalibang ako. Nakasali kasi ako sa isang pansibikong organisasyon na binubuo ng mga kabataan sa aming lugar. Naging Auditor pa nga ako. Ako rin ang nag-design ng aming logo.

          Dahil dito, nagkaroon ako ng maraming exprience sa pamumuno at pagbibigay ng public service. Nalibang pa ako.

          Oktubre, 2002. Balik-eskwela na ako. Ganung buwan din ako nang huling pumasok.

          Nakakapanibago. Parang bumahag ang buntot ko. Nahiya akong bigla. Hindi iyon dahil sa ginawa kong paggasta ng pondo, kundi dahil sa gap ng school year. Nakakahiya kasi sa mga ex-classmates ko. Graduating na sila. Samantalang ako, third year pa lang.

          Mixed emotions ang nararamdaman ko noon. Para akong nag-iisa sa gitna ng crowd. Parang lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Pakiramdam ko, lahat sila ay galit sa akin. Feeling ko, nabobo akong bigla. Masahol pa iyon noong freshman pa lamang ako. Ibang klase ang hiya na naramdaman ko sa gitna ng mga bago kong kamag-aral.

          Oo! Tama! Para silang may sense of superiority.

          Halos naduwag nga akong ipakita sa kanila ang tunay kong ako. Dalawang-isip pa ako sa pagtaas ng kamay. Nawalan ako ng hyperactivity pagdating sa oral recitations or discussions. Nakakabawi lang ako kapag quiz na.

          Pakiramdam ko noon, pinagkakaisahan nila ako. Para akong bubuwit na nakapasok sa lungga ng mga mababangis na pusa.

          Naartehan ako sa mga babae. Nayayabangan naman ako sa mga lalaki. Lahat sila, intimidating! Mabuti na lang may mga naging kaklase ako sa ibang subjects na ka-batch ko talaga, gaya ng natitira kong amigong Bisakol.

          Kapag vacant period, nag-iisa lang ako sa bench. Gusto kong hanapin ang mga ka-batch ko pero nahihiya ako. Kaya, mas ginusto ko pa ang magsolo at mag-self pity.

          Nobody wants to approach me.. until one night, kinausap ako ng dalawang petite kong kamag-aral. Kilala ko sila in their names. Ang isa ay nakasama ko sa cheering squad, na kung saan binuhat ko siya at umupo sa batok ko. He he! Imagine-nin niyo....

          Wow! Ang bait nila. Mga kalog. Nakuha nila ang kiliti ko. Nagkuwentuhan kami buong vacant period. Simula noon, sila na ang mga katabi ko sa upuan. At, pag naglalakad kami sa campus para kamaing iiI o Iii o iIi.

          Gets niyo?

          Moved on na ako. Activated na uli ang kukote ko. Nakatagpo kasi ako ng mga kakampi at tagapagtanggol sa katauhan ng "Petite Girls". Para akong si Charlie. Nagka-powers ako..

          Screeeech!!

          Nasobrahan yata ako sa powers. Mind you, kinukuwestiyon ko ang propesor ko sa Fin 2. Gumagawa ako ng sarili kong formula, na kinukuha ko sa ibang reference book. E, si Baklitang Sir ay ayaw naman magpa-under. Egomaniac kasi. Ipinagsisiksikang ang formula niya ang accurate at mali ang sa akin. E pareho lang naman ang result. Sabi pa sa akin, 'Why jeopardize yourself?"

          Laging ganun. Kinontra niya talaga ako. Marahil hindi niya lamang matanggap na may mas matalino pa sa kanya..

          Aheeem!

          Palalo sya. Akalain mong magkaroon kami ng spelling portion kahit halos malapit na sa Math ang subject namin. Gusto lang kasi niyang ipaalam sa amin na isa siyang henyo. Bookworm. O walking dictionary. Hmp! Akala mo naman kung napo-pronounce niya talaga ng husto ang mga pinapa-spell niya sa amin.

          Nakakainis lang minsan ang pagsasalita niya. Para siyang advocate ng gay lingo.

          Hindi lang naman ako ang nag-iisang nilalang na nasusuklam sa kanya. Marami kami. Halos lahat kaming Commerce students, lalung-lalo na ang mga binagsak niya.

          Wala siyang awa. Para bagang pinapala lang ang pera. Hindi na siya naawa sa mga nagpupunyaging magulang.

          Totoo nga ang kasabihang "Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw." Akalain niyong isang baklita din ang nanguna sa pagpetisyong patalsikin si Sir sa kolehiyong iyon?! Majority ng Commerce students na hina-handle niya ay pumirma. Ang masama hindi niya alam kung sino ang lider.

          Pinagbintangan tuloy ako. Slightly. Akala ng Dean of Commerce ay ako ang may pakana ng protesta. Sabi ko nga sa sarili ko, "Sana nga ako iyon! Sana nga nakapirma rin ako." Pero sabi ko, "Hindi po ako."

          Mahabang istorya...

          Hindi ko na ilalahad pa dahil di naman ako ang salarin. Basta alam ko ay kilala ko ang leader. Napag-alaman ko rin na nagkaroon sila ng dialogue in front of the Vice President ng campus.

          Pinagpasensiyahan ko siya. I held my temper. Pero, aguuy! Lalo yata siyang naging bakla sa pagtuturo at pagbibigay ng exam.

          Final exam. 'Modified True or False' daw iyon. Kung saan kailangan naming sagutin ng true ang sentence na babasahin niya kapag ito ay tama. At, pag sinabi niyang underlined word ay hindi nag-conform sa sentence, halimbawa: "Si Sir ay matalino." False ang statement. Kaya hindi false ang isasagot. Isusulat namin sa answer sheet ang tamang salita.. Ang sagot ay hindi false o true, kundi.."bakla".

          Seriously...ganun nga ang ginawa niya sa final exam. At, take note...binasa lang niya! Walang test questionnaires.

          Willing naman sana kaming magbayad sa charges sa pagpa-photocopy sa gagastusin niya pero wala siyang pina-xerox.

          Nagtaka kami. Naisip naming isa iyon sa paghihiganti niya sa amin, though hindi kami nagprotesta sa kanya. Naging useless tuloy ang mga kodigong hinanda ng mga cheaters.

          Sobrang tahimik kami noon habang binabasa niya ang tanong o statement. Kailangan kasing makinig ng maigi. Twice niyang babasahin. At sasabihin niya rin ang salitang pagbabasehan ng sagot. Pero, imagine-nin nyo naman...

          Kahit siguro sinong genius ang pasagutin mo sa ganoong klaseng exam ay hindi niya mape-perfect. Kahit siguro... si Rizal.

          Kaya, no wonder.. ang result ay 52%, 67%, 71%, 75%, 82%, something like that..

          Nakakapanghilakbot!

          Obnoxious!

          Iyon na yata ang pinakamababang marka na natamo ko in my entire academic life. Geh! Sinira niya ang transcript ko. Buwisit!

          Oo, alam ko nagkulang ako. Nagyabang ako. Hindi ako nag-aral sa subject na iyon. Sabi ko kasi, "Tingnan ko nga ang abilidad ko. Hindi ako magre-review at all." Sa subject na iyon lang ako hindi nag-aral. Unfortunately, hindi pala talaga ako matalino. 'Run-of-the-mill' lang pala ako. Average lang pala ang IQ ko.

          Pero, ayos lang dahil kung nag-review ako, masasayang din lang pala. Saved by the bell pa nga, e.

          For the first time, may pahilis akong grade. Double 'pahilis'.

          Seventy-seven percent!

          Nakarma marahil ako sa ginawa kong pambabastos sa Econ 2 professor ko. Hindi ko naman siya nilapastangan verbally, lalo't hindi physically. Hindi ako nag-kodigo.

          Naglaro lang naman ng 'word factory'.

          Kalaro ko ang close female classmate ko. Palihim naming ginagawa iyon. Nasa dulo kami o nasa likuran. Maingat naming inaalog ang mga dice. Enjoy na enjoy kaming bumubuo ng mga words habang wiling-wili naman ang iba sa pakikinig kay Sir at sa mga lethargic litanies at explanations niya.

          Minsan, nakakagawa kami ng ingay pero ni minsan hindi kami nahuli at napagalitan.

          Oo, alam ng mga kaklase namin. Pero, not knowing pa rin si Sir...

          Hanggang ngayon..

          Sorry po, Sir.. Pero, thank you sa 85%. I deserve it...


          Pero hindi ko pa rin matanggap ang grade na binigay sa akin ni Sir 'Ego Maniac'. Nag-wish pa nga ako na sana next semester hindi ko na siya instructor. Better yet, umalis na lang siya ng kusa.

Friday, January 17, 2014

PAHILIS 21

KABANATA 21

          Pagkatapos ng mahigit dalawang buwang bakasyon, pasukan na naman. That time, major subjects na ang kinukuha ko. Kailangang seryosuhin ko pa lalo ang pag-aaral. Kailangang karerin ko na. Kailangang itodo na..

          Mktg 1. BStat 1. Mgt 2. Fin 1. Econ 1. Mgt 3. At  BusMath 1.

          Hindi sila basta-bastang subjects. Ang mga guro namin ay hindi rin basta-basta. May school admin (dating estudyante, 3 or 4 years ago). May certified public accountant. May certified gays din..

          Wala akong masasabi sa teaching strategies nila, dahil na rin siguro sa willingness ko. Interesado kasi akong matuto kaya mahal ko ang bawat subject, lalo na ang Economics 1. Kahit bagito pa si Sir, mahusay siya. May alam. May strategy.. At ang importanteng style na ginawa niya ay ang pakikipag-bonding niya sa mga kalalakihan..

          Oo! Pag vacant namin at free naman siya, makikipagtagayan siya sa aming magkakaklase. May kasama pa siyang professor din, bagito na gaya niya. At ang baklitang kaibigan niya na nag-aaral din doon.

          Ayun! Kwelang-kwela ang inuman.. Ang galing ni Sir sa inuman.. Mahusay pa mag-gay lingo.. Nailalabas niya lang ang babaeng puso niya kapag kasama kami.. Nakakatuwa rin dahil siya lang ang nagsabing wala siyang kasarian.

          Maraming beses kaming nag-bonding..

          Minsan naman, wala siya. Kami-kami lang ng dalawa niyang kaibigan.. Wala siya noong nag-disco kami..

          Hindi ko siya makakalimutan, di dahil naging pet niya ako kundi dahil bago siya nagkasakit ay nag-confide ako sa kanya ng mga problema ko..

          Student Council Election.

          Lumaban ako bilang senador, under the presidency of the former over-all Commerce Depatment President. Ang lakas ng guts ko. Para akong walang kahihiyan.

          Alam ko kasi, suportado ako ni Pres. Mahusay kasi siyang lider. I salute her. Pag nagmi-meeting nga kami, may feeding program pa. He he!

          Alam niya ang pasikot-sikot. Alam niya ang dapat at di-dapat. Alam niya kung kelan at kung paano ngumiti.

          Fifty percent, duda akong manalo. Hindi kasi ako ganun kasikat gaya ni Chiz Escudero. Hindi kasi ako genius gaya ni Mirriam Santiago. Hindi rin ako performer gaya ng mga artistang senador ng Pilipinas. Pero dahil malakas ang President ko, fifty percent ang confidence level kong manalo.

          Nyeh? Fifty-fifty!

          Ang result? Tama ako. Fifty percent akong panalo. Fifty percent ding talo.. Loser ako!

          Pero, panalo ang presidente ko. Ayos na iyon! At least, in-appoint niya ako bilang Student Council Treasurer. Ibig sabihin, buong-buo ang trust niya sa akin.

          Naka-experience tuloy akong mag-oath taking..

          Malaking pera ang hawak ko..

          The truth is.. nagamit ko ng pakonti-konti ang pondo ng konseho. Kapag wala akong pamasahe, nanghihiram ako sa pondo. Kapag kailangang bumili ng mga project materials, hinihiram ko sa hawak kong pera. Pero, hindi nila alam iyon. Ang sa akin, kako, babayaran ko naman. Oo, nababayaran ko ng paunti-unti.

           Dahil Student Council President na ang classmate ko, mas pinagbuti niya ang leadership. Ako naman..Treasurer na, Secretay pa.. Kahit may appointed na sekretarya, lumalabas na ako na rin ang secretary. Ako kasi ang madalas na kasama ni Pres, kaya ako na rin ang nagti-take note o gumagawa ng kung anu-ano. Plano. Letters. Etc.

          Kahit lagi niya akong kabuntot, nakulangan pa rin ako sa treatment niya sa akin. Parang naplastikan na ako sa kanya.
Kahit mas nakilala ko siya noong huling bakasyon nang pinagtrabaho niya ako sa company nila ay hindi pa rin iyon sapat upang makilala ko siya ng lubos.

          Ganun marahil ang politiko..

          Matabang na ang pakikitungo niya sa akin. Iba-iba na ang kasama niya. Madalas na akong hindi nagme-meryenda.

          Alam kong hindi pa niya alam na ginagamit ko ang pondo kaya hindi iyon ang dahilan ng panlalamig niya. At kung matuklasan man ay nakahanda ako. Proud kong aaminin. Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko..

          Selos nga ang nararamdaman ko..

          Hindi niya na ako pinapasali sa mga performances tuwing may program.

          Lumayo ako. Nag-focus ako sa pag-aaral. Kapag lumalapit siya, eni-entertain ko. Sinasagot ko ang mga tanong niya. Until sabihan niya ako ng "Charlatan ka. Pseudoscientist!" What?! Nagulat ako. Hindi ko iyon matanggap. Ako? Nagmamarunong? Ako? Huwad? Hindi iyon totoo..

          Gayunpaman, hindi ko siya tuluyang dinedma. Hindi niya alam na galit ako sa kanya. Sumama pa nga ako sa outing naming magkakaklase at Student Council Officers kahit siya ang sponsor. Pupunta raw kasi sa Bulusan Lake. E, first time ko.. Sumama ako. Hindi nga lang ako nagkapag-enjoy ng maigi. Tsumibog lang..

          Sem break na. Nasa akin pa rin ang pondo. May mga listahan ako. May mga resibo rin ang President. Kaya hindi ko talaga pwedeng kupitan ang pera. Pero, nagawa ko. Ang galing ko nga, e. Hanggang sa huling araw ng pasok namin ay wala silang kamalay-malay...

          Pardon me..

          Hindi ko intensyon na lokohin sila. Wala lang talaga akong pambayad. Hindi ko intensyon na estapahin ang kapwa ko.

          Lumuwas ako ng Maynila. Nag-apply ako uli sa Tiya ko, upang makaipon ng pambayad. Sabi ko, 2 weeks lang. Pang-tuition. Pero ang totoo ay pambayad sa nagamit kong pondo.

          Isang araw, ginulat ako ng isang tawag mula kay Pres. Iniwan ko kasi ang mga records sa close friend ko. Pinasabi ko na kapag hindi ako nakapag-enroll sa second sem ay ibigay niya ang mga records. Nag-iwan din ako ng landline number.

          Mahinahon naman si Pres. Nahiya ako sa una pero inunawa niya ako. Sabi pa nga niya "Bakit di ka nagsabi? Pinahiram sana kita. " Hindi ko nasabing "Kasi busy ka na, e. Wala ka ng pakialam sa best alalay mo."

          Nabayaran ko. Pero hindi na ako nakapagpa-enroll. Wala na kasing pang-tuition. Pero, okay lang. PMA muna. Tutal nakakahiya ang ginawa ko. Para hindi ako matukso, mas mabuti ng huminto ako.

          Ayun! Nag-PMA ako..


          Pahinga Muna, Anak.

Tuesday, January 14, 2014

MY JOURNAL (January 8-14, 2006)

January 8, 2006
 
          It is a Lord’s Day!

          Very early in the morning, Dasok cuts down dried langka tree. I helped him with a happy heart. I realized that 'initiative' is needed to have rather than being directed and commanded.

          I will try to put no grudge in my heart. James 5:9 says, "Grudge not one against another, brethren, lest ye be condemned. 1 Peter 4:9 states, "Use hospitality one to another without grudging." In Leviticus 19:18 it was commanded, "Thou shalt not avenge, nor bear any grudge against the children of thy people, but thou shalt love thy neighbor as thy self: I am the Lord."

          I went to church with willingness. I’m too early to a Sunday school, But it was ok!

          Bro. Lelong taught us about Nehemiah. I have learned that he is a prayerful man who prays for his neighbors day and night.

          Pastor Groyon tackled the last reunion theme, " I am resolved to follow the Savior. " He had explained it very well although it seems to be impromptu.

          Then, I realized that me too is resolved to follow the Savior. There are many ways to follow Him. Philippians 1:29 is one of them --- "To suffer for His sake." Now, I will be stronger to the trials.

          Before I forgot, I have read also this day about weaning and dedication (1 Samuel 1:22) Now I understand when a child is to be dedicated to the Lord. It is "until the child be weaned".

          I went to Polot even though the weather was not good, it was past 12. But when I was in Somagongsong, rain started to fall. I retired to stop over in a "kamalig" along the way. I think I consumed an hour there. so, I sang the two lullabies, composed by me:

A MOTHER'S LULLABY

Na Na Na Na Na Na
My baby, quit crying
In my arms you're lying
Enjoy the warm feeling
My love is never ending
I'm here while you're sleeping
Safeguarding....Protecting

Na Na Na Na Na Na
My baby, hush baby
Close your eyes immediately
Sweet dreams, sleep tightly
You need to be healthy
And gain strong body
So sleep now deeply

Na Na Na Na Na Na
Baby sleep now please
Take a rest be at ease
I'll never leave the premise
I'll stay, that's promise

Na Na Na Na Na Na


ANG HELE NG INA

La La La La La La
Ang batang malusog,
Heto' natutulog
S'ya naman ay busog
Upang di makabog
Sa himbing ng tulog.

La La La La La La
Ang batang mabait
Humimbing, mahigpit
Kelangang pumikit
Mga matang marikit
Upang di sumapit
Sa pagkakasakit.

La La La La La La
Ang batang maganda
Ay matutulog na
Upang lahat sumaya
Buhay, lumigaya
Ng buong pamilya
Lalo na ng ina.

La La La La La La

          I really missed my baby, Hanna Margaret..

          When I was cleaning the yards, Efear arrived. I have thought we would not see each other. After cleaning, we went to their house to cook "pinakro". It was perfect to the rainy weather.

          Five-thirty when I go home. I was holding a pants (I have requested to have from Efear), to my left hand, while the rain is falling. I wished to God that I would not be sick.

          Ate Jennilyn told me that someone texted on her cp, saying that I must go to Antipolo enable me to help them in their nuptials. Papay Benson asked how much it would take to go to Antipolo. I wish he give me money so that I could go home whenever I want to...

          I will pray tonight for (1) TaiJhen Nuptials' success, (2) Pardon for my sin of lying that I don't have yet a fare, (3) Good health and presentability, and (4) Sia Family problem.


January 9, 2006

          Early to bed, early to rise!

          After the rain, I could see the sun beneath the clouds. It was perfect for my visit in Polot today.

          Eking used the bike, so I commuted through Polot. There, I went to Nono's house and he handed me a letter of MJ so as the money. I told Elek about the jacket. I saw her anger.

          I was destructed by the fact that I've lost my wallet, so I rushed home. Good thing happened was I saw it beside my poo.

          I prepared the mini drawer loaded with MJ's things and a little bit of mine to be kept in Elek's room. It is better this way to secure the safety of our things from robbers.

          I read MJ's letter again. The end part of it is the greetings, "Advance Happy 2nd Year Anniversary". Frankly, I forgot it. It was late. I almost lost it in my head. It's maybe because I'm so excited to see Hanna Margaret again.

          I bought viand and went to the library there. I told Auntie Leny about Taiwan's wedding. I borrowed a pocketbook entitled, the Soul of the Silver Dog, by Lynn Hall.

          It was a story of a 14-year-old girl, Corraine and blind Bedlington Terrier dog, Sterling. Sterling is a sheep-like dog, with glaucoma. He was once a champion but disqualified because of his disease. Cory loved and taught him tricks and fought in agility. In the end, Cory realized how painful a death is.

          Past four when I arrived at Sia's home. Ate Jennilyn told me and showed me the text of Mary Jane. I decided to leave tomorrow with or without the money insinuated by Papay Benson. I asked forgiveness to God.

          Then, Ate Jhen let me reply to the text. Me-Ann told me that they request daing and saging.

           After I have done my after-dinner rituals, Papay Benson asked me if I will be leaving tomorrow. I nod. Then he said "O, ito ang pera." I was afraid. So, I said, "Mayroon na," those sent by MJ through the care of Elek. Mama Leling closed my problem when she said that the money is as good as help for Taiwan. I thanked them. "Thank you, Lord!"

          Today I have learned that "God permits us to tell white lies but be sure that it would be for goodness' sake."

          Prayer concern for tonight: My trip tomorrow.


January 10, 2006

          I was really excited, that I rose so early--- 5:30 AM. And 0, I went to Polot. There,I brought the loaded mini-drawer at Reno's house, so as the laundry basket.

          Elek made a letter for her mother and gave the cp requested by Me-Ann..

          I gave the saba to Efear and at the same time, told him that I'm leaving to Manila. I could see his sadness. I couldn't assure him that I'll be back soon.

          I returned the book I borrowed at the Polot Library and rushed home. I arrived at 8:30 AM. Then, pack my things to be carried and to kept. I also managed to sew a maroon pajama for Baby Marge.

          Ten o'clock, when I bought ticket to Cubao. I, then stopped by in the shop to tell them that I'm leaving and to show respect. Then, I bought tuyo and choco loaf.

          My colds are unripe. It makes me irritable and uneasy. It affects me badly. So, i took Neozep.

          Mama Leling gave me P200 for tuyo but I only consumed P125 because tuyo is out of stock already. Another thing is that I have bought already beforehand.

          I'm handling the letter of Elek, letter of Mama Leling and letter of Papay Benson. I'm with a medium-sized travelling bag with shoes, two pants, baby dresses, employment requirements, jacket, photo album, dried fishes, and blazer for Mama. I'm riding on a Mega Bus Lines with a bus number of 329Y.

         "Lord God, in a few moments, I would be leaving Bulan. Please take care of our house. Please keep it away from bad elements, especially to the Federico Elizaga and Family, who know how much I care for our future home. I'm just leaving it for a while, in a reason, but I long to settle my family there. Oh, God, keep us safe to our trip. Give the drivers active mind and protection. Amen."

          I think, it was 3 when our bus geared up to Manila. My excitement grew faster.

          My colds lose my appetite that I never eaten all the choco loaf so as the Nova. I didn't even help to watch the movies shown in the bus. I couldn't also manage to talk to my seatmate.

          Anyways, the bus went through no problem. It feels like the speed is only 40 kph but it was so speedy rather.


January 11, 2006

          Three-past when the bus arrived at Alabang. It was also the time I have gained myself from sleepiness. Then, I prepared myself...

          Exactly 4 AM, I arrived at MJ's house. I wondered if it was Hanna who is sleeping. MJ was under the blanket. I didn't recognize her at first because she has no hair compared to the last month when I'm with her. But the "jump-of-blood" told me it was Hanna. So, I woke MJ up. I kissed Hanna lovingly on her cheek. I tried to wake her up, but she just changed position.

          After taking coffee, Hanna woke up. I was so happy to see her smile again and to see that she's now so "malikot" and knows how to handle her bottle.

          I tried to sleep but I couldn't. I'm at ease looking at Hanna sleeping.

          After lunch, me, Hanna and MJ went to Bautista, though I have fever due to colds. In Gate 2, we bought Bonna for Hanna's stay until Saturday. I have not buy diaper because my money is just for our fare. "I am sorry, baby."

          Taiwan's day off today. I knew something about their wedding. They also knew something about what's happening in Bulan.

          Prayer Concern, tonight: Tai-Jen Nuptials

         Jano and Gie arrived. They told MJ about job. Tomorrow, MJ and Gie will go to Sta. Mesa for an interview.


January 12, 2006

         Three AM -- It's so early to wake up. Hanna couldn't sleep. She just played and played till Mary Jane left. I could now see how hard to babysit Hanna is. She has a slight fever.

          It was five when Jeng left. Then, Hanna took her milk then had fallen asleep. She then woke up past 7, when Gie ws already gone to meet MJ at Santolan-MRT Station.

          Luckily, I have P500 so it was used by Mary Jane. I wished and prayed to the Lord for her success. I'm so hopeful that she can make it.

          Nine AM, Hanna and I watched "Barney &Friends". I noticed how happy she is watching them singing and dancing. I realized too why she is raising her both hands often. (She's raising it up and down as if she is doing an exercise.) It because she saw it oftentimes with them.

          She fell asleep at 9:45. Thanks, God! For I could do chores.

           I remember our house in Polot. this is the second day I am far from it. I'm worried. There are so many valuable things, still, there.

           Hobee woke up after a few minutes of sleep. She was uneasy and her "nose was running". Mama wiped her body with lukewarm cloth and Hobee started to cry. She took her milk then stopped crying.

           Hobee is so sensitive with noise and becomes irritated. she makes us worried because she cries all day long. She could not even sleep tightly.

           Mj arrived at 6 PM. According to her, Geraldine's employer told her to get transcript. It made me frustrated. I thought she will be hired. But she said she passed personal data sheet to Antipolo City Hall through the help of Tito Jun. Wherever!

           After few moments, Hobee looks happy compared to the whole day she spent without mommy.


January 13, 2014

          Quarter to two, Hanna woke up us all when she cried because of her sicknesses--- colds, cough an slight fever. Jano is worried. I could feel his fear that we might lose Hanna. Of course, it will not happen. She is so dear to us. We do not want something happen to her that will sadden us.

          Honestly, I was worried then. She's coughing. I'm scared that she might not breathe. However, I have fallen asleep again and left MJ took care Hanna.

          Hanna woke up happily. We're so happy too seeing her happy face.

          MJ and Hanna are supposed to be left today but due to Baby's wellness, it was postponed. It was favorable to us that we would be with Baby Marge for long.

           It is Friday-the-Thirteenth! According to them, it is a dangerous day. Hmp! I don't care. I'm with my baby all day long. There is no bad luck to be happened.

          I've learned to Game KNB that fear of Friday the 13th is PARASLEVIDECATRIAPHOBIA. Huh! It's so tongue-twisting but needs to be memorized.

          I read FHM Magazine. I have read there about other terms of masturbation: flying solo, wanking, jerking, and beating the meat. These are helpful, although nasty, so that I will not be ignorant in sexual lingo. It is not bad, right? So, I will 'fly solo' tonight! Lol.

          Anyways, I watched Porkchop Duo CD. (It was 9 AM, after we watched Barney.) It was really funny! Green yet funny. It made my day happier. At least I realized one of the "25 Ways to be Happy", not to mention the happiness of being a father of smart, beautiful, and hyperactive Hanna Margaret.

          I cut my own hair. It turned out nice. I became baby-faced again. And the best thing is my resemblance to TJ of "Only You", remained. Angal ka?

          Mj and Hobee will go home morrow. I'll stay here because Mama and I will cook the halaya for the wedding day reception. "Please God, protect them from their trip. Make them safe. Please also give Nanay and Tatay an understanding why I can't go with them, Thank you!"


January 14, 2006

          Good morning! That was the greetings of all of us to Hobee She really makes everybody happy. She inspires us, I mean, our day.

          All our attentions were given to her. Even when I was working with ube I wanted her to play with me, to talk to me.

          Since, I am here. I must do something. So, I brushed the rusts out of the drum, which will be used in wedding preparation. Then, I mashed the ube.

          As a result, my chest ached.

          It was 2, when Hanna and Mj went home. I could see on my baby's face the sadness of being temporarily separated to me. I felt that way too, but they must go home because tomorrow will be the cramming day for all of us.

          My money (P500) is now only P150. I wish I could go home early as possible.

          Few minutes after Mj had gone, Mama blew up. I was scared and worried that she might not do her obligation on the coming wedding. I asked Him to heal her.

          Six-fifteen, Taiwan arrived and asked me why he looks sad. Why? I asked. He replied, "Hindi kami sumuweldo, e" Huh? What will happen to his wedding reception?

          Every one of us thought Jano won't go home tonight because it was already 10 PM, but a couple of minutes later he and his fiancee, Geraldine Aban, arrived. They've got a lot of bags on their hands. I thought these were food but I was mistaken.

          What was happening to him? He didn't give Mama even a centavo for budget. He is really a reliant person. Maybe because he knew and saw that I have P500 on hand.

          We fried dried fish for ulam but they don't like it. So, they borrowed trike and bought ulam. Guess what they have bought.... Red eggs!

          That is the result of being not considerate.

          Because I'm so tired, I closed my eyes to sleep and did not care about them, although they were both (Jano and Tai) problematic.

          Thanks, God, I had a good night sleep. I dreamt of a fantasy dream...
     


Baon sa Puso

 Baon sa Puso     Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon.  ...