Followers

Friday, January 17, 2014

PAHILIS 21

KABANATA 21

          Pagkatapos ng mahigit dalawang buwang bakasyon, pasukan na naman. That time, major subjects na ang kinukuha ko. Kailangang seryosuhin ko pa lalo ang pag-aaral. Kailangang karerin ko na. Kailangang itodo na..

          Mktg 1. BStat 1. Mgt 2. Fin 1. Econ 1. Mgt 3. At  BusMath 1.

          Hindi sila basta-bastang subjects. Ang mga guro namin ay hindi rin basta-basta. May school admin (dating estudyante, 3 or 4 years ago). May certified public accountant. May certified gays din..

          Wala akong masasabi sa teaching strategies nila, dahil na rin siguro sa willingness ko. Interesado kasi akong matuto kaya mahal ko ang bawat subject, lalo na ang Economics 1. Kahit bagito pa si Sir, mahusay siya. May alam. May strategy.. At ang importanteng style na ginawa niya ay ang pakikipag-bonding niya sa mga kalalakihan..

          Oo! Pag vacant namin at free naman siya, makikipagtagayan siya sa aming magkakaklase. May kasama pa siyang professor din, bagito na gaya niya. At ang baklitang kaibigan niya na nag-aaral din doon.

          Ayun! Kwelang-kwela ang inuman.. Ang galing ni Sir sa inuman.. Mahusay pa mag-gay lingo.. Nailalabas niya lang ang babaeng puso niya kapag kasama kami.. Nakakatuwa rin dahil siya lang ang nagsabing wala siyang kasarian.

          Maraming beses kaming nag-bonding..

          Minsan naman, wala siya. Kami-kami lang ng dalawa niyang kaibigan.. Wala siya noong nag-disco kami..

          Hindi ko siya makakalimutan, di dahil naging pet niya ako kundi dahil bago siya nagkasakit ay nag-confide ako sa kanya ng mga problema ko..

          Student Council Election.

          Lumaban ako bilang senador, under the presidency of the former over-all Commerce Depatment President. Ang lakas ng guts ko. Para akong walang kahihiyan.

          Alam ko kasi, suportado ako ni Pres. Mahusay kasi siyang lider. I salute her. Pag nagmi-meeting nga kami, may feeding program pa. He he!

          Alam niya ang pasikot-sikot. Alam niya ang dapat at di-dapat. Alam niya kung kelan at kung paano ngumiti.

          Fifty percent, duda akong manalo. Hindi kasi ako ganun kasikat gaya ni Chiz Escudero. Hindi kasi ako genius gaya ni Mirriam Santiago. Hindi rin ako performer gaya ng mga artistang senador ng Pilipinas. Pero dahil malakas ang President ko, fifty percent ang confidence level kong manalo.

          Nyeh? Fifty-fifty!

          Ang result? Tama ako. Fifty percent akong panalo. Fifty percent ding talo.. Loser ako!

          Pero, panalo ang presidente ko. Ayos na iyon! At least, in-appoint niya ako bilang Student Council Treasurer. Ibig sabihin, buong-buo ang trust niya sa akin.

          Naka-experience tuloy akong mag-oath taking..

          Malaking pera ang hawak ko..

          The truth is.. nagamit ko ng pakonti-konti ang pondo ng konseho. Kapag wala akong pamasahe, nanghihiram ako sa pondo. Kapag kailangang bumili ng mga project materials, hinihiram ko sa hawak kong pera. Pero, hindi nila alam iyon. Ang sa akin, kako, babayaran ko naman. Oo, nababayaran ko ng paunti-unti.

           Dahil Student Council President na ang classmate ko, mas pinagbuti niya ang leadership. Ako naman..Treasurer na, Secretay pa.. Kahit may appointed na sekretarya, lumalabas na ako na rin ang secretary. Ako kasi ang madalas na kasama ni Pres, kaya ako na rin ang nagti-take note o gumagawa ng kung anu-ano. Plano. Letters. Etc.

          Kahit lagi niya akong kabuntot, nakulangan pa rin ako sa treatment niya sa akin. Parang naplastikan na ako sa kanya.
Kahit mas nakilala ko siya noong huling bakasyon nang pinagtrabaho niya ako sa company nila ay hindi pa rin iyon sapat upang makilala ko siya ng lubos.

          Ganun marahil ang politiko..

          Matabang na ang pakikitungo niya sa akin. Iba-iba na ang kasama niya. Madalas na akong hindi nagme-meryenda.

          Alam kong hindi pa niya alam na ginagamit ko ang pondo kaya hindi iyon ang dahilan ng panlalamig niya. At kung matuklasan man ay nakahanda ako. Proud kong aaminin. Wala naman sigurong masama sa ginagawa ko..

          Selos nga ang nararamdaman ko..

          Hindi niya na ako pinapasali sa mga performances tuwing may program.

          Lumayo ako. Nag-focus ako sa pag-aaral. Kapag lumalapit siya, eni-entertain ko. Sinasagot ko ang mga tanong niya. Until sabihan niya ako ng "Charlatan ka. Pseudoscientist!" What?! Nagulat ako. Hindi ko iyon matanggap. Ako? Nagmamarunong? Ako? Huwad? Hindi iyon totoo..

          Gayunpaman, hindi ko siya tuluyang dinedma. Hindi niya alam na galit ako sa kanya. Sumama pa nga ako sa outing naming magkakaklase at Student Council Officers kahit siya ang sponsor. Pupunta raw kasi sa Bulusan Lake. E, first time ko.. Sumama ako. Hindi nga lang ako nagkapag-enjoy ng maigi. Tsumibog lang..

          Sem break na. Nasa akin pa rin ang pondo. May mga listahan ako. May mga resibo rin ang President. Kaya hindi ko talaga pwedeng kupitan ang pera. Pero, nagawa ko. Ang galing ko nga, e. Hanggang sa huling araw ng pasok namin ay wala silang kamalay-malay...

          Pardon me..

          Hindi ko intensyon na lokohin sila. Wala lang talaga akong pambayad. Hindi ko intensyon na estapahin ang kapwa ko.

          Lumuwas ako ng Maynila. Nag-apply ako uli sa Tiya ko, upang makaipon ng pambayad. Sabi ko, 2 weeks lang. Pang-tuition. Pero ang totoo ay pambayad sa nagamit kong pondo.

          Isang araw, ginulat ako ng isang tawag mula kay Pres. Iniwan ko kasi ang mga records sa close friend ko. Pinasabi ko na kapag hindi ako nakapag-enroll sa second sem ay ibigay niya ang mga records. Nag-iwan din ako ng landline number.

          Mahinahon naman si Pres. Nahiya ako sa una pero inunawa niya ako. Sabi pa nga niya "Bakit di ka nagsabi? Pinahiram sana kita. " Hindi ko nasabing "Kasi busy ka na, e. Wala ka ng pakialam sa best alalay mo."

          Nabayaran ko. Pero hindi na ako nakapagpa-enroll. Wala na kasing pang-tuition. Pero, okay lang. PMA muna. Tutal nakakahiya ang ginawa ko. Para hindi ako matukso, mas mabuti ng huminto ako.

          Ayun! Nag-PMA ako..


          Pahinga Muna, Anak.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...