Followers

Sunday, January 19, 2014

PAHILIS 22

KABANATA 22

          Isang taon akong nawalay kay Alma Mater. Antagal ko ring tumambay. Antagal ding kinalawang ang kukote ko. Halos santaon ding pahilis ang lakad ko dahil sa madalas na pakikipag-inuman sa mga kabarkada. Matagal-tagal ding hindi ako nakagamit ng library. Nalimutan ko na yata ang tamang paggamit ng library card. Na-miss ko rin ang paggamit ng pluma, ballpen pala.

          Pero mabuti na lang, natulungan ako ng pakikipagbarkada ko. Kahit paano nalibang ako. Nakasali kasi ako sa isang pansibikong organisasyon na binubuo ng mga kabataan sa aming lugar. Naging Auditor pa nga ako. Ako rin ang nag-design ng aming logo.

          Dahil dito, nagkaroon ako ng maraming exprience sa pamumuno at pagbibigay ng public service. Nalibang pa ako.

          Oktubre, 2002. Balik-eskwela na ako. Ganung buwan din ako nang huling pumasok.

          Nakakapanibago. Parang bumahag ang buntot ko. Nahiya akong bigla. Hindi iyon dahil sa ginawa kong paggasta ng pondo, kundi dahil sa gap ng school year. Nakakahiya kasi sa mga ex-classmates ko. Graduating na sila. Samantalang ako, third year pa lang.

          Mixed emotions ang nararamdaman ko noon. Para akong nag-iisa sa gitna ng crowd. Parang lahat ng mata ay nakatuon sa akin. Pakiramdam ko, lahat sila ay galit sa akin. Feeling ko, nabobo akong bigla. Masahol pa iyon noong freshman pa lamang ako. Ibang klase ang hiya na naramdaman ko sa gitna ng mga bago kong kamag-aral.

          Oo! Tama! Para silang may sense of superiority.

          Halos naduwag nga akong ipakita sa kanila ang tunay kong ako. Dalawang-isip pa ako sa pagtaas ng kamay. Nawalan ako ng hyperactivity pagdating sa oral recitations or discussions. Nakakabawi lang ako kapag quiz na.

          Pakiramdam ko noon, pinagkakaisahan nila ako. Para akong bubuwit na nakapasok sa lungga ng mga mababangis na pusa.

          Naartehan ako sa mga babae. Nayayabangan naman ako sa mga lalaki. Lahat sila, intimidating! Mabuti na lang may mga naging kaklase ako sa ibang subjects na ka-batch ko talaga, gaya ng natitira kong amigong Bisakol.

          Kapag vacant period, nag-iisa lang ako sa bench. Gusto kong hanapin ang mga ka-batch ko pero nahihiya ako. Kaya, mas ginusto ko pa ang magsolo at mag-self pity.

          Nobody wants to approach me.. until one night, kinausap ako ng dalawang petite kong kamag-aral. Kilala ko sila in their names. Ang isa ay nakasama ko sa cheering squad, na kung saan binuhat ko siya at umupo sa batok ko. He he! Imagine-nin niyo....

          Wow! Ang bait nila. Mga kalog. Nakuha nila ang kiliti ko. Nagkuwentuhan kami buong vacant period. Simula noon, sila na ang mga katabi ko sa upuan. At, pag naglalakad kami sa campus para kamaing iiI o Iii o iIi.

          Gets niyo?

          Moved on na ako. Activated na uli ang kukote ko. Nakatagpo kasi ako ng mga kakampi at tagapagtanggol sa katauhan ng "Petite Girls". Para akong si Charlie. Nagka-powers ako..

          Screeeech!!

          Nasobrahan yata ako sa powers. Mind you, kinukuwestiyon ko ang propesor ko sa Fin 2. Gumagawa ako ng sarili kong formula, na kinukuha ko sa ibang reference book. E, si Baklitang Sir ay ayaw naman magpa-under. Egomaniac kasi. Ipinagsisiksikang ang formula niya ang accurate at mali ang sa akin. E pareho lang naman ang result. Sabi pa sa akin, 'Why jeopardize yourself?"

          Laging ganun. Kinontra niya talaga ako. Marahil hindi niya lamang matanggap na may mas matalino pa sa kanya..

          Aheeem!

          Palalo sya. Akalain mong magkaroon kami ng spelling portion kahit halos malapit na sa Math ang subject namin. Gusto lang kasi niyang ipaalam sa amin na isa siyang henyo. Bookworm. O walking dictionary. Hmp! Akala mo naman kung napo-pronounce niya talaga ng husto ang mga pinapa-spell niya sa amin.

          Nakakainis lang minsan ang pagsasalita niya. Para siyang advocate ng gay lingo.

          Hindi lang naman ako ang nag-iisang nilalang na nasusuklam sa kanya. Marami kami. Halos lahat kaming Commerce students, lalung-lalo na ang mga binagsak niya.

          Wala siyang awa. Para bagang pinapala lang ang pera. Hindi na siya naawa sa mga nagpupunyaging magulang.

          Totoo nga ang kasabihang "Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw." Akalain niyong isang baklita din ang nanguna sa pagpetisyong patalsikin si Sir sa kolehiyong iyon?! Majority ng Commerce students na hina-handle niya ay pumirma. Ang masama hindi niya alam kung sino ang lider.

          Pinagbintangan tuloy ako. Slightly. Akala ng Dean of Commerce ay ako ang may pakana ng protesta. Sabi ko nga sa sarili ko, "Sana nga ako iyon! Sana nga nakapirma rin ako." Pero sabi ko, "Hindi po ako."

          Mahabang istorya...

          Hindi ko na ilalahad pa dahil di naman ako ang salarin. Basta alam ko ay kilala ko ang leader. Napag-alaman ko rin na nagkaroon sila ng dialogue in front of the Vice President ng campus.

          Pinagpasensiyahan ko siya. I held my temper. Pero, aguuy! Lalo yata siyang naging bakla sa pagtuturo at pagbibigay ng exam.

          Final exam. 'Modified True or False' daw iyon. Kung saan kailangan naming sagutin ng true ang sentence na babasahin niya kapag ito ay tama. At, pag sinabi niyang underlined word ay hindi nag-conform sa sentence, halimbawa: "Si Sir ay matalino." False ang statement. Kaya hindi false ang isasagot. Isusulat namin sa answer sheet ang tamang salita.. Ang sagot ay hindi false o true, kundi.."bakla".

          Seriously...ganun nga ang ginawa niya sa final exam. At, take note...binasa lang niya! Walang test questionnaires.

          Willing naman sana kaming magbayad sa charges sa pagpa-photocopy sa gagastusin niya pero wala siyang pina-xerox.

          Nagtaka kami. Naisip naming isa iyon sa paghihiganti niya sa amin, though hindi kami nagprotesta sa kanya. Naging useless tuloy ang mga kodigong hinanda ng mga cheaters.

          Sobrang tahimik kami noon habang binabasa niya ang tanong o statement. Kailangan kasing makinig ng maigi. Twice niyang babasahin. At sasabihin niya rin ang salitang pagbabasehan ng sagot. Pero, imagine-nin nyo naman...

          Kahit siguro sinong genius ang pasagutin mo sa ganoong klaseng exam ay hindi niya mape-perfect. Kahit siguro... si Rizal.

          Kaya, no wonder.. ang result ay 52%, 67%, 71%, 75%, 82%, something like that..

          Nakakapanghilakbot!

          Obnoxious!

          Iyon na yata ang pinakamababang marka na natamo ko in my entire academic life. Geh! Sinira niya ang transcript ko. Buwisit!

          Oo, alam ko nagkulang ako. Nagyabang ako. Hindi ako nag-aral sa subject na iyon. Sabi ko kasi, "Tingnan ko nga ang abilidad ko. Hindi ako magre-review at all." Sa subject na iyon lang ako hindi nag-aral. Unfortunately, hindi pala talaga ako matalino. 'Run-of-the-mill' lang pala ako. Average lang pala ang IQ ko.

          Pero, ayos lang dahil kung nag-review ako, masasayang din lang pala. Saved by the bell pa nga, e.

          For the first time, may pahilis akong grade. Double 'pahilis'.

          Seventy-seven percent!

          Nakarma marahil ako sa ginawa kong pambabastos sa Econ 2 professor ko. Hindi ko naman siya nilapastangan verbally, lalo't hindi physically. Hindi ako nag-kodigo.

          Naglaro lang naman ng 'word factory'.

          Kalaro ko ang close female classmate ko. Palihim naming ginagawa iyon. Nasa dulo kami o nasa likuran. Maingat naming inaalog ang mga dice. Enjoy na enjoy kaming bumubuo ng mga words habang wiling-wili naman ang iba sa pakikinig kay Sir at sa mga lethargic litanies at explanations niya.

          Minsan, nakakagawa kami ng ingay pero ni minsan hindi kami nahuli at napagalitan.

          Oo, alam ng mga kaklase namin. Pero, not knowing pa rin si Sir...

          Hanggang ngayon..

          Sorry po, Sir.. Pero, thank you sa 85%. I deserve it...


          Pero hindi ko pa rin matanggap ang grade na binigay sa akin ni Sir 'Ego Maniac'. Nag-wish pa nga ako na sana next semester hindi ko na siya instructor. Better yet, umalis na lang siya ng kusa.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...