Followers

Friday, June 20, 2014

My Wattpad Pamangkin 27

Alas-otso ng umaga, paggising ko, tumuloy agad ako sa kuwarto ni Zillion. Tulog pa siya. Napuyat na naman siya, malamang. Mabuti na lang Sabado ngayon.

Tumuloy ako sa dining area. Good morning! Mai! Kiniss ko siya sa pisngi.

Good morning, Der! Si Zillion, tulog pa ba?

Tulog pa, e.

Napuyat na naman sa Wattpad.. Tsk tsk

Hindi lang sa Wattpad, pati sa break-up nila ni Angela.

Alam mo, parang hindi makakatulong ang ginawa mo.. Baka lalo mo lang nasira ng concentration niya sa studies at career niya..

Partly.. pero, pasasaan ba't makaka-get over din siya sa heartache niya. Tinutulungan ko naman.. Lagi ko namang ipinaparamdam sa kanya na we're here for him at si Angela ay naghihintay sa kanya.

Good morning, Dad and Mom! Nagulat kami ni Maila ng biglang sumulpot si Zillion. Narinig niya yata ang usapan namin.

Good morning.. bati ko.

Morning, Nak! bati ni Maila.

Di bale kung narinig niya. Mabuti nga kung ganun. At least, baka makatulong sa kanya.

Sabay-sabay na kaming nag-breakfast.

Dad, Chapter ten na po ang story ni Gelay. balita ni Zillion.

Nagulat ako. Kagabi lang ay chapter two. Natuwa din ako at the same time. Ha? Talaga? Ayos, Writer na talaga siya..

Marami-rami na rin po ang followers niya. More than one thousand na rin po ang nagbasa ng story niya.  Masaya din ang tono ni Zillion. Halatang ikinaliligaya niya ang mga nangyayari sa dati niyang girlfriend.

Mas masaya ako dahil masaya na siya sa nangyayari kay Gelay. Kahit paano ay nabawasan ang pag-aalala ko sa kanya.

Binati mo na ba siya? Si Maila naman ang nakaisip niyon. Very good!

Yes, Mom! Kagabi pa po.

Nagtinginan kami ni Maila. Natuwa kaming pareho. Hindi man sila mag-on ngayon, at least, good friends pa rin sila at nagko-converse sa net.


That's good, ‘nak! I beamed a handsome smile at him.

Honey-Bee: BAD BREATH

BEE: Hon, kung magbe-break tayo. Masasaktan ka ba kung ako mismo angmakikipag-split sa'yo?
HONEY: It depends upon the reason..kasi, kadalasan, babae ang laging nakikipag-break sa lalaki. Isa pa, innate na mahina ang babae, kaya kung lalaki pa ang unang aayaw, tiyak labis na msasaktan ang babae..
BEE: Kaya nga marahil mas marami ang bilang ng mga babaeng may suicidal tendency kesa sa mga lalaki..
HONEY: Oo..kasi masakit talaga, lalo na kung mahal na mahal mo.
BEE: "Yung mga ex mo ba, ikaw ba ang nakipag-break o sila?
HONEY: Oo! Ako.. (Tatawa) Pero, may isa na siya ang nakipag-split.
BEE: Ha? Ang tigas naman ng mukga nun! Siguro sobrang gwapo niya..
HONEY: Hindi naman.. Ok lang.
BEE: Hindi masyado? Bakit? Di mo siya mahal, no?
HONEY: Mahal ko siya..Kasalanan ko kasi.
BEE: Bakit? Anong ginawa mong mali sa kanya?
HONEY: Kasi nung nasa resto kami, hahalikan n'ya ako..Sinampal ko s'ya. Tapos, sinabihan ko ng '"Bad breath ka pala!"
BEE: Nyee! Dapat ka ngang hiwalayan. Ha ha! Teka.. (Inamoy ang hininga..)
HONEY: Ba't mo inamoy ang bibig mo?
BEE: Wala alng!

Honey-Bee: FAVORITES

HONEY: Bee, tell me naman about your favorites.
BEE: Ok, fine! My favorite color is..
HONEY: No! Hindi pa ako tapos.. Pumili ka sa sasabihin ko. Ok?
BEE: Ok!
HONEY: Goin' Bananas o Goin' Bulilit?
BEE: Goin' Bananas!
HONEY: Teletubbies o Bananas in Pyjamas?
BEE: Bananas in Pyjamas!
HONEY: Banana chips o Potato chips?
BEE: Banana chips!
HONEY: Custard cake o Banana cake?
BEE: Banana cake!
HONEY: Banana con yelo o Mais con yelo?
BEE: Banana con yelo!
HONEY: Camote que o Banana que?
BEE: Banana que!
HONEY: Ok!
BEE: Ano daw 'yun?
HONEY: Wala lang! Gusto ko lang mapatunayang isa ka palang tunay na... he he he
BEE: Na ano?
HONEY: Na unggoy! Mahilig ka sa banana, e..
BEE: Ngeek! oo ng, ano?!

My Wattpad Pamangkin 26

Sabay kaming nag-Wattpad ni Zillion. Ako, tinatapos ko ang Book 10 ng best-selling story ko na "You Changed My Life". Siya naman, sinisimulan ang Book 2 ng Red Diary. Hindi kami nilalapitan ni Maila. Alam niya kasi na kapag  inclined kami sa pagsusulat, hindi kami pwedeng abalahin, unless kami mismo ang makikipag-usap sa kanya. Sanay na kami sa walang kibuan kapag ganun ang trip namin.

Sa loob lang ng isang oras, limang kabanata ang natapos ko. Medyo mabilis gumana ang utak ko ngayon. Si Zillion naman, pahinto-hinto para mag-isip ng mga isusulat. Halata kong nahihirapan siya sa kanyang Book 2. 

Tumigil ako sa pagsusulat after kong mai-post ang 5th chapter. Nilapitan ko ang anak ko. 

Musta na, Zil?

It's not good, Dad. Wala po akong maisip..

Pahinga ka muna anak. Baka masyadong napagod ang isip mo kanina sa school.. Alam kung ang dahilan nito ay ang pandededma ni Gelay sa kanya. Gusto ko lang sa bibig niya mismo lumabas ang katotohanan.

Siguro nga po..

Hindi siya nagtapat. Sige na, 'Nak.. Get some rest.

No, Dad! My followers are asking for my update. I have to finish at least one chapter today.

Ah, okay.. Ice cream muna tayo sa 7-Eleven. Gusto mo?

Biglang bumilog ang mga mata ng binata ko. Nag-feeling bata na naman. Favorite niya kasi ang ice cream. Any flavor. Buti na lang naisip ko. 

Agad nga kaming lumabas ng bahay at nag-ice cream. Hindi kami nagkuwentuhan habang dumidila ng sorbetes. Pag-uwi, saka ko siya kinausap.

Anong sabi ni Angela?

Hindi ko po siya nakausap. Hindi rin po siya sumasagot sa text ko. 

Busy lang siya. Nakita mo naman di ba? Nakadalawang chapter na siya. Maya-maya niyan, tatlo na. Tapos, apat. Then, lima.. Hanggang maging isang libro.

Hindi kumibo ang anak ko. Hindi yata kumbinsido sa sinabi ko.

Hayaan mo na muna.. Nasaktan lang siya siguro. Pero, alam ko mahal na mahal ka ap rin niya. Kasi, kung pagbabasehan natin ang status update niya sa kagabi, ikaw 'yung tinutukoy niya dun..

Ako nga po, Dad.. Pero, gusto ko po siyang makausap.. Kanina po sa school, hindi po niya ako pinapansin. Aloof po siya. 

Naawa ako kay Zillion. Apektado masyado. 

Gusto mo dalawin natin siya sa bahay nila bukas?

Wag na po, Dad.. Titiisin ko na muna.

Ayokong nagkakaganyan ka, Zillion. Apektado ang pagsusulat mo..

Oo nga po.. Hayaan niyo po, I'll try to concentrate, pagdating po natin sa bahay.

Promise mo ‘yan, ha?

Opo. I promise!

Inapiran ko siya. 


Aasa akong hindi na siya malulumbay. Sana masabi ko rin kay Gelay na huwag naman niyang pahirapan ang anak ko..

My Wattpad Pamangkin 25

Dad, hindi po sinasagot ni Gelay ang mga tawag ko, sumbong sa akin ni Zillion nang pauwi na kami sa bahay. Malungkot ang boses niya. 

Baka busy, anak. Di ba, nakapagsulat na siya? Baka isinusubsob niya ang sarili niya sa pagsusulat. Hayaan mo, tutulungan kitang manligaw. Pinilit kong pasayahin ang tono ng pananalita ko.

Tumawa na siya. Baka po siyang ma-intimidate sa inyo, Dad.

Hindi naman literal na liligawan, e. I mean, aalamin ko ang mga activities niya. Di ba, nagcha-chat kami sa Wattpad? Friends na rin kami sa FB. Paliwanag ko. Gusto ko kasi siyang ilapit uli kay Gelay.

Ah, ok po.

Ginawa ko naman ang sinabi ko sa anak ko nang makapaghapunan na kami. Nag-iwan lang ako ng message sa kanya. Sabi ko: Congratulations, Gelay! Your story is great. Zillion is so proud of you! Keep it up!

Online siya, pero hindi nag-reply. Marahil ay nag-a-update ng kanyang story. I understand. Mas gusto ko nga na maging busy siya, all the time. Maganda ang story niya. True to life. May pinanghuhugutan. Kaya, excited din naman akong abangan ang kanyang next chapter.

Ang story ng 'Loving A Writer" ay ang istorya nila ng anak ko. Medyo may hawig. Iniba lang niya ang names of characters. Ngunit, kung paano nasaktan ang bidang babae sa pag-ibig niya sa lalaking successful writer ay katulad na katulad ng love story nila ni Zillion.

Hindi nga ako nagkamali ng hinuha, dahil maya-maya lang ay may Chapter 2 na ang story niya. Medyo, hawig din ang ugali ng tatay ng lalaking bida sa ugali ko. Ang kaibahan lang ay frustrated writer ang ama kaya gustong-gusto niyang hindi mahadlangan ang karera ng anak ng sinumang babae.


Matalino ang pagkakasulat ng pangalawa niyang kuwento. Superb! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-comment ng 'great'.

Thursday, June 19, 2014

My Wattpad Pamangkin 24

Nag-friend request ako kay Angela. In-accept naman niya agad. At, nang buksan ko ang timeline niya, nakita ko ang status update niya kahapon. 

Sabi niya: Life goes on. Patuloy pa ring tumitibok ang puso ko. Hindi ko kailanman kakalimutang  naging manunulat ka ng buhay ko. Dumaan man sa harap ko ang crush ko. Kiligin man ako sa kanya, tandaan mong ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko.

Whoah! Ang sweet. Tunay ngang minahal ni Gelay ang anak ko. Hindi niya ipagpapalit si Zillion kahit kanino. Sana nga.. Boto pa man din ako sa kanya, lalo na kapag nakapagsulat na siya. Ako na mismo ang manliligaw sa kanya para sa unico hijo ko.

Binuksan ko rin ang mga album niya. Marami siyang pictures na kasama si Zillion. Ang iba ay very sweet, pero hindi malaswa. 

Na-enjoy ko ang pag-browse sa timeline ni Gelay. Sa tingin ko ay mas nakilala ko siya. Mas nagustuhan ko rin siya para sa aking anak. Mabuti na lang ay handa siyang maghintay kay Zillion.

Natuwa ako nang may shinare siyang link ng Wattpad story sa FB. Ang title nito ay "LOVING A WRITER". Dali-dali ko itong in-open at binasa. Namangha ako sa husay ng kanyang pagkakasulat. Unang chapter pa lang iyon. Nabitin ako. 

Kahit iyon ang pinakaunang story ni Gelay sa Wattpad, natutuwa na ako sa kanya. Nahuhulaan ko na siya ay magiging mahusay na manunulat.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagta-type ng comment sa kanyang Wattpad story. I said: I can't wait for another chapter, because you've written it very nice. Keep it up, Gelay! Enjoy writing!

Thanks, my Wattpad Tito.

Wattpad Tito na lang uli ang tawag at turing niya sa akin. Nakakalungkot. Pero umaaasa akong magbabago iyon kapag nagkabalikan sila ng anak ko.


Umaasa rin akong magiging successful Wattpad writer din siya tulad ko, tulad ng kanyang mahal ---si Zillion.

Wednesday, June 18, 2014

My Wattpad Pamangkin 23

Ang husay magsalita ng anak ko. Hindi lang siya mahusay magsulat, mahusay din sa public speaking. Wala na nga akong mahihiling pa sa aking anak. 

Hindi pa ganun kalayo ang narating ng anak ko pero sa tingin ko mas malayo pa ang mararating niya. Hiling ko lang sa Panginoon na bigyan siya lagi ng kababaang-loob at inspirasyon. 

Marami pa siyang nasagot na tanong ng mga estudyante ko. Ang lahat ng mga sagot niya ay totoong napahanga ako sa kanya. Ako mismo na kanyang ama ay nagulat sa kanyang mga tinuran. Isa sa mga sinabi niyang di ko makakalimutan ay ang sinabi niyang "When you write, write from your heart. Always put your life to the story."

Pagkatapos ng period ko, nagpa-picture sila sa anak ko. They also pledge na ipa-patronize nila ang first book ni Zillion.

Tuwang-tuwa talaga ako sa nangyari ngayong araw. Hindi ko inakalang malaki ang magiging bahagi ng aking anak sa aking pagtuturo. 

Nakauwi na kami ni Zillion.

Sa sala na kami hinainan ng meryenda ni Maila. Doon na rin kami nagkuwentuhan. Ibinida ko sa kanyang Mommy ang kahusayang ipinakita ng anak namin.

Congrats, anak! Ang husay mo naman talaga.. Sabi ni Maila. Niyakap pa niya si Zillion.

Thank you, Mom! Mana lang po ako sa inyo ni Daddy. Di ba, Dad?

Ha? Parang hindi. Parang tinaob mo ako kanina.. Nagtawanan kami.

Hindi po, ah. I just speak what inside my heart. Just like how I write..

That's right, anak.. Sabi ko. Nakakahanga talaga ang tatas ng kanyang pagsasalita.

It calls for a celebration, Zander..
 

Hmm.. Pwede.
 


Napilitan si Dad!
 sabi ng anak namin..

My Wattpad Pamangkin 22

Natawagan na ni Zillion ang kanyang adviser upang sabihin na hindi makakapasok sa araw na ito dahil siya ay magbibigay ng talk sa mga estudyante ng kanyang ama sa UP Creative Writing. Pinayagan naman agad siya. Natuwa pa nga.

Sa una ay kinakabahan ang anak ko. First time siyang haharap sa mga estudyante na mas matatanda pa sa kaniya ng ilang taon. Sabi ko nga, practice na niya ito dahil sooner or later, mas makikilala siya as author.

Ako muna ang nagsalita sa klase ko. Nasa labas pa si Zillion. Class, as I promise you, I brought my son to talk, in front  of you. Meet my son. Zillion Escarion!

Malakas ang palakpakan ang narinig ko habang sinusundo ko siya sa labas ng classroom.

Hello, everyone!

Hello, Zillion! Chorus. Malakas at jolly.

Ngumiti muna si Zillion. Hinawi ng tingin ang mga students ko. Alam kong ginagawa na niya ang mga pinayo ko at binigay kong tips sa kanya kanina kung paano alisin ang kaba sa dibdib at kung paano simulan ang public speaking.

Then, nagsimula na siyang magsalita. Ako naman ay nasa likod. Kinukuhaan ko siya ng video.

It's not my first time to speak in front of a group but it's my first time to do so for the purpose of inspiring writers. Salamat sa pag-imbita. It's my pleasure to be here in front of you.

Then, nagsimula na siyang tumanggap ng tanong.

Paano ka humuhgot ng inspirasyon para makapagsulat? Or what inspires you most? Tanong ng isang lalaki kong estudyante na nasa unahan ko.

That's a very nice question! I think the question should be 'Who inspires me most". He he. My Dad is my greatest inspiration. Siya po kasi ang nagturo sa akin na magsulat. Grade three pa lang ako, tinuruan na niya akong magsulat ng diary o journal. He would never let me sleep hanggang hindi ako nakakapagsulat ng entry para sa araw na iyon. Sa una, naiinis ako. But later, naunawaan ko na, especially noong nag-uwi siya ng libro na ang author ay Zander Escarion. I said, "Dad, ikaw po ito, di ba?" Yes, sabi ni Daddy, That's why I'm asking you to write every day in your diary because one day you will crave to be a writer. Tama si Daddy. Kamakailan lang, naging member ako sa Wattpad. It's a great avenue for writers, right? Dahil nabibigyan nito ng chance na maipublish ng mga writers ang kanilang mga sulatin. Luckily, I was offered by Wattpad to publish my work, Red Diary.

Nagpalakpakan uli ang mga estudyante ko. Mas malakas. Kitang-kita ko ang tuwa nila sa anak ko. I knew, Zillion has inspired them a lot..

Another question was raised. Ano naman daw ang nagpapawala sa kanyang interest sa pagsusulat o nakakaapekto sa kanyang pagsusulat?


Tiningnan muna ako ni Zillion. I said through my eyes that he must go on. Say what he wants to say.

My Wattpad Pamangkin 21

Nag-usap kami ni Zillion habang nasa sasakyan kami. Hindi ko na kasi nahintay na makauwi kami sa bahay. Hindi ko kasi kayang tingnan ang anak ko na malungkot. Sanay akong nakangiti siya at masaya. Palangiti kasi siya. Masiyahin at palabati. But now, biglang nawala ang mga iyon. Halos nga hindi na niya ako kausapin. Nawala na ang kanyang pagiging open sa akin at ang pagiging palakuwento.

Ayokong maging malayo ang loob niya sa akin.

Anak, musta ka na? 

Mabuti naman po, Dad! Tumingin lang siya sa akin, tapos, pumindot-pindot na naman sa tablet niya. Nagwa-Wattpad siya, alam ko.

I mean, yung relasyon mo kay Gelay? Nagkausap ba kayo kanina?

Ah..e, nagkita lang po kami sa mata.. Di nagsasabi ng totoo si Zillion. Nag-chat kasi kami ni Gelay kanina. Nag-usap daw sila.

Hindi yata iyon ang sabi ni Angela sa akin..

Ah, opo, nag-usap po kami kanina..

Wag ka ng mahiya sa akin, anak. Kung tutuusin, ako ang may gawa nitong sadness mo. But, then, hindi mo pa rin magawang magalit sa akin.. 

Tama naman po kasi ang ginawa ninyo. Masyado pa po akong bata para sa ganito.. 

May gusto ka bang hilingin sa akin? 
Nag-isip siya. Mahigit isang minuto ko siyang di narinig..

Gusto ko po siyang maging girlfriend uli.. Alangan siya sa hiling niya. Pero, natuwa ako sa kanya. Labis ang pagmamahal niya kay Gelay.

O, sige.. 

Pumapayag po kayo? Talaga po?

Yes, 'nak.. But, I have to invite you tomorrow. My Creative Writing students wanted to meet you. They like you to talk about your writing style. Pwede ba?

Sure po ba sila? Hindi pa naman po talaga ako rightful para mag-talk. Wala pa po akong hawak na published book ko.

Ok lang yan.. request kasi nila. Gusto ka lang din nila makita. So, payag ka ba?

Yes, Dad.. no problem po.. 
Sumaya ang mukha ng anak ko.. Masaya na rin ako..

Tuesday, June 17, 2014

My Wattpad Pamangkin 20

Vacant ko. I checked my YM. I updated my Wattpad. I visited my FB. Andami kong nagawa sa isang oras. At bago natapos ang bakante, binuksan ko ang timeline ng anak ko. He updated 10 hours ago. Gabing-gabi na 'yun. Sabi niya: Missing you.. It's driving me crazy. But for now, I'd rather be alone and focus. I love you!

Whoah! Grabeng magmahal ang anak ko. Hindi siya nahihiyang ipagsigawan sa mundo ang kanyang nararamdaman.

Binasa ko ang mga comments.

It's ok, tol..

Sayang naman :(

It's sad...

Don't do dat 2 ur girl.If u loVe hEr, do somthng..

Yeah, right! Gelay doesnt desrve it. She <3 u so mucH.

My son did not react on his friends' comments. Masaya ako dahil, may sarili din siyang pag-iisip. Hindi siya nagpasulsol. Although, ako ang unang nakasira sa kanyang isip, ako pa rin ang kinokonsidera niya. I'm proud of my boy!

My Creative Writing students asked me when I will bring my son to talk over a certain topic about writing. Sinabi ko sa kanila na nalimutan ko, gawa ng kanyang problemang pag-ibig. Napa-wow sila!

Ang cute naman ng anak nyo, Sir! May pag-ibig na. Kinikilig na sabi ng isang chubby student.

Tanong naman ng isang magandang estudyante.  Ano po ang nangyari, Sir?

I can't tell you the details.. But, it's about career against love issue. 

How sad?! He's so young to experience the dilemma.. Sabi uli ni Miss Beautiful.

You're right.. It's painful for him.. But, I believe it would help him to be strong.. Some other day, you gonna meet  him. 

Promise, Sir? anang matabang babae.

I promise..

My Wattpad Pamangkin 19

Hands-on mom si Maila. Siya lahat ang gumagawa sa aming tahanan. Hindi ko na siya pinag-work simula nang isilang niya ang aming anak. Gusto rin naman niya. Enjoy na enjoy siya sa pagsisilbi at pag-aalaga sa amin.

Kanina ay nagkuwentuhan kami habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan. Nasa kuwarto na si Zillion sa mga oras na iyon. 

Kumusta na si Gelay?

Mabuti naman. Natanggap na raw niya ang break-up nila. Nakakatuwa nga dahil hindi ako nabanggit ng binata natin sa kanya. Ang lumalabas, sariling desisyon ni Zillion ang makipaghiwalay.. Ipinaunawa ko na lang kung bakit iyon ginawa ng anak natin..

That's nice, Zander!.. E, paano 'yung binata natin? Mukhang malungkot kanina sa hapag..

Oo nga eh.. Sa una lang siguro 'yan. Pasasaan ba't makaka-get over din 'yun..

Ang mahalaga, sinunod niya ako. Hindi naman masama ang ipinagawa ko sa kanya, right?

Nag-isip muna si Maila. Alam mo, Dad? Kung ako ang anak mo, magrerebelde ako sa'yo..

Bakit naman?

E, siyempre.. pinaghiwalay mo kami. Mahal na mahal ko ang tao tapos iuutos mong break-up with her..

Sabagay.. Pero, ginawa niya. Hindi naman siya nag-rebelde..

Well, dahil.. malaki ang respeto at takot niya sa'yo. For him, isa kang idolo.

Thank you, Maila.. But, hindi rin naman ako masaya kapag nalulungkot ang anak natin. Gusto ko siyang masaya. Kaya lang, ginagawa ko ito para sa aking Wattpad pamangkin.. para sa kanila rin. Iniiwas ko sila sa posibleng kapusukan. Mapusok na ang mga kabataan ngayon..

Pagkatapos, maghugas ni Maila. Ipinagtimpla niya ako ng gatas, gayundin si Zillion. 

Ako na lang ang magdadala niyan kay Zillion..

O, sige..

Nang kumatok at pumasok ako sa kuwarto ni Zillion, naabutan ko siyang nakatalukbong ng kumot. Ginising ko siya, although, alam kong gising pa siya.

Anak, inumin mo muna itong gatas. Niyugyog ko siya. Zillion!

Bumangon naman siya at inabot ang baso ng gatas, pero hindi niya ako tiningnan sa mata.

Umiyak ka, anak.. Bakit?  Di ba nag-usap na tayo?

Miss na miss ko na siya, Dad! 

Text mo siya. Tell her that you miss her. I won't be mad at you..

Lumiwanag ang mata at mukha ni Zillion..

But, in one condition.. Hindi mo pa siya pwedeng balikan.. Unless, she writes her first story..


Nalungkot uli ang anak ko.. Lumabas na ako..

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...