Followers

Friday, June 20, 2014

My Wattpad Pamangkin 26

Sabay kaming nag-Wattpad ni Zillion. Ako, tinatapos ko ang Book 10 ng best-selling story ko na "You Changed My Life". Siya naman, sinisimulan ang Book 2 ng Red Diary. Hindi kami nilalapitan ni Maila. Alam niya kasi na kapag  inclined kami sa pagsusulat, hindi kami pwedeng abalahin, unless kami mismo ang makikipag-usap sa kanya. Sanay na kami sa walang kibuan kapag ganun ang trip namin.

Sa loob lang ng isang oras, limang kabanata ang natapos ko. Medyo mabilis gumana ang utak ko ngayon. Si Zillion naman, pahinto-hinto para mag-isip ng mga isusulat. Halata kong nahihirapan siya sa kanyang Book 2. 

Tumigil ako sa pagsusulat after kong mai-post ang 5th chapter. Nilapitan ko ang anak ko. 

Musta na, Zil?

It's not good, Dad. Wala po akong maisip..

Pahinga ka muna anak. Baka masyadong napagod ang isip mo kanina sa school.. Alam kung ang dahilan nito ay ang pandededma ni Gelay sa kanya. Gusto ko lang sa bibig niya mismo lumabas ang katotohanan.

Siguro nga po..

Hindi siya nagtapat. Sige na, 'Nak.. Get some rest.

No, Dad! My followers are asking for my update. I have to finish at least one chapter today.

Ah, okay.. Ice cream muna tayo sa 7-Eleven. Gusto mo?

Biglang bumilog ang mga mata ng binata ko. Nag-feeling bata na naman. Favorite niya kasi ang ice cream. Any flavor. Buti na lang naisip ko. 

Agad nga kaming lumabas ng bahay at nag-ice cream. Hindi kami nagkuwentuhan habang dumidila ng sorbetes. Pag-uwi, saka ko siya kinausap.

Anong sabi ni Angela?

Hindi ko po siya nakausap. Hindi rin po siya sumasagot sa text ko. 

Busy lang siya. Nakita mo naman di ba? Nakadalawang chapter na siya. Maya-maya niyan, tatlo na. Tapos, apat. Then, lima.. Hanggang maging isang libro.

Hindi kumibo ang anak ko. Hindi yata kumbinsido sa sinabi ko.

Hayaan mo na muna.. Nasaktan lang siya siguro. Pero, alam ko mahal na mahal ka ap rin niya. Kasi, kung pagbabasehan natin ang status update niya sa kagabi, ikaw 'yung tinutukoy niya dun..

Ako nga po, Dad.. Pero, gusto ko po siyang makausap.. Kanina po sa school, hindi po niya ako pinapansin. Aloof po siya. 

Naawa ako kay Zillion. Apektado masyado. 

Gusto mo dalawin natin siya sa bahay nila bukas?

Wag na po, Dad.. Titiisin ko na muna.

Ayokong nagkakaganyan ka, Zillion. Apektado ang pagsusulat mo..

Oo nga po.. Hayaan niyo po, I'll try to concentrate, pagdating po natin sa bahay.

Promise mo ‘yan, ha?

Opo. I promise!

Inapiran ko siya. 


Aasa akong hindi na siya malulumbay. Sana masabi ko rin kay Gelay na huwag naman niyang pahirapan ang anak ko..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...