Hands-on
mom si Maila. Siya lahat ang gumagawa sa aming tahanan. Hindi ko na siya
pinag-work simula nang isilang niya ang aming anak. Gusto rin naman niya. Enjoy
na enjoy siya sa pagsisilbi at pag-aalaga sa amin.
Kanina
ay nagkuwentuhan kami habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan. Nasa kuwarto
na si Zillion sa mga oras na iyon.
Kumusta
na si Gelay?
Mabuti
naman. Natanggap na raw niya ang break-up nila. Nakakatuwa nga dahil hindi ako
nabanggit ng binata natin sa kanya. Ang lumalabas, sariling desisyon ni Zillion
ang makipaghiwalay.. Ipinaunawa ko na lang kung bakit iyon ginawa ng anak
natin..
That's
nice, Zander!.. E, paano 'yung binata natin? Mukhang malungkot kanina sa
hapag..
Oo nga
eh.. Sa una lang siguro 'yan. Pasasaan ba't makaka-get over din 'yun..
Ang
mahalaga, sinunod niya ako. Hindi naman masama ang ipinagawa ko sa kanya,
right?
Nag-isip
muna si Maila. Alam
mo, Dad? Kung ako ang anak mo, magrerebelde ako sa'yo..
Bakit
naman?
E, siyempre..
pinaghiwalay mo kami. Mahal na mahal ko ang tao tapos iuutos mong break-up with
her..
Sabagay..
Pero, ginawa niya. Hindi naman siya nag-rebelde..
Well,
dahil.. malaki ang respeto at takot niya sa'yo. For him, isa kang idolo.
Thank
you, Maila.. But, hindi rin naman ako masaya kapag nalulungkot ang anak natin.
Gusto ko siyang masaya. Kaya lang, ginagawa ko ito para sa aking Wattpad
pamangkin.. para sa kanila rin. Iniiwas ko sila sa posibleng kapusukan. Mapusok
na ang mga kabataan ngayon..
Pagkatapos,
maghugas ni Maila. Ipinagtimpla niya ako ng gatas, gayundin si Zillion.
Ako na
lang ang magdadala niyan kay Zillion..
O,
sige..
Nang
kumatok at pumasok ako sa kuwarto ni Zillion, naabutan ko siyang nakatalukbong
ng kumot. Ginising ko siya, although, alam kong gising pa siya.
Anak,
inumin mo muna itong gatas. Niyugyog
ko siya. Zillion!
Bumangon
naman siya at inabot ang baso ng gatas, pero hindi niya ako tiningnan sa mata.
Umiyak
ka, anak.. Bakit? Di ba
nag-usap na tayo?
Miss
na miss ko na siya, Dad!
Text
mo siya. Tell her that you miss her. I won't be mad at you..
Lumiwanag
ang mata at mukha ni Zillion..
But,
in one condition.. Hindi mo pa siya pwedeng balikan.. Unless, she writes her
first story..
Nalungkot
uli ang anak ko.. Lumabas na ako..
No comments:
Post a Comment