Followers

Friday, June 20, 2014

My Wattpad Pamangkin 25

Dad, hindi po sinasagot ni Gelay ang mga tawag ko, sumbong sa akin ni Zillion nang pauwi na kami sa bahay. Malungkot ang boses niya. 

Baka busy, anak. Di ba, nakapagsulat na siya? Baka isinusubsob niya ang sarili niya sa pagsusulat. Hayaan mo, tutulungan kitang manligaw. Pinilit kong pasayahin ang tono ng pananalita ko.

Tumawa na siya. Baka po siyang ma-intimidate sa inyo, Dad.

Hindi naman literal na liligawan, e. I mean, aalamin ko ang mga activities niya. Di ba, nagcha-chat kami sa Wattpad? Friends na rin kami sa FB. Paliwanag ko. Gusto ko kasi siyang ilapit uli kay Gelay.

Ah, ok po.

Ginawa ko naman ang sinabi ko sa anak ko nang makapaghapunan na kami. Nag-iwan lang ako ng message sa kanya. Sabi ko: Congratulations, Gelay! Your story is great. Zillion is so proud of you! Keep it up!

Online siya, pero hindi nag-reply. Marahil ay nag-a-update ng kanyang story. I understand. Mas gusto ko nga na maging busy siya, all the time. Maganda ang story niya. True to life. May pinanghuhugutan. Kaya, excited din naman akong abangan ang kanyang next chapter.

Ang story ng 'Loving A Writer" ay ang istorya nila ng anak ko. Medyo may hawig. Iniba lang niya ang names of characters. Ngunit, kung paano nasaktan ang bidang babae sa pag-ibig niya sa lalaking successful writer ay katulad na katulad ng love story nila ni Zillion.

Hindi nga ako nagkamali ng hinuha, dahil maya-maya lang ay may Chapter 2 na ang story niya. Medyo, hawig din ang ugali ng tatay ng lalaking bida sa ugali ko. Ang kaibahan lang ay frustrated writer ang ama kaya gustong-gusto niyang hindi mahadlangan ang karera ng anak ng sinumang babae.


Matalino ang pagkakasulat ng pangalawa niyang kuwento. Superb! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-comment ng 'great'.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...