Followers

Thursday, June 19, 2014

My Wattpad Pamangkin 24

Nag-friend request ako kay Angela. In-accept naman niya agad. At, nang buksan ko ang timeline niya, nakita ko ang status update niya kahapon. 

Sabi niya: Life goes on. Patuloy pa ring tumitibok ang puso ko. Hindi ko kailanman kakalimutang  naging manunulat ka ng buhay ko. Dumaan man sa harap ko ang crush ko. Kiligin man ako sa kanya, tandaan mong ikaw pa rin ang laman ng isip at puso ko.

Whoah! Ang sweet. Tunay ngang minahal ni Gelay ang anak ko. Hindi niya ipagpapalit si Zillion kahit kanino. Sana nga.. Boto pa man din ako sa kanya, lalo na kapag nakapagsulat na siya. Ako na mismo ang manliligaw sa kanya para sa unico hijo ko.

Binuksan ko rin ang mga album niya. Marami siyang pictures na kasama si Zillion. Ang iba ay very sweet, pero hindi malaswa. 

Na-enjoy ko ang pag-browse sa timeline ni Gelay. Sa tingin ko ay mas nakilala ko siya. Mas nagustuhan ko rin siya para sa aking anak. Mabuti na lang ay handa siyang maghintay kay Zillion.

Natuwa ako nang may shinare siyang link ng Wattpad story sa FB. Ang title nito ay "LOVING A WRITER". Dali-dali ko itong in-open at binasa. Namangha ako sa husay ng kanyang pagkakasulat. Unang chapter pa lang iyon. Nabitin ako. 

Kahit iyon ang pinakaunang story ni Gelay sa Wattpad, natutuwa na ako sa kanya. Nahuhulaan ko na siya ay magiging mahusay na manunulat.

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagta-type ng comment sa kanyang Wattpad story. I said: I can't wait for another chapter, because you've written it very nice. Keep it up, Gelay! Enjoy writing!

Thanks, my Wattpad Tito.

Wattpad Tito na lang uli ang tawag at turing niya sa akin. Nakakalungkot. Pero umaaasa akong magbabago iyon kapag nagkabalikan sila ng anak ko.


Umaasa rin akong magiging successful Wattpad writer din siya tulad ko, tulad ng kanyang mahal ---si Zillion.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...