Natawagan
na ni Zillion ang kanyang adviser upang sabihin na hindi makakapasok sa araw na
ito dahil siya ay magbibigay ng talk sa mga estudyante ng kanyang ama sa UP
Creative Writing. Pinayagan naman agad siya. Natuwa pa nga.
Sa una
ay kinakabahan ang anak ko. First time siyang haharap sa mga estudyante na mas matatanda
pa sa kaniya ng ilang taon. Sabi ko nga, practice na niya ito dahil sooner or
later, mas makikilala siya as author.
Ako
muna ang nagsalita sa klase ko. Nasa labas pa si Zillion. Class,
as I promise you, I brought my son to talk, in front of
you. Meet my son. Zillion Escarion!
Malakas
ang palakpakan ang narinig ko habang sinusundo ko siya sa labas ng classroom.
Hello,
everyone!
Hello,
Zillion! Chorus.
Malakas at jolly.
Ngumiti
muna si Zillion. Hinawi ng tingin ang mga students ko. Alam kong ginagawa na
niya ang mga pinayo ko at binigay kong tips sa kanya kanina kung paano alisin
ang kaba sa dibdib at kung paano simulan ang public speaking.
Then,
nagsimula na siyang magsalita. Ako naman ay nasa likod. Kinukuhaan ko siya ng
video.
It's
not my first time to speak in front of a group but it's my first time to do so
for the purpose of inspiring writers. Salamat sa pag-imbita. It's my pleasure
to be here in front of you.
Then,
nagsimula na siyang tumanggap ng tanong.
Paano
ka humuhgot ng inspirasyon para makapagsulat? Or what inspires you most? Tanong
ng isang lalaki kong estudyante na nasa unahan ko.
That's
a very nice question! I think the question should be 'Who inspires me
most". He he. My Dad is my greatest inspiration. Siya po kasi ang nagturo
sa akin na magsulat. Grade three pa lang ako, tinuruan na niya akong magsulat
ng diary o journal. He would never let me sleep hanggang hindi ako
nakakapagsulat ng entry para sa araw na iyon. Sa una, naiinis ako. But later,
naunawaan ko na, especially noong nag-uwi siya ng libro na ang author ay Zander
Escarion. I said, "Dad, ikaw po ito, di ba?" Yes, sabi ni Daddy,
That's why I'm asking you to write every day in your diary because one day you
will crave to be a writer. Tama si Daddy. Kamakailan lang, naging member ako sa
Wattpad. It's a great avenue for writers, right? Dahil nabibigyan nito ng
chance na maipublish ng mga writers ang kanilang mga sulatin. Luckily, I was
offered by Wattpad to publish my work, Red Diary.
Nagpalakpakan
uli ang mga estudyante ko. Mas malakas. Kitang-kita ko ang tuwa nila sa anak
ko. I knew, Zillion has inspired them a lot..
Another
question was raised. Ano naman daw ang nagpapawala sa kanyang interest sa
pagsusulat o nakakaapekto sa kanyang pagsusulat?
Tiningnan
muna ako ni Zillion. I said through my eyes that he must go on. Say what he
wants to say.
No comments:
Post a Comment