Followers

Tuesday, August 31, 2021

Aking Journal -- Agosto 2021

Agosto 1, 2021
Napuyat ako kagabi. Nang naalimpungatan ako dahil sa kahol ng mga aso bandang 1:30, nahirapan na akong matulog muli. Pabaling-baling ako. Andami kong gustong gawin. Excited ako sa garden. Excited ako sa Youtube. Excited akong kumita online. Kaya, nanood ako ng vlog tungkol sa affiliate marketing.

Lalong nagising ang diwa ko. Excited na akong gumawa ng online marketing FB page. Siguro, mga 4 am na ako nakatulog.

Past 8, gising na ako. Kahit paano, may tulog naman ako.

Maghapon, gumawa ako sa garden at mag-vlog kami. Nakapag-record kaming mag-anak para sa 'Alamat ng Parang.'

Almost half-done na ang garden renovation ko. Dalawang paleta na lang ang ililigpit ko. Maglilipat pa ako ng garden set at metal plant rack. Then, magtatago ng mga kahoy mula sa paleta.

Bukas, sigurado ako, matatapos ko na. Isusunod ko naman ang paglalaba. Need ko ring mag-preside ng Faculty Club election of officers.



Agosto 2, 2021
Pag-alis ni Emily, sinimulan ko na ang pag-aayos sa garden. Mas mahirap ang mga ginawa ko ngayong araw sa garden. Inilipat ko kasi ang garden set at ang isang metal plant rack. Nakakapagod.

Habang nagpapahinga, humarap naman ako sa laptop ko. Gumawa ako ng vlog.

Maaga dumating si Emily, kaya pagkatapos niyang magpahinga, nag-record kami ng audio para sa kuwentong pambata kong vlog. Nakakaadik ang gumawa niyon. Siguro kapag natapos ko na ang chapter 7, maitutuloy ko na ang pagsusulat ng nobelang iyon.

Gabi, bandang 9 pm, miniting kami ni Sir Erwin. Mahigit isang oras din kaming nagmiting. Then, bago matapos, gumawa ako ng slides para sa election ng faculty officers bukas. Ako ang magpi-preside.



Agosto 3, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, inabala ko na ang sarili ko sa affiliate marketing, habang hinihintay ko ang 10 am para sa election of faculty officers.

Past 10, nagaganap na ang meeting-election.
First time kong mag-preside ng online meeting. Mabuti, nagawa ko naman nang husto. Malaki ang naitulong ni Ma'am Venus. Siya ang gumawa ng Google Form at link. Muntikan na ngang magkaaberya nang matagal dahil sa dalawang naunang link. Nahirapan kaming makapasok lahat.

Before 11, tapos na ang election. Si Mareng Lorie ang nanalo. Nagwagi ang aming plano. Niluklok talaga namin siya. Naniniwala kasi kaming magagawa niya ang kaniyang tungkulin.

Na-stress lang ako kasi may dumating na Notice of Hearing para sa Cooperative namin. Kauupo ko lang as chairman noong June, tapos iyan ang bumungad sa akin. Nakakatakot! Na-trauma na ako sa 'hearing.' Last time, kay Taiwan. Hindi nakadalo sa hearing, kaya ipinahuli at ipinakulong. Sumatotal, ako ang nagastusan. Haist!

Anyways, nawala naman ang stress ko dahil naglinis ako sa garden. Dumating lang si Ate Emer, kaya medyo naabala ako nang kaunti, although kausap naman si Emily.

Hindi ko pa rin natapos dahil panay ang ambon. Isa pa, marami pang aayusin. Hindi talaga kaya. Gayunpaman, natapos ko na ang isang nook. Nakapag-pictorial na nga ako, bandang gabi. Doon na rin ako ng shoot ng birthday greetings ko para kay Ma'am Vi.

Ngayong araw, wala akong vlog na na-upload sa YT at FB page, pero may narekord akong audio at nasimulan ko ng isa pang vlog.

Bukas, may event na naman sa online. Stakeholders Appreciation Day.



Agosto 4, 2021
Naging matagumpay namang Stakeholders Appreciation Day. Nagawa ko naman nang maayos ang part ko. Siguro, nakatulong ang healthy breakfast na inihanda at kinain ko.

Then, pinagawa ako ni Sir Erwin ng apology letter, explaining kung bakit hindi kami nakadalo sa virtual hearing. Dadalhin niya iyon sa CDA. Nakahinga ako nang maluwag. Alam kong nakapag-comply na kami ng annual report.

Maghapon akong naglinis sa garden kasi okupado ni Emily ang laptop ko. Okay lang naman dahil gusto ko na talagang matapos ang garden renovation. Kahit paano, gumaganda na ang garden ko. Instagramable na.



Agosto 5, 2021
Pag-alis ni Emily, nagtrabaho na ko sa garden. Pinang-decorate ko ang mga kahoy mula sa mga paleta. Nakaragdag iyon ng ganda sa garden. Ginawa kong pathway akong, kaya native na native talaga ang dating.

Gumawa ako ng vlog, bago ako umalis bandang 3 para mag-withdraw at mag-grocery.

Bumili rin ako ng ink para magawa ko ang IPCRF MOVs ko.

Past 6 na dumating si Emily. Halos kararating ko lang din mula sa Rosario.

Before nine, nag-biking ako. Na-miss kong magbisikleta.



Agosto 6, 2021
Late na ako bumangon. Sinadya ko. Lagi na lang kasi akong napupuyat dahil sa back pain ko. Hindi ko alam kung dahil sa lamig-lamig ko sa katawan o dahil sa sleeping position ko.

Dahil naglaba si Emily, hindi na naman ako nakapaglaba. Tambak na ang labahin ko. Gayunpaman, may isusuot pa naman ako. Okay lang naman dahil may oras ako para sa laptop-work ko.

Ngayong araw, marami akong natapos na vlogs to be. Audio na lang ang kulang.

Nakaag-gardening din ako ngayong araw. Isinisingit-singit ko sa pagko-computer para hindi masira ang mga mata ko. Nararamdaman ko na ngang unti-unti nang lumalabo. Mabilis nang mapagod. Lumuluha na ako kapag natatagalan sa screen. Kaya, past 10 pm, nag-off na ako ng laptop. Umakyat na rin ako, before 10:30.



Agosto 7, 2021
Dahil sa pagbuhos ng ulan, hindi na naman ako nakabalik sa pagkakahimbing ko. Past 4, gising pa ako. Andaming ideas na pumsasok sa isip ko. Naniniwala na ako na kapag madaling araw, active ang brain cells. Kaya naman, nakapagsulat ako ng update para sa wattpad novel ko. Nai-post ko na rin iyon bago dinalaw ng antok.

Paat 8, gising na ako. Past 9 naman ako bumangon.

Birthdat ngayon ni Mama. Dahil hindi ako makakapunta dahil nag-start na kahapon ang ECQ sa NCR, nagluto na lang ako ng pansit canton. Pagkaluto, nag-groufie kaming tatlo.

Niyaya ako ni Sir Hermie sa bahay nila para mag-inom bandang past 1. Nakabihis na ako nang nagbago ang isip ko. Hindi rin naman kasi siya kukuha ng FVP Dalandan. Gusto Melon o Mangosteen. Isa pa, baka masayang lang ang lakad ko dahil hindi naman ako APOR. Ayaw kong magkaproblema sa checkpoint o sa daraanan kong may pulis o sundalo.

Umidlip na lang ako. Paggising ko, itinuloy ko ang paggawa ng vlog.

Nang-istorbo naman itong (bagong) visor (yata) ng ESP. Pina-edit sa akin ang Key to Corrections. May bagong template. Nainis ako. Kahapon lang nag-leave na ako sa GC pagkatapos kong gawin, using another template. Tapos, may bago na naman. Buwisit talaga! Andaming nasayang na oras. Gabi na ako natapos.



Agosto 8, 2021
Tahimik akong naglaba ng mga damit ko pagkatapos kong mag-almusal. Tinuloy-tuloy ko ang paglaba. Walang distraction kaya natapos ko kaagad bago magtanghali. Then, gumawa na ako ng vlogs. Oras na lang talaga ang kulang sa akin. Ni ayaw ko nang magpahinga. Sumusuko na nga ang mga mata ko.

Past 3:30, nag-record ng audio si Emily, kaya naipahinga ko ang mga mata ko. Nakapag-upload naman ako ng 2 vlogs sa YT account niya.

Gabi, itinuloy ko ang paggawa ng vlog. Masakit na sa mata, kaya huminto ako. Nag-gardening naman ako. Nagtanim ako ng Golden pothos at kinalbo ko ang isang bougainvillea para mamulaklak.

Past 9:30, nag-chat ng dati kong estudyante. Binalita niya sa akin na nasa kanya ang draft ko ng 'Pahilis.' Pinahiram daw sa kanya ng kaklase (Karelle) niya na binigyan ko niyon. Natuwa ako kasi pinahalagahan nila iyon. Kaya naisip kong ibigay na lang ang link ng wattpad ko para mabasa niya nang maayos. Natuwa rin ako kasi sinusunod niya raw ang mga turo ko sa kanila. Nagsusulat na rin daw siya.

Natutuwa ako kasi may mga na-inspire pala ako. Sana mas dumami pa sila.



Agosto 9, 2021
Bago ako nakipagkita kay Ma'am Wylene sa Robinson's Tejero para kunin ang DepEs simcard, marami na akong na-accomplish. Siyempre, tungkol sa vlog.

Past 1, nakuha ko na iyon. Nag-withdraw naman ako kung saan nag-inquire si Emily para ideposit ang FVP checks ni Zillion. Nagsabay na kami pauwi.

Hindi pa naideposit ang mga tseke kasi kailangan si Zillion. May requirement pang dapat ipasa. Magre-request pa sa adviser.

Pag-uwi namin, bakit sa paggawa ng vlogs. Tinapos namin ang audio recording ng Kabanata 4 ng Alamat ng Parang.

Gardening ang pinakapahinga ko para sa aking mga mata. Umidlip din ako.

Then, hapon, habang nagdidilig ako ng mga halaman, inutusan ko si Ion na magrekord ng audio para sa mga Makata O quotes ko. Maayos naman niyang nagawa.

Gabi, na-inspire ko si Jano na magsimulang mag-vlog. Nakita niya kasi sa My Day ko ang screenshot ng Adsense ko. May earnings na naman akonG $101.75 as of July 31. Nakakatuwa! Nakaka-inspire. Sana mabilis ding ma-monetize ang vlog ni Emily para pareho na kaming kumikita, gayundin si Ion. Sana ma-inspire ko. Ituloy niya na sana ang sinimulan namin.



Agosto 10, 2010
Pagkatapos mag-almusal, binaba ko ang rack na nilagyan ko ng mga books sa kuwarto ko. Dahil masikip na ang kuwarto ko at maluwag naman sa ilalim ng hagdan, bagay roon ang mini-library namin.

Hindi ko pa natatapos ng gawain ko, tumawag si Papang. Tinanong niya ako kung okay lang na adviser na ako sa Grade 4. Noong una, nagtatanong ako kung bakit ako, pero agad ko rin namang natanggap. Wala naman akong magagawa kung gusto akong ilipat ng principal. Alam ko ang laro niya, kaya makikipaglaro ako. May kinalaman iyon sa hindi ko pagtanggap ng journalism.

Nag-message ako sa GC naming Grade 6. Sabi ko, "Goodbye!" Agad namang nag-videocall si Ma'am Vi nang malamang ililipat na ako. Nalungkot sila at nag-react. May mali raw sa paglipat.

Gayunpaman, tanggap ko na. Isa pa, kahit saan ako. At kahit pagturuin pa ako ng anong subject, huwag lang music.

Natapos ko naman ang paggawa ko ng mini-library, kaya nakagawa pa ako ng vlogs. Hindi naman namin natapos ang audio recording dahil sa ingay ng mga aso ng mga kapitbahay.

Gabi, nakapagsulat ako ng kuwentong ilalaban ko sa division. Na-inspire ako sa mga kuwentong pina-edit sa akin nina Ma'am Joann at Ma'am Lea.



Agosto 11, 2021
Past 9 na ako bumaba. Very late na rin ang almusal namin. Gayunpaman, marami akong accomplishment ngayong araw. Bukod sa paggawa ng vlogs, nasimulan ko na ring ayusin ang kuwarto ko. Kung hindi lang nasabay sa paglilinis ng mag-ina ko sa kanilang kuwarto, tapos ko na sana. Hindi bale, marami pa namang bukas.

Nakapag-upload ako ngayon ng dalawang vlogs sa YT ko. Tapos, nakagawa ako ng vlog na lalapatan ng boses ni Emily. At siyempre, nakapagluto ako ng masarap at paborito naming carbonara. Patuloy rin ako sa paggawa ng Tiktok videos, featuring insects, animals, at plants na nakikita ko sa aming garden. Natutuwa ako kasi may mga nanonood naman at may nagpa-follow sa akin.




Agosto 12, 2021
Sinadya kong hindi dumalo sa pamiting ng Filipino coordinator. Alam ko naman halos ng pag-uusapan. Tungkol iyon sa patimpalak para sa Buwan ng Wika. Nabasa ko na ang memo. Nakakainis lang dahil kung kailan, kinabukasan na ang deadline, saka lang magpapamiting.

Sa halip na dumalo, ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa aking kuwarto. Past 2 pm na ako nag-on ng wifi ko. Almost done na rin ang paglilinis ko. Nabigyan ko pa ng chance si Emily na mag-audio recording ng vlog niya.

Past 3, gumawa ako ng mga MOVs para sa IPCRF ko. Pagpunta ko nang school, confident na akong magpapasa. Akala siguro nila, hindi ko magagawa.

Tumigil akong mag-laptop bandang 7 pm kasi nakakaramdam ako ng pananakit ng mata. Nanood na lang kami ng movie sa YT. Okay naman iyon dahil malayo naman ako sa screen.

Nag-chat ngayong gabi si Hanna. Cellphone na lang daw ang ibili ko sa kanya. Kailangan na niya sa pasukan. Sira na raw kasi ang Iphone niya. Pinangakuan ko naman siya.


Agosto 13, 2021
Hinarap ko ang pagpo-format ng entries ko para sa 2nd Division Storybook Writing Contest para naipasa ko na sa LRMDS Supervisor. Nagawa ako naman iyon bago mag-lunch, pero hindi naman agad naipasa kasi hinintay ko pa ang kina Ma'am Joann at Ma'am Lea. Hapon ko na iyon nai-email.

Ngayong araw, nakagawa ako ng mga vlogs. Ang isa ay para kay Emily. Nai-upload ko na sa Youtube niya.

Sinimulan ko rin ang paggawa ng powerpoint para sa Filipino 4 modules. Double purpose iyon. May lesson na ako, may vlog pa.




Agosto 14, 2021
Past 8, nagba-bike na ako patungo sa bahay ni Kuya Natz. Kaya lang, nag-chat siya na pupunta muna siya sa tile center, kaya nag-picture and video taking muna ako ng mga insekto at bulaklak sa bakanteng lote sa SPV.

Before  9, umuwi muna ako para gumawa ng vlog.

Past nine, nag-text na si Bro. Joni at nag-missed call si Kuya Natz, kaya dali-dali akong pumunta roon. Naabutan ko silang nag-aalmusal. Kumain ako kahit kakaalmusal ko lang.

Nagsimula na kaming gumawa pagkatapos kumain. Nagpakabit si Kuya Natz ng curtain rods sa sala at mga kuwarto. Assistant lang ako ni Bro. Joni. Marami akong natutuhan sa kanya.

Naghanda ng lunch si Kuya Natz. Masagana ang kaninan namin. Busog na busog ako. 

Then, nanood kami nh NetFlix bago nagsimula uli ng panibagong task. 

Habang nagmemeryenda, nanood uli kami ng Good Doctor. Inabutan kami ng 5 pm doon. Okay lang naman. Masaya naman ako. Naka-bonding ko uli sila. Kahit paano nakikilala ko na sila nang paunti-unti.

Kahit hindi ako nakadalo sa webinar na dapat ay dadaluhan ko, okay lang. Marami pa namang next time.

Pagdating ko, hinarap ko naman ang paggawa ng vlog. Ipinagpatuloy ko ang sinimulan ko kagabi. Nag-record ako ng audio. Nai-upload ko iyon bandang 8:30. Nag-start uli ako ng bagong vlog. Kailangan kong mapaghandaan ang bago kong grade level na tuturuan.

Nine-thirty, umakyat na ako at nanood ng pelikula sa YT. Bukas, may writing workshop-webinar akong dadaluhan. 



Agosto 15, 2021
Kahit puyat ako kagabi dahil sa malakas na ulan, bumangon ako nang maaga para mag-log in sa Zoom webinar. Nang mabasa ko nang mabuti ang email ng Embahada ng Pilipinas sa Brasilia, na siyang sponsor ng writing seminar, nine pm pala, hindi 9 am. Okay lang naman dahil nag-abang ako ng mabibiling almusal. Sumang malagkit ang nabili ko.

Sinimulan ko kaagad ang paggawa ng vlog. Sobrang haba ng lesson kaya hindi ko natapos ngayong araw. Idagdag pa ang editing na ginawa ko. Mali kasi ng mga samples. Hindi ko na-research ang 'pormal na depinisyon.' Hindi lang pala iyon kasingkahulugan. 

Past 9 pm, nasa Zoom webinar na ako. Bagong-bago ang mga kaalamang napulot ko. Iba ang atake ng speaker. Nagsulat talaga siya ng kuwento habang nagsasalita.

Past 10:45 na natapos ang webinar. Sana may sertipiko akong matanggap. 




Agosto 16, 2021
Past nine na ako bumaba. Ang sarap matulog. Kung hindi nga lang nasinagan ng araw ang katawan ko, mula sa sliding window, hindi pa ako babangon. Nakabawi ako ng puyat. 

Muli, gumawa ako ng vlog at nag-Tiktok. featuring ang mga insekto at halaman sa garden.

Nakapag-upload ako ng isang vlog sa YT account ko. Si Emily naman ay nakapag-record ng audio bago natulog. 



Agosto 17, 2021
Very late na ang almusal namin kanina kasi late na kaming bumangon. Ako pa ang nauna. Hindi naman ako nagluto. Nagsimula agad akong maghanda para sa paglalaba ko. Okay lang naman dahil late na rin ako nakatulog. One-thirty, gising pa ako. Andami ko kasing gustong gawin. Inisip ko lang ang mga ideas at plans ko, kaya hindi agad ako inantok.

Pagkatapos kong maglaba, pinag-aralan ko ang Streamyard. ayos naman. Kailangan lang i-upgrade kapag napagkikitaan na.

Ngayong araw, nakagawa ako ng dalawang vlogs. Ang isa ay uploaded sa YT ko. Ang isa naman ay kay Ion. Siya ang nag-audio recording. Gusto kong masimulan na rin niya ang YT niya habang bata pa. 

Gamit ang kuwentong pambata ko, pinabasa ko iyon sa kanya. Ginawan ko ng parang libro. Dati kong zine iyon. In-edit ko na lang.

Bukas, si Emily naman ang gagawan ko.




Agosto 18, 2021
Pagkatapos kong mag-almusal, hinarap ko na ang paggawa ng vlog, na babasahin o lalapatan ng audio ni Ion. Ginamit ko ang bagong sulat kong kuwento. 

Nahirapan ako sa paggagawa ng batang lalaki, bilang lead character. Ang hirap mag-edit. Pero, nakaka-enjoy.

Kung hindi nga lang nag-faculty meeting, tapos ko na sana. Ang tagal pa naman ng meeting. From 1:30 to past 5. 

In-announce na ang grade assignment namin. Grade 4 na nga ako. Ako lang ang nilipat. Kapansin-pansing ako lang ang nilipat. Okay lang naman. At kahit adviser na ako, alam kong magagawa ko pa rin ang mga nakasanayan kong gawin last school year. At alam kong magiging maayos ang school year ko ngayon, lalo na't welcoming naman ang mga parents. Nag-chat na ngang parents sa akin. May GC na rin. Excited lang.




Agosto 19, 2021
Sobrang init kagabi, kaya nahirapan akong matulog nang mahimbing. Hindi lang pala ako, pati rin ang mag-ina ko. Ang sumatotal, nine na kami bumangon. Past, nine na kami nakapag-almusal. 

Ngayong araw, natapos ko na ang isa ang reading aloud vlog ni Ion. Nalagyan niya agad ng audio, kaya nai-upload ko rin agad sa YT niya. 

Napansin iyon ni Ma'am Joann. Proud na naman siya kay Ion. Then, idinonate niya ang isa niyang kuwento. Nais niya ring mabasa iyon ni Zillion. Kaya, ginawan ko agad ng mga pictures para maging book-like.

Bago ako natulog, almost 35% na ang nagawan ko. Nakaka-enjoy. Kung hindi lang sumasakit ang mata ko sa sobrang exposure sa radiation, mabilis ko sanang matatapos. Kailangan ko ring kasing gawan ng vlog si Emily. At need ko ring gawin ang video lesson ko sa Filipino 4. 



Agosto 20, 2021
Sinikap kong matapos ang vlog para kay Ion, gamit ang kuwento ni Ma'am Joann, ang Kinder teacher niya.

Masakit lang talaga sa mata ang sobrang tagal na pagkababad ng mga mata sa screen ng laptop. Bago dumilim, tapos ko na ang powerpoint niyon. Gabi na nang sinimulan ni Ion ang audio recording. Hindi niya natapos kasi nag-ingay na ang aso ng kapitbahay. Sa halip, gumawa na lang ako ng ibang vlog. 

Past 9, nag-register kami ni Emily sa Resbakuna. Desidido na kami. May takot, pero kailangang labanan. Hindi kami makakalabas-labas o makakagala kung walang vaccine. 




Agosto 21, 2021
Past nine na ako bumangon. Agad ko namang sinimulan ang pag-edit ng vlog ni Ion. Nang makapag-almusal na kami, pinatuloy ko na sa kanya ang audio recording.

Habang ginagawa niya iyon, nagbasa ako sa digital format ng Liwayway. Na-inspire akong magpasa ng akda. In-inspire ko rin si Ma'am Joann.

After lunch, nai-post ko na ang ikatlong reading aloud ni Zillion. Next kong gagawin sa kanya ay ang sarili niyang kuwento.

Past 2, umalis ako para mag-withdraw. Akala ko hindi ako makakalabas. Andami kasing police sa gate. Seventy-one positive cases ang meron sa barangay namin kaya balita ko, sobra ang higpit nila. Highest pa kami. Awts.

Gabi, nakapag-upload rin ako ng lesson-vlog ko. Iyon ang ikatlong lesson ko sa Filipino 4. 

Then, sinimulan ko ang paggawa ng vlog para kay Emily. Ginamit ko ang write-ups ko dati. Ang original vlog kong iyong ang isa sa mga trending videos ko kaya naabot ko ang required watch time. 



Agosto 22, 2021
Tulad kahapon. past 9 na ako bumangon. Nasa baba na si Emily. Nakapagluto na siya ng almusal. Nag-almusal agad ako oara masimulan ko na ang paggawa ng vlog. Inuna kong gawin ang kay Zillion. Ang sariling kuwento niya ang ire-read aloud niya.  Mabuti, nagawan ko ng mga pictures bawat pahina.

Gabi na nang malagyan nila ng audio ang kani-kanilang vlogs. Saka ko naman sinimulan ang ikaapat kong vlog-module. Nakagawa rin ako ng isa pang ire-read aloud ni Zillion mula sa module. 

Nakakaadik ang paggawa ng vlog. Masakit lang talaga sa mata. 

Parang balewala ang binili kong anti-radiation eyeglasses sa Lazada. Siguro dahil mumurahin lang o dahil sadya lang talagang babad akong masyado sa laptop.



Agosto 23, 2021
Maghapon akong gumawa ng vlog. Ang vlog kong module ay nakabuo pa ng iba pang vlogs na Reading Aloud ni Zillion. Nagawan ko ng mga pictures. Nakaka-enjoy rin gumawa kahit nakakangawit sa kamay at masakit sa mata.

Hindi ko nga lang napalagyan ng audio kay Zillion kasi gabi na. Hindi ko pa rin nabubuo ang pang-apat kong module-vlog.



Agosto 25, 2021
Gusto ko sanang umalis para ma-withdraw ko ang YT salary ko, kaya lang masama ang panahon. Panay ang ulan. Although, hindi naman gaanong malakas, pero nakakatamad. Kaya, nag-stay na lang ako. Ipinagpatuloy ko ang paggawa ng vlog. Ginawan ko rin si Emily. 

Past 2, tapos ko na ang limang vlogs ni Ion at isa kay Emily. Pinag-record ko sila ng audio, habang pinapahinga ko ang mga mata ko. Binisita ko ang garden ko at nag-Anchor din ako-- podcast. 

Pagkatapos nila, pinagpatuloy ko ang editing. Nakapag-upload ako ng bale anim na vlogs ngayon sa kanilang YT accounts.

Late ko namang natapos ang module-vlog ko. Bukas, editing naman bago i-upload. 



Agosto 24, 2021
Ilang araw na akong nakapokus sa paggawa ng vlog. Ngayong araw, inuna ko ang module-vlog ko. Kailangan ko na kasing matapos ang Quarter 1 bago magsimula ang klase. So far, ikalimang modyul pa lang ako. Kaya ko naman sanang gumawa ng isa module-vlog kada araw kundi ko lang isinisingit ang paggawa ng vlog para sa aking mag-ina. Kailangan din kasi nila. Isa pa, kailangan kong ipahinga ang mga mata ko. 

Iniisip ko rin ang pagbili ng cellphone na inaawit ni Hanna sa akin para magamit niya sa online class. Ang pangako ko, ibibigay ko bago magsimula ang klase. Kaya sana, makonsumo ko ang mga nalalabing araw,  bago mag-September 13, sa pagba-vlog. Kailangan ko pa kasing maglaan ng isang araw para sa pagpunta sa Antipolo.



Agosto 25, 2021
Habang ginagawa ko ang module-vlog ko, nabasa ko sa FB ang post ni Sir Genero. Nagbigay siya ng PDF files ng 4 na stories niya. Puwedeng iprint. Natuwa naman ako kasi mababasa ko nang libre dahil may printer naman ako.

Nag-print nga ako. Kaya lang, blurred at hindi sakto ang bond paper. Naisip ko na lang na gawing vlog ni Ion. Hayun! Agad kong ini-screenshot at ginawan ng powerpoint.

Before lunch, nagrerekord na si Ion. 

Nagpaalam ako kay Sir Gene kung puwede ko iyon i-upload sa Youtube. Pumayag naman siya kaya agad kong in-upload. Akala ko nga, hihingi siya ng link. Hindi pala.

Pagkatapos kong mai-upload, nagpatulong naman si Ma'am Joan na magpasulat ng kuwentong pambata na ilalagay niya sa kanilang task ni Ma'am Venus. Ginawa ko naman agad, kaya bago mag-8 pm, nai-send ko na sa kanila.

Hinarap ko naman ang module-vlog ko. Medyo masakit lang ang mata ko, kaya tumambay ako sa garden nang ilang minuto.



Agosto 27, 2021
Past nine, nagluluto ako ng ulam na pang-almusal. Nilahok ko ang taingang-daga mushroom na nakuha ko sa garden. Ang sarap pala talaga. Crunchy.

Gumawa lang ako ng vlog maghapon, habang wala si Emily. Pumunta siya sa Pasig para magpalit ng FVP vouchers.

Past 2, natulog ako hanggang 5. After meryenda, nag-gardening ako. Nakumpirma kong may mga tumutubong edible mushroom sa mga paletang nilagay ko bilang patungan ng mga nakapasong halaman. Soon, makakapag-ani ako ng pang-ulam. 



Agosto 28, 2021
Gusto ko sanang umalis para i-withdraw ang Youtube salary ko, kaya lang nagdadalawang-isip ko. Hindi ko na itinuloy kasi baka may masamang mangyari sa akin. Sa halip, gumawa ako ng vlog.

Nakapag-upload ako ngayon ng isang vlog at nakapagsimula ng isa pa. At siyempre, nakaidlip ako kahit kaunting sandali. Malamig kasi ang panahon. Hindi ko nga lang natapos ang inaayos ko sa garden dahil sa ambon. 



Agosto 29, 2021
Hindi pa ako nag-aalmusal, nag-ayos na ako sa garden ko. Inilipat ko ang garden set sa sulok. Sa tingin ko kasi mas maganda at mas safe doon tumambay. At mas luluwag ang daanan. 

Satisfied naman ako sa output. Napagod lang ako, kaya inilapat ko ang aking katawan sa kuwarto ko. Bumaba lang ako para mag-lunch.

After lunch, naghanda ako para mag-withdraw at bumili ng cellphone para kay Hanna.

Nakabili ako ng Samsung A12. Mas mahal iyon kaysa sa cellphone ni Zildjian. Sana magustuhan niya.

Nag-vlog ako pagdating ko. Hindi ko na pinaalam sa mag-ina ko, na bumili ako ng cellphone. Ayaw kong magselos pa sila. 



Agosto 30, 2021
Maaga akong gumising para sa Virtual INSET. Although, hindi naman ito mandatory, hindi lang dahil National Heroes Day ngayon, kundi puwede itong Bichronous o panoorin kahit kailan dahil nasa Youtube naman. Pero, mas pinili kong dumalo para hindi ako tamarin o hindi ako natambakan ng mga gawain. Hindi ko nga matapos-tapos ang mga module-vlogs ko. So far, nasa ikasiyam pa lang ako.

Interesting naman ang mga topic sa webinar, maliban sa DRMMC.

Stressed lang ako kasi hindi ako kaagad nakapasok sa LMS, kung saan naroon ang attendance at activity sheets para makakakuha ng certificates. 

Gayunpaman, nagawa kong makapag-print bg certificates nang paunti-unti. Ang mga kasamahan ko nga sa Grade 6 dati, wala pang nasasagutan dahil sa bagal ng internet o system.

Past 9, printed ko nang lahat. Naisabay ko iyon sa paggawa ng vlog at pag-edit nito kaya hindi ko naramdaman ang inis.

Nainis lang ako sa katotohanang may integrative churva pa akong task sa ESP. Chinat ako ng kasamahan ko. Lutang ako. Wala akong ideya sa mga gagawin ko. 




Agosto 31, 2021
Alas-8:30 na ako nagising. Agad ko nang sinet up ang laptop ko at nag-try mag-log in sa LMS.

Nag-breakfast in bed na rin ako dahil hindi na ako nakatayo. Maagang nagsimula ang ikalawang araw ng VINSET 2.0. 

Maghapon akong nakatutok sa laptop ko. Very interesting ang mga topic sa seminar. Andami kong natutuhan.

At siyempre, hindi ako nahirapan masyadong mag-print ng mga certificates ko.

Pagkatapos ng webinar, ginawa ko naman ang module-vlog ko. Gabi, past 9, nakapag-upload ako.



Monday, August 16, 2021

Urinary Tract Infection (UTI): Sintomas at Lunas

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, O, P, Q, R, S, T… U.T.I! Ay! Mamaya na. Naiihi na ako. Atin-atin lang ‘to, ha…. Ayaw ko na ulit magka-UTI? Sa mga hindi pa aware sa UTI… Ang UTI o urinary tract infection ay kadalasang nagmumula sa bakteryang Escherichia coli (E. coli), na nakakapasok sa pantog (bladder) at sa urethra. Ang mga babae ang kadalasang nagkakaroon ng UTI dahil mas malapit ang urethra ng mga babae sa kanilang anus kung saan nanggagaling ang E. coli, na normal na natatagpuan sa dumi ng tao. Hindi natin maiiwasan ang pagpasok ng bakterya sa ating katawan, kahit normal namang walang bacteria ang ihi (urine) natin. Ang impeksyong ito ay nakapagdudulot ng iba’t ibang komplikasyon sa urinary system, gaya ng kidney, bladder, ureter, at urethra. Kaya, mahalagang may kaalaman tayo tungkol sa paglulunas ng UTI. Bago ko isa-isahin ang mga sintomas ng UTI, dapat malaman mo muna ang kahalagahan ng urinary tract sa ating katawan. Ang kidney ay ang nagsasala ng dugo at nagpoproseso ng mga dumi, na nasa anyong ihi (urine). Ang mga uterer ay ang tubong dinadaanan ng ihing mula sa kidneys patungo sa bladder (pantog). Ang bladder naman ang kumokolekta at nag-iipon ng ihi. Ang urethra naman ay ang tubong dinadaluyan ng ihi mula sa bladder palabas ng katawan. Ang mga koneksiyong ito ay mahahalaga sa urinary system, kaya mas mappadali ang pag-unawa natin sa UTI at mga sintomas nito. Madali lang malaman ang mga palatandaan ng UTI, kahit marami ang mga ito. Depende rin ang mga sintomas nito sa edad, kasarian, at tindi ng impeksiyon. Karaniwang sintomas ng UTI ay ang mahapding pag-ihi, madalas na pag-ihi, balisawsaw, o palagiang pangangailangan ng agarang pag-ihi, lagnat na may panlalata, at mabahong amoy at malabong ihi. Kapag ang UTI ay dulot ng impeksiyon ng pantog (Cystitis), makararamdam ng pananakit ng puson, sakit sa pag-ihi, sakit o pressure sa likod o ibaba ng tiyan, at dugo sa ihi. Kapag ang UTI ay dulot ng taas na bahagi ng daluyan ng ihi (Pyelonephritis), makararamdam ng pananakit ng balakang, mataas na lagnat at panginginig, pagkahilo, pagsusuka, panlalambot, pagkapagod, at panlalata. Kung ipagwawalambahala ang paglulunas at pagbibigay ng karampatang gamot, kakalat ang impeksiyon sa buong katawan kaya magiging mapanganib ito sa kalusugan. May kaso din ng UTI na hindi na tinatablan ng mga gamot o umuulit-ulit. Ang tawag dito ay Chronic urinary tract infections (UTIs). Ang taong may Chronic UTI ay nakararanas ng madalas na pag-ihi. Maitim o may dugo ang kaniyang ihi. May nararamdaman siyang sakit sa kidneys, kaya sumasakit ang babang bahagi ng likod o ibabang bahagi ng ribs. Sumasakit din ang bahagi ng kaniyang bladder (pantog). Kapag kumalat na ang impeksiyon sa mga kidney, maaring magdulot ito ng pagsusuka, panginginig, mataas na lagnat, panlalata, at mental disorientation. Ang mga babae ay mas prone sa Chronic UTI o secondary urinary tract infection, lalo na kung sila ay may diabetes, nagdadalantao, may multiple sclerosis, at may mga sakit na umaapekto sa pag-ihi, gaya ng kidney stones, stroke at spinal cord injury. Ang ganitong kaso ng UTI ay nangangailangan na ng special treatment, lalo na kung tatlong beses o mahigit pang nagkakaroon nito sa loob ng isang taon. Kung ang impeksiyon ay nagaganap lamang sa pantog o daluyan ng ihi palabas ng katawan, ang UTI ay hindi nakaaapekto sa kidney. Ang matatandang may UTI ay maaaring maapektuhan ang kidney kung hindi agarang magagamot ang iba pa niyang sakit, gaya ng bato sa kidney, bara o pagkipot ng daluyan ng ihi, at tuberkulosis ng daluyan ng ihi. Anoman ang edad ng pasyente, bata man o matanda, mahalaga ang tama at agarang paggamot sa UTI upang hindi masira ang kidney at hindi magdulot ng altapresyon. May mga home remedies, na maaaring gamiting panlunas para sa UTI. Ang tubig ay isa sa numero unong panlunas sa UTI. Uninom nang hindi bababa sa walong baso ng tubig kada araw. Ang pagiging hydrated ay may malaking papel na ginagampanan sa katawan ng tao, lalo na sa pag-iwas sa UTI. Tinutulak palabas ng tubig ang ihi na may mga bakterya, na nagdudulot ng impeksiyon. Subalit, may tamang pagitan ang pag-inom ng tubig. Ipinapayo ng mga doktor na uminom ng tubig sa iba’t ibang oras at nakararamdam ng pagkauhaw. Sa madaling salita, mali ang pag-inom ng maraming tubig sa ilang oras lamang. Mahalaga rin ang mga probiotics. Ito ay mga mikroorganismong nakukuha sa mga pagkain, gaya ng traditional buttermilk, miso, kefir, kimchi, kombucha, sauerkraut, natto, pickles, yogurt, at ibang uri ng keso. Binabalanse ng mga ito ang bacteria sa katawan. Ang pagpapanatili ng healthy habits ay makatutulong sa pag-iwas sa UTI. Panatilihin ang kalinisan sa banyo at sarili. Hindi dapat pinipigilan nang matagal ang pag-ihi dahil naiipon ang bacteria at nagiging sanhi ng impeksiyon. Ugaliin ang tamang pagpunas o paghugas matapos umihi o dumumi. Ang Vitamin C ay may mahalagang papel sa paglulunas ng UTI, kaya uminom ng Vitamin C at magkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin C. Iniiwas nito ang tao sa posibilidad ng pagkakaroon ng impeksiyon sa urinary tract dahil pinatataas nito ang acidity ng ihi ng tao, na siyang kumikitil sa mga bakterya. Iwasan ang kape, softdrinks, alak, matatabang karne, maaalat at maaanghang na pagkain. Ang lahat ng ito ay makapagpapalala o makakapagdulot ng urinary tract infection. Kung hindi maiwasan, just consume in moderation. Ang lahat ng sobra ay nakasasama. Kaya naman, ipinakikilala ko sa inyo ang First Vita Plus Natural Health Drink. Makatutulong ito sa paglaban sa impeksiyon dahil sa 5 Power Herbs, na nagtataglay ng mga vitamins, minerals, fibers, antioxidants, phytochemicals, and micronutrients, na kailangan ng katawan upang mapanatiling malusog ang immune system. Lalabanan nito ang mga sakit, gaya ng UTI. Mahirap magkaroon ng UTI, pero kayang-kayang iwasan at lunasan. Tandaan lang palagi na ‘Prevention is better than cure.’ A, B, C, D, E, F, G, H… I thank you!

Friday, August 13, 2021

High Blood Ka Ba?

High Blood Ka Ba? Bago ka ma-high blood diyan, Kapatid, kalma lang dahil may ipaliliwanag lang ako. Hindi man tayo magkadugo, pero mahalagang malaman mong delikado ang may high blood pressure. Ang hypertension (altapresyon) ay ang kondisyon kung saan labis ang taas ng blood pressure na dumadaloy sa mga ugat. Kapag malakas ang puwersa ng dugo, maaaring makapinsala sa mga ugat at makaapekto sa takbo ng puso. Maaaring magdulot ito ng malulubhang komplikasyon, gaya ng atake sa puso, stroke, at sakit sa bato. Kaya, nararapat ang pagpapanatili ng normal na blood pressure. May tatlong yugto ang hypertension—ang Prehypertension, Stage 1 Hypertension, at Stage 2 Hypertension. Kapag may Prehypertension, ang presyon ng dugo ay bahagyang lampas sa normal blood pressure. Hindi pa nito kailangan ng gamot, ngunit ipinapayo ng mga doktor ang magbago ng lifestyle. Iwasan ang mga nakapagti-trigger nito. Kapag nasa Stage 1 Hypertension na, mataas na ang blood pressure at kailangan na nito ng gamutan upang mapababa ito. Kapag nasa Stage 2 Hypertension na, sobrang taas na ng blood pressure. Maaaring magdulot ito ng komplikasyon. At nangangailangan na ito ng kombinasyon ng mga gamot at lifestyle change. Ayon sa mga mananaliksik, hindi pa nila natutuklasan ang mismong sanhi ng altapresyon, pero nagbigay sila ng pinag-uugatan ng karamdamang ito. Ang high blood pressure ay kadalasang namamana at nangyayari sa mga taong nasa edad 55 pataas. Ito ay sumusumpong dahil sa labis na pagkonsumo ng maaalat na pagkain at madalas na paninigarilyo at pag-inom ng alak. Nakikita ring dahilan ang kakulangan sa calcium, magnesium, at potassium sa pagtaas ng blood pressure. Ang pagiging overweight at kakulangan sa ehersisyo ay dalawa ring sanhi ng altapresyon. Ang taong palaging stressed at pagod ay prone sa hypertension. Ang hypertension ay tinatawag ding silent killer sapagkat hindi masyadong halata ang mga sintomas nito. Kadalasang nararamdaman ang mga sintomas kapag malubha na ito. Kung minsan pa nga, hindi pinapansin ang mga ito dahil siguro sa pagiging karaniwan ng mga ito. Isa pa, nakaaapekto ang pagiging laging abala o pagod ng tao kaya hindi na ito napapansin. Subalit, ayon sa mga doktor, dapat ugaliin ang regular na pagpapa-checkup upang maiwasan ang mga epekto ng high blood pressure. High blood ka kung ikaw ay madaling mapagod, sumasakit ang ulo, sumasakit ang dibdib, lumalabo ang paningin, nahihirapan sa paghinga, at may irregular heartbeat. Upang matiyak ang blood pressure, inirerekomenda ang paggamit ng sphygmomanometer. Regular ding magpasuri sa doktor kung ang mga palatandaan ay nararanasan mo upang mabigyan ka ng tamang medisina. Ang mga gamot na sadyang magpapababa ng presyon ng dugo at maaaring irekomenda sa iyo ay Calcium channel blocker, Angiotensin II receptor blockers, Angiotensin-converting enzyme inhibitors, Alpha blockers, Beta blockers, Diuretics (Water Pills), Renin inhibitors, o combination medication. Nakaka-high blood sa dami, ‘no?! Kung ayaw mong uminom ng mga synthetic na mga gamot na iyan, sundin mo ang mga sumusunod na rekomendasyon. Walang mawawala sa ‘yo kung magkakaroon ka lang ng healthy lifestyle. Panatilihin ang balanced diet. Huwag masyadong kumain ng maaalat na pagkain. Magbawas ka ng timbang. Galaw-galaw! Mag-ehersisyo ka. Itigil mo ang masasamang bisyo, gaya ng droga, alak, at sigarilyo. Kahit ipinapayong gumalaw-galaw at mag-ehersisyo, bawal naman ang labis na pagpapagod. Lahat ng sobra ay masama. Iwasan ang labis na pag-isip, pag-aalala, o pagkabalisa. Mai-stress ka lang at ikatataas ng dugo mo. Sa halip, lumahok ka sa mga nakaka-relax na gawain gaya ng meditation, tai chi, yoga, at iba pa. Kumonsulta sa inyong doktor upang mabigyan ka ng tamang lunas para sa inyong karamdaman at halip, ugaliing bantayan ang blood pressure. At para makatulong sa iyo nang husto, uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink. May 5 Power Herbs ito na kailangan ng bawat tao upang palakasin ang immune system—ang sariling doktor ng ating katawan. Bago ka ma-high blood sa First Vita Plus, subukan mo muna. Sinubukan mo ngang uminom at kumain ng mga bawal sa ‘yo, ito pa kayang tested and proven. Ano ang gusto mo—ang ma-high blood ka sa mahal ng mga gamot na synthetic o ma-normalize mo ang dugo sa pamamagitan ng natural juice drink? Ikaw na ang bahala… Dugo mo naman iyan. Basta ako, mahal kita, kahit hindi kita kadugo.

Thursday, August 12, 2021

Writing Prompts: 100-Days Writing Challenge: Sulat na!

Nahihirapan ka bang sumulat ng akda? Nauubusan ka na rin ba ng ideya? Maaari ka nang makasulat ng maikling kuwento, tula, sanaysay, salaysay, talumpati, liham, pabula, talata, at iba pa mula sa mga sumusunod na writing prompts: 1. Sumulat ng liham na nagpapasalamat sa taong tumulong sa iyo sa isang bagay o Gawain. 2. Ano ang paborito mong panahon at bakit? 3. Nagtatrabaho ka sa zoo at nakawala ang mga elepante. Ano ang gagawin mo? 4. "Nagkakamali ka… Hindi ako iyon!" Ipagpatuloy ang kuwentong ito… 5. Sumulat tungkol sa isang pagkakataon kung kailan mo naramdaman ang isang matinding damdamin (Halimbawa: masaya, malungkot, galit, takot). 6. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tauhan ay nakatuklas ng isang nakagugulat na bagay. 7. Kung mababago ko ang isang bagay sa mundo… ano ito? Paano? 8. Ilarawan ang pinakamatandang taong kilala mo. 9. Isipin mong namumuhay ka sa isang bukid. Ano ang makikita rito at ano ang gagawin mo? 10. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa isang paglalakbay sa dagat. 11. Ano ang paborito mong bahagi sa inyong bahay at bakit? 12. Mayroon kang P100,000. Paano mo ito gagastusin? Ano ang iyong mga bibilhin? 13. Nagkaroon ka ng pakpak at maaari kang lumipad. Saan ka pupunta? 14. Ano ang isang pagkaing natikman mo na nakakasuklam? Ipaliwanag kung bakit napakasama nito. 15. Sumulat tungkol sa isang paglalakbay sa tuktok ng isang mataas na bundok. 16. Ikaw ang mayor ng isang bagong bayan. Nais mong lumipat doon ang mga tao. Paano mo makukumbinsi ang mga ito na sumali sa iyo? 17. Mas gugustuhin mo bang manirahan sa isang malamig o mainit at maaraw na lugar? Bakit? 18. May kakaiba sa paborito mong palaruan (playground). Ano ito? 19. Nagsisimula kang bumuo ng music band. Anong mga instrumento ang kakailanganin mo at anong uri ng musika ang tutugtugin mo? 20. May kakaiba sa paborito mong laruan. Itatapon mo na bai to? 21. Sumulat ng pinakamasayang biyahe o pamamasyal mo. 22. Ang isang bagay na talagang mahusay ako ay ... 23. Ano ang karanasang hindi mo makalilimutan noong bata ka pa? Ilarawan ito nang mas detalyado tulad ng naaalala mo. 24. Sumulat tungkol sa pinakamasayang party na nadaluhan mo. 25. Isa kang wildlife photographer na sumusubok na makakuha ng larawan ng isang pambihirang hayop. Anong hayop ito at paano mo ito mahahanap? 26. Sumulat ng isang kuwento kung saan dapat ilihim ng isang tauhan ang isang mahalagang lihim. Matutuklasan ba ito? 27. "Huwag kang tumingin sa ibaba," sabi ko sa aking sarili. Ngunit, pagkatapos ay… Dugtungan. 28. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang dalawang tao ay nagkakilala sa isang hindi pangkaraniwang paraan at naging matalik na magkaibigan. 29. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa quarantine na naganap sa isang solong bahay. 30. Sumulat ng isang rekomendasyon ng isang libro o pelikula para sa isang kaibigan. Bakit sa palagay mo masisiyahan siya rito? 31. Isang misteryosong kaban ang natagpuan mo sa baybayin pagkatapos ng bagyo. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa kung ano ang natuklasan mo. 32. Gawin mong kuwento ang isa sa iyong kakatwang panaginip. 33. Sumulat ng gabay na "paano maglaro" para sa iyong paboritong isport. 34. Sumulat tungkol sa pinakamasarap o pinakanakakasukang pagkain na naiisip mo. Tiyaking naiisip ng iyong mambabasa kung ano ang lasa nito. 35. Taon-taon, ang isang bagong tao ay ipinapadala sa buwan, at ngayon, ikaw naman ang ipapadala. Ano ang mangyayari kapag lumabas ka sa rocket? 36. Kung mayroon kang isang superpower, ano ito at bakit? 37. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang piyesta opisyal (holiday) ay nagkakamali. 38. Kinilabutan ako. Puno ng paruparo ang aking tiyan. Ngunit huminga ako nang malalim at sa wakas ay lumabas ito… (Ituloy mo ang kuwento.) 39. Inaabot sa iyo ang isang sulat na nakalagay ang iyong pangalan. Nang binuksan mo ito, hindi ka makapaniwala sa iyong mga nabasa… 40. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tao ay natuklasan ang isang bagay na nakagugulat tungkol sa kaniyang kapitbahay. 41. Nakalilikha ka ng isang bagong piyesta opisyal (holiday) na ipinagdiriwang bawat taon. Ano ang tawag dito at ano ang gagawin ng mga tao upang ipagdiwang sa araw na ito? 42. Sumulat ng isang kuwentong nagaganap sa isang kagubatan. 43. May isang matandang bahay sa dulo ng kalye na nakatago sa likuran ng mga matataas at maiitim na mga puno. Walang sinumang naging matapang upang makapasok doon, hanggang ngayon… 44. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa isang araw na tag-ulan. 45. Ikaw ang host ng isang bagong game show. Sumulat tungkol sa kung ano ang nangyayari sa unang yugto. 46. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang tauhan ay nakatuklas ng isang bagay na hindi pamilyar sa kanya. 47. Sumulat tungkol sa isang espesyal na pagkakaibigan ng tao at hayop. 48. Ilarawan ang iyong pangarap na silid-tulugan. Ano ang meron dito at bakit? 49. Na-trap ka sa isang disyertong isla. Tanging schoolbag na may mga bagay lamang ang iyong dala. Anong gagawin mo? 50. Ang iyong alagang hayop ay amo mo sa isang araw. Ano ang gagawin niya sa iyo? 51. Sumulat tungkol sa isang lugar na mahalaga sa iyo. 52. Nang matuklasan kong may kayamanang inilibing sa likuran… 53. Makikipagpalitan ng paaralan ang isang kaibigan mong mula sa ibang bansa. Sumulat ng isang liham na nagsasabi kung ano ang aasahan nito. 54. Nang nagising ako, alam kong may hindi tama… 55. Sumulat ng isang liham sa iyong guro na nagsasabi kung bakit dapat pag-aralan sa klase ang iyong paboritong libro. 56. Nagkapalit kayo ng paboritong alagang hayop mo sa loob ng isang araw. Anong gagawin mo? 57. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang lahat ng iyong mga paboritong karakter mula sa mga libro at pelikula ay magkikita-kita. Ano ang pag-uusapan nila? 58. Sumulat ng isang sariling wakas (ending) para sa iyong paboritong libro o pelikula. 59. Ilarawan ang isang araw sa iyong buhay kung kailan ikaw ay sikat na sikat. 60. Sumulat ng isang kuwento kung saan nahaharap ang bida sa nakakatakot na sitwasyon. 61. Dumungaw ako sa bintana at hindi makapaniwala sa nakita ko. 62. Mayroon kang isang magic pen. Ano ang magagawa nito at paano mo ito magagamit? 63. Sumulat ng isang kuwento na may kasamang pangungusap, "Dapat makita ko ito pagdating ko." 64. Natuklasan mo ang isang trap door sa inyong bahay. Ano ang nasa ilalim? 65. Ibahagi ang isang pagkakamaling nagawa at kung ano ang natutuhan mo mula rito. 66. May dumating na alien sa inyong bahay. Ano ang mga susunod na mangyayari? 67. Dapat ipagbawal ang takdang-aralin. Ipaliwanag kung bakit ka sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon sa pahayag na ito. 68. Ang pinakainteresanteng bagay na natutuhan ko sa taong ito ay… 69. Nakapasok ka sa huling video game na iyong nilaro. Nasaan ka? 70. Isa kang detective na nagtatrabaho sa isang malaki at mahalagang kaso. Ano ito at paano mo ito malulutas? 71. Bumalik ang mga dinosaurs at nasa kalye mo sila. Ano ang mga susunod na mangyayari? 72. Sumulat tungkol sa isang tanyag na tao at kung bakit mo siya hinahangaan. 73. Sumulat ng isang talumpating nagsasabi sa buong paaralan kung bakit dapat kang maging isang lider ng mga mag-aaral. 74. Kung makakabisita ako sa ibang planeta pupunta ako sa… 75. Ikaw ang guro sa araw na ito. Ano ang gagawin mo sa iyong aralin? 76. Kung maaari kang mag-time travel, pupunta ka ba sa nakaraan o sa hinaharap? Ipaliwanag kung bakit. 77. Kung mayroon akong isang trabaho sa mundo, ito ay… 78. Sumulat ng isang liham sa isang nakababatang kapatid, na nagsasabi ng tungkol sa lahat ng kailangan niyang malaman sa pagiging Grade 4. 79. Hinuhukay mo ang pinakamalalim na butas sa mundo. Ano ang meron sa ilalim? 80. Nakahihinga ka sa ilalim ng tubig at nakalalangoy tulad ng isang isda. Ano ang gagawin mo sa iyong bagong kakayahan? 81. Umakyat ka sa tuktok ng pinakamataas na puno sa iyong kapitbahayan. Ano ang nakikita mong hindi mo nakikita mula sa ibaba? 82. Sumulat tungkol sa pinakamagandang regalong natanggap mo. Ipaliwanag kung bakit. 83. Sumulat tungkol sa nawawalang siyudad (lugar). 84. Ilarawan kung anong mga katangian ang hinahanap mo sa isang kaibigan. 85. Makapasok ka sa mga pahina ng iyong paboritong libro. Ano ang mga mangyayari kapag sumali ka sa kuwento? 86. Inaayos mo ang engrandeng kaarawan para sa isang kaibigan. Ano ang plano mo para sa kaniya? 87. Sino-sino ang nakatira sa mga ulap at ano ang ginagawa nila roon? 88. Sumulat tungkol sa isang miyembro ng pamilya na may isang nakawiwiling kuwento. 89. Kaya mong palitan ang uniporme sa paaralan. Ano ang isusuot mo, na gagayahin ng lahat at bakit? 90. Maaari kang pumili ng isang bagong paksa o isport na ituturo sa paaralan. Ano ang pipiliin mo at bakit? 91. May itinatagong lihim at mahiwagang kasaysayan ang inyong bahay. Sumulat ng isang kuwento tungkol sa kung ano ang nangyari bago ka manirahan doon. 92. Kung makakakain lang ako ng isang pagkain mula ngayon, ito ay _______ dahil… 93. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang isang nakakainip na araw ay naging isang masaya at nakatutuwang paglalakbay o pakikipagsapalaran. 94. Nagsimula ito bilang isang ordinaryong araw lamang, ngunit pagkatapos… 95. Ano ang itinuro sa iyo ng isang taong hindi mo makalilimutan? 96. Kung may kakayahan akong mapanatili ang buhay ng anumang hayop bilang alaga, pipiliin ko ang ________ dahil… 97. Nakasalubong mo ang kapitbahay mong matagal nang patay. Masaya ka niyang binati. 98. Kung may naimbento ka, ano ito? 99. Sumulat ng isang kuwento kung saan ang pangunahing tauhan ay nagtatago ng isang malaking lihim. 100.Ano ang pinakapaborito mong araw? Bakit? Ang mga nabanggit ay mula sa mga ideya ni Jackson Best. Take the 100-days Writing Challenge now! Happy writing!

Ang mga Insekto ni Pekto

Mahilig si Pekto sa mga insekto. Umaga't hapon, kahit gabi, siya'y hindi mapakali hanggang hindi nakahuhuli. Tuwing umaga, ang mga tipaklong, salagubang, at paruparo ang kaniyang kalaro. Kapag nakahuhuli si Pekto ng tipaklong, sinisilip-silip niya iyon sa mga pinagtaklob niyang palad. Masaya niyang pagmamasdan iyon hanggang sa makawala at makalipad. Kapag nakahuhuli si Pekto ng salagubang, nilalagyan niya iyon ng tali sa may pakpak. Iikot-ikot niya iyon hanggang ang insekto'y makalipad. Tiyak niyang hindi iyon makatatakas. Kapag nakahuhuli naman si Pekto ng paruparo, agad niya iyong pinakakawalan. Nasisiyahan lamang siyang makipaghabulan. Tuwing hapon, ang paghuli ng tutubi, uwang, at kuliglig ang kaniyang hilig. Kapag nakahuhuli si Pekto ng tutubi, nilalagyan niya iyon ng kapang papel, na parang si Captain Barbell. Saka niya aalamin kung ang tutubi ba ay totoong may pangil. Kapag nakahuhuli si Pekto ng uwang, ingat na ingat siyang hawakan. Sungay niyon ay talagang katatakutan. Kaya, madalas agad niyang pinakakawalan. Kapag nakahuhuli naman si Pekto ng kuliglig, wala siyang ibang marinig. Iyon ay talagang nakatutulig. Kapag pinipindot niya, lalong lumalakas ang tinig. Tuwing gabi, paghahanap ng mga alitaptap o gagamba ang kaniyang pinagkakaabalahan. Minsan, kahit gamugamo at langgam ay hindi niya inaayawan. Kapag nakahuhuli si Pekto ng alitaptap, nilalagay niya iyon sa garapon. Aliw na aliw siya sa kumikislap-kislap na ilaw niyon. Kapag nakahuhuli si Pekto ng gagamba, sa kahon ng posporo ay nilalagay niya muna. Kinabukasan, ibinibida niya sa mga kalaro niya. Ang tanging hindi niya hinuhuli ay mga higad na makakati. Hindi rin niya mahawakan ang mandadangkal, na parang nagdarasal. Tinatanong na lamang niya iyon. "Saan ang langit?" At hahayaan na niya iyon, bago pa magalit. "Anak, tama na ang paglaro ng mga insekto," sabi ng nanay ni Pekto. "Bakit po?" Napakamot si Pekto sa ulo. "Kawawa naman sila. Nasasaktan o kaya ay napipirat mo yata." "Hindi po, Mama. Gustong-gusto ko lang po silang mahawakan at makalaro pa. Hindi ko po sila sinasaktan. Lahat po ng nahuhili ko, pinakakawalan ko naman." "Mabuti kong ganoon, Pekto. At alam mo rin sana ang halaga nila sa buhay ng mga tao." "Opo, Mama. Nakatutulong po sila. Kay ganda po nilang pagmasdan sa ating kapaligiran." "Tama ka. Ang galing mo talaga! O, halika na, ika'y magmeryenda." "Ano po ang meryenda?" "Tsitsarong uod na isasawsaw sa suka." Nagulat at napaurong si Pekto. "Totoo po?" Tumawa muna ang ina. "Biro lang. Sige na, maghugas ng kamay ka muna." Habang nilalantakan ni Pekto ang nilagang kamote, iniisip naman niya kung paano siya manghuhuli ng bulate at butete.

Handa Kami

"Papa, totoo po bang may parating na bagyo?” tanong ko. "Oo, Kurt, kaya maghanda na kayo," sabi ni Papa. Hinanap ko kaagad ang mga ate ko. "Ate Princess, Ate Britney, maghanda tayo para sa paparating na bagyo," sabi ko. "Pero paano?" tanong ni Ate Princess. "Ayaw ko! Naglalaro tayo ng mga manika. Normal at natural na pangyayari lang naman ang bagyo. Dalawampu o mahigit na beses bumabagyo sa isang taon," paliwanag ni Ate Britney. "Pero iba ang parating na bagyo. Sabi sa balita, mas malakas ito kaysa sa mga naunang bagyo. Kaya, mas mabuting maghanda tayo," sabi ko. "Ate, tama siya. Dapat maghanda tayo," sabi ni Ate Princess kay Ate Britney. "Nakita ko rin sa tv ang mga pinsalang ginawa ng bagyong Yolanda. Maaaring mangyari sa atin kung hindi tayo maghanda.” Sandaling nag-isip si Ate Britney, saka tumayo. "Kayong dalawa, pareho kayong kakaiba! Hindi ako tutulong sa inyo. Maglaro na lang ako kaysa sumali sa inyo." Pagkatapos, iniwan na niya kami. Bumaba kami ni Ate Princess at pinag-usapan ang tungkol sa paghahanda. Lumipas ang sampung minuto, napagsama-sama na namin ang bagay na kailangan para sa gagawin naming emergency kit. Naihanda namin ang flashlight, posporo, lighter, kandila, bottled water, mga de-lata, biscuits at crackers, first aid kit, lubid, Swiss knife, compass, at marami pang iba. Inilagay namin ang lahat ng iyon sa isang plastic box na may masikip na takip. Pagkatapos, bumalik kami sa itaas upang makuha ang aming mahahalagang papel at dokumento, tulad ng mga sertipiko ng kapanganakan. Nagulat kami ni Ate Princess nang makita namin si Ate Britney na inaayos ang aming mahahalagang dokumento. Ngumiti siya sa amin. "Tinutulungan ko na kayo. Pinagalitan kasi ako ni Lola Carmen. Tama kayo... Pasensya na," sabi ni Ate Britney. "Ayos lang, Ate Britney!" sabi ko. Tatlo na kaming nagplano ng mga susunod na hakbang. Maya-maya, tinulungan namin si Papa sa paghahanda ng paligid ng aming bahay. Habang pinuputol niya ang ilang mga sanga ng puno, kinokolekta naman namin ang mga iyon. Tumulong din kami sa pag-aayos ng mga sirang bintana at iba pang bahagi ng aming bahay. Sinuri din niya ang koneksyon sa kuryente. Pagkatapos, nagsaing at nagluto kami ng adobo. Dinoble namin ang karaniwang dami ng mga iyon upang hindi kami magutom kapag magtagal ang bagyo. Tumawag si Mama mula Hong Kong upang kumustahin kami. "Handa na talaga kami," sabi ni Papa. "Ang lahat ng ito ay dahil kay Kurt, na laging handa. Boy scout talaga! Hinikayat niya kaming maghanda. "Wow! Ang galing naman ni Kurt! Nakakatuwa! Masayang-masaya ako kahit hindi ko kayo kasama ngayon. Panalangin ko palagi ang inyong kaligtasan. At huwag niyo ring kalimutang magdasal," sabi ni Mama. "Opo, Mama!" sabay-sabay naming sagot. "Ingat din po, Mama!" sabi ko. Salamat, pagpalain kayo ng Diyos!” sabi ni Mama bago siya nagpaalam. Habang rumaragasa ang bagyo, nananalangin kami na sana’y walang sinoman ang mapahamak. Nakaragdag sa takot sa amin ang tila sumisipol na hangin. Hinahampas nito ang mga sanga ng puno ng caimito. Parang pinasasayaw rin nito ang aming bahay. Nagpatuloy ang matinding ulan. "Diyos ko!" bulalas ni Ate Princess. "Tingnan ninyo, baha na sa labas." Sumilip ako sa bintana. Nakita ko ang dahan-dahang pagtaas ng tubig. "Naku, paano kung umabot sa bahay natin?" tanong ako. "Huwag kang mag-alala. Ligtas tayo rito," sabi ni Ate Britney. Makalipas ang ilang minuto, napasigaw kami nang nawala ng kuryente. "Papa! Papa!" sigaw ni Ate Princess. "Ate, huwag kang magpa-panic. Nandito kami." sabi ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya. "Nasa baba si Papa." Lumapit din si Ate Britney kay Ate Princess. "Puntahan natin si Lola Carmen," sabi niya. Nakaramdam kami ng kaligtasan nang magkasasama kami, pero lalong lumakas ang hangin. Talagang nakakatakot! Madalas kaming sumisigaw sa tuwing may maririnig kaming ingay sa bubongan. Natatakot kaming mawala o baka liparin ang mga yero. "Huwag kayong mag-alala. Ligtas tayo kasi nagdasal tayo sa Diyos na protektahan tayo," sabi ni Lola Carmen. "Opo, totoo po ‘yan, Lola," sabi ko. "At saka, naghanda po kami." Niyakap ako ni Lola Carmen.

Mga Sintomas ng Myoma

Ate, halika. Sandali lang ‘to. Usap tayo. Huwag mamaya na. Alam mo ba ang Myoma? Naku! Tamang-tama. Marami kang dapat malaman tungkol sa Myoma. Ang Myoma (Uterine fibroid) ay mga bukol-bukol na lumilitaw sa matris ng babae, partikular na habang nasa panahon ng mga taon na maaari silang magdalangtao. Hindi man ito malignant o cancerous, delikado pa rin ito sapagkat isa itong solid tumor na binubuo ng fibrous tissue kaya madalas din itong tinatawag na fibroid tumor. Kadalasang mabagal ang paglaki ng myoma dahil iba-iba ang laki at bilang nito,kaya hindi agad nagkakaroon ng sintomas ang babaeng meron nito. At sinumang babae na may myoma, ngunit walang sintomas na nararamdaman ay hindi kailangan ng gamutan. Pero, ano-ano nga ba ang sintomas ng myoma? May myoma ang isang babae kung marami at matagal ang kaniyang pagreregla, nananakit ang balakang niya, tumataas ang timbang at abnormal ang paglaki ng kaniyang tiyan, may pressure siyang nararamdaman kapag umiihi at dumudumi, nananakit ang likod ng mga binti niya, nakakaranas siya ng sakit kapag nakikipagtalik, at kapag paulit-ulit na pagkalaglag ng kaniyang dinadala. Alinman sa mga nabanggit na sintomas ay dapat nang isangguni sa doktor. Ano naman ang sanhi ng Myoma? Ayon sa mga eksperto, hindi pa natutukoy ang eksaktong sanhi ng myoma, pero madalas nagkakaroon ng myoma ang mga babaeng nasa reproductive age o puwede pang mabuntis. Ang babae ay nagkakaroon lamang ng myoma kapag nagsimula nang maglabas ng estrogen ang katawan nito. Ang estrogen ay ang sex hormones ng mga babae. Dahil naglalabas ng extra estrogen ang mga buntis sa katawan nila, mabilis na lumalaki ang myoma nila. Sa panahon naman ng menopause ng isang babae, tumitigil na sa paglaki ang myoma dahil sa kawalan ng estrogen. Hindi tumitigil ang mga eksperto sa pagsasaliksik ukol sa sanhi ng myoma. Kahit kakaunti pa lamang ang sayantipikong ebidensiya kung paano maiiwasan ang mayoma, subalit malaki ang magagawa ng bawat babae sa kaniyang reproductive health. Girl, mahalaga sa kalusugan ng matris ang magandang sirkulasyon ng dugo, maayos na paggana ng mga nerves, at tamang balanse ng mga nutrients at minerals. Kaya, ugaliing sumailalim sa mga karaniwang pagsusuri para sa kalusugan ng kababaihan tulad ng Pap Smear. Magpabakuna laban sa mga karaniwang sakit ng mga kababaihan. Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng isda, mani, gulay, at prutas na mataas sa Omega-3, mabuting kolesterol, bitamina, at mineral. Inirerekomenda ko ang First Vita Plus Natural Health Drink, may sangkap itong tumutulong sa pagpapanatili ng reproductive health. Makatutulong din ang Herbal Blessings Virginity Soap. Pananatilihin nitong malinis at bacteria-free ang feminine area. Kaya, Ate… huwag mamaya na. Lunasan agad ang Myoma.

Stroke: Silent Killer

Alam mo bang ang pinakatraydor na kalaban ng tao, ay hindi ang kapitbahay na tsismosa, kundi ang stroke? Tara! Pag-usapan natin ang buhay ng kapitbahay mo, este ang stroke. Ang stroke o brain attack ay nangyayari kapag natigil ang daloy ng dugo sa utak ng isang tao. Kaagad na namamatay ang mga cells ng utak na nawalan ng daloy ng dugo kapag na-stroke ang tao. Ang ating dugo ang nagbibigay ng oxygen at nutrients na kailangan ng utak upang ito ay mabuhay at magampanan ang kanilang tungkulin sa ating katawan, subalit kung matigil ang maayos na daloy nito, nanganganib din ang buhay natin. May tatlong uri ang stroke -- Ischemic stroke, Hemorrhagic stroke, at Transient Ischemic Attack (TIA). Ang Ischemic stroke ay bunga ng pamumuo ng dugo, na bumabara sa mga ugat papunta sa utak ng isang tao. Ang baradong ugat na dulot ng namuong dugo ay ang dahilan ng pagkawala ng daloy ng dugo sa utak. Halos 80% ng mga kaso ng stroke ay sanhi ng ischemic stroke. Ang Hemorrhagic stroke ay dulot ng pumutok o nasirang ugat sa utak. Nagdudulot ng sobrang pressure sa mga brain cells ang pagputok, kaya nasisira at namamatay ng mga ugat. Karaniwang sanhi nito ay high blood at aneurysm o ang paglobo ng parte ng mga ugat. Ang Transient Ischemic Attack (TIA) ay tinatawag ding mini-stroke. Ito ay pandaliang pagkawala ng daloy ng dugo sa utak. Kadalasan, tumatagal lang ito ng limang minuto o mas mabilis pa, kaya hindi ganoon kalala ang pagkasira at pagkamatay ng mga brain cells. Gayunpaman, itinuturing pa rin itong isang senyales ng major stroke sa hinaharap. Madali lang malaman ang mga sintomas ng stroke. Kung namamanhid ang mukha, nanghihina ng mga balikat at kamay, nahihirapang magsalita, nahihirapang maglakad o ibalanse ang katawan, nanlalabo ang mga mata, at nakaramdam ng biglaan at matinding sakit ng ulo, inaatake na siya ng stroke. Kailangan na niya ng medikal na atensiyon dahil maaari niyang maranasan ang mga sumusunod na epekto nito. Ang pasyenteng nakaranas ng stroke ay maaaring maparalisa ang kaniyang katawan, mahirapan sa pag-iisip, magkaproblema sa pagsasalita o mautal, magkaroon ng problema sa emosyon, at makaranas ng sakit at pamamanhid sa katawan. Mahirap ma-stroke, kaya dapat itong iwasan. Sabi nga, prevention is better than cure. Habang maaga pa, kontrolin na ang blood pressure. Iwasan ang paninigarilyo. Kung may maintenance na, inumin nang tama ang mga gamot para sa sakit sa puso at diabetes. Iwasan ang matatabang pagkain lalo na ang mataas sa saturated fats. Kumain ng mga masustansyang pagkain katulad ng gulay at prutas. Uminom ng First Vita Plus Fruits and Veggies with Mangosteen, lalo na kung hindi sapat ang nakakaing gulay at prutas. Makatutulong ito sa mabilis na pag-recover ng stroke patient. Bago mo pa itanong, sasagutin ko na kung paano nakatutulong ang First Vita Plus sa mayroong stroke. Ang dahon ng sili, na isa sa sa mga sangkap ng First Vita Plus ay siyang bumabasag sa mga namumuong dugo, nag-aalis ng mga baradong ugat ng katawan, nagpapaganda ng daloy ng dugo sa ating katawan, at tumutulong upang bumaba ang blood pressure ng taong may high blood, na kadalasang sanhi ng pagkakaroon ng stroke. Hindi ito tsismis, ha! It’s a fact! Pak na pak ang kalusugan mo kung babaguhin mo ang lifestyle mo. Isama mo na rin sa pagbabago ang First Vita Plus. Tandaan, ang stroke ay tinatawag na silent killer. Bago mo pa ito maranasan, depensahan mo ang iyong katawan.

Ovarian Cyst: Mga Uri, Sintomas, Epekto, at Home Remedies

Girl, panahon na para malaman mo ang mga ito. Open-minded ka bang pag-usapan ang ovary mo? It’s good! Alam mo bang maraming babae ang may ovarian cysts? Oo, ikaw… Baka meron ka rin. At kadalasan, walang ipinakikitang sintomas. Huwag kang matakot dahil kadalasan ay kusa ring nawawala sa loob ng ilang buwan kahit hindi ginamot. Ang mga ganitong kaso ng ovarian cysts ay nagpapakita lamang ng kaunting pagbabago at hindi nakapipinsala sa katawan. Subalit, take note… may exception… Kapag ang ovarian cysts ay pumutok, magdudulot ito ng malaking pinsala. Kaya nga, mahalagang malaman mo ang tungkol dito. Handa ka na ba? Ikaw! Oo… Ikaw rin, pare. Makinig ka dahil bahagi ka ng kababaihan. Ang mga ovarian cysts ay mga parang bulsa (sac) na puno ng likido. Lumalaki ang mga ito sa loob o sa itaas ng isang o parehong ovary. Mahalaga ang mga ovary ng babae. Ito ay matatagpuan sa pelvis. Ang isang ovary ay nasa bawat panig ng matris. Gumagawa ito ng mga itlog at mga babaeng hormone-- estrogen at progesterone. Ito rin ang pangunahing mapagkukunan ng mga babaeng hormone, na kumokontrol sa seksuwal na pag-unlad ng dibdib, hugis ng katawan, at buhok ng katawan. Kinokontrol din ng mga ovary ang menstrual cycle at pagbubuntis. Ang ovulation ay may kinalaman sa pagkakaroon ng ovarian cysts. Ang ovulation ay ang pag-rerelease ng eggs patungo sa fallopian tube. Nagagganap ito 13 hanggang 15 araw bago ang pagreregla (menstruation). Katulad ng pagreregla, ang ovulation ay isang siklo (cycle), kaya kapag hindi ito naganap o pumaltos ito, malamang may problema sa reproductive system. Upang mas maunawaan mo kung paano nagiging ovarian cysts ang pagkakaroon ng paltos sa ovulation, kilalanin natin ang ilang bahagi ng ovary. Ang eggs ay nakatira ay nakatira sa ovaries. Ang bawat egg ay nababalutan ng sac, na tinatawag na follicle. Kailangan ng mga follicles na ma-develop nang husto upang makapag-release ng mga eggs. Malaking papel ang gagampanan ng bawat babae sa parteng ito—unang-una na ang pagpapanatili ng kalusugan. May iba’t ibang kaso ng pagkakabuo ng cysts sa ovary. Una, kapag ang isang follicle ay hindi naglalabas ng isang itlog sa panahon ng obulasyon, at sa halip ito ay patuloy na nagpupuno ng likido sa loob ng obaryo. Ito ang tinatawag na follicular cyst. Pangalawa, kapag ang corpus luteum ay napupuno ng tubig at dugo dahil hindi nailalabas. Ito ang tinatawag na corpus luteum cyst. Ang corpus luteum ay nababalot din ng follicle. Ito ang nagkakanlong sa matured egg, na ready for conception. Ang corpus luteum cyst ay maaaring maging masakit at maging sanhi ng pagdurugo at matatawag na ito bilang isang hemorrhagic cyst. Ang dalawang nabanggit na kaso ng ovarian cysts ay mga tinatawag na functional ovarian cysts. Mayroon pang tinatawag na complicated ovarian cyst. Ito ay maaaring nauugnay sa endometriosis, polycystic ovarian syndrome (POS) at iba pang mga kondisyon. Ang hate na hate ng mga babae—ang dysmenorrhea o pananakit sa may bahagi ng sikmura at pelvis tuwing nireregla ay maaaring sanhi ng kondisyong tinatawag na endometriosis. Ang Endometriosis ay isang pangkaraniwang karamdaman kung saan ang lining ng matris (endometrium) ay lumalaki sa labas ng matris at papunta sa mga ovary, fallopian tubes, at iba pang mga lugar ng reproductive tract. Ito ay nagdudulot ng matinding sakit at kung minsan ay sanhi ng infertility. Merong subgroup ang endometriosis—ang Chocolate ovarian cysts. Ito ay mga noncancerous cysts. Likido ito na karaniwang nabubuo sa kailaliman ng ovary. Tinawag ito sa ganitong pangalan sapagkat ito dahil sa kulay at pagkakahawig nito sa natunaw na tsokolate. Kilala rin ito bilang ovarian endometriomas. Ito ay maaaring nagdudulot sa ilang babae ng menstrual cramps, pelvic pain, irregular periods, pain during sex, at infertility. Kapag sumabog ito, makararamdam ng biglaang sakit sa sikmura, kung saan malapit ang nabuong cyst. At nangangahulugan ito ng medical emergency. Ang Polycsytic ovary syndrome (PCOS) ay isang hormonal disorder kung saan nagkakaroon ang babae ng mga maliliit na cyst sa obaryo. Naglalaman ito ng mga immature egg cells, na hindi kayang magproseso ng obulasyon. Bumababa ang lebel ng female hormones (estrogen at progesterone) at tumataas ang lebel ng male hormones (androgen.) Dahil hindi balanse ang hormones kaya nagdadala ito ng iba’t ibang sintomas at epekto sa katawan. Ang Mucinous Cystadenomas naman ay isa ring uri ng noncancerous ovarian cysts, na nabubuo mula sa cells, na bumabalot sa panlabas na bahagi ng ovary. Ang iba ay puno ng makapal at mala-laway na substance at ang iba ay mala-tubig na likido. Ang ovarian cysts ay makikitaan ng mga sintomas. Mahalagang malaman ito ng bawat isa. Maaaring may ovarian cyst ang babae kapag may kasaysayan siya ng nakaraang mga ovarian cysts, kapag hindi regular ang pagreregla, kapag namamayat siya o labis ang katabaan niya, kapag may polycystic ovarian syndrome o endometriosis siya, kapag maaga siyang niregla (11 taon o mas bata pa), kapag may hyperthyroidism siya, at kapag nasa Tamoxifen therapy siya para sa kanser sa suso. Maraming kaso ng ovarian cysts ang hindi nagpapakita ng mga sintomas, subalit kung maganap ang mga sumusunod na palatandaan, kailangan nang kumonsulta sa doktor. Nakararamdam siya sakit sa panahon ng pakikipagtalik o regla. Nagsusuka at nakararanas ng hindi pangkaraniwang pagdurugo. Patuloy na nadaragdagan ang timbang. Palaging may laman ang pantog. Sumasakit ang dibdib, pelvic region, lower back, o mga hita. Ang mga ito ay nangangailangan ng agarang atensiyong medikal. Anomang uri ng ovarian cysts, mahalaga ang pagkonsulta sa espesyalista. Gayunpaman, may mga home remedies na maaaring makatulong upang mabawasan o mawala ang sakit at malunasan ang mga sintomas nito. Maaaring uminom ng mga gamot na mabibili over-the-counter, gaya ng ibuprofen bilang pain reliever. Kapag hindi matanggal ang sakit, oras na upang sumangguni sa doktor. Maaari niyang irekomenda ang co-codamol, na naglalaman ng codeine. Ang codeine ay gamot na analgesic at nakakapagpaantok. Makatutulong din ang pagmamasahe sa ibabang bahagi ng likod, hita, tiyan o sikmura, at puwitan. Sa mga bahaging kasi ito nagmumula ang sakit na dulot ng ovarian cysts. Ang pag-iinat-inat at pag-eehersisyo ay mabibisa ring lunas upang mabawasan o matanggal ang sakit na dulot ng ovarian cysts. Ang ibang mga babae ay nakararamdam ng ginhawa kapag tumatakbo. Ang iba naman ay kapag nagyo-yoga. Ang pag-aapply ng heating pad sa katawan ay ginagawa rin ng ibang babae. Ang init ay tumutulong sa maayos na pagdaloy ng dugo, kaya maaari nitong matanggal ang sakit. Kung walang heating pad, maaaring gumamit ng bote na nilagyan ng mainit na tubig (ayon sa kakayahan) at binalot sa tela. Ipagulong-gulong ito sa tiyan o sikmura o sa ibabang bahagi ng likod. Ulit-ulitin ito. Mag-relax. Ang stress at anxiety ay nagpapalala ng sakit, kaya mainam ang pag-rerelax, meditation, yoga, o deep breathing. Malulunasan na nito ang sakit, maaari pang matanggal ang nararamdamang stress at anxiety. At hindi lang iyon, mayroon din itong pangmatagalang epekto sa kalusugan. Ang pagbabawas ng timbang ay maaari ding maging sagot. Kapag ang isang babae ay overweight, nahihirapan ang sistema ng katawan na i-regulate ang mga hormones, kaya nauuwi sa pagkabuo ng cysts. Panatilihin ang balanseng nutrisyon. Kumain ng sapat at masusustansiyang pagkain at uminom ng sapat na dami ng tubig. Isama na rin sa diet ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink Melon o kahit anong variant nito dahil pananatilihin nitong malakas ang immune system. Ang 5 Power Herbs nito ay siyang tutulong sa pagtunaw ng cysts at pag-ayos ng reproductive system. Mga Bro and Sis, ang ovarian cyst ay sisiw na kondisyon sa katawan. Aagapan lamang ito upang hindi maging cancerous o kaya ay pumutok at hindi magdulot ng seryosong sintomas at komplikasyon. Regular na kumuha ng pelvic exams, mga sissy, upang sa huli ay hindi magsisi.

Kidney Stones: Sintomas, Epekto, Lunas, at iba pa

Ang kidney stone ay ang koleksyon ng asin at minerals, dalawa na rito ang calcium o uric acid. Nabubuo ang mga ito kapag ang mga asin at minerals ay naiipon sa iyong pag-ihi. Kapag ang mga batong ito ay naipon sa iyong kidney, malaki ang posibilidad na mapunta ito sa ibang parte ng urinary tract. Kapag ang kidney stone ay hindi nagagamot agad, maaari itong bumara sa uterus, magdulot ng sepsis, o humantong sa kamatayan. Upang matukoy ang kidney stones, dapat alam mo ang mga sintomas nito. May kidney stones ka kung may pagbabago sa iyong pag-ihi. Dumadalas o dumaraming beses ng pag-ihi mo lalo na sa gabi. Nagiging madilaw na ang ihi mo. Ang iba naman, dumadalang at kumukonti ang pag-ihi. Ang pakiramdam ay ihing-ihi ka na, pero wala namang lumalabas. May kidney stones ka kung ramdam mo ang sakit ng pantog, likod, at tagiliran. Masakit ang pantog mo kapag umiihi. Tumatagos din sa likuran mo hanggang sa singit mo ang nararamdamang sakit kapag umiihi ka. May kidney stones ka kung may urinary tract infection (UTI) ka. Nagiging sanhi ng lagnat at pananakit ng likod ang UTI dahil sa pagkalat ng infection. May kidney stones ka kung may dugo sa ihi mo. Nakakaalarma na ito, kaya kailangan mo nang magpasuri sa espesyalista. Siguradong may problema ang kidney mo. May kidney stones ka kung nagkakaroon ka ng manas. Lalo na kung hindi ka naman buntis, mangamba ka na. Senyales ito ng kidney stones. Ang kidney ay siyang naglilinis ng mga toxins o sobrang tubig at asin sa katawan, pero dahil hindi na ito nagawa nang maayos, nagkakaroon ka ng manas. May kidney stones ka kung nanghihina at nanlalambot ka. Ang kidney ay gumagawa ng erythropoietin. Ito ay hormone na tumutulong sa red blood cells upang magdala ng oxygen sa katawan. Kapag hindi ito gumana, magiging anemic ang tao dahil kulang ang nadadalang oxygen sa cells at dahilan ng panghihina. May kidney stones ka kung nahihilo at hindi ka nakakapagpokus. Ang kondisyong ito ay sanhi ng anemia, kidney problem, at kakulangan sa oxygen sa utak. Para kang nakalutang sa hangin. May kidney stones ka kung palagi kang giniginaw. Kung nagtataka ka kung bakit ka nilalamig at may lagnat ka, kahit mainit naman, anemic ka, na sanhi naman ng impeksyon sa kidney. May kidney stones ka kung may skin rashes at nangangati ka. Dahil sa kidney stones, nakakaipon ka ng mga dumi sa katawan, na siyang dahilan ng mga skin rashes at pangangati. May kidney stones ka kung mabaho ang hininga at masama ang panlasa mo. Dahil sa uremia, apektado ang waste product accumulation ng iyong katawan, katawan bumabaho ang hininga at nag-iiba ang panlasa. Ang uremia ay ang tinatawag na ‘urine in the blood.’ May kidney stones ka kung nagsusuka ka. Dahil sa mga naipong toxins katawan, may tendency na isuka mo ang mga iyon. May kidney stones ka kung kinakapos ka ng hininga. Nangyayari ito dahil kulang ka sa oxygen, sanhi ng anemia mo. Kung magiging malala pa ang kondisyong ito, mas darami pa ang sintomas nito at maaaring magdulot ng komplikasyon. Lunasan mo na agad ito. Sabi nga, “Prevention is cheaper than cure.” Kaya, take First Vita Plus Natural Health Drink araw-araw upang makatulong sa pagpapalakas ng iyong immune system.

Hives Ka!

Madalas ka bang mangati at mamantal? Naku, may hives ka. Sounds like mayaman, pero allergy lang iyan. Kung mayaman ka, allergy. Kung mahirap ka, galis. Biro lang. Seriously, maraming uri ang allergy. Ang isang uri nito ay ang Urticaria. Marami rin ang dahilan ng pamamantal sa katawan. Iba-iba ang kahulugan ng mga ito, kaya upang makasiguro ka kung anong gamot o paano ito lulunasan, mahalagang malaman mo ang tungkol dito. Ang Hives ay kilala rin bilang Urticaria sa Ingles at Tagulabay sa Tagalog. Ito ay makakati at mapupulang pantal sa balat na kung minsan, ay pinapalitaw ng allergen. Hindi pare-pareho ang laki at hugis ng pantal sa balat. Kung tutuusin, ang pantal ay pangkaraniwang sakit lamang. Ang hives ay pangkaraniwang sakit lamang dahil itinuturing lang ng iba na rashes lang ang mga ito. Ang iba nga, hinahayaan lamang nila kapag may nakitang pantal. Subalit, ang totoo, ito ay isang sintomas ng isang sakit sa balat, na dulot ng bacteria, virus, o fungi. Para sa mga taong may alipunga, eksema, o iba pang sakit sa balat, normal lamang na may lumitaw na mga pantal. Subalit, kung ang pagpapantal ay tumagal nang ilang araw at hindi malaman ang sanhi niyon, kailangan na ang tulong ng espesyalista. Uulitin ko… Marami ang sanhi ng pagpapantal. Iba-iba rin ang mga sintomas na maaaring maranasan, kaya mahalagang malaman muna ang mga dahilan ng pagkakaroon ng pantal, saka malalaman ang mga sintomas at maaaring gamot. Ang pantal ay maaaring dulot ng pagsusuot ng damit na gawa sa seda. May mga tao ring nagpapantal kapag nakadikit ang balat sa grasa o sa langis. Ang pagpapantal ay maaari ding reaksiyon ng ilang mga gamot na iniinom. Mayroon din namang nakararanas ng pagpapantal kapag gumamit ng matapang na sabon at iba pang pampahid sa balat. O baka naman nasobrahan lang sa pagkamot. Minsan naman, ang pantal sa balat ay sanhi ng stress. At ang karaniwang nangyayari sa mga bata o sanggol, ay pantal dahil sa diaper. Ang hives o urticaria ay nauuri sa tatlo—acute urticaria, chronic urticaria, at physical urticaria. Ang Acute Urticaria ay ang mga pantal na tumatagal nang halos anim na linggo. Ang karaniwang sanhi nito ay mga pagkain, gamot, kagat ng insekto, at impeksiyon. Ang Chronic Urticaria ay ang mga pantal na tumatagal nang mahigit anim na linggo. Ang sintomas nito ay mas mahirap malaman kaysa sa Acute Urticaria. May mga kaso naman nito na ang sanhi ay thyroid disease, hepatitis, infection, at cancer. Kaya naman, maaari nitong maapektuhan ang mga baga, kalamnan, at gastrointestinal tract. Malalaman ang ganitong uri ng urticaria kapag kinakapos na ng hininga, sumasakit ang mga kalamnan, nagsusuka, at nagtatae. Ang Physical Urticaria ay ang mga pantal na dahilan ng exposure sa sikat ng araw, lamig, init, at vibration, pressure, pawis, at labis na pagpapawis o pag-eehersisyo. Ang mga pantal ay lumalabas sa balat kung saan ito na-expose sa mga irritants pagkatapos ng isang oras. Ang Dermatographism ay karaniwang uri ng physical urticaria, kung saan ang mga pantal ay lumalabas dahil sa pagkamot sa balat. Nangyayari din ito kasabay ng iba pang uri ng urticaria. Nagagamot naman ang mga pantal. Kung regular na ang pag-inom ng antihistamine o kung dati nang may reseta nito, gawin ito palagi o kapag umaatake. Ang ointment na nabibili over-the-counter ay kadalasang ginagamit na panggamot. May mga mabisang natural na panggamot din, lalo na sa pangkaraniwang sakit sa balat lamang, gaya ng langis ng niyog (coconut oil), baking soda, sabila (aloe vera), pinulbong luya (turmeric), o green tea. Sa paggamit ng langis ng niyog, dahan-dahan itong ipahid sa mga apektadong bahagi ng balat. Iwanan ito sa loob ng ilang oras. At ulitin ang proseso nang dalawang (2) beses bawat araw hanggang tuluyang mawala ang mga pantal. Ang baking soda ay may alkaline, kaya nakapagpapaginhawa ito sa balat at nakapagbabawas ng iritasyon at pangangati kapag ipinahid sa mga pantal. Nakararamdam din ng paglambot ng balat pagkatapos maglagay nito sa balat. Ang taglay na gel ng sabila ang siyang nagpapabilis ng healing process ng pantal. Ito ay may moisturizing element. Kinokontra rin nito ang pamumula ng balat. Mabisa itong pangtanggal ng pantal. Ang turmeric ay may curbumin. Ito ay mahalagang bioactive component nito na siyang pumipigil sa pamumula. Ito ay nagtataglay ng antioxidant at anthihistamine properties, na siyang mabibisa at natural na remedyo para sa pantal. Ang mga polyphenols sa green tea ay nakakapagpabawas ng pamamaga, na siyang sanhi ng pamamantal. Ito ay nagtataglay rin ng antihistamine at antioxidant properties, na nagpapagaling ng pantal at pangangati. I highly recommend din ang First Vita Plus Natural Health Drink Melon o kahit na anong variant. May mga bitamina at mineral kasi ito na nagpapalakas ng immune system. Kapag malakas ang resistansiya, mahihirapan ang hives na kumapit sa katawan. May mga gumagamit din ng lotion bilang panglunas sa hives. Pero, tandaang hindi lahat ng lotion ay nakapagpapagaling ng pantal. Piliin ang calamine lotion dahil meron itong protectant at astringent, na siyang mga sangkap na nakapagpapabawas ng pangangati. Habang hinihintay na maglaho ang mga pantal pagkatapos isagawa ang mga natural na remedyo, maaari ding gawin ang mga sumusunod: (1) mag-apply ng cold compress sa apektadong balat, (2) subukang gumawa o matulog sa malamig na lugar o kuwarto, (3) at magsuot ng maluwag at magaang damit. Ilan lamang ang mga ito sa maaaring puwedeng gamitin para maibsan hanggang sa tuluyan ang mawala ang mga pantal sa balat. Bagama’t normal na lamang ang pagsulpot ng pantal sa balat, hindi naman ito dapat ipagwalang-bahala. Kapag nagkaroon na ng ganito sa balat, kumalat na at iba na ang pakiramdam, mainam na kumonsulta na sa doktor. Huwag munang gagamit o iinom basta-basta ng gamot sa pantal hangga’t hindi nasusuri ng doktor kung anong klase ng pantal mayroon ka. Kapag nahihilo, hinihingal, nahihirapang huminga, sumisikip ang dibdib, at namamaga ang dila, labi, o mukha, tumakbo na agad sa pinakamalapit na doktor. Kung may hives ka, don’t hide. Lunasan mo agad ito. Isipin mo na lang na mayaman ka dahil nakararanas ka ng allergy.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...